34
7/21/2019 ARALIN 3.1 http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 1/34 ARALIN 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular I. Panimula at Mga Pokus na Tanong Nahihilig ka rin ba sa pagbabasa ng mga   pocketbook , magasin at komiks? Maliban sa mga aklat na isinulat ni Bob Ong, nabasa mo na ba ang mga naisulat nina Eros Atalia, Ricky Lee, Edgar Samar at Jun Cruz Reyes? Eh, ang mga nakakikilig na Textstory  ni Marcelo Santos sa Facebook, nabasa mo na? Paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin ang mga popular na babasahin ng kabataan? Malalaman mo ang mga sagot sa mga tanong na ito sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral. II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito: Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa mga babasahing popular gaya ng tabloid, komiks, magasin, at kontemporaryong dagli bilang bahagi ng panitikang popular upang maunawaan mo kung bakit mahalagang basahin ang mga ito. Narito ang mga aralin na makatutulong upang matamo mo ang  pamantayang pangnilalaman na lilinangin sa araling ito. ARALIN 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular Aralin 3.1 a. Panitikan: Panitikang Popular na Babasahin (Tekstuwal Analisis)  Pahayagan(tabloid )/broad sheet  Komiks  Magasin  Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika  Pormal  Di-pormal  Balbal III. Mga Inaasahang Kasanayan  Ang sumusunod ang kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito.

ARALIN 3.1

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ARALIN 3.1

Citation preview

Page 1: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 1/34

ARALIN 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo

sa Kultura at Panitikang Popular

I. Panimula at Mga Pokus na Tanong

Nahihilig ka rin ba sa pagbabasa ng mga   pocketbook  , magasin at komiks?

Maliban sa mga aklat na isinulat ni Bob Ong, nabasa mo na ba ang mga naisulat ninaEros Atalia, Ricky Lee, Edgar Samar at Jun Cruz Reyes? Eh, ang mga nakakikilig na

Textstory   ni Marcelo Santos sa Facebook, nabasa mo na? Paano naiiba ang

tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ngtranspormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular?Bakit kailangang basahin ang mga popular na babasahin ng kabataan? Malalaman moang mga sagot sa mga tanong na ito sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral.

II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito:

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa mgababasahing popular gaya ng tabloid, komiks, magasin, at kontemporaryong dagli bilangbahagi ng panitikang popular upang maunawaan mo kung bakit mahalagang basahinang mga ito. Narito ang mga aralin na makatutulong upang matamo mo ang

 pamantayang pangnilalaman na lilinangin sa araling ito.ARALIN 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang

PopularAralin 3.1 a. Panitikan: Panitikang Popular na Babasahin

(Tekstuwal Analisis)

  Pahayagan(tabloid )/broad sheet

  Komiks

  Magasin  Kontemporaryong Dagli

b. Wika: Antas ng Wika

  Pormal

  Di-pormal

  Balbal

III. Mga Inaasahang Kasanayan Ang sumusunod ang kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay

mo sa araling ito.

Page 2: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 2/34

 

Kon

temporaryong

Panitikan

Tungo

sa

Kultura at

Panitikang

Popular 

Mga Kasanayang Pampagkatuto

PakikinigNaililipat sa isang graphic organizer  ang mga impormasyongnapakinggan (transkoding)

  dayagram

  grap  grid

Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang pahayag,mensahe at teksto

PagsasalitaNailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga datos sapananaliksik

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin

Pag-unawa sa BinasaNakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito

Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay sa:

  paksa

  layon

  tono

  pananaw

  paraan ng pagkakasulat

  pagbubuo ng salita  pagbubuo ng pangungusap

  pagtatalata

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasang teksto gaya ng sumusunod:

  Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto

  Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang

nakapaloob sa teksto

Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng  paksa

  tono

  layon

  estilo at

  gamit ng mga salita.

Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa mga

Page 3: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 3/34

nangyayari sa:

  sarili

  pamilya

  pamayanan

  lipunan

  daigdig

Nakapagbibigay ng sariling kuro-kuro at mungkahi tungkol sa alinmansa mga paksa gaya ng sumusunod:

  HIV and Drug Prevention

  Peace Education 

  Karapatang Pambata at Kanilang Responsibilidad

  Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga Pilipino

PagsulatNagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng ideya sapagsulat tulad ng panayam, brainstorming , pananaliksik at panonood

  Nakapagsasagawa ng rebisyon kung kinakailangan

  Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon

Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad, organisasyon ogrupo na nagpapatunay sa datos o impormasyong nagbibigaykredibilidad sa mga kaisipan at opinyong ipinahahayag sa kaniyanglathalain

TatasNagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal naFilipino pasalita man o pasulat

Nagagamit ang gramatika/retorika at bokabularyong Filipino sapakikipagkomunikasyon, pasalita man o pasulat

Pakikitungo sa Wika at PanitikanNaiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan sapag-aaral ng wika at panitikan

Nagagawa ang mga pang-araw-araw na gawain sa klase na maykasiyahan at kasiglahan

Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong pag-aaral ngwika at panitikan

Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan sapag-aaral ng wika at panitikan

Nagagamit sa angkop na sitwasyon at pangangailangan ang mga

Page 4: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 4/34

 

IV. Konseptuwal na Balangkas

Narito ang grapikong presentasyon ng araling ito na makatutulong upangmaiplano mo ang iyong mga gawain:

Maaaring sabik na sabik ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin natin angtungkol sa mga babasahing popular gaya ng tabloid, komiks, magasin atkontemporaryong dagli.

natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan

Estratehiya sa Pag-aaralNaipamamalas ang kakayahang maisaayos ang mga impormasyon attalang nalikom mula sa iba’t ibang lawak ng pag-aaral/pananaliksik

  Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga datos

sa pananaliksik

  Nalilikom ang mga impormasyon sa tulong ng mga sangguniansa aklatan/internet  

PanonoodNagpapamalas ng kakayahang suriin ang teksto o diskursongnapanood

  Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa isang

napapanahong isyu na may kaugnayan sa napanood

Panitikan: Mga Popularna Babasahin

  Pahayagan (tabloid/

broad sheet )

  Komiks

  Magasin

  Kontemporaryong

Dagli

Wika: Antas ng Wika

  Pormal

  Di-pormal  Balbal

 Aralin3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kulturaat Panitikang Popular

Produkto/Pagganap: Literary Folio nasumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ngbarangay.

Page 5: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 5/34

V. Panimulang Pagtataya

Crossword Puzzle  Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng mga gabay sa

pagsagot. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Gabay sa Pagsagot 

1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista. (pababa)

2. Pahayagan ng masa. (pahalang)

3. Kuwentong higit na maikli sa maikling kuwento. (pahalang)

4. Makulay na babasahin na hitik sa iba’t ibang impormasyon (pahalang)  

VI . Yugto ng Pagkatuto

lamin

Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabilang modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil,

nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na angkinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks, magasin, at daglingkatha ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyunal na uri ng

 panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamangteknikal ang panitikang popular. Simulan na natin ang pag-aaral nang sa ganoo’ymalaman mo kung paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang

 popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipinotungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin ang mga babasahing popular?

Sa tulong ng Sarbey-Tseklist, nais kong malaman kung alin sa mga babasahing popular ang kilalang-kilala mo at binabasa ng kabataang tulad mo. Sa pamamagitannito, nakatitiyak akong maihahambing mo ang mga babasahing popular na ito sa mgatradisyunal na anyo ng panitikan na pinag-aralan mo sa Modyul 1 at 2 sa huling bahaging araling ito.

Page 6: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 6/34

GAWAIN 3.1.a : Sarbey-Tseklist

Lagyan mo ng tsek (/) ang mga babasahing popular para sa iyo. Pagkatapos,iayos ang mga ito nang paranggo batay sa naging resulta. Lagyan ng bilang 1-4 angbawat kahon. Pinakamataas ang bilang 1  samantalang ang bilang 4  angpinakamababa. Gawin sa papel. Gayahin ang format

Pahayagan  Komiks  Magasin  Mga Aklat 

Broadsheet ___ Inquirer   ___ Manila Bulletin ___ Philippine Star ___ Business

Mirror ___ Manila TimesTabloid  

 ___ Abante

 ___ Taliba ___ Pilipino Mirror ___ Pilipino Star

Ngayon ___ Tempo

 ___ Aliwan ___ Pantastik ___ Halakhak ___ Pugad Baboy ___ Super ___ Manhwa

KoreanComics

 ___ Archie

 ___ Marvel ___ JapaneseManga

 ___ Captain America

 ___ Liwayway ___ Yes! ___ FHM ___ Candy ___ T3 ___ Men’s Health  ___ Metro ___ Entrepreneur ___ Cosmopolitan

 ___ GoodHousekeeping

 ___ Mga Aklat ni

Bob Ong ___ Florante at

Laura ___ Noli Me

Tangere ___ Mga Aklat ni

Eros Atalia ___ Aklat-

Kalipunanng mga Tula

 ___ Teksbuk ___ HorrorBooks  ___ Antolohiya ng

MaiklingKuwento

 ___ Kalipunan ngDaglingKatha

 ___ Bibliya

RANGGONG AYOS

Pahayagan (tabloid/ broad sheet)

Komiks

Magasin

Kontemporaryong Dagli

LEYENDA

1 ------------------------------------- Pinakapopular saakin

2 ------------------------------------- Popular sa akin3 ------------------------------------- Di-masyadong

popular sa akin4 ------------------------------------- Hindi popular sa

akin

Page 7: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 7/34

GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha

Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-tseklist, naiskong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang tanong sa araling ito sapamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi tapos na pahayag sa loob ng kahon nghinuha. Pagkatapos ng araling ito saka mo dugtungan ang kasunod na mga pahayagna nasa labas ng kahon.

Ngayo’y naunawaan ko na, ________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________

Nabago ang aking paniniwala sa ___________________ _____________________________________________________  

Bilang patunay na nauunawaan mo na ang nilalaman ng araling ito, ikaw ayinaasahang makagagawa ng isang literary folio  na sumasalamin sa kasalukuyangkalagayan ng isang barangay. Ipagpatuloy mo lang ang pagsagot sa mga gawainginihanda para sa iyong pag-unawa.

Sa aling palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uring panitikan ay

 ____________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________  Sa aking palagay, ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng ____

 _____________________________________________________________ _____________________________________________________________

Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil

 _____________________________________________________________

Page 8: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 8/34

Paunlarin 

 Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan moang mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin nating magaan

ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Tutulungan kitang alamin kung paano naiiba angtradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mulasa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? At bakit kailangang basahinang mga babasahing popular? Maligayang araw ng pag-unawa!

Napakaraming popular na babasahin sa kasalukuyan ang kinagigiliwang basahin.Nariyan ang mga tabloid, komiks, magasin, at mga kontemporaryong dagling katha. Magsimulatayo sa tabloid.

PAHAYAGAN (tabloid)

Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-

araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hanggang bago matulog ay

nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilangisang uri ng print media  ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura.

Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang blog  sa Sanib-Isiptungkol sa tabloid.

Tabloid: Isang Pagsusuri 

William Rodriguez II

“Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilandito ay Ingles ang midyum.”  

Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang

presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa.Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa

radyo.May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay 'di naman naibabalita sa TV  atradyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mga

nilalaman nito.

Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanaptalaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports , literatura o 'di kaya'y sumagot ng palaisipan.

Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong

pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil saFilipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet  

na ang target readers  ay Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid  ay masyadong binibigyang-

diin ang tungkol sa sex  at karahasan kaya't tinagurian itong 'sensationalized journalism.'Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa

itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang

balita?

Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid   ang

nagsi-circulate sa bansa.

Page 9: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 9/34

 GAWAIN 3.1.c: List ing

Napansin mo ba ang pagsusuri sa artikulo tungkol sa tabloid   at broadsheet ?Ngayon, ibig kong itala mo ang mga katanggap-tanggap na ideya o pahayag mula saartikulo. Isulat sa papel ang sagot.

Mga Katanggap-tanggap na Ideya o Pahayag

1.2.3.4.5. 

Mga Gabay na Tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid  kaysa sabroadsheet ?

2. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na Internet ,bakit marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan?

Pagkatapos mong malaman ang ilang konsepto tungkol sa popular nababasahing tabloid , dumako naman tayo sa isa pang kinagigiliwang basahin, lalo na ngkabataang tulad mo – ang komiks.

KOMIKS

Ang komiks  ay isang grapikong midyum na ang mga salita  at larawan  ay

ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks

ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na

maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na

makaapekto nang may lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa

kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat

ng mga uri ( genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling

ekspresyon.

Page 10: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 10/34

Narito ang isang halimbawa ng komiks at ang mga bahagi nito.

Sinasabing ang  komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na

babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman at

nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat

at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.

Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa mga

bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba.

Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit angmga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa

kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa

palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila

ang tapang ng mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maramingpinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.

Pamagat ng

kuwento

Larawang guhit ng

mga tauhan sa

kuwento

Kuwadro- Naglalaman

ng isang tagpo sa

kuwento ( frame)

Lobo ng usapan-

Pinagsusulatan ng usapan ng

mga tauhan; may iba’t ibang

anyo ito batay sa

inilalarawan ng dibuhista.

Kahon ng Salaysay-

Pinagsusulatan ng

maikling salaysay

tungkol sa tagpo

 Isinulat ni Carlo J.Caparas. Mula sa

 Komiklopedia.wordpress.

com.

Page 11: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 11/34

 

Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal  ang kauna-unahangPilipino  na gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's

Record " sa Europa ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng

bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya. 

Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito samga magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula

dito, nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946,

Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950.

 Mga larawan mula sa

 Philippine Online

Chronicles

Page 12: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 12/34

  Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng

komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos angpaggamit ng

murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta ito nang

pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas para  magtrabaho sa Amerika sa

parehong industriya, ang komiks. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo,

Alex Niño at iba pa.

Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa

panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa

Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang

hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng

paglilibang.

Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya

sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong

2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyonsa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan  sa iba’t ibang bahagi ng

Pilipinas.

Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ngkomiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog  ni Fermin Salvador, 'world-class ' 

ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks.

Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing

pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong

Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, PhilipTan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba.

Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon

nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang

komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang

kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga

Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para makabasa-- magpapatuloy ang

eksistensiya ng komiks.” 

Nakatutuwang mabasa na kayang-kaya ng mga dibuhistang Pinoy namakipagsabayan sa buong daigdig sa larangan ng paglikha ng komiks? Ikaw, hindi kaba naaakit na maging tulad din nila? Ang kanilang kasanayan sa larangang ito angnagbigay sa kanila ng ikabubuhay at katanyagan.

Page 13: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 13/34

 

GAWAIN 3.1.d: Guhit-Likhang Kuwento

Subukin mo ang iyong kakayahan na malagyan ng angkop na salitaan ang mga

larawang guhit sa bawat kuwadro ng komiks istrip upang makabuo ka ng isang

kuwento.

Mga Gabay na Tanong:

Mga Gabay na Tanong

1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks?

2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon at

ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan?

Ngayon ay dumako na tayo sa tinatawag na pinakamakulay na popular nababasahin sa kasalukuyan  –  ang magasin.  Ituloy mo lamang ang pagbabasa at

gagabayan kita sa tulong ng nakawiwiling mga gawain upang lalo mo pang maunawaanang araling ito.

Isang araw,

ipinakita atikinuwento ng

lola ni Cyrus

ang mga

sumikat na

komiks noon

na siya ang isasa mga

dibuhista nito.

…W akas.

Page 14: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 14/34

MAGASIN

Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.

Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito,naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang

panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang

Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ngmga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasalamang lalo na ang mga nobela.

Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang

produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan

ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang

nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.

1. FHM (For Him Magazine)  - Ang magasing ito ay tumatayo bilang

mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang

mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba panang walang pag-aalinlangan.

2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing

gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sakalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.

3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong

nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga

responsibilidad at maging mabuting maybahay.4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz . Ang nilalaman nito ay palaging

bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa

mga pinakasikat na artista sa bansa.5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping  at mga isyu hinggil

sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.

6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay

gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.

7. Men’s Health  – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng

kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga

pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging

paborito ng maraming kalalakihan.8. T3  - Isang magasin para lamang sa mga  gadget.  Ipinakikita rito ang mga

pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mganapapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget .

9. Entrepreneur  –  Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng

negosyo.

Talagang napakalayo na nang narating ng magasin sa Pilipinas. Magmula saLiwayway hanggang sa mga popular ngayong magasin.

Page 15: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 15/34

GAWAIN 3.1.e: Kontra-Saliksik

Sa bahaging ito, nais kong magsagawa ka ng sarili mong pananaliksik sa mgaguro sa inyong paaralan kung anong popular na magasin ang binabasa nila. Gamitinmong gabay sa pananaliksik ang kasunod na balangkas na nasa ibaba. Gawin sapapel.

Pamagat: _______________________________________

Mga Natuklasan sa NaunangBinasang Pananaliksik

Mga Natuklasan sa IsinagawangPananaliksik

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid , komiks, at magasin sa isa’t

isa?

2. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang mga babasahing ito sa pag-unlad

ng iyong pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan?

Binabati kita sa matiyaga mong pagbabasa at pagsagot sa mga gawain. Ngayonnaman, dumako na tayo sa pinakatampok na popular na babasahin na ituturo sa iyo ngmodyul na ito  –  ang kontemporaryong dagli. Basahin at unawain ang teksto.Pagkatapos, sagutin ang inihandang mga tanong at gawain.

KONGKLUSYON ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 

 

Page 16: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 16/34

KONTEMPORARYONG DAGLI

Ang dagli  ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling

kuwento.  Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas,  sinasabing

lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. 

Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang

pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isangmaikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng daglisina Iñigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng,  Jose Corazon de Jesus, 

Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K.

Santos.

Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot

ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na

pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930.

Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng

pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyolat tinawag na Instantaneas . Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga

manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Español dahilhindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit

patula ang himig.

Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at

nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling

nasa ilalim ng sagisag-panulat

Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila niTolentino para sa antolohiyang “Ang Dagling Tagalog: 1903-1936” ang tumatalakay

sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan.

Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan dingginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang

lumalaban sa mananakop na Amerikano.

Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap

na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid  

o tampok na kuwento (feature story ) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa

pahayagan, at telebisyon. Aniya, “na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag nadagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan—anekdota, slice-

of-life, day-in-the-life, at iba pa at  lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng

kwento sa media).” 

ANG DAGLI SA KASALUKUYAN

Page 17: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 17/34

Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction  o sudden fiction  sa

Ingles ang dagli. Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila,  naunangnagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash

fiction na umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng

magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa

mga probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng

kuwentuhan.Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong Paspasan” na

pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon.  Taong 2011 naman nang mailathala ang

“Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)” ni

Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang

“samu’t saring pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang

ang paggamit ng wika.” Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga

dagli ni Jack Alvarez na may pamagat na "Ang

Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez

ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig mula sa maliitat partikular na karanasan… Isang makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan ng

bansa.

Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan, 

pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles.

Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros

"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at

reporter ay may malaking ipinagkakaiba.” 

"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.” 

"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.” 

"At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa

pahayagan." 

(Sampagita, 8 Nobyembre 1932)  

Sa pagdaan ng panahon, maraming katawagang nagsulputan na hinango sa flashfiction. Batay sa naging karanasan ni Abdon Balde Jr., isang manunulat, mula sa

isang pulong ng lupon ng manunulat sa Pilipinas ay pinagtatalunan din kung ano ang

itatawag sa higit na pinaikling maikling kuwento. Lumabas ang “Mga Kuwentong

Paspasan,” na inedit ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay walang

sukat at karamihan ay lampas ng 150 salita. Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang

dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa

Page 18: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 18/34

Panitikan ay maigi ang pangalang malapit sa Flash  Fiction.  Nang magpanukala si

Michael Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde Jr. ang Kislap, Kuwentong

ISang igLAP. Kung kaya ang naging bunga ng pag-uusap ay naisulat at nailathala angaklat na “Kislap” ng manunulat na si Abdon M. Balde Jr. Ang aklat na ito, ayon samanunulat ay kalipunan ng mga kuwentong maaaring umabot, maaaring hindi, ngunit

hindi hihigit sa 150 salita.

Narito ang isang halimbawa ng KISLAP ni Abdon Balde Jr. na umabot sa 116

na salita.

HAHAMAKIN ANG LAHAT

Abdon M. Balde Jr.

(Sangguniin ang aklat na 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr., p. 29 na inilathala ng

ANVIL PUBLISHING, INCORPORATED upang mabasa ang kabuuan ng dagling

katha)

Matapos ang pagkakalathala ng 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr. Sinundan

naman ito ng pagkakalathala ng “Wag Lang Di Makaraos” ni Eros Atalia na

kinatatampukan ng kaniyang 100 Dagli. Ayon sa manunulat, halos tatlong taon din

niyang isinulat ang aklat. Mas nahirapan siyang isulat ito kaysa sa mga nauna niyang

aklat na nalathala.

Narito ang isang Dagling Katha ni Eros Atalia mula sa pahayagang Pilipino

Mirror na nalathala noong Oktubre 29, 2012. Una itong nailathala ng Visual Print

Enterprises noong Disyembre, taong 2011.

SKYFAKES

Eros Atalia(Sangguniin ang aklat na “WAG LANG DI MAKARAOS” na ini lathala ng Visual

Print Enterprises upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha)

Mga Gabay na Tanong/Gawain1. Sa tulong ng Concept Map, itala ang hinihinging mga impormasyon kaugnay ng

binasang teksto.

Page 19: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 19/34

 

2. Sa pamamagitan ng Dayagram na Paghahambing at Pagtutulad, suriin angnilalaman ng dalawang Dagli na iyong nabasa batay sa paksa, tono, layon,estilo, at gamit ng mga salita. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

KONTEMPORARYONG DAGLI

MgaUnan

Internasiyonalna Pag-aaral na

Naisagawa

Tungkol sa Dagli

Lokal na Pag-aaral na

Naisagawa

Mga Katangianng Naunang

Dagling KathaLayunin ng

Naunang mgaDagling Katha

HAHAMAKIN ANG LAHAT Abdon M. Balde Jr.

SKYFAKESEROS ATALIA

 ____________________________________________ 

 ____________________________________________ 

 ____________________________________________  ____________________________________________ 

 ____________________________________________ 

 

Paano Nagkakatulad?

 ___________________________ 

 ___________________________ 

 ___________________________ 

 ___________________________ 

 ___________________________ 

 ___________________________ 

Paano Nagkaiba?

Page 20: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 20/34

3. Sa tulong ng T-Chart , ibigay ang mga kaisipang taglay ng bawat akda at iugnayito batay sa mga nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, at daigdig.Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

4. Gamit ang 3-2-1 Chart , Itala ang mga natuklasan, kapaki-pakinabang nakaalaman, at tanong nasa iyong isipan hanggang sa ngayon magmula sa unanggawain hanggang sa huling gawain sa aralin.

3-2-1 CHART

3. Mga Natuklasan

2. Mga Kapaki-pakinabang na Kaalaman

1. Mga Katanungang Nasa Isipan Hanggang sa Kasalukuyan

5. Sa tulong ng Three Minute Pause, Ilahad ang sariling kongklusyon, paniniwala,pagbabago sa sarili at bisa ng mga akda hindi lamang sa sarili kundi sanakararami.

1. Kongklusyon 2. Paniniwala 3. Pagbabago sa sarili

6. Pansinin ang paggamit ng mga salita ng dalawang manunulat, Ano ang kapuna-puna sa paggamit nila ng wika sa kanilang akda?

HAHAMAKIN ANG LAHAT Abdon M. Balde Jr.

SKYFAKESEROS ATALIA

Kaisipan: Kaisipan:

1. sarili:2. pamilya:3. pamayanan:4. lipunan:5. daigdig:

1. sarili:2. pamilya:3. pamayanan:4. lipunan:5. daigdig:

Page 21: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 21/34

 7. Magbigay ng mga tiyak na patunay mula sa akda tungkol sa paggamit nila ng

wika. Sino ang gumamit ng pormal, di- pormal at balbal na wika?

Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating aralin.Upang lubos mong maunawaan ang araling pangwika sa ating aralin, narito ang isang

kaugnay na teksto (pabula) basahin at suriin ang wikang ginamit ng manunulat.Maligayang pagbabasa!

GAWAIN 3.1.f: Pahina ng Pagkilala (Pagbasa o Pakikinig)

Basahing mabuti ang teksto. Pansinin ang ginamit na wika ng manunulat.

Ang Talangkang Nakaharap Lumakad

(pabula)Jayson Alvar Cruz

Usap-usapan sa baryo Talangkukay ang kakaibang pag-iisip at ikinikilios ni

Mokong Talangka. Hindi siya palakibo at madalas na hindi nakikihalubilo sa

iba pang talangka sa kanilang baryo. Madalas lamang siyang natatanawan sa kaniyang

bintana na nagbabasa, umiinom ng kape at nagsusulat. Minsan, isang batang talangka

ang nagkainteres na usyosohin kung ano ang ginagawa ni Mokong Talangka. Mula sa

maliit na butas sa dingding ng

bahay ni Mokong Talangka ay sumilip ang batang talangka. Laking pagtataka ng

batang talangka nang marinig niyang tila may kausap si Mokong Talangka.

Batid ng lahat sa baryong iyon na mag-isa na lamang sa buhay si Mokong Talangka.

Ang pagtatakang ito ng batang talangka ay napalitan ng pagkatulala at pagkagulat

sapagkat ang kausap ni Mokong ay ang mismo nitong sarili habang nakaharap sa

salamin. At ang lalong ikinagimbal ng batang talangka ay nang makita nito ang

kakaibang paglakad ni Mokong Talangka, paharap na katulad ng ibang hayop at hindi

patagilid kagaya ng ibang talangka sa kanilang baryo.

Umugong ang bulung-bulungan sa baryo Talangkukay matapos na ipagkalat ito

ng batang talangka. Nagtaasan ang kilay ng mga purok lider na talangka sa baryo.

Page 22: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 22/34

Nagtawanan naman ang mga istambay na talangka sa kakaibang paraan ng paglakad ni

Mokong Talangka.

“Nababaliw na siguro si Mokong, palibhasa’y hindi sumasali sa mga usap-

usapan dito sa ating baryo. Parati lamang kaharap ang kaniyang mga aklat,” wika ng

isa sa mga purok lider na nasa umpukan.

“Kaawa-awang nilalang, maagang pinanawan ng bait,” pambubuska ng isa pang

talangka.

Laking gulat ng mga talangka sa umpukan nang makitang nagbukas ng pinto si

Mokong Talangka. Tila patungo ito sa kanilang kinaroroonan. Nagulat ang karamihan

nang makitang paharap nga na maglakad si Mokong at hindi patagilid.

“Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?” Tanong ni Mokong sa mga naroong lider

talangka sa kanilang baryo.

“ Oo! Eh ano naman sa iyo ngayon kung ikaw ang pinag-uusapan namin?”

Pagtataray ng isang babaeng talangka.

“Nais kong linawin ang kumakalat na masamang mga balita laban sa akin. Ako’y

walang ginawang masama laban sa inyo. Tahimik lamang ako at ninanais

na makapag-isa. Tama kayo. Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa sa akingbahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking mga naisusulat.

Naniniwala ako na walang saysay ang isang panulat kung hindi ito maririnig at

maiparirinig. Natuwa naman ako dahil may isa sa inyo dito ang nagkaroon ng interes

sa aking mga ginagawa. Marahil siya ang nagbalita sa inyo nito. Tungkol naman sa

aking kakaibang paraan ng paglalakad na taliwas sa inyong nakaugaliang paglakad,

ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong maging kakatwa sa karamihan. Hindi kolamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na mauunawaan n’yo rin ako

balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon.” Mahinahong paglilinaw ni Mokong

Talangka.

Page 23: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 23/34

Saglit na natulala ang karamihan. Muling bumalik si Mokong Talangka sa

kanyang bahay. Nabuhayan na lamang ang mga talangka nang maipinid na ni Mokong

ang pinto ng bahay nito.

“Hu, ang akala mo’y kung sinong marunong. Siya lang ang magaling. Siya lang

ang mahusay”. Galit na winika ng isang purok lider na talangka.  

“At may sinasabi-sabi pang mabuti’t may nagkainteres sa kaniyang ginagawa.

Walang may interes sa kaniyang mga ginagawa kundi ang sarili niya lamang,” inis na

tinig ng isa pang purok lider na talangka.

Lingid sa kaalaman ng lahat ng talangka ay narinig ni Mokong ang lahat ng

masasakit na salitang binitiwan ng mga kabaryo niyang talangka. Naisip

bigla ni Mokong na paano naging lider ang mga ito gayong walang kakayahang mag-

isip para sa kanilang sarili, paano pa kaya ang kanilang mga nasasakupan?

Isang araw, habang nagmamasid ang batang talangkang si Tikang sa butas ng

bahay ni Mokong, nagulat si Tikang dahil mula sa kanyang likuran ay may kung sino

ang kumalabit dito. Si Mokong Talangka. Nagimbal sa kahihiyan

si Tikang Talangka. Pinahupa ni Mokong ang kaba at kahihiyan ng batang talangka.

Inalok niya itong pumasok sa kaniyang bahay.

Namangha si Tikang talangka sa dami ng aklat na naipon ni Mokong talangka.

Maayos na nakasalansan ito sa bawat dingding ng bahay. Patong-patong sa maliit na

mesa ang mga magasin at pahayagan. Kapansin-pansin din ang nakasubong papel sa

makinilya ni Mokong talangka.

“Maaari mong hawakan at basahin ang nakikita mong mga aklat. Ang maiibigan

mo ay maaari mo nang iuwi sa inyong tahanan.” Marahang alok ni Mokong talangka. “Talaga po!” Ang bait n’yo pala. Akala ko po kasi ay salbahe kayo dahil wala

kayong kinakausap sa ating lugar. Sabi po kasi ng mga magulang ko,

huwag daw po kaming lalapit sa bahay ninyo dahil nababaliw na po raw kayo.” Sunod-

sunod na nawika ni Tikang.

Page 24: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 24/34

“Tikang, ang pakikipag-usap at pakikisalamuha sa ibang tao ay hindi masama

subalit paano ako makikitungo sa kanila kung ako naman ay hindi nila nauunawaan?

Sinubukan ko na dati na makipag-usap sa mga purok lider ng ating baryo. Nagbigay

ako ng mga mungkahi tungo sa pag-unlad ng buhay ng mga kababaryo natin. Ngunit,

ano ang naging reaksiyon nila sa nais kong mga pagbabago? Kabaliwan daw at nalalayo

sa katotohanan ang aking mga ipinagsasasabi. Magmula noon, hindi na ako lumahok sa

anumang pagtitipon at

pulong na ipinatatawag sa baryo natin. Namuhay akong mag-isa kapiling ang mga

aklat at ang aking panulat. Dito sa loob ng bahay ko ibinuhos ang

naiisip kong magiging solusyon sa krisis at matagal na problema nating mga talangka

sa baryo Talangkukay,” paliwanag ni Mokong talangka. 

“ Isa na lamang po, bakit po paharap ang inyong paraan ng paglalakad?” pag-

uusisa ni Tikang.

“Dahil ayaw kong patangay na lamang sa agos, sa kulturang kinamumuhian ko

sa asal nating mga talangka. Dahil sa iisang paraan ng paglalakad natin, nagkakaroon

ng hilahan kapag may dumarating na panganib sa ating baryo. At kung may nauuna

namang mag-isip na isang talangka sa karaniwang talangka ay ganoon din ang

ginagawa nila, hinihila. Ayaw ko nang ganoong kultura. Kaya magmula noon ay pinag-

aralan ko ang lumakad nang paharap at hindi patagilid.” Dugtong ni Mokong Talangka.  

Gabi na nang makauwi si Tikang sa kanilang bahay. Agad siyang inusisa

ng kaniyang mga magulang. Nang malaman na nanggaling ito sa bahay ni Mokong

talangka ay pinagalitan ito. Ipinagtanggol naman ni Tikang si Mokong at sinabing mali

ang mga paratang nila, mabait at maginoo ang sinasabingnababaliw na si Mokong. Dahil sa sinabi ni Tikang, nag-init ang ulo ng ama nito at

agad na pinulong ang ibang kasamahang talangka. Nilusob nila ang bahay ni Mokong.

Page 25: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 25/34

“Walang  kahihiyan ang Mokong na iyan. Nilalason ang isip ng anak ko.

Tinuturuang magrebelde sa amin. Kailangang mawala sa landas natin ang talangkang

iyan.” Galit na wika ng ama ni Tikang.

“Lumabas ka Mokong! Harapin mo kami dito!” Sigaw ng ina ni Tikang. 

Nakaakma na ang lahat ng sandata ng mga talangkang nasa harap ng bahay ni

Mokong nang biglang yumanig ang lupang kanilang tinatapakan.

“Mga kasama, nariyan na ang mga taong nananalakab. Takbo!” Sigaw ng isang

purok lider.

Nagsipanakbuhan ang mga talangka. Nag-uunahan. Ang ibang maliliit na

talangka ay naiwan sapagkat hinihila ng ibang kasamahang talangka. Naipit naman

ang iba. Laking tuwa ng mga mananalakab sapagkat napakarami nilang nahuling

talangka. Wala halos natira sa lipi ng talangka sa baryo Talangkukay

maliban kay Mokong Talangka na dahil sa paharap ang nakaugaliang paglalakad ay

naiba ng direksiyon mula sa nagtakbuhang kababaryo. Ikinalungkot ni Mokong ang

nangyari sa ibang kasama. Mula sa kalayuan ay may narinig siyang pamilyar na tinig,

isang kababaryo niyang talangka ang umiiyak. Si Tikang. Agad niyang tinungo ang

kinaroroonan ng humihikbi. Natuwa naman si Mokong nang makita niya si Tikang

gayundin naman ang batang talangka.

“Ngayon po ay nauunawaan ko na kung bakit paharap ang paraan ng paglalakad

ninyo”, nawika ni Tikang. 

“Salamat Tikang. Ngayon, bubuo tayo ng bagong henerasyon ng mga talangka

sa ating baryo. Isang henerasyon na may busilak na kalooban na walang halong inggit

sa kalooban”. Marahang tugon ni Mokong Talangka. 

GAWAIN 3.1.g: Pahalaganitik

Page 26: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 26/34

Bigyang-halaga ang pabulang binasa sa pamamagitan ng PAHALAGANITIK.Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang kaisipan sa loob ng frame.Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Mga Gabay na Tanong

1. Anong antas ng wika ang ginamit ng manunulat sa akda? Patunayan sapamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak na bahagi mula sa akda.

2. Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang maipahayag niyaang kaniyang saloobin o paniniwala? Patunayan.

3. Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na komunikasyon?Ipaliwanag ang iyong sagot.

Alam mo ba… 

Kabilang sa Antas ng Wika ang 1. Balbal 2. Kolokyal 3. Diyalektal/ Lalawiganin 4.Teknikal at 5. Masining

Sa araling ito, bibigyang halaga ang pagtalakay sa promal, di-pormal, at balbal na antasng wika.

ANTAS NG WIKA

Ang Katibayan ng Pagpapahalaga

Inihahandog para sa akdang

Dahil sa taglay nitong mensahe tungkol sa ____________________

 ______________________________________________________.

 Nagkaroon ng pitak sa aming puso ang maiiwan nitong kaisipan na ______________________________________________________

ng Talangkang Nakaharap Lumakad

(pabula)

Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

Page 27: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 27/34

Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa loob ng

bawat isa ay may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan ang pambansa, pampanitikan at

Teknikal. Samantala ang mga Di-pormal naman ay lalawiganin, kolokyal at balbal.

Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang Pormal, Di pormal at ang

Balbal

1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mgapanulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga

paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng

bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na

usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga

panuntunang gramatikal.

2. Di-Pormal  –  Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang

bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito

ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mgapanghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din- rin, daw-

raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na parang

nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng mga wikang di-

pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan.

Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha

o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa

buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit.

Binabati kita!  Ngayon ay natapos mo na ang bahaging Paunlarin .

Pagnilayan at Unawain

Nakatitiyak na ako na taglay mo na ang mahahalagangkonseptong nais kong maunawaan mo sa tulong ng mga

tanong at gawaing iyong napagdaanan. Ipagpatuloy lamang ang ipinamamalas na sipagat tiyaga sa pagtugon sa mga gawain sa araling ito. Nakatitiyak ako na alam mo na kung

 paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon

Page 28: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 28/34

ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? At bakit kailangang basahin ang mga babasahing popular? Subukin ko nga.

GAWAIN 3.1.h : Malikhaing Pagsulat

Gamit ang iyong mga natutuhan sa araling ito, subuking humalaw ng iba’t ibanguri ng babasahin mula sa diyalogo gamit ang malikhain at mapanagutang gamit ng wika

(pormal).

ISANG GABI SA PILING NG MAYNILA

Jayson Alvar Cruz

Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais niyang maranasan ang

kaniyang mga nababasa sa komiks tungkol sa kaunlaran ng Maynila. Ibig niyang

makita ang nagtatayugang mga gusali. Gusto niyang malakaran ang naglalakihang mall.

Gabi na nang makarating sa Maynila si Boyet. Sinundo siya

sa terminal ng kaniyang tiyuhin. Laking gulat ni Boyet sa larawang tumambad sa

kaniya. Nanikip ang kaniyang dibdib matapos makababa ng bus.

BOYET : “Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at lubhang napakarami ng

kalat.” 

TIYO: “Masanay ka na Boyet. Hindi ba gusto mong maranasan ang buhay

dito sa Maynila? Halika’t ipapasyal muna kita bago tayo umuwi ng

bahay.” Sa kanilang paglalakad, narinig ni Boyet ang usapan ng isang

pangkat ng mga kabataan.

BINATILYO 1: “Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!” 

BINATILYO 2: “Nagsolo ka naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy ako

kanina. Buti na lang, may karga si Tuklaw na tobats, naka-

 jam ako kahit konti.” BINATILYO 3: “Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts na

ko eh.” 

BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata.

Inginuso ang naglalakad na estudyante. Maya-maya’y

Page 29: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 29/34

  biglang naglaho ang tatlong binatilyo sa dilim. Narinig niya

ang impit na tili ng dalagitang estudyante.

Tinangkang saklolohan ito ni Boyet subalit pinigilan siya ng

kaniyang tiyuhin.

TIYO: “Huwag kang makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan mo

na sila.” 

BOYET : Bakit tiyo? Nangangailangan ng saklolo ang babae. Kailangan niya

tayo.

TIYO: “Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.” 

Nagpatuloy sila sa paglalakad, may sumalubong sa kanilang mga

babae. Nakapustura at puno ng kolorete ang mga mukha nito.

BABAE 1: “Boss, short time? 500 lang.” 

TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) “Hindi, ipinapasyal ko lamang ang

pamangkin ko.” 

BOYET: “Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng kanilang

pananamit?” 

TIYO: “Malalaman mo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit sila

nasadlak sa ganoong buhay. Mauunawaan mo rin ang lahat dito sa

Maynila.” Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa

kaniyang paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip.

Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng

kaniyang tiyuhin. Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang

binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ngkaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran ng

pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig niya ang sirena

ng pulis. Tumayo na sila. Paroo’t paritong nagtatakbuhan ang mga

tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin.

Page 30: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 30/34

  Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na

kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit,

masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni

Boyet.

BOYET : Tiyo, paano ninyo natitiis na tumira sa ganitong lugar? Hindi na ba

kayo babalik sa probinsiya? Wala ba kayong balak na doon

palakihin ang mga pinsan ko?

TIYO: Matagal ko nang binabalak na umuwi subalit naririto ang trabaho ko,

wala akong magawa Boyet, wala.

Ngayon pagkakataon mo na upang patunayan na talagang nauunawaan mo naang mahahalagang konsepto sa araling ito. Gaya ng ating napag-usapan sa unahangbahagi subukin mong humalaw ng iba’t ibang akda gamit ang malikhain atmapanagutang wika (pormal) mula sa mga pangyayari sa diyalogo batay sa hinihingi ngmga kahon sa ibaba: Maaari kang gumamit ng ibang papel sa bahaging ito.

BALITA Artikulo (Sanaysay)

KOMIKS DAGLING KATHA (Hanggang 150 salita)

BINABATI KITA! Matagumpay mong nasagutan ang mga gawain sa bahaging

Pagnilayan at Unawain ng   araling ito. Mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkolsa mga babasahing popular sa kasalukuyan. Gayundin, natutuhan mo na ang

kahalagahan ng malikhain at mapanagutang paggamit ng wika sa pamamagitan ng pag-unawa sa iba’t ibang antas ng wika. Natitiyak ko na sa tulong ng mga gawain nanaisagawa mo ay higit na lumawak at lumalim ang iyong pag-unawa. Paalala lamangna muli mong balikan ang Kahon ng Hinuha  at dugtungan mo na ang huling pahayagsa labas ng kahon upang matiyak mo kung nauunawaan mo talaga ang araling ito.Kinopya ko ulit ito para sa iyo.

GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha

Page 31: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 31/34

 

Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-tseklist, naiskong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang tanong sa araling ito sapamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi tapos na pahayag sa loob ng kahon nghinuha. Dugtungan ang kasunod na mga pahayag na nasa labas ng kahon.

Ngayo’y naunawaan ko na, ______________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________

Nabago ang aking paniniwala sa _________________________ _____________________________________________________  

 Alam kong handa ka na para sa susunod na bahagi. Sa mga natutuhan mongmga araling pampanitikan at pangwika ay natitiyak kong kayang-kaya mong maisagawaang Inaasahang Produkto- ang makabuo ka ng isang literary folio na sumasalamin sakasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Bago iyan, nakatitiyak ako namakatutulong sa iyo ang karagdagang kaalaman na ito tungkol sa Inaasahang Produkto

 – ang paggawa ng literary folio.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWANG LITERARY FOLIO

Sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat isa sa inyong klase ay makabubuo kayong isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay.Narito ang mga dapat isaalang- alang sa paggawa nito.

1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng inyongliterary folio. Kasama na rito ang napagkasunduang logo, konsepto ngpabalat ng aklat at kinakailangang mga larawan.

Sa aking palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal nauri ng panitikan ay

 ________________________________________________ __________________________________________________________

Sa aking palagay, ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng __________________________________________________________ __________________________________________________________

Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil __________________________________________________________

Page 32: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 32/34

 

Halimbawa:

2. Sumulat ng Panimula, Pasasalamat at Paghahandog sa unahang bahaging inyong literary folio.

3. Kinakailangang makita rin ang Talaan ng Nilalaman bago ang koleksiyon ng mgaakdang pampanitikan na isinulat ng bawat isa. Sikaping mauri ang bawat isa sabahaging ito upang madaling makita ng mambabasa kung tula, maikling kuwento, dulaat iba pang akdang pampanitikan.

4. At ang pinakatampok sa literary folio ang koleksiyon ng iba’t ibang akdang

pampanitikan na orihinal na isinulat ng bawat isa sa inyong klase na dumaan saproseso ng pag-eedit. 

Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng literaryfolio Nakatitiyak ako na magiging matagumpay ang iyong gagawing produkto.

Ilipat

 Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailipat ang mahahalagang

konsepto na iyong natutuhan sa tunay na buhay. Ikaw ay bibigyan ng mgagawain na magpapakita ng iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto na natamomo sa araling ito. Gamiting gabay ng inyong pangkat ang sumusunod na pamantayan.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1

 A. Malikhain

B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng mga

Mataas na Paaralang Neptali A. GonzalesLungsod ng Mandaluyong

KALSADA-PASADA(Mga Akdang Napulot sa Kalsada)

Literary Folio 2012

Page 33: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 33/34

pangungusap)

C. Makatotohanan (Sumasalamin sa lipunangginagalawan)

D. Pormal at responsable ang gamit ng wikaE. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng mga salita atbantas)

Binabati kita! Matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa Aral in 1  ng

modyul na ito! Sa pamamagitan ng mga gawain na iyong naisakatuparan, nagkaroon kana ng mas malalim na pag-unawa sa ilang kontemporaryong uri ng panitikan.Natuklasan mo na ba kung ano ang pinagkaiba ng tradisyunal na uri ng panitikan sakontemporaryong anyo nito? Bakit hindi mo subuking tayain ang iyong mga natutuhan?

VI. Pangwakas na Pagtataya

Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ito sa iyongsagutang papel.

 ___________1. Isang grapikong midyum ng mga salita at larawan ay

ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.

 ___________2. Ang tawag sa mga kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang

2,000 libong salita.

 ___________3. Ito ay naglalaman ng mga maikling kuwento at sunod-sunod

LEYENDA20 – 25……………………………………………… ... Napakahusay  15 – 20 ………………………………………………. Mahusay  10 – 15 ………………………………………………. Katamtamang

Husay  5 – 10 ………………………………………………. Hindi mahusay  0 – 5 ……………………………………………….. Nangangailangan

ng rebisyon 

Page 34: ARALIN 3.1

7/21/2019 ARALIN 3.1

http://slidepdf.com/reader/full/aralin-31-56de722521f12 34/34

  na mga nobela.

 ___________4. Binubuo ito ng mga salitang ginagamit lamang sa pang-araw-

araw na usapan.

 ___________5. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa

ibang wika na binago ang anyo upang maiakma sa paggamit.

Sa susunod na aralin, bibigyan natin ng pansin ang mundo ng broadcast media . Aalamin natin kung ano ang papel na ginagampanan ng radyo at telebisyon   sa pagbabagong anyo ng panitikan at kung paanong ang ating napakikinggan atnapanonood ay nagkakaroon ng malaking bisa sa ating kamalayan sa mahahalagangkaganapan sa ating lipunan? Pagkatapos sagutan ang ilang mga tanong sa PanimulangPagtataya para sa Aralin 3.2. Ipagpatuloy mo na ang iyong pag-aaral.