4
James RJ G. Florentino CE 1. Ponema --ang tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog -- pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema. Ponetiko – ang galaw at bahagi ng katawan ng tao saklaw sa pag-aaral kung saan isinagawa ng tunog sa pagsasalita o wastong pagbigkas. Ponema – ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika ( Phoneme) phone -- tunog eme -- makabuluhan -- tumutukoy ito sa makabuluhang tunog – ang bawat ponema ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita Hal. Nasa- pasa -- Maari ring di makapagpabago – Malayang nagpapalitan Hal. Babae-babai; lalake-lalaki 2 uri ng ponema 1. Ponemang Katinig – binubuo ng 16 na ponema– 16 / b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /n/, /ng/, /w/,/y/, / ˆ ΄ -/. 2. Ponemang Patinig - ayon sa mga linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang fonemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila at English. ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita-- Allophone Diptonggo/ Malapatinig – tumutukoy ito sa pinagsamang tunog ng isang patinig /a,e,I,o,u / at tunog ng isang malapatinig /w, y/ sa iisang pantig. (aw, iw, ow,ay ey,oy,uy) Hal. araw, ayaw, baboy atbp. Klaster o Kambal Katinig– ito ay magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig; matatagpuan ito sa– inisyal, sentral, pinal Hal. Blusa, kwento, hwag atbp. Pares Minimal – magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit tugmang-tugma sa bigkas maliban sa isang ponema. Hal. Pala-bala ; hari- pari

1111 - Copy

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 1111 - Copy

James RJ G. FlorentinoCE

1. Ponema--ang tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog -- pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema.

Ponetiko – ang galaw at bahagi ng katawan ng tao saklaw sa pag-aaral kung saan isinagawa ng tunog sa pagsasalita o wastong pagbigkas.

Ponema – ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika ( Phoneme) phone -- tunog eme -- makabuluhan -- tumutukoy ito sa makabuluhang tunog – ang bawat ponema ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita Hal. Nasa- pasa -- Maari ring di makapagpabago – Malayang nagpapalitan Hal. Babae-babai; lalake-lalaki

2 uri ng ponema1. Ponemang Katinig – binubuo ng 16 na ponema– 16

/ b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /n/, /ng/, /w/,/y/, / ˆ ΄ -/.2. Ponemang Patinig - ayon sa mga linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo

lamang ang patinig ng Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang fonemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila at English.

ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita-- Allophone

Diptonggo/ Malapatinig – tumutukoy ito sa pinagsamang tunog ng isang patinig /a,e,I,o,u / at tunog ng isang malapatinig /w, y/ sa iisang pantig. (aw, iw, ow,ay ey,oy,uy) Hal. araw, ayaw, baboy atbp.

Klaster o Kambal Katinig– ito ay magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig; matatagpuan ito sa– inisyal, sentral, pinal Hal. Blusa, kwento, hwag atbp.

Pares Minimal – magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit tugmang-tugma sa bigkas maliban sa isang ponema. Hal. Pala-bala ; hari- pari

Ponemang Malayang Nagpapalitan (Allophone)– malayang nagpapalitan ang e at I; o at u. Hal. lalake- lalaki,

Impit na tunog o Glotal sa Pasara – ang ponemang ito ang bukod tanging inirerepresinta ng titik o letra sa halip ay tuldik na paiwa ( ΄ ) para sa salitang malumi, tuldik na ( ˆ ) para sa salitang maragsa, kung ang tunog na ito ay nasa pusisyong pinal ng salita at kung minsan inireprisinta rin ito ng gitling kung ang tunog na ito ay nasa gitna ng salita sa pagitan ng panlapi o salitang nagtatapos sa katinig at ang kasunod na salita ay nagsisimula sa patinig.

Ang mga salitang natatapos sa tunog na impit at tinatawag na malumi at maragsa tulad ng mga halimbawa:

Salitang Malumi Salitang Maragsa 1. bata ΄ - child pipi ˆ - fattened2. nasa ΄- desire, wish tala ˆ - list,note

Page 2: 1111 - Copy

Ponemang Suprasegemental

Tono – tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig. -- nakukuha ang mensahe ng kausap– nangangaral, naiinis, nang-iinsulto,

nagtatanong, nakikiusap o nag-uutos. Haba- tumutukoy sa haba ng bigkas sa pantig ng salita na may patinig o katinig. Diin - tumutukoy ito sa lakas ng bigkas sa pantig na kailangang bigyang-diin. Antala/ Hinto/ Pagtigil – saglit na pagtigil

Ang Prinsipal na sangkap ng Pananalita

Ang enerhya ay ang nalilikhang presyon o presyur ng papalabas na hiningang galing sa baga na siyang nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig na siyang gumaganap na artikulador. Lumilikha ito ng tunog na minomodipika ng bibig na siya namang nagiging patunugan o resonador. Ang itinuturing na mga resonador ay ang bibig at guwang ng ilong

apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog.1. Dila at panga ( sa ibaba)2. Ngipin at labi ( sa unahan)3. Matigas na ngalangala ( sa itaas)4. Malambot na ngalangala ( sa likod)

Punto ng Artikulasyon– tumutukoy sa kung anong bahagi ng bibig naisasagawa ang pagbigkas sa ponema Paraan ng Artikulasyon– pagbigkas sa paraan ng pagpapalabas ng hangin sa bibig o ilong.

Page 3: 1111 - Copy