Upload
vutuong
View
244
Download
5
Embed Size (px)
Citation preview
Pangwakas na panalangin
L. Ama naming mapagmahal, batid namin ang dakilang pag-big mo
na sa kabila ng aming mga kahinaan ay patuloy Mo pa rin
kaming binibiyaan. Nawa ang pag-aalay namin ng panahaon
upang sama-samang manalangin at magnilay ay nakapagbigay ng
kagalakan sa Iyo. Patuloy mong gabayan ang aming mga pamilya
upang lalo kaming mapalapit sa Iyo sa pamamagitan ni
Hesukristong Anak Mo kasama ng Espiritu Santo, magpasawa-
lang hanggan. Amen
N. Bilang pagtatapos sa sama-sama nating pananalangin ay paking-
gan natin ang turo ni Hesus sa Kanyang mga alagad:
“Kayo ang ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lungsod
na nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang nagsisindi ng ilaw at
naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa
talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay.
Gayon din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa
harapan ng mga tao upang Makita nila ang inyong magagandang
gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.” (Mt. 5:14-16)
(Papatayin ang sindi ng kandila at babasahin ang sumusunod:)
Wala na ang liwanag ng kandila sa ating harapan. Subalit kina-
kailangan nating patuloy na papagningasin ang liwanag ng
Panginoong Hesukristo sa ating pang-araw-araw na mga buhay.
San Juan Bautista de La Salle. Ipanalangin mo kami.
Hesus, manahan ka sa aming mga puso, magpakailanman.
L. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
(Maaaring tapusin ang sama samang pananalangin sa pamamagitan ng pagbibigayan ng bati ng
kapayapaan sa bawat isa.)
panawagan sa pananalangin
(Ihanda ang lugar at mga gamit na kakailanganin gaya ng kandila, sipi ng gabay,,Biblia kung saan babasahin ang Ebanghelyo at posporo o lighter. Magtalaga ng mga sumusunod: N-Namumuno, T-Tagabasa, L-Lahat,. Simulan ang panalangin sa pag-aanyayang:)
N. Alalahanin natin na tayo ay nasa banal na presensiya ng Diyos.
(Sisindihan ang kandila na nasa gitna)
Sa ebanghelyo ni San Juan sinabi ng Panginoong Hesus,
“Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay
magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay, at di na lalakad
sa kadiliman.”
Panginoong Hesus, Iyo ring sinabi na “kapag may dalawa
o tatlo na natitipon sa Iyong pangalan, Ikaw ay nasa gitna
nila”. Ang kandilang ito ang sumasagisag ng Iyong
presensiya sa piling namin.
Panginoong Hesus, batid namin na kung saan ka naroroon
ay naroroon din ang Ama at ang Banal na Espiritu. Kaya
sinisimulan namin ang pagtitipong ito bilang isang pamilya
“sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. (Gawin ang tanda ng krus)
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
L. Ama naming mapagmahal, papuri at pasasalamat ang
iniaalay namin sa Iyo sa pagkakataong ito na ibinigay Mo sa
amin upang magsama-sama sa pagsamba sa Iyo at magnilay
sa Iyong mga Salita bilang isang pamilya. Ikinagagalak ng
aming mga puso na mai-alay ang sandaling ito upang
makatagpo ka. Gabayan po ninyo kami upang maunawaan
namin ang mensaheng nais ninyong ipaabot sa amin sa
pamamagitan ng ebanghelyong aming pagninilayan.
Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon,
kasama Mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen
De La Salle University—Dasmariñas
Campus Ministry Office
“Being Church in Campus”
Family Bonding Prayer Guide Vol.4 No.7
Agosto 3—9, 1014
Page 1
Page 2
Pagbasa sa Ebanghelyo ayon kay
San mateo (14:13-21)
Ika-18 Linggo sa Karaniwang panahon
“Ang Pagpapakain sa Limang Libo”
13Nang marinig ni Hesus ang pagkamatay ni Juan, sumakay siya sa isa Bang-
ka at pumunta sa isang lugar na walang tao. Ngunit nang mabalitaan naman
iyon ng mga tao, sila’y naglakad papalabas sa kani-kanilang bayan at sinun-
dan si Hesus.
14Pagdating ni Hesus sa dalampasigan, nakita niya ang napa-
karaming taong iyon. Nahabag siya sa kanila kaya’ pinagaling niya ang mga
maysakit na dala nila.
15Nang dapit-hapon na’y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi
nila, "Malapit na pong lumubog ang araw at ilang ang lugar na ito. Papun-
tahin na po ninyo sa mga kalapit na nayon ang mga tao upang makabili ng
kanilang makakain." 16"Hindi na sila kailangang umalis. Kayo ang magpaka-
in sa kanila," sabi ni Hesus. 17Sumagot sila, "Wala po tayong pagkain kundi
limang tinapay lamang at dalawang isda." 18"Dalhin ninyo rito," sabi niya. 19Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao. Kinuha ang limang tinapay at dala-
wang isda, tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati
niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamahagi iyon sa mga tao. 20Napakain at nabusog ang lahat.
Nang ipunin ng mga alagad ang natirang pagkain, nakapuno pa sila
ng labindalawang kaing ng tinapay. 21May limanlibong lalaki ang pinakain
bukod pa sa mga babae at mga bata.
Ang Mabuting Balita ng ating Kaligtasan.
L. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
(Maglaan ng maikling sandali ng katahimikan at pagnilayan ang mensahe ng
ebanghelyo.)
Mga tanong sa pagninilay at pagbabahaginan:
1. Paano ko nakikita ang mga pagkilos ng Diyos sa aking buhay?
2. Ano ang paanyaya sa akin ng Diyos batay sa ebanghelyo?
Page 3
Panalanging pangkalahatan
N: Mga kapatid, ipinakita ng Panginoong Hesus na kina
katagpo Niya ang mga tao kung saan sila naroroon at
tinutugunan N’ya ang kanilang pangangailangan. Sama-
sama nating idulog sa kanya ang ating mga
pangangailangan at adhikain sa ating buhay. Sa bawat
panalangin ang ating itutugon:
Panginoon, akayin N’yo kami s pagsunod sa Iyo.
1. Para sa mga namumuno sa Simbahan, nawa’y maging hu-
waran sila sa pamumuhay ng payak na ayon sa turo ng
ebanghelyo. Manalangin tayo.
2. Para sa pamilya, nawa’y maging matatag ang kanilang pag-
titiwala at pananampalataya sa Diyos sa kabila ng iba’t-
ibang uri ng gutom at hirap na kanilang nararanasan sa
buhay. Manalangin tayo.
3. Para sa mga kabataan, upang kanilang mapagtagumpayan
ang mga panunuksong inihahain ng kasalukuyang panahon
na nakasisira sa kanilang pagkatao. Manalangin tayo.
4. Para sa ating lahat na natitipon ngayon, nawa’y maranasan
nating lahat ang pagtugon ng Diyos sa ating mga pangan-
gailangan sa araw-araw at maging magigiting na saksi ng
Kanyang kaharian. Manalangin tayo.
5. Sa katahimikan ng ating mga puso ay itaas natin sa
Panginoon ang pansarili nating mga kahilingan. (Maglaan
ng ilang sandali ng katahimikan) Manalangin tayo.
N: Sa panalanging itinuro sa atin ng ating kapatid at Pangi
noong Hesukristo, halina at buong pananalig tayong
tumawag sa ating Ama upang ang ating mga panalangin
ay Kanyang dinggin.
L: Ama namin sumasalangit Ka...