2
Diocese of Parañaque COMMISSION ON LITURGY AND POPULAR RELIGIOSITY Diocesan Center for Evangelization 8 Villonco Road, Km. 21, West Service Road, Muntinlupa City 1770 Telephone Number: [Pastoral Department] (02) 850-9315 Email: [email protected] * Multiply: dopclpr.multiply.com Facebook: Paranaque Liturgical Commission PRAYER OF THE FAITHFUL Ash Wednesday Pari: Ngayong simula ng panahon ng Kuwaresma, manalangin tayo na ang mga abong ipapahid sa ating mga nuo ay mag- anyaya ng buong pusong pagbabalik-loob natin sa Panginoon. Idulog natin sa Ama ang nais nating makamtang pagbabagong loob. Tugon: Panginoon, Manahan ka nawa sa amin Lector: Manahan ka nawa Panginoon sa Simbahan upang ipagpatuloy Niya ang pagtatanggol sa mga inuusig dahil sa kanilang pananampalataya kay Kristo at pag-asa sa katotohanan Siya ay nananahan sa kanila. Manalangin tayo… Manahan ka nawa Panginoon upang ipagpatuloy ng mga namumuno sa pamahalaan ang kanilang pagtatanggol sa karapatang pang-tao, ibalik mo ang dignidad ng kanilang paglilingkod upang ito ay magawa nila ng buong puso at walang hinihintay na kapalit. Manalangin tayo… Manahan ka nawa Panginoon sa lahat ng mga maralita, nagdurusa at mga inaapi, matagpuan nawa nila ang pag- asa at katatagan sa mga taong may mabuting kalooban, Manalangin tayo. Manahan ka Panginoon sa mga taong nagpapagaling ng mga may sakit at tumutulong sa mga maralita, nawa’y sila ay

dioceseofparanaque.orgdioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2017/03/cir... · Web viewNgayong simula ng panahon ng Kuwaresma, manalangin tayo na ang mga abong ipapahid sa ating

  • Upload
    doanque

  • View
    216

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: dioceseofparanaque.orgdioceseofparanaque.org/wp-content/uploads/2017/03/cir... · Web viewNgayong simula ng panahon ng Kuwaresma, manalangin tayo na ang mga abong ipapahid sa ating

Diocese of ParañaqueCOMMISSION ON LITURGY AND POPULAR RELIGIOSITY

Diocesan Center for Evangelization8 Villonco Road, Km. 21, West Service Road, Muntinlupa City 1770

Telephone Number: [Pastoral Department] (02) 850-9315Email: [email protected] * Multiply: dopclpr.multiply.com

Facebook: Paranaque Liturgical Commission

PRAYER OF THE FAITHFUL

Ash Wednesday

Pari: Ngayong simula ng panahon ng Kuwaresma, manalangin tayo na ang mga abong ipapahid sa ating mga nuo ay mag-anyaya ng buong pusong pagbabalik-loob natin sa Panginoon. Idulog natin sa Ama ang nais nating makamtang pagbabagong loob.

Tugon: Panginoon, Manahan ka nawa sa amin

Lector: Manahan ka nawa Panginoon sa Simbahan upang ipagpatuloy Niya ang pagtatanggol sa mga inuusig dahil sa kanilang pananampalataya kay Kristo at pag-asa sa katotohanan Siya ay nananahan sa kanila. Manalangin tayo…

Manahan ka nawa Panginoon upang ipagpatuloy ng mga namumuno sa pamahalaan ang kanilang pagtatanggol sa karapatang pang-tao, ibalik mo ang dignidad ng kanilang paglilingkod upang ito ay magawa nila ng buong puso at walang hinihintay na kapalit. Manalangin tayo…

Manahan ka nawa Panginoon sa lahat ng mga maralita, nagdurusa at mga inaapi, matagpuan nawa nila ang pag-asa at katatagan sa mga taong may mabuting kalooban, Manalangin tayo.

Manahan ka Panginoon sa mga taong nagpapagaling ng mga may sakit at tumutulong sa mga maralita, nawa’y sila ay patuloy na maging mga sagisag ng Iyong awa sa mga taong nawawalan ng pag-asa at lakas, manalangin tayo

Manahan ka nawa Panginoon sa aming lahat upang ang panahon ng Kuwaresma at ang aming pagdiriwang ng “Year of the Parish as a Communion of Communities” ay maganyaya sa amin na magsumikap magpakabanal at maging isang pamayanang kasama si Kristo na aming kaagapay sa paglalabay sa buhay.

Pari: Lahat ng ito ay idinudulog namin sa Iyo Ama, sa pamamagitan ni Kristo.

Lahat: Amen