17

1-Ponolohiya

Embed Size (px)

Citation preview

1. Mga Ponemang Segmental 2.Mga Diptonggo 3. Klaster 4.Mga Pares Minimal 5. Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan

6. Ang Glottal na Pasara o Impit na Tunog

7. Mga Ponemang Suprasegmental

- isang makabuluhang tunog

halimbawa: Ang salitang bansa ay mag-iiba ng kahulugan kapag inalis o pinalitan ang /s/ bana-small lake, banta –threat. Samakatwid ang /s/ ay isang makabuluhang tunog sa Filipino.

Ang Filipino ay may 21 ponema-16 sa mga ito ang katinig at 5 naman ang patinig

a. Mga Katinig. Ang mga katinig ng Filipino ay maiaayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig (m.t) o walang tinig (w.t).

1. Panlabi- ang ibabang labi ay dumidiit sa labing itaas /p,b,m/

2.Pangngipin- ang dulo ng dila ay dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas /t,d,n/

3. Panggilagid- ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid /s,l,r/

4.Pangngalangala- ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala k,g.

5. Glottal- ang mga babagtingang pantinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o inaabala ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog

1. Pasara- ang daanan ng hangin ay harang na harang

2. Pailong- ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, patukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin

3. Pasutsot- ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kayay ng mga babagtingang pantinig

4.Pagilid- ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid

5. Pakatal- ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila.

Malapatinig- kaiba sa mga katinig dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi o dila patungo sa ibang pusisyon

ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos din sa tsart ayon naman sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang patinig

Harap Sentral Likod

Mataas

Gitna

Mababa

i

e

a

u

o

Harap Sentral Likod

Mataas

Gitna

Mababa

Iw,iy

ey

Aw,ay

Uy

oy

Ang mga diptonggo ng Filipino ay aw, iw, iy, ey, ay at uy

3.Mga Klaster. Ang mga klaster o kambal-

- katinig sa Filipino ay parami ng parami dahil sa impluwensya ng Ingles. Ang klaster ay ang magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig.

halimbawa: pyano,preno,plano, twalya, tyangge,

trabaho, tsinelas, krus at marami pang iba.

4. Mga Pares Minimal. Ang Pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares minimal

halimbawa: pala-bala ay magbabago ng kahulugan sa sandaling ang/p/ ay palitan ng/b/- bala(bullet)

5. Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan.

- Ang magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita, ay sinasabing nasa malayang nagpapalitan.

Halimbawa:

lalaki-lalake, bibi-bibe at nuon-noon

6. Ang Glottal na Pasara o Impit na Tunog. Ang bilang ng mga katinig ay naging labing-anim sa halip na labinlima lamang dahil sa ponemang glottal na pasara. Nirereprisinta ito sa dalawang paraan

A. Nakakasama sa palatuldikan at inirereprisinta ng tuldik na paiwa(`) kung nasa pusiyong pinal ng salita.

B.Inirereprisinta ito ng gitling(-) kapag ito’y nasa loob ng salita sa pagitan ng katinig at patinig.

Halimbawa:

may-ari, mag-alis