3
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG ST. MARTIN OF TOURS CREDIT AND DEVELOPMENT COOPERATIVE Enero 2016 Special Issue Bocaue, Bulacan HALALAN NA! Kami ay nagagalak na ilahad sa inyo ang mga kandidato sa 2016 SMTCDC General Elections. Ang lahat ng mga kandidatong ito na inyong pagpipilian ay mga members in good standing at may Share Capital na hindi bababa sa P20,000.00 sa nakalipas na limang taon. Silang lahat ay may kapuri-puring paninilbihan sa komunidad at mga aktibong miyembro ng organisasyong pang-simbahan, pampamahalaan, pang-akademiya at/o mga pang-sibikong institusyon. Pili na! Mga kandidato para sa BOARD OF DIRECTORS – DISTRICT I, pumili ng tatlo (3) Karugtong ng mga kandidato para sa BOARD OF DIRECTORS – DISTRICT I sundan sa kabilang pahina 1. SHIRLEY C. JISON 2. IRMA C. VALENZUELA 3. ATTY. SOLEDAD DE LA VEGA-CABANGIS 4. DRA. IRMA E. CRUZ SHIRLEY C. JISON, 49, ay kasal kay Henry M. Jison, Jr., isang empleyado. Sila ay may isang anak na lalaki. Nakatira siya sa Taal, Bocaue. Taglay ang BSBA major in Accounting Degree, nagtrabaho si Shirley sa iba’t ibang pribadong lokal na kumpanya bilang accountant bago siya namasukan sa Philippine-office ng Indonesian multinational Brantwood Inter- national, Ltd., na nagturo sa kanya upang maging bihasa sa gawaing may level na pang ibang bansa. Siya ay Katoliko. IRMA C. VALENZUELA, 45, ay kasal kay Dr. Nomar F. Valenzuela, isang physician. Sila ay may isang anak. Siya ay na- katira sa 11 Garcia St., Taal, Bocaue. Naging miyembro ng Election Committee ng SMTCDC. Taglay ni Irma ang Degree sa Bachelor of Science in Medical Technology. Namasukan siya bilang Assistant Administrator sa Silang General Hospital bago siya nag-full time sa kanilang negosyo, bilang General Manager ng NBM General Merchandise at Bea’s Laundry Shop. Siya ay Katoliko. SOLEDAD DE LA VEGA-CABANGIS, 47, ay kasal kay Engineer Noel E. Cabangis. Mayroon silang dalawang anak na lalaki. Siya ay na- katira sa 0657 G. Cruz St., Luasan, Turo, Bocaue at sa kasalukuyan ay naninilbihan bilang Corporate Lawyer III sa National Transmission Corp. bukod pa sa pagtuturo sa Dr. Yanga’s Colleges, Inc. (DYCI). Si Atty. Sally ay naging Vice-Mayor ng Bocaue at dating Tagapangulo ng SMTCDC Board of Directors, dating Vice-Chairperson ng National Confederation of Cooperatives (NATCCO), at dating Kalihim ng Asian Confederation of Credit Unions (ACCU). Tumanggap din siya ng maraming parangal sa iba’t ibang larangan. Pirming Dean’s Lister, nagta- pos siyang Cum Laude na may BS Psychology Degree sa St. Paul College, Manila. Nakuha niya ang kanyang Bachelor of Laws Degree sa Arellano University at nakapasa sa Bar na may 84% general weighted average. IRMA E. CRUZ, 55, ng Sulucan, Bocaue ay kasal kay Director Laureano C. Cruz ng Finance Department ng Department of Health (DOH). Sila ay may apat na anak. Nanilbihan siya sa SMTCDC bilang miyembro ng Board of Directors sa loob ng walong taon. Bago iyon, matagal rin siyang nanungkulan bilang miyembro ng Credit Committee. Sa pribadong buhay, siya ay isang dentista at isang entrepreneur, nagpapatakbo ng isang restaurant at catering service. Aktibo rin siya sa mga gawaing pangkomunidad at sa kasalukuyan, pinamumunuan niya ang Social Action Center ng kanilang parokya. Naging pangulo rin siya ng Sulucan Sub-Pastoral Council.

1. SHIRLEY C. JISON 2. IRMA C. VALENZUELA 3. ATTY. … files/Halalan Na.pdfng mga kandidatong ito na inyong pagpipilian ay mga members in good standing at may Share Capital na hindi

  • Upload
    others

  • View
    7

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 1. SHIRLEY C. JISON 2. IRMA C. VALENZUELA 3. ATTY. … files/Halalan Na.pdfng mga kandidatong ito na inyong pagpipilian ay mga members in good standing at may Share Capital na hindi

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG ST. MARTIN OF TOURS CREDIT AND DEVELOPMENT COOPERATIVE

Enero 2016 Special IssueBocaue, Bulacan

HALALAN NA! Kami ay nagagalak na ilahad sa inyo ang mga kandidato sa 2016 SMTCDC General Elections. Ang lahat ng mga kandidatong ito na inyong pagpipilian ay mga members in good standing at may Share Capital na hindi bababa sa P20,000.00 sa nakalipas na limang taon. Silang lahat ay may kapuri-puring paninilbihan sa komunidad at mga aktibong miyembro ng organisasyong pang-simbahan, pampamahalaan, pang-akademiya at/o mga pang-sibikong institusyon. Pili na!

Mga kandidato para sa BOARD OF DIRECTORS – DISTRICT I, pumili ng tatlo (3)

Karugtong ng mga kandidato para sa BOARD OF DIRECTORS – DISTRICT I sundan sa kabilang pahina

1. SHIRLEY C. JISON

2. IRMA C. VALENZUELA

3. ATTY. SOLEDAD DE LA VEGA-CABANGIS

4. DRA. IRMA E. CRUZ

SHIRLEY C. JISON, 49, ay kasal kay Henry M. Jison, Jr., isang empleyado. Sila ay may isang anak na lalaki. Nakatira siya sa Taal, Bocaue. Taglay ang BSBA major in Accounting Degree, nagtrabaho si Shirley sa iba’t ibang pribadong lokal na kumpanya bilang accountant bago siya namasukan sa Philippine-office ng Indonesian multinational Brantwood Inter-national, Ltd., na nagturo sa kanya upang maging bihasa sa gawaing may level na pang ibang bansa. Siya ay Katoliko.

IRMA C. VALENZUELA, 45, ay kasal kay Dr. Nomar F. Valenzuela, isang physician. Sila ay may isang anak. Siya ay na-katira sa 11 Garcia St., Taal, Bocaue. Naging miyembro ng Election Committee ng SMTCDC. Taglay ni Irma ang Degree sa Bachelor of Science in Medical Technology. Namasukan siya bilang Assistant Administrator sa Silang General Hospital bago siya nag-full time sa kanilang negosyo, bilang General Manager ng NBM General Merchandise at Bea’s Laundry Shop. Siya ay Katoliko.

SOLEDAD DE LA VEGA-CABANGIS, 47, ay kasal kay Engineer Noel E. Cabangis. Mayroon silang dalawang anak na lalaki. Siya ay na-katira sa 0657 G. Cruz St., Luasan, Turo, Bocaue at sa kasalukuyan ay naninilbihan bilang Corporate Lawyer III sa National Transmission Corp. bukod pa sa pagtuturo sa Dr. Yanga’s Colleges, Inc. (DYCI). Si Atty. Sally ay naging Vice-Mayor ng Bocaue at dating Tagapangulo ng SMTCDC Board of Directors, dating Vice-Chairperson ng National Confederation of Cooperatives (NATCCO), at dating Kalihim ng Asian Confederation of Credit Unions (ACCU). Tumanggap din siya ng maraming parangal sa iba’t ibang larangan. Pirming Dean’s Lister, nagta-pos siyang Cum Laude na may BS Psychology Degree sa St. Paul College, Manila. Nakuha niya ang kanyang Bachelor of Laws Degree sa Arellano University at nakapasa sa Bar na may 84% general weighted average.

IRMA E. CRUZ, 55, ng Sulucan, Bocaue ay kasal kay Director Laureano C. Cruz ng Finance Department ng Department of Health (DOH). Sila ay may apat na anak. Nanilbihan siya sa SMTCDC bilang miyembro ng Board of Directors sa loob ng walong taon. Bago iyon, matagal rin siyang nanungkulan bilang miyembro ng Credit Committee. Sa pribadong buhay, siya ay isang dentista at isang entrepreneur, nagpapatakbo ng isang restaurant at catering service. Aktibo rin siya sa mga gawaing pangkomunidad at sa kasalukuyan, pinamumunuan niya ang Social Action Center ng kanilang parokya. Naging pangulo rin siya ng Sulucan Sub-Pastoral Council.

Page 2: 1. SHIRLEY C. JISON 2. IRMA C. VALENZUELA 3. ATTY. … files/Halalan Na.pdfng mga kandidatong ito na inyong pagpipilian ay mga members in good standing at may Share Capital na hindi

6. ENGR. ZACARIAS SC. DEL ROSARIO, JR.

1. PETER JOHN T. VISTAN

7. DR. FREDERICK E. DE GUZMAN

2. WILFREDO F. ENRIQUEZ

8. DANILO D. ESTEBAN

3. NATALIA S. MENDOZA

ZACARIAS SC. DEL ROSARIO, JR., 54, ay kasal kay Lariza P. del Rosario. Sila ay may dalawang anak. Nakatira siya sa 127 Malhacan, Meycauayan. Taglay ang Degree sa Bachelor of Science in Civil Engineering, siya ang Presidente at Punong Tagapangasiwa ng sarili niyang construction firm. Anak ng dating Mayor ng Bocaue (na ngayon ay pumanaw na at kapangalan niya), kilala din si Zacarias sa kanyang socio-civic contributions sa kanyang komunidad at siya rin ay aktibong miyembro ng St. Mary’s College Alumni Association sa Meycauyan (dating Presidente nito). Siya ay Katoliko.

PETER JOHN T. VISTAN, 36, ay kasal kay Anna Lyn O. Vistan, Executive Assistant ni Mayor Boy Cruz. Sila ay may dalawang anak. Nakatira siya sa 309 Sta. Cruz, Guiguinto. Dalawang kurso ang natapos ni Peter John – Philosophy at Human Resource Development, at sa kasalukuyan, siya ang Acting Head ng Environment and Natural Resources Office ng Guiguinto. Nagpapatakbo rin silang mag-asawa ng isang restaurant. Isang Katoliko, naging Presidente rin siya ng Jaycees – Guiguinto Chapter.

FREDERICK E. DE GUZMAN, 45, ay kasal kay Iluminada Cruz de Guzman. Sila ay may tatlong anak. Nagtapos ng Dental Medicine si Dr. Frederick at kasalukuyang nanunungkulan bilang opisyal na Dentista sa Munisipyo ng Bocaue bukod pa sa pagpapatakbo ng sarili niyang dental clinic. Siya ay dating three-term Board of Directors member ng SMTCDC. Dati rin siyang BOD member ng Bulacan Federation of Cooperatives (BUFECO). Liban sa pagiging debotong Katoliko, siya ay nabiyayaan rin ng magandang boses at member din siya ng Bocaue Chorale Society.

WILFREDO F. ENRIQUEZ, 54, ng Tabang, Guiguinto, Bulacan ay kasal sa negosyanteng si Ma. Myrna Enriquez. Sila ay may tatlong anak. Kasalukuyang Chairman ng SMTCDC Board of Directors, nanungkulan siya bilang director sa nakalipas na limang taon. Director din siya sa Bulacan Federation of Cooperatives (BUFECO). Graduate ng Business Administration sa University of Santo Tomas, siya ay lisensyadong real estate broker bukod pa sa pagiging entrepreneur na nagmamay-ari ng houseware at appliance store.

DANILO D. ESTEBAN, 56, ay kasal sa negosyanteng si Ma. Luisa SP. Esteban. Sila ay may isang anak. Nakatira siya sa Pan-ginay, Balagtas. Natapos ni Danny ang kanyang degree sa BS Industrial Engineering sa University of Sto. Tomas sa kabila ng pagiging working student. Nagturo siya sa loob ng 10 taon sa Dr. Yanga’s Colleges, Inc. bago tuluyang pumalaot sa negosyong general merchandising at paupahang apartment. Ang kanyang maybahay ay nagmamay-ari at namamahala ng restaurant sa abroad. Siya rin ay aktibo sa church at socio-civic activities, bilang 4th degree member ng Knights of Columbus at Rotary Club International, bilang dating presidente nito. Naging BOD member din siya ng SMTCDC sa loob ng dalawang taon.

NATALIA S. MENDOZA. Isang 40 taong gulang na entrepreneur at kasal kay Manolo R. Mendoza. Sila ay may dalawang anak. Pinangangasiwaan nilang mag-asawa ang Manneth General Merchandise sa Tabe, Guiguinto. Bagama’t si Natalia ay hindi aktibo sa anumang pang-relihiyon o pangkawanggawang samahan, siya ay kinikilala at iginagalang sa komunidad dahilan sa kahandaan niyang tumulong at masayahing personalidad. Taglay niya ang degree sa BS Management, may kasanayan sa accountancy. Siya’y naninirahan sa Blk. 9 Lot 25, Green Estate Subdivision, Tiaong, Guiguinto, Bulacan.

Mga kandidato para sa BOARD OF DIRECTORS – DISTRICT III, pumili ng isa (1)

1. SUSANA V. GUEVARRA

2. MARLYN S. BULANADI

SUSANA V. GUEVARRA. Isang 55 taong gulang na school registrar sa Flowerlane Montessori Children’s House sa Cabanatuan City bukod pa sa pagmamay-ari ng isang gift and novelty shop sa commercial district ng Cabanatuan. Kasal siya kay Melquiades Guevarra, professor sa Wesleyan University. Sila ay may tatlong anak. Taglay niya ang Associate Degree sa AB Accountancy at nang lumaon, lumipat sa kursong Computer Programming, para sa apat na taong college education (noong panahong iyon, ang IT degrees ay 2-year courses lamang). Silang mag-asawa ay aktibo sa Familia Foundation ng Nueva Ecija, Inc., isang church-based na civic organization. Siya din ay aktibong nagsa-sagawa ng mga livelihood projects, karamihan ay para sa mga kababaihan at out-of-school youth. Nakatira siya sa 739 San Pascual, Talavera, Nueva Ecija kapiling ng kanyang pamilya.

MARLYN S. BULANADI. Isang 44 na taong gulang na guro sa Flowerlane Montessori Children’s House sa Cabanatuan City. Siya ay kasal kay Florencio, isang empleyado at sila’y may dalawang anak. Si Teacher Marlyn ay popular sa mga magulang dahilan sa kanyang aktibong pakikilahok sa extra-curricular activities ng kanilang paaralan. Nakatira sila sa V 140 del Pilar St., Cabanatuan City.

Mga kandidato para sa BOARD OF DIRECTORS – DISTRICT V, pumili ng isa (1)

Mga kandidato para sa ELECTION COMMITTEE – pumili ng dalawa (2)1. VILMA C. FRANCISCO

2. DR. FELIPE G. BARTOLOME

3. LOIDA DC. RIGOR

4. MA. BENITA CABALLERO-SANTIAGO

5. MA. THERESA P. MARTIN

VILMA C. FRANCISCO, 52, ay kasal sa kanyang kapwa guro na si Renato F. Francisco. Sila ay may dalawang anak. Na-katira siya sa Campo Potrero, Lolomboy, Bocaue. Nanungkulan ng isang termino bilang Election Committee ng SMTCDC, taglay ni Vilma ang BS Education Degree at namamasukan bilang Master Teacher I sa Lolomboy Elementary School. Siya din ay naging Pangulo ng Bocaue Public School Teachers’ Association – Lolomboy Chapter at District Coordinator for EPD (Home Economics). Siya ay Born Again Christian.

FELIPE G. BARTOLOME, 53, ay kasal kay Ma. Teresa M. Bartolome. Sila ay may apat na anak. Siya ay nakatira sa 508 Duhat, Bocaue at kasalukuyang Provincial Veterinarian ng Bulacan. Idinidikta ng kanyang tungkulin ang pakikisalamuha sa komunidad, lalo na sa antas ng mga ordinaryong mamamayan. Bukod sa pagiging Doctor of Veterinary Medicine, siya ay nagtataglay rin ng Master’s Degree in Public Administration. Siya ay Katoliko at aktibong nakikiisa sa mga gawaing pang-barangay.

LOIDA DC. RIGOR, 46, ay kasal kay Russel A. Rigor, empleyado. Sila ay may tatlong anak. Siya ay nakatira sa 80 Car-men Subdivision, Bambang, Bocaue. Nagtapos siya ng BSC major in Management. Nagtrabaho siya sa SMTCDC sa iba’t ibang kapasidad – collection clerk, teller, accounting clerk – bago siya nagretiro. Isang Katoliko, siya ay aktibong miyembro ng religious organization na Usher Ministry of The Feast.

MA. BENITA C. SANTIAGO, 49, ay kasal kay Jessie G. Santiago, Senior Manager sa Pascual Laboratories at dating Vice-Mayor ng Balagtas. Sila ay may tatlong anak. Siya ay nakatira sa 2008 Azicate Homes, Lolomboy, Bocaue. Nagtapos ng BS Biochemistry, siya ang kasalukuyang Purchasing Manager ng Pascual Laboratories. Siya ay anak ng namayapa nang si Dr. Benito Caballero, dating BOD member ng SMTCDC.

MA. THERESA P. MARTIN, 46, ay kasal kay Michael S. Martin, isang electrician. Sila ay may isang anak. Siya ay nakatira sa Halbanz Drive, Sulucan, Bocaue. Taglay ang Degree sa Bachelor of Science major in Chemistry, siya ay sandaling namasukan bilang laboratory assistant sa Marcopper Mining Corp. bago siya sumabak sa pagtuturo. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Taal National High School. Si Theresa ay three-term member ng Election Committee ng SMTCDC. Siya ay Katoliko.

5. EDNA S. DELA CRUZEDNA S. DELA CRUZ, 52, ay kasal sa negosyanteng si Edilberto M. dela Cruz. Sila ay may tatlong anak. Siya ay nakatira sa 408 St. Martin Village, Bambang, Bocaue. Bagama’t nakatapos siya ng BS Foreign Service sa kolehiyo, ang kanyang 27 taon ng pamamasukan sa SMTCDC ang sumaksi sa kanyang pag-angat mula Teller hanggang Cashiering Supervisor, na nagbunsod upang kanyang ganap na malaman ang Vision/Mission nito at maging pamilyar sa operasyon ng Kooperatiba. Nagretiro siya noong 2013 upang personal na pamahalaan ang kanilang negosyo, PSS Bridal Collections. Siya ay Katoliko.

2 3SANDIWA-Special Issue SANDIWA-Special IssueEnero 2016 Enero 2016

Page 3: 1. SHIRLEY C. JISON 2. IRMA C. VALENZUELA 3. ATTY. … files/Halalan Na.pdfng mga kandidatong ito na inyong pagpipilian ay mga members in good standing at may Share Capital na hindi

PARAAN NG PAGBOTOPumunta sa araw ng eleksyon sa LUGAR NA INIATAS SA INYONG SANGAY.

Magdala ng ID ng SMTCDC o anumang VALID ID bilang patunay ng katauhan.

Ipakita ang Certificate of Entitled to Vote (CEV) sa ComRep at bumoto ng Kandidato ayon sa mga sumusunod:

Para sa Board of DirectorsDistrict 1 – Pumili ng tatlo (3)District 3 – Pumili ng isa (1)District 5 – Pumili ng isa (1)

Para sa lahat ng distrito, pumili ng dalawa (2) para sa Audit Committee at dalawa (2) para sa Election Committee.

Upang maging VALID ang inyong pagboto, tiyakin na tama ang bilang ng kandidatong iyong binoto.

Ibigay ang inyong Certificate of Entitled to Vote (CEV) sa Member Assistant pagkatapos bumoto.

1.2.3.

4.5.

Mga kandidato para sa AUDIT COMMITTEE – pumili ng dalawa (2)1. BIENVENIDO S. DE GUZMAN, JR.

2. ELMA J. ANARCON

3. ELENITA A. DELA CRUZ

4. CHLOEBELLE B. PANGANIBAN

BIENVENIDO S. DE GUZMAN, JR., 58, ng St. Martin’s Village, Bambang, Bocaue, Bulacan, ay kasal kay Adelina de Guz-man. Sila ay may limang anak. Naging miyembro siya ng SMTCDC Audit Committee sa loob ng dalawang taon. Retiradong internal auditor ng Mercury Group of Companies, Inc., siya ngayon ay practicing private accountant, taglay ang BSC major in Accounting degree.

ELMA J. ANARCON, 38, ay kasal sa negosyanteng si Reynando D. Anarcon. Sila ay may isang anak. Nakatira si Edna sa Prenza II, Marilao at sa kasalukuyan, siya ang Executive Assistant ni Meycauayan Mayor Joan Alarilla. Siya ay aktibong nakikilahok sa iba’t ibang socio-civic programs ng naturang Mayor. Siya ay nagtapos ng BS Accountancy sa Meycauayan Institute at Master’s Degree in Public Administration sa University of the Philippines, Diliman. Siya ay Katoliko.

ELENITA A. DELA CRUZ, 54, dalaga at anak nina Juanita Alfonso at nang namayapang si Ernesto dela Cruz. Nakatira siya sa Igulot, Bocaue at kasalukuyang namamasukan bilang Administrative Officer sa Mata Breeder Farm, Inc. bukod sa pagiging isang kilala at iginagalang na Instructor sa DYCI College of Accountancy. Taglay niya ang Degree sa Bachelor of Science in Industrial Engineering at bihasa siya sa math at accounting procedures. Siya ay miyembro ng Mediation Com-mittee ng SMTCDC.

CHLOEBELLE B. PANGANIBAN, 49, ay kasal sa namayapang si Joselito N. Panganiban. Sila ay may tatlong anak. Nakat-ira siya sa 157 A. Mendoza St., Binang 2nd, Bocaue. Nakatapos siya ng BSBA major in Accounting, at naging empleyado bilang Cash Supervisor ng SMTCDC at Barangay Secretary ng Binang 2nd bago niya napagpasyahang mag-full time sa negosyo. Siya ay Katoliko.

SCHEDULE OF 2016 KOOPULUNGAN AND GENERAL ELECTIONS

Feb. 6, 2016 - Pulong Buhangin - P. Buhangin Barangay Hall, Covered Court, Cityland Subd., Km. 39 Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan 1:30 P.M.Feb. 13, 2016 - San Miguel - San Miguel South Central School, Victor St., Poblacion, San Miguel, Bulacan 1:30 P.M.Feb. 20, 2016 - Baliuag - Knights of Columbus Hall, St. Augustine Parish Church, Baliuag, Bulacan 8:30 A.M.Feb. 20, 2016 - Guiguinto - Guiguinto Central School Narciso Gym, McArthur Hi-way, Poblacion, Guiguinto, Bulacan 2:00 P.M.Feb. 27, 2016 - Orani - Orani Elementary School Covered Court, Balut, Orani, Bataan 1:30 PM March 5, 2016 - Bocaue - Sto. Nino Academy, Meycauayan Binang 2nd, Bocaue, Bulacan 8:30 AM – 3:00 PM March 12, 2016 - Cabanatuan - (Venue to be announced) 1:30 P.M.

4 SANDIWA-Special Issue Enero 2016