18
Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Mga Pares Minimal Pansinin ang mga sumusunod na pares ng salita: ba wal : ka wal bangka : tangka hu kay : hu say Basahin mo ang mga pares ng salita. Ang pantig na may salungguhit ang may diin. Ano ang napansin mo? Magkatulad ba ng bigkas? Tama. Magkatulad nga. Magkatulad ba ng kahulugan? Magkaiba ang kahulugan, di ba? Ano kaya ang nagpaiba sa kahulugan? Napansin mo siguro na sa isang tunog lang na nasa iisang posisyon magkaiba ang bawat pares. Ang pagkakaibang ito sa isang tunog ng bawat pares ang nagpaiba sa kahulugan. Ang pares ng salita na may magkaibang kahulugan pero magkatulad sa bigkas maliban sa isang tunog o ponema sa magkatulad na posisyon ay tinatawag na pares minimal. Suriin mo naman ang mga pares ng nga salitang ito: tulo : kulo bigla : sigla hangin : bangin Basahin mong muli. Magkatulad ba ang bigkas? Hindi magkatulad ang bigkas ng mga salitang ito, di ba? Tama, kaya hindi ito maituturing na pares minimal. Tingnan mo naman ngayon ang mga pares ng salitang: kape : kafe dito : rito noon : nuon Muli mong bigkasin ang mga pares ng salita. Nagpaiba bas a kahulugan ng kape ang pagpapalit ng p sa f? Hindi nga. E, ang pagpapalit ng d at r? Hindi rin. Ang o at u? Hindi rin, di ba? Napansin mo rin siguro na magkatulad o iisa lang ang kahulugan ng mga ito. Dahil dito, hindi rin maituturing na pares minimal ang mga salitang ito. Ito ang tinatawag na ponemang malayang nagpapalitan. 1

Mga Gawain Sa Pagkatuto

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga Gawain Sa Pagkatuto

Citation preview

Page 1: Mga Gawain Sa Pagkatuto

Mga Gawain sa Pagkatuto1. Mga Pares Minimal

Pansinin ang mga sumusunod na pares ng salita:

bawal : kawal bangka : tangka hukay : husay

Basahin mo ang mga pares ng salita. Ang pantig na may salungguhit ang may diin. Ano ang napansin mo? Magkatulad ba ng bigkas? Tama. Magkatulad nga. Magkatulad ba ng kahulugan? Magkaiba ang kahulugan, di ba? Ano kaya ang nagpaiba sa kahulugan? Napansin mo siguro na sa isang tunog lang na nasa iisang posisyon magkaiba ang bawat pares. Ang pagkakaibang ito sa isang tunog ng bawat pares ang nagpaiba sa kahulugan.

Ang pares ng salita na may magkaibang kahulugan pero magkatulad sa bigkas maliban sa isang tunog o ponema sa magkatulad na posisyon ay tinatawag na pares minimal.

Suriin mo naman ang mga pares ng nga salitang ito:

tulo : kulo bigla : sigla hangin : bangin

Basahin mong muli. Magkatulad ba ang bigkas? Hindi magkatulad ang bigkas ng mga salitang ito, di ba? Tama, kaya hindi ito maituturing na pares minimal.

Tingnan mo naman ngayon ang mga pares ng salitang:

kape : kafe dito : rito noon : nuon

Muli mong bigkasin ang mga pares ng salita. Nagpaiba bas a kahulugan ng kape ang pagpapalit ng p sa f? Hindi nga. E, ang pagpapalit ng d at r? Hindi rin. Ang o at u? Hindi rin, di ba? Napansin mo rin siguro na magkatulad o iisa lang ang kahulugan ng mga ito. Dahil dito, hindi rin maituturing na pares minimal ang mga salitang ito. Ito ang tinatawag na ponemang malayang nagpapalitan.

Basta tandaan mo lang na, para maging pares minimal ang pares ng salita, kailangang magkaiba ang kahulugan pero magkatulad ang bigkas maliban sa isang tunog na nasa isang posisyon lamang.

Tingnan ko nga kung naintindihan mo. Bilugan mo ang bilang na nagpapakita ng pares minimal.

1.pato : pito 3. lampa : dampa

2.ginto : hinto 4. ubo : ulo 5.luha : suha

1

Page 2: Mga Gawain Sa Pagkatuto

Anu-anong bilang ang binilugan mo? Kung bilang 1, 2, at 5 ang binilugan mo, tamang lahat ang sagot mo! Binabati kita dahil naintindihan mo ang aralin sa pares minimal. Pupunta ka naman ngayon sa susunod mong aralin.

2. Pagbubuo ng mga salita

a. Paglalapi o Maylapi

Basahin ang mga salita:

May napansin ka ba sa mga salitang ito? Oo, binubuo ang mga salitang ito ng punong salita at panlapi. Maylapi ang tawag sa salitang binubuo ng isang punong salita at panlapi. Narito pa ang ilang halimbawa ng mga salita mula sa teksto na binubuo ng panlapi:

Panlapi Punong Salita = Salitang Maylapima- + isip = naisip-um- + putok = pumutok-in + tugis = tugisin

Napansin mo ba ang pagbabago sa panlaping ma- na naging na- sa unang halimbawa? Banghay kasi ito sa aspektong pangnagdaan kaya ang m ay naging n. Lagi mong tandaan na kapag ang pandiwa ay banghay sa aspektong pangnagdaan, ang panlaping ma- ay nagiging na-.Tingnan mo naman ang mga salitang ito:

Unlapi + Punong Salita = Salitama- + liit = maliitnang- + galing = nanggalingpag- + samba = pagsambama- + isip = maisipSaan nakakabit ang panlapi? Sa unahan ba ng salita? Gitna? Hulihan? Oo, sa unahan nga ng punong salita nakakabit ang panlapi. Unlapi ang tawag sa panlaping ikinakabit sa unahan ng punong salita. Narito pa ang ilang halimbawa ng mga salitang may unlapi: matayog, nanggaling, panggabi, nahuli, pagkanta, magsimba.

Ang mga salitang ito naman ang pag-aralan mo:

Gitlapi + Punong Salita = Salita-um- + dating = dumating-in- + puno = pinuno-um- + lusong = lumusong-in- + sunog = sinunog

Sa mga halimbawang ito, sa gitna ng punong salita nakakabit ang panlapi, di ba?

2

nagawa pumutok tugisin

Page 3: Mga Gawain Sa Pagkatuto

Gitlapi ang tawag sa ganitong panlapi. Isinisingit ang gitlapi sa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong patinig sa salita. Tandaan mo na nagagamit lamang ang gitlapi kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa katinig. Narito pa ang ilang halimbawa: pinuna, lumusong, pumalakpak, binati, sumama, pinitik, tumagilid

Narito pa ang ilang halimbawa ng salita na gusto kong pagmasdan mo ang kayarian:Hulapi + Punong Salita = Salita-an + tama = tamaan-in + isip = isipin-han + una = unahan-an + tigil = tigila

Saan naman nakakabit ang panlapi sa mga halimbawang ito? Tama ka, sa hulihan nga ng punong salita nakakabit ang panlapi. Hulapi ang tawag sa panlaping ito. Ikinakabit ang hulapi sa hulihan ng punong salita. Narito ang ilang halimbawa ng salitang may hulapi: basain, layasan, kabahan, sabayan, libanginNalaman mo ngayon na may tatlong pangkalahatang uri ang panlapi: ang unlapi, gitlapi, at hulapi.

Tingnan natin kung nakuha mo. Isulat mo sa sagutang papel kung ang ikinabit na panlapi sa mga punong salita ay unlapi, gitlapi o hulapi.1. matapang 3. silipin 5. bantayan2. kinilala 4. sumunod

Ihambing mo rito ang mga sagot mo1. unlapi 3. hulapi 5. hulapi2. gitlapi 4. gitlapiSusunod mong pag-aaralan ang iba pang paraan ng paglalapi bukod sa napag-aralan mo nang pagkakabit ng unlapi, gitlapi, at hulapi..a. pag-uunlapi at pagigitlapi

Unlapi Gitlapi Punong Salitai- + -in- + bili = ibinilimag- + -um- + sikap = magsumikap

Sa pag-uunlapi at paggigitlapi, kinakabitan ng unlapi at gitlapi ang salita. Kagaya rin ito ng mga salitang ikinuha, nagsumigaw, isinabit, at magdumali.b. pag-uunlapi at paghuhulapi (kabilaan)Unlapi Punong Salita Hulapimag- + kain + -an = magkainanma- + tuklas + -an = matuklasan

Sa pag -uunlapi at paghuhulapi naman, marahil napansin mo na unlapi at hulapi ang ikinakabit sa salita. Ang iba pang halimbawa nito ay magtawanan, nagsisihan, at pagdikitin.

3

Page 4: Mga Gawain Sa Pagkatuto

c. paggigitlapi at paghuhulapiGitlapi Punong Salita Hulapi-in- + silip + -an = sinilipan-in- + bilin + -an = binilinan

Sa paggigitlapi at paghuhulapi, ang salita ay kinakabitan ng gitlapi at hulapi gaya ng mga salitang sinayawan, kinindatan, at sinabihan.

Isulat sa sagutang papel kung ang paglalapi sa punong salita ay sa pamamagitan ng a.) pag-uunlapi at paggigitlapi b.) pag-uunlapi at paghuhulapi o kabilaan at c.) paggigitlapi at paghuhulapi. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

1. kinuhanan 3. Ikinuha 5. ipagsigawan2. pagsikapan 4. magtalunan

Pag-uulit ang tawag sa pagbubuo ng salita kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito sa dakong unahan ay inuulit. May dalawang pangkalahatang uri ng pag-uulit batay sa kung anong bahagi ng salita ang inuulit: a.) ganap na pag-uulit at b.) di-ganap o parsyal na pag-uulit.

a. Ganap na Pag-uulitGanap ang pag-uulit kapag inuulit nang buo ang punong salita. Sa pag-uulit na ganap, may mga salitang nagbabago ang diin kapag inuulit, mayroon namang ilan na nananatili ang diin.

Narito ang mga halimbawa ng salitang inuulit na walang pagbabago sa diin:Punong Salita Pag-uulitbuhay buhay-buhayisa isa-isa

Narito naman ang mga halimbawa ng salitang inuulit na may pagbabago sa diin:Punong Salita Salitasabi sabi-sabibahay bahay-bahay

b. Di-ganap o Parsyal na Pag-uulitDi-ganap o parsyal ang pag-uulit kapag ang inuulit ay bahagi lamang ng punong salita. May iba’t ibang paraan ng pag-uulit na di-ganap o parsyal:

1.) pag-uulit ng unang pantig ng salitaHalimbawa: Punong Salita Pag-uulit

sayaw sasayawulan uulanikot iikot

4

Page 5: Mga Gawain Sa Pagkatuto

2.) pag-uulit ng unang dalawang pantig ng salitaHalimbawa: Punong Salita Pag-uulit

kanina kani-kaninasimula simu-simula

3.) pag-uulit ng unang katinig at patinig o KP ng salitang may pantig na nasa kayariang katinig, patinig, katinig o KPKHalimbawa: Punong Salita Pag-uulit

suntok susuntoklaktaw lalaktaw

4.) pag-uulit ng unang dalawang pantig ng salita, ngunit sa ikalawang pantig, ang inuulit lamang ay ang unang KP kapag ang pantig ay nasa kayariang KPKHalimbawa: Punong Salita Pag-uulit

baluktot balu-baluktotbaligtad bali-baligtadkalampag kala-kalampag

b. Pagtatambal o Tambalan

baybay-dagat inang-bayan bukang-liwayway

Ano ang kapansin-pansin sa mga salitang ito? Tama! May katambal ngang ibang salita. Tambalan ang tawag sa mga salitang ito. Pagtatambal naman ang tawag sa pagsasama ng dalawang magkaibang salita para makabuo ng isa lamang salita.

a. Dalawang salitang pinagtatambal na nananatili ang kahulugan. Sa uring ito, ang taglay na kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal ay hindi nawawala. Walang ikatlong kahulugang nabubuo sa pagtatambal. Halimbawa: bahay + kubo = bahay-kubo

ingat + yaman = ingat-yamankulay + dugo = kulay-dugo

b. Dalawang salitang pinagtatambal na nagkakaroon ng ikatlong kahulugan o ng kahulugang iba sa isinasaad ng mga salitang pinagtambal Halimbawa: basag + ulo = basagulo

bahag + hari = bahagharihampas+ lupa = hampaslupa

Balikan mo ang mga halimbawa sa itaas. May napansin ka bang pagkakaiba sa paraan ng pagsulat ng mga ito?? Ang mga salitang nananatili ang kahulugan kapag pinagtatambal ay isinusulat nang may gitling. Samantala, ang mga salita namang pinagtatambal na nagkakaroon ng ikatlong kahulugan ay isinusulat nang walang gitling.

Tandaan mo ang natutunan mo sa araling ito: may tatlong pangkalahatang paraan ng pagbubuo ng salita – ang paglalapi, pag-uulit, at pagtatambal.

5

Page 6: Mga Gawain Sa Pagkatuto

Gamitin

A. Hanapin mo sa loob ng panaklong ang salitang maaaring ipares sa salitang nakasulat sa bawat bilang upang makabuo ng isang pares minimal. Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel.

1.kuto : ______(a. puto b. buto) 6. latay : _______(a. patay b. batay)2.pula : ______(a. bula b. kula) 7. kaway : ______(a. saway b. laway)3.pato: ______ (a. bato b. pito) 8. hila : _______(a. sila b. pila)4.sinta : _____ (a. pinta b. tinta) 9. piling : ______(a. duling b. hiling)5.layo : _____ (a. lago b. dayo) 10. lapag : ______(a. hapag b. papag)

B. Isulat mo kung ang pag-uulit ng salita ay a. ganap at b. di-ganap. Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel.1.taun-taon 4.kami-kami 7.pupunta2.minu-minuto 5.kala-kalahati 8.pala-palagay3.lalayo 6.bukas na bukas 9.tawa nang tawa

10.kabi-kabilaC. Isulat mo kung ang punong salita ay nabuo sa pamamagitan ng:

a. unlapi d. pag-uunlapi at paggigitlapib. gitlapi e. pag-uunlapi at paghuhulapic. hulapi f. paggigitlapi at paghuhulapi

Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel.

1.magdamayan 6.amuin 11.sinuhulan2.sinilaban 7.isinuko 12.maglaba3.pagtayo 8.pagtalunan 13.kinawayan4.ibinili 9.tanggalin 14.paglayuin5.lumapit 10.magsumamo 15.sumigaw

Kung tapos ka na ay iwasto mo ang iyong papel. Narito ang mga wastong sagot. Tingnan mo kung tama ang mga naging sagot mo. Uulitin ko na, huwag kang mag- alaala kung hindi mo pa makuha lahat ang tamang sagot. Mayroon pa akong nakahandang mga pagsasanay para sa iyo.

A. 1. a 3. b 5. a 7. a 9. b 2. b 4. a 6. b 8. b 10. a B1. a 3. b 5. b 7. b 9. a 2. b 4. a 6. a 8. b 10. b

C.1.e 3.a 5.b 7.d 9.c 11. f 13.f 15. b

6

Page 7: Mga Gawain Sa Pagkatuto

2.f 4.d 6.c 8.e 10.d 12. a 14.e

Subukin

A. Gawin mong nasa anyong maylapi ang mga sumusunod na punong salita sa pamamagitan ng pagkakabit ng unlapi, gitlapi at hulapi. Maaaring magkaroon ng iba’t ibang sagot sa bawat bilang pero isang sagot lamang ang hinihingi sa iyo.

Halimbawa: 1.layo (gitlapi) sagot: lumayo2.asa (unlapi)pag-asa o iasa (maaaring isa lamang ang sagot)

Simulan mo rito:1.bato (gitlapi) 6.sisi (unlapi)2.putol (unlapi) 7.sara (unlapi3.kain (hulapi) 8.kaway (gitlapi)4.sayaw(hulapi)9.pantay (hulapi)5.dukot (gitlapi) 10.laba (unlapi)

B. Alamin mo kung ang pagbubuo sa mga sumusunod na salita ay:a. pag-uunlapi at paggigitlapi c. paggigitlapi at paghuhulapib. pag-uunlapi at paghuhulapi Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel.

1.magtawanan 4.matabunan 7.sinayawan 10. tinalunan2.kinuhaan 5.magsumikap 8.ibinili3.nagdumali 6.napagsawaan 9.napaglumaan

C. Hanapin mo sa loob ng panaklong ang katambal ng salita sa bawat bilang. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. bantay___________ (a. salakay b. tulog)2. akyat____________ (a. puno b. bahay)3. buhay___________ (a. langit b. alamang)4. urong___________ (a. sulong b. uwi)5. atras____________ (a. talikod b. abante)6. balitang _________ (a. kutsero b. tsismis)7. bahay ___________ (a. lungga b. kubo)8. bahag __________ (a. hari b. damit)9. ingat ___________ (a. yaman b. salapi)10. hanap __________ (a. swerte b. buhay)

Paunlarin

A. Hanapin mo sa loob ng kahon sa ibaba ang salitang maaaring itambal sa salita sa bawat bilang para mabuo ang bagong kahulugan nitong taglay. Sa sagutang papel mo isulat ang iyong sagot.

7

Page 8: Mga Gawain Sa Pagkatuto

1. taus_________________ 9. bukam__________________2. bukod_______________ 10. lingkod_________________3. isip _________________ 11. kapus___________________4. dapit________________ 12. dalagang________________5. pantawid_____________ 13. bungang________________6. bahay_______________ 14. daang__________________7. silid_________________ 15. pampalubag_____________8. batang_______________

lansangan gutom palad araw bibigtangi ampunan bata puso bayanbukid hapon aralan bakal loob

B. Isulat mo kung ang salitang nakahilig sa bawat bilang ay nabuo sa pamamagitan ng a. paglalapi b. pag-uulit at c. pagtatambal. Titik lamang ang isulat mo sa sagutang papel.

1.Hindi matatawaran ang kabayanihang ipinakita ng mga bayaning Pilipino noong panahon ng himagsikan.

2.Iba’t ibang paraan ng paglaban ang kanilang ginawa laban sa mga mananakop na dayuhan.

3.Ngunit ang mas madalas na pinaghahambing ay ang magkaibang paraang ginamit nina Rizal at Bonifacio sa kanilang pakikipaglaban sa mga Kastila.

4.Pinagtatalunan pa nga ng ilang Pilipino kung sino nga ba kina Rizal at Bonifacio ang mas karapat-dapat na tanghaling pambansang bayani ng Pilipinas.

5.Sang-ayon sa mga maka-Rizal, siya talaga ang nararapat na maging pambansang bayani dahil sa kanyang katalinuhan at pagiging mahinahon. 6.Samantala, si Bonifacio, na isang anakpawis ay ipinagpalagay ng iba na higit na nababagay maging pambansang bayani dahil sa paggamit niya ng tabak at tahasang paglaban sa mga Kastila. 7.Para naman sa iba, walang itulak-kabigin sa dalawa sapagkat pareho silang naghandog ng kanilang buhay para sa bayan. 8.Ayon pa sa marami, hindi lamang sina Rizal at Bonifacio ang dapat na ituring na pambansang bayani kundi ang lahat ng mga bayani ng ating lahi na naghandog ng kanilang buhay alang-alang sa bayan. 9.Hindi natin dapat kalimutang gunitain ang pagpapasakit ng ating mga bayani. 10.Taus-puso natin silang pasalamatan sa kalayaang tinatamasa natin sa kasalukuyan.

Mga Bahagi ng Pananalita

8

Page 9: Mga Gawain Sa Pagkatuto

1. PANGNGALAN - Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, gawa, pook, lunan o pangyayari.

1. Uri ng Pangngalan a. Pantangi – nagsasaad ng tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, lunan o pangyayari. Nagsisimula sa malalaking titik. Halimbawa:

b. Pambalana – nagsasaad ng pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, lunan o pangyayari. Halimbawa:

2. Uri ng Pangngalan ayon sa Katuturan a. Tahas – mga pangngalan nakikita, nahihipo at nadarama. Halimbawa: tao damit kumot

aklat unan lapis

b. Basal – mga pangngalang hindi nakikita, nahihipo subalit nadarama. Halimbawa: kasiyahan kalungkutan katapatan

c. Palansak – mga pangngalang nagsasaad ng maraming bilang, hayop, bagay, lunan o pangyayari. Halimbawa: koponan pumpon kawan tiklis

d. Patalinghaga – mga pangngalang may naitatagong kahulugan. Halimbawa: anak-pawis hampas-lupa dahong-palay patay-gutom

9

Page 10: Mga Gawain Sa Pagkatuto

2. PANGHALIP - Ang panghalip ay bahagi ng pananalitang ginagamit na panghalili sa pangngalan.

Mga Uri ng Panghalip

1. Panao – nauukol lamang sa mga tao. 1.1 Panauhan ng Panghalip Panao a. Unang Panauhan – mga panghalip na nauukol sa taong nagsasalita. Halimbawa: ako tayo natin ko atin kata b. Ikalawang Panauhan – mga panghalip na nauukol sa taong kinakausap. Halimbawa: ikaw mo kayo ninyo ka iyo inyo c. Ikatlong Panauhan – mga panghalip na nauukol sa taong pinag-uusapan. Halimbawa: siya sila kanya niya nila kanila

Kailanan ng Panghalip Panao a. Isahan – ang tinutukoy ng panghalip panao ay isa lamang. Halimbawa: ako siya iyo niya mo ka ikaw b. Dalawahan – ang tinutukoy ng panghalip panao ay para sa dalawa. Halimbawa: kita kata kanila c. Maramihan – ang tinutukoy ng panghalip panao ay higit pa sa dalawa. 1.2. Paari – mga panghalip na nagsasaad ng pag-aari. Halimbawa: akin atin amin iyo ko natin namin mo 3. Pananong – mga panghalip na nagtatanong. Halimbawa: sino ilan ano alin 4. Panaklaw – mga panghalip na nagsasaad ng marami sa bilang. Halimbawa: lahat balana 5. Pamatlig – mga panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng mga tao, bagay, pook o lunan. A. Paturol – ito, ire, iyon, iyan, yaon Halimbawa: 1. Ito ang paborito kong pook pasyalan. 2. Ire ang talagang natural. 3. Iyan ang dapat mong gayahin. B. Paari – nire, nito, niyan, niya, noon Halimbawa: 1. Lagyan mo nire ang kinakain mo. 2. Humiram din kami nito sa ate. 3. Bigyan mo niyan ang mga kapitbahay. C. Patulad – ganito, ganyan, ganoon, ganire, gayon Halimbawa: 1. Ganito ang ibig kong yari ng damit. 2. Ganyan ang bagay sa iyo. 3. Ganoon ba kung gumasta siya. D. Paukol – dito, dine, diyan, doon Halimbawa: 1. Dito ko siya iniwan kanina.

10

Page 11: Mga Gawain Sa Pagkatuto

2. Ilagay mo rine ang mga iyon. 3. Bagay diyan sa suot mo ang bakya. E. Pahimaton – eto, heto, ayan, hayan, hayun Halimbawa: 1. Eto na ang mga panauhin natin. 2. Heto na ang pinabili mong damit. 3. Ayan, bati na sila.

3. PANDIWA Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ang kaluluwa ng pangungusap sapagkat ito ang naglalahad ng kondisyon ng diwang isinasaad. Halimbawa: 1. Ang magsalita sa harapan ng maraming tao ay nakakakaba. 2. Ang pagdarasal ay nakagagaan ng kalooban. 3. Pumapasok siya sa paaralan ng araw-araw. 4. Mamamasyal kami bukas. 5. Tila babagsak ang malakas na ulan. 6. Mukhang umiiyak siyang dumating. 7. Magsara ka ng tindahan.2. Dalhin mo ang sulat na ito sa kanya.

Tatlong Aspekto ng Pandiwa 1. Naganap o Perspektibo – nagsasaad ng kilos o gawaing nakaraan na. Halimbawa: a. Nagluto ng nanay ng masarap na agahan. b. Tumakbo siya mula bahay hanggang paaralan. c. Uminom ako ng gamot kanina. 2. Nagaganap o Imperspektibo – nagsasaad ng kilos o gawain na ginaganap sa kasalukuyan. Halimbawa: a. Lumakad na sila sa mga oras na ito. b. Nagdarasal siya nang mataimtim sa loob ng simbahan. c. Tumutulo ang kanyang luha habang nagsasalita. 3. Gaganapin o Kontemplatibo – nagsasaad ng kilos o gawain na gagawin pa lamang. Halimbawa: a. Magbabakasyon kami sa Liwayway. b. Aawit kami sa simbahan sa araw ng kanyang kasal.

4. PANG-URIAng salitang nagbibigay – turing o naglalarawan sa pangngalan ay tinatawag na pang-uri. Ito ay maaring anyo, hugis, kulay o lasa. Ang lugar ng Pang-uri sa Pangungusap Matatagpuan ang pag-uri sa iba’t ibang bahagi ng pangungusap. Ito ay maaring nasa unahan ng pangngalan o paghalip. Maari naming ito ay nasa likod ng panandang ay. Sa unahan ng Pangngalan: 1. Ang madasaling babae ay pinagpapala.

11

Page 12: Mga Gawain Sa Pagkatuto

2. Ang mahabang tulay ay nagiba. 3. Ang matalinong guro ay hinahangaan ko.

Kasunod ng Panandang Ay. 1. Ang bulaklak ay mabango. 2. Ang handa nila ay masarap. 3. Ang sili ay maanghang.

Sa unahan ng Pangngalan at pagkatapos ng Panandang Ay. 1.Ang mahusay na makata ay tanyag. 2. Ang mainit na tsokolate ay masarap. 3. Ang bilog na bag ay maganda.

Uri ng Pang-Uri 1. Pang-uring Panlarawan – naglalarawan sa isip ang kulay o anyo ng kaisipan. Ito ay tumutulong upang higit na makita, marinig, malasap at maramdaman ang nilalarawang pangngalan. Halimbawa: Ang mabangong bulaklak ay kanyang isasabit sa mapagkalingang dibdib ng kanyang ina na pinagkakautangan niya ng kanyang masaya, masagana at tahimik na buhay. 2. Pang-uring Pamilang – ang pang-uring pamilang ay nagsasaad ng bilang, dami o halaga ng pangngalang tinuturingan ay tinatawag na pang-uring pamilang.

5. PANG-ABAY Ang pang-abay ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pag-abay.

Mga Uri ng Pang – Abay

1. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa. Halimbawa: a. Mamayang hapon darating ang Tatay. b. Ang mga panauhin ay dumating kagabi. c. Sa linggong darating ay kaarawan ko.

2. Pang-abay na Panlunan – nagsasaad kung saan nagaganap o gaganapin ang kilos. Halimbawa: a. Magkakaroon ng Educational Tour ang mga mag-aaral sa Expo Filipino. b. Sa bukid ko siya nakita kahapon. c. Namili ang mga ate sa bayan.

3. Pang-abay na Pamaraan – nagsasaad kung papaano isinasagawa ang bagay na sinasabi ng pandiwa. Halimbawa: a. Mabilis magsalita si Aling Tessie.

12

Page 13: Mga Gawain Sa Pagkatuto

b. Maganda ang pagkakagawa ng iyong bahay.

4. Pang-abay na Pang-agam – nagsasaad ng pag-aalinlangan at walang katiyakan. Halimbawa: a. Tila uulan mamaya. b. Ikaw yata ang nanalo sa paligsahan. c. Baka ayaw niyang sumama sa atin.

5. Pang-abay na Pagsang-ayon - nagsasaad ng pagsang-ayon. Halimbawa: a. Payag na siyang sumama sa iyo. b. Totoong siya ang nagwagi sa paligsahan. c. Tunay na makata si Balagtas. 6. Pang-abay na Pananggi – nagpapahayag ng pasalungat o pagtanggi. Halimbawa:

a. Hindi ako makakarating sa araw ng iyong pagtatapos. b. Ayaw niyang makinig sa pangaral ng kanyang mga magulang. c. Tinanggihan niya ang alok na tulong ng kanyang kaibigan.

I. Tukuyin ang pangngalan sa pangungusap. Isulat ang PT kung patangi at PB kung pambalana.1. Mabilis tumakbo ang kanilang kotse.2. Maingay sa aming Baanggay kapag gabi.3. Ang Boracay ay kilala dahil sa putting buhangin nito.4. Isa siya sa mga Pilipinong iginagalang.5. Si Marife ay palaging masaya.6.Matamis ang keyk na iyan.7. Mahilig siyang kumain ng tsokolate.8. Gustong - gusto nilang magbakasyon sa Italy.9. Ang jollibee ay kilala na rin sa ibang pook.10. Sasama ka ba sa akin sa Simbahan?

II. Tukuyin ang angkop na panghalip para sa pangungusap sa bawat bilang. Piliin sa kahon ang sagot.11._______(sa malayo) nagtatakbuhan ang mga manlalaro sa stadium.12. Pupunta ____ (si Juan) kina Maria para magdala ng miryenda.13. _______(sarili) ay mag-aaral mabuti at laging makikinig sa guro.14. Ang bolpen na _____ (hawak mo) ang binili naming sa National Bookstore.15. _________ (ikaw, at ang mga kaibigan mo) ay gagawa ng proyekto sa Filipino mamayang uwian.

13

Page 14: Mga Gawain Sa Pagkatuto

III. Tukuyin ang dalawang pandiwa sa bawat bilang.16. Kumakanta habang sumasayaw si Bea kanyang concert kahapon.17. Si nanay ay nakikipagusap sa telepono habang nagluluto.18. Habang kumakain si Gina ay bumibili ng inumin si Kyla.19. Naglalaba si ate at si kuya naman ay nagsasampay.20. Ginugupit ni Anna ang mga papel at idinikit sa kahon.

IV. Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap. Isulat lamang ang pang-uri.21. Ang mabait kong kaibigan ay niregaluhan ako.22. Pumitas ako ng mabangong rosas.23. Kinagat ako ng mabalahibong pusa sa kanila.24. Nasagutan ko ang 50 tanong ng aking guro sa pagsusulit.25. Nakapasa ako sa Filipino dahil isa akong masipag na mag-aaral.

V. Gamitin sa pangungusap ang mga pang-abay.26. nang matulin27. kahapon28. sa paaralan29. nang mabuti30. noong umaga

14

Kami nila Ako ikaw Kami mo Doon DitoKami nila Ako ikaw Kami mo Doon DitoKami nila Ako ikaw Kami mo Doon Dito

Page 15: Mga Gawain Sa Pagkatuto

15