20
52 Yunit 3: Ang Aking Paaralan Panimula: Sa yunit na ito masasabi ng mga mag-aaral na ang paaralan ang isa sa mga pangunahing grupong kinabibilangan niya. Masasabi nila na ang bawat kasapi ng paaralan ay nagtutulungan upang mahubog ang kaisipan at kakayahan ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, mabibigyang-halaga ng bawat mag-aaral ang kapaligiran ng kanilang paaralan na nagsisilbing pangalawang tahanan nila. Mapahahalagan din sa yunit na ito ang kakayahan ng mag-aaral na matukoy at makasunod sa iba’t ibang alituntunin ng paaralan para sa pagpapanatili ng kaayusan at masayang pagsasamahan ng mga kasapi isa sa mga unang hakbang sa paghubog ng isang mabuting mamamayan. Mauunawaan ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sa pamamagitan ng paghahambing ng kasalukuyan at dating kalagayan ng paaralan. Sa huli, mapahahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang pag- aaral at ang papel na ginagampanan ng kanilang paaralan sa pagpapaunlad ng kanilang kaalaman at kasanayan. Mga Tema: Nakapaloob sa mga aralin sa Yunit 3 ang mga sumusunod na tema: 1. Tao, Kapaligiran, at Lipunan 2. Panahon, pagpapatuloy at pagbabago 3. Kultura at pagkakakilanlan Mga Layunin: Matapos ang pag-aaral ng Yunit 3 gamit ang modyul na ito, inaasahang magagawa ng iyong mga mag-aaral ang mga sumusunod: 1. naipakikilala ang paaralan 2. nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng paaralan 3. nasasabi ang mabuting nagagawa ng paaralan para sa kanila 4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy batay sa kwento ng paaralan 5. nasasabi ang mga dapat gawin ng isang mag-aaral 6. nakatutupad sa mga alituntunin ng silid-aralan 7. napahahalagahan ang kanilang paaralan Mga Kasanayang Malilinang: Komunikasyon: Pagbabahahagi ng impormasyon Pagsasalaysay Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay Pakikipanayam Pagsusulat/ pagbubuo ng liham Pagsusulat ng impormasyon sa tsart Mapanuring pag-iisip: Pagsusuri

Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

52

Yunit 3: Ang Aking Paaralan

Panimula:

Sa yunit na ito masasabi ng mga mag-aaral na ang paaralan ang isa

sa mga pangunahing grupong kinabibilangan niya. Masasabi nila na ang

bawat kasapi ng paaralan ay nagtutulungan upang mahubog ang kaisipan

at kakayahan ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, mabibigyang-halaga ng

bawat mag-aaral ang kapaligiran ng kanilang paaralan na nagsisilbing

pangalawang tahanan nila.

Mapahahalagan din sa yunit na ito ang kakayahan ng mag-aaral na

matukoy at makasunod sa iba’t ibang alituntunin ng paaralan para sa

pagpapanatili ng kaayusan at masayang pagsasamahan ng mga kasapi—

isa sa mga unang hakbang sa paghubog ng isang mabuting mamamayan.

Mauunawaan ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sa

pamamagitan ng paghahambing ng kasalukuyan at dating kalagayan ng

paaralan.

Sa huli, mapahahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang pag-

aaral at ang papel na ginagampanan ng kanilang paaralan sa

pagpapaunlad ng kanilang kaalaman at kasanayan.

Mga Tema:

Nakapaloob sa mga aralin sa Yunit 3 ang mga sumusunod na tema:

1. Tao, Kapaligiran, at Lipunan

2. Panahon, pagpapatuloy at pagbabago

3. Kultura at pagkakakilanlan

Mga Layunin:

Matapos ang pag-aaral ng Yunit 3 gamit ang modyul na ito,

inaasahang magagawa ng iyong mga mag-aaral ang mga sumusunod:

1. naipakikilala ang paaralan

2. nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng paaralan

3. nasasabi ang mabuting nagagawa ng paaralan para sa kanila

4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy batay sa

kwento ng paaralan

5. nasasabi ang mga dapat gawin ng isang mag-aaral

6. nakatutupad sa mga alituntunin ng silid-aralan

7. napahahalagahan ang kanilang paaralan

Mga Kasanayang Malilinang:

Komunikasyon: Pagbabahahagi ng impormasyon

Pagsasalaysay

Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay

Pakikipanayam

Pagsusulat/ pagbubuo ng liham

Pagsusulat ng impormasyon sa tsart

Mapanuring pag-iisip: Pagsusuri

Page 2: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

53

Paghahambing

Pagbubuo ng timeline

Pagbubuo ng graphic organizer

Pagpapangkat ng mga impormasyon

Pagsusuri ng mga larawan

Pagbubuo ng hinuha

Malikhaing pag-iisip: Pagguhit

Pagpapahalaga

Pagkilala sa mahalagang bahaging

ginagampanan ng paaralan sa sariling buhay

Paggalang sa paniniwala at damdamin ng

kapwa

Pakikiisa sa mga pangkatang gawain

Pagtapos sa gawain sa takdang oras

Paglahok: Paglalaro

Pagbabasa/pagbibigkas ng tula

Pag-awit

Pakikilahok sa talakayan

Iminumungkahing Oras na Ilalaan upang Matapos ang Yunit 3:

50 sesyon (30 minuto bawat isang sesyon)

Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking Kinabibilangan

Panimula:

Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa aking Paaralan

Pag-isipan:

Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyon ang masasabi ng

mga mag-aaral tungkol sa kanilang paaralan?

Gawain 1

Anyayahan ang punong-guro ng inyong paaralan na maging

tagapagsalita sa inyong klase. Hilingin na magbahagi siya ng tungkol sa mga

batayang impormasyon ng inyong paaralan.

Page 3: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

54

Paalalahanan ang iyong mga mag-aaral na makinig nang mabuti at

maging magalang sa pakikipag-usap sa punong-guro. Gabayan sila sa

pagtatanong ng mga sumusunod:

1. Ano ang pangalan ng ating paaralan?

2. Bakit ito ang pangalan ng ating paaralan?

3. Kailan itinayo ang ating paaralan?

4. Saan ito matatagpuan?

5. Sino-sino ang mga taong bumubuo sa ating paaralan?

Gawain 2

Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan sa kanilang

kwaderno o sa isang malinis na papel. Sabihin sa kanila na gawing makulay

ang larawang iguguhit.

Matapos iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang paaralan, maaari

ring hikayatin sila na ibahagi sa klase ang kanilang gawa. Ipalarawan din sa

kanila ang kanilang iginuhit batay sa pisikal na anyo nito tulad ng lawak ng

paaralan, dami ng silid-aralan, bilang ng palapag, at iba pa.

Gawain 3

Ipabuo sa mga mag-aaral ang graphic organizer na makikita sa

ibaba upang maipakita ang mga batayang impormasyon tungkol sa

kanilang paaralan. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno o isang buong papel.

Matapos ang pagbuo ng graphic organizer, itanong sa mga mag-

aaral ang sumusunod:

a. Sa kasalukuyan, Ilang taon na ang ating paaralan?

b. Sa inyong obserbasyon, ano-ano ang bahaging ginagampanan ng

mga taong bumubuo sa ating paaralan?

Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.

Tandaan: Mahalagang makilala mo ang paaralang iyong

pinapasukan. Ito ang nagsisilbing iyong ikalawang tahanan.

Page 4: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

55

Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa Aking Buhay

Pag-isipan:

Ano ang mabuting nagagawa ng paaralan sa mga mag-aaral?

Gawain 1

Basahin ang kwentong pinamagatang “Celia Studious and Conrad

Cat” na isinulat ni Regina S. Fernandez. Maaari itong isalin sa wikang

sinasalita ng mga mag-aaral upang maging mas madali ang kanilang pag-

unawa sa kuwento. TRANSLATE TO FILIPINO

▬▬▬☺▬▬▬ Celia Studious and Conrad Cat

Every morning, Conrad Cat watched Celia Studious

walk to school. He listened to the tok!-tok!-tok! of her

black shoes on the street.

He smelled the pandesal and grape juice in her

lunchbox. He watched her red backpack bobbing

behind her.

The backpack looked as if it were full of books to read. Celia Studious

looked as if all she did was study.

“Doesn’t Celia Studious ever have fun?” Conrad wondered.

One morning, he decided that she should.

Celia Studious walked to school, just like she did each morning.

On Red Street, Conrad joined her. He walked right next to her.

“Hello,” Conrad said. “Would you like to join me today? Would you like to join

me and play?

I will play sipa until sunset. I will kick this pompom way up high. I will kick it up

one hundred times until it reaches the sky!”

“Playing sipa sounds like fun!”Celia Studious said. “It is nice of you to ask me

but I am on my way to school.”

And Celia Studious walked ahead.

On Yellow Street, Conrad joined her. From a mango tree branch, he swung

right in front of her.

“Hello again!” Conrad said. “Would you like to join me today? Would you like

to join me and play?

I will play my guitar until sunset; I will sing songs and dance to their time. You

can play the drums with your lunchbox, a fork, and a spoon.”

“Singing songs sounds like fun!” Celia Studious said. “It is nice of you to ask me,

but I am on my way to school.”

And Celia Studious walked ahead.

On Blue Street, Conrad joined her. He rode a circus bicycle around her.

“What a marvelous surprise to meet you once again!” Conrad said.

“You really must join me today! You really must join me and play!”

Page 5: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

56

Matapos basahin ang kwento, itanong sa mga mag-aaral ang

sumusunod:

a. Saan pumupunta si Celia araw-araw?

b. Ano-ano ang mga ginawa ni Conrad para hikayatin si Celia na

huwag nang pumasok sa paaralan?

c. Bakit hindi nahihikayat ni Conrad si Celia na lumiban sa pagpasok sa

paaralan?

d. Ano ang natuklasan ni Conrad sa paaralan ni Celia?

e. Ano-ano ang mga masasayang karanasan ni Celia sa kaniyang

paaralan?

f. Ano kaya ang naramdaman ni Conrad noong siya ay napasama sa

paaralan ni Celia? Bakit ito ang kaniyang naramdaman?

g. Kung ikaw si Conrad, sasama ka pa ba kay Celia sa paaralan? Bakit?

“I will play the part of a king; You can be the queen who is taking a nap. I will

save you from a make-believe dragon, we will bow, and the audience will

clap! After the show, we will go on a picnic. We will sit on a red-yellow-blue-

and-green blanket; we will eat puto, pancit, and hotdogs-on-sticks! Then we

will chase dragonflies until sunset!”

“Having a picnic and playing king and queen sounds like lots of fun!” Celia

Studious said. “But I am very sorry, I cannot join you today. I am going to

school, and must be on my way.”

And Celia Studious walked ahead, leaving Conrad behind.

“That Celia Studious has no fun,” Conrad sighed. Then he looked up and saw

Celia Studious standing before him.

“Hello,” Celia Studious said. “Would you like to join me today? I am on my way

to school. You can help me lead the flag ceremony We will sing the National

Anthem’s first line. We will beat our arms to the music, in 4/4 time.”

“In class, we will sit next to Tembong, we will laugh at his jokes and his funny

faces! We will color our books, and trade crayons with Luz, we’ll trade pencils,

erasers, and places!

“We will cut cardboard shapes of seashells and stars; we will string them

together, and hang them up high!

We will listen to Teacher Bing’s stories of traveling in a magical chair, of

mermaids with electric blue hair, of a frog whose best friend is a fly!”

“When the bell rings, it will be time for recess. We will eat chocolate biscuits

and drink melon juice. We will play habulan and chase dragon flies with

Rosita, Juan, Tembong and Luz!”

Conrad could imagine Celia Studious in school, in a room full of seashells and

stars. It looked grand!

In his mind, he saw Teacher Bing telling stories. He heard Celia laugh with her

friends.

He could see himself laughing with them!

“School sounds wonderful” Conrad said. “It is nice of you to ask me, Celia

Studious! I would love to go to school with you!”

And he did.

▬▬▬☺▬▬▬

Page 6: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

57

Ang Masasayang Karanasan ko sa Paaralan

Gawain 2

Itanong sa mga mag-aaral. Ano-ano ang mga masasayang

karanasan mo sa iyong paaralan?

Papiliin ang mga mag-

aaral ng tatlong masasayang

karanasan nila sa paaralan at

ipaguhit ito sa loob ng mga bilog.

Ipagawa ito sa kanilang kwaderno o

isang buong papel.

Ipabahagi sa klase ang

kanilang mga iginuhit na larawan. Itanong din sa kanila ang mga

sumusunod:

a. Bakit ito ang napili ninyong masasayang karanasan sa paaralan?

b. Sino-sino ang mga kasama ninyo sa mga karanasang ito?

c. Natutuwa ba kayo sa pagpasok sa paaralan araw-araw? Bakit?

Gawain 3

Ipakita sa mga mag-aaral ang tsart na naglalaman ng mga larawan

ng mga ginagawa at natutunan ni Celia sa paaralan. Ipaguhit sa kanila sa

kabilang kahon ang mga ginagawa at natututunan nila sa kanilang

paaralan. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang

kwaderno o sa isang buong papel.

Ang mga ginagawa at natututunan ni

Celia sa paaralan

Ang mga ginagawa at

natututunan ko sa aking

paaralan

Maaari ring ipagawa sa klase ang gawaing tinatawag na think-pair-

share. Matapos iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang mga ginagawa at

natutunan sa klase, hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga iginuhit sa isa

sa kanilang kamag-aral. Bigyan ng sapat na oras ang magkakapareha na

magbahaginan ng kanilang mga ginawa. Sabihin din na ihambing nila ang

kanilang mga iginuhit. Tanungin kung mayroon bang pagkakaiba at

pagkakatulad ang kanilang mga ginawa. Kapag tapos na ang

pagbabahaginan ng dalawang mag-aaral, atasan naman silang ibahagi

ang kanilang mga napag-usapan sa apat pa nilang mga kamag-aral. Ipaulit

Page 7: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

58

ang ginawang paghahambing ng mga iginuhit na larawan sa napili nilang

apat pang kaklase.

Sa huling bahagi ng gawain, gabayan mo ang klase sa pagtalakay

ng kanilang mga ginagawa at natutunan sa paaralan. Itanong ang mga

sumusunod sa mga mag-aaral:

a. Marami ba kayong ginagawa at natutunan sa paaralan?

b. Ano ang naramdaman ninyo matapos ang ginawa ninyong

pagbabahagi ng inyong ginawa sa inyong mga kamag-aral? Bakit ito

ang naramdaman ninyo?

c. Alin sa inyong mga iginuhit ang pinakagusto ninyong gawin at

matutunan? Bakit?

d. Kung mayroon kang kaibigan na katulad ni Conrad Cat na yayayain

kang maglaro kaysa pumasok sa paaralan, ano ang gagawin mo?

Sasama ka ba sa kanya o hindi? Bakit?

Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.

Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan

Panimula:

Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Nagpatuloy sa Aking Paaralan

Pag-isipan:

Ano-ano ang mga bagay na nagbago at nagpatuloy o hindi

nagbago sa paaralan ng mga mag-aaral?

Gawain 1

Hikayatin ang mga mag-aaral na magtanong sa punung-guro o

sinumang tagapagsalita na iyong inanyayahan upang magbahagi tungkol

sa pinagmulan ng inyong paaralan.

Tandaan:

Ang paaralan ay isang lugar kung saan marami kang

makikilalalang mga bagong kaibigan na iyong makakalaro,

makakasama mo sa pagbabasa, pagsusulat, pagguhit at iba pang

mga gawain para matuto. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng

paaralan sa iyong buhay.

Page 8: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

59

Narito ang mga tanong na maaring tanungin mga mag-aaral sa

tagapagsalita:

a. Ano po ba ang hitsura ng aming paaralan noong itinatag ito?

b. Nagbago po ba ang laki o sukat nito?

c. Mas marami po ba ang mga mag-aaral na unang pumasok sa aming

paaralan kung ikukumpara sa bilang ng mga mag-aaral sa aming

paaralan ngayon?

d. May uniporme po ba sila?

e. Ano po ang mga itinuturo ng mga guro?

f. Ano-ano pa po ba ang mga nagbago rito?

Gawain 2

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Atasan ang bawat

pangkat ng mga mag-aaral na punan ng impormasyon ang tsart na

makikita sa ibaba. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang

kwaderno o isang buong papel.

Ngayon Noon

Pangalan ng iyong paaralan Lokasyon ng paaralan Laki o lawak ng paaralan Mga kasapi ng paaralan Bilang ng mga mag-aaral Uniporme ng mga mag-aaral na pumapasok sa

paaralan

Mga itinuturo sa paaralan

Batay sa mga impormasyong nakuha at naisulat ng mga mag-aaral,

tanungin sila kung ano ang mga bagay na nagbago at ang mga bagay na

nagpatuloy o hindi nagbago sa paaralan?

Gawain 3

Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan sa mga kahong

nasa ibaba. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang

kwaderno o sa isang buong papel.

Ang aking paaralan ngayon Ang aking paaralan noon

Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

a. Marami bang bagay ang nagbago sa ating paaralan?

b. Sa iyong palagay, bakit nangyari ang mga pagbabagong ito?

c. Kung papipiliin ka, alin ang mas gusto mo, ang paaralan natin ngayon

o ang paaralan natin noon? Bakit?

Page 9: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

60

Bigyang-diin ang mga kaisipan na nasa loob ng kahon.

Aralin 3: AKO BILANG MAG-AARAL

Panimula:

Aralin 3.1 Ang Aking mga Gawain sa Paaralan

Pag-isipan

Ano-ano ang mga ginagawa ng mga mag-aaral sa paaralan?

Gawain 1

Atasan ang mga bata na pagsunud-sunurin ang mga larawan ng

mga gawain ng mga mag-aaral sa paaralan. Ipasulat ang bilang 1-5 sa

loob ng bilog, 1 ang pinakaunang pangyayari at 5 naman ang pinakahuli.

Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang

buong papel.

A. B. C. D. E.

Tandaan

May mga bagay na nagbabago at may mga bagay na

nagpapatuloy o hindi nagbabago sa iyong paaralan.

Ang mga desiyon o pagpapasya ng mga kasapi ng isang paaralan

ang nagdudulot ng mga pagbabago

o pagpapatuloy.

Page 10: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

61

Maari po ba akong makipaglaro

kay Laya mamaya?

Matapos ang gawain, itanong sa mga mag-aaral ang mga

sumusunod:

a. Nadalian ka ba sa pag-aayos ng pagkakasunod-sunod ng mga

larawan? Bakit?

b. Bakit mahalagang alam mo ang pagkakasunod-sunod ng mga

gawain sa paaralan?

c. Ginagawa mo rin ba ang mga gawaing nasa larawan?

Gawain 2

Magpagawa ng isang timeline na nagpapakita ng mga gawain ng

mag-aaral sa kanilang paaralan sa loob ng isang araw. Ipaguhit ang mga ito

sa loob ng kahon. Sabihin sa mga mag-aaral na kulayan ang kanilang gawa.

Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang

buong papel.

Pabalikan ang timeline na ginawa ng mga mag-aaral sa Gawain 2.

Papiliin sila ng kanilang paboritong gawain na ginagawa sa paaralan at

ipabahagi ito sa kanilang mga kaklase.

Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

a. Mayroon ba kayong kamag-aral na nagsabing paborito rin niya ang

paborito ninyong gawain?

b. Bakit ninyo ito naging paboritong gawain? Ano ang nararamdaman

ninyo sa tuwing ginagawa ninyo ang paborito ninyong gawain sa

paaralan?

Gawain 3

Ipakita sa mga mag-aaral ang

mga larawan na nasa ibaba.

Pakulayan ang mga larawan na

nagpapakita ng iyong mga itinuturo

sa kanila at mga

natututunan nila sa

paaralan.

Ang Aking mga Gawain sa Paaralan sa Loob ng Isang

Araw

Bago

Magsimula

ang Klase

Habang

Nagtuturo ang

Aking Guro

Oras ng

Pagkain o

Recess

Bago Mag-

uwian ang

Klase

Page 11: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

62

Mahal na ____________________,

(Pangalan ng iyong Guro)

Maraming salamat po sa inyong walang-

sawang pagtuturo sa akin. Sa ating pag-aaral sa

klase, natutunan ko pong mag-____________,

mag-________________, at mag-_____________.

Nangangako po akong

________________________________________________

_____________________________.

Lubos na gumagalang,

____________________ (Isulat ang iyong buong pangalan)

Gawain 4

Sabihin sa mga mag-aaral na sumulat ng isang liham-pasasalamat sa

kanilang guro. Maaari silang sumulat ng liham para sa iyo o sa iba pa nilang

guro kung mayroon. Ipaalam sa kanila na maaari rin silang humingi ng tulong

sa kanilang magulang o tagapag-alaga upang punan ang mga patlang sa

kanilang isusulat

na liham.

Bigyang-diin ang mga kaisipang nakatala sa loob ng kahon.

Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa Paaralan

Pag-isipan:

Ano-ano ang mga dapat gawin ng mga bata sa paaralan bilang

mga mag-aaral?

Gawain 1

Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng batang si Len.

Tandaan: Mayroon kang iba’t ibang gawain sa paaralan.

Nakatutulong ang mga ito upang matutunan mong magsulat,

magbilang, magbasa, gumuhit at magkulay ng larawan,

makipagkaibigan at iba pa. Pahalagahan mo ang iyong pag-aaral.

Page 12: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

63

Sabihin sa kanila:“Si Len ay isang mag-aaral sa Baitang 1. Ano-ano sa

palagay mo ang mga dapat gawin ni Len sa paaralang kaniyang

pinapasukan?”

Ipasuri ang mga larawan at ipatukoy ang nagpapakita ng mga

tungkulin o mga dapat gawin ni Len bilang isang mag-aaral.

Itanong ang mga sumusunod:

a. Bakit ito ang napili mong mga larawang?

b. Ano ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing iyong

napili?

c. Ano naman ang magyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing

hindi mo napili?

Gawain 2

Ipakita sa mga bata ang tsart na naglalaman ng mga larawan ng

iba’t ibang tungkulin ng mag-aaral sa paaralan. Itanong sa kanila kung alin

sa mga ito ang ginagawa nila sa bawat araw. Palagyan ito ng tsek ().

Ipagawa ito sa kwaderno o sa isang buong papel. Mga Tungkulin ng Mag-aaral

Mga Araw na May Pasok Lunes Mar

Tes Miyer Kules

Huwe bes

Biyer Nes

Pumapasok sa paaralan sa wastong oras

Nakikinig sa guro habang siya ay nagtuturo Nakikilahok sa mga gawain sa klase Tinatapos ang mga gawaing ipinapagawa ng guro sa klase

Inililigpit ang pinagkainan matapos ang recess Itinatapon ang basura sa basurahan. Ginagawa ang takdang-aralin Binabati ang nakakasalubong na guro sa daan

Tahimik at maayos na

pumipila tuwing flag

ceremonyy

Hindi tinatapos ang mga

gawaing ibinibigay ng

guro at sa halip ay inuuna niya ang

kaniyang paglalaro

Nakikipag-usap sa

kaniyang katabi

habang nagtuturo ang

guro

Tinatapon ang mga

ginamit na papel sa

silid aralan

Bumabati sa kaniyang

guro

Inililigpit ang

pinagkainan

matapos ang

recess

Page 13: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

64

(Sumangguni sa Learner’s Manual Aralin 3.2 Gawain 2 para sa mga larawan)

Matapos lagyan ng tsek ang mga larawang nagpapakita ng kanilang

mga ginawa, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

a. Marami ka bang nailagay na tsek sa tsart?

b. Ano ang naramdaman mo matapos mong malagyan ng tsek ang

mga tungkuling nagagawa mo bilang mga-aaral?

c. Sa iyong palagay, bakit mahalagang gawin mo ang iyong mga

tungkulin sa paaralan?

Gawain 3

Ipakita at ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan sa titik A at titik

B. Ipatukoy ang mga larawang nagpapakita ng posibleng mangyari sa

huling bahagi ng ipinapakitang sitwasyon. (Sumangguni sa Learner’s Manual

Aralin 3.2 Gawain 3 para sa mga larawan)

A.

a. b.

B.

a. b.

Matapos ipatukoy ang mga larawan, itanong sa mga mag-aaral ang

mga sumusunod:

a. Alin sa dalawang larawan o sitwasyon ang nagpapakita ng paggawa sa

tungkulin ng isang mag-aaral?

b. Bakit ito ang mga napili mong huling pangyayari sa ipinakitang

sitwasyon?

c. Bakit mahalagang gawin ng mga mag-aaral ang kanilang mga

tungkulin?

Pumasok si Jun

sa kanilang silid

aralan

Tahimik siyang

umupo sa

kaniyang upuan

at nakinig sa

kaniyang guro

habang

nagtuturo

Nagbigay ng

pagsusulit ang kaniyang guro

Oras na ng

recess ng klase ni Liberty.

Masayang

nagkainan sina

Liberty kasama

ng kaniyang mga kaibigan

Nag magsisimula

na uli ang klase,

itinapon nina

Liberty sa sahig

ang kanilang mga

pinagkainan

Mataas ang

makukuhang

marka.

Mababa ang

makukuhang

marka.

Magiging

marumi ang

paaralan.

Mapapanatili

ang kalinisan

ng paaralan

Page 14: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

65

Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.

Aralin 4. Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan

Panimula:

Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan

Pag-isipan

Ano-ano ang mga ipinatutupad na mga alituntunin sa inyong silid-

aralan?

Gawain 1

Atasan ang klase na bumuo ng isang graphic organizer na nagpapakita

ng iba’t ibang alituntunin na ipinatutupad sa loob ng inyong silid-aralan.

Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang

buong papel.

Matapos ang gawain, itanong sa kanila ang mga sumusunod:

a. Bakit tayo mayroong mga alituntunin sa ating silid-aralan?

b. Sinusunod ba ninyo ang mga ito? Bakit?

Bago magsimula

ang klase

Habang

nagkaklase

Tuwing recess Bago mag-uwian

Tandaan: Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa paaralan.

Mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin bilang mag-aaral

upang mapanatili ang kaayusan sa iyong paaralan. Makatutulong din

ito upang mapabuti ang iyong pag-aaral.

Page 15: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

66

Gawain 2

Basahin sa mga mag-aaral ang mga sitwasyong nakatala sa ibaba.

Itanong sa kanila kung ano kaya ang mangyayari o magiging bunga kapag

ginawa nila ang mga ito. Kung nagsusulat na ang mga mag-aaral, ipasulat

sa nakalaang bahagi ng graphic organizer ang kanilang sagot sa bawat

sitwasyon. Maaari ring ipaguhit ang kanilang mga sagot kung wala pang

sapat na kasanayan ang mga mag-aaral sa pagsusulat. Maaaring ipasulat

ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong

papel.

Gawain 3

Pabalikan sa mga mag-aaral ang kanilang ginawang graphic

organizer.

Itanong sa kanila ang mga sumusunod:

a. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa mga

alituntunin ng inyong silid-aralan?

b. Alin naman sa mga ito ang nagpapakita ng hindi pagsunod sa mga

alituntunin?

Ipasulat sa mga mag-aaral ang titik ng sitwasyon sa loob ng angkop

na kahon. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang

kwaderno.

Pagsunod sa Alituntunin Hindi Pagsunod sa Alituntunin

B.Nakikipag-kwentuhan ka sa iyong

katabi habang nagtuturo ang iyong guro

C.Isinisigaw mo ang iyong sagot kahit

hindi ka pa tinatawag ng iyong guro

para sumagot

D. Pumipila nang maayos

E. Hindi nagpapasa ng takdang- aralin

sa napagkasunduang araw ng pasahan

F. Tinatapos ang gawaing

ipinagpagawa ng guro sa takdang

oras/ araw ng pasahan

A.Tahimik na hinihintay ang iyong guro

bago magsimula ang klase

Page 16: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

67

Bata Pa Ako

Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan

At ikaw ay nasa sasakyan

Papuntang paaralan

Makatapos kaya ako

Kahit mga libro'y pinaglumaan mo

Pangarap lang ba

Pagka't mahirap lang ako

Pwede bang sumali sa inyong laro

Kahit kunwa-kunwaring nag-aaral din ako

Dala ba ng tadhana na tayo'y magkaiba

Sana balang araw maging tulad din kita

Paano bang sumulat, magbasa ng gaya

mo

Bata alam mo ba, na bata rin ako?

Musmos pa rin ako,

Di lang napapansin

Magulang at kapatid,

Nakaasa sa akin

Tanungin ang mga mag-aaral:

a. Ano ang nagiging bunga ng pagsunod sa alituntunin?

b. Ano naman ang naging bunga ng hindi pagsunod sa alituntunin?

c. Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin?

d. May iba ka pa bang naiisip na alituntunin na maipatutupad para sa

ikabubuti ng inyong samahan sa silid-aralan?

Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.

Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking Paaralan

Panimula:

Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking

Paaralan

Pag-isipan:

Bakit mahalaga ang paaralan para sa mga mag-aaral?

Gawain 1

Sabayan ang mga mag-

aaral na awitin o bigkasin ang

“Bata pa Ako” na isinulat ni Julia

Abueva.

Tandaan: May iba’t ibang mga alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-

aralan. Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili

ang kaayusan at katahimikan sa paaralan. Makabubuti rin ang mga ito

sa pagpapanatili ng mabuting samahan ninyo ng iyong mga kamag-

aral at ng inyong guro.

Bata sino ba

Ang nagtuturo't gumagabay

sa'yo

May pag-asa pa bang

Maturuan din nya ako

Sa lahat ng inaasam

Isa ang pinakagusto

Na sana'y pagtanda natin

Wala ng batang tulad ko

[From:

http://www.elyrics.net/read/j/julia-

abueva-lyrics/bata-pa-ako-

lyrics.html]

Page 17: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

68

Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

a. Ano ang nararamdaman mo habang inaawit o binibigkas ninyo ng

iyong mga kaklase ang nilalaman ng “Bata pa Ako”?

b. Ano sa iyong palagay ang karanasan ng bata sa inyong inawit o

binasa? Nag-aaral kaya siya?

c. Ano-ano kaya ang mayroon ka ngayon na wala siya?

d. Ano kaya ang nagagawa mo ngayon na gusto rin niyang magawa o

maranasan?

Gawain 2

Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng iba’t ibang tao na

nakapag-aral at hindi nakapag-aral.

Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

a. Ano kaya ang mangyayari sa mga bata sa kanilang pagtanda kung

hindi man lamang sila makapag-aral sa isang paaralan?

b. Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng maaaring

mangyari sa mga taong nakapag-aral?

c. Alin naman ang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong

hindi nakapag-aral?

Ipatukoy sa mga mag-aaral ang titik ng mga larawang nagpapakita ng

maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral.

Magpakita sa mga mag-aaral ng halimbawa bago ito ipagawa sa

kanila. Narito ang halimbawang makikita ng mga mag-aaral sa kanilang

module:

Nilagyan ng arrow ang larawan ng guro papunta sa larawan ng

paaralan.

A. B. C.

D.

E. G.

H.

F.

Page 18: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

69

Gawain 3

Ipaguhit sa mga mag-aaral ng isang larawan na nagpapakita ng

kahalagahan ng kanilang paaralan. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno.

Sa tulong mo o ng mga magulang o tagapag-alaga ng mga mag-

aaral, papunan ang patlang na nagpapahayag kung bakit mahalaga sa

kanila ang kanilang paaralan.

Mahalaga ang aking paaralan dahil ___________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________

Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.

Sa huling bahagi ng Yunit 3, tulungan ang mga mag-aaral na sagutin

ang ebalwasyon ng kanilang mga nagawa at natutunan. Matapos nila itong

gawin, sagutan ang hanay para sa ebalwasyon mo sa kanilang mga

kasanayan at kaalaman.

Ang Aking mga Nagawa at Natutunan

Panuto. Makinig sa babasahin ng guro. Lagyan ng tsek ang angkop na

kahon sa iyong sagot.

Nagamit ko ang mga kasanayang ito: Mag-aaral Guro

1. Nasunod ko ang mga panuto

2. Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa sining

3. Nagbahagi ako ng aking kwento sa aking kamag-aral

4. Nakinig ako sa kwento ng aking guro

5. Nakinig ako sa kwento ng aking kaklase

6. Nasuri ko ang iba’t ibang mga bagay

7. Nakapaghambing ako ng iba’t ibang bagay

8. Natukoy ko ang mga bagay na nanatili at nagbago sa

aking paaralan

9. Nakapag-isip ako ng maaring mangyari ng isang

sitwasyon

10. Napahahalagahan ko ang aking paaralang

kinabibilangan

Tandaan: Mahalaga ang paaralan sa buhay ng batang tulad mo. Sa

tulong ng paaralan, mapapaunlad mo ang iyong mga angking

kakayahan at mga kaalaman.

Malaki ang pag-asa mong mapaunlad ang iyong buhay kung

pumapasok ka at nag-aaral nang mabuti sa isang paaralan.

Page 19: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

70

Nagawa ko ang mga bagay na ito: Mag-aaral Guro

1. Nasabi ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa

aking paaralan

2. Natukoy ko ang iba’t ibang kasapi ng paaralan

3. Nakagawa ako ng isang panayam

4. Nakaguhit ako ng iba’t ibang larawan

5. Nakabuo ako ng timeline

6. Nakagawa ako ng graphic organizer

7. Nakaawit ako ng isang awit

8. Nakabigkas ako ng isang tula

9. Nakasuri ako ng isang awit o tula

10. Naipagmalaki ko ang aking paaralan

Mag-aaral Guro

Naipapahayag ko ang mga ito:

1. Natutunan ko ang mga batayang impormasyon tungkol

sa aking paaralan

2. Natutunan ko ang papel na ginagampanan ng paaralan

sa aking buhay.

3. Natutunan ko na may iba’t ibang kasapi na bumubuo sa

aking paaralan

4. Natutunan ko na may mga bagay na nanatili at nagbago

sa aking paaralan

5. Natutunan ko ang kahalagahan ng mga alituntuning

ipinatutupad sa aking paaralan

6. Natutunan ko ang kahalagahan ng pagtupad sa mga

tungkulin bilang mag-aaral

7. Natutunan kong pahalagahan ang aking pag-aaral at

paaralan

Komento ng iyong guro

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

_________________________________________________________________.

Page 20: Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

71

Lokasyon Taon ng Pagkatatag

Mga Taong Bumubuo ng Paaralan

PANGALAN NG PAARALAN