Anim na Antas ng Pagtatanong Ayon sa Ikalawang Antas ng Cognitive Domain ni Bloom

  • View
    5.514

  • Download
    69

  • Category

    Sports

Preview:

Citation preview

Anim na Antas ng Pagtatanong sa Ilalim ng

Antas Pag-unawa sa Kognitibong Domeyn ni

Benjamin Bloom

(1) PAGPAPALIWANAG

Naglalayong agarang malaman ng mga mag-aaral ang mga bagay-bagay /impormasyon sa isang partikyular na kondisyon.

Halimbawa:Bakit nangyari ang ganito/Bakit

nakaganun?Ipaliwanag ang pangyayari.

Patunayan.Magkakaugnay ba ang mga

pangyayari?Bilang paglalahat/konklusyon. . .

(2) INTERPRETASIYON

Nagmumungki na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga nakatagong bahagi ng kaalaman sa mga impormasyon.

Halimbawa:Ano ang ibig sabihin ng. . . ?

Patunayan.Bakit mahalaga na. . . ?Ano ang inilalarawan/ipinahihiwatig

ng. . . ? Patunayan. Ano ang kaugnayan ng. . . sa’yo?

Bakit?

(3) PAGLALAPAT (TRANSFER QUESTION)

Ginagamit upang mailapat ang nakaimbak na kaalaman ng mga mag-aaral sa ibang sitwasyon:

Bumuo/Sumulat/Gumawa ng. . .Magtanghal ng. . .

(4) PAGBUO NG SARILING PANANAW

Tinatawag sa Ingles na reflective questions:

Ano ang pananaw ng . . . Patunayan.Alin sa mga sumusunod na pananaw/ideya

ang kapani-paniwala/di kapani-paniwala? Ipaliwanag.

Patunayan kung tama/di tama ang. . . Bakit?

Maglahad ng iyong sariling pananaw batay sa. . . Bakit?

(5) PAGKILALA SA SARILI

Tinatawag din sa Ingles na self-knowledge:

Paano nakakatulong sa tao ang pagkilala sa sarili?

May limitasyon ba ang pag-unawa ng tao?Kailan ba dapat umunawa/di-umunawa?Paano ko gagawing kalakasan ang aking

kahinaan?Paano ko magagamit ang aking mga

kalakasan?Paano ko matatanggap ang aking sarili

bilang ako?

(6) EMPA-THY

Sa Filipino ay Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba.

Ano ang damdaming nangingibabaw sa. . . ?

Ano ang mga nakita ko na hindi mo nakita sa. . . ?

Ano ang mga dapat kong maranasan upang matuto akong umunawa sa. . . ?

Nararapat ko bang maramdaman ang. . . ?Sino sa mga tauhan ang dapat unawain/di

dapat unawain?

Iba pang Uri ng mga Tanong

OPEN QUESTIONS

Karaniwan itong nagsisimula sa Ano, Bakit, at Paano.

Nagsisimula rin sa Sabihin mo nga. . ., at Ilarawan mo nga. . .

Mainam sa:Pagbubukas ng

Usapan: “Kumusta ka na?”

Pagpapalawig ng Usapan: “Ano pa ba ang dapat nating gawin para maging matagumpay ang proyektong ito?”

Paggalugad ng Opinyon ng Iba: “Ano sa palagay mo ang ibubunga ng political crisis natin ngayon?”

CLOSE QUESTIONS

Maiikli, direkta at makatotohanan ang sagot.

Ito ay mainam sa:Pagtataya sa Pag-unawa sa’yo ng Iba:

“Kapag ba nakapasa ako sa mga kwalipikasyong ito, tataas na rin ang posisyon ko?”

Pagbibigay Konklusyon sa Usapan/Paggawa ng Desisyon: “Ngayong alam na natin ang totoo, itutuloy pa ba natin ang plano?”

FUNNEL QUESTIONS

Ginagamit ito ng mga detective/inspektor para makakuha

ng sapat na katibayan/impormasyon mula sa witness.

Kapag gagamit ng ganitong tanong, magsimula muna sa closed questions at saka na ang open questions.

Halimbawa:

Inspektor: Mga ilan ba ang nasangkot sa gulo?

Saksi: Mga sampu.I: Mga matatanda na ba o puro

kabataan pa lang?S: Karamihan po mga bata.I: Mga ilang taong gulang na kaya

sila?

S: Mga 14 po hanggang 15.I: May naaalala ka bang kakaiba sa mga

suot nila?S: Hmmm, oo. Iyong iba sa kanila,

nakasuot ng pulang sumbrerong pam-baseball.

I: May nakita ka bang logo sa mga sumbrero nila?

S: Ahhh, oo! May nakita akong mga letrang B at U!

Mainam ito sa:Paghahanap ng Iba pang Detalye sa

isang Tiyak na SitwasyonPagpapataas ng Tiwala ng Ibang Tao:

“Nasalamin mo ba ang pag-uugali at katauhan ng taong tumawag sa’yo base sa kanyang tono’t pananalita?”

PROBING QUESTIONS

Ang epektibong paraan nito ay paggamit ng 5Ws at How.

Ito ay mainam sa: Ilang Impormasyon para sa Ilang

Klaripikasyon: “Kailan mo ba kakailanganin itong report, gusto mo bang gumawa muna ako ng draft bago ko ibigay sa’yo ang pinal na kopya?”

Pagpapa-amin sa mga Taong Umiiwas na Mapag-usapan ang Isang Bagay: “Ano ba talaga‘ng nangyari?”

LEADING QUESTIONS

Pinapasakay nito ang mga kausap sa iyong iniisip, nararamdaman o gustong sabihin.

Maaari ito sa mga ss:Pag-aakala: “At sa anong oras naman kaya

nila, sa tingin mo, idi-deliver ang in-order natin?”

Pagdagdag ng Personal na Katangian at Pagsasang-ayon: “Maganda siya, ano sa tingin mo?” “Mas okay ang isang ‘yan, diba?”

Pagpuri sa Tanong Upang Walang Ibang Sagot Kundi Oo (Yes): Ang unang tanong na “Sasang-ayunan na ba natin ang kanyang iminungkahi?” ay mas mabuti at mas makakuku-ha ng maraming tugon na Oo kaysa sa tanong na “Gusto n’yo bang sang-ayunan na natin ang kanyang sinabi o hindi?”

RHETORICAL QUESTIONS

Ito ay ginagamit upang makapanghikayat ng mga

tagapakinig.Hindi rito nangangailangan ng sagot

mula sa tagapakinig.Halimbawa: (Vice Ganda maliligo sa pool…)Guard: Mam, maliligo po kayo?Vice Ganda: Ay hindi!

Maghihilamos lang ako sa pool.VG: Kuya, magkano po?G: Ang entrance po?VG: Ay hindi, yung exit! Kita nang

papasok pa lang… Ang tanga!G: Ako po?VG: Ay hindi, yung pool!

Recommended