58
Diariong Tagalog El Amor Patrio Amor Patrio” ang kanyang kauna-unahang isinulat na propaganda na ipinadala sa dyaryong tagalog “Ang pag-ibig sa tinubuang Lupa”. Si Ferdinand Blumentritt, isang banyaga at nagsilbing kuya ni Rizal, isang Aleman mula sa Germany si Blumentritt. isa rin siyang punong-guro sa isang paaralan sa Litomerice. Ipinanganak siya sa Praha sa isang pamilya ng mga Alemang Sudeten at ang isa sa mga pinakanangungunang dalubhasa sa Pilipinas noong kaniyang panahon. Sa kanya natagpuan ni Rizal ang tunay na pagkakaibigan sa kabila ng mag-kaibang lingguwahe, sakanya rin pinababatid ni Rizal ang bawat saloobin niya sa lahat ng ngyayari sa bansang Pilipinas lalong lalo na ang ginagawang pang-gigipit ng mga kastila sa kanyang pamilya. Hanggang sa naisulat niya ang El Filibusterismo at Noli Me Tangere na nglalayon sa pag-bubukas ng mga mata at ulirat ukol sa pagpapahirap sa mga kapwa Filipino niya. Hanggang siya ang sintensyahan ng kamatayan. Mahahalintulad ku ang Pluma at sa tatag ng tinta nito sa buhay at mga tala ni Rizal, dahil tulad ng

Mga Iba't ibang artikulo patungkol kay Rizal

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Sana magkaroon ng maganda at maayos na koleksyon ng mga gawa ni Rizal.

Citation preview

Diariong Tagalog

El Amor Patrio

Amor Patrio” ang kanyang kauna-unahang isinulat na propaganda na

ipinadala sa dyaryong tagalog “Ang pag-ibig sa tinubuang Lupa”. Si

Ferdinand Blumentritt, isang banyaga at nagsilbing kuya ni Rizal, isang

Aleman mula sa Germany si Blumentritt. isa rin siyang punong-guro sa isang

paaralan sa Litomerice. Ipinanganak siya sa Praha sa isang pamilya ng mga

Alemang Sudeten at ang isa sa mga pinakanangungunang dalubhasa sa

Pilipinas noong kaniyang panahon. Sa kanya natagpuan ni Rizal ang tunay na

pagkakaibigan sa kabila ng mag-kaibang lingguwahe, sakanya rin

pinababatid ni Rizal ang bawat saloobin niya sa lahat ng ngyayari sa

bansang Pilipinas lalong lalo na ang ginagawang pang-gigipit ng mga kastila

sa kanyang pamilya. Hanggang sa naisulat niya ang El Filibusterismo at Noli

Me Tangere na nglalayon sa pag-bubukas ng mga mata at ulirat ukol sa

pagpapahirap sa mga kapwa Filipino niya. Hanggang siya ang sintensyahan

ng kamatayan. Mahahalintulad ku ang Pluma at sa tatag ng tinta nito sa

buhay at mga tala ni Rizal, dahil tulad ng pluma na sa oras na malapat sa

mga papel ay habambuhay na itong nakasulat. Tulad nalang ng mga isinulat

ni Riza na siyang nag-sanhi sa ating mga ninuno upang ipag-laban an gating

kalayaan, mga karapatang pang-tao, karapatang mabuhay nang patas at

Malaya mula sa mga mananakop na kastila. Ipinakikita dito na kung marahil

ay wala si rizal at ang kanyang mga tala at reporma ay marahil siguro ay

nasa ibabaw parin tayo ng kapangyrihan ng mga kastila at iba pang

mananakop.

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA

José Rizal(Laong-Laan)

[Wala nang pinakamagandang paksa kaysa sa pag-ibig sa tinubuang-lupa.

Ito ang unang artikulong sinulat ni Rizal pagdating ng Europa, sa Barselona

noong 1882 sa gulang na 21taon.]

1 Narito ang isang magandang paksa; at dahil din sa kanyang kagandahan ay

napakadalas nangtalakayin. Ang pantas, makata, makasining, manggagawa,

mangangalakal, o mandirigma,matanda o bata, hari o alipin -- ang lahat ay

nakapag-isip na tungkol sa kanya, at nakapaghandogng pinakamahalagang

bunga ng kanilang isip o ng kanilang puso. Buhat sa taga Europang

mulat,malaya't mapagmalaki sa kanyang maluwalhating kasaysayan,

hanggang sa negro sa Aprika, nahinango sa kanyang mga kagubatan at

ipinagbili sa hamak na halaga; buhat sa matatandangbayang ang mga

anino'y aali-aligid pa sa kanilang mga mapapanglaw ng guho, libingan

ngkanilang mga kaluwalhatia't pagdurusa, hanggang sa mga bansang

makabago't lagi ng kumikilosat puno, ng buhay, ay nagkaroon ay mayroong

isang pinakamamahal na dilag, maningning,dakila, nguni't walang habag at

malupit, na tinatawag na Inang-Bayan. Libu-libong dila ang sakanya'y

umawit, libu-libong kudyapi ang naghandog sa kanya ng kanilang mga

makatang lalongmatataas ang pangarap, ang naghain sa kanyang harap o sa

kanyang alaala ng kanilangpiankamaningning na katha. Siya ang naging

sigaw ng kapayapaan ng pag-ibig at ngkaluwalhatian, palibhasa'y siya ang

laman ng lahat ng pag-iisip, at katulad ng liwanag nanakukulong sa isang

malinis na bubog, siya'y tumatagos hanggang sa labas, na parang mga

sinagna buhay na buhay.At ito ba'y magiging sagwil upang siya'y pag-ukulan

natin ng panahon? At tayo ba'y hindimaaaring mag-ukol sa kanya ng

anumang bagay, tayong walang ibang kasalanan kundi angpagkakahuli ng

pagsilang sa maliwanag? Nagbibigay ba ang dantaong ika-labinsiyam

ngkarapatang huwag kumilala ng utang na loob? Hindi. Hindi pa nasasaid

ang mayamang mina ngpuso; sagana pa tuwina ang kanayang alaala, at

bahagya man ang pagkakapukaw ng kanyangalaala, at bahagya man ang

pagkapukaw ng ating kalooban, ay makasusumpong tayo sakaibuturan ng

ating kaluluwa na kung di man isang masaganang kayamanan, ay abuloy

nabagaman dahop ay puspos naman ng kasiglahan. Katulad ng mga

matatandang ebreong nangag-alay sa templo ng mga kauna-unahang bunga

ng kanilang pag-ibig, tayong mangingibang lupainay nag-uukol ng mga

kauna-unahang tinig sa ating Inang-Bayang nababalot ng mga panginorinat

mga ulap ng umaga, lagi nang maganda at matulain, at sa tuwi-tuwina'y

lalong sinasambahabang sa kanya'y nawawalay at nalalayo.At ito'y hindi

nararapat pagtakhan sa dahilang ang pag-ibig sa inang-baya'y isang

damdamingtunay na katutubo; sapagka't naroroon ang mga kauna-unahang

alaala ng kamusmusan, isangmasamang tulang awitin na ang kabataan

lamang ang nakakikilala at sa mga bakas nito'ysumisibol ang bulaklak ng

kawalang-malay at ng kaligayahan; sapagka't doo'y nahihimbing ang buong

nakaraan at nababanaagan ang isang hinaharap; sapagka't sa kanyang mga

kagubatan at sakanyang mga kaparangan, sa bawa't punungkahoy, sa

bawa't halaman, sa bawa't bulaklak, aynakikita ninyong nakaukit ang gunita

ng isang nilikhang minamahal ninyo, gaya ng hininga niyasa mahalimuyak

na simoy ng hangin, ng kanyang awit sa mga bulong ng bukal, ng ngiti niya

sabahaghari ng langit,o ng mga buntung-hininga niya sa magulong

halinghing ng hangin sa gabi.Ang sanhi nito'y sapagka't doo'y nakakikita

kayo, sa pamamagitan ng mga mata ng inyonggunita, sa ilalim ng tahimik na

bubong ng matandang tahanan, ng isang angkang nag-aalaala atnaghihintay

sa inyo, nag-uukol sa inyo ng mga isipan at mga pagkabalisa nila; sa

wakas,sapagka't sa kanyang langit, sa kanyang araw, sa kanyang mga

karagatan at sa kanyang mgakagubatan ay nakakatagpo kayo ng tulain, ng

paggiliw at ng pag-ibig, at hanggang sa libingan naring pinaghihintayan sa

inyo ng isang abang puntod upang kayo'y isauli sa sinapupunan ng

lupa.Mayroon kayang isang kadiyusang nagtatali ng ating mga puso sa lupa

ng ating inang-bayan, nanagpapaganda't nagpaparilag sa lahat,

naghahandog sa atin ng lahat ng bagay sa ilalim ng isanganyong matulain at

malambing, at nakararahuyo sa ating mga puso? Saapagka't sa papaano

manganyo humarap siya, maging nararamtan ng matingkad na pula,

napuputungan ng mga bulaklak atlaurel, makapangyarihan at mayaman;

maging malungkot at nag-iisa, nababalot ng basahan, atalipin,

nagmamakaawa sa kanyang mga anak na alipin din; maging anaki'y diwata

sa isanghalamang maalindog, naliligid ng mga bughaw na alon ng

karagatan, nakahahalina at marikit,gaya ng pangarap ng napaglalalangang

kabataan; maging natatakpan ng isang lambong ng yelo,nakaupong

malungkot sa mga dulo ng daigdig, sa silong ng isang langit na walang araw

atwalang tala; maging anuman ang kanyang ngalan, ang kanyang gulang o

ang kanyang kapalaran,siya'y lagi na nating minamahal, gaya ng

pagmamahal ng anak sa kanyang ina sa gitna ng gutomat ng karalitaan.At

bagay na kataka-taka! Habang siya'y lalong aba't kulang-palad, habang

lalong nagdurusa nangdahil sa kanya, ay lalo naman siyang sinasamba

hanggang sa nagtatamo ng kaligayahan sapagtitiis ng dahil sa kanya.

Napansing ang mga naninirahan sa mga bundok at sa mga di-linangna

kaparangan, at yaong mga isinilang sa lupang tigang o mapanglaw, ay

siyang nag-aangkin nglalong buhay na alaala ng kanilang bansa, at walang

nasusumpungan sa mga lunsod maliban samalabis na pagkainip na siyang

pumipilipit sa kanilang magbalik sa kanilang tinubuang lupa. Itokaya'y dahil

sa ang pag-ibig sa inang-baya'y siyang pinakawagas, pinakamagiting

atpinakadakila? Ang pagkilala kaya ng utang na loob, ang pagkalugod sa

lahat ng nakapagpagunitang ating mga kauna-unahang araw, ang lupa

kayang kinahihimlayan ng ating mga nuno, angtemplong kinadoroonan ng

sinasamba nating Diyos sa pamamagitan ng katapatan ng walangmalay na

kamusmusan; ang tunog ng batingaw na nakaaaliw sa atin buhat sa

pagkabata, ang mgamalalawak na kaparangan, ang lawang bughaw, na may

mga kaakit-akit na pasigan ng mgabulaklak na parang pugad ng pag-ibig; o

ang ganitong matamis na damdamin? Ang sigwa kaya,na kumakawala,

humahagupit at naghahapay, sa pamamagitan ng kanyang kakilakilabot

nahaginit, ng tanang nasasagasaan sa dinaraanan niya; ang lintik kayang

nakatakas sa kamay ngnakapangyayari at pumupuksa sa bawa't tamaan;

ang agos kaya o ang talon ng tubig, mga bagayna walang tantan ng

paggalaw at walang tugot ng pagbabala? Ang lahat kayang ito ang sa

ati'ynakaaakit, nakararahuyo't nakahahalina?Marahil, ang mga kariktang ito

o ang mga sariwang gunita ang siyang nagpapatibay sa talingbumibigkis sa

atin sa lupang sinilangan at nagbubunga ng matamis na katiwasayan kapag

tayo'ynasa-ating bayan, o kaya'y ng matinding kapanglawan kapag tayo'y

nalalayo sa kanya, simula ng isang malupit na karamdamang tinatawag na

"nostalgia" (matinding pag-aalaala sa sarilingtahanan o bayan).O!

Kailanma'y huwag ninyong pasakitang-loob ang taga-ibang lupa, ang

umaahon sa inyongmga dalampasigan; huwag ninyong gisingin sa kanya ang

buhay na gunita ng kanyang bayan, ngmga ligaya sa kanyang tahanan,

sapagka't kung magkakagayon, sila'y mga sawimpalad nggigisingin ninyo sa

kanila ang karamdamang yaon, masugid na multong hindi hihiwalay sakanila

hanggang hindi masilayan ang tinubuang lupa, o hanggang sa tumugpa sa

bingit ng hukay.Huwag kayong magbuhos kailanman ng isang patak ng

kapaitan sa kanyang puso, palibhasa'y saganitong pagkakataon ay nag-

iibayo ang mga dalamhati kung ihahambing sa mga kaligayahan sanawalang

tahanan.Tayo nga'y ipinanganganak, lumalaki, tumatanda, at namamatay na

nagsisimpan ng banal nadamdaming ito. Ito kaipala'y siyang lalong

nananatili, kung mayroon mang kapanatilihan sa pusong tao, at tila hindi

siya humihiwalay sa atin kahit na sa libingan na rin. Si Napoleon,

nanakikinikinita na niya ang madilim na kailaliman ng libingan, ay

nakagunita sa kanyangPransiya, nalabis niyang pinakamahal, at sa

pagkakatapo'y pinaghabilinan niya ng kanyang mgalabi, sa pananalig na sa

sinapupunan ng kanyang inang-bayan ay makakasumpong ng lalongmatamis

na pagpapahingalay.Si Ovidio, na lalong kulang-palad, sa pagguguniguning

kahit na ang mga abo niya'y hindi namakabalik sa Roma, ay naghihingalo sa

Ponto Euxino, at inaaliw ang sarili sa pag-aalaalangkung hindi man siya, ang

mga tula man lamang niya'y makamamalas sa kapitolyo.Noong bata pa

tayo'y nawili tayo sa mga laro; nang magbibinata na'y nalimot na natin ang

mgayaon; nang magbinata na'y humanap tayo ng ating pangarap; nang

mabigo naman tayo'ytinangisan natin ito; at tayo'y humanap ng lalong tunay

at lalong kapaki-pakinabang; nang tayo'ymaging ama na'y namatayan tayo

ng mga anak at pinapawi ng panahon ang ating hapis, gaya ngpagpawi ng

hangin sa dagat sa mga baybayin habang nalalayo sa mga ito ang

sasakyan.Datapuwa't, sa kabilang dako, ang pag-ibig sa inang-bayan ay

hindi napaparam kailanman kapagnakapasok na sa puso, palibhasa'y

nagtataglay sa kanyang sarili ng tatak na maka-Diyos naikinapagiging

walang kamataya't walang hanggan.Sinasabing ang pag-ibig kailanman ay

siyang pinakamakapangyarihang tagapagbunsod ng mgagawang lalong

magiting; kung gayon, sa lahat ng mga pag-ibig, ang pag-ibig sa inang-

bayan aysiyang nakalikha ng mga gawang lalong dakila, lalong magiting at

lalong walang halong pag-iimbot. Kung hindi'y bumasa kayo ng kasaysayan

ng m,ga ulat ng pangyayari taun-taon, ng mgaalamat; pumasok kayo sa

sinapupunan ng mga mag-anak; anong mga pagpapakasakit, mgapagbabata

at mga luha ang ibinubuhos sa kabanal-banalang dambana ng inang-bayan!

Buhat kayBruto, na nagparusa sa kanyang mga anak na pinaratangan ng

pagtataksil hanggang kayGuzman, ang mabuti, na pumayag na patayin ang

kanyang anak, huwag lamang siyangmagkulang as tungkulin; anong mga

dula, mga sakuna, mga pagpapakasakit ang hindi naisagawaalang-alang sa

kagalingan ng hindi mapalubay na kadiyusang iyong walang maipapalit sa

mgaanak nila, maliban sa pasasalamat at mga pagpapala. At gayunman, sa

pamamagitan ng mga bahagi ng kanilang puso'y nagtatayo sila ng

maluwalhating bantayog sa inang-bayan; sapamamagitan ng mga gawaa ng

kanilang mga kamay, sa pamamagitan ng pawis ng kanilang mganoo ay

dinilig at napamunga ang banal na punung-kahoy, at hindi sila naghintay ni

nagkaroon nganumang gantimpala!Masdan ninyo roon ang isang taong

nagkukulong sa kanyang silid; sa kanya'y lumilipas anglalong mahahalagang

araw, ang mga mata niya'y lumalabo, ang buhok niya'y nangangabo

atnalalagas na kasama ng mga pangarap niya; ang katawan niya'y

nakukuba. Sinasaliksik niya saloob ng maraming taon ang isang

kaatotohanan, nalutas niya ang isang suliranin: angpagkagutom at

pagkauhaw, ang ginaw at alinsangan, ang mga karamdama't kasawian

ayhumarap na sunud-sunod sa kanya. Papanaog siya sa libingan, at

sinamantala ang kanyangpaghihingalo upang ihandog sa inang-bayan ang

isang pumpon ng bulaklak para sa korona nito,isang katotohanan, bukal at

simula ng libong pakinabang.Ibaling ninyo ang tingin sa ibang dako; isang

taong dinarang ng araw ang nagbubungkal ng lupaupang paglagakan ng

isang binhi; siya'y isang magbubukid. Siya'y umaabuloy din sapamamagitan

ng maliit bagama't makabuluhang paggawa, sa kaluwalhatian ng kanyang

bansa.Ang inang-baya'y nasa panganib ! Sumusulpot sa lupa, na parang

malikmata, ang mgamandirigma't mga pangunahin. Iniiwan ng mga ama ang

mga anak, ng mga anak ang ama, atlahat sila't dumadaluhong upang

magtanggol sa ina ng lahat. Nagpapaalam sila sa tahimik napakikipagbaka

sa tahanan at inililingid sa ilalim ng talukap ngmga mata ang mga

luhangpinadadaloy ng kalambutan ng loob. Sila'y nagsiyao, at lahat ay

namatay. Marahil, siya'y ama ngmaraming anak na mapupula't kulay sagang

katulad ng mga kerubin, marahil siya'y isangbinatang may pag-asang

nakangiti; anak man o mangingibig ay hindi nakakasalabid!Ipinagtatanggol

niya ang sa kanya'y nagbigay ng buhay, natupad niya ang kanyang

tungkulin. SiCodro man o si Leonidas, kahit na sino siya, ang inang-bayan ay

matututong umalaala sa kanya.Ipinara ng ilan ang kanilang kabataan, ang

kanilang kaligayahan; ang iba'y naghandog sa kanyang kaningningan ng

kanilang kadalubhasaan; ang mga ito'y nagbubo n g kanilang dugo; anglahat

ay namatay at nagpamana sa kanilang inang-bayan ng isang malaking

kayamanan; ngkalayaan at ng kaluwalhatian.At siya, ano ang nagawa niya

para sa kanila? Sila'y tinatangisan niya at buong pagmamalakinginihaharap

sa daigdig, sa mga ipanganganak pa at magiging anak ng mga ito upang

maginghalimbawa.Datapuwa't ay! Kung sa kababalaghan ng iyong ngalan, o

Inang-bayan! Ay nagniningning angmga kabaitang lalong makabayani, kung

sa iyong ngala'y naisasagawa ang mga pagpapakasakitna higit sa kakayahan

ng tao, as kabilang dako nama'y gaanong pang-aapi…!Buhat kay

Hesukristong puspos ng pag-ibig, na pumanaog sa lupa sa ikagagaling

ngsangkatauhan, at namatay alang-alang sa kanya sa ngalan ng mga batas

ng kanyang bayan,hanggang sa mga lalong di-kilalang sinawi ng mga

makabagong paghihimagsik, ilan, ay! anghindi nagtiis at namatay sa iyong

ngalang kinamkam ng iba! Ilang sinawi ng pagtatanim, ng pag-iimbot o ng

kamangmangan, ang hindi namatay, na nagpapala sa iyo, at nagnanais para

sa iyo nglahat ng uri ng kapalaran!Maganda at dakila ang inang-bayan,

kapag ang anak niya, sa sigaw ng pakikipaglaban, aygumayak sa

pagtatanggol sa matandang lupa ng kanilang mga ninuno; malupit at

mapagmalaki,kapag, buhat sa mataas niyang luklukan ay nakikita ang

dayuhang tumatakas sa sindak sa harapng hukbong hindi magapi ng

kanyang mga anak. Datapuwa't ang kanyang mga anak, nanagkakahatihati

sa magkakalabang pangkatin ay nagpapatayan; kapag ang poot at

pagtatanim sakalooban ay nagwawasak ng mga parang, mga bayan at mga

lunsod, sa gayon, ay niluluray niyasa kahihiyan ang kanyang balabal, at

matapos itapon ang setro, ay nagluluksa dahil sa mga anak niyang

namatay.Maging anuman nga ang kalagayan natin, ay nararapat nating

mahalin siya at walang ibangbagay na dapat naisin tayo kundi ang

kagalingan niya. Sa gayo'y gagawa tayo, alinsunod satadhana ng

sangkatauhang itinakda ng Diyos, na dili iba kundi ang pagkakasundo't

kapayapaangpandaigdig ng mga nilikha niya.Kayong nawalan ng mithiin ng

inyong kaluluwa,; kayong sa pagkaksugat ng inyong puso'ynakita ninyong

naglahong isa-isa ang inyong mga pangarap at katulad ng mga punungkahoy

satag-ulan, ay nasumpungan ninyo ang inyong sariling walang bulaklak at

walang dahon at gayongnananabik na magmahal ay wala naman kayong

makitang karapat-dapat sa inyo, nariyan anginang-bayan, mahalin ninyo

siya.Kayong nawalan ng isang ama, ng isang ina, ng isang kapatid, ng isang

asawa, ng isang anak, ngisang kasintahan, sa wakas, na siyang

pinagbatayan ng inyong pangarap, at sa inyong sarili'ynakatagpo kayo ng

isang malalim at kasindak-sindak na kawalan, nariyan ang inang-

bayan;mahalin ninyo siya ng gaya ng nararapat.Mahalin ninyo siya, oo nga,

nguni't hindi gaya ng pagmamahal sa kanya ng nakaraang panahon,sa

paggawa ng mga malulupit na kabanalang itinakwil at sinumpa ng tunay na

kabaitang-asal atng inang kalikasan; hindi sa pagpaparangalan ng

pananampalatayang bulag, ng pagwawasak atng pagkamalupit, hindi nga.

Lalong kaaya-ayang bukang-liwayway ng kristiyanismo, sagisag ngmga araw

na maligaya at matahimik. Kautangan nating manunton sa matigas nguni't

payapa'tmabungang landas ng agham na humahantong sa pag-unlad, at

buhat doo'y sa pagkakaisangnilunggati't hiningi ni Hesukristo sa gabi ng

kanyang pagpapakasakit.

~Barselona, Hunyo 1882

______________________________________________________________________________

1 Mula sa Nilo S. Ocampo, Istilo Ko: Rizal Romantik: Mga Tala ng Pag-asam at

Pag-ibig (LungsodQuezon: Lathalaing P.L., 2001), 13-19. Pinamagatang El

Amor Patrio, nailathala ito sa Diariong Tagalog noong20 Agosto 1882 sa

sagisag na Laong Laan. Ang salin sa Tagalog ay gawa ni Marcelo H. del Pilar.

“Revista De Madrid”

This article written by Rizal on November 29, 1882 wasunfortunatelyreturned

to him because Diariong Tagalog had ceased publications for lack of funds.

Articles in La Solidaridad

“Los Agricultores Filipinos” (The Filipino Farmers)

This essay dated March 25, 1889 was the first article of Rizal published in La

Solidaridad. In this writing, he depicted the deplorable conditions of the

Filipino farmers in the Philippines, hence the backwardness of the country.

“A La Defensa” (To La Defensa)

This was in response to the anti-Filipino writing by Patricio de la Escosura

published by La Defensa on March 30, 1889 issue. Written on April 30, 1889,

Rizal’s article refuted the views of Escosura, calling the readers’ attention to

the insidious influences of the friars to the country.

“Los Viajes” (Travels)

Published in the La Solidaridad on May 15, 1889, this article tackled the

rewards gained by the people who are well-traveled to many places in the

world.

“La Verdad Para Todos” (The Truth for All)

This was Rizal’s counter to the Spanish charges that the natives were

ignorant and depraved. On May 31, 1889, it was published in the La

Solidaridad.

"Vicente Barrantes’ Teatro Tagalo”

The first installment of Rizal’s “Vicente Barrantes” was published in the La

Solidaridad on June 15, 1889. In this article, Rizal exposed Barrantes’ lack of

knowledge on the Tagalog theatrical art.

“Defensa Del Noli”

The manuscripts of the “Defensa del Noli” was written on June 18, 1889.

Rizal sent the article to Marcelo H. Del Pilar, wanting it to be published by the

end of that month in the La Solidaridad.

“Verdades Nuevas”(New Facts/New Truths)

In this article dated July 31, 1889, Rizal replied to the letter of Vicente Belloc

Sanchez which was published on July 4, 1889 in ‘La Patria’, a newspaper in

Madrid. Rizal addressed Sanchez’s allegation that provision of reforms to the

Philippines would devastate the diplomatic rule of the Catholic friars.

“Una Profanacion” (A Desecration/A Profanation)

Published on July 31, 1889, this article mockingly attacked the friars for

refusing to give Christian burial to Mariano Herbosa, Rizal’s brother in law,

who died of cholera in May 23, 1889. Being the husband of Lucia Rizal (Jose’s

sister), Herbosa was denied of burial in the Catholic cemetery by the priests.

“Crueldad” (Cruelty)

Dated August 15, 1889, this was Rizal’s witty defense of Blumentritt from the

libelous attacks of his enemies.

“Diferencias” (Differences)

Published on September 15, 1889, this article countered the biased article

entitled “Old Truths” which was printed in La Patria on August 14, 1889. “Old

Truths” ridiculed those Filipinos who asked for reforms.

“Inconsequencias” (Inconsequences)

The Spanish Pablo Mir Deas attacked Antonio Luna in the Barcelona

newspaper “El Pueblo Soberano”. As Rizal’s defense of Luna, he wrote this

article which was published on November 30, 1889.

“Llanto Y Risas” (Tears and Laughter)

Dated November 30, 1889, this article was a condemnation of the racial

prejudice of the Spanish against the brown race. Rizal remembered that he

earned first prize in a literary contest in 1880. He narrated nonetheless how

the Spaniard and mestizo spectators stopped their applause upon noticing

that the winner had a brown skin complexion.

“Filipinas Dentro De Cien Anos” (The Philippines within One

Hundred Years)

This was serialized in La Solidaridad on September 30, October 31,

December 15, 1889 and February 15, 1890. In the articles, Rizal estimated

the future of the Philippines in the span of a hundred years and foretold the

catastrophic end of Spanish rule in Asia. He ‘prophesied’ Filipinos’ revolution

against Spain, winning their independence, but later the Americans would

come as the new colonizer

The essay also talked about the glorious past of the Philippines, recounted

the deterioration of the economy, and exposed the causes of natives’

sufferings under the cruel Spanish rule. In the essay, he cautioned the Spain

as regards the imminent downfall of its domination. He awakened the minds

and the hearts of the Filipinos concerning the oppression of the Spaniards

and encouraged them to fight for their right.

Part of the essays reads, “History does not record in its annals any lasting

domination by one people over another, of different races, of diverse usages

and customs, of opposite and divergent ideas. One of the two had to yield

and succumb.” The Philippines had regained its long-awaited democracy and

liberty some years after Rizal’s death. This was the realization of what the

hero envisioned in this essay.

“Ingratitudes” (Ingratitude)

Dated January 15, 1890, this article was the hero’s reply to Governor General

Weyler who told the people in Calamba that they “should not allow

themselves to be deceived by the vain promises of their ungrateful sons.”

The statement was made as a reaction to Rizal’s project of relocating the

oppressed and landless Calamba tenants to North Borneo.

“Sobre La Nueva Ortografia De La Lengua Tagala” (On The New

Orthography of The Tagalog Language)

Rizal expressed here his advocacy of a new spelling in Tagalog. In this article

dated April 15, 1890, he laid down the rules of the new Tagalog orthography

and, with modesty and sincerity, gave the credit for the adoption of this new

orthography to Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera, author of the celebrated

work “El Sanscrito en la Lengua Tagala” (Sanskrit in the Tagalog Language)

published in Paris, 1884.

“I put this on record,” wrote Rizal, “so that when the history of this

orthography is traced, which is already being adopted by the enlightened

Tagalists, that what is Caesar’s be given to Caesar. This innovation is due

solely to Dr. Pardo de Tavera’s studies on Tagalismo. I was one of its most

zealous propagandists.”

Katamaran ng mga Pilipino

Ang matutunghayan ay isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na “La

Indolencia de los Filipinos,” na nalathala sa La Solidaridad mula noong Hulyo

15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na ito’y isinulat ni Rizal sa

ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito bilang tugon sa paulit-

ulit na upasala sa mga Pilipino na sila’y mga tamad. Ang upasalang ito’y

hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang sanaysay. Manapa’y inamin nga niya

ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga kababayan. At sa pag-amin

niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino

ay masasabi ngang tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid.

Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit na ang

mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang malamig

ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng mabibigat

na gawain. Sa bayang mainit ang panahon, kahit hindi kumilos ang isang

tao, siya’y pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni Rizal: Ang mga

Europeong naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan pa ng mga

tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi nagsisipaglakad kundi laging

lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang kinakain at

ginhawa ang kanilang kabuhayan. Sila’y malaya, ang bunga ng kanilang mga

pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa kinabukasan, at

iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na katutubo ay

kulang sa pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas, ang bunga ng

kanilang pagod ay sa iba napupunta, at kinukuha sila sa paggawang

sapilitan.

Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit ang

singaw ng panahon palibhasa’y hindi sila hirati sa gayong klima, kaya’t

karampatan lamang na dulutan sila ng balanang makapagpapaginhawa sa

kanilang kalagayan. Datapuwa’t ang wika nga ni Rizal, ang isang tao’y

maaaring mabuhay kahit saan kung sisikapin lamang niyang ibagay ang

kanyang sarili sa hinihingi ng pangangailangan.

Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa kagagawan

ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago dumating ang mga Kastila ay

ginhawa sa kanilang kabuhayan, nakikipagkalakalan sila sa Tsina at iba pang

mga bansa, at hinaharap nila ang pagsasaka, pagmamanukan, paghabi ng

damit at iba pa. Kaya’t mapagkikilalang nang wala pa rito ang mga Kastila,

ang mga Pilipino bagaman ang mga pangangailangan nila’y hindi naman

marami, ay hindi mga mapagpabayang gaya ngayon.

Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan sapagkat

ang mga Pilipino’y hindi makapagtanggol laban sa pananalakay ng mga

mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu. Paano’y ayaw pahintulutang

makapag-ingat ng mga baril at iba pang sandata ang mga Pilipinong naiiwan

sa bayan habang ang iba’y wala at kasama sa mga pandarayuhang walang

kabuluhan. Nang panahon ng Kastila’y maraming digma at kaguluhan sa

loob ng bayan at maraming ipinapapatay. Isinalaysay ni Rizal ang nangyari

sa isang pulong malapit sa Sebu, na halos nawalan ng tao sapagkat

madaling nangabihag ng mga piratang buhat sa Sulu palibhasa’y walang

sukat maipananggol sa sarili.

Ang pagsasaka’y napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na

ipinatutupad ng pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang ginagawa

ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na paggawa ng mga barko, kaya’t

maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng mga kahoy sa gubat upang

magamit. Wala tuloy katiyakan ang kabuhayan ng mga tao kaya’t naging

mga mapagpabaya. Tungkol dito’y sinipi ni Rizal si Morga na nagsabi (sa

kanyang Sucesos) na halos nakalimutan na ng mga katutubo ang pagsasaka,

pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa noong sila’y mga

pagano pa hanggang sa mga ilang taon pa pagkatapos ng pagsakop. Iyan

ang naging bunga ng tatlumpu’t dalawang taon ng sapilitang paggawa na

ipinataw sa mga Pilipino.

Ang pamahalaa’y walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay

mahikayat na gumawa. Pinatamlay ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan

sa mga bansang malaya, gaya ng Siam, Cambodia, at Hapon, kaya’t humina

ang pagluluwas ng mga produktong Pilipino at ang industriya ay hindi

umunlad. Ang Pilipino’y hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid kung

walang pahintulot ng pamahalaan.

Bukod sa mga iyan, ang Pilipino’y hindi tumatanggap ng karampatang

halaga sa kanilang mga produkto. Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya,

matapos alipinin ng mga encomendero ang mga Pilipino, sila’y pinagagawa

para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba nama’y pinipilit na sa kanila

ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsa’y wala pang

bayad o kaya’y dinadaya sa pamamagitan ng mga maling timbangan at

takalan.

Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyo’y sinasarili ng gobernador,

at sa halip pukawin ang mga Pilipino sa kanilang pagpapabaya, ang iniisip

lamang niya’y ang kanyang kapakanan kaya’t sinusugpo ang ano mang

makaaagaw niya sa mga pakinabang sa pangangalakal.

Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa pamahalaan, mga

“kakuwanan” ng pulitika, mga kinakailangang panunuyo at “pakikisama,”

mga pagreregalo, at ang ganap na pagwawalang-bahala sa kanilang

kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-sigla sa paggawang kapaki-

pakinabang.

Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas sa

pagpaparumi ng kamay sa paggawa, pagkuha ng maraming utusan sa

bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang magpatulo ng

pawis, at ang pagkilos na animo’y kung sinong maginoo at panginoon na

ipinaging palasak tuloy ng kasabihang “para kang Kastila,”- ang lahat ng

iyan ay nagpunla sa kalooban ng mga Pilipino ng binhi ng katamaran at

pagtanggi o pagkatakot sa mabibigat na gawain.

At ang wika pa ng mga Pilipino noon: “Bakit gagawa pa? Ang sabi ng kura ay

hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong mayaman.”

Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at ito’y isa pa ring nagpapalala ng

katamaran.

Ang Pilipino’y hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o pautang

upang maging puhunan. Kung may salapi man ang isang Pilipinong

magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang buwis at iba pang impuwesto

ay ipinambabayad naman niya sa kalmen, kandila, nobena, at iba pa.

Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang

pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka,

kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran.

Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang

Pilipinong nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi man lamang siya pinag-

ukulan ng pansin.

Ang katamara’y pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng edukasyon.

Ganito ang wika ni Rizal:

“Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na

pamumuhay ng mga monghe, ang mga katutubo nama’y walang ginawa

kundi iukol ang kanilang buhay sa pagkakaloob ng kanilang salapi sa

simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba pang kataka-takang bagay.

Ang kanilang kalooban ay nagayuma; buhat sa pagkabata ay wala silang

natutuhan kundi ang pagkilos na parang mga makina na hindi nalalaman

ang buong kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling pagmumulat

sa isip at kalooban ng isang bata ay magbunga ng kahambal-hambal na mga

pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na pagtutunggali ng isip at ng

tungkulin ay humantong sa pananamlay ng kanyang mga pagsisikap, at sa

tulong ng init panahon, ang kaniyang walang katapusang pag-aatubili, ang

kaniyang mga pag-aalinlangan ay siyang naging ugat ng kaniyang

katamaran.”

Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay

nagpatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino. Siya’y nagkaroon ng

mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa.

Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan nila ng

damdamin bilang isang bansa palibhasa’y pinagkaitan sila ng karapatang

makapagtatag ng mga samahan na magbibigay sa kanila ng pagkakataong

magkaunawaan at magkaisang damdamin.

Palibhasa nga’y walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipino’y hindi

nagkaroon ng pagkabahala sa ano mang kahirapang dinaranas ng mga tao.

Patay ang apoy ng kanilang pagsisikap, at walang sukat makaganyak sa

kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alang-alang sa kaunlaran at

kasaganaan ng kanilang Bayan.

Historical Commentaries Written in London

“Ma-yi”

This historical commentary was written by Rizal in London on December 6,

1888.

“Acerca de Tawalisi de Ibn Batuta”

This historical commentaryis believed to form part of ‘Notes’ (written

incollaboration with A.B. Meyer and F. Blumentritt) on a Chinese code in the

Middle Ages, translated from the German by Dr. Hirth. Written on January 7,

1889, the article was about the “Tawalisi” which refers to the northern part

of Luzon or to any of the adjoining islands.

It was also in London where Rizal penned the following historical

commentaries: “La Political Colonial On Filipinas” (Colonial Policy In The

Philippines), “Manila En El Mes De Diciembre” (December , 1872), “Historia

De La Familia Rizal De Calamba” (History Of The Rizal Family Of Calamba),

and“Los Pueblos Del Archipelago Indico (The People’s Of The Indian

Archipelago)

Other Writings in London

“La Vision Del Fray Rodriguez” (The Vision of Fray Rodriguez)

Jose Rizal, upon receipt of the news concerning Fray Rodriguez’ bitter attack

on his novel Noli Me Tangere, wrote this defense under his pseudonym

“Dimas Alang.” Published in Barcelona, it is a satire depicting a spirited

dialogue between the Catholic saint Augustine and Rodriguez. Augustine, in

the fiction, told Rodriguez that he (Augustine) was commissioned by God to

tell him (Rodriguez) of his stupidity and his penance on earth that he

(Rodriguez) shall continue to write more stupidity so that all men may laugh

at him. In this pamphlet, Rizal demonstrated his profound knowledge in

religion and his biting satire.

“To The Young Women of Malolos”

Buod: Sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng Malolos na sinulat noog

1889, ipinahahayag ni Jose Rizal ang kanyang papuri at paggalang sa

katapangang ipinamalas ng mga ito sa pagsusulong ng karapatan sa

edukasyon – isang di-karaniwang hakbang para sa maraming kababaihan sa

kanyang panahon. Ayon kay Rizal , namulat siya sa pananaw na ang

kababaihang Pilipino ay katuwang sa layunin para sa ikagagaling ng bayan.

Batay sa kanya, ang mithiin ng mga kadalagahan ng Malolos para sa

karunungan ay patunay ng pagkamulat sa tunay na kahulugan ng kabanalan

– kabanalang nakatuon sa kabutihang-asal, malinis na kalooban at matuwid

na pag-iisip. Binibigyang-diin ni Rizal ang tungkulin ng kababaihan – bilang

dalaga at asawa – sa pagbangon ng kanilang dignidad at halaga sa lipunan.

Kaugnay nito, inilalarawan niya ang katangian ng kababaihan sa Europa at

bilang halimbawa ay pinakita ang babaing Sparta bilang huwaran ng

pagiging mabuting ina. Ipinapayo ni Rizal na gamitin ang halimbawang ito

upang maitaguyod ang isang anak na marangal at magtatanggol sa bayan.

Bahagi rin ng liham ang pagpapaalala ni Rizal sa lahat na gamitin ang

isipang kaloob ng Diyos, upang matukoy ang katotohanan at hindi maging

alipin ninuman. Pinupuna ang mga hindi kanais-nais na gawain ng mga

prayle, gayundin ang pagiging mulat ukol sa tunay at huwad na relihiyon.

Ang payo ni Rizal ay “mulatin ang mata ñg anak sa pag-iiñgat at

pagmamahal sa puri, pag-ibig sa kapwa sa tinubuang bayan, at sa pagtupad

ñg ukol. Ulit-uuliting matamisin ang mapuring kamatayan sa alipustang

buhay”.

Mga Tala: Ika-17 ng Pebrero 1889 nang isulat ni Jose Rizal – gamit ang

wikang Tagalog – ang liham na ito habang ginagawa ang anotasyon sa aklat

ni Morga. Isinulat niya ito sa London, limang araw matapos ipaalam sa kanya

ni Marcelo H. del Pilar ang isang mahalagang pangyayari sa bayan ng

Malolos. Ayon sa pagsasalaysay, ika-12 ng Disyembre 1888 nang may 20

kadalagahan ng Malolos ang naghain ng petisyon kay Gobernador-Heneral

Weyler upang magtayo ng isang “panggabing paaralan.” Layunin nila na

mag-aral ng wikang Español sa ilalim ni Teodoro Sandiko, isang propesor sa

Latin. Gayunpaman, hindi sinang-ayunan ni Padre Felipe Garcia, ang kura

paroko, ang petisyon. Naging dahilan ito upang hindi rin pumayag ang

gobernador-heneral na maitatag ang paaralan. Sa kabila ng pagtutol, hindi

dagliang sumuko ang mga kadalagahan sa kanilang layunin. Patuloy silang

nanawagan at nang lumaon, pumayag na rin ang pamahalaan na maitatag

ang paaralan, bagama’t tumagal lamang ito ng tatlong buwan. Si Señora

Guadalupe Reyes ang nagsilbing guro ng mga kadalagahan.

Europa Pebrero 1889

SA MGA KABABAYANG DALAGA SA MALOLOS:

Nang aking sulatin ang Noli Me Tangere, tinanong kong laon, kung ang

pusuang dalaga’y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko mang

sinaliksik yaring alaala; matay ko mang pinagisa-ngisa ang lahat ñg

dalagang makilala sapul sa pagkabatá, ay mañgisa-ñgisa lamang ang

sumaguing larawang aking ninanasá. Tunay at labis ang matamis na loob,

ang magandang ugalí, ang binibining anyó, ang mahinhing asal; ñgunit ang

lahat na ito’y laguing nahahaluan ñg lubos na pagsuyó at pagsunod sa

balang sabi ó hiling nang nagñgañgalang amang kalulua (tila baga ang

kaluluwa’y may iba pang ama sa Dios,) dala ñg malabis na kabaitan,

kababaan ñg loob ó kamangmañgan kayá: anaki’y mga lantang halaman,

sibul at laki sa dilim; mamulaklak ma’y walang bañgo, magbuñga ma’y

walang katas.

Ñguní at ñgayong dumating ang balitang sa inyong bayang Malolos

(=Malolos, Bulacan), napagkilala kong ako’y namalí, at ang tuá ko’y labis. Dí

sukat ako sisihin, dí ko kilala ang Malolos, ni ang mga dalaga,liban sa isang

Emilia, at ito pa’y sa ñgalan lamang.

Ñgayong tumugon kayo sa uhaw naming sigaw ñg ikagagaling ñg bayan;

ñgayong nagpakita kayo ñg mabuting halimbawa sa kapuá dalagang

nagnanasang paris ninyong mamulat ang mata at mahañgo sa pagkalugamí,

sumisigla ang aming pag-asa, inaaglahì ang sakuná, sa pagka at kayo’y

katulong na namin, panatag ang loob sapagtatagumpay. Ang babaing

tagalog ay di na payukó at luhod, buhay na ang pagasa sa panahong sasapit;

walá na ang inang katulong sa pagbulag sa anak na palalakhin sa alipustá at

pagayop. Di na unang karunuñgan ang patuñgó ñg ulo sa balang maling

utos, dakilang kabaitan ang ñgisi sa pagmura, masayang pangaliw ang

mababang luhá. Napagkilala din ninyo na ang utos ñg Dios ay iba sa utos ñg

Parí, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na luhod, mahabang dasal,

malalaking kuentas, libaguing kalmin, kundí ang mabuting asal, malinis na

loob at matuid na isip. Napagkilala din ninyo na dí kabaitan ang

pagkamasunurin sa ano mang pita at hiling ñg nagdidiosdiosan, kundi ang

pagsunod sa katampata’t matuid, sapagka’t ang bulag na pagsunod ay

siyang pinagmumulan ñg likong paguutos, at sa bagay na ito’y pawang

nagkakasala. Dí masasabi ñg punó ó parí na sila lamang ang mananagot ñg

maling utos; binigyan ñg Dios ang bawat isa ñg sariling isip at sariling loob,

upang ding mapagkilala ang likó at tapat; paraparang inianak ñg walang

tanikalá, kundí malayá, at sa loob at kalulua’y walang makasusupil, bakit

kayá ipaaalipin mo sa iba ang marañgal at malayang pagiisip? Duag at malí

ang akalá na ang bulag na pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang mag

isipisip at magnilay nilay. Ang kamangmañgan’y, kamangmañgan at dí

kabaita’t puri. Di hiling ñg Dios, punó ñg kataruñgan, na ang taong larawan

niya’y paulol at pabulag; ang hiyas ñgisip, na ipinalamuti sa atin,

paningniñgin at gamitin. Halimbawá baga ang isang amang nagbigay sa

bawat isang anak ñg kanikanyang tanglaw sa paglakad sa dilim. Paniñgasin

nila ang liwanag ñg ilaw, alagaang kusá at huag patain, dala ñg pag-asa sa

ilaw ñg iba, kundí magtulongtulong magsangunian, sa paghanap ñg daan.

Ulol na di hamak at masisisi ang madapá sa pagsunod sa ilaw ñg iba, at

masasabi ng ama: “bakit kita binigyan ng sarili mong ilaw?” Ñguni’t dí

lubhang masisisi ang madapá sa sariling tanglaw, sapagka’t marahil ang ilaw

ay madilim, ó kayá ay totoong masamá ang daan.

Ugaling panagot ng mga may ibig mang ulol, ay: palaló ang katiwalá sa

sariling bait; sa akalá ko ay lalong palaló ang ibig sumupil ng bait ng iba, at

papanatilihin sa lahat ang sarili. Lalong palaló ang nagdidiosdiosan, ang ibig

tumarok ng balang kilos ng isip ng DIOS; at sakdal kapalaluan ó kataksilan

ang walang gawá kundí pagbintañgan ang Dios ng balang bukang bibig at

ilipat sa kanya ang balá niyang nasá, at ang sariling kaaway ay gawing

kaaway ng Dios. Dí dapat naman tayong umasa sa sarili lamang; kundí

magtanong,makinig sa iba, at saka gawain ang inaakalang lalong matuid;

ang habito ó sutana’y walang naidaragdag sa dunong ng tao; magsapinsapin

man ang habito ng huli sa bundok, ay bulubundukin din at walang nadadayá

kungdí ang mangmang at mahinang loob. Nang ito’y lalong maranasan, ay

bumili kayo ng isang habito sa S. Francisco at isoot ninyo sa isang kalabao.

Kapalaran na kung pagka pag habito ay hindí magtamad. Lisanin ko ito at

dalhin ang salitá sa iba.

Sa kadalagahang punlaan ng bulaklak na mamumuñga’y dapat ang babai’y

magtipon ng yamang maipamamana sa lalaking anak. Ano kaya ang

magiging supling ng babaing walang kabanalan kundí ang magbubulong ng

dasal, walang karunuñgan kungdí awit, novena at milagrong pangulol sa tao,

walang libañgang iba sa panguingue ó magkumpisal kayá ng malimit ng

muli’t muling kasalanan? Ano ang magiging anak kundí sakristan, bataan ng

cura ó magsasabong? Gawá ng mga ina ang kalugamian ngayon ng ating

mga kababayan, sa lubos na paniniwalá ng kanilang masintahing pusó, at sa

malaking pagkaibig na ang kanilang mga anak ay mapakagaling. Ang

kagulañga’y buñga ñg pagkabatá at ang pagkabata’y nasa kanduñgan ñg

ina. Ang inang walang maituturó kundí ang lumuhod humalik ñg kamay,

huwag magantay ng anak ng iba sa duñgó ó alipustang alipin. Kahoy na laki

sa burak, daluro ó pagatpat ó pangatong lamang; at kung sakalí’t may

batang may pusong pangahas, ang kapangahasa’y tagó at gagamitin sa

samá, paris ng silaw na kabag na dí makapakita kundí pag tatakip silim.

Karaniwang panagot ang una’y kabanalan at pagsinta sa Dios. Ñguní at ano

ang kabanalang itinuró sa atin? Magdasal at lumuhod ng matagal, humalik

ng kamay sa parí, ubusin ang salapí sa simbahan at paniwalaan ang balang

masumpuñgang sabihin sa atin? Tabil ng bibig, lipak ng tuhod, kiskis ng

ilong….. bagay sa limos sa simbahan, sangkalan ang Dios, may bagay baga

sa mundong ito na dí arí at likhá ng Maykapal? Ano ang inyong sasabihin sa

isang alilang maglimos sa kayang panginoon ng isang basahang hiram sa

nasabing mayaman? Sino ang taong dí palaló at ulol, na mag lilimos sa Dios

at magaakalang ang salantá niyang kaya ay makabibihis sa lumikhá ng lahat

ñg bagay? Pagpalain ang maglimos sa kapus, tumulong sa mayhirap,

magpakain sa gutom; ñguní at mapulaan at sumpain, ang biñgi sa taghoy ng

mahirap, at walang binubusog kundí ang sandat, at inubos ang salapí sa mga

frontal na pilak, limos sa simbahan ó sa frayleng lumalañgoy sa yaman, sa

misa de gracia ng may tugtugan at paputok, samantalang ang salaping ito’y

pinipigá sa buto ñg mahirap at iniaalay sa pañginoon ñg maibili ng

tanikalang pangapus, maibayad ng verdugong panghampas. Ó kabulagan at

kahiklian ng isip!

Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari.

“Gawá at hindí salitá ang hiling ko sa inyo” ani Cristo; “hindí anak ni ama

ang nagsasabing ulit-ulit ama ko, ama ko, kundí ang nabubuhay alinsunod sa

hiling ñg aking ama.” Ang kabanalan ay walá sa pulpol na ilong, at ang

kahalili ni Cristo’y di kilala sa halikang kamay. Si Cristo’y dí humalik sa mga

Fariseo, hindi nagpahalik kailan pa man; hindí niya pinatabá ang may yaman

at palalong escribas; walá siyang binangit na kalmen, walang

pinapagcuintas, hiningan ng pamisa, at di nagbayad sa kanyang panalangin.

Di napaupa si San Juan sa Ilog ng Jordan, gayon din si Cristo sa kanyang

pangangaral. Bakit ngayo’y ang mga pari’y walang bigong kilos na di may

hinihinging upa? At gutom pa halos nagbibili ng mga kalmen, cuentas, correa

at ibapa, pang dayá ng salapi, pampasamá sa kalulua; sa pagkat kalminin

mo man ang lahat ng basahan sa lupá, cuintasin mo man ang lahat ng kahoy

sa bundok ibilibid mo man sa iyong bayawang ang lahat ng balat ng hayop,

at ang lahat na ito’y pagkapaguran mang pagkuruskurusan at

pagbulongbulongan ng lahat ng pari sa sangdaigdigan, at iwisik man ang

lahat ng tubig sa dagat, ay di mapalilinis ang maruming loob, di

mapatatawad ang walang pagsisisi. Gayon din sa kasakiman sa salapi’y

maraming ipinagbawal, na matutubos kapag ikaw ay nagbayad, alin na ngá

sa huag sa pagkain ng karne, pagaasawa sa pinsan, kumpari, at iba pa, na

ipinahihintulot kapag ikaw ay sumuhol. Bakit, nabibili baga ang Dios at

nasisilaw sa salaping paris ng mga pari? Ang magnanakaw na tumubos ng

bula de composicion, ay makaaasa sa tahimik, na siya’y pinatawad;

samakatuid ay ibig ng Dios na makikain ng nakaw? Totoo bagang hirap na

ang Maykapal, na nakikigaya sa mga guarda, carabineros ó guardia civil?

Kung ito ang Dios na sinasamba ñg Frayle, ay tumalikod ako sa ganyang

Dios.

Maghunos dilí ngá tayo at imulat natin ang mata, lalong laló na kayong mga

babai, sa pagka’t kayo ang nagbubukas ng loob ng tao. Isipin na ang

mabuting ina ay iba, sa inang linalang ng fraile; dapat palakhin ang anak na

malapit baga sa larawan ng tunay na Dios, Dios na dí nasusuhulan, Dios na

dí masakim sa salapí, Dios na ama ng lahat, na walang kinikilingan, Dios na

dí tumatabá sa dugó ng mahirap, na dí nagsasaya sa daing ng naruruhagi, at

nangbubulag ng matalinong isip. Gisingin at ihandá ang loob ng anak sa

balang mabuti at mahusay na akalá: pagmamahal sa puri, matapat at

timtimang loob, maliwanag na pagiisip, malinis na asal, maginoong kilos,

pagibig sa kapuá, at pagpipitagan sa Maykapal, ito ang ituró sa anak. At

dahil ang buhay ay punó ng pighatí at sakuná, patibayin ang loob sa ano

mang hirap, patapañgin ang pusó sa ano mang pañganib. Huag mag antay

ang bayan ng puri at ginhawa, samantalang likó ang pagpapalaki sa batá,

samantalang lugamí at mangmang ang babaing magpapalaki ñg anak.

Walang maiinom sa labó at mapait na bukal; walang matamis na buñga sa

punlang maasim. Malaki ngang hindí bahagyá ang katungkulang gaganapin

ng babai sa pagkabihis ng hirap ng bayan, nguni at ang lahat na ito’y dí

hihigit sa lakas at loob ng babaing Tagalog. Talastas ng lahat ang

kapanyarihan at galing ng babayi sa Filipinas, kayá ñgá kanilang binulag,

iginapus, at iniyukó ang loob, panatag sila’t habang ang iba’y alipin, ay ma-

aalipin din naman ang lahat ng mga anak. Ito ang dahilan ng pagkalugamí

ng Asia; ang babayi sa Asia’y mangmang at alipin. Makapangyarihan ang

Europa at Amerika dahil duo’y ang mga babai’y malaya’t marunong, dilat

ang isip at malakas ang loob.

Alam na kapus kayong totoo ñg mga librong sukat pagaralan; talastas na

walang isinisilid araw araw sa inyong pagiisip kundí ang sadyang pang bulag

sa inyong bukal na liwanag; tantó ang lahat na ito, kayá pinagsisikapan

naming makaabot sa inyo ang ilaw na sumisilang sa kapuá ninyo babayi; dito

sa Europa kung hindí kayamutan itong ilang sabi, at pagdamutang basahin,

marahil ay makapal man ang ulap na nakakubkob sa ating bayan, ay pipilitin

ding mataos ñg masantin na sikat ñg araw, at sisikat kahit banaag lamang …

Dí kami manglulumo kapag kayo’y katulong namin; tutulong ang Dios sa

pagpawí ñg ulap, palibhasa’y siya ang Dios ñg katotohanan; at isasaulí sa

dati ang dilag ñg babaying Tagalog, na walang kakulañgan kundí isang

malayang sariling isip, sapagka’t sa kabaita’y labis. Ito ang nasang lagì sa

panimdim, na napapanaginip, ang karañgalan ñg babaying kabiak ñg pusó at

karamay sa tuá ó hirap ñg buhay: kung dalaga, ay sintahin ñg binatá, di

lamang dahilan sa ganda ó tamis ñg asal, kundí naman sa tibay ñg pusó,

taas ñg loob, na makabuhay baga at makapanghinapang sa mahiná ó

maruruwagang lalaki, ó makapukaw kayá ñg madidilag na pagiisip, pag

isang dalaga bagang sukat ipagmalaki ñg bayan, pagpitaganan ñg iba,

sapagka at karaniwang sabi sabi ñg mga kastilá at pari na nangagaling diyan

ang karupukan at kamangmañgan ñg babaying tagalog, na tila baga ang

mali ñg ilan ay malí na nang lahat, at anaki’y sa ibang lupá ay walá, ñg

babaing marupok ang loob, at kung sabagay maraming maisusurot sa mata

ñg ibang babai ang babaying tagalog….. Gayon ma’y dala marahil ñg

kagaanan ñg labí ó galaw ñg dilá, ang mga kastilá, at parí pagbalik sa

Espanya’y walang unang ipinamamalabad, ipinalilimbag at ipinagsisigawan

halos, sabay ang halakhak, alipustá at tawa, kundí ang babaing si gayon, ay

gayon sa convento, gayon sa kastilang pinatuloy, sa iba’t iba pang

nakapagñgañgalit; sa tuing maiisip, na ang karamihan ng malí ay gawá ñg

kamusmusan, labis na kabaitan, kababaan ñg loob ó kabulagan kayang

kalalañgan din nila….. May isang kastilang nagayo’y mataas na tao na,

pinakai’t pinatuloy natin sa habang panahong siya’y lumiguyliguy sa Filipinas

… pagdating sa Espanya, ipinalimbag agad, na siya raw ay nanuluyang

minsan sa Kapangpañgan, kumai’t natulog, at ang maginoong babaying

nagpatuloy ay gumayon at gumayon sa kanya: ito ang iginanti sa

napakatamis na loob ng babayi … Gayon din ang unang pahili ng pari sa

nadalaw na kastila, ay ang kanyang mga masusunuring dalagang tagahalik

ng kamay, at iba pang kahalo ang ñgiti at makahulugang kindat … Sa librong

ipinalimbag ni Dn. Sinibaldo de Mas, at sa, iba pang sinulat ng mga pari, ay

nalathala ang mga kasalanang ikinumpisal ng babai na di ilinilihim ng mga

pari sa mga dumadalaw na Kastila, at kung magkaminsan pa’y

dinadagdagan ng mga kayabañgan at karumihang hindi mapaniniwalaan …

Di ko maulit dito ang mga di ikinahiyang sinabi ng isang fraile kay Mas na di

nito mapaniwalaan … Sa tuing maririnig ó mababasa ang mga bagay na ito’y

itinatanong namin kung Santa Maria kaya ang lahat ng babaying kastila, at

makasalanan na kaya baga ang lahat ng babaying tagalog; ñguni kong

sakali’t magsumbatan at maglatlatan ng puri’y … Datapua’t lisanin ko ang

bagay na ito, sapagka’t dí ako paring confesor, ó manunuluyang kastilá, na

makapaninirá ñg puri ng iba. Itabi ko ito at ituloy sambitin ang katungkulan

ñg babai.

Sa mga bayang gumagalang sa babaing para ñg Filipinas, dapat nilang

kilanlin ang tunay na lagay upang ding maganapan ang sa kanila’y inia-asa.

Ugaling dati’y kapag nanliligaw ang nagaaral na binata ay

ipinañgañganyayang lahat, dunong, puri’t salapi, na tila baga ang dalaga’y

walang maisasabog kundi ang kasamaan. Ang katapang-tapañga’y kapag

napakasal ay nagiging duag, ang duag na datihan ay nagwawalanghiya,na

tila walang ina-antay kundi ang magasawa para maipahayag ang sariling

kaduagan. Ang anak ay walang pangtakip sa hina ñg loob kundi ang alaala

sa ina, at dahilan dito, nalunok na apdo, nagtitiis ñg tampal, nasunod sa

lalong hunghang na utos, at tumutulong sa kataksilan ñg iba sa pagka’t kung

walang natakbo’y walang manghahagad; kung walang isdang munti’y

walang isdang malaki. Bakit kaya baga di humiling ang dalaga sa iibigín, ñg

isang marañgal at mapuring ñgalan, isang pusong lalaking makapag-ampon

sa kahinaan ng babai, isang marangal na loob na di papayag magka anak ng

alipin? Pukawin sa loob ang sigla at sipag, maginoong asal, mahal na

pakiramdam, at huwag isuko ang pagkadalaga sa isang mahina at kuyuming

puso. Kung maging asawa na, ay dapat tumulong sa lahat ng hírap,

palakasin ang loob ng lalaki, humati sa pañganib, aliwin ang dusa, at aglahiin

ang hinagpis, at alalahaning lagi na walang hirap na di mababata ñg

bayaning puso, at walang papait pang pamana, sa pamanang kaalipustaan

at kaalipinan. Mulatin ang mata ñg anak sa pagiiñgat at pagmamahal sa

puri, pagibig sa kapua sa tinubuang bayan, at sa pagtupad ñg ukol.

Ulituliting matamisin ang mapuring kamatayan saalipustang buhay. Ang mga

babai sa Esparta’y (=Sparta) sukat kunang uliran at dito’y ilalagda ko ang

aking halimbawa:

Nang iniaabot ñg isang ina ang kalasag sa papasahukbong anak, ay ito

lamang ang sinabi: “ibalik mo ó ibalik ka,” ito ñga umuwi kang manalo ó

mamatay ka, sapagkat ugaling iwaksi ang kalasag ñg talong natakbo ó inuwi

kaya ang bangkay sa ibabaw ñg kalasag. Nabalitaan ñg isang ina na

namatay sa laban ang kanyang anak, at ang hukbo ay natalo. Hindi umiimik

kundi nagpasalamat dahil ang kanyang anak ay maligtas sa pulá, ñguni at

ang anak ay bumalik na buhay; nagluksa ang ina ñg siya’y makita. Sa isang

sumasalubong na ina sa mga umuwing galing sa laban, ay ibinalita ñg isa na

namatay daw sa pagbabaka ang tatlong anak niya,—”hindi iyan ang tanong

ko ang sagot ñg ina, kundi nanalo ó natalo tayó?—Nanalo ang sagot ñg

bayani. Kung ganoo’y magpasalamat tayo sa Dios!” ang wika at napa sa

simbahan.

Minsa’y nagtagó sa simbahan ang isang napatalong harí nila, sa takot sa

galit sa bayan; pinagkaisahang kuluñgin siya doon at patain ñg gutum. Ñg

papaderan na ang pinto’y ang ina ang unang nag hakot ñg bato. Ang mga

ugaling ito’y karaniwan sa kanila, kayá ñga’t iginalang ng buong Grecia

(=Greece) ang babaing Esparta. Sa lahat ñg babai, ang pulá ñg isa ay kayo

lamang na taga Esparta ang nakapangyayari sa lalaki. Mangyari pa, ang

sagot ñg babai, ay kami lamang ang nagaanak ñg lalaki. Ang tao, ñg mga

Esparta ay hindí inianak para mabuhay sa sarili, kungdi para sa kanyang

bayan. Habang nanatili ang ganitong mga isipan at ganitong mga babai ay

walang kaaway na nakatungtong ñg lupang Esparta, at walang babaing taga

Esparta na nakatanaw ñg hukbo ng kaaway. Dí ko inaasahang paniwalaan

ako alang-alang lamang sa aking sabi: maraming taong dí natingin sa

katuiran at tunay, kundí sa habito, sa putí ñg buhok ó kakulangan kayá ng

ngipin. Ñguní at kung ang tanda’y magalang sa pinagdaanang hirap, ang

pinagdaan kong buhay hain sa ikagagaling ng bayan, ay makapagbibigay ñg

tandá sa akin, kahit maiklí man. Malayó ako sa, pagpapasampalataya, pag

didiosdiosan, paghalili kayá sa Dios, paghahangad na paniwalaa’t pakingang

pikit-mata, yukó ang ulo at halukipkip ang kamay; ñguni’t ang hiling ko’y

magisip, mag mulaymulay ang lahat, usigin at salain kung sakalí sa ngalan

ng katuiran itong pinaninindigang mga sabi:

Ang una-una. “Ang ipinagiging taksil ñg ilan ay nasa kaduagan at

kapabayaan ñg iba.”

Ang ikalawa. Ang iniaalipustá ng isa ay nasa kulang ñg pagmamahal sa sarili

at nasa labis ñg pagkasilaw sa umaalipustá.

Ang ikatlo. Ang kamangmañga’y kaalipinan, sapagkat kung ano ang isip ay

ganoon ang tao: taong walang sariling isip, ay taong walang pagkatao; ang

bulag na taga sunod sa isip ng iba, ay parang hayop na susunod-sunod sa

talí.

Ang ikaapat. Ang ibig magtagó ñg sarili, ay tumulong sa ibang magtagó ñg

kanila, sapagkat kung pabayaan mo ang inyong kapuá ay pababayaan ka rin

naman; ang isa isang tingting ay madaling baliin, ñguní at mahirap baliin ang

isang bigkis na walis.

Ang ika-lima. Kung ang babaing tagalog ay dí magbabago, ay hindí dapat

magpalaki ñg anak, kungdí gawing pasibulan lamang; dapat alisin sa kanya

ang kapangyarihan sa bahay, sapagka’t kung dili’y ipag kakanulong walang

malay, asawa, anak, bayan at lahat.

Ang ika-anim. Ang tao’y inianak na paris-paris hubad at walang talí. Dí

nilalang ñg Dios upang maalipin, dí binigyan ñg isip para pabulag, at dí

hiniyasan ñg katuiran at ñg maulol ñg iba. Hindí kapalaluan ang dí pagsamba

sa kapuá tao, ang pagpapaliwanag ñg isip at paggamit ñg matuid sa

anomang bagay. Ang palalo’y ang napasasamba, ang bumubulag sa iba, at

ang ibig paniigin ang kanyang ibig sa matuid at katampatan.

Ang ika-pito. Liniñgin ninyong magaling kung ano ang religiong itinuturó sa

atin. Tingnan ninyong mabuti kung iyan ang utos ng Dios ó ang pangaral ni

Cristong panglunas sa hirap ñg mahirap, pangaliw sa dusa ñg nagdudusa.

Alalahanin ninyo ang lahat ñg sa inyo’y itinuturó, ang pinapatuñguhan ñg

lahat ng sermon, ang nasa ilalim ng lahat ng misa, novena, kuintas, kalmen,

larawan, milagro, kandilá, corea at iba’t iba pang iginigiit, inihihiyaw at

isinusurot araw-araw sa inyong loob, taiñga, at mata, at hanapin ninyo ang

puno at dulo at saka iparis ninyo ang religiong sa malinis na religion ni

Cristo, at tingnan kung hindí ang inyong pagkakristiano ay paris ng

inaalagang gatasang hayop, ó paris ng pinatatabang baboy kayá, na dí

pinatatabá alang alang sa pagmamahal sa kaniya, kundí maipagbili ng lalong

mahal at ng lalong masalapian.

Magbulay-bulay tayo, malasin ang ating kalagayan, at tayo’y mag isip isip.

Kung itong ilang buhaghag na sabi’y makatutulong sa ibinigay sa inyong

bait, upang ding maituloy ang nasimulan ninyong paglakad.

“Tubó ko’y dakilá sa puhunang pagod” at mamatamisin ang ano mang

mangyari, ugaling upa sa sino mang mañgahas sa ating bayan magsabi ng

tunay. Matupad nawá ang inyong nasang matuto at harí na ñgang sa

halaman ñg karunuñgan ay huwag makapitas ñg buñgang bubut, kundí ang

kikitili’y piliin, pagisipin muná, lasapin bago lunukin, sapagka’t sa balat ñg

lupá lahat ay haluan, at di bihirang magtanim ang kaaway ng damong

pansirá, kasama sa binhí sa gitná ñg linang.

Ito ang matindin nasá ñg inyong kababayang si…

JOSÉ RIZAL

Europa, 1889.

Writings in Hong Kong

“Ang Mga Karapatan Ng Tao” (The Rights Of Man)

This was Rizal’s Tagalog translation of “The Rights of Man” which was

proclaimed by the French Revolution in 1789.

“A La Nacion Espanola”(To The Spanish Nation)

Written in 1891, this was Rizal’s appeal to Spain to rectify the wrongs which

the Spanish government and clergy had done to the Calamba tenants.

“Sa Mga Kababayan” (To My Countrymen)

This writing written in December 1891 explained the Calamba agrarian

situation.

“Una Visita A La Victoria Gaol” (A Visit To Victoria Gaol), March 2,

1892

On March 2, 1892,Rizal wrote this account of his visit to the colonial prison of

Hong Kong. He contrasted in the article the harsh Spanish prison system with

the modern and more humane British prison system.

“Colonisation Du British North Borneo, Par De Familles De Iles

Philippines”

(Colonization Of British North Borneo By Families From The Philippine

Islands)

This was Rizal’s elucidation of his pet North Borneo colonization project.

“Proyecto De Colonization Del British North Borneo Por Los

Filipinos”

(Project Of The Colonization Of British North Borneo By The Filipinos)

In this writing, Rizal further discussed the ideas he presented in “Colonization

of British North Borneo by Families from the Philippine Islands.”

“La Mano Roja” (The Red Hand)

This was a writing printed in sheet form. Written in Hong Kong, the article

denounced the frequent outbreaks of fires in Manila.

“Constitution of The La Liga Filipina”

This was deemed the most important writing Rizal had made during his Hong

Kong stay. Though it was Jose Ma. Basa who conceived the establishment of

Liga Filipina (Philippine League), his friend and namesake Jose Rizal was the

one who wrote its constitution and founded it.

Articles for Trubner’s Record

Due to the request of Rizal’s friend Dr. Reinhold Rost, the editor of Trubner’s

Record (a journal devoted to Asian Studies), Rizal submitted two articles:

Specimens of Tagal Folklore

Published in May 1889, the article contained Filipino proverbs and puzzles.

Two Eastern Fables(June 1889)

It was a comparative study of the Japanese and Philippine folklore. In this

essay, Jose Rizal compared the Filipino fable, “The Tortoise and the Monkey”

to the Japanese fable “Saru Kani Kassen” (Battle of the Monkey and the

Crab).

Citing many similarities in form and content, Rizal surmised that these two

fables may have had the same roots in Malay folklore. This scholarly work

received serious attention from other ethnologists, and became a topic at an

ethnological conference.

Among other things, Rizal noticed that both versions of the fable tackled

about morality as both involve the eternal battle between the weak and the

powerful. The Filipino version however had more philosophy and plainness of

form whereas the Japanese counterpart had more civilization and diplomacy.

Other Writings

“Pensamientos De Un Filipino” (Reflections of A Filipino)

Jose Rizal wrote this in Madrid, Spain from 1883-1885. It spoke of a liberal

minded and anti-friar Filipino who bears penalties such as an exile.

“Por Telefono”

This was a witty satire authored by “Dimas Alang” (one of the hero’s pen

names) ridiculing the Catholic monk Font, one of the priests who

masterminded the banning of the “Noli”. Published in booklet form in

Barcelona, Spain, it narrated in a funny way the telephone conversation

between Font and the provincial friar of the San Agustin Convent in Manila.

This pamphlet showed not only Rizal’s cleverness but also his futuristic

vision. Amazingly, Rizal had envisaged that overseas telephonic

conversations could be carried on—something which was not yet done

during that time (Fall of 1889). It was only in 1901, twelve years after Rizal

wrote the “Por Telefono,” when the first radio-telegraph signals were

received by Marconi across the Atlantic.

“La Instruccion” (The Town Schools In The Philippines)

Using his penname “Laong Laan”, Rizal assessed in this essay the

elementary educational system in the Philippines during his time. Having

observed the educational systems in Europe, Rizal found the Spanish-

administered education in his country poor and futile. The hero thus

proposed reforms and suggeted a more significant and engaging system.

Rizal for instance pointed out that there was a problem in the mandated

medium of instruction—the colonizers’ language (Spanish) which was not

perfectly understood by the natives. Rizal thus favored Philippine languages

for workbooks and instructions.