3
ANG ASO AT ANG UWAK May ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw. Tinangay niya ito at lumipad nang malayo. Sa dulo ng sanga ng isang puno, sinimulan niyang kainin ang karne. Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabi: “Sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!” Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso. Ngayon alam na natin na ang papuri ay maaaring uri ng panloloko rin. ANG ASO AT ANG KANYANG ANINO Naglalakad ang aso sa kahabaan ng kalsada ng may maaninag siyang nakaumbok sa lupa. Agad niya itong nilapitan at natuwa siya ng makitang isang malaking buto ang nakatusok sa lupa. Dali-dali niya itong hinukay at kinagat. Tuwang-tuwa siyang naglakad pauwi bitbit ang buto sa kanyang bibig. Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa isang tulay upang makauwi ng mas mabilis, sa ilalim ng tulay ay ang ilog, habang naglalakad ay napagawi ang tingin niya sa ilog at nagulat siya sa repleksyong nakita niya. Isang malaking aso na may bitbit na malaking buto ang kanyang nakita, sa pag-aakalang ibang aso ito, tinahulan niya ito ng tinahulan, upang ito’y matakot at ibigay sa kanya ang buto. Kakatahol, nabitawan niya ang bitbit na buto at nalaglag pa siya sa ilog. Umuwi siyang basang-basa at ang buto namang dapat ay dala niya ay naanod sa ilog. END Aral: Huwag maging ganid bagkus ay makuntento ka sa kung anong meron ka. ANG ALITAPTAP AT ANG PARU-PARO Isang araw habang naghahanap ng nectar ang Paru-paro ay may batang nanghuli sa kanya at siya’y pinaglaruan. Iniwan siya nitong nakabaligtad at panay ang kawag sa lupa. Sumigaw si Paru-paro upang humingi ng tulong, narinig siya ng kaibigang Langgam ngunit dahil madami itong gawain ay iniwan siya nito. Makalipas ang ilang oras ay dumating ang kaibigan niyang gagamba ngunit hindi rin siya nito tinulungan sapagkat ayon dito ay aayusin pa nito ang bahay nito. Malapit nang gumabi ngunit nanatili pa ding nakabaligtad ang Paru-paro. Pagod at gutom ang nararamdaman nang Paru-paro. Pinanghihinaan siyang may mga kapwa insekto pang makakita sa kanya lalo na’t magdidilim na. Hanggang sa maya-maya ay may naaninag siyang munting ilaw na papalapit sa kanya. “Anong nangyari sa’yo Paru-paro?” tanong ng Alitaptap. “Ikaw pala Alitaptap, kaninang umaga ay nangunguha ako ng nectar ng may batang lumapit at pinaglaruan ako.” “Ganun ba? Hayaan mo at tutulungan kita.” Sabi ng Alitaptap. “Maraming Salamat , Alitaptap.” Tinulungan nga ng Alitaptap ang Paru-paro at dahil doon ay nakalipad na ang Paru-paro at umuwi sa kanyang tahanang bulaklak. END Aral: Sa oras ng kagipitan ay nakikilala natin kung sino ang ating mga tunay na kaibigan. ANG AGILA AT ANG MAYA Isang araw ay nakasalubong ni Maya ang mayabang na Agila habang ipinagmamalaki nito ang bilis di umano nito sa paglipad, dahil nayabangan si Maya, naisip niyang yayaing makipagdwelo sa Agila.

ANG ASO AT ANG UWAK

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ANG ASO AT ANG UWAK

Citation preview

Page 1: ANG ASO AT ANG UWAK

ANG ASO AT ANG UWAK

May ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw. Tinangay niya ito at lumipad nang malayo.Sa dulo ng sanga ng isang puno, sinimulan niyang kainin ang karne.Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabi: “Sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak.Ang nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso.Ngayon alam na natin na ang papuri ay maaaring uri ng panloloko rin.

ANG ASO AT ANG KANYANG ANINONaglalakad ang aso sa kahabaan ng kalsada ng may maaninag siyang nakaumbok sa lupa. Agad niya itong nilapitan at natuwa siya ng makitang isang malaking buto ang nakatusok sa lupa. Dali-dali niya itong hinukay at kinagat. Tuwang-tuwa siyang naglakad pauwi bitbit ang buto sa kanyang bibig. Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa isang tulay upang makauwi ng mas mabilis, sa ilalim ng tulay ay ang ilog, habang naglalakad ay napagawi ang tingin niya sa ilog at nagulat siya sa repleksyong nakita niya. Isang malaking aso na may bitbit na malaking buto ang kanyang nakita, sa pag-aakalang ibang aso ito, tinahulan niya ito ng tinahulan, upang ito’y matakot at ibigay sa kanya ang buto. Kakatahol, nabitawan niya ang bitbit na buto at nalaglag pa siya sa ilog. Umuwi siyang basang-basa at ang buto namang dapat ay dala niya ay naanod sa ilog.

ENDAral: Huwag maging ganid bagkus ay makuntento ka sa kung anong meron ka.

ANG ALITAPTAP AT ANG PARU-PAROIsang araw habang naghahanap ng nectar ang Paru-paro ay may batang nanghuli sa kanya at siya’y pinaglaruan. Iniwan siya nitong nakabaligtad at panay ang kawag sa lupa.Sumigaw si Paru-paro upang humingi ng tulong, narinig siya ng kaibigang Langgam ngunit dahil madami itong gawain ay iniwan siya nito. Makalipas ang ilang oras ay dumating ang kaibigan niyang gagamba ngunit hindi rin siya nito tinulungan sapagkat ayon dito ay aayusin pa nito ang bahay nito.Malapit nang gumabi ngunit nanatili pa ding nakabaligtad ang Paru-paro. Pagod at gutom ang nararamdaman nang Paru-paro. Pinanghihinaan siyang may mga kapwa insekto pang makakita sa kanya lalo na’t magdidilim na. Hanggang sa maya-maya ay may naaninag siyang munting ilaw na papalapit sa kanya.“Anong nangyari sa’yo Paru-paro?” tanong ng Alitaptap.“Ikaw pala Alitaptap, kaninang umaga ay nangunguha ako ng nectar ng may batang lumapit at pinaglaruan ako.”“Ganun ba? Hayaan mo at tutulungan kita.” Sabi ng Alitaptap.“Maraming Salamat , Alitaptap.”Tinulungan nga ng Alitaptap ang Paru-paro at dahil doon ay nakalipad na ang Paru-paro at umuwi sa kanyang tahanang bulaklak.

ENDAral: Sa oras ng kagipitan ay nakikilala natin kung sino ang ating mga tunay na kaibigan.

ANG AGILA AT ANG MAYAIsang araw ay nakasalubong ni Maya ang mayabang na Agila habang ipinagmamalaki nito ang bilis di umano nito sa paglipad, dahil nayabangan si Maya, naisip niyang yayaing makipagdwelo sa Agila.Makulimlim ang kalangitan at tiyak niyang uulan mamaya-maya kung kaya’t nakaisip ng magandang ideya ang Maya. “Agila, akin kitang hinahamon sa pabilisang lumipad.”“Niloloko mo ba munting Maya? Ako? Ang Agila? Ay hinahamon sa isang dwelo?” anang Agila na sinundan ng mapanglait na tawa.“Oo, magaling na Agila. Tama ka. Hinahamon kita. Paunahang makarating sa bundok na iyon! Ngunit lilipad tayong may bitbit, mamili ka, asin o bulak?”“May bitbit?” Napaisip ang Agila, kung ang bulak ang dadalhin niya ay tiyak na mananalo siya dahil ito’y magaan hindi gaya ng asin na ubod ng bigat. “Akin ang bulak!”bulalas ng Agila.Lihim na napangiti ang Maya sa desisyon ng Agila. “Magaling, Bulak ang iyo, Asin ang akin. Tayo nang mag-umpisa!”Sa pag-uumpisa ng karera ay talaga namang hirap na hirap ang munting Maya sa paglipad lalo na at kay bigat nang dala niyang asin. Tuwang-tuwa naman ang Agila dahil alam nyang siya na ang mananalo.“Ano ba naman kasi ang nasa isip ng Maya na iyon? Nagawa pa kong hamunin e alam naman ng lahat na mabilis talaga akong lumipad. Kaawa-awang Maya. Ako na naman ang mananalo!”Sa kalagitnaan ng karera ay nag-umpisa nang bumuhos ang ulan, sa pagpatak nito ay siya namang tuwa ng Maya. Unti-unting gumaan ang dalahin ng Maya dahil unti-unting natunaw ang Asin na dala-dala niya. Kabaligtaran naman nang kay Agila na mas bumigat ang dalahing bulak dahil nabasa ito ng tubig. Dahil sa paggaan ng dala ni Maya ay unti-unti siyang nakabawi sa karera

Page 2: ANG ASO AT ANG UWAK

at kalaunan ay nanguna sa dwelo. Lumong-lumo ang Agila ng makarating sa bundok, mabigat man sa loob ay tinanggap niya ang kanyang pagkatalo.

ENDAral: Huwag maging mayabang sa ating kapwa bagkus ay maging mapagkumbaba. Huwag mangmaliit ng kakayahan ng iyong

kapwa.

ANG MADALDAL NA PAGONGIsang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita ang magkakaibigan sa sapa, Sina Inang gansa, Amang gansa at Madaldal na pagong. Sila’y nagkwentuhan ng kung anu-anong bagay hanggang sa magpaalam ang dalawang gansa na sila’y uuwi na.Naisipan ng Pagong na nais niyang sumama sa tahanan ng mga gansa. “Bakit hindi ninyo ako isama sa inyong tahanan? Nais kong sumama!”“Ngunit wala kang pakpak Pagong. Paano ka makakalipad papunta sa aming tahanan?” sabi ni Inang Gansa.Nag-isip ang tatlo ng paraan kung paano makakasama si Madaldal na Pagong.“Alam ko na!” sabi ni Amang Pagong. “Kukuha tayo ng kahoy na maari nating kagating tatlo. Kakagatin namin ni Inang gansa ang magkabilang dulo at ikaw ay kakagat sa bandang gitna at sabay kaming lilipad. Sa ganoong paraan ay makapupunta ka sa aming tahanan. Ngunit lagi mong tatandaan, huwag na huwag kang magsasalita kundi ika’y mahuhulog sa lupa.”“Pangako, tatandaan ko!” anang Pagong.Napangiti si Pagong sa ideya at dali-daling humanap ng kahoy. Maya-maya pa ay lumipad na ang dalawang gansa bitbit ang madaldal na Pagong.Labis na natuwa ang Pagong dahil sa bagong tanawin na kanyang nakikita.. Maya-maya ay nagtumpukan ang mga bata sa ibaba at sinisigaw ang kanilang pagkamangha sa nakikita.“Ang galing ng Pagong! Siya’y lumilipad! Ang galing!” sigaw ng mga bata.Labis na natuwa ang Pagong at naisipan niyang magyabang sa mga bata.“Ako ang Dakilang Pago—“Hindi na naituloy ng pagong ang kanyang sasabihin dahil nahulog siya mula sa pagkakakagat sa kahoy. Lumagpak siya sa lupa at sising-sisi,dahil sa pagmamayabang ay nahulog siya at di nakasama sa mag-asawang gansa.

ENDAral: Ang Pangako ay dapat tinutupad. Kahit na anong tagumpay mo, kung paiiralin mo ang kayabangan ay wala kang

mararatingANG DAGA AT ANG LEONAng daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalainang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga.Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

Mga aral ng pabula:Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan.