Lesson 6 Ikaw ay May Pananagutan

Preview:

Citation preview

IKAW ay may

PANANAGUTAN!

Lesson 6

1. Tunay ba na ang Dios mismo

ang nagsulat sa Sampung Utos?

• At kaniyang ibinigay

kay Moses… ang

dalawang tapyas ng

patotoo, ng mga

tapyas ng bato, na

sinulatan ng daliri ng

Dios.” “At ang mga

tapyas ay gawa ng

Dios, at ang sulat ay

sulat ng Dios, na naka

ukit sa mga tapyas.”

Exodo 31:8 32:16.

2. Ano ang

pakahulugan

ng Dios sa

kasalanan?

• “Ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan.”

1 Juan 3:4

3. Bakit ibinigay ng Dios sa

atin ang Sampung Utos?

• “Siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya.”

Kawikaan 29:18

• Ingatan ng iyon puso ang aking mga utos; Sapagka’t karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ay madadagdag sa iyo.”

Kawikaan 3:1,2

4. Bakit

lubhang

napakahalaga

ng kautusan

ng Dios sa

akin?

“Gayon ang inyong salitain, at gayon ang inyong gawin, na gaya ng mga taong huhukuman sa pamamagitan ng kautusan ng kalayaan.”

Santiago 2:12

5. Maaari bang ang kautusan ng

Dios (ang Sampung Utos) ay

mapalitan o mapawalang bisa?

Ngunit lubhang,

magaan pa ang

mangawala ang

langit at ang lupa,

kay sa mahulog ang

isang kudlit ng

kautusan.”

Lucas 16:17

Ang tipan ko’y hindi

ko sisirain, ni akin

mang babaguhin

ang bagay na

lumabas sa aking

mga labi.”

Awit 89:34

• “Lahat niyang

mga tuntunin ay

tunay.

Nangatatatag

magpakailan-

kailan man.”

Awit 111:7,8

6. Winalang bisa ba ni Jesus

ang kautusan ng Dios nang

Siya’y naririto pa sa lupa?

• Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan…Ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin…Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.”

Mateo 5,17,18

7. Ang mga tao bang tikis na

nagpapatuloy sa pagsalangsang sa kahit

na isa sa mga kautusan ng Dios ay

maliligtas?

“Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” Roma 6:23

• “At upang lipulin mula roon ang mga

makasalanan niyaon.”

Isaias 13:9

“Sapagkat ang sinomang gumaganap ng

buong kautusan, at gayon ma’y natitisod sa

isa, ay magiging makasalanan sa lahat.”

Santiago 2:10

8. Maaari bang maligtas ang kahit

na sino sa pamamagitan ng

pagganap sa kautusan?

“Sapagkat sa

pamamagitan ng mga

gawa ng kautusan ay

walang laman na

aariing-ganap sa

paningin niya.”

Roma 3:20

• “Sapagkat sa biyaya kayo’y nangaligtas sa

pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi

sa inyong sarili ito’y kaloob ng Dios; hindi sa

pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman

ay huwag magmapuri.”

Efeso 2:8,9

9. Bakit nga; ang kautusan ba ay lubos na

mahalaga para sa pagdadalisay ng

katangiang pangkristiano?

• “Ikaw ay matakot sa

Dios, at sundin mo

ang kaniyang mga

utos; sapagka’t ito ang

buong katungkulan

ng tao. Eclesiastes

12:13

• “Sapagka’t sa

pamamagitan ng

kautusan ay ang

pagkilala ng

kasalanan.”

Roma 3:20

10. Ano ang

nagpapahintulot sa isang

tunay na nagbalik-loob na

kristiano upang sundin

ang balangkas ng

kautusan ng Dios?

• “Ilalagay ko ang

aking mga

kautusan sa

kanilang mga

pag-iisip at sa

kanilang mga

puso.”

Hebreo 8:10

• “Lahat ng bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.”

Filipos 4:13

11. Ngunit hindi ba’t ang isang may

pananampalatayang kristiano at

nabubuhay sa ilalim ng biyaya ay ligtas

na sa pagganap sa kautusan?

“At ang kasalanan (pagsalangsang sa kautusan ng Dios-1 Juan3:4) ay hindi makapaghahari sa inyo; sapagka’t wala kayo sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya. Ano nag? Mangagkasala baga tayo, (salangsangin ang kautusan) dahil sa tayo’y wala sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari.”

Roma 6:14,15

“Niwawalan kaya

nating

kabuluhan ang

kautusan sa

pamamagitan ng

pananampalatay

a? Huwag

nawang

mangyari; kundi

pinagtitibay pa

nga natin ang

kautusan.”

Roma 3:31

12. Ano kaya ang nararamdaman

ng diablo tungkol sa mga taong

bumabalangkas ng kanilang buhay

sa Sangpung Utos ng Dios?

• “At nagalit ang

dragon (diablo) sa

babae (ang tunay

na iglesia), at

umalis upang

bumaka sa nalabi

sa kaniyang binhi,

na siyang

nagsisitupad ng

mga utos ng Dios,

at mga may

patotoo ni Jesus.”

Apocalipsis 12:7

• “Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ang mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus.”

Apocalipsis 14:12

Mga Sagot sa Inyong

Mga Katanungan

1. Hindi ba’t sinasabi ng

Biblia na ang kautusan ay may

kakulangan?

SAGOT:

Hindi! Ang sabi ng Biblia, ang mga tao “ang may kakulangan sa kanila.” Hebreo 8:8. At sa Roma 8:3 sinasabi ng Biblia na ang kautusan “mahina sa pamamagitan ng laman.” Ito’y magkaparehong katha sa tuwina. Ang kautusan ay sakdal, subali’t ang mga tao ay may

pagkukulang o mahina.

Kaya’t binigay ng Dios ang Kaniyang bugtong na Anak upang mabuhay kasama ang Kaniyang bayan “upang ang kahilingan ng kautusan ay

matupad sa atin” (Roma 8:4)

sa pamamagitan ni Cristo

2. Ayon sa Galacia 3:13, tayo ay

tinubos mula sa sumpa ng

kautusan, maaari mo bang

ipaliwanag ito?

SAGOT: Ang sumpa ng kautusan ay kamatayan (Roma 6:23). Nilasap ni Cristo “ang kamatayan dahil sa bawa’t tao.” Hebreo 2:9. Sa makatuwid, Kaniyang niligtas ang lahat mula sa sumpa ng kautusan (kamatayan) at bilang kapalit

ay panghabang buhay.

3. Hindi ba’t ang Colosas 2:14-17 at

Efeso 2:15 ay nagtuturo na ang

kautusan ng Dios ay nagwakas sa

krus?

SAGOT:

Hindi, ang mga talatang ito ay tumutukoy sa kautusang naglalaman ng mga “ordinansa,” o mga kautusan ni Moises, na isang sermonyal na kautusan na bumubuklod sa sistemang sakripisyal at pagkasaserdote. Lahat ng mga seremonya at rituwal na ito ay pababala ng krus at nagwakas sa pagkamatay ni Cristo, ng tulad ng

plano ng Dios.

Ang kautusan ni Moises ay nadaragdag hanggang sa “ang binhi…ay pumarito, “ang binhi na ito ay si Cristo.” Galacia 3:19,16. Ang kautusan ng Dios ay hindi sangkot dito dahil binanggit ni Pablo bilang banal, makatuwiran at mabuti maraming taon ng nakalipas pagkatapos ng krus (Roma

7:7,12)

4. Sinasabi ng Biblia na, “Ang pag-ibig

nga ay siyang katuparan ng

kautusan.” Roma 13:10. At sa Mateo

22:37-40, inuutusan tayo ng Biblia na

ating ibigin ang Dios at kapuwa, at

natapos sa mga katagang, “Sa

dalawang utos na ito’y nauuwi ang

buong kautusan at ang mga propeta.”

Ang mga utos ba na ito ay kapalit ng

Sangpung Utos?

SAGOT:

Hindi, ang Sangpung Utos ay nakakabit sa dalawang kautusan na gaya ng ating Sangpung mga daliri na nakakabit sa ating dalawang kamay. Sila ay hindi maaring paghiwalayin. Ang pag-ibig sa Dios ay magaganap sa pamamagitan ng pagtupad sa naunang apat na kautusan (na

tumutukoy sa Panginoon).

Tanging ang kasiyahan at pag-ibig sa ating kapuwa ang nagaganap sa pamamagitan ng pagtupad sa huling anim (na tumutukoy sa ating kapuwa),

isang katuwaan. kagalakan.

Natutupad ng pag-ibig ang kautusan sa pamamagitan ng pag-alis sa mga bitag at patibong at sa pamamagitan ng pagganap sa kautusan ng mga galak. Kung tapat nating iniibig ang isang tao, ang paggalang sa kaniayng mga

kahilingan ay nagiging kagalakan.

5. Hindi ba ang 2 Corinto 3:7 ay

nagturo na ang kautusan na

nakasulat at nakaulit sa mga bato

ay “lumipas”?

SAGOT: Hindi. Sinasabi ng talata na ang “kaluwalhatian” ng pangangasiwa ni Moises sa kautusan ay lupias, ngunit hindi ang kautusan. Sa ilalim ng pangangasiwa ni Moises, ang kautusan ay nauukit sa bato. Sa ilalim ng pangangasiwa ng Banal ng Espiritu, sa pamamgitan ni Cristo,

ang kautusan ay nasusulat sa puso.

6. Ayon sa Roma 10:4, “si Cristo

ang kinauuwian ng kautusan.”

Kaya’t ito’y nagwakas na, hindi

ba?

Sagot: Ang “kinauuwian” sa talatang ito ay nangangahulugang layunin o nasa, na tulad sa Santiago 5:11. Ang kahulugan ay maliwanay. Upang akayin ang mga tao kay Cristo na kung saan ay dito nila matatagpuan ang katwiran—na siyang layunin, nasa

o kinauuwian ng kautusan.

7. Bakit napakaraming tao ang

nagtatakwil sa mga bumibigkis na

pag-aangkin ng kautusan ng

Dios?

SAGOT:

“Sapagkat ang kaisipan ng laman ay pakikipaggalit laban sa Dios: sapagka’t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari: At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios. Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios.”

Roma 8:7-9

8. Ang mga matutuwid bang mga

tao sa Lumang Tipan ay naligtas

sa pamamagitan ng kautusan?

SAGOT:

Wala pang naliligtas sa pamamagitan ng kautusan. Lahat ng mga naligtas sa lahat ng panahon ay naligtas sa pamamagitan ng biyaya. Ito’y “biyaya na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus buhat pa ng mga panahong walang hanggan.” 2 Timoteo 1:9 Ang kautusan ay natuturo lamang sa kasalanan. Si Cristo lamang ang makapagliligtas.

9. Bakit mababagabag tungkol sa

kautusan? Hindi ba ang budhi ay

isang ligtas na gabay?

SAGOT:

Hindi! Isang libong ulit na hindi! Ang Biblia ay nagsalita tungkol sa masamang budhi at isang namarkahang budhi—wala ni

isa rito ay ligtas.

Ang mag-asawa ay dapat humanap ng tulong –propesyonal sa pamamagitan ng isang kuwalipikado at kristianong tagapayo ukol sa pagsasama ng mag-

asawa.

Para sa karagdagang pag-aaral,

paglilinaw o mga katanungan,

Magpost lamang sa group

timeline at bibigyan po namin

kayo ng kasagutan.