24
ANG ALAMAT NG KASOY Nasaan ang buto ng mga prutas? Nasa loob di ba? Ngunit ang kasoy ay kakaiba. Ang buto ay nasa labas. Alam ba ninyo kung bakit? Alamin natin sa sumusunod na kuwento. Noong unang panahon sa loob ng kagubatan ay may kasayahang nagaganap. Lahat ng uri ng mga hayop ay naroroon. Sila`y masayang nagkakantahanan at nagsasayawan. Sa di naman kalayuan ay may isang bagay na nakikinig at inggit na inggit sa kasayahang naririnig. Ito`y walang iba kungdi si KASOY. "Sana`y makalabas ako sa aking kinalalagyan" ang pahimutok niyang nasambit. Patuloy ang kasayahan sa labas at patuloy din ang pagbabasakaling sana`y may makarinig sa hinaing ni Kasoy. Sa oras din yaon ay may isang engkantadang naakit sa kaingayan. Sumali siya sa kasayahan ng mga hayop at sa di kalayuan ay narunig niya ang paghingi ng tulong ng Kasoy. "Sino kaya iyon?", ang tanong ng engkantada. Narinig ng kasoy ang tinig ng engkantada. "Para na ninyong awa mahal na engkantada, " pakiusap ng kasoy. "Gusto ko pong lumabas". Naawa ang engkantada at sa isang kumpas, lumabas ang buto ng kasoy. Tuwang-tuwa ang kasoy sa kanyang nakita sa kapaligiran. "Ayaw ko ng bumalik sa aking pinanggalingan," pakiusap niya sa engkantada Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng kasoy at kasoy naman ay tuwang-tuwa. Natapos ang kasayahan at ang mga hayop ay nagsi-uwian na. Ang kapaligiran ay naging tahimik. Pagkaraan ang langit ay nagdilim, humihip ng malakas ang hangin, kumidlat at kumulog. Pagkatapos ay bumuhos ang malakas na ulan. Ang buto ng kasoy ay takot na takot at basang-basa. Tinawag niya ang engkantada at humihingi ng tulong na ibalik siyang muli sa loob. Ngunit hindi siya narinig ng engkantada.

Ang Alamat Ng Kasoy

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Alamat Ng Kasoy

Citation preview

Page 1: Ang Alamat Ng Kasoy

ANG ALAMAT NG KASOY

Nasaan ang buto ng mga prutas? Nasa loob di ba? Ngunit ang kasoy ay kakaiba. Ang buto ay nasa labas. Alam ba ninyo kung bakit? Alamin natin sa sumusunod na kuwento.

Noong unang panahon sa loob ng kagubatan ay may kasayahang nagaganap. Lahat ng uri ng mga hayop ay naroroon. Sila`y masayang nagkakantahanan at nagsasayawan. Sa di naman kalayuan ay may isang bagay na nakikinig at inggit na inggit sa kasayahang naririnig. Ito`y walang iba kungdi si KASOY.

"Sana`y makalabas ako sa aking kinalalagyan" ang pahimutok niyang nasambit. Patuloy ang kasayahan sa labas at patuloy din ang pagbabasakaling sana`y may makarinig sa hinaing ni Kasoy. Sa oras din yaon ay may isang engkantadang naakit sa kaingayan. Sumali siya sa kasayahan ng mga hayop at sa di kalayuan ay narunig niya ang paghingi ng tulong ng Kasoy. "Sino kaya iyon?", ang tanong ng engkantada. Narinig ng kasoy ang tinig ng engkantada. "Para na ninyong awa mahal na engkantada, " pakiusap ng kasoy. "Gusto ko pong lumabas". Naawa ang engkantada at sa isang kumpas, lumabas ang buto ng kasoy.

Tuwang-tuwa ang kasoy sa kanyang nakita sa kapaligiran. "Ayaw ko ng bumalik sa aking pinanggalingan," pakiusap niya sa engkantada Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng kasoy at kasoy naman ay tuwang-tuwa.

Natapos ang kasayahan at ang mga hayop ay nagsi-uwian na. Ang kapaligiran ay naging tahimik. Pagkaraan ang langit ay nagdilim, humihip ng malakas ang hangin, kumidlat at kumulog. Pagkatapos ay bumuhos ang malakas na ulan. Ang buto ng kasoy ay takot na takot at basang-basa. Tinawag niya ang engkantada at humihingi ng tulong na ibalik siyang muli sa loob. Ngunit hindi siya narinig ng engkantada.

Tumigil ang ulan at ang engkantada ay muling nagpakita. Nakita niya ang buto na nakabaluktot at halos di na makapagsalita. "Ito`y isang aral sa iyo," ang sabi ng engkantada. "Ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang lugar, dapat nating tanggapin dahil ito`y kaloob ng Diyos sa atin." Pagkawika nito`y naglaho ang engkantada.

Magmula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas ng prutas.

ANG ALAMAT NG SAGING

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

Page 2: Ang Alamat Ng Kasoy

puso_ng_sagingIsang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao.

Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.

Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.

"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.

Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.

Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin

Noong unang panahon ang paligid ay pawang kaliwanagan. Wala pa noong gabi sapagkat laging magkasama ang Araw at ang Buwan.

Bilang mag-asawa, pala-utos ang Araw sa Buwan. Hindi nito binibigyan ng kapantay na karapatan ang Ina ng Tahanan. Sobra naman sa bait si Buwan. Lahat ng utos ni Araw ay sinusunod niya. Kahit na ang ipinag-uutos ay dapat na suriin at pabulaanan.

Minsang magbalak mamasyal si Araw ay inutusan niya si Buwang ipaglaga siya ng mga dahon ng gabi.

“Kailangang puno ng nilagang dahon ng gabi ang palayok pagbabalik ko!” utos ni Araw sa nahihintakutang si Buwan.

“Pe… pero tiyak na uurong ang mga dahon ng gabing ilalaga ko,” marahang paliwanag ng Buwan na mistulang sunud-sunuran sa kaniyang asawang naghahari-harian.

Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin

“Basta tiyakin mong puno ng dahon ng gabi ang palayok pagbabalik ko!” pasigaw na diin ng Araw sa nanginginig na maybahay.

Nag-iiyak nang nag-iiyak ang Buwan. Alam niyang hindi mapupuno ang palayok kapag nilaga sa kalan. Sapagkat lubos na mabait ang Buwan, pinagtiyagaan niyang lutuing mabuti ang mga

Page 3: Ang Alamat Ng Kasoy

dahon ng gabi. Pero kahit sikaping mapuno ang palayok ay hindi niya ito magawa. Lagi at laging may bakante pa ring lugar sa loob ng palayok na pinagpapakuluan.

Nang magbalik ang Araw at itanong ang mga dahon ng gabi ay napaihng ang Buwan.

“Gi…ginawa kong lahat ang makakaya ko pe….pero hindi ko mapunu-puno ang palayok sapagkat umuurong ang mga dahon ng gabing inilalaga ko.”

“Laging ganiyan ka!” panumbat ng Araw. “Noong isang linggo pinapalitan ko sa iyo ng ibang kulay ang asul na karagatan pero di ka man lang nakasunod sa aking kautusan! At hindi ba pinakiusapan din kitang pantayin ang lahat ng burol at bundok sa kanluran pero ano ang ginawa mo? Ipinagkibit balikat mo lang ang utos ko!”

“Asawa mo ako at di utusan!” ngumatal ang boses ng galit na galit na Buwan. “Pantay lang ang ating karapatan. Kung utusan ang turing mo sa akin, mabuti pang tayo ay maghiwalay.”

“Aba, kung yan ang gusto mo ay susundin ko,” taas noong sagot ni Araw.

“Ako ang ina ng mga bata kaya kailangang sa akin sila sumama.”

“Para mamatay sa lamig mo?” nanghahamong tugon ng Araw.

“Paano kung isasama mo sila? Tiyak na mamamatay sila sa sobrang init mo!”

“Sa akin dapat sumama ang mga bata. Ako ang ama nila!”

“Ako ang ina na laging kayakap nila!”

Nag-away ang dalawa. Sa paghahatakan nila sa mga anak ay nahulog ang mga bata sa kalawakan. Mabilis na hinabol ng Buwan ang mga anak na naging kumpol ng Bituin sa kalangitan. Ang Araw ay kuntento namang naghihintay na lamang sa kaniyang makinang na trono sa kalangitan. Hinihintay pa rin niya ang pagbabalik ng asawa at mga anak.

Mapapansing sa umaga at katanghalian matatanaw natin ang mapagmalaki at magagaliting Araw sa kalangitan.

Sa gabi naman, makikita natin ang malamlam na liwanag ng Buwan at kikislap-kislap na mga Bituin sa kaitaasan.

Ang Alamat Ng Makahiya

Noong unang panahon ay may mayamang mag-asawa, sina Mang Dondong at Aling Iska. Mayroon silang labindalawang taong gulang na anak na babae na nagngangalang Maria. Mahal na mahal nila ang kanilang anak.

Page 4: Ang Alamat Ng Kasoy

Si Maria ay responsible at masuring anak. Siya ay masipag at mabait, dahil dito ay gusto siya ng lahat.

Ngunit ang pagkamahiyain ay isa sa natatanging katangian ni Maria. Dahil sa mahiyain ay ilang sya sa pakikipag-usap sa mga tao. Para maiwasan niya ang makita o makisalamuhan sa mga tao, ay palagi niyang kinukulong ang sarili niya sa kanyang silid.

Mayroong hardin ng mga bulaklak si Maria. Ang mga bulaklak ay magaganda at alam ito ng buong bayan. Matiyaga at magiliw niyang inaalagaan ang kanyang mga halaman. Sapagkat dito siya nakakakita ng kaligayahan.

Isang araw, ay kumalat ang balita na isang grupo ng mga bandido ang sumalakay sa kalapit bayan. Pinapatay ng mga bandido ang mga tao at tinatangay ang salapi ng mga residente.

Kinabukan, ang mga bandido ay dumating kung saan naninirahan si Mang Dondong at Aling Iska at ang anak na si Maria. Nakita ni Mang Dondong na parating ang mgabandido, nagdesisyon siya na itago si Maria sa hardin para sa kaliktasan nito.

Nagtago si Aling Iska sa kanilang bahay, nanginginig sa takot habang naririnig niyang pilit binubuksan ng mga bandido ang kanilang tarangkahan. Siya ay nagsambit ng panalangin para sa paghahanda kung ano man ang maaaring mangyari.

“Aking Panginoon!” panalangin ni Aling Iska. “Iligtas nyo po ang aking anak.”

Biglang nabuksan ang pinto. Pumasok ang mga bandido sa bahay at pinalo sa ulo si Mang Dondong. Nawalan ng malay si Mang Dondong at bumagsak sa lapag. Sinubukan na tumakas ni Aling Iska pero pinalo rin siya sa ulo.

Ginalugad ng mga bandido ang buong bahay. Matapos kuning lahat ang salapi at alahas, hinanap nila si Maria. Pero di nila nakita ito. Umalis na ang mga bandido para nakawan ang ibang pang bayan.

Nang matauhan na ang mag-asawa ay nakaalis na ang mga bandido. Nagmadali silang pumunta sa hardin para hanapin si Maria. Pero wala doon si Maria. Muli, ay hinanap nila ang kanilang anak sa lahat ng sulok ng hardin pero wala doon ang kawawang si Maria. “Ang anak ko! Tinangay nila ang anak ko!” iyak ni Aling Iska

Biglang-bigla ay naramdaman ni Mang Dondong na may tumusok sa kanyang mga paa. Nagulat siya dahil may nakita siyang isang maliit na halaman na mabilis na tumitiklop ang mga dahon nito. Ito ang unang beses na makakita ng ganitong uri ng halaman. Siya ay lumuhod at tinitigang mabuti ang halaman, ganon din ang ginawa ni Aling Iska. Pagkatapos ng matagal na

Page 5: Ang Alamat Ng Kasoy

panahon na tinitigan ang halaman, ang mag-asawa ay naniwalang ang halaman iyong ay si Maria. Ginawang halaman ng Panginoon si Maria para mailigtas sa mga bandido.

Hindi mapigilan di mapaiyak si Aling Iska at Mang Dondong, ang bawat luha na pumapatak sa halaman ay nagiging isang maliit, bilog na kulay rosas na bulaklak.

Magmula noon ay inalagaan nila ng mabuti ang halaman. Naniniwala sila at alam nila na ang halaman ay ang anak nilang si Maria. Katulad ng kanilang anak, ang halaman ay mahiyain din. Dahil dito ay tinawag nila itong “makahiya”, dahil nagtataglay ito ng katangian ni Maria – pagkamahiyain – at tinawag na nga itong “makahiya”.

Alamat Ng Baboy

Isang araw, Sa matahimik na nayon ng ulu’uhugan, sa ibaba ng bundok ng tra-la-la.

May isang bata. Na nagngangalang Bab.

Si bab ay isang matulunging bata, masipag at talaga namang napaka masunurin sa magulang.

Isang araw, Inutusan sya ng kanyang nanay na pumunta ng palenke at bumili ng recados na lulutuin para sa birthday ng kanyang kapatid.

Dahil nga sa masunurin si Bab, Pumunta syang palenke. Una nyang binili ang mga gulay, tapos ang manok at ang asin at paminta.

Natapos na sa pamimili si Bab ng biglang nasubasob sya sa isang putikan. Kasamang nahulog ang recados na pinamili nya.

Kaya isa isa nyang pinulot ang mga ito. Mula sa patatas, petchay, manok, at iba pang mga gulay.

Akala ng mga taong nakakakita sa kanya ay naglalaro sya sa putikan at natutuwang magpaikot ikot.

Sinimulan syang tanungin ng mga katribo.

‘Hoy Bab! Hoy Bab! Ano ginagawa mo jan?’ wika ng isang katribo nya.

‘Baka nagliligo sya sa putikan?’ wika pa ng isa.

‘HAHAHAHAHAHAHAHA’ insulto mga katribong nakakita sa kanya.

Dali daling tumakbo si Bab at lumuluhangg umuwi sa kanila.

Page 6: Ang Alamat Ng Kasoy

Habang papauwi sa bahay ay may nakasalubong syang isang diwata. Ang diwatang kilala ng kanyang tribo na nagbibigay ng kahilingan sa isang maswerteng tao kada isang daang libong taon.

Kaya lang ito ay nakabalat kayo bilang isang matandang babaeng namimitas ng prutas sa kagubatan.

‘Bakit balot na balot ka sa putik?’ Tanong ng matandang babae.

‘Ah eto ba? Naligo kasi ako sa putikan. At gusto kong magpagulong gulong duon. Ano?… Tawa ka na! Sige na! Tawa na!’ wika ni Bab na galit sa babae sa pag aakalang pagtatawanan sya ng matandang babae.

Nainsulto ang Diwata dahil sa isang daang libong taong paghihintay upang magbigay ng kahilingan sa isang nilalang ay ito pa ang aabutan nya. Napakatampalasang bata.

At dahil dito isinumpa ng diwata si Bab. At ginawa syang isang nilalang na mahilig maglaro sa putikan na may malaking ilong na pahaba at may katabaan.

Pagkatapos nito ay umalis na ang diwata.

Walang magawa ang isinumpang Bab kundi Ihatid ang pagkain para sa kaarawan ng kanyang kapatid.

Umalis sya ng dali dali upang hindi na makita ng kanyang mga magulang ang sinapit.

Ilang araw ang lumipas at hinahanap ng buong tribo si Bab.

Lahat ng sulok ng kabundukan ay isinisigaw ang ‘Hoy Bab! Hoy Bab! Asan ka na?’

At dahil naririnig ito ni Bab pero hindi alam ng mga taong nasumpa sya ng diwata. Ay naglaro sya sa putikan para makilala sya ng mga katribo.

At ng makita sya ng isang katribo.

‘Mga kasama! Tignan nyo ito, para syang si Bab!’ Wika ng isang katribo.

‘Aba oo nga noh? Hoy Bab, Hoy Bab!’ wika ng isa pa nilang katribo.

At lumingon ang nilalang na naglalaro sa putik.

At simula nuon, Tinawag na ang nilalang na iyon na ‘BABOY’

ALAMAT NG MGA UNANG ALITAPTAP

Page 7: Ang Alamat Ng Kasoy

Ang sabi ay tao lamang ang gumagamit ng apoy. Ang mga hayop daw ay hindi. Ito ay hindi totoo sapagka't ang mga alitaptap ay gumagamit din ng apoy. Alam mo ba kung bakit gumagamit ng apoy ang mga alitaptap?

Noong unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit na kulisap lamang. Ang mga kulisap na iyon ay walang dala-dalang apoy. Nguni't ito ring mga kulisap na ito ang tinatawag natin ngayong ALITAPTAP. Bakit kaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na kikisap-kisap?

Gaya rin ng mga alitaptap ngayon, ang mga kulisap noong unang panahon ay gabi lamang kung lumipad. Naguni't ayaw na ayaw nila ng mga gabing madilim. Ang ibig nila ay mga gabing maliwanag ang buwan. Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga damo. Nagtatago sila sa mga dahon at sa mga bulaklak. Sila ay takut na takot. Bakit kaya?

Isang gabing madilim, walang malamang pagtaguan ang mga kulisap na iyon. Nakakita sila ng isang punong sampaguita. Ang ilan sa kanila ay nagkubli sa nga bukong bulaklak nito. Mayroon namang nagkubli sa mga talulot.

"Bakit ba?" ang tanong ng sampaguita. "Bakit ba kayo nagtatago? Bakit ba kayo takot na takot? Kayo ba ay natatakot sa dilim?"

"Hindi kami sa dilim natatakot," ang sagot ng isang kulisap.

"At saan?" ang tanong ng sampaguita.

"Sa mga kabag-kabag," ang sagot ng maraming kulisap.

"Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?" ang tanong ng sampaguita.

"Inaano b akayo ng mga kabag-kabag?"

"Kami'y kinakain nila," ang sabi ng mga kulisap. "Kapag kami ay nakita nila ay hinuhuli kami at iyon na ang katapusan ng aming buhay."

"Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag," ang wika ng sampaguita.

"Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag," ang sabi ng isang kulisap. "Kaya kami ay pakaunti nang pakaunti."

"Mauubos nga kayo kung ganyan," ang wika ng sampaguita. Kaawaawa naman kayo."

"Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga kulisap.

"Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking ouno?" ang tanong ng sampaguita.

Page 8: Ang Alamat Ng Kasoy

"Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabag-kabag," ang sagot ng isang kulisap.

"Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag, eh," ang dugtong ng isang kulisap.

"Sila ay nasisilaw sa liwanag," ang dugtong pang uli ng isang kulisap.

"Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag," ang sabi ng sampaguita. "Tuturuan ko kayo kung ano and dapat ninyong gawin."

"Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?" ang tanong ng bawa't kulisap.

"Bawa't isa sa inyo ay magdala ng apoy," ang sabi ng sampaguita. "Pagkatapos ay magsabay-sabay kayong lumabas. Matatakot sila sa inyo. Hindi nila kayo malalapitan."

"Oo nga, siya nga," ang sabay-sabay na sabi ng ilang kulisap.

"Mabuti nga, ano?" ang sabi pa rin ng ibang kulisap.

Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang bawa't isa sa kanila ay nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay silang lumabas. Naku! Para silang alipatong lumilipad. Hindi nga naman sila malapitan ng mga kabag-kabag.

Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila nang paikut-ikot sa punong sampaguita.

"Salamat sa iyo, Sampaguita. Kami ngayon ay malaya na."

Mula na noon tuwing lalabas ang mga kulisap pag madilim ang gabi nagdadala sila ng apoy. Ang mga kulisap na iyon din ang tinatawag ngayong "ALITAPTAP."

Ang Alamat ng Aso

Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang maa-anak na tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan.

Ang ama; si Roque ay mabait at mapagkalinga sa kanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang maging pagkain.

Samantalng ang ina naman; si Magda ay siyang nag-aasikaso sa kanilang bahay at dalawang anak na sina Maria at Jose.

Minsan, nagulat ang pamilya sa pagdating ni Roque na may pangko na isang sugatang lalaki.

Ang lalaki ay iniligtas ni Roque mula sa mga pusang-gubat nang ito ay maligaw. Inalagaan ito ng pamilya.

Page 9: Ang Alamat Ng Kasoy

At sa paglipas ng panahon, naging malakas na ang lalaki na nakilala nilang Damaso.

Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi niya nabantayan ang mga taniman nito ng ubas, naging dahilan upang manakawan ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming alamid.

Naaawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinuring nila itong kapamilya at nakatulong pa ni Roque sa pang-araw-araw na paghahanap ng pagkain.

Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihim na pagkagusto sina Magda at Damaso sa isa’t-isa.

At isang araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda tumakas sa ibang lugar.

Nag-iyakan ang dalawang batang sina Maria at Jose.

"Ina huwag mo po kaming iwan nila ama!", ang iyak ni Maria

"Oo nga po! Mang Damaso, huwag n,yong kunin ang aming ina!", ang iyak rin ni Jose.

Ngunit hindi napigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa rin sila ng bangka at umalis na kasabay ng agos ng ilog.

Lalong ngg-iyakan ang dalawang bata. Nais na sanang magbago ng isip si Magda, ngunit nanaig ang kanayng pagka-gusto kay Damaso.

Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sima Maria at Jose upang humabol.

Napatayo so Magda sa bangka, dahil alam niyang hindi marunong lumangoy ang dalawang bata.

Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit lumakas and agos ng ilog, at napailalim sa tubig ang mag-aama.

Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso and pang-yayari. At sising-sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pa’t hindi na nila nakitang pumaibabaw sa tubig ang mag-aama.

Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin.

"Masahol pa kayo sa hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop," ang wika ng babae na diwata pala ng ilog.

Page 10: Ang Alamat Ng Kasoy

Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at ni Damaso. Ang kanilang katawan ay puno ng balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at nagkapangil. At kasunod niyon, hindi na nila nagawang makapagsalita, bagkus ay ungol at kakatwang ingay ang lumalabas sa kanilang mga bibig.

"Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga’t ikaw Damaso ay hindi natutong tumanaw ng utang na loob napapala sa iyo. At ika Magda, hangga’t hindi mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal s iyong mga magiging anak." At nawala na ang diwata pagkawika niyon.

At ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa daigdig. At sa dami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga tauhan.At sa hanggang ngayon nga ay pinapatunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa kanilang mga amo.

ALAMAT NG SAMPAGUITA

Magandang babae, maraming katangiang kaibig-ibig at mabutinganak. Iyan si Aniway, isa sa mga dalagang ipinagmamalaki ng kanilangtribu. Pihikan sa pag-ibig ang dalaga kaya wala pang nobyo. Isa lang anglagi niyang dinadasal. Na sana ay makatagpo siya ng karapat-dapat nalalaki na magmamay-ari ng kanyang puso.Mula sa malayong tribu ang binatang si Maru. Nang Makita ng binatasi Aniwa ay hindi na tinigilan ng panliligaw. Inamin ni Aniway na kaiba samga lalaking nanligaw sa kanya, malapit agad ang loob niya kay Maru.Makaraan ang kulang isang taon ay tingggap niya ang pag-ibig ng binata.Maligayang-maligaya si Aniway lalo nang sabihin ni Maru na uuwi itosa kanilang tribu para sunduin ang mga magulang. Ibig na raw kasi nito namagpakasal sila. Ipinangako ng binata na babalik sa susunod na pagbilogng buwan.Subalit lumipas na ang dalawang pagsikat at paglubog ng buwan, nianino ni Maru ay hindi na nakita ni Aniway. Ang masama ay ginamit ng isasa mga karibal ni Maru ang sitwasyon para siraan ang binata. Ikinalat nitona nag-asawa ng iba si Maru at hindi na babalik kay Aniway.Inakalang totoo ang kumalat na balita, sa labis na sama ng loob atkahihiyan ay nagkasakit ng malubha si Aniway. Bago namatay ay walasiyang nausal kundi ³Isinusumpa kita!... sumpa kita!´ Ang mga salitang ³Isinusumpa kita!... sumpa kita!´ ang tangingnaiwan ni Aniway kay Maru, na dinapuan ng sakit kaya hindi agadnakabalik.Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha niMaru ang puntod ni Aniway. Hindi matanggap ni Maru na namatay angdalaga na masama ang loob sa kanya.Ilng lingo makaraan ay may tumubong halaman sa libingan ni Aniway. Nang mamulaklak iyon ay ubod ng bango. Tinawag iyong

Sumpa kita, ang huling salitang binigkas ni Aniway bago sumakabilang buhay. Ang

sumpa kita ay nagging sampaguita.

Alamat ng Gumamela

Page 11: Ang Alamat Ng Kasoy

Nag-tataka ba kayo kung bakit walang halimuyak ang gumamela? “Ang Alamat ng Gumamela” ay kwento tungkol sa pangyayari kung bakit nga ba walang halimuyak ang gumamela. Kahit makulay ang gumamela at napaka-ganda ng itsura nito, nasasayang dahil wala siyang halimuyak.Noong unang panahon lahat ng bulaklak ay hinihintay ang pag-dating ng diwata ng hardin. Siya kasi ang nag-bibigay halimuyak sa bawat bulaklak. Isa sina Rosas, Sampaguita at Gumamela sa mga bulaklak na sabik sa pagdating ng diwata ng hardin. Panahon na kasi para sila ay makatanggap ng halimuyak. Nung gabi bago ang araw ng pagtanggap nila ng halimuyak nagdidiwang ang tatlo. Unang natulog si Sampaguita dahil gusto niyang maagang magising kinabukasan. Ngunit, nag-paiwan sina Rosas at Gumamela dahil gusto pa nilang magsaya. Sumunod nang natulog si Rosas. Inaya niya si Gumamela upang matulog na ngunit ayaw pa niyang matulog dahilgusto pa niyang magsaya. Kinabukasan, na-unang magising si Sampaguita at marami siyang nakuhang halimuyak na isinaboy ng diwata ng hardin. Muntikan nang mahuli si Rosas dahil tanghali na siyang nagising. Ang pinaka hindi pinalad ng araw na iyon ay si Gumamela. Hindi niya naabutan ang pagsaboy ng halimuyak ng diwata ng hardin. Kaya mula noon ang bulaklak ng sampaguita ng pinaka mabangong bulaklak sumunod ang rosas. Pero walang halimuyak ang gumamela.

Kung natulog lang ng maaga si gumamela sana’y naamoy natin ngayon ang kanyang halimuyak. Bilang bata may mga pagkakataong maari ninyong ipakita ang inyong galing ngunit dahil sa pagpapabaya ay nawawala sa inyo ang pagkakataong iyon. Sana’y magbigay aral sa inyo ang kwentong ito at magamit hanggang sa pagtanda nyo.

Ang Alamat ng Manika

Sa isang malayong nayon ay may nakatirang mag-asawa, sina Aling Dolores at Mang Doding. Simple lamang ang kanilang pamumuhay. Isang magsasaka si Mang Doding at isang simpleng may bahay lamang si Aling Dolores. Sila ay biniyayaan ng isang anak – si Anika. Dahil sa nag-iisang anak, lahat ng layaw nito ay nasusunod at likas dito ang pagiging malikot. Ngunit isang bagay ang hindi nito makuha – ang makapunta ng hardin sa likuran ng kanilang bahay dahil mahigpit itong ipinagbabawal ng kanyang ina.

Kapag tapos ng gawin ni Aling Dolores ang mga gawaing bahay, at nakikitang magaalastres na ay kaagad itong nagpupunta sa kanilang hardin. Minana niya pa ito mula sa kanyang lola. Nang mamatay ang kanyang ina ay nangako siyang aalagaan nito ang hardin ng mabuti.

Nahihiwagaan si Anika sa hardin kung bakit hindi siya pinapasama ng kanyang ina. Maraming katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan. Ni minsan ay hindi niya pa nakita ang hardin. Napapalibutan ito ng matataas na bakod. Alam niyang ito’y napakaganda dahil sa labas pa lamang ay amoy niya na ang mababangong samyo ng mga bulaklak at mga huni ng iba’t ibang ibon.

Page 12: Ang Alamat Ng Kasoy

Isang araw nagpunta si Aling Dolores sa bayan upang mamalengke.

“Anika, dito ka lang. Huwag kang lalabas hanggang hindi dumarating ang tatay mo galing palayan. Tandaan mo huwag kang magpupunta sa hardin.” paalala ni Aling Dolores.

“Opo ‘nay.” Sagot ni Anika.

“Ito na ang pagkakataon kung makapunta ng hardin. Alam kong mamaya pa darating si tatay at gagabihin naman ng uwi si nanay. Sa wakas makikita ko na ang hardin.” Wika ni Anika sa sarili.Kinuha niya ang susi ng hardin sa kuwarto ni Aling Dolores. Minsan kasi ay nakita niya itong kinuha sa isang baol. Madaling natuntun ni Anika ang susi at nagmadaling magputa ito sa hardin. Kinakabahan siya, magkahalo ang kaba at tuwa na kanyang nararamdaman. Wala siyang pakialam kung malaman man ito ng kanyang ina ang importante ay makita niya na ang hardin.Dahandahan niyang binuksan ang pintuan ng bakod. Namangha siya sa kanyang nakita.

“Bakit ganito? Bakit walang laman ang hardin? Walang mga bulaklak at halaman. Isa lamang itong bakanteng lote.” Wika nito sa sarili.

Pinagmasdan niya ang buong kapaligiran, napakaraming pintuan. Naglakadlakad ito hanggang sa nabagot na siya. Dahil sa wala siyang nakita ay naisipan niyang umuwi. Ngunit hindi niya na matandaan ang pintuan kung saan siya pumasok. Lahat ng pintuan ay magkakatulad, nilolomot at punong-puno ng mga ugat ng mga halaman.

“Kailangan kong magmadaling umuwi dahil magaalas-tres na ng hapon at uuwi na si Itay.”

Isaisa niyang binuksan ang mga pintuan ngunit wala siyang nakikita kung hindi kawalan. Puno ng usok ang mga ito sa tuwing kanyang bubuksan.

“Ding..Dong..Din..Dong..” narinig ni Anika ang tunog ng kampana na hudyat na ikatlo na ng hapon.

Nang humarap ulit siya sa hardin ay iba na ang kanyang nakita. Ang kaninang bakanteng hardin ay punong-puno na ng mga naggagandahang halaman. Ang lahat ng kaba niya at pagtataka ay bigla na lamang nawala na parang bula. Napakaganda nga ito kagaya ng iniisip niya. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Iba-iba ang kulay bughaw,pula,dilaw,lila at marami pang iba. Naamoy niya ang halimuyak mga rosas, Dama de Noche, mga orkidyas at iba pa. Nakikita niya ring nagliliparan ang mga ibon.

“Kaya pala gustung-gusto ni Inay na magpunta dito kasi maganda talaga dito.” Wika uli nito sa sarili.

Isang napakagandang paruparo ang umagaw sa kanyang atensyon.

Page 13: Ang Alamat Ng Kasoy

Ang kulay nito ay parang bahaghari. Matingkad na matingkad at kumikislap-kislap ang mga pakpak nito. Sa tuwing lilipad ito ay may mga maiiwang mga gintong alikabok.

“Halika maglaro tayo. Habulin mo ako.” Anyaya ng paruparo.

Sinundan niya ang paruparo kahit saan ito magpunta. Kapag hindi niya makita ay nagbabato ito ng buhangin sa mga halaman at bulaklak. Lalabas naman ang paruparo dahil natatamaan ito. Hindi siya sumuko hanggang hindi niya ito nahuhuli.

“Sa wakas nahuli din kita!” bulalas ni Anika.

Isinilid niya ito sa isang lata na nakita niya sa pintuan ng hardin. Pinaglarularuan niya ito, tinapik-tapik ang mga pakpak at ang mga mata nito ay tinutusok-tusok niya ng tuyong sanga ng isang halaman.

“Aray! Nasasaktan ako.” Pagrereklamo ng paruparo.Sobrang tuwa ang kanyang nararamdaman kaya hindi niya na inintindi ang mga sinasabi ng paruparo. Sa bawat pagtapik nito sa paruparo ay mayroong munting bagay na kulay ginto na naiiwan sa kanyang mga palad. Sa bandang huli ay napatay niya ito.Naghanap ulit siya ng makakalaro nakita niya naman ang isang tutubi. Meron itong mga pakpak na

katulad sa paruparo ngunit ito ay kulay puti, meron din itong parang gintong isinasaboy tuwing lilipad o dadapo sa mga halaman o bulaklak. Hinuli niya din ito. Pinaglaruan, at ng nagsawa ay tinalian ng mga ugat ng halaman, pinutulan ng mga pakpak at kanyang puwetan. Kagaya sa paruparo namatay din ito.

Ganoon din ang sinapit ng mga bubuyog, langgam, mga bulaklak at halaman sa hardin, pinapatay niya kapag nagsasawa na.

Habang pinaglalaruan ang isang bulaklak ay natawag ang kanyang pansin ng isang halaman sa gitna ng hardin. Ginto ang kulay ng puno at mga dahon nito.

“Halika dito Anika.” Pagtawag sa kanya ng halaman.

“Ang ganda mo naman puwede ba tayong maglaro?” wika ni Anika.

“Aba,oo naman.” Pagsang-ayon ng halaman.

“Ano naman ang ating lalaruin?” pagtatanong ni Anika.

“Walang galawan. Kapag ako ang unang gumalaw, lahat ng hilingin mo ay ibibigay ko. Kapag ikaw, ikaw ay aking gagawing laruan.” Ang sagot ng misteryosang halaman.

Page 14: Ang Alamat Ng Kasoy

“Sige, sang-ayon ako diyan.” Wika ni Anika na hindi man lamang inisip ang kondisyon dahil sabik na itong maglaro.

“Isa, dalawa, tatlo, simulan na!” Sigaw ng halaman na hudyat na magsisimula na sila.

Hindi pa nga lumilipas ang limang minuto ay gumalaw na si Anika.

“Hahahahahaha. Sa wakas ay may magkakasama na ako. Pinatay mo na kasi lahat ng kaibigan ko dito.” Malakas na tawa ng halaman.

Hanggang sa naramdaman niyang lumiliit siya. Humingi siya ng tulong ngunit wala sa kanyang nakakarinig. Ginusto man niyang makatayo ay hindi niya magawa. Naninigas ang buo niyang katawan.

“Ganyan ang nangyayari sa mga batang walang pagpapahalaga sa mga bagay at akala lahat ay laruan lamang. Hindi man lamang isinasaisip ang pagpapahalaga sa mga ito.” Wika uli ng halaman.

Sa kabilang dako naman ay nag-aalala na ang kanyang mga magulang. Labis ang pag-aalala nila kay Anika.

“Doring! Doring! Wala na si Anika! Nagpunta siya sa hardin. Sabi ko na sa kanya huwag siyang magpunta sa doon. Ano ba ang pumasok sa isip ng batang iyon. Wala naming espesyal sa hardin. Simpleng hardin lamang ito kagaya ng sa iba!” Nanlulumong saad ni Aling Dolores kay Mang Doring ng makitang wala ang susi sa pinagtaguan nito.

“Wala na tayong magagawa kung hindi ang magdasal na sana ay walang nangyaring masama sa kanya.” Nalulungkot na tugon ni Mang Doring.

Kinabukasan ay nagtungo agad ang mag-asawa sa hardin. Nakita nila ang isang napakaliit na tao ngunit walang buhay. Ito ay yari sa kahoy, mga sanga at mga buto ng halaman. Suot nito ang damit ni Anika.

Labis nilang kinalungkot ang nangyari sa kanilang anak. Ngunit wala ng nagawa ang mag-asawa. Dinala nila ang laruang babae na walang buhay at pinangalanang Anika.Napag-alaman na ang halaman pala ang Diwatang ng Kapaligiran na siyang tagapangalaga sa may mga buhay at ito’y napadaan lamang sa hardin sa oras na si Anika ay pumasok dito. Lubos itong nagagalit kung may nang-aalipusta sa kalikasan.

Ng lumaon dahil sa pagkakasalin-salin sa mga salita ang pangalang Anika ay naging manika.

Mga Bugtong at Sagot

Page 15: Ang Alamat Ng Kasoy

Hindi hayop hindi tao,

nagsusuot ng sumbrero.

Sagot: Sabitan Ng Sumbrero

Naligo si Adan,

hindi nabasa ang tiyan.

Sagot: Sahig

Hindi Linggo,

hindi piyesta,

naglawit ang bandera.

Sagot: Dahon ng saging

Bulaklak muna ang dapat gawin,

bago mo ito kanin.

Sagot: Saging

Sapagkat lahat na ay nakahihipo;

walang kasindumi't walang kasimbaho;

bakit mahal nati't ipinakatatago.

Sagot: Salapi (pera)

Bagama't nakatakip,

ay naisisilip.

Sagot: Salamin ng mata

Aling mabuting retrato

ang kuhang-kuha sa mukha mo?

Sagot: Salamin (mirror)

Buto't balat, lumilipad.

Sagot: Saranggola

Hindi naman hari, hindi naman pare,

nagsusuot ng sarisari.

Sagot: Sampayan

Sinampal ko muna

bago inalok.

Sagot: Sampalok

Mga Kasabihan at Salawikain

Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing Tagalog

Filipino Proverbs

Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong magbigay payo

at patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ang mga

kasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog ay isinasaad sa mga

maiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahulugan

Page 16: Ang Alamat Ng Kasoy

at makabuluhan. Eto ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasan

ng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating

pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.

Heto ang ilan sa ating mga kasabihan at salawikain, kasama ang

maiksing pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng mga eto:

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas

na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang

magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa

pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging

dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.

Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa

ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.

Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang

gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa

mo ay tutulungan ka rin nila.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.

Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-

uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-

Page 17: Ang Alamat Ng Kasoy

uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay

karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi

talagang nakalaan para sa iyo.

Kung may isinuksok, may dudukutin.

Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang

makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.

Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali.

At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may sala.

Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.

Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga

bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga

magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga

pagkukulang ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo

nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa

ng kuwento sa ibang tao.

Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.

Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin

ang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Page 18: Ang Alamat Ng Kasoy

Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng

maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay

hahantong din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagang

nakalaan para sa isa't-isa.

Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.

Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat

magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan.

Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa sa atin.