16
!"#2 SETYEMBRE 2013 Ang Katotohanan Tungkol sa Halloween

!#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

  • Upload
    lyhuong

  • View
    268

  • Download
    12

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

!"#2SETYEMBRE 2013

Ang KatotohananTungkol saHalloween

Page 2: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

Gusto mo ba ng higit pang impormasyon olibreng pag-aaral ng Bibliya sa iyong tahanan?

Magpunta sa www.jw.org/tl o ipadala angiyong request sa isa sa mga adres sa ibaba.

JEHOVAH’S WITNESSES: PHILIPPINES: PO Box 2044,1060 Manila. UNITED STATES: 25 Columbia Heights,Brooklyn, NY 11201-2483. Para sa adres sa iba pangmga bansa, tingnan ang www.jw.org/tl/contact.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliyana tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.Publishers: Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.� 2013 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. All rights reserved. Printed in Japan.

!"#2SA ISYUNG ITO

TAM

PO

KN

AP

AK

SA

Ang Katotohanan Tungkolsa HalloweenPAHINA 6-9

3 PAGMAMASID SA DAIGDIG

4 ANG PANGMALAS NG BIBLIYAPagtatalik Nang Di-kasal

10 TULONG PARA SA PAMILYAKung Paano Magpapatawad

12 INTERBYUAng Paniniwala ng Isang Espesyalistasa Kidney

14 SULYAP SA NAKARAANZheng He

16 MAY NAGDISENYO BA NITO?Ang Balahibo ng Emperor Penguin

s TINGNAN ONLINEwww.jw.org /tl

T I N - E D Y E R

Alamin ang sagot ng Bibliya samaraming tanong ng mga kabataan.Kasama ang mga artikulong ito:˙ “Ano ang Gagawin Ko Kapag May

Nambabastos sa Akin?”˙ “Ano ang Dapat Kong Malaman

Tungkol sa Pagte-text?”˙ “Paano Kung May Problema Ako sa

Kalusugan?”Tingnan kung paano matutulungan ngBibliya ang mga tin-edyer sa pagharapsa mga problema.(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA � TIN-EDYER)

Panoorin din ang animated video na“Beat a Bully Without Using Your Fists”sa jw.org sa ilalim ng BIBLE TEACHINGS� TEENAGERS.

M G A B ATA

Basahin ang isinalarawang mgakuwento sa Bibliya. Gamitin ang mgaactivity para tulungan ang iyong mgaanak na madagdagan ang kanilangkaalaman sa mga karakter atpamantayang moral ng Bibliya.(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA � MGA BATA)

Vol. 94, No. 9 / Monthly / TAGALOGLimbag sa Bawat Isyu: 43,524,000 sa 99 na Wika

r

r

Page 3: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

P A G M A M A S I D S A D A I G D I G

ARTIKO

“Ang dami ng yelo tuwing tag-araw ay 25 por-siyento na lang kaysa noong nakalipas na 30taon,” ang sabi ni Peter Wadhams, propesor ngocean physics sa University of Cambridge,Britain. Noong 2012, mga 50 barko ang naka-paglayag sa Northern Sea Route na puwedenang daanan dahil sa pag-init ng globo.

DAIGDIG

Ang gatas ng mga ina, ilang araw pagkapa-nganak nila, ay natuklasang may mahigit 700uri ng baktirya—higit pa sa inaasahan ng mgaeksperto. Patuloy na inaalam ng mga manana-liksik ang biyolohikal na pakinabang na dulotnito sa mga sistema ng panunaw at imyunidadng bagong-silang na sanggol.

BRITAIN

Sa isang isinagawang pag-aaral ng mga siyentipikongBritano gamit ang simulateddriving, natuklasan nilangmas mabagal ang reaksiyonng mga drayber na sinisiponkaysa sa mga nakainom.

DEMOCRATIC REPUBLICOF CONGO

Ang Aprika ay dumaranas nga-yon ng tinatawag ng ilan na “pi-nakamatinding” pagpatay sa libu-libong elepante taun-taon dahil sakanilang garing, o ivory. Sa isanginsidente, ilang elepante ang maytama ng baril sa tuktok ng ulo,anupat maliwanag na binaril angmga ito mula sa isang helikopter.

AUSTRALIA

Kalahati sa mga ko-rales ng Great BarrierReef ang namatay sanakalipas na 27taon. Sinisisi ng mgasiyentipiko ang mala-lakas na bagyo, pani-nira ng crown-of-thorns starfish[Acanthaster planci],at ang pamumuti ngmga korales dahil sapagtaas ng tempera-tura sa karagatan.

Arct

ic:N

ASA/

Kath

ryn

Han

sen;

Gre

atBa

rrie

rRee

f:�

Robe

rto

Rina

ldi/

age

foto

stoc

k;el

epha

nts:

�G

uido

Albe

rto

Ross

i/ag

efo

tost

ock

3

Page 4: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

ANG SINASABI NG MGA TAO Sa ilang kultura, pinahihintulutan angseksuwal na gawain ng dalawang adultong di-kasal. Sa ilang lugar naman,ayos lang na gumawa ang mga kabataan ng ilang uri ng seksuwal na ga-wain.ANG SABI NG BIBLIYA Ginagamit ng Bibliya ang salitang “pakikiapid”para tukuyin ang mga seksuwal na gawain ng mga hindi mag-asawa.Inaasahan ng Diyos na ang kaniyang mga mananamba ay ‘iiwas sa paki-kiapid.’ (1 Tesalonica 4:3) Ang pakikiapid ay kabilang sa malulubhang ka-salanang gaya ng pangangalunya, espiritismo, paglalasing, idolatriya, pag-patay, at pagnanakaw.—1 Corinto 6:9, 10; Apocalipsis 21:8.KUNG BAKIT ITO MAHALAGANG ISAALANG-ALANG Una, nagbababalaang Bibliya na “hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid.” (Hebreo 13:4)Pero ang mas mahalaga, kapag sinusunod natin ang mga batas ng Diyostungkol sa moralidad sa sekso, pinatutunayan natin ang ating pag-ibig saDiyos na Jehova. (1 Juan 5:3) Pinagpapala naman niya ang mga sumusu-nod sa kaniyang mga utos.—Isaias 48:18.

ANG PANGMALAS NG BIBLIYA � PAGTATALIK NANG DI -KASAL

PAGTATALIK NANG DI-KASAL

Mali ba ang pagtatalik nang di-kasal?

“Sapagkat ito ang

kalooban ng Diyos,

. . . na umiwas kayo

sa pakikiapid.”

—1 Tesalonica 4:3.

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

Page 5: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

Gumising! Setyembre 2013 5

ANG SINASABI NG MGA TAO Marami ang naniniwalang walanamang masama sa seksuwal na ugnayan ng dalawang taongdi-kasal hangga’t hindi sila aktuwal na nagtatalik.ANG SABI NG BIBLIYA Sa pagtalakay ng Bibliya tungkol sa imo-ral na mga seksuwal na gawain, hindi lang pakikiapid ang bina-banggit nito kundi gayundin ang seksuwal na “karumihan” at “ma-halay na paggawi.” (2 Corinto 12:21) Maliwanag na may iba’t ibanguri ng seksuwal na gawaing nakapopoot sa Diyos kapag ginagawaito ng mga hindi mag-asawa, kahit pa walang aktuwal na pagtata-lik.Kaya sa kabuuan, pagdating sa sekso, sinasabi ng Bibliya naang seksuwal na ugnayan ay para lang sa lalaki’t babae na mag-asawa. Hinahatulan din ng Bibliya ang “mapag-imbot na pita sasekso.” (1 Tesalonica 4:5) Ano ang ibig sabihin niyan? Isaalang-alang ang halimbawang ito: Baka determinado ang isang magka-sintahan na huwag magtalik. Pero gumagawa naman sila ng ibanguri ng seksuwal na gawain. Sa ganitong paraan, iniimbot nila o ni-nanasa ang isang bagay na hindi kanila. Kung gayon, nagkakasalasila ng “mapag-imbot na pita sa sekso.” Ang ganiyang kasakimansa sekso ay hinahatulan ng Bibliya.—Efeso 5:3-5.

KUNG BAKIT ITO MAHALAGANG ISAALANG-ALANG Ayon sa Bibli-ya, ang pakikipagtalik nang di-kasal ay makasisira sa pakikipagka-ibigan natin sa Diyos.—Colosas 3:5, 6.ANG SABI NG BIBLIYA Pinapayuhan tayo ng Bibliya na ‘tumakasmula sa pakikiapid.’ (1 Corinto 6:18) Nangangahulugan ito na angisang tao ay dapat lumayo sa anumang bagay na hihikayat sa kani-ya na gumawa ng seksuwal na imoralidad. (Kawikaan 22:3) Halim-bawa, para makapanatiling malinis sa moral, mahalagang iwasanang malapıt na pakikipagsamahan sa mga taong nagwawalang-bahala sa mga simulain ng Diyos tungkol sa sekso. Nagbababalaang Bibliya: “Siyang lumalakad na kasama ng marurunong ay magi-ging marunong, ngunit siyang nakikipag-ugnayan sa mga hangal aymapapariwara.”—Kawikaan 13:20.Ang pagpapasok ng imoral na mga bagay sa isip ay maaaring hu-mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubutingiwasan ang musika, video, babasahın, at anumang bagay na may-kahalayang nagpapakita o nagtataguyod ng seksuwal na gawain omga paggawing kinapopootan ng Diyos.—Awit 101:3. ˛

Masama bang magkaroon ng anumang uring seksuwal na ugnayan ang mga hindi mag-asawa?

“Ang pakikiapid at bawat uri

ng karumihan o kasakiman

ay huwag man lamang ma-

banggit sa gitna ninyo.”

—Efeso 5:3.

Paano mo maiiwasan ang seksuwal na imoralidad?

“Tumakas kayo

mula sa pakikiapid.”

—1 Corinto 6:18.

Page 6: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

BAKA hindi ka naman naniniwala sa mgaespiritu. Marahil iniisip mong ang pag-

sali sa Halloween at sa katulad na mga se-lebrasyon ay katuwaan lang at isang paraanpara turuan ang iyong mga anak na pagana-hin ang kanilang imahinasyon. Pero para sa

marami, ang mga selebrasyong ito ay mapa-nganib dahil sa mga sumusunod:1. Ang “Halloween,” ayon sa Encyclopedia ofAmerican Folklore, “ay pangunahin nangmay kinalaman sa posibilidad ng pakikipag-ugnayan sa mga puwersang espiritu, na

TAM

PO

KN

AP

AK

SA

Ang KatotohananTungkol sa HalloweenIpinagdiriwang ba ang Halloween sa lugar ninyo? SaEstados Unidos at sa Canada, ang Halloween aykilalang-kilala at ipinagdiriwang taun-taon tuwingOktubre 31. Pero makikita rin sa iba pang bahagi ngmundo ang mga kaugaliang may kinalaman saHalloween. Sa ilang lugar, may mga kapistahan na ibaang tawag pero katulad ng Halloween ang tema:pakikipag-ugnayan sa daigdig ng mga espiritu sapamamagitan ng espiritu ng mga patay, mgaengkantada, mangkukulam, at maging ang diyablo atdemonyong mga anghel.—Tingnan ang kahong “MgaSelebrasyong Tulad ng Halloween sa Buong Daigdig.”

Ang Halloween ay karaniwang itinu-turing na kapistahan ng mga Ameri-kano. Pero naging popular na rinang selebrasyong ito sa maramingbahagi ng mundo. Bukod diyan, maymga kapistahang tulad ng Hallow-een na nagdiriwang ng pag-iral atgawain ng mga espiritung nilalang.Makikita rito ang ilang halimbawang popular na selebrasyong tulad ngHalloween sa buong daigdig.

MGA SELEBRASYONGTULAD NG HALLOWEENSA BUONG DAIGDIG

AsiaBonFestival

Hilagang AmerikaAraw ng mga Patay

TimogAmerikaKawsasqanchis Aprika

Dance of theHooded Egunguns

EuropaAraw ng mgaPatay at iba pangbersiyon ngHalloween

Page 7: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

Gumising! Setyembre 2013 7

SAAN ITO NANGGALING?

Ang Pinagmulan ng Ilang Kaugalian

at Simbolo ng Halloween

KOSTIYUM: Nagsusuot ng naka-tatakot na mga maskara ang mgaCelt para isipin ng masasamang es-piritu na sila ay mga espiritu rin atpara hindi sila galawin ng mga ito.Unti-unting pinagsama ng simbahanang mga paganong kaugalian at angmga kapistahan ng Araw ng mga Ka-luluwa at Todos Los Santos. Nangmaglaon, ang mga nagdiriwang nitoay nagbahay-bahay suot ang mgakostiyum ng mga santo, anghel, atmga diyablo.

KALABASA:Ang malalaking singkamasna inukit at may kandila saloob ay idinidispley noonbilang pantaboy sa masa-samang espiritu. Para sailan, ang kandila sa loob ngsingkamas ay sagisag ngkaluluwang nakakulong sapurgatoryo. Nang maglaon,mas ginagamit na ang mgainukit na kalabasa.

BAMPIRA, WEREWOLF,MANGKUKULAM, ZOMBIE:Ang mga ito ay matagal nang iniu-ugnay sa daigdig ng masasamangespiritu.

KENDI: Sinikap payapain ng sinaunang mga Celt angmasasamang espiritu sa pamamagitan ng matatamis napagkain. Pagkaraan, pinasigla ng simbahan ang mganagdiriwang ng All Hallows’ Eve na magbahay-bahay sagabing iyon para manghingi ng pagkain kapalit ng dasalpara sa mga patay. Nang maglaon, ang kostumbreng itoay naging trick or treat ng Halloween.

Page 8: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

IKALIMANGSIGLO B.C.E.Ipinagdiriwang ng mgaCelt ang kapistahan ngSamhain sa dulo ng Oktu-bre dahil naniniwala sila nasa panahong iyon, mas ma-dalas gumala sa lupa angmga multo at demonyo kay-sa sa ibang panahon.

UNANG SIGLO C.E.Sinakop ng mga Roma-no ang mga Celt atsinunod nila ang mgaespiritistikong ritwal ngSamhain.

IKAPITONG SIGLO C.E.Sinasabing si Pope BonifaceIV ang nagtatag ng taunangpagdiriwang ng Todos Los San-tos bilang parangal sa mgamartir.�

� Ang “hallow” ay matandang sa-litang Ingles na nangangahulugang“santo.” Ang All Hallows’ Day (tinata-wag ding Todos Los Santos) ayisang kapistahan na nagpaparangalsa mga santong namatay. Ang gabibago ang All Hallows’ Day ay tinawagna All Hallow Even, na nang magla-on ay pinaikli bilang Halloween.

IKALABING-ISANGSIGLO C.E.Ang Nobyembre 2 ay itina-laga bilang Araw ng mgaKaluluwa para gunitainang mga patay. Ang mgapagdiriwang na kaugnayng Todos Los Santos atAraw ng mga Kaluluwa aytinatawag na Hallowtide.

KASAYSAYAN NG HALLOWEEN

karamihan ay nagbabanta o nananakot.” (Ting-nan ang kahong “Kasaysayan ng Halloween.”)Gayundin, maraming selebrasyong gaya ng Hal-loween ang nagmula sa mga pagano at sa pag-samba sa mga ninuno. At hanggang sa ngayon,ang mga araw na ito ay ginagamit pa rin ng mgatao sa buong daigdig para makipag-ugnayan sadiumano’y mga espiritu ng mga patay.

2. Bagaman ang Halloween ay pangunahingitinuturing na kapistahan ng mga Amerikano,parami nang parami ang nagdiriwang nitotaun-taon sa iba’t ibang bansa. Pero mara-mi sa kanila ang walang kaalam-alam sapaganong pinagmulan ng mga simbolo, de-korasyon, at kaugalian ng Halloween, na ka-ramihan ay may kaugnayan sa mahihiwa-gang puwersa at espiritu.—Tingnan angkahong “Saan Ito Nanggaling?”3. Tinatawag pa rin ng libu-libong Wiccan, nasumusunod sa sinaunang mga ritwal ng mgaCelt, ang Halloween sa sinaunang pangalannito na Samhain. At para sa kanila, ito angpinakasagradong gabi sa buong taon. “ ‘Wa-lang kamalay-malay [ang mga Kristiyano] nakasama namin silang nagdiriwang ng amingkapistahan. . . . Gusto namin iyon,’ ” ang

“ ‘Walang kamalay-malay [ang mga Kristiyano]na kasama namin silang nagdiriwang ngaming kapistahan. . . . Gusto namin iyon.’ ”—Ang pahayagang USA Today, bilangpagsipi sa sinabi ng isang nagpakilalangmangkukulam

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

Page 9: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

Gumising! Setyembre 2013 9

IKALABINGWALONGSIGLO C.E.Ang pangalan ng kapista-hang Hallowe’en (HallowEvening) ay inilathalabilang Halloween.

IKALABINSIYAM NASIGLO C.E.Dinala ng libu-libo kataonglumipat sa Estados Unidosmula sa Ireland ang mgakaugalian nila sa Halloween.Nang maglaon, ang mga itoay isinama sa katulad namga kaugalian ng mga nan-dayuhan mula sa Britanyaat Alemanya, gayundin saAprika at iba pang bahaging mundo.

IKADALAWAMPUNGSIGLO C.E.Ang Halloween ay nagingpopular na pambansangkapistahan sa EstadosUnidos.

IKADALAWAMPU’TISANG SIGLO C.E.Ang Halloween ay nagingpandaigdig na negosyongnagkakahalaga nang bil-yun-bilyong dolyar.

Celtic warrior: � 2d Alan King/Alamy;Roman soldier: � North Wind PictureArchives; Pope Boniface IV:� DeAgostini/SuperStock;All Saints Day: � The Bridgeman ArtLibrary Ltd./Alamy; poetry: CourtesyUniversity of Michigan Library andGoogle; customs:� Gavin Graham Gallery, London,UK/The Bridgeman Art Library

sabi ng pahayagang USA Today bilang pagsipi sasinabi ng isang nagpakilalang mangkukulam.4. Ang mga selebrasyong gaya ng Halloweenay salungat sa mga turo ng Bibliya. Nagbababa-la ang Bibliya: “Huwag makasusumpong sa inyong sinumang . . . nanghuhula o nanggagaway,gumagamit ng mga anting-anting, sumasanggu-ni sa multo o espiritu, o sa mga patay.”—Deute-ronomio 18:10, 11, The Jerusalem Bible; ting-nan din ang Levitico 19:31; Galacia 5:19-21.

Dahil sa mga nabanggit, makabubuting ala-min mo ang madilim na pinagmulan ng Hallow-een at iba pang katulad na selebrasyon. Kapaglubusan mo itong naunawaan, baka hindi ka narin magdiwang ng mga kapistahang ito gaya ngmaraming iba pa. ˛

Puwedeng mag-enjoy ang pamilya kahit hindisumali sa nakatatakot na mga selebrasyon

Page 10: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

ANG DAHILAN

Kontrol. Ayaw magpatawad ng ilan para makontrol nila angkanilang asawa. Pagkatapos, kapag nagkaproblema, gina-gamit nila ang nakaraan bilang alas para dominahan at im-pluwensiyahan ang kanilang asawa.Hinanakit. Matagal maghilom ang mga sugat ng nakaraan.Baka sabihin ng isa, ‘Pinapatawad na kita,’ pero naghihina-nakit pa rin siya sa asawa niya—at marahil ay gusto pangang makaganti.Pagkadismaya. May mga nagpapakasal na umaasang ma-giging perpekto ang kanilang pagsasama. Kaya kapag nag-karoon ng di-pagkakaunawaan, nagmamatigas sila at nag-tataka kung bakit magkaiba sila ng opinyon ng taong akalanila ay “perfect” para sa kanila. Kapag hindi makatotohananang inaasahan ng isa, mas madali siyang makakita ng pag-kakamali at baka mahirapan siyang magpatawad.Maling unawa. Maraming may-asawa ang ayaw magpata-wad dahil mali ang unawa nila sa ibig sabihin ng pagpapata-wad. Halimbawa:

Kapag nagpatawad ako, binabale-wala ko ang nagawangpagkakamali.

Kapag nagpatawad ako, kailangan kong kalimutan angnangyari.

Kapag nagpatawad ako, baka gawan na naman niya akong di-maganda.

Hindi totoo ang alinman sa mga ito. Pero baka mahirap paring magpatawad—lalo na sa pagitan ng mag-asawa.

T U L O N G P A R A S A P A M I LY A � P A G - A A S A W A

Kung PaanoMagpapatawad

ANG HAMON

Kapag nagtatalo kayong mag-asawa, inuungkat ninyo angnakaraan, anupat binabalik-balikan ang mga naipong hi-nanakit na dapat sana’y mata-gal nang kinalimutan. Angproblema? Maaaring ang isasa inyo, o kayong dalawa, ayhindi marunong magpatawad.

Puwede ninyo itong matutu-han. Pero tingnan muna natinkung bakit may mga mag-asawa na nahihirapang mag-patawad sa isa’t isa.

r Higit pang tulong para sa pamilya ang makikita sa www.jw.org/tl

Page 11: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

Gumising! Setyembre 2013 11

ANG PUWEDE MONG GAWIN

Unawain kung ano ang kasangkot sa pagpapatawad.Sa Bibliya, ang salitang “magpatawad” ay nangangahulu-gang “pakawalan.” Kaya naman kapag nagpatawad ka, hin-di ibig sabihin na kailangan mong kalimutan ang nangyario bale-walain ang pagkakamali. Kung minsan, kailangan molang pakawalan, o palampasin, ang isang bagay, alang-alang sa kapakanan mo at ng inyong pagsasama.Isaisip ang mga resulta ng di-pagpapatawad. Ayon sailang eksperto, delikado ang pagkikimkim ng sama ng loobdahil mas madali kang magkaroon ng pisikal at emosyonalna karamdaman, lakip na ang depresyon at high blood—bu-kod pa sa pinsalang dulot nito sa inyong pagsasama. Kayanaman sinasabi ng Bibliya: “Maging mabait kayo sa isa’tisa, mahabagin na may paggiliw, lubusang nagpapatawaransa isa’t isa.”—Efeso 4:32.Isaisip ang mga pakinabang ng pagpapatawad. Kung ma-pagpatawad ka, hindi ka magbibilang ng pagkakamali ngiyong kabiyak at magtitiwala kang hindi ka niya sinasad-yang saktan. Sa gayon, maiiwasan ninyo ang paghihinanakitat lalago ang pag-ibig ninyo sa isa’t isa.—Simulain sa Bibliya:Colosas 3:13.

Maging makatotohanan. Mas madaling magpatawad kungtatanggapin mo nang buong-buo ang asawa mo, pati na angmga pagkukulang niya. Ipinahihiwatig ng aklat na Fightingfor Your Marriage na kung magpopokus ka sa mga kapin-tasan ng asawa mo, makakalimutan mo ang magagandangkatangian niya. Itinanong ng aklat na ito: “Saan mo gustongmagpokus sa ngayon?” Tandaan, walang sinumang perpek-to—pati na ikaw.—Simulain sa Bibliya: Santiago 3:2.

Maging makatuwiran. Sa susunod na may masabi o ma-gawa ang asawa mo na nakasakit sa iyo, tanungin ang sari-li: ‘Talaga bang importante iyon? Dapat ko ba siyang pilitingmagsori, o puwede bang palampasin ko na lang iyon?’—Simulain sa Bibliya: 1 Pedro 4:8.

Kung kailangan, pag-usapan ninyo iyon. Mahinahongipaliwanag kung ano ang ikinasama ng loob mo at kung ba-kit. Huwag mong pagbintangan ang asawa mo o palabasingikaw lang ang tama dahil mapipilitan siyang mangatuwiran.Sa halip, sabihin kung paano nakaapekto sa iyo ang ginawaniya. ˛

M G A S U S I N G T E K S TO

“Patuloy ninyong pagtiisan angisa’t isa at lubusang patawarinang isa’t isa kung ang sinumanay may dahilan sa pagrereklamolaban sa iba.”—Colosas 3:13.

“Tayong lahat ay natitisod nangmaraming ulit.”—Santiago 3:2.

“Ang pag-ibig ay nagtatakipng maraming kasalanan.”—1 Pedro 4:8.

KAPAG KAILANGAN MONGHUMINGI NG TAWAD

Kung nasaktan mo ang asawa mosa anumang paraan, taimtim nahumingi ng tawad. Kahit hindi kasang-ayon sa pangmalas niya, pu-wede kang humingi ng tawad sanagawa mo na ikinasama ng loobniya. Kung pagsisikapan mong hu-wag nang maulit iyon, magtitiwalasiya na talagang taimtim ka sapaghingi ng tawad.

Page 12: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

Kuwentuhan mo kami ngilang bagay tungkol sa iyo.

Mula sa Spain, lumipat ang pa-milya namin sa France noong si-yam na taong gulang ako. Katoli-ko ang mga magulang ko, peronoong 16 anyos ako, hindi naako naniwala sa Diyos. Hindi ma-halaga sa akin ang relihiyon. Ka-pag may nagtatanong kung paa-no nagsimula ang buhay kungwalang Diyos, sinasabi ko, “Hindipa ito maipaliwanag ng mga si-yentipiko sa ngayon, pero ba-

lang-araw, maipapaliwanag din nilaiyon.”

Bakit mo ipinasiyang pag-aralanang sakit sa kidney?

Nag-aral ako ng medisina sa Mont-pellier, France. Kinausap ako ngisang propesor doon tungkol sapagtatrabaho sa nephrology, isangsangay ng medisina na may kina-laman sa kidney. Kasama sa traba-hong iyon ang pagre-research atang pag-aalaga sa mga pasyente.Iyon talaga ang gusto ko. Noong

1990, nakibahagi ako sa pagre-research kung paano gagamitinang recombinant erythropoie-tin (EPO) para makontrol ang pro-duksiyon ng pulang selula ngdugo sa ating buto. Nang pana-hong iyon, medyo bago pa ang la-rangang ito ng pagsasaliksik.

Bakit pumasok sa isip moang Diyos?

Noong 1979, nakipag-aral ng Bi-bliya sa mga Saksi ni Jehovaang mister kong si Floreal. Perohindi ako interesado. Bata paako, sawa na ako sa relihiyon. Sakabila nito, naging Saksi angmister ko at ang aming mgaanak, at di-nagtagal, halos lahatng kaibigan namin ay mga Sak-si. Ang isa sa kanila, si Patricia,ay nagsabing subukan kong ma-

I N T E R B Y U � C´E L I N E G R A N O L L E R A S

Ang Paniniwala ng Isang Espesyalista sa Kidney

Si Dr. Celine Granolleras ay isang espesyalista sa sakitsa kidney sa France. Pagkaraan ng mahigit 20 taon ngpagiging doktor, nakumbinsi siya na may isang Maylalangna nagmamalasakit sa atin. Ininterbyu siya ng Gumising!

tungkol sa kaniyang espesyalisasyon at paniniwala.

Page 13: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

Gumising! Setyembre 2013 13

nalangin. “Kung walang Diyos, wa-lang mawawala sa iyo,” ang sabiniya. “Pero kung mayroon, ting-nan mo kung ano’ng mangyayari.”Pagkaraan ng ilang taon, nag-isip-isip ako tungkol sa kahuluganng buhay, at naalaala ko ang sina-bi ni Patricia. Dahil dito, nagsimu-la akong manalangin at huminging kaliwanagan.

Bakit mo naman napag-isipanang kahulugan ng buhay?

Nang salakayin ng mga teroristaang World Trade Center sa NewYork, tinanong ko ang sarili kokung bakit laganap ang kasama-an sa lipunan. Naisip ko: ‘Nanga-nganib ang ating kinabukasandahil sa mga ekstremista sa relihi-yon. Pero ang mga Saksi ni Jeho-va ay mapayapa. Hindi sila ekstre-mista. Sumusunod sila sa Bibliya.Siguro, dapat kong suriin kungano’ng sinasabi nito.’ Kaya nagsi-mula akong magbasa ng Bibliya.

Bilang doktor, nahirapan kabang maniwala sa Maylalang?

Hindi. Hangang-hanga ako sa ma-husay na pagkakadisenyo ng atingkatawan. Halimbawa, talagang na-kakamangha kung paano kino-kontrol ng kidney ang dami ng pu-lang selula sa dugo.

Bakit mo naman nasabi iyan?

Gaya ng alam natin, ang mga pu-lang selula ng dugo ay naghahatid

ng oxygen. Kapag nawalan tayong maraming dugo o pumuntasa mataas na lugar, nagkukulangang oxygen sa ating katawan.Ang kidney natin ay may mgasensor para sa oxygen. Kapag na-detect ng mga ito na kulang angoxygen sa dugo, ina-activate ngmga ito ang produksiyon ng EPO,at puwedeng tumaas nang hang-gang sanlibong ulit ang level ngEPO sa ating dugo. Dahil saEPO, ang bone marrow ay gagawang mas maraming pulang selula,na maghahatid naman ng dag-dag na oxygen. Talagang kamang-ha-mangha! Ang nakapagtataka,pagkatapos ng sampung-taongpag-aaral sa prosesong ito, sakako lang napag-isip-isip na Diyoslamang ang puwedeng magdi-senyo ng ganito kahusay na sis-tema.

Ano’ng masasabi mo saBibliya?

Marami na akong nabasang aklattungkol sa kasaysayan at mga si-kat na nobela, pero nakita koagad na iba ang Bibliya. Napaka-praktikal ng payo nito, kaya tiyakna nakahihigit sa tao ang pinag-mulan nito. Humanga ako sa per-sonalidad ni Jesus. Napatunayan

kong totoo siya. Mayroon siyangdamdamin, at nagkaroon siya ngmga kaibigan. Ayokong gamitinang publikasyon ng mga Saksini Jehova, kaya nagre-researchako sa mga ensayklopidiya at ibapang reperensiya kapag may ta-nong ako.

Ano’ng nire-research mo?

Ang isang bagay na nakaintrigasa akin ay kung paano inihula ngBibliya ang taon ng bautismo niJesus. Eksaktong ipinakikita nitokung gaano karaming panahonang lilipas mula sa ika-20 taon ngpaghahari ni Artajerjes na taga-pamahala ng Persia hanggang sataong iharap ni Jesus ang kani-yang sarili bilang Mesiyas.� Sa-nay akong mag-research—parteito ng trabaho ko. Kaya nag-research ako sa mga aklat tung-kol sa kasaysayan para matiyakang mga petsa ng pamamahalani Artajerjes at ang mga petsa ngministeryo ni Jesus. Nang dakonghuli, napatunayan kong natupadsa tamang panahon ang hulangito ng Bibliya at na kinasihan ngaito ng Diyos. ˛

� Tingnan ang pahina 197-199 ng aklat naAno ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? nainilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

Nag-research ako sa mga aklat tungkol sa kasaysayan . . .Nang dakong huli, napatunayan kong natupadsa tamang panahon ang hulang ito ng Bibliya

Napag-isip-isip kong Diyos lamang angpuwedeng magdisenyo ng ganito kahusayna sistema

Page 14: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

“Natawid namin ang mahigit sandaang libong li� ngnapakalawak na katubigan at nakita namin sa kara-gatan ang gabundok na mga alon na halos humaliksa langit, at natanaw namin ang mga banyagangrehiyon sa malayo . . . habang ang aming mga layag,na nakaladlad na parang mga ulap araw at gabi, aypatuloy na naglalakbay sa landas (na kasimbilis)ng bituin, anupat tinatawid ang malalakas na alongiyon na para kaming naglalakad sa pampublikonglansangan.”—Inskripsiyon noong ikalimang siglo sa Chang-le, Fujian, Tsina, ng sinabi ni Zheng He.

ANG Tsina ay isang lupain ng malalaking bagay. Ito ang maypinakamalaking populasyon at isa sa pinakamalalaking

bansa sa daigdig. Ang mga mamamayan nito ang nagtayong Great Wall, isa sa pinakamalalaking konstruksiyon sa ka-saysayan. Ang plota ng malalaking barkong ginawa nina Yong-le at Xuande, mga emperador ng dinastiyang Ming sa Tsina,ay mas malaki kaysa sa mga plotang nabuo noong sumunodna limang siglo. Ang admiral ng plotang iyon ay isang Muslimmula sa timog-kanlurang Tsina na nagngangalang Zheng He.

KAPANGYARIHAN, KALAKALAN, AT BUWIS

Ayon sa ibang bahagi ng inskripsiyong sinipi sa simulang artikulong ito, ang misyon ni Zheng He ay “para ipakitaang kapangyarihan . . . (ng imperyo) na gumawa ng mga pag-babago at makitungo nang may kabaitan sa mga tao sa mala-layong lugar.” Dahil sa mga paglalayag na iyon, sinabi ng ins-kripsiyon: “Ang mga bansa na halos di-matanaw at nasa dulong daigdig ay naging mga sakop [ng Tsina] . . . Ang mga dayu-han mula sa ibayong dagat . . . ay dumating para humarap[sa korte ng emperador] na may dalang mga mamahaling ba-gay at regalo.”

Pinagdedebatehan noon ang pakay ng mga emperadorng dinastiyang Ming sa mga paglalayag na iyon. Para sa ilan,

� Ang li ay panukat ng mga Tsino, na ang haba ay nagpabagu-bago sa paglipasng mga siglo. Sinasabi na noong panahon ni Zheng He, ang isang li ay mga sang-katlo ng isang milya, o kalahati ng isang kilometro.

S U LY A P S A N A K A R A A N � Z H E N G H E

ZHENG HE

MAIKLING IMPORMASYON

) Ang plota ng dinastiyang Mingsa pangunguna ni Zheng He ay nag-sagawa ng pitong makasaysayangpaglalayag sa pagitan ng 1405 at1433.

) Ang plota ay maaaring binubuo ng200 sasakyang pandagat o higit pa—mga barkong pandigma, barko ngmga suplay, tangker ng tubig, bar-kong naghahatid ng mga kabayo, atiba pa. Mahigit 27,000 magdaragat,opisyal ng pamahalaan, sundalo, ne-gosyante, trabahador, at iba pa angnaibiyahe nito.

) Walang bansang nakabuo ngplotang kagaya ng kay Zheng Hebago ang Digmaang Pandaigdig I.Nakarating ang plota ni Zheng Hesa Malayong Silangan at sa Karaga-tang Indian, at maging hanggang saSilangang Aprika.

) Tatlo sa mga tauhan ni Zheng Heang gumawa ng kani-kaniyang ulattungkol sa paglalayag niya na nasak-sihan nila mismo.

Port

rait:

Hon

gN

ian

Zhan

g/N

atio

nalG

eogr

aphi

cSt

ock

Page 15: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

Gumising! Setyembre 2013 15

Ayon sa mga rekord ng dinas-tiyang Ming, ang mga barko niZheng He ay napakalalaki—136 na metro ang haba at56 na metro ang lapad. Para samga iskolar, kuwestiyunable angmga sukat na ito at mahirap tiya-kin, dahil imposibleng makapag-layag ang mga barkong yari sa ka-hoy kung mahigit 90 metro anghaba ng mga ito.

“Ipinahihiwatig lang nito na pina-labis ng mga ulat ang napakala-king sukat ng mga barko,” angsabi ng isang artikulo. “Ang isangbarkong mga 200-250 piye[60-75 m] ay mas kapani-paniwa-la kaysa sa 450 piye [135 m].”Anuman ang totoo, noongika-15 siglo, talagang pambihiraang mga sasakyang pandagat namay habang 60 metro, at 62 nitoang nasa plota ni Zheng He!

Mga Treasure Ship niZheng He—Gaano Kalakiat Gaano Karami?

si Zheng He ay isang embahador na nagtataguyod ng kultura atpakikipagkaibigan para sa isang makapangyarihan pero mapa-yapang bansa. Para naman sa iba, ang misyon niya ay may ba-hid ng pulitika at isang agresibong pananakop sa mga bansa.Oo, si Zheng He ay nagbigay ng napakagagandang regalo at pu-litikal na suporta sa mga pinunong tumatanggap sa kaniya,pero nilupig niya at ibinilanggo ang mga ayaw magpasakop atmagbigay ng buwis sa emperador ng dinastiyang Ming. Dahil samga kahanga-hangang paglalayag ni Zheng He, maraming pi-nuno mula sa palibot ng Karagatang Indian ang nagpadala ngmga embahador sa Tsina para magbigay-galang sa emperador.

Ang plota ni Zheng He ay may dala ring walang-katulad namga barnisadong pandekorasyon, porselana, at mga sedanghinabi ng mga manggagawang Ming para ikalakal sa malala-yong daungan. Pagbalik ng plota, may dala naman itong maha-halagang bato, ivory, spices, kahoy mula sa tropiko, at iba pangmamahaling bagay na gustung-gusto ng mga Tsino. Nagdalapa nga ito ng giraffe sa Tsina na diumano’y naging usap-usapandoon. Dahil sa pagpapalitang iyon ng mga paninda at mga ide-ya, nasulyapan ng ibang mga bansa ang kahanga-hangang sibi-lisasyon ng Tsina noong ika-15 siglo.

Nahinto ang mga kahanga-hangang paglalayag na iyon. Mgailang dekada lang pagkatapos ng mga paglalayag ni Zheng He,itinigil ng Tsina ang pakikipagkalakalan at pakikipag-ugnayansa ibang bansa. Iniisip ng bagong emperador at ng kaniyangmga tagapayong Confucianista na hindi nila kailangan angibang bansa, kaya naman sinikap nilang ibukod ang Tsina parahindi ito maimpluwensiyahan. Ibinaon nila sa limot ang plotangiyon. Lumilitaw na sinira nila ang mga rekord ng mga paglalak-bay nito at maging ang mismong mga barko. Nito lang nalamanng mga tao, sa loob at labas ng Tsina, ang tungkol sa makasay-sayang paglalayag ng napakalaking plota ni Zheng He. ˛

Ilang daungang narating ngplota ni Zheng He

Malindi

MOGADISHU

Aden

Jidda

Hormuz

Calicut

Dagat ngArabia

INDIA

Look ngBengal

Chittagong

KARAGATANG INDIAN

Surabaya

Melaka

Qui Nhon

TSINA

�Ch

risH

ellie

r/Co

rbis

Page 16: !#2 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/1c/g_TG_201309.pdf · mantong sa kahalayan. (Roma 8:5, 6) Kaya naman makabubuting iwasan ang musika, video, babasah

g1

3 0

9-T

G1

30

60

4

ANG emperor penguin ay na-kalalangoy sa tubig at nakalu-

lundag sa yelo nang napakabilis.Paano?

Pag-isipan ito: Ang emperor pe-nguin ay nag-iipon ng hangin samga balahibo nito. Hindi lang itopanlaban sa sobrang lamig, naka-tutulong din ito para ang ibon aymakakilos nang dalawa o tatlongbeses na mas mabilis kaysa sa ka-raniwang nagagawa nito. Paano?Sinasabi ng mga marine biologistna ginagawa ito ng penguin sa pa-mamagitan ng paglalabas ng malili-it na bula galing sa pagitan ng mgabalahibo nito. Habang inilalabasang mga bula, nababawasan angfriction sa ibabaw ng balahibo ngpenguin kung kaya bumibilis ito.

Kapansin-pansin, pinag-aaralanng mga inhinyero kung paano ma-pabibilis ang mga barko gamit angmga bula na makababawas ng fric-tion sa kaha ng mga ito. Gustonggayahin ng mga mananaliksik angkakayahan ng mga penguin namagbawas ng friction kapag luma-langoy. Sinisikap nilang gumawa ngmateryales na gaya ng balahibo ngpenguin, pero nahihirapan sila.

Ano sa palagay mo? Ang balahi-bo ba ng emperor penguin ay resul-ta ng ebolusyon? O may nagdisenyonito? ˛

M A Y N A G D I S E N Y O B A N I T O ?

Ang Balahibo ngEmperor Penguin

Penguin: Paul Nicklen/National Geographic Stock;feather: Division of Vertebrate Zoology, courtesy ofthe Peabody Museum of Natural History,Yale University, New Haven, Connecticut, USA

Balahibo ngemperorpenguin

sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Bibliya onlinesa mga 50 wika

Magpunta sawww.jw.org/tlo i-scan ang code

no

p