View
3.357
Download
23
Category
Preview:
Citation preview
Aralin 2
Ang Konsepto ng KakapusanInihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.
Nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
BALIK-ARAL
SURIIN ANG MGA PRODUKTONG NAKALISTA SA HANAY A AT B SA CHART.
HANAY A HANAY B
BigasIsdaGulay Bawang
GasolinaGintoNickel Tanso
Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit magkakasama ang mga produkto sa iisang hanay? Ipaliwanag
Dumating si Mister galing trabaho.
Mister: Mahal, ano ang ulam?
Misis: Nakalagay sa table mamili ka.
Mister: E tuyo lang ang nakalagay dito ha! Ano pagpipilian ko?
Misis: Mamili ka kung kakainin mo yan o hindi. Ako d pa kumakain.
Joke Time, Remate, May 30, 2015
BASAHIN ANG JOKE SA IBABA AT PAG-ISIPAN
Ano ang pinapahayag ng binasa mo? Bakit kaya ito nangyayari?
• Ito ang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
• Pinaniniwalaan na ang bawat ekonomiya ay nakakaranas ng kakapusan sa pinagkukunang-yaman.
ANO ANG KAKAPUSAN?
Pisikal na Kalagayan· Tumutukoy sa limitadong pinagkukunang-yaman.
Kalagayang Pangkaisipan· Tumutukoy sa walang hanggang pangangailangan
at kagustuhan ng tao.
URI NG KAKAPUSAN
URI NG KAKAPUSAN
Absolute ang kakapusan kapag nahihirapan ang kalikasan at tao na paramihin at pag-ibayuhin ang kapakinabangan ng pinagkukunang-yaman.
Relative ang kakapusan kapag ang pinagkukunang-yaman ay hindi makasapat sa walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-yaman. Non-renewability ng ilang pinagkukunang-yaman. Kawalang-hanggan ng pangangailangan ng tao.
DAHILAN NG KAKAPUSAN
KAKAPUSAN
• Ang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
KAKULANGAN
• Pansamantalang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman na kayang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
PAGKAKAIBA NG KAKAPUSAN AT KAKULANGAN
TEORYANG PANG-EKONOMIKS NI
THOMAS MALTHUS
Magpapatuloy sa mabilis na paglaki ang populasyon kung hindi ito makokontrol. Samantala, ang produksyon ng pagkain ay mabagal at hindi makasasabay sa mabilis na paglaki ng populasyon.
Nag-iiba ang pag-uugali (behavior) ng tao kapag hindi niya nakakamit ang kanyang mga pangangailangan. Ang pag-uugali ng tao ay nagiging hindi katanggap-tanggap. Natututo siyang magdamot, mandaya at manlinlang sa kapwa. Nagiging bunga ng kakapusan ang kaguluhan at pagtaas ng presyo ng mga bilihin (inflation).
KAKAPUSAN BILANG SULIRANING PANLIPUNAN
BREAK MUNA!
• Ano ang dahilan kung bakit may suliranin ng
kakapusan sa inyong lugar?
• Paano nagiging dahilan ng kaguluhan at pagtaas ng
presyo ang kakapusan?
PAGPAPAHALAGA
MGA KAISIPAN TUNGKOL SA KAKAPUSAN
TRADE-OFFS
Hindi kayang makuha ng tao ang lahat ng kanyang
pangangailangan.
Upang makuha ang isang bagay, kailangang isakripisyo
ang iba.
MGA KAISIPAN TUNGKOL SA KAKAPUSANOPPORTUNITY COST
Ang halaga ng bagay na handang isuko o bitawan
upang makamit ang isang bagay.
Nagkakaroon nito dahil sa limitasyon ng mga
pinagkukunang yaman.
PRODUCTION POSSIBILITY FRONTIER (PPF)
Nagtatakda sa hangganan ng lahat ng
kumbinasyon ng kalakal at paglilingkod na maaring
maprodyus kung matalinong ginagamit ang lahat ng
pinagkukunang-yaman ng isang lipunan.
PAGPILI SA PAGITAN NG PRODUKSYON NG MAIS AT PALAY
800
550
Produksyon ng palay
AD
C
B
1,100 1,300Pro
duks
yon n
g m
ais
PAGBUBUOD
Nagiging panlipunang suliranin ang kakapusan kapag hindi nakakamit ng tao ang kanyang layunin.
Upang maging responsible ang tao sa kanyang pagdedesisyon, kailangan niyang mabatid ang opportunity cost ng kanyang desisyon
REFERENCES:
EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
www.WikiPinas.com
Recommended