10
 San Isidro, Nueva Ecija 3106 Telef ax 044 940-618 1 / e-mai l: ende esus mail.com Plano sa Pagkatuto para sa Baitang 8 A A r ra l l i ing Pan l l i ipu unan  Inihanda ni: G. Antonio T. Delgado 

AP Plano Sa Pagkatuto

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Learning Plan

Citation preview

Page 1: AP Plano Sa Pagkatuto

7/14/2019 AP Plano Sa Pagkatuto

http://slidepdf.com/reader/full/ap-plano-sa-pagkatuto 1/9

 San Isidro, Nueva Ecija 3106

Telefax 044 940-6181 / e-mail: ende esus mail.com 

Plano sa Pagkatuto

para

sa Baitang 8

AArraalliinngg PPaannlliippuunnaann 

Inihanda ni:

G. Antonio T. Delgado 

Page 2: AP Plano Sa Pagkatuto

7/14/2019 AP Plano Sa Pagkatuto

http://slidepdf.com/reader/full/ap-plano-sa-pagkatuto 2/9

 San Isidro, Nueva Ecija 3106

Telefax 044 940-6181 / e-mail: ende esus mail.com (6 days)

June 10 - 21, 2013

I.  Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga estudyante ay inaasahang:

a.   Nakapagbibigay kahulugan sa konsepto ng heograpiya sa pamamagitan ng cluster 

map

 b.  Matutukoy ang lokasyon Asya sa mapa

c.  Matutukoy ang mga natural na hangganan ng Asya

d.  Matutukoy ang mga bansa sa bawat rehiyon ng Asya

e.  Makaguguhit ng mapa ng mga rehiyon ng Asya batay sa kraytiryang scaling,

accuracy, color-coding at neatness/cleanliness

f.   Napapahalagahan ang pag-aaral ng heograpiya at kasaysayan sa Asian-centric na

 pananaw.

II.  Paksang Aralin

a.  Paksa: Heograpiya at Konsepto ng Asya

 b.  Sanggunian: Kabihasnang Asyano, Kasaysayan at Kultura II

 pahina 1 - 22

c.  Kagamitan: visual aids, mapa ng Asya, mapa ng daigdig

d.  Pagpapahalaga: Ang pag-aaral ng heograpiya at kasaysayan ay maaari ring

tingnan sa Asian-centric na pananaw at hindi lamang sa point-of-view ng mga

European.

III.  Pamamaraana.  Paghahanda

Pagtitsek ng attendance, uniporme at ID. Paghahanda ng silid-aralan.

 b.  Mahahalagang Tanong

Bakit mahalagang maunawaan ang heograpiya ng Asya?

c.  Kakailanganin sa Pag-unawa

Malaki ang epekto ng heograpiya ng Asya sa kilos, gawain at pamumuhay nating

mga Asyano.

Pagsisiyasat/Pagtuklas ng dating kaalaman (Explore)

  Mula sa kahon ay ipahanap sa mga mag-aaral ang salita na tinutukoy sa bawat

aytem. Bilugan ito at isulat sa guhit bago ang patlang.

 _______________________ 1.  Bigkis o tulungan para sa kapwa para sa kapwa

kapakinabangan

Page 3: AP Plano Sa Pagkatuto

7/14/2019 AP Plano Sa Pagkatuto

http://slidepdf.com/reader/full/ap-plano-sa-pagkatuto 3/9

 San Isidro, Nueva Ecija 3106

Telefax 044 940-6181 / e-mail: ende esus mail.com  _______________________ 2.  Ang pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa

kabuhayan

 _______________________ 3.  Kalikasan, ang ekolohikal na komposisyon ng daigdig

 _______________________ 4.  Maunlad na yugto ng kulturang panlipunan, moral at

kultural

 _______________________ 5.  Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo

 _______________________ 6.  Katutubo o tagapagsimula

 _______________________ 7.  Pag-unawa at paghanga sa sining, kaugalian, paniniwala,

gawaing panlipunan, edukasyon, relihiyon at siyentipiko.

 _______________________ 8.  Ang malaking masa ng lupain sa mundo

 _______________________ 9.  Ang pinakamalaking kontinente sa sukat at sa populasyon

 _______________________ 10.  Katangiang nakikita at nahahawakan

Itanong ang mga sumusunod:

1. 

Sa mga salitang iyong nahanap at naitala, alin sa mga ito ang masasabi monglubhang mahalaga kung ang pag-uusapan ay kabihasnan ng mga Asyano?

2.  Bumuo ng konsepto tungkol sa kahalagahan ng kapaligiran sa tao sa

 pamamagitan ng pagsasama-sama ng lima (5) o higit pang salita.

3.  Anu-ano ang naging batayan mo upang humantong sa nabuong kaisipan?

Itanong ang mahalagang tanong.

Karanasan tungo sa Pag-unawa (Firm-Up)

  Ipabasa sa mga mag-aaral ang sumusunod na teksto mula sa Kabihasnang

Asyano, Kasaysayan at Kultura II.

  Pasagutan sa mga mag-aaral ang sumusunod na cluster map base sa nabasang

teksto.

  I-process ang output ng mga mag-aaral.

HEOGRAPIYA

Page 4: AP Plano Sa Pagkatuto

7/14/2019 AP Plano Sa Pagkatuto

http://slidepdf.com/reader/full/ap-plano-sa-pagkatuto 4/9

 San Isidro, Nueva Ecija 3106

Telefax 044 940-6181 / e-mail: ende esus mail.com Karagdagang gawain:

  Gamit ang mapa ng daigdig, ipatukoy sa mga mag-aaral ang kinaroroonan ng

Asya.

  Gamit ang mapa ng Asya, ipatukoy ang mga hangganan ng kontinente ng

Asya.

  Gamit muli ang mapa ng Asya, ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga bansa sa

 bawat rehiyon ng Asya: Hilagang Asya, Gitnang Asya, Silangang Asya,

Timog-Silangang Asya, Timog-Asya at Kanlurang Asya.

Itanong ang mga sumusunod:

1.  Ilan ang kontinente ng daigdig? Ang karagatan?

2.  Alin ang pinakamalaking kontinente? Karagatan?

3.  Saan nagmula ang katawagang Asya?

4.  May kaugnayan kaya ang pinagmulan ng katawagang ito sa Eurocentric na

 pananaw ng mga taga-Europa?5.  Anu-ano ang makikita sa hangganan ng Asya sa hilaga? Sa silangan? Sa

Timog-Silangan? Sa Timog? Sa Kanluran?

6.  Isa-isahin ang mga rehiyon ng Asya.

Pagpapalalim (Deepen)

  Gamit ang political map ng Asya, palagyan ng label ng bansa ang mga

sumusunod na blank map sa mga mag-aaral.

  Iwasto ang sagot ng mga mag-aaral.

Page 5: AP Plano Sa Pagkatuto

7/14/2019 AP Plano Sa Pagkatuto

http://slidepdf.com/reader/full/ap-plano-sa-pagkatuto 5/9

 San Isidro, Nueva Ecija 3106

Telefax 044 940-6181 / e-mail: ende esus mail.com 

Pagtataya (Transfer)

  Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo.

  Sa ½ manila paper, ipaguhit ang mga rehiyon ng Asya sa mga mag-aaral at

 pakulayan ang mga ito.Group 1 – Hilaga at Gitnang Asya

Group 2 – Silangang Asya

Group 3 – Timog-Silangang Asya

Group 4 – Timog Asya

Group 5 – Kanlurang Asya

  Markahan sila batay sa mga sumusunod na kraytirya: scaling, accuracy, color-

coding at neatness/cleanliness.

Page 6: AP Plano Sa Pagkatuto

7/14/2019 AP Plano Sa Pagkatuto

http://slidepdf.com/reader/full/ap-plano-sa-pagkatuto 6/9

 San Isidro, Nueva Ecija 3106

Telefax 044 940-6181 / e-mail: ende esus mail.com (6 days)

June 24 – July 5, 2013

I.  Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga estudyante ay inaasahang:

a.  Matutukoy ang mga kilalang anyong lupa at anyong tubig sa Asya

 b.  Maiisa-isa ang mga kabisera ng mga bansa sa mga rehiyon ng Asya

c.  Mailalarawan ang mga pisikal na katangian ng mga rehiyon ng Asya tulad ng

lokasyon, klima, topograpiya at vegetation cover gamit ang data retrieval chart

d.  Maipe-present ang mga pisikal na katangian ng Asya batay sa kraytiryang

kraytirya: clarity, content, impact at organization.

e.  Mapapahalagahan ang pangangalaga sa kalikasan

II.  Paksang Aralin

a. 

Paksa: Katangiang Pisikal ng Asya b.  Sanggunian: Modyul sa Sariling Pagkatuto sa Araling Panlipunan 8

 pahina 12 - 33

c.  Kagamitan: visual aids, PowerPoint presentation

d.  Pagpapahalaga: Ang kalikasan ay dapat na pangalagaan dahil tayo rin ang

maaapektuhan ng pagkasira nito.

III.  Pamamaraan

a.  Paghahanda

Pagtitsek ng attendance, uniporme at ID.

Paghahanda ng silid-aralan.

 b.  Mahahalagang Tanong

Paano naiimpluwensiyahan ng mga pisikal na katangian ng Asya ang pamumuhay

ng mga Asyano?

c.  Kakailanganin sa Pag-unawa

Ang mga pisikal na katangian ng Asya tulad ng lokasyon, klima, topograpiya at

vegetation cover ay nakaaapekto sa aspetong kultural (pamumuhay, pananamit,

kilos, paniniwala at kaugalian) ng mga Asyano.

Pagsisiyasat/Pagtuklas ng dating kaalaman (Explore)

  Magpakita ng mga larawan ng ilang mga kilala at katangi-tanging lugar sa

Asya.

Page 7: AP Plano Sa Pagkatuto

7/14/2019 AP Plano Sa Pagkatuto

http://slidepdf.com/reader/full/ap-plano-sa-pagkatuto 7/9

 San Isidro, Nueva Ecija 3106

Telefax 044 940-6181 / e-mail: ende esus mail.com   Hayaan ang mga mag-aaral na tukuyin ang pangalan at kinaroroonan ng mga

ipinakikita sa bawat larawan.

Itanong ang mga sumusunod:

1.  Ano ang masasabi mo sa mga larawan? Ilahad ang pagkakatulad ng mga ito.

Ilan dito ang anyong lupa at ilan ang anyong tubig?

2.  Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na aktwal na mapasyalan ang isa sa mga

ito, ano ang iyong pipiliin? Bakit?

3.  Batay sa mga larawang iyong namalas, paano mo ilalarawan ang katangian ng

Asya bilang isang kontinente? Ano sa palagay mo ang humuhubog sa

 pagkakaiba-iba ng mga likas na katangian ng isang kapaligiran?

4.  Pare-pareho kaya ang likas na k apaligiran sa iba’t ibang panig ng Asya?

Paano mo ito nasabi?

5.  May pagkakaiba-iba rin ba ang mga kasuotan, pamumuhay at kaugalian ng

mga naninirahan sa iba’t ibang rehiyon ng Asya? Magbigay ng mgahalimbawa.

6.  Masasabi mo bang ang mga anyo ng kalikasang ito ay gumanap at patuloy na

gumaganap ng mahahalagang papel sa pamumuhay ng mga taong naninirahan

sa mga bansang ito?

7.  Anu-anong mga sularin ang maaaring idulot sa tao ng pagkasira ng kalikasang

ito?

Itanong ang mahalagang tanong.

Karanasan tungo sa Pag-unawa (Firm-Up)

  Ipabasa sa mga mag-aaral ang sumusunod na teksto mula sa Modyul sa

Sariling Pagkatuto sa Araling Panlipunan 8.

Page 8: AP Plano Sa Pagkatuto

7/14/2019 AP Plano Sa Pagkatuto

http://slidepdf.com/reader/full/ap-plano-sa-pagkatuto 8/9

 San Isidro, Nueva Ecija 3106

Telefax 044 940-6181 / e-mail: ende esus mail.com Itanong ang mga sumusunod:

1.  Batay sa mga kaisipan at konseptong naihayag sa itaas, ano ang masasabi mo

sa Asya bilang bilang kontinenteng biniyayaan ng mayamang anyong lupa at

anyong tubig?

2.  Paano kaya umaayon ang mga Asyano sa iba’t ibang katangiang pisikal na

itong Asya?

Pagpapalalim (Deepen)

  Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo.

  Pagsaliksikin ang mga mag-aaral sa library o Internet ukol sa mga bansa,

kabisera, kinaroroonan, klima at panahon, topograpiya at vegetation cover ng

mga rehiyon ng Asya.

Group 1 – Hilaga at Gitnang Asya

Group 2 – Silangang Asya

Group 3 – Timog-Silangang AsyaGroup 4 – Timog Asya

Group 5 – Kanlurang Asya

  Papunuan ang sumusunod na data retrieval chart gamit ang mga nakalap na

impormasyon ng bawat pangkat.

HILAGA AT GITNANG ASYA

MGA

BANSA

KABISERA KINAROROONAN KLIMA AT

PANAHON

TOPOGRAPIYA VEGETATION

COVER 

SILANGANG ASYA

MGA

BANSA

KABISERA KINAROROONAN KLIMA AT

PANAHON

TOPOGRAPIYA VEGETATION

COVER 

TIMOG-SILANGANG ASYA

MGA

BANSA

KABISERA KINAROROONAN KLIMA AT

PANAHON

TOPOGRAPIYA VEGETATION

COVER 

TIMOG ASYA

MGA

BANSA

KABISERA KINAROROONAN KLIMA AT

PANAHON

TOPOGRAPIYA VEGETATION

COVER 

KANLURANG ASYA

MGA

BANSA

KABISERA KINAROROONAN KLIMA AT

PANAHON

TOPOGRAPIYA VEGETATION

COVER 

  I-process ang output ng mga mag-aaral.

Page 9: AP Plano Sa Pagkatuto

7/14/2019 AP Plano Sa Pagkatuto

http://slidepdf.com/reader/full/ap-plano-sa-pagkatuto 9/9

 San Isidro, Nueva Ecija 3106

Telefax 044 940-6181 / e-mail: ende esus mail.com 

Pagtataya (Transfer)

  Pangkatin muli ang mga mag-aaral ayon sa grouping sa Pagpapalalim.

  Imbitahan sila na maging mga “travel agent” ng kani-kaniyang rehiyon sa

Asya sa pamamagitan ng presentasyon ng mga nakalap nilang datos sa

nakaraang gawain.  Markahan sila batay sa mga sumusunod na kraytirya: clarity, content, impact

at organization.