Upload
arnel-bautista
View
936
Download
16
Embed Size (px)
Citation preview
ARALIN 5 : Tungkulin,
Karapatan, at Pananagutan ng Bawat Kasapi ng
Mag-anak
Nagiging payapa at kasiya-siya ang pamumuhay ng mag-
anak:1. May pag-uunawaan.2. May pagsusunuran.3. May paggagalangan.4. May pagdadamayan.5. May pag-ibig sa Diyos at sa
kapwa tao.
TUNGKULIN NG MGA MAGULANG AT ANAK:1. Ama – ay ang haligi ng tahanan. Tungkulin niya ang: a. maghanapbuhay b. pagdidisiplina sa mga anak sa tulong ng ina c. Higit na nagpapasya sa mahahalagang bagay na may kaugnayan sa mag-anak. d. Katulong ng ina sa pagpapalaki at pagsubaybay sa mga anak.
e. May takdang tungkulin tulad ng pagkukumpuni ng sirang kagamitan sa tahanan.
2. Ina – ay ang ilaw ng tahanan. Tungkulin niya ang: a. Arugain at subaybayan ang mga anak hanggang sa lumaki ang mga ito. b. Gagabay at huhubog sa mga anak upang lumaking may mabuting asal.
c. Nangangasiwa sa kabuhayan ng mag-anak d. Nag-aasikaso ng pagkain, pananamit, at pag-aaral ng mga anak. e. Gumagawa ng halos lahat ng pagpapasya tungkol sa mga gawain sa tahanan. f. Naghahanapbuhay upang makatulong sa ama sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mag-anak.
3. Magulang Tungkulin nila ang: a. Maging mabuting huwaran sa mga anak. b. Ipakita at ituro ang pagiging: - magalang - masunurin - malinis - matipid - mabuting pakikipagkapwa
4. Mga Anak Tungkulin nila ang: a. Mahalin at igalang ang mga magulang. b. Tumulong sa mga gawain sa tahanan - paglilinis ng bahay, paglalaba, pagluluto c. Pag-aalaga ng mga nakakabatang kapatid. d. Mag-aral nang mabuti upang matumbasan ang pagmamahal at pagpapakasakit ng kanilang mga magulang.
5. Magkakapatid Tungkulin nila ang: a. Magtulungan at magbigayan upang maiwasan ang alitan sa tahanan. b. Maging huwaran sa kanilang nakababatang kapatid
Karapatan ng mga Magulang sa Anak:1. Igalang at sundin ng mga anak.2. Pamahalaan ang kabuhayan ng mag-
anak.3. Magtakda ng mga alituntuning dapat
sundin ng bawat kasapi para sa ikabubuti ng lahat at sa pagiging maayos ng tahanan.
4. Magpapasya ng mga bagay sa kagalingan ng mag-anak.5. Malaman ang lahat tungkol sa bawat kasapi ng mag-anak mabuti man o masama.6. Ipagbigay alam at hingin ang kanilang pahintulot sa anumang balak ng mga anak na makaaapekto sa pamumuhay nilang mag-anak.7. Magpahinga at makapagsarili.
Karapatan ng Anak:1. Lumaki bilang kasapi ng mag-anak na sapat
ang mga pangangailangan.2. Mamuhay sa isang tahimik, malinis at ligtas na
tahanan. 3. Mahalin, pahalagahan, at mamuhay ng normal
sa loob ng tahanan.4. Makapag-aral upang mapaunlad ang kanilang
pagkatao.
TANDAAN: 1. May kanya-kanyang tungkulin at karapatan ang bawat kasapi ng mag-anak na dapat gampananan upang maging kasiya-siya at maayos ang pamumuhay sa tahananan.2. Ang bawat tungkulin at karapatan ay may katumbas na pananagutan,3. Ang kagandahang-asal tulad ng pagmamahal, paggalang, pagiging matulungin, at masunurin ay kailangan upang maging masaya, maayos, at payapa ang tahanan.