27
DAHON NG PAGPAPATIBAY DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo ay inihanda at hinarap ng mananaliksik mula sa sekyon IV – St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City. Tinanggap sa ngalan ng Kagawarang ng Filipino, Ika-apat na taon sa Paaralang Sekundarya, Flos Carmeli Institution of Quezon City, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. _____________________ Bb. Jessilyn Ranges (Guro sa Filipino)

46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

DAHON NG PAGPAPATIBAYDAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na

pinamagatang Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo ay

inihanda at hinarap ng mananaliksik mula sa sekyon IV – St. Titus ng Flos

Carmeli Institution of Quezon City.

Tinanggap sa ngalan ng Kagawarang ng Filipino,

Ika-apat na taon sa Paaralang Sekundarya, Flos Carmeli Institution of Quezon

City, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

_____________________Bb. Jessilyn Ranges

(Guro sa Filipino)

_____________________Gng. Brenilda Medina

(Punong-Guro)

Page 2: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

PASASALAMATPASASALAMAT

Buong-puso kong pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal at

tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa

matagumpay na pagbuo ng pamanahong-papel na ito:

- kay Bb. Ranges, ang aming minamahal na guro sa Filipino, sa paggabay sa

bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapaganda

at mailathala ang aming papel,

- sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aking pinaghanguan ng

mahahalagang impormasyon sa mga kabanata ng pamanahong papel na ito,

- sa mga responsente, sa makatotohanang pagsagot, at pagpapakita ng

kabutihan na lubos na nakatulong sa amin,

- sa Diyos Amang Makapangyarihan, na kung hindi dahil sa kanya ay hindi

ako maliliwanagan at hindi ko magagawa ang tamang mga hakbang upang

matapos ang aking pinaghirapang trabaho.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

TALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMAN

Page 3: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

PASASALAMAT

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”

A. INTRODUKSYON

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

D. SAKLAW AT LIMITASYON

E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

F. PARADIGM

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

B. MGA RESPONDENT

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

D. TRITMENT NG DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”

A. LAGOM

B. KONKLUSYON

C. REKOMENDASYON

BIBLIOGRAPIYA

Page 4: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

KABANATA I

ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO

A. INTRODUKSYON

Page 5: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ng

mundo ang paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ay

isinasagawa ng mga tribo upang kumawala sa ulirat o makihalubilo sa

mundo ng espiritu. Ang ilan sa mga gawaing ito ay ang pagpapaalis ng

masasamang espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp. Ngunit, sa paglipas ng

panahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang uso.

Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nang

lumipas ang 5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayan

na magpausok, humithit at ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit din

nila ito, kasama ng iba pang mga halamang medicinal, upang ipanggamot sa

mga may sakit at sugat. Nang sila ay naglayag sa iba pang parte ng mundo,

nagdal sila ng mga dahon ng tabako kaya naman nang lumipas ang mga

taon, ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis Drake, ay

naisipang gumawa ng planta ng mga tobako at gawing daan upang

magkapera. Naging popyular ang paninigarilyo ng tabako sa Espanya.

Ang paninigarilyo ay isang Gawain na kung saan sinusunog ang

sangkap, karaniwang tobako, na maaring nirolyo sa papel sabay sa paghihit

ng usok na inilalabas nito. Ayon sa Medlndia Online, ang stick ng sigarilyo ay

binubuo ng halos 4,000 kemikal na maraming epekto sa katawan at pag-iisip

ng tao. Ang ilan sa mga ito ay ang nicotine, tar, acetone, chloroform, atbp.

Dahil nga naman ang mundo ay mabilis magbago, nakaisp ang ibang tao ng

mga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng sigarilyo.

B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad

na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13

hanggang 15 taong gulang. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng

kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada

Page 6: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa

paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga,

kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na

sanhi ng pag- atake ng hika.

Ang mga naninigarilyo ay humihina ang katawan, nahihirapang

huminga, laging bumabahin at umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabago

ang pang- amoy at panlasa. Ang paninigarilyo ay maaari ring

makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng ngipin

at mga kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga.

Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects,

ang taong nakakalanghap naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ng

sidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi ka

naninigarilyo ay parang naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal na

nakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong katabi o malapit sa naninigarilyo.

Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga masamang kemikal ang

nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi naman naninigarilyo

pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara sa mga taong

talagang naninigarilyo. Ang mga ito ay makakaramdam ng pagsakit ng ulo,

at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may mas mataas ng

35% posibilidad na magkaroon ng kanser.

Ang mga bata o anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malaking

posibilidad na magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa puso lalo

na sa unang taon.

Page 7: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

C. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang

mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga

hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na

ito.

1. Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit naninigarilyo ang

kabataan.

2. Alamin kung ano ang aspektong naaapektuhan sa buhay ng isang

mag-aaral na naninigarilyo.

3. Tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol sa mga

naninigarilyo.

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng

mga kabataang sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng

paninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na rin

sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din ito sa

mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo

na ito. Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ay

ang makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sa

paninigarilyo at mapag bigay alam sa publiko ang kanilang maitutulong

upang mabawasan ang paninigarilyo ng kabataan.

Page 8: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Page 9: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang

bilang ng kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15,

ang gunom na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000

hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bunga

ng kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang humpay na promosyon

nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasa

middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang na

ito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa

mga kabataan, lalo na sa Pilipinas.

Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco

Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga

mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batas

na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng

mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin ang

pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di na

pagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga

kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa

harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mga

sigarilyo sa iba’t ibang media. Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang

kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa panawagan ng

World Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mga

produktong may nikotina.Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo ay

nakapagpapasaya. Ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ng

Peninsula Medical School sa United Kingdom sa pangunguna hinggil sa

kaugnayan ng paninigarilyo sa Psychological well-being ng tao. Sa kanilang

pagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ng

mababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindi

naninigarilyo. Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaring

magdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga,

bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth weight

Page 10: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

at birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong

naninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay

naghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan. Ang tar at Carbon

Monoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira sa mga baga

tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan ay

kalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparaming

plema. Ang mga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta sa

usok. Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng sipon

at trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sa

puso. Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang isang

taong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mga

baga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga at

maging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng

emphysema.

May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11

hanggang 19 ang naninigarilyo na, ayon sa magkatuwang na pag-aaral ng

Department of Health (DoH) at World Health Organization (WHO). Batay sa

pag-aaral na pinamagatang “Global Youth Tobacco Survey," mahigit 60

porsyento o 2.7 milyon mula sa bilang ng mga kabataang naninigarilyo ay

pawang mga lalaki samantalang 1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din sa

pag-aaral na walo mula sa 10 sa mga na sakop ng pag-aaaral ang nakakita

ng mga patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo noong 2007. Nagbabala si

Dr Maricar Limpin, executive director ng Framework on Tobacco Control of

the Philippines Alliance, na patuloy na darami ang mga kabataang

naninigarilyo hangga’t hindi ipinagbabawal ang patalatastas sa paggamit ng

tabako. Ayon kay Limpin, noong 2005 ay nasa pagitan lamang ng 17

hanggang 18 porsyento ang bilang ng mga kabataang naninigarilyo

samantalang umakyat ang bilang sa 23 porsyento noong 2007.

Page 11: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Page 12: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong

metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik,

ngunit napili ko na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na

gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mga

datos. Naniniwala ako na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito

sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming

respondente.

B. MGA RESPONDENTE

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga taong

naninigarilyo o mga smokers sa aming subdibisyon. Pinili ko ang mga

respondente sapagkat sila ang pinakamadaling lapitan at sila ang pinaka-

epektibong mapagkukunan ng impormasyon.

C. MGA INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng Descriptive

Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey

questionnaire) para makalikom ng mga datos upang malaman ang mga

opinyon ng mga respondent. Kumuha rin ako ng impormasyon sa mga

artikulo sa dyaryo at sa internet.

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral kaya’t

wala akong ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-

aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatikal na

pamamaraan. Opinyon o damdamin lamang ng mga respondenteng

tumugon sa bawat katanungan sa survey questionnaire.

Page 13: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG

MGA DATOS

Page 14: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

KARANIWANG DAHILAN KUNG BAKIT MARAMING KABATAAN ANG NANINIGARILYO

Sa tatlong pangunahing dahilan ng paninigarilyo ng kabataan, apatnapung bahagdan ang nagsasabing pamilya ang nakakapagdulot ng masamang impluwensiya sa kanilang mga kaanak, samantalang limampu’t-tatlong bahagdan naman ang nagsasabing ang mga barakda nila ang naguudyok ng paninigarilyo at iba pang mga bisyo. Pitong bahagdan naman ang nagsasabing sa personal na buhay lamang ang dahilan. Batay dito, masasabi nating ang mga barkada nila ang may pinakamalaking impluwensiya sa kanila.

Page 15: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

IBA’T-IBANG SALIK NA NAKAKAAAPEKTO SA PANINIGARILYO NG KABATAAN

PAMILYA Kalagayan ng buhayPaninigarilyo ng magulang, kapatid, at iba pang mga kamag-anakKakulangan sa patnubay ng magulang

BARKADA Peer pressure -  tumutukoy sa impluwensiya ng isang grupo na naghihikayat sa isang tao upang baguhin ang kanyang pag-uugali na pareho sa mga kaugalian ng grupo.

Nahuhumaling sila sa mga patalastas ng sigarilyo sa telebisyon

PERSONAL NA BUHAY Kahinaan ng loob sa pagharap sa mga problema

Pampalipas-oras

Ipinagbawal na ni Dr. Maricar Limpin ang mga patalatastas sa sigarilyo noong pang Hulyo 1, 2007 alinsunod sa Sec. 22 ng Tobacco Control Act. Subalit tanging ang Davao City at Legazpi City pa lamang ang tumatalima dito, ayon sa kanya.

Page 16: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

ASPEKTONG NAKAKAAPEKTO SA PANINIGARILYO NG MGA MAG-AARAL

Sa mga aspektong naaapektuhan ng paninigarilyo ng mga mag-aaral,

tatlumpu’t-siyam na bahagdan ang nagsasabing naaapektuhan ng

paninigarilyo ang kanilang pag-aaral, habang limampung bahagdan ang

nagsasabing ang kalusugan ang naaapektuhan ng kanilang paninigarilyo.

Labing-isang bahagdan naman ang nagsasabing pamilya at kaibigan ang

naaapektuhan nito.

Mahihinuha dito na kalusugan ang pinakamalaking aspektong

naaapektuhan ng paninigarilyo. Dahil sa pagkabahala sa mataas ng bilang

ng mga Pilipino na namamatay sanhi ng mga sakit na may kaugnayan sa

paninigarilyo, isang resolusyon ang inihain sa Kamara de Representantes

upang ipagbawal ang paninigarilyo sa mga paaralan at unibersidad.

Ayon kay Nueva Ecija Rep. Eduardo Nonato Joson, tinatayang 20,000

Filipino ang namamatay sa mga tinatawag na smoking-related illnesses

bawat taon o dalawa bawat oras.

Ayon umano sa isang global youth tobacco survey, sinabi ni Joson na

umaabot sa 21.6 porsyento ng mga mag-aaral ay naninigarilyo. Sa nasabing

bilang, 32.6 porsyento sa kanila ay lalaki at 12.9 porsyento ang babae. Ang

Page 17: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

malubha, one-fifth ng mga kabataang Filipino ang nagsisimulang matutong

manigarilyo sa edad na 10. Sinisi ni Joson ang hindi epektibong kampanya ng

pamahalaan at mga babala sa pagdami ng mga kabataan na naninigarilyo.

BILANG NG MGA KABATAANG NAHUHUMALING SA PANINIGARILYO:

20% ng kabataang Pilipino ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na 10 pababa. (Miguel-Baquilod, M., NEC, 2001)

Isa sa tatlo o 27% ng kabataang Pilipino ay naninigarilyo. (Global Youth Tobacco Survey ng WHO at CDC, 2007)

Halos 40% ng mga batang lalaki ay naninigarilyo. (WHO, 2002)

Apat sa sampung estudyante na may edad na 13-15 ay nakapanigarilyo na. (CDC-MMWR, 2003)

Isa sa walong estudyante ng may edad na 13-15 ay nagsimulang manigarilyo bago ang edad na 10. (CDC_MMWR, 2003)

Ang mga batang may magulang na naninigarilyo ay may mataas na posibilidad na manigarilyo rin pagtanda. (FCAP)

62% ng mga batang Pilipino ay pinagbebentahan ng sigarilyo sa mga tindahan. (CDC-MMWR, 2005)

PARAAN KUNG PAPAANO IWASAN ANG PANINIGARILYO NG MGA KABATAAN

Page 18: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

Animnapu’t-pitong bahagdan ng mga respondente ang nagsabing

disiplina sa sarili lamang ang kanilang solusyon upang maiwasan ang

paninigarilyo. Ang pinagkakaabalahan naman ang sumunod na sagot ng

dalawampung bahagdan ng mga respondente na siya nilang ginagawa

upang maiwasan ang pagyoyosi o paninigarilyo. Samantalang labing-tatlong

bahagdan lamang ang nagsabing gawaing pangkalakasan ang kanilang

ginagawa upang makaiwas.

Ang taong may disiplina sa sarili ay pinipigilan ang mga hindi dapat

gawin dahil alam nilang hindi ito maganda.

IBA’T-IBANG DAHILAN KUNG BAKIT MAKAKAIWAS SA PANINIGARILYO ANG KANILANG NAPILING GAWAIN:

Page 19: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

Naaalis ang pagkanegatibo

Pang-agaw pansin

Nagiging masaya

Nakakalimutan ang problema

Gumagaan ang pakiramdam

Makakabuti sa kalusugan

May mga nagsasabi na baka raw tumaba sila kapag itinigil ang

paninigarilyo. Subukang bawasan ang intake ng mga fatty foods kapag itnigil

na ang paninigarilyo. Huwag hayaang ang inyong paninigarilyo ay mapalitan

ng panibagong bisyo. Kung kayo gustotung-gusto kumain nang matatamis,

mas mabuting kumain ng prutas.

Hindi pa huli para itigil ang bisyong sigarilyo. Kapag ginawa ninyo ito

ngayon, natitiyak ko na malaki ang inyong mapapakinabang bukas. Hindi

lamang kayo ang makikinabang kundi pati ang pamilya. Alalahanin ang

pinsalang dinudulot ng paninigarilyo sa katawan.

Page 20: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Page 21: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

A. LAGOM

Ang karaniwang dahilan kung bakit maraming kabataan ang

naninigarilyo ay pamilya (40%), barkada (53%), at personal na buhay (7%).

Mga aspektong nakakaapekto sa pannigarilyo ng mga mag-aaral ay

kalusugan (50%), pag-aaral (39%), pamilya at kaibigan (11%).

Ilan sa mga gawaing ginagawa ng mag-aaral upang maiwasan ang

paninigarilyo ay pagdisiplina sa sarili (67%), pinagkakaabalahan (20%),

gawaing pangkalikasan (13%).

B. KONKLUSYON

Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para sa

ating kalusugan. Bukod sa magastos ang paninigarilyo, ay nakakapagdulot

pa ito ng maraming uri ng sakit tulad ng sakit sa puso, bronchitis at kanser.

Nakakapagpahina din ito ng resistensya n gating katawan. Ito rin ay

nakamamatay. Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging sa ating

mga kaibigan at kasambahay. Ang paninigarilyo rin ay masama para sa ating

kapaligiran dahil nakadaragdag lang ito sa polusyon.

C. REKOMENDASYON

Ito ang maaaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo: Una ay lumayo sa

ibang mga naninigarilyo. Alisin ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas ng

tabako na taglay ninyo. Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyon

nang paghinti. Ito ang mag- iiwas sa inyo sa tukso at magpapalakas sa

inyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag nakadarama ng pagkagustong

manigarilyo ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Mag- ehersisyo araw-

araw. Makalilinis ito sa baga at makapagbubuti sa kalusugan at kaligayahan.

Huwag magpapalipas ng gutom. Kumain ng regular at huwag tatangkain

Page 22: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

magpababa ng timbang habang sinisikap alisin ang ugalung paninigarilyo.

Kumain ng masusustansiyang pagkain. Ang mga ito ay siyang magaling na

lunas laban sa lason ng tabako. Kung hindi tuluyang maihinto ang

paninigarilyo, komunsulta sa Smoking Cessation Clinics. Dapat din ay

dagdagan pa ng gobyerno ang mga proyekto laban sa paninigarilyo ng

mamamayang Pilipino.

Page 23: 46321313 Pananaliksik Ukol Sa Epekto Ng Paninigarilyo Pananaliksik

BIBLIOGRAPIYABIBLIOGRAPIYA

http://tl.wikipedia.org/wiki/Sigarilyo

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=434490

http://tl.articlestreet.com/Article/The-Many-Perils-Of-Smoking-Tobacco/671975

http://bisyonatoh.blogspot.com/

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Batas_Republika_9211