17

Click here to load reader

Ang Alamat ng Alingawngaw

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Alamat ng Alingawngaw

Ang Alamat ng Alingawngaw

Page 2: Ang Alamat ng Alingawngaw

Noong unang panahon, ang mga tao sa bayan ng Pinagpala ay may mga kanya-kanyang espesyal na talento na ipinagkaloob ng Maylikha. May magaling sumayaw, tumugtog ng ibat’ ibang instrumento, makipagtalastasan at iba pa. Lahat ng mga tao ay tuwang-tuwa sa talentong pinagkaloob sa kanila. Bilang pasasalamat, ang mga tao ay naghahandog ng kanilang tanim o hayop sa Maylikha tuwing huling araw ng buwan.

Page 3: Ang Alamat ng Alingawngaw

Sumapit ang huling araw ng buwan at ang mga tao ay muling nag-alay sa Maylikha. Abala ang mga tao sa pagdiriwang na iyon. May nagluluto ng iba’t ibang putahe, naglalagay ng palamuti sa kani-kanilang tahanan, sumasayaw habang may tumutugtog ng instrumento at iba pa. Lahat ay nagsasaya sa araw na iyon.

Page 4: Ang Alamat ng Alingawngaw

Sa gitna ng pagsasaya ng mga tao ay mapapansin ang isang binatang nagngangalang Alingawngaw. Di sya nakikipagsaya, sa halip ay nasa isang tabi. Gaya ng ibang tao sa lugar na ito, si Alingawngaw din ay may espesyal na talento; ang paggaya ng boses ng ibang tao. Ngunit si Alingawngaw ay di nasisisyahan sa talentong ipinagkaloob sa kanya.

Page 5: Ang Alamat ng Alingawngaw

“Ang lahat ng tao ay nagsasaya ngunit ika’y nandito sa isang tabi at napakalungkot pa. Anong problema mo kaibigan?”, ang pagtataka ni Silay.

“Bakit sa lahat ng tao sa atin ay sa akin pa naibigay ang pinakawalang kwentang talento?”, panggagalaiti ni Alingawngaw.

“Yan ka na naman. Lagi mo na lang pinoproblema ang bagay na yan. Alam mo bang ang talento mong yan ang nag-iisa dito sa ating lugar? Ibig sabihin, talagang napakaganda ng iyong talento. Wag ka ng malungkot. Tayo na at makipagsaya sa kanilang lahat”, pangungumbisi ng dalaga.

Page 6: Ang Alamat ng Alingawngaw

Para di na tumagal ang ang pag-uusap, pumayag na si Alingawngaw at sumama sa kiabigan. Ngunit nanatiling di gusto ni Alingawngaw ang talentong ipinagkaloob. Sa isip-isip nya, sya na ang pinakamalas na tao sa kanilang lugar at yan ay dahil sa kanyang kakayahan na manggaya ng boses ng ibang tao.

Lumipas ang pagdiriwang at bumalik ang mga tao sa kanya-kanyang gawain. Isang ordinaryong na ang mga tao ay abala sa kanilang mga tahanan upang maglinis, magluto at iba pa. Ngunit ang binatang sa Alingawngaw ay piniling pumunta sa isang kuweba, di kalayuan sa kanilang lugar.

Page 7: Ang Alamat ng Alingawngaw

“Ano naman kaya ang gagawin ko para sa araw na ito? Wala naman akong kakayahang tumugtug ng kahit na anong instrumento para aking libangin ang aking sarili. Wala rin akong sapat na kakayahan upang manghuli ng mga mababangis na hayop sa kagubatan. Ang talentong sa akin lamang ipinagkaloob ay..tama!”

Sa gitna ng kanyang pagrereklamo ay nakaisip si Alingawngaw ng isang ideya. Isang ideyang labis nyang ikinatuwa at ikinasaya. Pumasok na si Alingawngaw sa isang kuweba at naghihintay.

“Ang tagal naman. Wala bang taong paparito upang pumasyal o di kaya’y magmunimuni man lang?”, pagrereklamo ni Alingawngaw.

Page 8: Ang Alamat ng Alingawngaw

Makalipas ang ilang minuto, may napadaang dalaga upang makipagtagpo sa kayang kasintahan malapit sa kuweba.

“ Gaspar! Nasaan ka na?”,ang pagtatanong ng dalaga.

Narinig ni Alingawngaw ang sinabi ng dalaga at kanya itong ginaya.

“Sino ka?” pagtataka ng dalaga.

Page 9: Ang Alamat ng Alingawngaw

At muli, ginaya ni Alingawngaw ang binanggit ng dalaga. Sa labis na takot ng dalaga ay napagpasyahan na lamang nitong umalis at hindi na hinintay pa ang kasintahan. Nang mapansing wala na ang dalaga ay lumabas na sa pinagtataguan si Alingawngaw. Tuwang-tuwa sya sa kanyang ginawa. Sa kanyang labingpitong taon sa mundong ito ay ngayon lang sya nasiyahan sa kanyang talento. Sumapit ang gabi at napagpasyahan nyang bumalik na sa kanilang tahanan.

Page 10: Ang Alamat ng Alingawngaw

Sa kanyang pag-uwi ay nasalubong nya ang kaibigang si Silay. Napansin ng dalaga ang kasiyahan sa mga mata ni Alingawngaw.

“Mukhang masaya ang araw na ito para sa’yo kaibigan. Maaari mo bang ibahagi ito sa akin?”, pagtatanong ni Silay.

“Labis lamang akong natutuwa sa nangyari at tama ka Silay. Napakaganda ng aking talento. Ngayon ko lamang nabatid kung gaano ako kaswerte sa aking natanggap mula sa Maykapal”, ang sagot ni Alingawngaw. Pagkatapos nito ay nagpaalam na si Alingawngaw kay Silay.

Page 11: Ang Alamat ng Alingawngaw

Sumunod ang mga araw ay pumunta ulit si Alingawngaw sa nasabing kweba at doon ay ipinagpatuloy ang kalokohang naisip. Bawat taong nagpupunta doon ay inuulit ni Alingawngaw ang sinasabi na naging dahilan upang ang mga ito ay matakot. Si Alingawngaw naman ay labis pa ring nasisiyahan sa kanyang ginawa. Di nagtagal, ang pangyayaring ito ay kumalat na sa buong lugar. Wala ng taong nais pang pumunta malapit sa kweba sa paniniwalang may isang di pangkaraniwang nilalang sa nasabing lugar na pinaglalaruan sila. At dahil dito labis na namang naging malungkot si Alingawngaw.

Page 12: Ang Alamat ng Alingawngaw

Kahit na alam na ni Alingawngaw na wala ng pupunta malapit sa kweba ay nagtutungo pa rin sya roon at nagbabakasakali na may mapadaang tao. Ngunit kahit gaano katagal syang maghintay doon ay wala ng taong pumupunta sa nasabing lugar.Habang nasa kuweba si Alingawngaw ay nagdasal siya na sana ay lagi nyang magamit ang talentong ibinigay sa kanya. Narinig ito ng diwata ng kagubatan at agad na sinabi sa Maykapal.

Page 13: Ang Alamat ng Alingawngaw

Papunta na ulit si Alingawngaw ng masalubong si Silay.

“Alingawngaw! Ngayon na lang ulit kita nakita dito. Lagi ka bang may ginagawa?”, pagtatanong nito.

“Di naman Silay”, matipid nitong sagot.

“Saan ka nga pala pupunta?”, muling tanong ni Silay.

“Gusto ko lang maging masaya Silay kaya napagpasyahan kong pumunta sa kuweba doon sa may gubat”,sagot ni Alingawngaw.

May sasabihin pa sana si Silay sa kaibigan ngunit nakalayo na ito sa kanya.

Page 14: Ang Alamat ng Alingawngaw

Sumapit ang gabi at ang mga tao sa lugar na iyon ay nasa kanya-kanya ng mga tahanan. Maliban kay Aling Karisa, ang ina ni Alingawngaw na naghahanap sa kanyang anak. Bawat taong madadaanan ay agad na itinanong kung napansin ang anak. Naghahanap ng kasagutan sa ibang tao.

Page 15: Ang Alamat ng Alingawngaw

Umabot na ng tatlong araw ay nananatili pa ring wala si Alingawngaw at di matagpuan. Si Silay na ngayon pa lang dumating mula sa kabilang lugar ay nabalitaan ang pagkawala ni Alingawngaw. Agad na pumunta si Silay sa tahanan ng binata at sinabi ang huling nalalaman tungkol dito. Walang anu-ano’y agad na pumunta si Silay at si Aling Karisa sa kuweba.

“Alingawngaw! Alingawngaw!”, ang pagtatawag ni Aling Karisa sa anak.

Page 16: Ang Alamat ng Alingawngaw

Sa halip na boses ni Alingawngaw ay boses ni Aling Karisa ang narinig at animoy ginaya lang ang sinabi. Naalala nilang dalawa ang talento ni Alingawngaw- ang kakayahang manggaya ng boses. At dahil dito napatunayang walang kakaibang nilalang sa may kuweba. Sa halip, ito ay walang iba kundi si Alingawngaw na pinaglalaruan ang kanyang talento upang maaliw. At dahil din sa kadahilanang ito ay tinawag na alingawngaw ang madalas nating naririnig sa kweba tuwing tayo ay nagsasalita.

Page 17: Ang Alamat ng Alingawngaw

WakasAng alamat ng AlingawngawSa panulat ni Bernadette Salinero

BEEd 3-1D