4
akamit nga ba ang hustisya? Ang hatol na guilty sa salang homicide na iginawad kay US Marine Pfc Joseph Scott Pemberton para sa pagkamatay ng Pilipinang transgender na si Jennifer Laude, ay sadyang maituturing na tagumpay ng mamamayang patuloy na nagbantay at nakipaglaban para sa katarungan. Gayunpaman, ang mapanganib na implikasyon ng pagpapababa ng hatol mula murder patungong homicide at ang tuluyang paglabag sa desisyon ng korteng ikulong si Pemberton sa Bili- bid ay nagbabadya ng paulit-ulit pang pagpaslang at walang katapusang pang- gagahasa sa hustisya’t inang bayan. Dispalinghado ang hatol! Sa kabila ng brutal na pagpaslang, pagkabali ng leeg at pagkakasubsob nito sa inidoro hindi itinuring na murder at sa halip ay homicide lamang ang pagpaslang kay Jennifer. May dalang banta sa buhay ng mga bakla, lesbiana at trans- gender ang naging hatol ng korte sa pagturing nitong may katuwirang mandiri si Pemberton at magdilim ang ulirat para mawalan ng kontrol nang malaman ang pagkatao ni Jennifer. Napagpasyahan din ng korteng maku- long si Pemberton sa Bilibid subalit hindi ito nasunod! Nananatiling nasa isang pasilidad sa loob ng Camp Agui- naldo si Pemberton na siya diuma- nong napagkasunduang kulungan ni Pemberton sa ilalim ng kasunduang Visiting Forces Agreement (VFA). Dapat ituring na karaniwang kriminal na nagkasala sa ilalim ng ating batas si Pemberton! Ang paglabag sa de- sisyon ng korte ay malinaw na pambabastos ng gubyernong US sa hudikatura at mga batas ng Pilipi- nas. Malinaw na ipinakikita nito ang mga hindi katanggap-tanggap na probisyon sa ilalim ng VFA at ang nakagagalit na kalagayang tiyak na palalalain pa ng pani- bagong kasunduang pangmilitar sa pagitan ng US at Pilipinas, ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Sa pakikipagkutsabahan ng gubyernong Aquino sa kaso ni Pemberton, tiyak at malinaw rin ang maka-US nitong pagtindig sa iba pang mga probisyong labag sa ating Konstitusyon at soberanya na nakapaloob sa mga naturang kasunduan tulad ng tagal ng des- tino at pananatili ng bawat sun- dalong US sa bansa, ang bilang at lawak ng mga baseng paliparan at daungan na libreng magagamit sa ating lupain at ang pagpasok sa ating bansa ng armas nukleyar. Sa pagpapahintulot ng gubyernong Aquino na ang Pilipinas ay maging integral na bahagi ng operasyong Asia Pivot ng Amerika sa rehiyong Asya Pasipiko para bantayan ang pang-ekonomiya’t terotioryal nitong interes, isinasadlak nito ang mamamayan sa kapahamakan. Sa pangunguna ng Gabriela Women’s Party inihapag ng gru- pong Makabayan sa Kongreso ang isang resolusyong nananawagan para sa pagbasura ng VFA sa gitna ng mga tagibang at hindi makata- rungang hatol ng korte sa kaso ni Jennifer at maging sa kaso ng Subic Rape case, sampung taon na ang nakalipas. Patuloy nating ipanawagan ang pag- babasura sa VFA at EDCA na nag- sasadlak sa mga kababaihan, mga bata at LGBT sa bulnerableng kala- gayan. Mananatili tayong nasa pan- ganib hanggat nananatili ang mga kasunduang militar na may dalang pinsala at kamatayan. Official Publication of Gabriela Women’s Party December 2015

akamit nga ba ang hustisya? - Gabriela Women's · PDF filebagong kasunduang pangmilitar sa pagitan ng US at Pilipinas, ang Enhanced Defense Cooperation ... Bgy West Kamias, Quezon

  • Upload
    lamdat

  • View
    439

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: akamit nga ba ang hustisya? - Gabriela Women's · PDF filebagong kasunduang pangmilitar sa pagitan ng US at Pilipinas, ang Enhanced Defense Cooperation ... Bgy West Kamias, Quezon

akamit nga ba ang hustisya? Ang hatol na guilty sa salang homicide na iginawad kay US

Marine Pfc Joseph Scott Pemberton para sa pagkamatay ng Pilipinang transgender na si Jennifer Laude, ay sadyang maituturing na tagumpay ng mamamayang patuloy na nagbantay at nakipaglaban para sa katarungan. Gayunpaman, ang mapanganib na implikasyon ng pagpapababa ng hatol mula murder patungong homicide at ang tuluyang paglabag sa desisyon ng korteng ikulong si Pemberton sa Bili-bid ay nagbabadya ng paulit-ulit pang pagpaslang at walang katapusang pang-gagahasa sa hustisya’t inang bayan. Dispalinghado ang hatol! Sa kabila ng brutal na pagpaslang, pagkabali ng leeg at pagkakasubsob nito sa inidoro hindi itinuring na murder at sa halip ay homicide lamang ang pagpaslang kay Jennifer. May dalang banta sa buhay ng mga bakla, lesbiana at trans-gender ang naging hatol ng korte sa pagturing nitong may katuwirang mandiri si Pemberton at magdilim ang ulirat para mawalan ng kontrol nang malaman ang pagkatao ni Jennifer. Napagpasyahan din ng korteng maku-long si Pemberton sa Bilibid subalit hindi ito nasunod! Nananatiling nasa isang pasilidad sa loob ng Camp Agui-naldo si Pemberton na siya diuma-nong napagkasunduang kulungan ni Pemberton sa ilalim ng kasunduang Visiting Forces Agreement (VFA). Dapat ituring na karaniwang kriminal na nagkasala sa ilalim ng ating batas si

Pemberton! Ang paglabag sa de-sisyon ng korte ay malinaw na pambabastos ng gubyernong US sa hudikatura at mga batas ng Pilipi-nas. Malinaw na ipinakikita nito ang mga hindi katanggap-tanggap na probisyon sa ilalim ng VFA at ang nakagagalit na kalagayang tiyak na palalalain pa ng pani-bagong kasunduang pangmilitar sa pagitan ng US at Pilipinas, ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Sa pakikipagkutsabahan ng gubyernong Aquino sa kaso ni Pemberton, tiyak at malinaw rin ang maka-US nitong pagtindig sa iba pang mga probisyong labag sa ating Konstitusyon at soberanya na nakapaloob sa mga naturang kasunduan tulad ng tagal ng des-tino at pananatili ng bawat sun-dalong US sa bansa, ang bilang at lawak ng mga baseng paliparan at daungan na libreng magagamit sa ating lupain at ang pagpasok sa ating bansa ng armas nukleyar.

Sa pagpapahintulot ng gubyernong Aquino na ang Pilipinas ay maging integral na bahagi ng operasyong Asia Pivot ng Amerika sa rehiyong Asya Pasipiko para bantayan ang pang-ekonomiya’t terotioryal nitong interes, isinasadlak nito ang mamamayan sa kapahamakan. Sa pangunguna ng Gabriela Women’s Party inihapag ng gru-pong Makabayan sa Kongreso ang isang resolusyong nananawagan para sa pagbasura ng VFA sa gitna ng mga tagibang at hindi makata-rungang hatol ng korte sa kaso ni Jennifer at maging sa kaso ng Subic Rape case, sampung taon na ang nakalipas. Patuloy nating ipanawagan ang pag-babasura sa VFA at EDCA na nag-sasadlak sa mga kababaihan, mga bata at LGBT sa bulnerableng kala-gayan. Mananatili tayong nasa pan-ganib hanggat nananatili ang mga kasunduang militar na may dalang pinsala at kamatayan.

Official Publication of Gabriela Women’s Party December 2015

Page 2: akamit nga ba ang hustisya? - Gabriela Women's · PDF filebagong kasunduang pangmilitar sa pagitan ng US at Pilipinas, ang Enhanced Defense Cooperation ... Bgy West Kamias, Quezon

Kay Neri Colmenares ibinibigay ng kababaihan ang aming matamis na oo!

Ito ang malakas na ipinahayag ng Gabriela Women’s Party matapos tanggapin ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang hamon na tumakbo pagka-senador. Hindi anila mata-tawaran ang naging pagtindig ni Colmenares sa maraming usapin kabilang na ang pagpa-pababa ng singil sa tubig at kuryente at paglaban sa pagsasapribado ng mga ito. Mahalaga rin anila para sa mga kababaihan ang pagsusulong ni Colmenares ng karagdagang SSS pension.

“Nais ng mga kababaihan na magkaroon ng tunay na kakampi sa Senado kaya’t masigasig nating ikakampanya si Neri Colmenares sa 2016!”

REP. EMMI DE JESUS Kasalukuyang kinatawan ng Gabriela Women’s Party sa Kongreso. Dating Secretary General ng GABRIELA, pambansang alyansa ng mga kaba-baihan sa Pilipinas. Masugid na nag-tutulak ng mga panukalang batas para sa mga manggagawa tulad ng batas na nagbabawal sa kontraktwal-isasyon at kaligtasan at ligtas na kalagayan sa paggawa. Beteranang tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihan mula pa noong panahon ng batas militar.

ARLENE BROSAS Isang masugid na child rights ad-vocate si Arlene Brosas. Dati si-yang nominado ng grupong Akap-Bata at nilabanan ang mungkahing pagpapababa sa “age of criminal liability” o edad kung kalian dapat mapanagot ang mga bata sa kri-men. Siya ay kasalukuyang taga-pagsalita ng Gabriela Women’s Party Metro Manila.

BAI ALI INDAYLA Kilalang babaeng lider sa hanay ng mga kabataan at Bangsamoro. Dating naging bahagi ng pa-munuan ng National Union of stu-dents in the Philippines at College Editors Guild of the Philippines at ng Suara Bangsamoro. Matapang na nagsusulong ng tunay na ka-payapaan sa Mindanao. Siya ang kasalukuyang Secretary General ng KAWAGIB Moro Human Rights association.

Sa pagtutulungan ng pamaha-laang lungsod ng Quezon City at ng Gabriela Women’s Party, sinimulan na kamakailan ang isang patimpalak na nagtatang-hal ng galing at kakayanan ng mga kababaihan. Ang Amazing Pinay Challenge ay naglalayong ipamalas hindi lamang ang mga talento kundi ang galing mga mga kababai-hang maalpasan ang mga pag-subok at lumaban sa abuso.

Paliwanag pa ni Rep. Emmi De Jesus ng Gabriela, ang Amazing Pinay Challenge ay katatampu-kan ng malikhaing pamamaraan para imulat ang mas nakararami para labanan ang karahasan. Samantala, ipinagmamalaki na-man ni Vice Mayor Joy Bel-monte na sa Quezon City unang ilulunsad ang Amazing Pinay

Challenge. Aniya, “Malaki ang

magiging ambag nito sa pag-aangat ng kakayahan at kamula-tan ng mga kababaihan ng lung-sod Quezon.” Maaaring sumali ang mga kaba-baihang may edad 18-34.Ang mga nais sumali ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang mga barangay upang alamin ang iskedyul ng audition sa kanilang lugar. Ang makapapasa sa audition sa

barangay ay lalahok sa city-level auditions at educational fair na gaganapin sa Amoranto Sports Complex. Ang grand finals para sa Quezon City ay gaganapin naman sa Fisher Mall Activity Center. Nakatakda ring isagawa ang Amazing Pinay Challenge sa Cebu City at Davao City.

Sina Rep. Emmi De Jesus at Vice Mayor Joy Belmonte kasama ang VAWC survivors

at artists na sina Sugar Mercado at Skarlet Ruaro at mga lider kababaihan ng

lungsod Quezon sa paglulunsad ng Amazing Pinay Challenge

Sinamahan ni Angel Locsin si Rep. Neri

Colmenares sa COMELEC nang mag-

hapag ito ng Certificate of Candidacy

Page 3: akamit nga ba ang hustisya? - Gabriela Women's · PDF filebagong kasunduang pangmilitar sa pagitan ng US at Pilipinas, ang Enhanced Defense Cooperation ... Bgy West Kamias, Quezon

“Pinaaandar na ng Liberal Party ang maruming pulitika upang tiyakin ang pagkapanalo ng kandi-dato nitong kulelat. Ang hindi makatuwirang de-sisyon ng ikalawang desisyon ng COMELEC na nagdidiskwalipika kay Grace Poe ay nagpapakita kung paanong pinagagalaw ng LP ang mga galamay nito.” ani Rep. Emmi De Jesus, ng Gabriela Women’s Party.

Gunita pa ni De Jesus, dating niligawan ng LP si Poe para tumakbo sa ilalim nito. “Ngayong tu-makbo si Poe kasama ang mga progresibo, bigla na lang lahat ng maniobrang legal ay pinakawalan la-ban sa kanya.” Inihayag ng Gabriela Women’s Party ang suporta nito kay Poe matapos ilabas ng ikalwang dibisyon ng COMELEC ang desisyong idiskwalipika si Poe. “Dapat ay hayaang tumakbo si Poe at kilalanin ang karapatan ng mamamayang pumili ng pinuno.”

Nais pabuksan ng Gabriela

Women’s Party ang mga ware-

house ng Department of Social

Welfare and Development at

imbestigahan ang isa pang insi-

dente ng paglilibing ng sako-

sakong bigas ng sa Dagami,

Leyte.

“Isang malaking iskandalo ang

ganitong kalakaran ng DSWD

lalupa’t nagaganap ito sa gitna

ng malawakang kagutuman! Da-

pat managot si Secretary Soli-

man sa kanyang kapalpakan sa

kanyang tungkulin at sa kanyang

patuloy na pagsisinungaling,”

ani Rep. Emmi De Jesus ng

Gabriela.

Inihayag naman ni Rep. Luz-

viminda Ilagan na nang ibulgar

ng Commission on Audit ang

kabiguan ng DSWD na ilabas

ang 382-Milyon donasyon para

sa Yolanda victims sa loob ng

dalawang taon, mariing sinabi ni

Soliman nito lang Setyembre na

naka-allot na ang pera at wala

ring nabubulok na relief goods sa

mga bodega ng DSWD dahil

naibigay na sa lahat ng benefi-

ciaries. “Nagsisinungalng

pala!”

Sa isang resolusyon na iniha-

pag ng Gabriela Women’s

Party noong Abril 2014, ay

nanawagan nang pabuksan

ang mga warehouse ng

DSWD subalit hindi na

umusad sa Kongreso ang

panawagan para sa imbestigas-

yon.

Ang pagtatambak ng 164 sa-

kong bigas sa Dagami, Leyte

na para sana nga mga si-

nalanta ng bagyong Ruby ka-

makailan ay hindi ang unang

insidente ng pagaaksaya ng

bigas ng DSWD. Aabot sa

may 900 sako ng nabubulok ba

bigas na para sana sa mga bik-

tima ng bagyong Yolanda ay

natagpuan sa Tacloban City.

“Eksperto na sa pag-

mamaramot ang DSWD ni

Soliman at Aquino. Maging

ang Emergency Shelter Assis-

tance ay hindi pa naibibigay

hanggang sa ngayon dahil sa

Mariing binatikos ng mga kababaihan ang paggamit ng kababaihan at pam-babastos sa kampanya para sa darat-ing na halalan. Magkakasunod na isinampa ng Gabriela Women’s Party ang House Resolution 2435 urging the House of Representatives Committee on Women and Gender Equality and the Committee on Good Government and Public Accountability to investigate, in aid of legislation, the use of women as sexual objects of entertainment dur-

ing political gatherings at ang pagsa-sampa ng kaso sa Office of the Ombudsman laban kay dating MMDA Chairperson Francis Tolentino sa pagbibigay nito ng mga kababaihang mananayaw bilang “regalo”sa isang pagtitipon ng mga kandidato at taga-suporta ng Liberal Party. Anila, “Guns, goons, gold at pati na rin girls ang ginagamit ngayon ng mga bulok na pulitiko sa pag-papasikat at pangangampanya. Maling mali ang ipinalalaganap nitong kaisipan at pagtingin sa kaba-baihan. Hindi ito dapat magpatuloy. “

Tolentino kinasuhan sa Ombudsman. Mga kababaihan laban sa guns, goons, gold and girls sa

halalan! (L-R) Atty. Minnie Lopez, Filmmaker Kiri Dalena, Prof Judy Taguiwalo, Sr. Mary John

Mananzan, Rep. Emmi De Jesus, GABRIELA Sec Gen Joms Salvador at Gabriela Women’s Party

Metro Manila spokesperson Arlene Brosas

Page 4: akamit nga ba ang hustisya? - Gabriela Women's · PDF filebagong kasunduang pangmilitar sa pagitan ng US at Pilipinas, ang Enhanced Defense Cooperation ... Bgy West Kamias, Quezon

sundalo mga paramilitary at CAFGU at wala pa ni isa ang nananagot sa kanilang mga krimen," ani GWP Rep. Luz Ilagan. Inihayag pa nitong mula sa datos ng Karapatan, aabot sa 10 kaso ng pang-gagahasa na isinagawa ng mga element ng AFP at paramilitary ang naitala. Pito sa sampung biktima

ay bata, kabilang na ang labing-apat na taong gu-lang na Lumad sa Talain-god. Kinundena naman ni Rep. Emmi De Jesus ang pagsasamapa ng gawa-gawang kaso sa mga akti-bista kabilang na si Mia Liquigan, coordinator ng Gabriela Women’s Party

sa Cagayan

Valley. Binatikos rin ang harassment na isinagawa sa mga kababai-han sa Cordil-lera kabilang na ang tagapag-saliksik ng Cor-d i l l e r a Women’s Edu-cation Action Research Cen-

ter na si Alma Simumlag na ibinalita ng AFP na na-paslang diu-mano sa isang

Official Publication of Gabriela Women’s Party #25 K-10 Street , Bgy West Kamias, Quezon City Tel # (632) 4341039 Email: [email protected] FB: www.facebook.com/Gabriela.WomenPartylist Twitter: @GabrielaWomenPL Web: http://www.gabrielawomensparty.net

Naghuhumiyaw ang

panawagan ng mga kaba-

baihan sa buong bansa

laban sa pang-aabuso sa

mga kababaihan at bata. Ginunita ang ika-25 ng Nobyembre bilang Na-tional Consciousness Day to End Violence Against Women and Children. Kinundena ng mga kaba-baihan ang impunity sa ilalim ng gubyernong Aquino na salik sa pa-paraming bilang ng mga kaso ng karahasan sa ka-babaihan at bata. "Sa ilalim ni Aquino, tu-mindi ang impunity sa bahagi ng mga san-datahang pwersa, du-marami ang kaso ng pang-gagahasa ng mga pulis,

engkwentro sa Kalinga. Pinun-tahan naman sa

bahay, binantaan at ininteroga ng mga elemento ng AFP ang Vice Chairperson ng I n n a b u y o g -GABRIELA na si Beatrice Belen. Para naman kay Arlene Brosas, tagapagsalita ng GWP Metro Ma-

nila, nakakaba-hala ang paglobo ng bilang ng mga menor de edad na nabibiktima ng human trafficking at cyber prostitu-tion dahil sa kainutulan ng gobyerno sa pag-likha ng matinong empleyo. Nag-caravan mula Quezon

Memorial Circle hanggang Bonifacio Shrine sa Maynila ang mga kababai-han at women's rights advo-cates at ang ilang bikers ka-sama si Kier Legaspi. Nakiisa naman si Sugar Mercado, dating host ng Eat Bulaga at survivor ng domestic violence. Sa Maynila at sa Davao City ay inilunsad rin ang

pagsisimula ng One Billion

Rising for Revolution 2016 kasama and global director nitong si Monique Wilson. Ginugunita din sa buong mundo ang International Day for the Elimination of All forms of Discrimination and Violence Against Women sa alaala ng magkakapatid na sina Patria Teresa at Minerva Mirabal na pinaslang ng dik-taduryang Trujillo sa Do-

minican Republic noong No-

Ipinakita ng kababaihan ang kanilang paglaban sa karahasan at

abuso sa isang pagkilos noong Nobyembre 25 sa Bonifacio Shrine

One Billion Rising Revolution! Sayaw para

#LabananAngAbuso sa Davao City

Hustisya para sa mga biktima ang sigaw ng

mga kababaihan sa Iloilo!

Mga bikers, kabilang ang actor at women’s

rights advocate na si Kier Legaspi kasama sa

motorcade para #LabananAngAbuso

Labanan ang karahasan, #LabananAngAbuso

ang sigaw sa Timog Katagalugan

Pagdidikit ng poster, pagpapalaganap ng

panawagang LabananAngAbuso sa Maynila