05 Artikulo Jose

  • Upload
    jomar

  • View
    575

  • Download
    12

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    1/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    27  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

     Artikulo

    PAGSISIMULA NG KILUSANG FEMINISTA

    SA PILIPINAS AT INDONESIA

    PANIMULANG PAGHAHAMBING

     

    Mary Dorothy dL. JoseDepartamento ng Agham Panlipunan

    University of the Philippines - Manila

     Abstrak  

     Ang papel na ito ay panimulang paghahambing sa pagsisimula ng kilusang feminista saPilipinas at Indonesia. Sa kadahilanang may kasalatan sa mga pag-aaral tungkol sa papel ngkababaihan sa kasaysayan at kadalasang natatalakay lamang sila kung ang nilahukan nilanglaranga’y panlalaki, minarapat na pagtuunan ng pansin sa papel na ito ang papel ng

    kababaihan sa pagpapasimula ng kilusang feminista sa Pilipinas noong 1905 at Indonesianoong 1912. Binalangkas ang paksa hindi lamang sa diwa ng  Araling Kababaihan kundi sadiwa rin ng  Araling Kabanwahan  sa pamamagitan ng komparatibong pag-aaral sa mgapagkakatulad at pagkakaiba sa naging karanasan ng Pilipinas at Indonesia sa usapin ngpagsisimula ng kilusang feminista sa dalawang bansa.

    PANIMULA

    Sa tradisyunal na kasaysayan, kadalasang nakatuon lamang sa kalalakihan ang talakayandahil nakapokus ito sa mga usaping pulitikal at diplomatiko, mga larangangnapapangibabawan ng kalalakihan. Mabuti na lamang at sa pag-usbong ng KasaysayangPanlipunan, nagkaroon ng puwang sa kasaysayan ang mga naisasantabing sektor nglipunan gaya ng kababaihan (Camagay 1998). Dagdag pa rito, dahil sa pag-usbong ngBagong Kasaysayan, nagkaroon ng espasyo ang kababaihan sa kasaysayan bilang bahaging Kasaysayang Sektoral  (Navarro 2012). Dahil sa mga pangkasaysayang ambag na ito sa

     Araling Kababaihan, nagkaroon ng pagkakataong mailangkap ang papel ng kababaihan sa

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    2/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    28  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    paghubog ng kasaysayan at makilala ang kanilang ambag hindi lamang sa pagbubuo ngbayan kundi sa pakikibaka para sa karapatang mamuhay sa lipunan kapantay ngkalalakihan.

    Kahalagahan ng Kilusang Kababaihan at Kilusang Feminista

    Minarapat sa papel na itong pagtuunan ng pansin ang pagpupunyagi ng kababaihan sapagtatatag ng mga kilusang feminista sa Pilipinas at Indonesia, dalawang magkalapit nabansang matatagpuan sa kapuluang Timog Silangang Asya.

    Bagama’t maiuugat ang orihinal na pagdadalumat sa feminismo sa Kanluran sa bisa ngmga akdang  A Vindication of the Rights of Woman  ni Mary Wollstonecraft (1792), The

    Second Sex  ni Simone de Beauvoir (1949), at The Feminine Mystique  ni Betty Friedan(1963) hanggang sa mga librong pangkasaysayang Black Women in White America: ADocumentary History ni Gerda Lerner (1972) at Gender and the Politics of History ni JoanScott (1988), masasabing inangkin na ito at nagkaroon ng sariling pagdadalumat sa iba’tibang bansa sa Timog Silangang Asya gaya ng Pilipinas na matutunghayan sa akda ni LiliaQuindoza-Santiago (1997) at tulad ng Indonesia na matutunghayan naman sa libro niSusan Blackburn (2004). Sa kanyang pag-aaral sa kaisipang feminista sa panulaangPilipino, tinalakay ni Quindoza-Santiago (1997) ang kilusang kababaihan at kilusangfeminista. Ayon sa kanya, ang kilusang kababaihan ang pangunahing pinanggagalinganng mga prinsipyo ng panunuring malay sa kasarian dahil ito ang pangunahing

    naghahanap ng mga isyung pangkasarian sa lipunan. Sinasabing dapat bumalangkas angkilusang kababaihan sa malinaw na ajendang panlipunan upang magsilbing matatag nasuhay ng kritisismo. Dito papasok ang kahalagahan ng feminismo bilang isang paraan ngpag-alam at pagsusuri. Sa mga pagkakataong may pagkilos ang kababaihan para saisyung pangkababaihan sa anumang larangan, masasabing may elemento itongfeminismo. Dagdag pa ni Quindoza-Santiago, maituturing ang feminismo bilang isangorganisadong kaisipang tinatanganan ng kababaihan sa pana-panahon sa isang takdangpormasyong panlipunan at samakatwid, umuusbong bilang isang ideolohiya kapagnagkakaroon ang babae ng magkakahawig na karanasan sa isang takdang kaayusan atpanahon at kung kailangan nilang kumilos upang ipaglaban ang kanilang karapatan.Hindi ito istatiko at walang iisang tunguhin at kahulugan. Hindi na mahalaga pa kung

    ano ang layunin, hugis o direksyon ng pagkilos kundi ang mahalaga, isinusulong nito angkapakanan ng higit na nakararaming kababaihan.

    Halos ganito rin ang mababanaag natin sa pakahulugan ni Susan Blackburn (2004) sakilusang kababaihan sa Indonesia na ayon sa kanya’y tumutukoy sa kolektibongartikulasyon ng mga naisin ng kababaihan, na binubuo ng kababaihang may malasakitupang maitaguyod ang adhikain ng mga kapwa kababaihan, kahit na sa anumang paraan

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    3/32

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    4/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

     30  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    pumapaksa sa kaugnay na bayan at/o ibang bayan. Dahil hindi lamang dapat nakatuonang pag-aaral ng kasaysayan sa sariling kabihasnan, layunin ng  Araling Kabanwahan angpag-aaral sa kaugnay na kabihasnan  at/o ibang kabihasnan, na maaaring pumaksa saibang kabihasnan  gaya ng Indonesia, Malaysia, Tsina, India, España, Mehiko, EstadosUnidos ng Amerika o Hapon (Navarro 2012).

    Sa papel na ito, minarapat na pagtuunan ng pansin ang kahalagahan ng pag-aaral ngkilusang feminista sa diwa ng  Araling Kabanwahan  upang matukoy ang ginampanangpapel ng kababaihan sa Pilipinas at Indonesia, dalawang bansang parehong maykoneksyong Austronesyano, sa pagpapasimula ng pakikibaka para maipaglaban ang mgakarapatan ng kababaihan. Dahil sinasabing isa sa mga pamana ng mga Austronesyano samga kabihasnan ng Timog Silangang Asya ang mataas na pagtingin sa kababaihan,mahalagang pag-aralan kung masisilayan pa rin sa pakikibaka ng mga unang feminista sa

    Pilipinas at Indonesia ang pamanang ito. At dahil parehong dumanas ng kolonyalismongKanluranin ang Pilipinas at Indonesia, mahalaga ring matukoy kung anu-ano ang mgapagkakapareho at pagkakaiba sa naging reaksyon sa kolonyalismo ng mga kilusangfeminista sa dalawang bansang ito. Sa pamamagitan ng paghahambing sa nagingkaranasan ng Pilipinas at Indonesia sa usapin ng pagsisimula ng mga kilusang feministasa mga nasabing bansa, inaasahang makatatagpo ng mga pagkakatulad at pagkakaiba. Sadiwa ng  Araling Kabanwahan, pagtutuunan ng pansin ng papel na ito ang mgapagkakatulad at pagkakaiba ng pagsisimula ng mga kilusang feminista sa Pilipinas atIndonesia.

    Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kilusang Feministasa Timog Silangang Asya

    Kakaunti pa lamang ang naisulat tungkol sa kasaysayan ng mga kilusang feminista saTimog Silangang Asya. Maaaring sumasalamin ito sa tradisyunal na pananaw sakasaysayan kung saan ang mga larangang pulitikal at diplomatiko ang mas pinagtutuunanng pansin, at dahil itinuturing ang mga kilusang feminista bilang bahagi ng mga kilusangpanlipunan (sa kaso ng Pilipinas) o kilusang panrelihiyon (sa kaso ng Indonesia) na hindiiniuugnay na kakawing ng kilusang nasyonalista, hindi ito napagtutuunan ng pansin.Subalit sa kaso ng Indonesia, malinaw na ang pinagmulan ng kilusang feminista ay

    kilusang nasyonalista kung kaya’t mahalagang iugnay ang feminismo sa nasyonalismosapagkat ang nagbuklod sa kababaihang Indones ay nasyonalismo at kolektibongpagkakakilanlan bilang babae (Blackburn 2013a). Ang pagpapahalaga sa nasyonalismobilang isang larangang panlalaki ay isa ring manipestasyon ng seksismong umiiral sakasaysayan sapagkat hindi nagiging mahalaga ang papel ng kababaihan kung hindi nilalalahukan ang mga larangang panlalaki gaya ng pagtataguyod ng nasyonalismo. SaPilipinas halimbawa, mas nakilala ang kababaihang lumahok sa aktwal na labanan gaya

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    5/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

     31  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    nina Teresa Magbanua at Trinidad Tecson kaysa sa mga Katipunerang umako ng ibangtungkulin sa kilusan maliban sa paglaban. At bagama’t natatalakay sa pambansangkasaysayan ang mga babaeng lumaban, kadalasang napagtutuunan ng pansin angkanilang katangiang mapag-aruga gaya ni Tecson na nakilala bilang “Ina ng Biak-na-Bato”dahil sa kanyang panggagamot sa mga sugatang rebolusyonaryo sa halip na bilang pinunong mga tropang binubuo ng kalalakihan sa ilang istratehikong pakikipagsagupa laban sakaaway (Ampil Tirona 1996).

    Mahalaga ring pag-aralan ang kilusang feminista sa Timog Silangang Asya dahilmagandang suriin kung paano pilit binawi ng kababaihan ang mataas na katayuan salipunan. Mayroong paniniwala ang mga antropologo at historyador na may mataas naposisyon ang kababaihan sa Timog Silangang Asya, lalo na kung ikukumpara sa ibangrehiyon sa Asya kung saan may mga manipestasyon ng mababang pagtingin sa

    kababaihan (halimbawa,  footbinding  sa Tsina at sati  o pagsunog sa biyuda sa India)(Blackburn 2013a). Sinasabing nakabatay ang ganitong pagtingin sa salik ekonomiko.Halimbawa, pinansin ng mga bumisita sa Timog Silangang Asya na parehongnagtatrabaho sa bukid ang kababaihan at kalalakihan, pinangungunahan ng kababaihanang pamilihang lokal at panloob na kalakalan, at nagsisilbing tagapamahalang pinansyalsa pamilya ang kababaihan (Blackburn 2013a).

    Kung gayon, mahalagang pag-aralan ang pag-usbong ng kilusang feminista sa TimogSilangang Asya upang makahanap ng mga pagpapatuloy at pagbabago, gayundin ng mgapagkakatulad at pagkakaiba, sa kasaysayan ng pakikibaka ng kababaihan para sa

    karapatang mamuhay nang may kalayaan kapantay ng kalalakihan.

    Kahalagahan ng Komparatibong Pag-aaralng Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

    Bilang bahagi ng Araling Kabanwahan, mahalaga ang pag-aaral tungkol sa pagsisimula ngkilusang feminista sa Pilipinas at Indonesia upang maikumpara ang naging salaysayin ngdalawang Austronesyanong bansa hinggil sa mga unang hakbang na tinahak ngkababaihan upang maipaglaban ang kanilang karapatan. Sa kadahilanang nakaranas angTimog Silangang Asya ng kolonyalismong Kanluranin, napakalaki ng pagkakataong may

    pagkakapareho ang naging karanasan ng mga bansa tungkol sa nasabing usapin.Gayumpaman, hindi dapat maging maagap sa pagbuo ng konklusyon sapagkat may mgainternal na dinamismo ang bawat lipunan na maaaring magbigay-daan sa mgapagkakaiba ng naging simula at tunguhin ng kilusang feminista. Subalit sa diwa ng

     Araling Kabanwahan, mahalagang makatagpo ng mga pagkakapareho at pagkakaiba sakaranasang pangkasaysayan ng dalawang bansa sa larangan ng pagsisimula ng feminismo.Dapat isaalang-alang na ang komparatibong pag-aaral ay higit pa sa pagtatabi-tabi ng

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    6/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

     32  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    magkakaibang bagay upang paghambingin at makatagpo ng mga pagkakatulad atpagkakaiba (Houben 2013) kundi isa sa pinakamataas na antas ng pangkasaysayangpagsusuri (Houben 2006). Kung kaya nga’t bukod sa paghahambing sa pagkakatulad atpagkakaiba, may pagpapahalaga rin sa pagpopook ang papel na ito. Gayumpaman, bilangpanimulang pag-aaral tungkol sa pagsisimula ng kilusang feminista sa Pilipinas atIndonesia, inaasahang makapagpupunla ng pundasyon ang papel na ito para sa mgasusunod na komparatibong pag-aaral hinggil sa nasabing paksa. Inaasahan dingmakaambag ang papel na ito sa binubuong talastasang feminista sa wikang Filipino.

    Ilan sa mahahalagang batis na ginamit para sa komparatibong pag-aaral na ito ang mgaakdang How the Filipina Got the Vote ni Pura Villanueva-Kalaw (1952) at The Feminist

     Movement in the Philippines 1905-1955 ni Trinidad Tarrosa-Subido (1955) para sa Pilipinasat Letters of a Javanese Princess ni Raden Adjeng Kartini (1921) at Women and the State in

     Modern Indonesia ni Blackburn (2004) para naman sa Indonesia.

    Masasabing pormal na nagsimula ang kilusang feminista sa Pilipinas sa pagkatatag ng Asociacion Feminista Filipina  noong 1905. Itinatag ito ng mga babaeng kabilang samaykayang pamilyang nakinabang mula sa edukasyong inihain ng mga Amerikano simula1901. Ipinaglaban ng nasabing kilusan ang mga repormang panlipunan para sakababaihan, hanggang sa humantong sa pakikibaka para sa karapatan sa pagboto angsinimulang kampanya para sa reporma. Maituturing na tagumpay ng kilusang feministasa Pilipinas ang pagkakamit ng kababaihan ng karapatan sa pagboto sa taong 1937.

    Samantala, sinasabing nagsimula ang unang kilusang feminista sa Indonesia sapagkatatag ng Putri Mardika (binabaybay rin sa ibang batis bilang Poetri Mardika) noong1912 at sinundan ng pagkakatatag ng  Aysyiyah (o Aisjijah) noong 1917. Ang Aysyiyah angnagsilbing Sangay Pangkababaihan ng  Muhammadiyah  na itinatag naman noong 1912.Bagama’t ang pakikibaka para sa kasarinlan ng Indonesia mula sa mga Olandes angorihinal na layunin, kasabay na ipinaglaban ng mga kasaping babae nito, at gayundin ngmga sumunod pang kilusang feminista, ang karapatan ng kababaihan upang magkaroonng pantay na katayuan sa kalalakihan sa lipunan. Kagaya sa Pilipinas, nilahukan din angunang kilusang feminista sa Indonesia ng mga maykayang babaeng nakapag-aral.

    Gayumpaman, hindi masasabing bigla na lamang sumulpot ang mga kilusang feminista

    na walang pinagmulan. May malayong pinanggalingan na ang mga kilusang feminista saPilipinas at Indonesia na maiuugat sa mga pangyayaring nagpatunay na ang kababaihan,bagama’t pilit na pinatahimik ng patriyarkal na lipunan, ay nagpamalas ng pagtaliwas sainaasahang mga papel pangkasarian na iniatang sa kanila at pinatunayang ang pakikibakapara sa karapatan ay hindi nakabatay sa kasarian.

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    7/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

     33  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    MGA KONTEKSTO AT SIMULAIN NG KILUSANG FEMINISTA SA PILIPINAS

    Pagsapit ng ika-19 na siglo, naging laganap ang pagpapababa sa katayuan ng kababaihansa harap ng kolonyalismong Español. Lalo na sa pamamagitan ng relihiyong Katolisismo-Kristyanismo, pinababa ang katayuan ng kababaihan sa lipunan sa pamamagitan ngpagpataw ng mga restriksyon sa kanilang mobilidad at pagpapakilala ng bagong konseptong moralidad. Unti-unting nawala ang mga karapatang tinatamasa ng kababaihan sasinaunang panahon hanggang sa mawalan na ng kapangyarihan ang kababaihang angtangi na lamang espasyong maaaring galawan ay ang tahanan at simbahan. Ang nagingideyal na imahen ng babae ay bilang masunuring asawa at mapag-arugang ina. Ito angkontekstong kakabakahin ng kababaihan na magluluwal ng kilusang feminista saPilipinas noong 1905. Mula 1905, isa sa matingkad na pakikibaka ng kababaihan angpagsusulong ng karapatan sa pagboto na makakamit noong 1937.

    Sa pagtalakay sa mga konteksto at simulain ng kilusang feminista sa Pilipinas, minarapatna hatiin sa tatlong pangunahing yugto ang pagsasalaysay na umiikot sa pormal napagsimula ng kilusang feminista noong 1905: Bago 1905, 1905-1937, at 1937-1941.

     Mga Pakikibaka ng Kababaihan sa Pilipinas (Bago 1905)

    Sa kabila ng pagpapababa ng katayuan ng kababaihan sa lipunan, marami pa ringpagkakataong ipinamalas ng kababaihan ang paninindigan laban sa mga Español noong

    ika-19 na siglo. Ilan sa mga ito ang pagwewelga ng kababaihang manggagawa sa mgapabrika ng tabako sa Maynila, mas kilala bilang mga cigarrera, noong 1816 upang tutulanang di-makataong kondisyon sa pabrika (Camagay 1995); pakikipaglaban ngdalawampung kadalagahan ng Malolos upang makapagbukas ng panggabing paaralannoong 1888 (Tiongson 2004); at aktibong paglahok ng kababaihan sa HimagsikangPilipino 1896 na nagsimula sa pagkatatag ng Sangay Pangkababaihan ng Katipunan noong1893 (Rodriguez-Tatel 1998).

    Pagwewelga ng mga Cigarrera (1816)

    Maituturing na kauna-unahang welgang isinagawa ng mga Pilipino ang welga ng mgacigarrera noong 1816. Masusi itong tinalakay sa akdang Working Women of Manila in the

     19th  Century  ni Ma. Luisa T. Camagay (1995) na nagtampok sa kahalagahan ngpagkakaroon ng mga cigarrera bunga ng pagpapatupad ng monopolyo sa tabako noong1782 at pagkatatag ng limang pabrika ng tabako sa Pilipinas (apat sa Maynila at isa saCavite). Maliban sa isang pabrika, lahat ay tumanggap lamang ng kababaihan bilang mgamanggagawa sa mga pabrika ng tabako dahil sa paniniwala ng mga Español na mas

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    8/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

     34  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    angkop sa kababaihan ang nasabing gawain dahil sa kanilang pagiging maingat sapagtatrabaho, partikular sa pagrorolyo ng dahon ng tabako, at dahil na rin diumano sakanilang katapatan (karamihan sa mga nahuling nagpuslit ng tabako mula sa mga pabrikaay kalalakihan). Dahil sa welgang isinagawa ng mga cigarrera noong 1816 laban sa mgahindi makatarungang patakaran at kondisyon sa loob ng pabrika (gaya ng pagsasaayos saoras ng pagpasok at paglabas sa pabrika, reklamo laban sa pang-aabuso at pangingikil ngmaestra, mababang pasahod, hindi kaaya-ayang kondisyon sa loob ng pabrika, at iba pa),napilitan ang pamunuang magpatupad ng mga pagbabago sa pagpapatakbo ng pabrika.Halimbawa, ipinagbawal ang pangingikil at pagbebenta sa mga cigarrera  at ipinatupadang pagbabayad nang direkta sa mga cigarrera upang maiwasan ang korupsyon. Malinawna maituturing ang isinagawang welga ng mga cigarrera noong 1816 na isa sa mgakatibayan ng organisadong paglaban ng kababaihan para sa pagtatanggol ng kanilangkarapatan bilang mga manggagawa.

    Pakikibaka ng Dalawampung Dalagang Taga-Malolos (1888)

    Hindi rin matatawaran ang kahalagahan ng pagpupunyagi ng dalawampung dalagangtaga-Malolos upang makapagbukas ng panggabing paaralan noong 1888. Noong ika-19 nasiglo, bagama’t nagbukas ng mga colegio at beaterio para sa kababaihan sa bisa ng RoyalDecree of 1863, kadalasang ang mga anak na babae ng mga Español lamang angnakakapasok dito, gayundin ang mga mestiza. Bukod dito, limitado lamang ang kanilangnapag-aaralan na umiikot sa gawaing bahay, musika, at relihiyon. Ipinagkait din sa mga

    Pilipino ang pagkatuto ng wikang Español. Tinalakay sa akdang The Women of Malolos ni Nicanor G. Tiongson (2004) ang tungkol sa pagpupunyagi ng dalawampung dalagangtaga-Malolos upang makapagtayo ng panggabing paaralan nang lagdaan nila ang isangliham noong Disyembre 12, 1888. Sa liham, humingi sila ng permiso kay Gobernador-Heneral Valeriano Weyler na makapagbukas ng panggabing paaralan na magbibigay sakanila ng pagkakataong matutunan ang wikang Español. Sa kabila ito ng pagtutol ngkura parokong si Felipe Garcia sa mungkahing ito ng mga nasabing dalaga. Nagtagumpayang dalawampung dalaga, na kabilang sa uring  principalia ng Malolos, na makapagbukasng paaralan subalit hindi lahat ng kahilingan nila ay nasunod. Gayumpaman, hindi rinnagtagal ang paaralan dahil nagtagumpay ang kura parokong maipasara ito matapos angilang buwan. Subalit maituturing na tagumpay ang pagpupunyaging ito ng dalawampung

    dalagang taga-Malolos dahil ipinamalas nila ang kanilang tapang at kagustuhangmatutunan ang wikang Español at iba pang asignaturang hindi itinuturo sa mgapaaralang pambabae. Sa katunayan, gayon na lamang ang gulat at galak ni Jose Rizalnang mabalitaan ang tagumpay na ito ng mga dalagang taga-Malolos kung kaya’t saudyok ni Marcelo H. Del Pilar, sumulat siya ng sanaysay na may titulong “Ang Liham samga Kadalagahan sa Malolos, Bulakan” noong Pebrero 22, 1889, kung saan masasalaminang pananaw ni Rizal sa kababaihan.

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    9/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

     35  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    Pakikilahok ng Kababaihan sa Katipunan (1893)

    Isa pa sa maipagmamalaking katibayan ng pagsalungat ng kababaihan sa imahengipinataw sa kanila ng mga Español bilang mahinhin, masunurin, at di-makabasag pingganna mga nilalang ang paglahok nila sa Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan ngmga Anak ng Bayan (Katipunan o KKK) simula sa pagkatatag ng Sangay Pangkababaihanng Katipunan noong 1893. Bagama’t hindi gaanong nabigyan ng halaga ang paglahok ngkababaihan sa Katipunan dahil sa kagagawan na rin ng mga naunang historyador na maykakulangan sa feministang kamulatan, sa kasalukuyan, marami na ang nagsasaliksiktungkol sa kababaihan ng Katipunan lalo na’t ipinagdiwang natin noong 2012 ang ika-200taong anibersaryo ng kapanganakan ni Melchora Aquino na kinikilala bilang “Ina ngHimagsikan.” Ayon sa akdang “Ang Kababaihan sa Himagsikang Pilipino” ni Mary Jane B.Rodriguez-Tatel (1998), sa Katipunan ay samu’t saring papel ang ginampanan ng

    kababaihan gaya ng aktwal na pakikidigma (Teresa Magbanua, Agueda Kahabagan,Trinidad Tecson); pagtatago ng dokumento (Marina Dizon, Gregoria de Jesus); pagtatahing bandila (Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, Delfina Herboza); pagpapakain,pagkupkop, at panggagamot sa mga Katipunero (Melchora Aquino, Josephine Bracken);pag-eespiya at pagpupuslit ng gamit-pandigma (Patrocinio Gamboa); at marami pang iba.Karamihan sa mga lumahok sa Himagsikang 1896 ay ipinagpatuloy ang pakikipaglaban saDigmaang Pilipino-Amerikano.

    Ilan lamang ang mga nabanggit sa mga pinakatampok na pangyayaring nilahukan ngkababaihan na nagpamalas na hindi lahat ay nagpakahon sa isteryotipo ng kababaihan na

    nilikha ng mga Español sa panahon ng kanilang pamamayani sa Pilipinas. Ipinapakita rinng mga pangyayaring itong hindi nakabatay ang pagkilos ng kababaihan sa kasaysayan ngPilipinas sa Kanluraning mga alon ng feminismo dahil may sarili tayong kasaysayan ngpakikibaka ng kababaihan bilang mga babae, bilang mga kasapi ng mga sosyo-ekonomikong uring panlipunan, at bilang mga mamamayan ng Pilipinas. Gayumpaman,marahil maaari tayong makakita ng pagkakaugnay sa mga kaganapan ukol sa kilusangfeminista halimbawa sa Estados Unidos at sa pagpupunyagi ng kababaihan sa Pilipinaslalo na sa usapin ng pakikibaka para sa karapatan sa pagboto, partikular sa panahon ngDigmaang Pilipino-Amerikano at sa panahon ng pamamayagpag ng kolonyalismong Amerikano sa Pilipinas.

    Samakatwid, malayo at malalim na ang pinag-ugatan ng kilusang feminista sa Pilipinas.Humantong ang mga pagbabagong hatid ng kolonyalismong Amerikano, lalo na salarangan ng edukasyon, sa pagkabuo ng kauna-unahang kilusang feminista sa Pilipinasnoong 1905.

    Kung pinagkaitan ang kababaihan ng pagkakataong makapag-aral ng mga Español,nagkaroon sila ng pagkakataong magkamit ng edukasyon sa harap ng kolonyalismong

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    10/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

     36  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

     Amerikano. Sa katunayan, masasabing patakarang pang-edukasyon ng mga Amerikanoang nagbigay-daan sa pag-unlad ng hangaring matamo ang ganap na kalayaang pulitikalat sibil ng kababaihan (Alzona 1934). Sa pamamagitan ng  Act 74  na ipinatupad ngpamahalaang sibil, ipinag-utos ang pagbubukas ng mga paaralang tatanggap ngkalalakihan at kababaihan sa Pilipinas. Libre rin ang pag-aaral sa mga itatayong paaralanat pinagtuunan ng pansin ang pag-aaral ng wikang Ingles bilang paraan ng pagtuturo,gayundin ang pag-aaral ng mga asignatura gaya ng aritmetika at geograpiya, mgababasahin hinggil sa kasaysayan ng Pilipinas at Estados Unidos, mga elemento ngpamahalaan, at iba pa. Gayundin, nakinabang ang kababaihan mula sa programang

     pensionado ng Estados Unidos kung saan ipinadala sa Amerika ang matatalinongkababaihan upang magpakadalubhasa sa iba’t ibang larangan (Tarrosa Subido 1955).

    Pormal na Simula ng Kilusang Feminista sa Pilipinas:Pagkatatag ng Asociación Feminista Filipina (1905)Hanggang sa Pagkakamit ng Karapatang Bumoto (1937)

    Mula sa hanay ng mga babaeng maykaya at nakapag-aral, itinatag ang  AsociaciónFeminista Filipina noong Hunyo 1905 sa pamumuno nina Concepcion Felix, Maria de Villamor, Paz Natividad Zulueta, Bonifacia Barretto, Clemencia Lopez, Sofia Reyes-de Veyra, Trinidad Rizal, Agueda at Jacoba Paterno, Librada Avelino, Carmen de Luna, Maria Arevalo, at Maria Francisco (Tarrosa Subido 1955). Ang pangunahing layunin ng nasabingasosasyon ay makapagbigay ng serbisyong panlipunan para sa kababaihan sa

    pamamagitan ng pagtataguyod ng mga sumusunod: 1) reporma sa bilangguan, lalo napara sa kababaihan at menor-de-edad; 2) reporma sa paggawa, lalo na para sakababaihang manggagawa at menor-de-edad; 3) reporma sa edukasyon, lalo na sa pag-oorganisa ng mga lektura at kumperensya para sa kababaihan; 4) kampanya laban sa mgabisyo, lalo na laban sa prostitusyon, pagsusugal, at paglalasing; 5) kampanyang relihiyosoat moral sa mga paaralan at pabrika; 6) pagtatatag ng mga pasilidad na panlibangan.Kabilang din sa mga isinulong na layunin ng samahan ang pagtatalaga ng kababaihan samunisipal at panlalawigang lupon ng edukasyon, gayundin sa mga presintong pang-eleksyon; at pagbuo ng mga komite upang inspeksyunin ang mga munisipalidad. Saunang taon ng pagkatatag ng  Asociación Feminista Filipina, naglunsad ito ng serye ngmga panayam na may kaugnayan sa sanitasyon, kalusugan, at pangangalaga sa ina at

    sanggol. Bukod sa mga regular na pulong, naglunsad din ito ng kampanya upangmangilak ng pondo para sa mga nasalanta ng bagyo (Tarrosa Subido 1955).

    Isa sa mahahalagang proyekto ng  Asociación Feminista Filipina ang pakikipagtulungan samahuhusay na manggagamot sa nasabing panahon gaya nina Fernando Calderon atIsidoro Santos (Tarrosa Subido 1955). Sa pamamagitan ng La Proteccion de la Infancia,isinagawa nila ang proyektong La Gota de Leche  noong 1907. Layunin nitong mabigyan

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    11/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

     37  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    ng malinis na gatas ang mga sanggol at mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga inahinggil sa kapakanan ng sanggol at ina, nang sa gayon, mabawasan ang bilang ng mgasanggol na namamatay sa nasabing panahon. Sa pamamagitan ng pagpupunyagi ngkababaihan ng  Asociación Feminista Filipina, nahikayat nila ang mga mambabatas gayanina Jaime C. De Veyra at N. Jalandoni na magpanukala ng batas upang mapondohan angmga organisasyong nangangalaga sa kapakanan ng mga sanggol. Kabilang sa kasapi ng LaProtección de la Infancia  sina James F. Smith bilang kasaping pandangal; mga kasapingtagapagtatag naman sina Concepcion Felix, Maria F. De Villamor, Maria Arevalo, CarmenM. De Gerona, Helen C. Wilson, Asuncion Soriano, Trinidad Rizal, Librada Avellano,David Doherty, Fernando G. Calderon, Manuel Guerrero, Joaquin Quintos, GervasioOcampo, Ariston Bautista, at Galicano Apacible (Tarrosa Subido 1955). Si Natividad Almeda-Lopez, na naglingkod bilang pangulo nito sa loob ng 40 taon mula 1936 hanggang1976, ay naging unang babaeng  Justice ng Court of Appeals noong 1961. Sa kasalukuyan,

    nananatili ang La Gota de Leche  bilang isang organisasyong nagbibigay ng mgapangangailangang nutrisyunal sa mga batang Pilipino at kanilang ina.

    Pagkakatatag ng Asociación Feminista Ilonga (1906)at mga Katulad na Kilusang Kababaihan (1910-1912)

    Noong Oktubre 1906, itinatag ang  Asociación Feminista Ilonga  sa pangunguna ni Pura Villanueva-Kalaw (Tarrosa Subido 1955). Mahalaga ang pagkatatag ng nasabing kilusandahil humantong ang inisyatiba para ipaglaban ang karapatan sa pagboto ng kababaihan

    sa aktwal na pagkakamit ng karapatan sa pagboto ng kababaihan sa Pilipinas pagsapit ng1937.

    Pangunahing mithiin ng samahan ang maipagkaloob sa kababaihan ang karapatan sapagboto (Villanueva-Kalaw 1952). Ang unang panukalang batas para sa karapatan sapagboto ng kababaihan ay binanggit ni Kinatawan Filemon Sotto ng Cebu sa pagdaraosng unang pagpupulong ng Asembliya ng Pilipinas sa Manila Grand Opera House. Dumalosi Villanueva-Kalaw sa nasabing pulong upang bigyan ng suporta si Sotto sa kanyangpagpapanukala ng nasabing batas. Subalit ni hindi man lamang daw nabanggit sanasabing pagpupulong ang panukalang batas para sa karapatan sa pagboto ngkababaihan. Gayumpaman, mula noon ay dumami ang mga panukalang batas para sa

    pagkakaloob ng karapatan sa pagboto ng kababaihan (Villanueva-Kalaw 1952).

    Pagsapit ng 1910, itinatag ang Philippine Islands Anti-Tuberculosis Society  at La Liga Nacional Filipina para la Protección de la primera Infancia (Tarrosa Subido 1955). Layuninng una ang pagsugpo sa paglaganap ng sakit na tuberkulosis (TB) sa pamamagitan ngedukasyon, dispensary work , at paghiwalay sa mga may TB sa pamamagitan ng pagbuo ngmga kolonya. Samantala, may layunin ang pangalawang pababain ang bilang ng mga

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    12/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

     38  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    namamatay na sanggol sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga ina at sa pamamagitan ngdispensary treatment sa mga sanggol (Tarrosa Subido 1955).

    Itinatag naman noong 1912 ang Society for the Advancement of Women (Villanueva-Kalaw1952). Bagama’t itinayo upang paunlakan ang mga bibisitang suprahista mula sa Amerikagaya nina Carrie Chapman Catt at Aleta Jacobs, idineklara nito ang layunin para saserbisyong panlipunan sa halip na kampanya para sa karapatan sa pagboto ngkababaihan. Binago ang pangalan ng samahan tungo sa Women’s Club of Manila (tinatawag ding  Manila Women’s Club). Binubuo ito ng mga Pilipina gayundin ng mga Amerikana (Alzona 1934). Kasama sa mga Pilipinang dumalo sina Maria F. Villamor, SofiaReyes de Veyra, Gorgonio Mapa, Concepcion Felix, at Villanueva-Kalaw (Villanueva-Kalaw 1952).

    Nagtaguyod ang mga nabanggit na samahan ng serbisyong pampubliko at kawanggawapara sa kababaihan. Tunghayan naman natin ang mga kilusang nagtaguyod ng karapatansa pagboto ng kababaihan. Sa puntong ito, mahalagang kilalanin ang ambag ng bayaningsi Apolinario Mabini sa unang pagtatangkang maibigay sa kababaihan ang karapatan sapagboto nang isama niya sa panukalang Konstitusyon ng Malolos ang pagbibigay ngkarapatan sa pagboto sa kababaihan. Gayumpaman, hindi naaprubahan ang kanyangpanukalang konstitusyon kung kaya’t mahabang panahon pa ang ginugol ng kababaihangsuprahista upang makamit ang karapatan sa pagboto (Camagay 1996).

    Pakikipaglaban para sa Karapatan sa Pagboto (1913-1937)

    Bagama’t nagsimula ang pagpupunyagi ng kababaihan sa panahong ito batay sa hangaringmapag-ibayo ang kapakanang panlipunan ng kababaihan, sa pagtatapos ng DigmaangPilipino-Amerikano noong 1913, naging sentro na ng organisadong pagkilos ngkababaihan ang pakikipaglaban para makamit ang karapatan sa pagboto.

    Sa pagtatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1913, ipinagpatuloy ng kababaihanang kanilang kampanya para sa pagpapabuti ng kalagayan ng kababaihan sa lipunangPilipino. Nagpatuloy ang pagtataguyod para sa kawanggawa habang umigting naman sapanahong ito ang kampanya para makamit ng kababaihan ang karapatan sa pagboto. Sa

    pakikipaglaban para makamtan ang karapatan sa pagboto ng kababaihan, maraminghamon at pagsubok ang kanilang pinagdaanan. Maraming kalalakihang mambabatas angnakadebate nila subalit may ilan din namang nakisimpatya sa kanilang layunin.Nagsilbing hamon din sa kababaihang suprahista ang ibayong paghikayat sa kapwakababaihan na karamihan ay hindi pa napagtanto ang kahalagahan ng pakikibaka paramakamtan ang karapatan sa pagboto. Tunay na nagdulot ang bahaging ito ng kasaysayanng kababaihan sa Pilipinas ng ibayong hamon na kumilos sa nasabing panahon upang

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    13/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

     39  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    maipamana lamang sa kababaihan sa mga sumunod na henerasyon ang karapatan sapagboto.

    Gayumpaman, dahil sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914 hanggangsa pagwawakas nito sa taong 1917, napagpasyahang ipagpaliban muna ang pagkilos ngkababaihan hangga’t hindi natatapos ang nasabing digmaan (Corpuz 2003). Kung kaya’tmagpapatuloy lamang ang pagiging aktibo ng kababaihan sa kampanya para sa karapatansa pagboto sa taong 1918. Taong 1920 nang itatag ang  National Federation of Women’sClubs na nagsilbing kampeon ng kilusang nakipaglaban para sa karapatan sa pagboto ngkababaihan mula 1921 hanggang 1937, kung kailan naipasa ang Women Suffrage Law(Tarrosa Subido 1955).

     Ang panahon mula 1913 hanggang 1937 ay isang mapanghamon at kapana-panabik na

    bahagi ng kasaysayan ng kababaihan sa Pilipinas. Mapanghamon dahil katatapos palamang ng Digmaang Pilipino-Amerikano ay sumiklab naman ang Unang DigmaangPandaigdig kung kaya’t napilitan ang kababaihang hintayin munang matapos ito bagonila ipagpatuloy ang kampanya para sa pagboto. Natunghayan natin sa bahaging ito kungano ang mga hamong pinagdaanan ng kababaihan mula sa lipunang patriyarkal napatuloy na kinatagpuan ng kalalakihan gayundin ng kababaihang naniniwalang hindidapat mabigyan ng karapatang pulitikal ang kababaihan at ang kanilang pangunahingtungkulin ay sa tahanan bilang tagapag-alaga ng pamilya. Bukod sa kababaihangsuprahista na inialay ang dunong at lakas upang maipasa lamang ang batas naipinaglaban, nararapat ding kilalanin ang ambag ng kalalakihang nakisimpatya sa

    hangaring mabigyan ng karapatan sa pagboto ang kababaihan.

    Gayumpaman, dahil sa mga pulitikal na kaganapan, hindi pa rin lubusang masiguro ngmga suprahista ang tagumpay ng batas na magkakaloob sa kababaihan ng karapatan sapagboto (Villanueva Kalaw 1952). Taong 1934 nang maipasa sa Lehislatura ang Tydings-

     McDuffie Independence Law na nagtakda sa pagkatatag ng pamahalaang Commonwealth at pagbuo ng Konstitusyon. Bagama’t napirmahan na ni Frank Murphy ang batas,kinailangan pa itong ipagtanggol sa Constitutional Assembly, na karamihan sa mga kasapiay laban sa pagbibigay sa kababaihan ng karapatan sa pagboto. Sa botohan hinggil sapagpasa ng batas, mas marami ang bumoto laban dito (22 laban sa batas, 18 para sa batas,nag-abstain ang tagapangulo sa pagboto, 4 kasapi ang lumiban) (Villanueva Kalaw 1952).

    Sa halip, ito ang probisyon na inangkop ng komite:

     Artikulo V — Ang karapatan sa pagboto ay maaaring gamitin ng mga lalakingmamamayan ng Pilipinas na hindi tinanggalan ng karapatan ng batas namakaboto, nasa edad na 21 pataas, marunong magbasa at magsulat, atnakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon, at sa munisipalidad kungsaan nila binabalak bumoto na hindi bababa sa anim na buwan bago ang

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    14/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    40  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    araw ng eleksyon. Subalit, ang Pambansang Asembliya ay magbibigaylamang ng karapatang bumoto sa kababaihan, kung sa isang plebisitonggaganapin para sa layuning ito sa loob ng dalawang taon matapos ang pag-angkop sa Konstitusyon ay magreresulta sa hindi bababa sa kinakailangang300,000 bilang ng kababaihang bumoto ng “oo” sa katanungan (VillanuevaKalaw 1952) (akin ang malayang salin).

    Sinasabing 300,000 boto ang itinakda dahil naniniwala ang mga laban sa batas na kasaping komite na hindi maaabot ng kababaihan ang bilang na ito (Villanueva Kalaw 1952).Gayumpaman, naipasa ang batas ukol sa plebisito sa huling bahagi ng 1936. Matindingkampanya ang isinagawa ng mga suprahista upang mahikayat ang kababaihan sa Pilipinasna bumoto para sa batas. Noong Setyembre 30, 1936, nilagdaan ng Pangulo ng Pilipinasna si Manuel Quezon ang  plebiscite bill   at naging Commonwealth Act No. 34 (Tarrosa

    Subido 1955).

    Hindi naman nabigo ang kanilang pagpupunyagi dahil nagtagumpay ang kanilangadhikain nang sa araw ng plebisito, ang resulta ay 447,725 kababaihan ang bumoto parasa batas at 44,307 naman ang bumoto laban dito (Tarrosa Subido 1955). Bagama’t maymga bintang ng pandaraya, hindi ito naging hadlang upang maratipika ang resulta ngplebisito. Noong Setyembre 1937, sa isang sesyon ay niratipika ng Pambansang Asembliyaang resulta ng plebisito at sa wakas, naisabatas na ang pagbibigay ng karapatan sakababaihan na makaboto. Nakasaad sa batas na ang karapatan sa pagboto ay ibibigay salahat ng mamamayan ng Pilipinas, babae man o lalaki, na may gulang na 21 taon pataas,

    marunong bumasa at sumulat, maliban na lamang kung sila ay diskwalipikado ng batas. Ang tanging pangangailangan para sa mga babaeng botante ay ang pagpapakita ng birthcertificate  o affidavit  na may kalakip na  20-centavo stamp  para sa identipikasyon(Villanueva Kalaw 1952).

    Pagkakamit ng Karapatan sa Pagboto (1937)Hanggang sa Pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1941)

    Isang malaking tagumpay para sa kababaihang Pilipino ang pagkakamit ng karapatan sapagboto noong 1937. Disyembre ng nasabing tao’y nagamit na ng kababaihan ang

    karapatang ito at isang natatanging babae, si Carmen Planas, ang nahalal bilang unangbabaeng nahalal bilang kasapi ng lupong munisipal ng Maynila. Ilan pa sa mga babaengnagwagi bilang kasapi ng Sangguniang Panlalawigan sina Cristina Aguinaldo-Suntay(Cavite), Paz Cea de Conde (Camarines Sur), at Guadalupe Adaza (Zamboanga del Norte).Bilang mga opisyal ng pamahalaan, pinagtuunan nila ng pansin ang pagpapabuti nglipunan lalo na sa larangan ng edukasyon, kalusugan, at kagandahang-asal (Corpuz 2003).

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    15/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    41  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    Gayumpaman, pansamantalang maaantala ang pamamayagpag ng kababaihan salarangang pulitikal dahil sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigidig noong 1941. Sapanahong ito kung kailan inokupa ng mga Hapones ang Pilipinas, isa sa mga naging anyong pakikibaka ng kababaihan ang pakikisangkot sa mga kilusang gerilya (halimbawa, siFelipa Culala na tanging babaeng naging kasapi ng komiteng militar ng Hukbong BayanLaban sa Hapon o HUKBALAHAP) samantalang ang iba’y tumulong sa mga gerilya sapamamagitan ng patagong pagbibigay sa kanila ng gamot at pagkain (halimbawa, si Josefa Llanes-Escoda na hinuli ng mga Hapones at pinatay sa Fort Santiago) (Corpuz2003).

     Mga Hamong Kinaharap ng Kilusang Feminista sa Pilipinas

    Kung susumahin, ang mga hamong kinaharap ng mga feminista lalo na sa usapin ngpakikibaka para sa karapatan ng kababaihang makaboto ay masasabing nag-ugat samababang pagtingin sa kababaihan sa lipunan. Nagbigay-daan ang patriyarkal nakatangian ng Katolisismo-Kristyanismo sa pagbaba ng katayuan ng kababaihan sa lipunandahil na rin sa imposisyon ng konsepto ng moralidad batay sa turo ng SimbahangKatoliko-Kristyano. Unti-unti itong naging bahagi ng kamalayan ng mga Pilipino kungkaya’t ang mga lalaking nakadebate ng mga suprahista sa unang hati ng ika-20 siglo aynagpamalas ng mababang pagtingin sa kababaihan.

     Ayon sa mga kritiko, ang pagbibigay ng karapatan sa kababaihan ay paghahain ng hamon

    sa pamilyang Pilipino at sa lipunan sa pangkalahatan. Sisirain diumano nito angkaayusan ng haligi ng lipunan, ang pamilya, sapagkat kung bibigyan ng pagkakataon angkababaihan na lumahok sa pulitika, mapapabayaan ang pamilya. Ang mataas napagtingin din diumano ng kalalakihan sa kababaihan ay bababa kung magigingmagkapantay na lamang sila. Mawawala rin daw sa kababaihan ang mga katangianghinahangaan sa kanya ng kalalakihan gaya ng pagiging masunurin, pagiging mahinahon,at pagiging mapagkumbaba. Pinabulaanan lahat ito ni Rafael Palma (1919) nananiniwalang kung binigyan ang kababaihan ng karapatan sa edukasyon, nararapatlamang na bigyan din sila ng karapatan sa pagboto. Sinabi ni Palma na sinusuportahanniya ang laban ng kababaihan, kahit kakaunti lamang ang mga babaeng ito, at kung walaman daw ni isang makipaglaban para rito, naniniwala siyang dapat pa ring ibigay sa

    kababaihan ang karapatan sa pagboto. Sa mabulaklak na pananalita, binuod niya angkanyang katwiran kung bakit dapat bigyan ng karapatan sa pagboto ang kababaihan. Aniya, lalong magkakaroon ng dahilan ang kalalakihang hangaan ang kababaihan kungmakakamit nila ang karapatan sa pagboto at kailangan diumano ng kababaihan angedukasyon at karapatang pulitikal para sa maayos na pagpapalaki o paghubog ng mgaanak na lalaki (Palma 1919).

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    16/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    42  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    Sa pangkalahatan, mapapansin ang pagbabago sa ipinaglaban ng kababaihan sa mgapartikular na panahon sa kasaysayan—mula sa pakikibaka para sa edukasyon sa kaso ngmga dalagang taga-Malolos, tungo sa pakikibaka para sa kasarinlan sa kaso ng mgaKatipunera, hanggang sa pakikibaka para makamtan ng kababaihan ang karapatan sapagboto. Sa taong 1905, itinatag ang kauna-unahang kilusang feminista sa Pilipinas, ang

     Asociación Feminista Filipina, na maaaring ituring bilang unang opisyal na kilusangfeminista sa Pilipinas. Iniluwal ng nasabing asosasyon ang mga sumunod na kilusangfeminista na nagtaguyod at nagtagumpay na makamit ng kababaihan ang karapatan sapagboto.

     Atin namang tunghayan ang naging simula ng feminismo sa Indonesia upang masurikung mayroong mga pagkakatulad at pagkakaiba sa Pilipinas.

    MGA KONTEKSTO AT SIMULAIN NG KILUSANG FEMINISTA SA INDONESIA

    Maisasalarawang mababa ang katayuan ng kababaihan sa Indonesia noong ika-19 siglo.Mahihinuha ang kalagayan ng kababaihan sa Indonesia mula sa mga liham ni Raden Adjeng Kartini (1879-1904) (Kartini 1921; Mabanglo 1987), isang prinsesa mula sa Java nanaging kasulatan ng Olandes na si Juffrouw Stella Zeehandelaar, isang demokratangsosyalistang naging aktibong kasapi ng radikal na kilusang feminista sa Netherlands(Teodoro 1999). Pagsapit ng ika-20 siglo, pinangunahan ni Kartini ang mga babaengmanunulat sa Indonesia na nakipagsulatan sa kanyang mga kaibigang Olandes tungkol sa

    buhay at kondisyon ng kababaihang Indones sa kanyang panahon (Kintanar 2008). Samga nasabing liham, isinalaysay ni Kartini sa mga kaibigang kasulatan ang mababangkatayuan ng kababaihan sa Indonesia na pinatunayan ng pagpakakasal sa kanila samurang edad, pag-aasawa ng kalalakihan ng mahigit sa isang babae, at iba pa. Magiginginspirasyon si Kartini ng mga kilusang feminista sa Indonesia na sinasabing nagsimulanoong 1912. Mula 1912, iba’t ibang kilusang feminista ang umusbong na naging tuntungansa pagkakaroon ng First Indonesian Women’s Congress noong 1928.

    Sa pagtalakay sa mga konteksto at simulain ng kilusang feminista sa Indonesia, minarapatna hatiin din sa tatlong pangunahing yugto ang pagsasalaysay na umiikot sa pormal napagsimula ng kilusang feminista noong 1912: Bago 1912, 1912-1928, at 1928-1941.

    Kartini bilang Tagapasimula ng Kaisipang Feminista sa Indonesia (Bago 1912)

     Ang kahalagahan ng mga liham ni Kartini ay nakasalalay sa paglalahad ng umuusbong napagkadismaya sa mga nananaig na tradisyon hinggil sa papel ng kababaihan, kawalan ngkatarungan, at panawagan para sa kalayaan, kasarinlan, at emansipasyon (Martyn 2005).

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    17/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    43  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    Sa pag-unawa kung paano isinalarawan ni Kartini ang kalagayan ng kababaihan saIndonesia sa pamamagitan ng kanyang mga liham, mahalagang maunawaan angkahalagahan ng adat  o kinaugaliang batas na mas pinapangalagaan ang kapakanangpampamayanan kaysa kapakapanang pang-indibidwal, lalo pa’t agrikultura angpundasyon ng ekonomiya (Teodoro 1996). May mga pagkakataong kahit na maykautusan ang Islam upang mapabuti ang kalagayan ng kababaihan mula sa mgakinagisnang kaugalian (halimbawa, sa isyu ng poligamiya o pag-aasawa ng marami ngkalalakihan ay ipinag-uutos ng Islam ang pantay-pantay na pagtingin sa kababaihan),hindi ito nasusunod, bagkus, nananaig ang tradisyon (Teodoro 1996).

    Isang halimbawa ng tradisyong tinutulan ni Kartini ang pagbubukod sa kababaihan paraihanda sa pag-aasawa. Batay sa kanyang liham, tinuligsa niya ang pag-aasawa nangmaaga ng kababaihang Indones (Kartini 1921; Mabanglo 1987). Sa Java, sa edad na 14,

    kinakailangan nang mag-asawa ng isang babae upang hindi siya kutyain ng pamayanandahil kung hindi nila susundin ito, tatawagin silang “matandang dalaga.” Bukod pa rito,itinuturing ang hindi pag-aasawa bilang pinakamatinding kahihiyang maidudulot ngisang babae sa kanyang pamilya. Bilang paghahanda sa maagang pag-aasawa,nakaugalian na ring ibukod ang kababaihan sa edad na 12 upang ihanda siya sa pag-aasawa, bagay na tinutulan din ni Kartini sapagkat dahil dito, maraming oportunidad angnawawala sa isang babae (Kartini 1921; Mabanglo 1987).

    Kaugnay nito, isang isyung pangkababaihan ding tinuligsa ni Kartini ang pagkawala ngpagkakataong makapag-aral. Sa pangkalahatan, ipinagkakait sa kababaihan ang

    karapatang makapag-aral dahil itinuturing na ang kanilang destinasyon sa buhay ay angpag-aasawa at pagbuo ng pamilya kung kaya’t walang saysay kung makapag-aral man sila.Masasabing kumpara sa karaniwang kababaihan sa Indonesia, mas mapalad angkababaihang mula sa mayayamang pamilya gaya ni Kartini dahil habang nakabukod,binigyan siya ng pagkakataon ng kanyang ama na mag-aral ng pagbuburda at makilahoksa ilang gawaing pampubliko. Ayon kay Kartini:

    Tayong mga babae, kung edukasyon ang pag-uusapan, dahil nakatali tayo samga sinaunang tradisyon at kumbensyon ay may kaunti lamang pakinabangmula sa mga pagkakataong ito. Isang matinding krimen laban sa mgakaugalian ng ating lupain ang tayo ay matuto, lalo na ang pag-alis sa bahay

    araw-araw upang pumasok sa paaralan. Dahil mahigpit na ipinagbabawalng kaugalian sa ating bansang lumabas man lamang ang kababaihan mulasa tahanan. Hindi tayo pinapayagang pumunta kahit saan, maliban sapaaralan, at ang tanging lugar ng instruksyong maaaring ipagyabang ngating bansa ay ang libreng paaralang gramatika para sa mga Europeo(Kartini 1921; Mabanglo 1987).

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    18/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    44  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    Sa pag-aasawa, naging tradisyon na sa Indonesia ang poligamiya. Isa ito sa mga pinuna niKartini (1921) na sa tingin niya’y isang hindi makatarungang praktis sa Indonesia nasumasalamin sa mababang pagtingin sa kababaihan. Kahit ang kautusang Muslim nanagtataguyod ng pantay-pantay na karapatan sa mga asawang babae ay hindi rinnaisakatuparan dahil sa pananaig ng adat  (Teodoro 1996). Kaugnay nito, masasalamindin sa kanyang liham ang kagustuhang mabago ang tradisyon ng sapilitang pagpapakasaldahil naniniwala siyang mas magiging maligaya ang buhay may-asawa kung mabibigyanlamang ng pagkakataon ang kababaihang piliin kung sino ang nais nilang mapangasawakaysa ipakasal sila sa lalaking hindi nila kakilala. Ayon pa kay Kartini:

    …mga magulang lamang ang nasusunod kung kaya’t kung kanino lamangnapapakasal ang babae… Maaaring umuwi na lamang isang araw ang akingama at sabihin: “kasal ka na kay ganito at ganoon.” Sa gayo’y nararapat

    kong sundin ang aking asawa… magagapos ako sa kanya sa buong buhay ko(Kartini 1921; Mabanglo 1987).

    Para kay Kartini, may pangangailangang muling suriin at isalin ang mga kaugaliangpanrelihiyon upang masugpo ang diskriminasyon laban sa kababaihan. Naging tuon dinng pakikibaka ni Kartini ang pyudalismo at kolonyalismo, na sa kanyang paniniwala’ynaging matinding dahilan din ng pagdurusa ng kababaihan at maging kalalakihangIndones (Marlita at Poerwandari 2005).

     Ang kawalan ng pagkakataong makapag-aral, pagbubukod sa kababaihan bago sila

    ipakasal, sapilitang pagpapakasal, at pagkakaroon ng kalalakihan ng karapatang mag-asawa ng marami ay ilan lamang sa mga katibayan ng mababang katayuan ng kababaihansa lipunan. May mga manipestasyon ng pagtatangka ng ilang kababaihang matatawag namga unang feminista sa Indonesia na isiwalat at baguhin ang patriyarkal na sistema. Sakatunayan, ika-17 siglo pa lamang, mayroon nang mga babaeng manunulat na papaksainang opresyon ng kababaihan sa kanilang mga tula at karamihan sa kanila ’y kabilang sanobilidad at pagsapit ng ika-20 siglo, pinangunahan nga ni Kartini ang pagtuligsa sa mgakaugaliang nagpapababa sa katayuan ng kababaihan sa pamamagitan ng kanyang mgasinulat (Kintanar 2008). Nagpunla ng pundasyon para sa mga kilusang kababaihan angmga liham ni Kartini dahil ang mga ideyang kanyang inihayag ay nagsilbing pangunahingtaga-udyok sa mga feminista na isulong ang modernisasyon at maiangat ang katayuan ng

    kababaihan sa lipunan (Robinson 2009).

    Taong 1901 nang ipatupad ng pamahalaang kolonyal ng mga Olandes sa Indonesia angtinaguriang “polisiyang etikal,” na nagkaroon ng matinding epekto sa binansagan noong

     Netherlands Indies (Blackburn 2004). Batay sa nasabing patakaran, pinagtuunan ngpansin ng mga Olandes ang pagpapabuti ng kalagayan ng kababaihan sa lipunan sapamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makapag-aral at maprotektahan

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    19/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    45  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    ang mga karapatan ng kababaihan. Gayumpaman, dahil sa kakulangan ng kaakibat napondo para sa layuning iangat ang kalagayan ng kababaihan at mga nagtutunggalinginteres ng mga maykapangyarihan, partikular ang interes ekonomiko ng mga Olandes,nagkaroon ng mga hamon sa pagpapatupad nito. Hindi rin maikakailang nagkaroon ngimpluwensya ang kolonyal na ideolohiyang pangkasarian sa pagkabuo ng mga kilusangfeminista sa Indonesia. Nakatulong ang Kanluraning edukasyon upang makapagpahayagsa publiko ang kababaihan, bagay na hindi pinapayagan sa tradisyunal na lipunan dahil samga restriksyong ipinataw sa kababaihan, lalo na yaong mga nasa uring  priyayi  nainaasahang maging huwaran ng respektabilidad sa lahat ng kababaihan sa Indonesia(Blackburn 2004).

     Mga Unang Kilusang Feminista sa Indonesia:

    Pagtatatag ng Putri Mardika (1912), Aysyiyah (1917),at mga Katulad na Kilusang Kababaihan (1917-1928)

    Umusbong ang kilusang feministang nagsimula bilang kilusang pangkababaihan saIndonesia na nakibaka para sa karapatan ng kababaihan bandang unang bahagi ng ika-20siglo, kaalinsabay ng pagkabuo ng kilusang nasyonalista (Blackburn 2004). Ang kilusangfeminista, gayundin, ang kilusang nasyonalista sa Indonesia ay parehong hinubog ng mgapuwersa gaya ng pag-unlad na sosyo-ekonomiko, modernong edukasyon, maspinagbuting komunikasyon, at pakikipag-ugnayan sa mga ideyang internasyunal.Itinuturing si Kartini bilang maagang tagapagtaguyod ng feminismo (o proto-feminismo),

    isang babaeng ang buhay ay hinubog ng mga ideya mula sa edukasyong Kanluranin, mgaideyang nagpunla ng pagkadiskuntento at mas malawak na awtonomiya para sakababaihan. Nagsimulang mag-organisa ng mga modernong kilusan ang kababaihanupang kolektibong ipahayag ang kanilang mga hinaing at maipahayag ang bagongperspektiba (Blackburn 2004).

    Pagsapit ng unang dekada ng ika-20 siglo, maraming edukadong kababaihan sa Indonesiaang bumuo at sumali sa mga kilusang kababaihan na may batayang panlipunan atkatangiang relihiyoso. Dahil ang mga tagapagtatag at kasapi ay mga edukadongkababaihan, nalimita lamang sa mga rehiyong naging sentro ng edukasyon ang mganabuong kilusan, gaya ng hilagang Sulawesi, at bahagi ng Java at Sumatra (Blackburn

    2004). Ang pinakaunang kilusang kababaihan ay ang Putri Mardika  (MalayangKababaihan) na itinatag sa Java noong 1912 sa tulong ng isang kilusang pinangunahan ngkalalakihan, ang Budi Otomo ( Noble Endeavour ) (Blackburn 2004; Martyn 2005; Robinson2009). Bagama’t hindi nagtagal, nakapaglathala naman ito ng sariling magasin na mayparehong pangalan sa loob ng ilang taon. Mahalaga ang nasabing magasin dahil mularito mahihinuha kung ano ang feministang pananaw ng mga babaeng nagtatag nito(Blackburn 2004).

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    20/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    46  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    Mas tumagal ang sumunod na kilusang feministang itinatag, ang  Aysyiyah na ipinangalansa isa sa mga asawa ng tagapagtatag at huling Propeta ng Islam na si Muhammad(Blackburn 2004). Itinatag ito sa Yogyakarta noong 1917 bilang sangay pangkababaihanng  Muhammadiyah, na itinatag naman noong 1912 bilang isa sa pinakamalakingorganisasyong Muslim sa Indonesia (Blackburn 2004; Robinson 2009). Hangarin ngnasabing organisasyong mareporma ang pananampalatayang Islamiko sa Indonesia sapamamagitan ng pagbibigay-diin sa mga ideya ng pagkakapantay-pantay at katarungan,maging sa larangan ng ugnayang pangkasarian. Bilang sangay pangkababaihan ng

     Muhammadiyah, itinuturing ang  Aysyiyah  na pinakamatandang organisasyongpangkababaihan sa Indonesia. Ipinaglaban ng  Aysyiyah ang awtonomiya, edukasyon, atkasarinlan na humubog sa mga bagong papel at ideyal ng kababaihang Muslim pagdatingng huling bahagi ng ika-20 siglo hanggang maagang ika-21 siglo (Parvanova 2012).

    Bukod sa Putri Mardika  at  Aysyiyah, ilan pa sa mga kilusang kababaihang itinatag saIndonesia ang PIKAT   (1917) sa Manado, Poetri Boedi Sedjati  (1919) sa Surabaya, SarekatKaoem Iboe Soematra  (1920) sa Bukittinggi, Wanita Taman Siswa  (1922) sa Yogyakarta,Wanita Katolik   (1924) sa Yogyakarta, Damesafdeeling Jong Islamieten Bond   (1925) sa Yogyakarta, Ina Toemi (1927) sa Ambon, at Poeteri Setia (1928) sa Manado (Martyn 2005).

    Bagama’t maituturing na tagumpay para sa kababaihan ang pagkakaroon ngpagkakataong masangkot sa kilusang nasyonalista at maipaglaban ang mga karapatanbilang babae, may mga hamon ding kinaharap ang kababaihan na nagpapatunay ng hindipantay na pagtingin sa kanila ng kalalakihang nanguna sa mga kilusang kinasangkutan

    nila. Sa katunayan, sa  Aysyiyah  mismo ay may mga anyo ng diskriminasyon silangnaranasan batay sa kinaugaliang tradisyon: sa mga pampublikong pagpupulong,inihihiwalay ang kababaihan mula sa kalalakihan sa pamamagitan ng tabir  (kurtina) dahilhindi katanggap-tanggap para sa kababaihan at kalalakihang magsama sa pampublikonglugar; hindi rin pinapayagan ang kababaihang magsalita sa harap ng kalalakihan (Martyn2005). Gayumpaman, hindi naman nasayang ang pagkakasangkot ng kababaihan sa mgakilusang nasyonalista sa kabila ng mga hamong kinaharap dahil nabigyan sila ngpagkakataong maisulong ang pakikibaka para sa mga karapatan ng kababaihan. Sa isangpagsusuri, sinabing:

    Sa mga seksyong pangkababaihan… may kalayaan ang kababaihang

    paunlarin ang sariling ideya at gawain, na tumitiyak na hindi nasayang anginteres pangkababaihan. Ang tunguhing nasyonalista para sa kolektibongpagkilos ay humikayat din sa pagkabuo ng mga nagsasariling organisasyongpangkababaihan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng lehitimasyon sa mgagawaing pulitikal sa loob ng mga pamayanang Indones (Martyn 2005) (akinang malayang salin).

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    21/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    47  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    Hindi naging madali para sa mga unang kilusang feminista ang pagkakasangkot sa mgakilusang nasyonalista. Una, dahil habang ipinaglalaban nila ang nasyonalismo ngIndonesia mula sa mga Olandes kasama ng kalalakihan, kinailangan pa nilang ipaglabanang karapatan bilang babae. Pangalawa, sa kilusang nasyonalista mismo napinangunahan ng kalalakihan, patuloy silang nakaranas ng diskriminasyon batay sakinagisnang kultura gaya ng paghihiwalay sa kalalakihan at kababaihan at kawalan ngkarapatan ng kababaihang magsalita sa harap ng kalalakihan. Ang mga hamong ito aypatuloy na kinaharap ng kababaihan sa mga sumunod na kaganapan, at may ilang isyungmagbibigay-daan upang humiwalay ang ilang kilusang feminista mula sa kilusangnasyonalista. Gayumpaman, matapos ang pagkatatag ng unang kilusang feminista noong1912 hanggang sa mga sumunod na panahon, magpapatuloy ang pagpupunyagi ngkababaihan para sa nasyonalismo at feminismo.

     Mas Organisadong Pagkilosng mga Kilusang Feminista (1928-1941)

    Isang mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng feminismo sa Indonesia ang pagkakaroonng First Indonesian Women’s Congress  noong 1928, itinuturing na unang mahalaganghakbang ng pambansang kilusang pangkababaihan sa Indonesia (Martyn 2005). Sakaganapang ito, inanyayahan ang lahat ng mga organisasyong pangkababaihan saIndonesia na ang layunin ay itaguyod ang pagkakaisa at pambansang pagkakakilanlan ngkababaihan.

    Naganap ang nasabing pagpupulong noong Disyembre 22, 1928 at hanggang sakasalukuyan, ipinagdiriwang ang araw na ito bilang anibersaryo ng kilusang feminista saIndonesia (Martyn 2005). Dinaluhan ito ng mahigit 1,000 delegado, kasama ang mgakinatawan mula sa 30 organisasyong kababaihan. Nagkasundo silang magtatag ngpederasyon ng mga asosasyong kababaihan ng Indonesia, na tinawag na PerikatanPerempuan Indonesia (PPI), na nilahukan naman ng 20 organisasyong pangkababaihan.Sa sumunod na Kongreso noong 1929, pinalitan ang pangalan tungo sa PerikatanPerhimpunan Isteri Indonesia  (PPII) na idineklara ang sarili bilang sekular na kilusangfeminista na ang mga gawain ay nakabatay sa mga adhikain ni Kartini (Martyn 2005). Samga sumunod na taon, nagsagawa pa ng mga Kongreso hanggang sa binuwag ang PPII

    upang magbigay-daan sa mas permanenteng Kongreso hanggang sa noong 1935, kinilalang kilusang feminista ang sarili bilang may katangiang nasyonalista, sekular, atpanlipunan (Martyn 2005). Kung sa Unang Kongreso’y hindi opisyal na idineklara angsuporta para sa nasyonalismo, sa Ikalawang Kongreso’y malinaw na ipinahayag na ng mgakababaihan ang suporta para rito (Marlita at Poerwandari 2005).

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    22/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    48  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    Isa sa mga tagapagbuo ng nasabing Kongreso si Suyatin Kartowijono, kilala bilang isa samga pinuno ng kilusang pangkababaihan sa Indonesia mula dekada 1920 hanggangdekada 1950. Para sa kanya, hindi hiwalay ang pakikibaka ng mga Indones para sakasarinlan at ang pakikibaka ng kababaihan para sa kanilang karapatan. Inamin niSuyatin sa kanyang talambuhay na malaki ang impluwensya sa kanya ng itinuturing naunang modernong feminista sa Indonesia, walang iba kundi si Kartini (Blackburn 2013b).Kagaya ng idolong si Kartini, itinaguyod din ni Suyatin ang pagpapabuti sa kalagayan ngkababaihan sa Indonesia sa pamamagitan ng pangangampanya para magkaroon ng aksessa edukasyon ang kababaihan, pagtanggal sa sapilitan at maagang pagpapakasal, atoposisyon sa poligamiya (Blackburn 2013b).

    Malinaw na hindi naglaho sa kanyang kamatayan ang feminismong pinasimulan niKartini kundi nanatiling buhay sa puso at isipan ng mga sumunod na feminista sa

    Indonesia kagaya ni Suyatin. Sa katunayan, ang ilan sa mga isyung pangkasarian mismona tinutulan ni Kartini ay patuloy na ipinaglaban ng mga tagapagmanang feminista, gayang kahalagahan ng pagkakamit ng edukasyon ng kababaihan, pagtutol sa pag-aasawa samurang edad ng kababaihan, pakikipagkasundo ng magulang sa magulang sapagpapakasal ng mga anak, gayundin ang pag-aasawa ng marami ng kalalakihan. Angpatuloy na pakikibaka hinggil sa mga nasabing isyu ay patunay na mula sa panahon niKartini hanggang sa sumunod na panahon, patuloy na nagpapababa sa katayuan ngkababaihan ang mga tradisyong ito kung kaya’t patuloy ding nilabanan ng kababaihan. 

     Mga Hamong Kinaharap ng Kilusang Feminista sa Indonesia

     Ang mga kilusang bumuo sa nasabing Kongreso ng kababaihan noong 1928 ay itinuringna kaalyado ng mga kilusang nasyonalista sa pagtataguyod ng nasyonalismo.Gayumpaman, kaalinsabay ng pagtataguyod ng nasyonalismo ang pakikibaka para sa mgakarapatan ng kababaihan gaya ng karapatan sa edukasyon at mapaunlad ang posisyonglegal ng kababaihan lalo na sa usapin ng pag-aasawa. Sa mga kumperensya, pilitpinanatili ng Kongreso ang pagkakaisa lalo na sa mga usapin gaya ng poligamiya (Marlitaat Poerwandari 2005). Sa katunayan, kumalas mula sa Kongreso ang isang radikal nakilusang feminista, ang Istri Sedar   ( Aware Women) dahil sa isyung ito, na tinanggihangtuligsain ng mga organisasyong nasyonalista (Blackburn 2004). Ipinaglaban din ng

    nasabing kilusan ang pangangailangan para mabigyan ng pantay na karapatan angkababaihan sa pagpapakasal bilang pinakamahalaga sa lahat ng kanilang ipinaglalaban.Tinuligsa nito ang mga kinaugaliang tradisyon gaya ng maagang pag-aasawa, arbitraryongpakikipagdiborsyo ng kalalakihan sa kanilang mga asawa, at pag-aasawa ng kalalakihanng hanggang apat na babae. Dahil mas nakatuon ang nasabing Kongreso sa pagsusulongng nasyonalismo, hindi naging prayoridad ang mga usaping pangkababaihang nabanggit(Martyn 2005).

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    23/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    49  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

     Ang isyu ng poligamiya ay nagsilbing hamon sa pagkakaisa ng mga kilusang feminista saIndonesia (Martyn 2005). Hinati nito ang mga kilusang feminista na may magkaibangpaniniwala kung dapat bang itaguyod ang monogamiya (pag-aasawa ng isang kaparehalamang) o panatilihin ang poligamiya bilang tradisyong Indones. Taong 1937 nangmaghain ang pamahalaang kolonyal ng bagong batas ukol sa pag-aasawa. Iminungkahiang pagpaparehistro ng mga kasal na Muslim na ang ibig sabihin ay tinatanggap ngasawang lalaki ang monogamiya at ang kanyang asawang babae ay may karapatangmagsampa ng diborsyo kung magkakaroon ang lalaki ng ikalawang asawa. Bagama’t maymga kilusang feministang sumang-ayon dito, mas marami ang tumutol dito at tiningnanang hakbang na ito bilang bahagi ng mapanghating patakaran ng mga Olandes saIndonesia (Martyn 2005).

    Naging kritikal ang isyu ng poligamiya sa pagkakaisa ng mga kilusang feminista sapagkat

    hinamon nito ang pagnanais ng kababaihang maipaglaban ang karapatang mamuhaykapantay ng kalalakihan at ang kanilang kagustuhang mapanatili ang kinagisnangtradisyon. Matatandaang nakakawing ang kilusang feminista sa kilusang nasyonalista atang batayan ng kilusang nasyonalista ay ang pagtuligsa sa dayuhang kapangyarihan sapamamagitan ng pagpapanatili ng tradisyunal na kultura. Kung gayon, ang pagtutol saisang aspeto ng tradisyunal na kultura ay maaaring tingnan bilang pagtalikod sa esensyang kanilang ipinaglalaban. Sa aspetong ito, nahamon ang katatagan ng paninindigan ngkababaihan kung patuloy na lalabanan ang isyu ng poligamiya at maituring na anti-nasyonalista o tatanggapin ito bilang bahagi ng tradisyong Indones at maituring na anti-feminista.

    Isang mahalagang isyung umusbong din sa nasabing panahon ang karapatan sa pagbotong kababaihan (Martyn 2005). Una itong tinalakay sa Kongreso noong 1935 at mulinglumitaw noong 1938 nang magtalaga ang Gobernador Heneral ng isang babaeng Olandessa Volksraad (lehislatura). Nagprotesta ang mga feministang Indones, at sa Kongreso ngmga kilusang feminista noong 1941 ay kasama na sa ajenda ang pagbibigay ng karapatansa kababaihang makaboto. Gayumpaman, sinasabing mas nasyonalista kaysa feministaang batayan ng pangangampanya para sa karapatan ng kababaihang makaboto dahil masnilabanan ng kababaihan ang pagkakatalaga sa isang dayuhan sa posisyon kaysa sa isangbabaeng dayuhan (Martyn 2005).

    Kung gayon, sa pagitan ng 1928 hanggang 1941, malinaw na itinuring ng kilusangfeminista ang sarili sa loob ng kilusang nasyonalista. Itinuring itong “nakababatang kapatid na babae ng nasyonalismong Indones” (Martyn 2005). Pangunahing isinulongang nasyonalistang interes at itinuring ng mga lider nasyonalista na kaagapay angkababaihan sa pakikipaglaban para sa kasarinlan. Ipinalagay na ang paglaya ng Indonesiaay awtomatikong magbibigay ng kalayaan sa kababaihan. Gayumpaman, iba angipinamalas ng mga feminista sa kilusan na kaalinsabay na ipinaglaban ang mga isyung

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    24/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    50  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    pangkababaihan kasabay ng pakikibaka para sa kasarinlan (Martyn 2005). Kungsusumahin, masasabing mapanghamon ang nasabing panahon para sa kababaihangkalahok sa kilusang nasyonalista sapagkat maraming isyu ang kinailangang harapin nanaglagay sa kanila sa sangandaan kung paiiralin ang pagiging nasyonalista o ipaglalabanang karapatan bilang babae.

    PANIMULANG PAGHAHAMBINGSA KILUSANG FEMINISTA SA PILIPINAS AT INDONESIA

    Bilang panimulang paghahambing sa kilusang feminista sa Pilipinas at Indonesia, maymga matatagpuang pagkakatulad sa larangan ng kontekstong historikal sa pagitan ngdalawang bansa sa usapin ng pagiging kolonya ng kapangyarihang Kanluranin,

    pagkakamit ng Kanluraning edukasyon ng kababaihan, pagpapasimula ng kilusangfeminista mula sa hanay ng mga babaeng nakapag-aral, at unang bahagi ng ika-20 siglobilang panahon ng pag-usbong ng kilusang feminista. Bahagi rin ng pagkakatulad angpinag-ugatan ng feminismo sa kababaihang nakipaglaban para sa karapatang mamuhaynang malaya (sa Pilipinas, ang pakikibaka ng mga Katipunera sa Himagsikang 1896 at saIndonesia, ang pagkatatag ng Putri Mardika  noong 1912 at  Aysyiyah  noong 1917 bilangbahagi ng kilusang nasyonalista).

    Bagama’t mauugat ang feminismo sa Pilipinas (sa mga cigarrera, dalawampung dalagangtaga-Malolos, at mga Katipunera sa Pilipinas) at Indonesia (kay Kartini) sa mga naunang

    tagapagsulong ng maagang feminismo (o proto-feminismo), masasabing ang pormal napagkabuo ng mga kilusang feminista ay sa pagkakatatag ng  Asociación Feminista Filipina (1905) at Putri Mardika  (1912). Mula rito, magkakaroon ng pagkakaiba sa tunguhin ngpakikibaka sapagkat pagtutuunan ng pansin ng kilusang feminista sa Pilipinas angpagkakamit ng mga karapatang pulitikal ng kababaihan habang ang kilusang feminista saIndonesia ay kasabay namang ipinaglaban ang kalayaan mula sa mga Olandes habangipinaglalaban ang mga karapatan ng kababaihan.

    Pagkakatulad ng mga Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

    Sa Pilipinas at Indonesia, halos magkaalinsabay umusbong ang kilusang feminista saunang bahagi ng ika-20 siglo (1905 sa Pilipinas at 1912 naman sa Indonesia). Ang nasabingpanahon ay kritikal sa kasaysayan ng dalawang bansa sapagkat nahaharap ang parehongbayan sa kolonyalismong Amerikano (Pilipinas) at Olandes (Indonesia).

     Ang pagkakamit ng edukasyon ay pinakinabangan ng mga maykayang kababaihan. SaPilipinas, ito ang naging puna nina Carolyn Sobritchea (1990) at Judy Taguiwalo (1997).

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    25/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    51  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    Masasabing ang mga maykayang kababaihan ang tuwirang nakinabang sa mga bagongpagkakataong pang-edukasyon sa panahong ang baya’y nahaharap sa kolonyalismong Amerikano (Taguiwalo 2010). Sa Indonesia, ganito rin ang naging pagtingin ni ElizabethMartyn (2005) na nagsabing ang mga bagong organisasyon ay nagsantabi sa kababaihanmula sa mababang uri ng lipunan dahil karamihan sa mga kasapi ng mga organisasyongpangkababaihan ay nanggaling sa mga uring elitista ng lipunang Indones.

    Kapansin-pansin ding taong 1901 nang ipatupad ang patakarang nagbigay ngpagkakataong makapag-aral ang mga maykayang kababaihan sa Pilipinas at Indonesia.Taong 1901 nang ipatupad ang Act 74 na nagbigay-daan sa pagkakatatag ng mga paaralangpambabae (Tarrosa Subido 1955). Samantala sa parehong taon ding yaon ipinatupad ang“polisiyang etikal”  na nagbigay-daan sa pagpapabuti ng kalagayan ng kababaihan salipunan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makapag-aral at

    mabigyan ng proteksyon ang kanilang karapatan (Blackburn 2004). Isa nga sanakinabang mula sa patakarang ito ang itinuturing na unang feminista sa Indonesia, siKartini, na siyang naging huwaran ng mga sumunod na feminista sa Indonesia (Martyn2005). Hindi rin nakapagtatakang karamihan sa kababaihang Indones na nag-organisa ngmga unang kilusang feminista ay mga nakinabang mula sa edukasyong natamo batay sa“polisiyang etikal.” 

    Bukod sa parehong pinasimulan ng mga babaeng nakapag-aral, may pagkakatulad dinang naging karanasan ng mga kilusang feminista sa Pilipinas at Indonesia sa aspeto ngpagdanas ng diskriminasyon mula sa kalalakihan.

    Sa Pilipinas, bagama’t nakahanap ng ilang kakamping kalalakihan sa Kongreso at Senado,mayroon ding nagpamalas ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan. Sila yaong mgatumutol sa pagbibigay ng karapatang makaboto ang kababaihan sa pamamagitan ngpagpapahayag ng mga sentimyentong nagpapakita ng mababang pagtingin sakababaihan. Masusing tinalakay sa akda ni Palma (1919) ang mga argumento laban sapagbibigay ng karapatan sa pagboto sa kababaihan gaya ng pagsira nito sa kaayusan atkatatagan ng pamilya dahil mapapabayaan lamang ng kababaihan ang tungkulin sapamilya kung magkakaroon ng karapatang pulitikal.

    Sa Indonesia, hindi rin nakaligtas ang mga unang feminista mula sa diskriminasyong

    naranasan sa loob mismo ng kilusan. Sa  Aysyiyah  mismo, patuloy ang tradisyon ngpaghihiwalay sa kalalakihan at kababaihan kahit sa mga pampublikong pulong ng kilusan(Martyn 2005). Batay ito sa tradisyon kung saan hindi hinahayaan ang kalalakihan atkababaihang magkahalubilo lalo na sa mga pampublikong lugar. Bukod dito, ang isyu ngpag-aasawa ng kalalakihan ng mahigit sa isa ay isang isyu ring naging kritikal saipinaglalaban ng mga feminista sa Indonesia (Martyn 2005). Gaya ng nabanggit na, hinating usaping ito ang kababaihan sa kilusan dahil ang iba’y naniwalang dapat itigil ang

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    26/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    52  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    praktis na itong hindi nagbibigay ng pantay na karapatan sa kalalakihan at kababaihan,samantalang ang iba nama’y naniniwalang hindi dapat tanggalin ang nasabing kostumbredahil ang ipinaglalaban nilang nasyonalismo’y nakabatay sa pagpapanatili ngnakaugaliang tradisyon.

    Sa katunayan, kaakibat ng pag-unlad ng mga ideyang feminista mula sa Europa at mgabagong ideyang Islamiko kaugnay ng pag-oorganisa sa kababaihan ang pag-unlad din ngkamalayang nasyonalistiko. Gayumpaman, sa kabila ng mapagpalayang aspekto ngkilusang feminista, ang pagbibigay-diin ng  Aysyiyah sa subordinasyon ng kababaihan sakanilang mga asawang lalaki batay sa tradisyon, dahil binibigyan nito ng pagkakataon angkababaihang makilala na ang pinakamahalagang tungkulin niya ay nasa tahanan(Robinson 2009).

    Pagkakaiba ng mga Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

    Bagama’t parehong pinasimulan ng mga babaeng nakapag-aral ang mga unang kilusangfeminista sa Pilipinas at Indonesia at parehong umusbong sa halos magkasabay napanahon at sa ilalim ng parehong karanasang kolonyal, hindi nangangahulugang nagingmagkatulad din ang naging tunguhin ng ipinaglaban.

    Sa Pilipinas, isa sa maaaring pag-ugatan ng feminismo ang pagkilos ng kababaihan upangitaguyod ang nasyonalismo (sa kaso ng mga Katipunerang sumali sa Katipunan simula

    1893 at kasamang nagpasiklab ng Himagsikang 1896). Sa pormal na pagkatatag ng unangkilusang feminista noong 1905, malinaw na ang naging tunguhi’y mabigyan ng masmaginhawang buhay ang kababaihan, kasama rito ang reporma para sa mga babaengpreso at manggagawa (Tarrosa Subido 1955). Pinaigting din ang kampanya para sa masmalawak na partisipasyon ng kababaihan sa larangan ng pag-oorganisa atpangangampanya laban sa mga bisyo gaya ng sugal, prostitusyon, at paglalasing. Kasamarin sa mga layunin ng  Asociación Feminista Filipina  ang ibayong kampanya sapagpapatatag ng moralidad batay sa Katolisismo-Kristyanismo sa pamamagitan ngkampanyang relihiyoso sa mga paaralan at pabrika (Tarrosa Subido 1955). Ninais din ngkilusang mapalawak ang representasyon ng kababaihan sa iba’t ibang gawaingpampamayanan. Gayundin, pinagtuunan ng pansin ng kilusan, sa pamamagitan ng Gota

    de Leche, ang pagbibigay ng malinis na gatas at sapat na kaalaman sa mga ina upangmapababa ang bilang ng mga sanggol na namamatay dahil sa malnutrisyon at kakulangansa sapat na impormasyon (Tarrosa Subido 1955). Kalaunan, ang mga babaengnagpasimula ng reporma para sa kababaihan ang sila ring mangangampanya paramakamit ng kababaihan ang karapatan sa pagboto at maihalal sa puwesto (TarrosaSubido 1955). Dahil mga nakapag-aral sila, nagkaroon sila ng pagkakataong makalapit samga mambabatas, makahikayat ng mga mambabatas na magsusulong ng batas para sa

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    27/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    53  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    karapatan sa pagboto ng kababaihan, makapaglathala ng mga sulating nagpapaliwanagkung bakit mahalagang mabigyan ng karapatang pulitikal ang kababaihan, atmakapagbigay ng talumpati sa mga sesyon ng Kapulungan upang hikayatin ang mgamambabatas na mabigyan ng pantay na karapatang pulitikal ang kababaihan.Pinagtuunan nila ng pansin ang pakikipaglaban para sa karapatang panlipunan atpulitikal ng kababaihan.

    Sa Indonesia, malinaw na nagsimula rin bilang bahagi ng mga kilusang nasyonalista angmga unang kilusang feminista (Blackburn 2004). Kung ikukumpara sa  AsociacionFeminista Filipina  sa Pilipinas bilang unang pormal na kilusang feminista, malinaw nanaging prayoridad ng kilusang feminista sa Indonesia ang pagtataguyod ng nasyonalismosamantalang prayoridad naman ng kilusang feminista sa Pilipinas ang kampanya para sakapakanang panlipunan ng kababaihan. Kasama ng kalalakihan, ipinaglaban ng mga

    unang feminista sa Indonesia ang kasarinlan mula sa mga Olandes (Blackburn 2004).Gayumpaman, hindi maitatatwang kasabay ng pakikipaglaban para sa kasarinlan angpakikibaka ng kababaihan para sa kanilang karapatan. Nakatuon ang mga usapingfeminista sa pagreporma sa mga kinaugaliang tradisyon na tiningnan bilang sanhi ngmababang pagtingin sa kababaihan, gaya ng pag-aasawa ng kalalakihan ng mahigit sa isaat ang sapilitang pagpapakasal sa murang edad. Kung gayon, naging masalimuot angpakikibaka ng mga feministang Indones dahil kinailangan nilang balansehin angpakikibaka para sa kasarinlan na ipinaglaban ng mga kilusang Islamikong kinabibilangannila, habang ipinaglalaban ang karapatan ng kababaihan laban sa ilang aspekto ng kulturana tiningnan bilang nagpapababa sa katayuan ng kababaihan sa lipunan. Nagbigay-daan

    ito sa pag-usbong ng tinatawag na  feminismong Islamiko sa Indonesia kung saan nakitaang kahalagahan ng muling pagsusuri sa Islam bilang instrumento upang mapalaya angkababaihan mula sa mababang katayuang nakabatay sa kinagisnang kultura (Parvanova2012).

    Kung tutuusin, ang pagkakaiba ng pagsisimula ng kilusang feminista sa Pilipinas atIndonesia ay nakasalalay sa dinamismo at partikularidad ng mga karanasan. Halimbawa,habang hinaharap ng mga suprahista sa Pilipinas ang mababang pagtingin sa kababaihanbatay sa moralidad ng Katolisismo-Kristyanismo, kinaharap naman ng mga feministangIndones ang mababang pagtingin sa kababaihan sa Indonesia batay sa moralidad ng adat at Islam.

    PANGWAKAS:PAGPOPOOK SA ARALING KABABAIHAN  AT ARALING KABANWAHAN  

     Ang papel na ito ay panimulang komparatibong pag-aaral hinggil sa simula ng kilusangfeminista sa Pilipinas at Indonesia sa diwa ng Araling Kababaihan at Araling Kabanwahan.

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    28/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    54  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    Dahil isa sa mahahalagang larangan ng Bagong Kasaysayan ang Araling Kabanwahan, angpaghahambing sa naging karanasan ng Pilipinas at Indonesia sa usapin ng pagsisimula ngkilusang feminista sa dalawang bansa sa diwa naman ng Kasaysayang Komparatibo  ayinaasahang makaambag hindi lamang sa pagpapalawak ng binubuong talastasangfeminista sa Timog Silangang Asya, kundi sa  Araling Kabanwahan  sa pamamagitan ngpag-aaral sa dalawang magkaugnay na kabihasnan.

    Layunin ng papel na ito na makatagpo ng mga pagkakatulad at pagkakaiba sa nagingkaranasan ng Pilipinas at Indonesia sa pagkabuo ng mga unang kilusang feminista atnaging batayan at tuon ng kanilang pakikibaka. Malaki ang pagkakatulad ng kondisyonghistorikal sa pagitan ng dalawang bansang parehong sumailalim sa kolonyalismongKanluranin. Gayumpaman, dahil sa magkakaibang dinamismo, nagkaroon ng pagkakaibasa naging katangian ng pakikibaka ng kababaihan. Mauugat ang maagang feminismo (o

    proto-feminismo) sa Pilipinas sa pakikibaka para sa karapatan ng manggagawa(cigarreras), edukasyon (dalawampung dalagang taga-Malolos), at nasyonalismo opakikibaka para sa kasarinlan (Sangay Pangkababaihan ng Katipunan) hanggang sapagkatatag ng unang kilusang feminista—simula ng pormal na feminismo—sa Pilipinasnoong 1905. Sa  Asociación Feminista Filipina, naging ispesipikong tuon ang pakikibakapara sa karapatan ng kababaihan. Samantala, nagsimula ang mga kilusang feminista saIndonesia sa pamamagitan ng Putri Mardika noong 1912 bilang kakawing ng pakikibakangnasyonalista. Habang kinakalaban ng mga feministang Pilipino ang mga seksistanglalaking mambabatas sa mga sesyon sa Kapulungan, naging mapanghamon din angkaranasan ng mga feministang Indones dahil kasabay ng pakikibaka para sa nasyonalismo

    ang pakikibaka para sa paglaya ng kababaihan mula sa opresyon sa pamamagitan ngpagtatangkang mareporma ang nakaugaliang tradisyon. Gayundin, parehong humarap samga hamon ang mga kilusang feminista sa Pilipinas at Indonesia mula sa tradisyunal nalipunang may pagkiling sa kalalakihan.

    Isa sa mga kritisismo sa pagsisimula ng mga kilusang feminista sa Pilipinas at Indonesiaang pagkakaroon ng malaking papel ng mga maykayang kababaihan sa pagkilos upangipaglaban ang nasyonalismo at mga karapatan ng kababaihan. Dahil sila ang direktangnakinabang mula sa edukasyong inihain ng mga mananakop na Amerikano at Olandes,hindi nakapagtatakang sila ang nagkaroon ng pagkakataong makinabang mula saKanluraning edukasyon at magamit ito para sa kapakanan ng bayan sa pangkalahatan at

    ng kababaihan sa partikular. Marahil mas mainam din kung palalawakin pa ang mga pag-aaral hinggil sa papel ng kababaihan mula sa mababang uri ng lipunan sa pagtataguyodng feminismo at nasyonalismo sa Timog Silangang Asya. Nararapat kilalanin angpakikibaka ng kababaihan mula sa lahat ng sangay ng lipunan.

    Bilang rekomendasyon, maaari ring paksain sa mga susunod na komparatibong pag-aaralang pagpopook at pagsusuri sa pagkakatulad at pagkakaiba ng pinag-ugatan ng

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    29/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

    55  JOSE: Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia

     Saliksik   Journal 

    feminismo sa Indonesia at katimugang Pilipinas upang mapaghambing ang kultura atmga salungatan ng sistema ng pagpapahalaga upang malaman kung umiiral din saMuslim Mindanao ang pagtuligsa sa pag-aasawa nang maaga, poligamiya, at iba pa nagaya sa Indonesia. Mainam ding magkaroon ng mas marami pang pag-aaral hinggil sapagsisimula ng mga kilusang feminista sa iba pang bansa sa Timog Silangang Asya atmasuri ang pagkakatulad, pagkakaiba, at kung maaari, pagkakaugnay ng mga ito. Saganitong paraan, mas mapaghahambing-hambing ang naging karanasan ng mga bansa sausapin ng pakikibaka ng kababaihan para sa karapatang mamuhay kapantay ngkalalakihan. Gaya ng pagpupunyaging ito, hinihikayat ang mga historyador sa mga bansasa Timog Silangang Asya na pagtuunan ng pansin ang papel ng kababaihan sa kasaysayan,at maisulat ang kasaysayan sa sariling wika upang madalumat ang mga konsepto batay sakatutubong konteksto at kahulugan. Kung maisasakatuparan ito, magiging mahalagangambag ito hindi lamang sa Araling Kababaihan kundi gayundin sa Araling Kabanwahan.

    Sanggunian

     Alzona, Encarnacion A. 1934. The Filipino Woman: Her Social, Economic, and PoliticalStatus, 1565-1933. Manila: Benipayo Press.

     Ampil Tirona, Gertie 1996. Why are Some Filipinas Historic But Not Heroic? Review ofWomen’s Studies 5-6, blg. 2-1: 115-122.

    Blackburn, Susan. 2004. Women and the State in Modern Indonesia. New York:Cambridge University Press.

    Blackburn, Susan 2013a. Gendered Nationalist Movements in Southeast Asia. NasaWomen in Southeast Asian Nationalist Movements, mga pat. Susan Blackburn atHelen Ting, 1-22.  Singapore: National University of Singapore Press.

    Blackburn, Susan 2013b. Suyatin Kartowiyono: A Nationalist Leader of the Indonesian Women’s Movement. Nasa Women in Southeast Asian Nationalist Movements,mga pat. Susan Blackburn at Helen Ting, 75-97.  Singapore: National University ofSingapore Press.

    Camagay, Ma. Luisa T. 1995. Working Women of Manila in the 19th Century. Quezon City:University of the Philippines Press.

    Camagay, Ma. Luisa T. 1996. Ang Kababaihan sa Teksto at Reyalidad. Review of Women’sStudies 5-6, blg. 2-1: 1-9.

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    30/32

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    31/32

  • 8/18/2019 05 Artikulo Jose

    32/32

     

    Tomo 4, Bilang 2 | Nobyembre 2015

     Saliksik   Journal 

     Villanueva Kalaw, Pura. 1952. How the Filipina Got the Vote. Manila: Crown Printing.

     Wollstonecraft, Mary. 1792.  A Vindication of the Rights of Woman; With Strictures onPolitical and Moral Subjects.  Auckland: Floating Press, 2010.