2
Tagalog 7/2018 Suporta sa mga Biktima ng Krimen sa Matanda Pang-aabuso sa Matanda Victims of Crime Resource Center (Sentro ng Tagatulong sa mga Biktima ng Krimen) 1-800-VICTIMS (1-800-842-8467) TTY: 1-916-739-7083 Email: [email protected] www.1800VICTIMS.org Mga Programang Tumutulong sa Matatandang Biktima Sentro ng Tagatulong sa mga Biktima ng Krimen (Victims of Crime Resource Center) Tumawag sa: 1-800-VICTIMS (842-8467) TTY: 1-916-739-7083 Bisitahin ang: www.1800VICTIMS.org Mga Serbisyong Proteksiyon ng Nasa Hustong Gulang (Adult Protective Services, APS) Para sa matatanda (higit sa 65 taong gulang) at mga nasa hustong gulang na may kapansanan (18 taong gulang o mas matanda) Upang mahanap ang APS ng iyong county: Tumawag sa: 1-800-VICTIMS (842-8467) Bisitahin ang: www.cdss.ca.gov Kawanihan ng Medi-Cal, Pandaraya, at Pang-aabuso sa Matanda (Bureau of Medi-Cal, Fraud, and Elder Abuse) (sa Opisina ng Pangkalahatang Abugado ng CA) Nag-iimbistiga at umuusig sa mga nag-aabuso Tumawag sa: 1-800-722-0432 Nakahandang Linyang Pambatas ng Nakatatanda (Senior Legal Hotline) Libreng tulong na pambatas sa pamamagitan ng telepono para sa mga Taga-California na higit sa edad na 60 Tumawag sa: 1-800-222-1753 Tagahanap ng Pag-aalaga ng Matanda (Elder Care Locator) Tumutukoy sa mga Taga-California na higit sa edad na 60 sa pang-estado at lokal na mga ahensiya sa pagtanda Tumawag sa: 1-800-677-1116 Kung ang isang matanda ay nasa panganib ngayon… • Tumawag sa 911, at • Kontakin ang iyong lokal na opisina ng APS. Tungkol sa Amin Ang Sentro ng Tagatulong sa mga Biktima ng Krimen ay matatagpuan sa kampus ng Paaralan ng Batas ng Pacific McGeorge sa Sacramento, California. Ang aming mga serbisyo ay libre. Alam ng aming mga ekspertong tauhan ang pinakabagong impormasyon sa larangan. Tinuturuan namin ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya, mga tagapagkaloob ng serbisyo sa biktima, at ibang mga tagapagtaguyod ng biktima tungkol sa: § Mga legal na karapatan ng mga biktima, § Kabayaran sa mga biktima, § Pagbabayad-pinsala, § Mga hablang sibil, at § Mga karagdagang karapatan ng lahat ng mga biktima ng krimen (kabilang ang matatanda, mga bata, at mga taong may kapansanan). Kami ay nag-aalay rin ng: § Teknikal na tulong at pananaliksik na pambatas sa mga tagapagkaloob ng serbisyo sa biktima. § Mga libreng presentasyon ng “Alamin ang Inyong mga Karapatan” sa mga grupong pangkomunidad. Kami ay nagpapatakbo ng 1-800-VICTIMS – ang pambuong-estadong walang-bayad na nakahandang linya na nagbibigay ng kompidensiyal na impormasyon at mga pagrekomenda sa mga biktima, sa kanilang mga pamilya, mga tagapagkaloob ng serbisyo sa biktima, at mga tagapagtaguyod ng biktima. Ang nakahandang linya ay binubuo ng mga estudyante ng batas sa McGeorge at pinangangasiwaan ng mga abugado. 1-800-VICTIMS (842-8467) TTY: 1-916-739-7083 www.1800VICTIMS.org Email: [email protected] Ang pagpopondo ay ginawang posible sa pamamagitan ng Kagawaran ng Hustisya ng Estados Unidos (United States Department of Justice), Batas sa mga Biktima ng Krimen, 2015-VA-GX-0058. Ang mga opinyon, napag-alaman, konklusyon, at rekomendasyon na ipinahayag sa publikasyong ito ay mula sa (mga) awtor at hindi nangangahulugang mula sa Cal OES o Kagawaran ng Hustisya ng U.S.

1-800-VICTIMS (842-8467) 1-916-739-7083 www ......Kung ang isang matanda ay nasa panganib ngayon… • Tumawag sa 911, at • Kontakin ang iyong lokal na opisina ng APS. Tungkol sa

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 1-800-VICTIMS (842-8467) 1-916-739-7083 www ......Kung ang isang matanda ay nasa panganib ngayon… • Tumawag sa 911, at • Kontakin ang iyong lokal na opisina ng APS. Tungkol sa

Tagalog 7/2018

Suporta sa mga Biktima ng Krimen sa Matanda

Pang-aabuso sa Matanda

Victims of Crime Resource Center (Sentro ng Tagatulong sa mga Biktima ng Krimen)

1-800-VICTIMS (1-800-842-8467)TTY: 1-916-739-7083

Email: [email protected]

Mga Programang Tumutulong sa Matatandang BiktimaSentro ng Tagatulong sa mga Biktima ng Krimen (Victims of Crime Resource Center)

Tumawag sa: 1-800-VICTIMS (842-8467)TTY: 1-916-739-7083Bisitahin ang: www.1800VICTIMS.org

Mga Serbisyong Proteksiyon ng Nasa Hustong Gulang (Adult Protective Services, APS)Para sa matatanda (higit sa 65 taong gulang) at mga nasa hustong gulang na may kapansanan (18 taong gulang o mas matanda)

Upang mahanap ang APS ng iyong county:

Tumawag sa: 1-800-VICTIMS (842-8467)Bisitahin ang: www.cdss.ca.gov

Kawanihan ng Medi-Cal, Pandaraya, at Pang-aabuso sa Matanda (Bureau of Medi-Cal, Fraud, and Elder Abuse)(sa Opisina ng Pangkalahatang Abugado ng CA) Nag-iimbistiga at umuusig sa mga nag-aabuso

Tumawag sa: 1-800-722-0432

Nakahandang Linyang Pambatas ng Nakatatanda (Senior Legal Hotline) Libreng tulong na pambatas sa pamamagitan ng telepono para sa mga Taga-California na higit sa edad na 60

Tumawag sa: 1-800-222-1753

Tagahanap ng Pag-aalaga ng Matanda (Elder Care Locator) Tumutukoy sa mga Taga-California na higit sa edad na 60 sa pang-estado at lokal na mga ahensiya sa pagtanda

Tumawag sa: 1-800-677-1116

Kung ang isang matanda ay nasa panganib ngayon…

• Tumawag sa 911, at • Kontakin ang iyong lokal na

opisina ng APS.

Tungkol sa AminAng Sentro ng Tagatulong sa mga Biktima ng Krimen ay matatagpuan sa kampus ng Paaralan ng Batas ng Pacific McGeorge sa Sacramento, California. Ang aming mga serbisyo ay libre. Alam ng aming mga ekspertong tauhan ang pinakabagong impormasyon sa larangan. Tinuturuan namin ang mga biktima at ang kanilang mga pamilya, mga tagapagkaloob ng serbisyo sa biktima, at ibang mga tagapagtaguyod ng biktima tungkol sa:§Mga legal na karapatan ng mga biktima,§Kabayaran sa mga biktima, §Pagbabayad-pinsala, §Mga hablang sibil, at§Mga karagdagang karapatan ng lahat ng mga

biktima ng krimen (kabilang ang matatanda, mga bata, at mga taong may kapansanan).

Kami ay nag-aalay rin ng:§Teknikal na tulong at pananaliksik na

pambatas sa mga tagapagkaloob ng serbisyo sa biktima.

§Mga libreng presentasyon ng “Alamin ang Inyong mga Karapatan” sa mga grupong pangkomunidad.

Kami ay nagpapatakbo ng 1-800-VICTIMS – ang pambuong-estadong walang-bayad na nakahandang linya na nagbibigay ng kompidensiyal na impormasyon at mga pagrekomenda sa mga biktima, sa kanilang mga pamilya, mga tagapagkaloob ng serbisyo sa biktima, at mga tagapagtaguyod ng biktima. Ang nakahandang linya ay binubuo ng mga estudyante ng batas sa McGeorge at pinangangasiwaan ng mga abugado.

1-800-VICTIMS (842-8467) TTY: 1-916-739-7083 www.1800VICTIMS.org

Email: [email protected] pagpopondo ay ginawang posible sa pamamagitan ng Kagawaran ng Hustisya ng Estados Unidos (United States Department of Justice), Batas sa mga Biktima ng Krimen, 2015-VA-GX-0058. Ang mga opinyon, napag-alaman, konklusyon, at rekomendasyon na ipinahayag sa publikasyong ito ay mula sa (mga) awtor at hindi nangangahulugang mula sa Cal OES o Kagawaran ng Hustisya ng U.S.

Page 2: 1-800-VICTIMS (842-8467) 1-916-739-7083 www ......Kung ang isang matanda ay nasa panganib ngayon… • Tumawag sa 911, at • Kontakin ang iyong lokal na opisina ng APS. Tungkol sa

Sinuman ay maaaring maging biktima ng krimen, pero ang mga nakatatandang tao, lalo na ang mga may kapansanan sa katawan at isipan, ay higit na mahina ang panlaban sa pang-aabuso, kapabayaan, at pagsasamantala. Maraming matatandang tao ang naihihiwalay, at madalas na ang nang-aabuso ay isang taong pinagkakatiwalaan nila, tulad ng isang kamag-anak, kaibigan, tagapangalaga o tagapagkaloob ng serbisyo. Nagagawa nitong mas mahirap na makipag-ugnayan ang matanda o humingi ng tulong. O maaaring matakot sila o labis na nahihiyang iulat ang pang-aabuso.

Ano ang pang-aabuso sa matanda?Ang pang-aabuso sa matanda ay maaaring:

Pisikal § Pagsuntok, pagsampal, pagtulak, pagsipa, o pagpaso§ Pagkulong o paglimita sa paggalaw§ Maling pagbibigay ng gamot, o pagkakait ng gamot § Sekswal na pang-aabuso§ Hindi pagkakaloob ng pagkain, pag-aalaga, at

isang ligtas na kapaligiran

Pandamdamin § Pagtawag ng nakasasakit na pangalan,

pag-alipusta, paninisi, o laging pagpuna § Pagwawalang-bahala o pagtangging

makipag-usap sa matanda

Pinansiyal § Pagnanakaw ng cash, ari-arian o pera mula sa

pinansiyal na account ng matanda§ Hindi wastong paggamit ng Kapangyarihan ng

Kinatawan (Power of Attorney) § Pagbabago ng testamento o trust ng matanda

nang walang pahintulot § Pagbebenta ng ari-arian nang laban sa

kagustuhan ng matanda§ Hindi pagkakaloob ng pinagkasunduang

mga serbisyo§ Pagpuwersa sa matanda na gumawa ng mga

partikular na desisyon sa pananalapi

Mga Palatandaan ng Pang-aabuso sa Matanda Ang matatandang biktima ng pisikal, pandamdamin o sekswal na pang-aabuso ay maaaring:§ Anyong malumbay, natatakot, nagagalit, o nalilito

§ Mukhang kulang sa sustansiya, kulang sa tubig, o hindi malinis

§ Namumuhay sa isang hindi malinis na kapaligiran § May hindi maipaliwanag o kahina-hinalang pinsala§ Anyong walang kontak sa ibang mga tao

Ang mga palatandaan ng pinansiyal na pang-aabuso ay maaaring ang:§ Mga pagbabago sa mga gawi sa paggasta

ng matanda§ Mga pagkuha ng pera mula sa ATM, kahit na

walang kakayahang maglakad o makapunta sa ATM ang matanda § Mga pirma na hindi sa panulat ng matanda§ Personal na ari-arian na nawawala§ Ang matanda ay may pera, pero naninirahan sa

mahihinang kalagayan

Maaari ninyong makita ang mga palatandaang ito sa isang matanda na hindi inaabuso. Pero para sa kaligtasan ng nakatatanda, iulat ito.

Gumawa ng mga Hakbang Upang Protektahan ang Inyong Sarili Pagpigil § Bantayan ang iyong pera. Suriin nang madalas

ang mga pahayag ng inyong mga account ng bangko at credit card. § Siyasatin ang iyong mga tagapagkaloob ng

serbisyo. Laging gumawa ng pagsisiyasat ng pinagdaanan bago kayo magtrabahong kasama ng isang bagong tagapagkaloob. Kausapin din ang mga tagapag-empleyo mula sa kanilang mga dating trabaho.§ Maghanda ng mga dokumentong pambatas, tulad

ng isang Testamento ng Buhay (Living Will) at Power of Attorney. Sumangguni sa isang abugado o sa iyong lokal na opisina ng Tulong na Pambatas.

Patuloy na Kaligtasan§ Manatiling nakakonekta. Hilingin sa mga taong

kakilala at pinagkakatiwalaan ninyo na bisitahin o kontakin kayo. Magiging mas mahirap para sa isang tao na abusuhin kayo kung madalas na may ibang mga tao sa paligid.

§ Mga Pagtingin na Pangkaligtasan. Hilingin sa isang taong pinagkakatiwalaan ninyo na palagiang

tingnan kayo upang matiyak na kayo ay ligtas. Maaari kayong humiling sa isang kamag-anak, manggagawang panlipunan mula sa Mga Serbisyong Proteksiyon ng Nasa Hustong Gulang, manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan, tagapagtaguyod, o isang tao mula sa inyong lugar ng pagsamba. § Panatilihing laging nakahanda ang iyong mga

kasangkapan sa komunikasyon (mga telephono, computer, mga pantulong sa pandinig, atbp.)

Edukasyon§ Alamin ang tungkol sa pisikal, sekswal, at

pandamdaming pang-aabuso, at mga tagatulong sa inyong komunidad. Makakakuha kayo ng impormasyon mula sa inyong lokal na sentro ng komunidad, sentro ng nakatatanda, o sa aming opisina. § Alamin kung paano protektahan ang inyong pera

at ibang mga yaman:– Kausapin ang isang abugado tungkol sa mga

paraan upang protektahan ang inyong mga yaman.

– Pumunta sa isang klase o libreng klinika na nagpapakita sa inyo kung paano protektahan ang inyong mga yaman.

– Huwag hayaang isang tao lamang ang may daan sa inyong mga yaman. Ang pagkakaroon ng 2 o higit na tao, tulad ng isang tagapagkaloob ng serbisyo at isang kaibigan o kamag-anak, ay nangangahulugang malalaman ng bawat isa ang ginagawa ng iba.

Iulat ang Pang-aabusoKung sa palagay mo ay may isang matandang inaabuso, iulat agad ito! Kapag ang pang-aabuso ay iniuulat, magagawa ng mga awtoridad na protektahan ang matanda at madala ang nang-aabuso sa hustisya. Kapag ang pang-aabuso ay hindi iniuulat, ito ay nagpapatuloy.

Paano Dapat Mag-ulat Sinuman ay maaaring mag-ulat ng pang-aabuso, kahit na hindi ka isang kamag-anak o may-kaugnayan sa matanda.Kung ang biktima ay nasa isang bahay ng pag-aalaga o pangangalaga sa tahanan, tawagan ang inyong Ombudsman ng Pangmatagalang Pangangalaga o ang pulisya ng inyong county. Kung ang biktima ay hindi naninirahan sa isang pasilidad, kontakin ang APS (Adult Protective Services) ng inyong county.