Mga Patunay at Mga Posibilidad

Preview:

Citation preview

Mga Pahayag sa Pagbibigay

PATUNAY

1. NAGPAPAHIWATIG

• ang tawag sa pahayag na hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensiya subalit sa pamamagitan nito ay masasalamin ang katotohanan.

2. NAGPAPAKITA

• salita ang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay tunay o totoo.

3. MAY DOKUMENTARYONG EBIDENSIYA

• Ito ay mga patunay na maaaring nakasulat, larawan o video.

4. NAGPAPATUNAY/KATUNAYAN

• ang salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.

5. TAGLAY ANG MATIBAY NA KONGKLUSYON

• ang tawag sa katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba, o impormasyon na totoo ang pinatutunayan.

6. KAPANI-PANIWALA

• salita ang nagpapakita na ang ebidensiya ay makatotohanan at maaaring makapagpatunay.

7. PINATUTUNAYAN NG MGA DETALYE

• Makikita mula sa mga detalye ang patunay ng isang pahayag. Mahalagang masuri ang mg detalye para makita ang katotohanan sa pahayag.

POSIBILIDAD

Mga Ekspresyong Naghahayag ng

Posibilidad

• Ito ang tawag sa mga pahayag na maaaring magkatotoo subalit hindi pa matiyak o masiguro o may mga pag-aagam-agam pa ang taong nagsasalita.

Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad:

Baka… pwede kaya ang…Maaari… siguro,..Marahil,… Tila…Sa palagay ko,.. Posible kayang..?May posibilidad bang..?

• Dahil posibilidad ang inilalahad sa mga ekspresyong ito, ang inaasahang sagot ay maaaring positibo o negatibo depende sa kung maaari ngang magkatotoo ang mga pahayag.

PAGSASANAY

• Buksan ang inyong mga aklat sa pahina 44, sagutin ninyo ang “Madali Lang ‘Yan” at “Subukin Pa Natin”.

PAGPAPAHALAGA

• Paano ninyo maiuugnay ang Discipline, bilang Monthly Hallmark natin ngayon, sa pagsasabi ng mga bagay na walang katiyakan o mga posibilidad lamang?

GAWAIN

• Sa isang buong papel, sumulat kayo ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pabula sa pamamagitan ng mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad.

    5   4   3    2Nilalaman, Pagkamalikhain

Ang mensahe ay mabisang naipakita.

Di gaanong naipakita ang mensahe.

Medyo magulo ang mensahe.

Walang mensaheng naipakita.

Kaugnayan May malaking kaugnayan sa paksa ang poster.

Di gaanong may kaugnayan sa paksa ang poster.

Kaunti  lang ang kaugnayan ng pos-ter sa paksa.

Walang kaugnayan sa paksa ang poster.

Kalinisan Malinis na malinis ang pagkakabuo.

Malinis ang pagkakabuo.

Di gaanong malinis ang pagkakabuo.

Marumi ang pagkakabuo.

Recommended