22
Ang Alamat ng Damong Makahiya Noong dakong una Makahiyang kilala, magandang bulaklak bituin ang kapara mga bango yaong kahali-halina, at wala pang tinik iyong mga sanga. Lagi ng palamuti sa mga pagdiriwang magagandang paso ang pinadtatamnan, mumunting bulaklak ay hinahangaan. Laging napapansin ang magandang halaman. Dahil sa papuri makahiya’y nadala sa gandang taglay. Siya’y nagsuplada ni ayaw timingin sa mga kasama. Minsan ay umulan, bumagyo, bumaba langgam na maliit umakyat, Makahiya’y nagalit si halaman, langgam pinababa ni hindi dininig ang pagmamakaawa. “Baka ako maputikan bumaba ka langgam, at saka inuga-usa, nahulog sa sanga ang kawawang langgam. Dinala ng agos nalunod, namatay. Sa masamang asal lahat makikita, di rin nagustuhan ng kanilang diwata upang magtanda damong Makahiya. Inalis ang bango ang ganda’t sangahaya. Nilagyan ng tinik ang buong katawan, hindi na mabango bulaklak na taglay din a ginagamit sa mga pagdiriwang. Sa mga kasama napahiyang tunay, sa tabing daan malaking alaala matinik na sanga nitong Makahiya, itong naging ngalan matapos isumpa, pagkat mapasaling di man sinasadya dahoy tumitiklop tila mahihiya.

Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Embed Size (px)

DESCRIPTION

alamat

Citation preview

Page 1: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Ang Alamat ng Damong Makahiya

Noong dakong una Makahiyang kilala, magandang bulaklak bituin ang kapara mga bango yaong kahali-halina, at wala pang tinik iyong mga sanga.

Lagi ng palamuti sa mga pagdiriwang magagandang paso ang pinadtatamnan, mumunting bulaklak ay hinahangaan. Laging napapansin ang magandang halaman. Dahil sa papuri makahiya’y nadala sa gandang taglay. Siya’y nagsuplada ni ayaw timingin sa mga kasama.

Minsan ay umulan, bumagyo, bumaba langgam na maliit umakyat, Makahiya’y nagalit si halaman, langgam pinababa ni hindi dininig ang pagmamakaawa. “Baka ako maputikan bumaba ka langgam, at saka inuga-usa, nahulog sa sanga ang kawawang langgam. Dinala ng agos nalunod, namatay.

Sa masamang asal lahat makikita, di rin nagustuhan ng kanilang diwata upang magtanda damong Makahiya. Inalis ang bango ang ganda’t sangahaya. Nilagyan ng tinik ang buong katawan, hindi na mabango bulaklak na taglay din a ginagamit sa mga pagdiriwang. Sa mga kasama napahiyang tunay, sa tabing daan malaking alaala matinik na sanga nitong Makahiya, itong naging ngalan matapos isumpa, pagkat mapasaling di man sinasadya dahoy tumitiklop tila mahihiya.

Tanong:1. Ano ang tinutukoy sa alamat?2. Ito ba ay mabango at kahali-halina?3. Ano ang naging sal ni Makahiya kay langgam?4. Ano nag nangyari kay langgam?5. Ano ang ginawang parusa ng diwata kay Makahiya?

Page 2: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Ayaw ko ng Junk Food

Nasa kantina sina Lito at Edgar.

Bumibili sila ng pagkain. Nakita nila na iba na ang mga pagkain ditto.

“Bakit kaya wala nang mga kendi at bubble gum sa ating canteen?” tanong ni Lito.

“Wala na ring softdrinks at cheese curls,” puna rin ni Edgar.

Nakita sila ni Lorna na bibili rin ng pagakin.

“Wala ba kayong napapansin sa canteen natin?” wika ni Lorna.

“Iba na nag mga pagkaing mabibili rito,” sagot ni Lito.

“Talagang iba na mas masustansiya na ang mga pagkaing tinitinda ngayon sa ating canteen. Mayroon na tayong mabibiling nilagang saging, puto, at inuming katas ng mga prutas,” sagot ni Lorna.

“At mas mura pa ang halaga ng mga ito,” dagdag ni Edgar.

“Mabuti naman at makatitipid pa tayo sa ating baon. Ibasura ang mga junkfood,” sabay-sabay na wika ng tatlo.

Tanong:1. Saan naroon sina Lito at Edgar?2. Bakit nagtataka sila sa mga nakita sa canteen?3. Anu-ano na ang mga pagaking nasa canteen?4. Bakit naiba na ang mga pagakin?5. Mabuti bas a mga bata ang mga pagkaing tulad ng saging at

puto?

Page 3: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Proyektosa

Pilipino

AlamatTula

PabulaMaikling Kwento

Gng.Imelda Alacaraz Guro

Christine H. AtractivoGrade I – Rose

Page 4: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

ProjectIn

English

LegendPoemFables

Short Stories

Gng.Imelda Alacaraz Guro

Christine H. AtractivoGrade I – Rose

Page 5: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Proyektosa

Pilipino

AlamatTula

PabulaMaikling Kwento

Gng.Imelda Alacaraz Guro

Laurice Jhen UaminalGrade I – Rose

Project

Page 6: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

InEnglish

LegendPoemFables

Short Stories

Gng.Imelda Alacaraz Guro

Laurice Jhen UaminalGrade I – Rose

ANG ALAMAT NG PINYA

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na

Page 7: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

 Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.  Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.

 Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.

 Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.  Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.

 Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya. 

Mga Tanong:

1. Sino-sino ang tauhan s kwento?Ilarawan.

2. Ano ang katangian ni Pinang?

3. Ano ang binitiwang salita ni Aling Rosa kay Pinang?

4. Ano ang nakita ni Aling Rosa sa kanyang bakuran?Ilarawan.

5. Ano ang mensahe ng kwento?

Ang Pabula ng Daga at ng Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Page 8: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak  siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. "Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga. Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.   "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat. "Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

Mga Tanong:

1. Saan nakatuwaang maglaro ng isang daga?2. Ano ang ginawa ni leon kay daga ng siya ay magising?3. Ano ang napansin ni daga sa kanyang pamamasyal sa

kagubatan?4. Ano ang ginawa ni daga nang makilala ang leon na nahuli sa

loob ng lambat?5. Kanino utang ni Leon ang kanyang buhay?

Page 9: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Alamat

Page 10: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Tula

Page 11: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Pabula

Page 12: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Maikling Kwento

Page 13: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Fables

Ang Magkaibigan

May magkaibigan namamasyal sa isang gubat. Sila ay sina Taba at Payat. Habang nasa kakahuyan, bigla silang tinugis ng isang Oso. Mabilis na tumakbo ang dalawa. Agad umakyat sa puno si Payat. Dahil mataba ay hirap na hirap sa pag akyat si taba.

“Tulungan mo ako, Payat!” Iakyat mo ako!” pakiusap ni taba sa kaibigan. “Hindi ako maaaring bumaba!” Pareho tayong aabutan ng Oso! Ang sigaw ni Payat. Nagpilit pa ring umakyat si Taba subalit talagang nahihirapan siya. Maabutan siya ng ZOso. Biglang bumagsak sa lupa si Taba. Sa sandal ng panganib ay may naalala siya. May nagsabi sa kanya noon hindi pinapansin ng oso ang patay na. hindi siya kumilos at nagkunwaring patay. Hinawak- hawakan ng Oso si Taba. Pagkatapos ay inamoy- amoy ang mukha at tenga. Hindi naman halos humihinga si taba sa tindi ng kaba.

Page 14: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Hindi nagtagal ay umalis ang oso. Noon bumaba si Payat.” Mabuti at hindi ka piñata ng oso,” ang wika nito. Bumangon si Taba at tumingin kay Payat.”Parang may ibinulong sa iyo ang Oso.” Ano ang sabi niya?” tanong ni Payat. “Sinabi sa akin ng Oso na huwag akong makikipagkaibigan sa taong pababayaan!” Taas- noong umalis si Taba. Naiwan si Payat na nalulungkot. Nawalan kasi siya ng kaibigan.

Tanong:

1.)Sino ang dalawang magkaibigan?2.)Anong uri ng hayop ang tumugis kina Taba at Payat?3.)Bakit hindi makaakyat ng puno si Taba?4.)Ano ang ginawa ni Taba upang hindi siya mapansin ng Oso?5.)Ano ang ginawa ng Oso okay Taba?

Ang Wikang PambansaFernina N. Gan

Ang wikang Pambansa’y may sariling lambingPang- akit sa lalong ilap na damdamin

Ang wika’y pamuklod sa puso at diwaSagisag ng baying tunay na Malaya.

Wikang Filipino’y ating pag-aaralanLaganap sa Luzon, Bisaya, Mindanao.

Kapag inaruga ng ating pag-ibigAng binhi ng wika ay lalagong pilit.

Page 15: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Baying Pilipino, Lupang sinilangan,Ang sariling Wika ang lakas mo’t buhay.

Tanong:

1.) Ano ang pamagat ng Tula?2.) Saan laganap ang wikang Filipino?3.) Ito ba ay sagisag ng baying tunay na Malaya?4.) Sino ang sumulat ng Tula?5.) Ano an gating wikang Pambansa?

Ang Wikang PambansaFernina N. Gan

Ang wikang Pambansa’y may sariling lambingPang- akit sa lalong ilap na damdamin

Ang wika’y pamuklod sa puso at diwaSagisag ng baying tunay na Malaya.

Wikang Filipino’y ating pag-aaralanLaganap sa Luzon, Bisaya, Mindanao.

Kapag inaruga ng ating pag-ibigAng binhi ng wika ay lalagong pilit.

Page 16: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Baying Pilipino, Lupang sinilangan,Ang sariling Wika ang lakas mo’t buhay.

Tanong:

1.) Ano ang pamagat ng Tula?2.) Saan laganap ang wikang Filipino?3.) Ito ba ay sagisag ng baying tunay na Malaya?4.) Sino ang sumulat ng Tula?5.) Ano an gating wikang Pambansa?

Ang Palaka at Ang UwakMatahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba at Susuhong sa

lugar na iyon nang biglang dumating si Uwang. Hindi lamang matakaw ito sa pagkain ng dahon at maingay ang ugong, ito rin ay sadyang mapanudyo. Kapag pinagbawalan o pinagpagunitaan, ito'y nagbabanta pang manakit o maminsala. Isang araw, tahimik na nanginginain si Susuhong sa tabi ng sapa nang bigla na lamang siyang suwagin ni Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay siya sa dakong malalim. Mabuti na lamang at nakapangunyapit siya sa isang yagit, kaya nakaahon siya sa pampang. Minsan naman. Gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot. Ipinagmalaki niya iyon kina Palaka at Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at pinuri si Gagamba. Subalit kinabukasan, nang naghahanap ng makakain si Gagamba, hindi niya alam na winasak na ni Uwang ang kanyang sapot. Gayon na lamang ang kanyang panlulumo habang si Uwang naman ay patudyong nagtatawa. Si Palaka naman ay sinuwag ni Uwang ng mga sungay nito, isang araw na nagpapahinga siya sa may batuhan. Namaga ang kanyang nguso ng ilang araw. Kaya ang magkakaibigan ay nagpasya isang araw. Hahamunin nila sa isang paligsahan si Uwang. Ang ilalaban nila ay si Palaka. "Payag ako," sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan. "Kung kayo ay magwagi, lalayasan ko na ang lugar na ito. Kung ako naman ang magwagi, kayo'y magiging sunud-sunuran sa akin." Nagpalutang sila sa isang malapad na dahon sa gitna ng sapa. Mag-uunahan sina

Page 17: Ang Alamat Ng Damong Makahiya

Palaka at Uwang sa pagsakay doon. "Tiyak na ako ang magwawagi," pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang mabilis niyang maikakampay ang kanyang pakpak. Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka naman ay mabilis nang lumangoy patungo sa dahon. Mula sa itaas, sumisid si Uwang, patungo sa dahon na inaanod sa gitna ng sapa. Ngunit nagkasabay sila sa pag-abot sa dahon. Kasabay ng pagsakay dito ni Palaka, dumapo naman si Uwang. Sa bigat nilang dalawa, lumubog ang dahon at kapwa nahulog sila sa tubig. Ang nabiglang si Uwang ay natangay ng agos. "Tulungan mo ako, Palaka. Hindi ako marunong lumangoy," pakiusap ni Uwang. Hindi siya pinansin ni Palaka. Umahon ito sa pampang at sinalubong ng mga kaibigang sina Gagamba at Susuhong. "Mabuti nga sa kanya," sabi ni Palaka nang hindi na matanaw si Uwang. Mula noon, nagbalik na ang katahimikan at kasayahan ng pamumuhay ng tatlo sa pook na iyon...

Mga Tanong:1.Sino ang dumating habang Matahimik at masayang namumuhay sina

Palaka, Gagamba at Susuhong sa lugar na iyon?2.Ano ang iba pang katangian ni Uwang bukod sa ito ay matakaw sa pagkain ng dahon at maingay ang ugong?3.Ano ang nangyari kay Susuhong sa tabi ng sapa nang bigla na lamang

siyang suwagin ni Uwang?

4. Ano ang ginawa ni Uwang sa sapot na ginawa ni Gagamba?5. Saan hinamon nina Palaka, Gagamba at Susuhong sa Uwang?