Upload
quitzilipoctli
View
22.441
Download
2
Embed Size (px)
Citation preview
ARALIN 13 ANG ASYA SA SINAUNANG PANAHON: SILANGAN AT HILAGANG ASYA
SILANGANG ASYA- binubuo ng 3 sentro ng kalinangan o kultura—China, Korea, Japan
CHINA- tahanan ng pinakaunang kabihasnan—ang Shang sa Huang Ho.
JAPAN at KOREA- humiram ng kultura subalit iniangkop sa kanilang kapaligiran at sariling kultura
CHINA
Pagpapalit ng naghaharing pamilya o dinastiya mula Shang hanggang Qing-bahagi ng kasaysayan ng China
MANDATE OF HEAVEN-paliwanag sa pagpapalit-palit ng mga dinastiya
ALALAHANIN ANG TALAKAYAN TUNGKOL DITO
ALALAHANIN DIN ANG TALAKAYAN TUNGKOL SA KABIHASNANG SHANG
ZHOU O CHOU (1122 B.C.E-221 B.C.E)
Dinastiyang Zhou- naipasa ang “Basbas ng Langit” at ang titulo ng “Anak ng Langit” sa hari nito nang tinalo ng Zhou ang huling hari ng Shang
Nagpatuloy ang pag-unlad ng China sa ilalim nito
Naimbento ang bakal na araro Itinayo ang mga irigasyon at
dike laban sa pagbaha ng Huang Ho
Nagpagawa ng mga kalsada at sumulong ang kalakalan
Nagsimulang lumaki ang populasyon
PAKIKIDIGMA- naimbento ang sandatang crossbow at bumuo ng hukbong nakakabayo at gumagamit ng chariot
KAHINAAN:
MALAWAK ANG TERITORYO- mahirap pamahalaan—humina ang control nang lumaon
Nauwi sa panahon ng mga digmaan ng mga estado (warring states)
Lumitaw ang mga pilosopiyang CONFUCIANISM at TAOISM
CONFUCIANISM
Pinasimulan ni Kongzi o Confucius
Naghain ng solusyon sa kaguluhan
Itinuro ang paraan ng tamang asal, tamang relasyon ng bawat isa at mabuting pamahalaan
TAOISM
Pinasimulan ni Laozi (Lao Tzu) Para sa kanya, ang kaayusan ay
makakamit kung susundin ang daloy ng kalikasan
QIN o CH’IN
Isa sa mga nagdirigmang estado
Nagapi ang mga kalabang estado sa ilalim ng pamumuno ni Zheng
221 B.C.E- napabagsak ang Zhou at iba pang estado at idineklara ang sarili bilang Shi Huangdi o Shih Huang Ti- ibig sabihin ay “UNANG EMPERADOR”
Naganap ang KONSOLIDASYON NG CHINA
Nagpatupad si SHI HUANGDI ng mga patakaran tungo sa higit na sentralisasyon ng kapangyarihan ng emperador
Nawala ang mga estadong-lungsod ng Zhou-napalitan ng
malakas at sentralisadong pamahalaan
Piniling tagapayo ang mga iskolar ng pilosopiyang Legalism
LEGALISM- kailangan ang malulupit na batas at mabibigat na parusa para maabot ang kaayusan
LI SI (Li Ssu)- naging pinunong ministro ni Shih Huangdi
Para sa kanya, makasasama sa China ang maraming libro at ideya na tumutuligsa sa Qin
Iminungkahi na ipag-utos ang pagkontrol sa mga iskolar—ilang daang iskolar ang hinuli at pinatay—sinamsam ang maraming libro at sinunog ang mga ito—itinira lamang ang mga aklat tungkol sa agrikultura, medisina, at mahika
Nagpatupad ng iisang sistema ng pananalapi para sa buong imperyo
Nagpatayo ng mga kalsada sa buong teritoryo
Iniutos ni Shi Huangdi ang pagpapatayo ng GREAT WALL OF CHINA- bilang proteksyon laban sa pag-atake ng mga
mandirigmang nomadiko mula sa Hilagang Asya
Para sa mga Tsino, ang mga taga-Hilagang Asya ay BARBARO
300,000 magsasaka ang nagsilbi para itayo ang 1,400 milya (2,254 kilometro) na Great Wall of China
Libu-libo ang namatay sa mga gumawa nito
Malupit ang panahon ng paghahari ni Shi Huangdi sa kabila ng positibong programa
Pagkamatay niya, bumagsak din ang dinastiya
HAN (206 B.C.E.-220 C.E)
Kinilala bilang isa sa apat na dakilang dinastiya sa China Itinatag ni Liu Bang—
pinalitan ang mararahas na patakaran ng Qin
Binawasan ang malaking buwis, tinanggal ang malulupit na batas na Legalist; pinairal ang mga aral ng Confucianism—naging opisyal na pilosopiya ng estado
Panahon ni WU DI o WU TI- natamo ang rurok ng tagumpay ng Han
Pinalawak ang teritoryo sa pamamagitan ng pagsalakay sa iba pang teritoryo tulad ng Manchuria, Korea, hilagang India at bahagi ng Timog Silangang Asya.
Pinalakas ang paglikom ng buwis at kapangyarihan ng imperyo.
Napatanyag ang SILK ROAD—kalakalan na nagdadala ng mga produktong Tsino tulad ng seda at porselana sa malalayong lugar sa Kanluran
Ang mga opisyal ay pinipili mula sa mga iskolar na Confucian
Nagkaroon ng regular na civil service examination upang pumili ng dapat manguna
Maraming pagsulong sa teknolohiya, medisina, sining at pagsusulat ng kasaysayan
Naimbento ang papel, porselana at water-powered mill
Nabuhay sa panahong ito si SIMAQIEN—kinikilalang Dakilang Historyador ng China
SUI
Nang bumagsak ang Han, nagkaroon ng mabilis na pagpapalit ng dinastiya at maraming digmaan
Nakapasok sa China ang mga nomadikong mandirigma
Watak-watak ang China nang may 400 taon
Umabot ang Buddhism sa China
Bumalik ang konsolidasyon sa ilalim ng SUI-itinatag ni YANG JIAN
Inayos ang Great Wall of China na napabayaan ng mahabang panahon
Itinayo ang Grand Canal na nagdugtong sa Huang Ho at Yangtze River
Inayos ang dating capital ng Han, ang CHANG AN
Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil ginamit silang mga manggagawa sa mga proyekto ng Sui
T’ANG (618-907 C.E)
Nagkaroon ng mga pag-aalsa LI YUAN- isa sa mga pinuno ng
mga pag-aalsa-itinatag ang dinastiyang T’ang
Tinawag siyang Emperador Tai Cong
Pangalawa sa dakilang dinastiya ang T’ang
Nanumbalik ang kasiglahan at kasaganaan ng lipunan at kulturang Tsino
Bumalik ang matatag at mahusay na pamamahala sa tulong ng mga iskolar na Confucian
Sumigla ang agrikultura dahil sa bagong uri ng palay at bagong paraan ng pagtatanim
Sumigla ang kalakalan dahil sa mga bagong kalsada na naging daan para sa lalo pang masiglang palitan ng produkto at ideya
Lubos na kumalat ang Buddhism
Naimbento ang woodblock printing na nagpabilis sa paggawa ng kopya ng anumang sulatin.
SONG o SUNG (960-1278 C.E)
Nagkawatak-watak ang China nang bumagsak ang T’ang
Naitatag ang dinastiyang T’ang
Ikatlo sa mga dakilang dinastiya sa China
Nagpatuloy ang kasaganaan Itinatag ng isang heneral na
si ZHAO KUANGYIN Nagpatuloy ang hamon ng
pagsasalakay ng mga pangkat-etniko sa Hilagang Asya tulad ng Khitan, Xixia, Mongol at Jurchen
Bagamat nasakop, nagpatuloy ang pamumulaklak ng sining at panitikan
KALIKASAN-naging tema ng panitikan—ang paglipas ng panahon at ng buhay ng tao—gayundin ng mga pinturang landscape at iskultura
Lalo pang umunlad ang arkitektura at paggawa ng porselana
Naimbento ang gunpowder Nagsimula ang tradisyon ng
footbinding—binabalot nang mahigpit sa bendang bulak o seda ang paa mula sa daliri hanggang sa sakong upang pigilan ang paglaki nito
Isa sa malaking kontribusyon—paglitaw ng
NEO_CONFUCIANISM na binuo ni ZHUXI (CHU HSI)-isang dakilang iskolar na Confucian
TRADISYUNAL NA LIPUNANG TSINO:*EMPERADOR AT PAMILYA*May-ari ng lupa o gentry, magsasaka, artisano at *mangangalakal
Karaniwang mula sa uri ng may-ari ng lupa ang mga iskolar ng Confucian
Pinakamababa ang tingin sa mangangalakal sapagkat ayon sa Confucianism, ang kanilang kayamanan ay mula sa pawis ng ibang tao
YUAN (1278-1368)
Nasakop ng Mongol ang Hangzhou, capital ng Song
Itinatag ni KUBLAI KHAN noong 1267 ang lungsod ng DAIDU (Beijing) sa hilagang China
Naging capital ng dinastiyang Yuan-ANG UNANG DINASTIYANG BANYAGA SA CHINA
KUBLAI KHAN-apo ni GENGHIS KHAN
Magaling na mandirigma ang mga Mongol
Taglay nila ang kasanayan sa pagsalakay sa kabayo, mahusay na taktika ng pakikipaglaban, disiplina at katapatan sa pinuno
Ang mga katangiang ito ay ay nahubog ng pamumuhay sa steppe
Pinairal ang Confucianism bilang pilosopiya ng pamahalaan at ang iba pang tradisyong Tsino para sa nakararaming Tsino
Sila naman ay nanatili sa sariling kultura
Mga Dokumento- nakasulat pareho sa wikang Mongolian at Tsino
YUAN- bahagi ng mas malawak na imperyong Mongol na sumasaklaw sa Hilagang Asya hanggang Kanlurang Asya
Nagkaroon ng maraming manlalakbay na banyaga tulad ni Marco Polo
Kaayusan ay nakatulong sa pagsulong ng kalakalan
Naging ligtas ang paglalakbay sa kahabaan ng mga ruta ng kalakalan tulad ng Silk Road
Ipinapasa sa rutang ito ang kaalaman at produkto sa pamamagitan ng mga mangangalakal
MING (1368-1644 C.E)
Kublai Khan- pinalitan ng mahihinang emperador
Dumami ang pag-aalsa ng mga Tsino laban sa Mongol
ZHU YUANZHANG- isa sa mga rebelde- Unti-unting lumakas ang
kanyang hukbo na nakabase sa Nanjing
- 1368- tuluyang napabagsak ang Mongol sa Daidu
- Itinatag ang dinastiyang Ming
Ikaapat na dakilang dinastiya ng China
Nanumbalik ang mga Tsino sa pamamahala ng sariling bansa
Ipinaayos muli ang Great Wall of China
Ibinalik ang sistema ng Civil Service Examination at burukrasyang Tsino
Pinalawak ang kalakalang pandagat
Nagkaroon ng ekspedisyong sa ibayong-dagat sa pamumuno ni Admiral ZHENGHE
Nakarating sa TSA, TA, Persian…
KABUUAN: muling umunlad ang kulturang Tsino at lumago ang ekonomiya
KOREA
Alamat ni Tangun/Dangun
GOJOSEON o LUMANG JOSEON
ISKOLAR: nagkaroon ng hiwa-hiwalay na estadong pamayanan sa Korea noong Panahong Bronse (1000 B.C.E.- 300 B.C.E)
GOJOSEON-pinakamalakas; itinatag ni DANGUN
Mula sa pagiging estadong pamayanan, ito ay naging kaharian
KOREA- sinalakay ng Han ng China noong 109 B.C.E. at nasakop ang Gojoseon
HAN- Naglagay ng apat na mga kolonyang Tsino o commandery upang pamahalaan ang hilagang bahagi ng Korea noong 108 B.C.E
Nagpatuloy ang pangingibabaw ng mga Tsino sa hilagang bahagi hanggang 313 C.E
TATLONG KAHARIAN (313-668 C.E)
Nanatiling malaya ang Timog-tinirhan ng mga hiwalay na pamayanang agricultural
Unti-unting lumitaw ang tatlong kaharian—GOGURYEO o dating KOGURYO, BAEKJE at SILLA
Matapos mapatalsik ang mga Tsino, tinawag ito na panahon ng Tatlong Kaharian
GOGURYEO
Unang nabuo sa tatlo Lumawak sa hilaga Matatapang na mandirigma at
magagaling na hari- isa-isang nagapi ang mga kalaban
313 C.E- tinalo ang hukbong Tsino at pinatalsik mula sa Korea
Umabot ang teritoryo hanggang sa Manchuria
Dahil nasa bukana ng hilaga, walang tigil ang pakikipagsagupa sa mga hukbong Tsino at nomadiko sa Hilagang Asya
BAEKJE
Nabuo sa timog-kanluran Mas mapayapa t malapit ang
pakikipag-ugnayan sa China at Japan
DAGAT- naging daan ng interaksyon
SILLA
Huling nabuo sa timog-silangan ng Korea
Pinakamahina noong simula
TATLONG KAHARIAN SA KABUUAN
Mayaman ang kultura Hiwa-hiwalay man, 3 Kaharian
ay magkakaugnay sa WIKA AT PANGKAT ETNIKO
LIPUNAN- pinamumunuan ng mga aristokratikong mandirigma
Hiniram mula sa Han- sistema ng pamahalaan, relihiyong Buddhism at tradisyon ng pagsusulat ng kasaysayan
PINAG-ISANG SILLA
Ikaanim na siglo- GOGURYEO at BAEKJE ay pinahina ng mga sigalot sa kani-kanilang kaharian
SILLA- nasa ilalim ng magaling na hari-nagplanong sakupin ang mga katabing kaharian
Nakipag-alyansa sa dinastiyang T’ang laban sa Goguryeo at Baekje
BAEKJE- unang bumagsak; sunod ang Goguryeo
Napag-isa ng Silla ang halos kabuuan ng Korea
Panahon- tinawag na Pinag-isang Silla o Unified Silla
Hinarap naman ang T’ang-matapos ang pitong taon, napatalsik ang natitirang sundalong Tsino sa Korea
Nagkaroon ng kasaganaan at kapayapaan
Pinairal ang sistema ng pagsusulit na Confucian para sa serbisyong sibil PERO mga ARISTOKRATA lang ang pinayagang kumuha
Nagpatayo ng maraming templong Buddhist sa palibot ng GEUMSEONG (GYEONGJU)
Hal. Templong BULGUKSA at SEOKGURAM
BALHAE (698-926 C.E)
Itinatag ng mga aristokratiko ng Goguryeo na ayaw sumuko sa Silla
Matatagpuan sa hilaga at umabot hanggang Manchuria
KULTURA-pinagsanib na kultura ng T’ang at Goguryeo
Ika-10 siglo-nasakop ng mga nomadikong Khitan
GORYEO o KORYO (935-1392 C.E)
Itinatag ni WANG GEON-isang heneral ng rebeldeng prinsipe ng Silla
Pangalang Korea- nagmula sa pangalan ng kaharian
Nilipat ang kapital ng Korea mula Geumseong tungo sa Kaesong na malapit ngayon sa Seoul
Korea- napasailalim ng iisang kaharian
ARISTOKRATIKONG BALHAE- sumanib na rin sa Goryeo
Patuloy na namayani ang Buddhism bilang relihiyon
Confucianism- bilang pilosopiya ng pamahalaan
SINING
Nakalikha ng sariling istilo ng porselana na tinawag na CELADON—makintab at kulay bughaw at berde
TEKNOLOHIYA
Pinaunlad ang woodblock printing
Naimbento ang movable-type ng paglilimbag
GAMIT ang kaalaman sa woodblock printing—binuo ng mga Korean ang TRIPITAKA- banal na kasulatan ng Buddhism- may 300,000 bloke ng kahoy
Umatake ng sunud-sunod ang mga Mongol—sa huli, Goguryeo- naging tagasunod ng Mongol
JOSEON o YI
Pinakahuli at pinakamahabang dinastiya ng Korea
Itinatag ni YI SEONG-GYE Inilipat ang kabisera sa
Hanseong (Seoul) Namayani ang Confucianism HARING SEJONG-tinaguriang
“Ang Dakila” Naabot ang tugatog ng pag-
unlad Pagsulong sa larangan ng
agrikultura, teknolohiya, at astronomiya
Naimbento ang alpabetong Korean- HANGUL-pinalitan ang pagsulat na Tsino
HANGUL-pinatingkad ang pagkakakilanlan ng mga Korean DAHIL kinakatawan nito ang tunog ng wikang Korean
Dumami ang bilang ng marunong sumulat at bumasa
Ika-16 at 17- pagsalakay ng mga Hapones at Manchu
1592-1597-nilabanan ng mga Korean ang mga samurai na Hapones
TOYOTOMI HIDEYOSHI-pinuno ng Japan- layunin na salakayin ang Korea at China
Sa tulong ng China, hindi nagtagumpay ang Japan
ADMIRAL YI SUNSIN- natalo ang mga barkong Hapones dahil sa imbensyon ng GEOBUKSEON (turle ship)-barkong nababalutan ng bakal.
Kinuha at dinala sa Japan ang mahahalagang yamang cultural ng Korea tulad ng painting at istatwang Buddhist
Artisanong tagagawa ng porselana- dinala din
1627-1636- sinalakay ng Manchu ang Korea- ngunit di b umagsak ang Joseon
LIPUNANG KOREAN
Binubuo ng apat na uring panlipunan—YANGBAN, CHUNG-IN, YANGMIN at CHONMIN
YANGBAN- “dalawang grupo”—sibil at military
Aristokratiko na pinagmulan ng mga opisyal ng kaharian at hukbo
May-ari ng malalawak na lupa ang mga pamilya
CHUNG-IN- gitnang uri-kinabibilangan ng mga naninilbihan sa kaharian—tagasalin at tagasulat
YANGMIN- ordinaryong tao—magsasaka
CHONMIN- mababang tao- alipin, minero, mangangatay ng hayop, magkukulti ng balat ng hayop o tanner
KISAENG- babaing tagapag-aliw
JAPAN
ALAMAT- JIMMU TENNO-unang emperador
Sinakop ang mga kalabang angkan na nasa kapatagan ng Kyushu at Honshu noong 600 B.C.E
Banal-apo ni Amaterasu-diyos ng araw
Yamato-ngalan ng angkan Ainu-kalaban ng mga Yamato;
mas naunang nanirahan sa Japan kaysa sa mga tinatawag na Hapones ngayon
Unti-unting itinaboy tungo sa hilagang isla ang Hokkaido ang mga Ainu
PANAHONG YAMATO at NARA
Panahon ng paglaganap ng impluwensyang Tsino sa Japan
Korea-naging tulay sa pagdating ng Buddhism at Confucianism kaakibat ang: pamahalaan, batas, pagkain, arkitektura, at sistema ng pagsusulat ng mga Tsino
REPORMANG TAIKA-lumawak ang kapangyarihan ng emperador
Binuo ang isang sentralisadong pamahalaang halaw sa China
Itinayo ang lungsod ng Nara noong 710 C.E
Pinakaunang permanenteng lungsod sa Japan na kinopya sa lungsod ng Chang An sa China
FUJIWARA o PANAHONG HEIAN
Itinayo ang bagong kapital ng Japan sa HEIAN
Nagpatuloy ang paghiram ng kulturang Tsino at sentralisasyon ng estado
ANGKAN NG FUJIWARA-maisasantabi ang emperador
Nagsimula ng maging REGENT si FUJIWARA KAMATARI ng batang emperador
Namahagi ang Fujiwara ng lupa sa mga angkang aristokratiko at mula rito, lilitaw ang mga independenteng HAN o LUPAING KONTROLADO NG MGA DAIMYO o PINUNONG PIYUDAL
KULTURAL
Namulaklak ang kulturang aristokratiko na nagbibigay-
daan sa representasyon ng kagandahan
Napatanyag ang eleganteng pagsusulat ng tula, sining ng calligraphy at pananamit
Naisukat ang dakilang nobela na The Tale of Genji ni Murasaki Shikibu o Lady Murasaki
Huling bahagi ng panahon ng Heian- nagkaroon ng labanan ng mga angkang aristikratiko
Nabuo ang mga pribadong hukbo o pwersang military dahil sa pagtindi ng labanan
Lumitaw ang grupong BUSHI (mandirigma) at SAMURAI (retainer o mandirigma na nagtatanggol ng mga daimyo) mula sa aristokrasya
Kasabay ang pagbuo ng tradisyong military na nakapaloob sa BUSHIDO o “Alituntunin ng Karangalan”
Mahalaga sa tradisyong ito ang katapatan, karangalan, at katapangan
SAMURAI- Naging mahusay sa paggamit ng espada, pana, at pagsakay sa kabayo
RITWAL NG SEPPUKU O HARAKIRI (marangal na
pagpapatiwakal)- kaugnay sa tradisyon ng Bushido
Pagtatapos ng panahong Hein= hudyat ng pagbubuo ng BAKUFU o pmahalaang military sa Japan
PAMAHALAANG MILITAR
Iisang angkan ang dominanteng kaoangyarihan pulitikal ayon sa dami ng kontroladong samurai at malawak na lupain
SHOGUN (dakilang heneral)- namumuno sa pamahalaan kaya kilala sa tawag na SHOGUNATO
3 SHOGUNATO SA JAPAN:1. MINAMOTO2. ASHIKAGA3. TOKUGAWA
Panahon ng Shogunato- nawalan ng pulitikal na kapangyarihan ang emperador
MINAMOTO O PANAHONG KAMAKURA
Unang shogunato sa Japan Natalo ang angkang Taira KAMAKURA- itinayo bilang
sentro ng pamahalaan
Nangibabaw ang aristikratang BUSHI at samurai
Namayani ang sistemang pyudal kung saan ang mga daimyo ay kailangang sumunod sa mga Shogun
DAIMYO- nanatiling makapangyarihan sa sakop na teritoryo
Naganap ang 2 beses na paglusob ng mga Mongol sa Japan- NGUNIT sinalubong ng malalakas na bagyo kaya nasalanta ang mga barko nila
KAMIKAZE (banal na hangin)-mga bagyong simbolo ng proteksyon ng mga KAMI o espiritu sa mga Hapones
ASHIKAGA o PANAHONG MUROMACHI
Napalitan ang Minamoto Inilipat ang sentro ng
pamahalaan sa MUROMACHI Hindi lubusang nakontrol ang
mga hiwa-hiwalay na daimyo kaya nagpatuloy ang labanan hanggang sa tuluyang sumiklab ang digmaang sibil noong 1573
Nagtapos ang pamumuno noong 1568
TOKUGAWA
Naibalik ang pagkakaisa sa Japan sa pamamagitan ng 3 DAKILANG MANDIRIGMA:1. ODA NOBUNAGA2. TOYOTOMI HIDEYOSHI3. TOKUGAWA IEYASU
ODA NOBUNAGA
Isang makapangyarihang daimyo
Sinimulan ang paggapi sa iba pang daimyo at pagkontrol sa mga Buddhist
Pinatay ng sariling basalyo Pinalitan ni Toyotomi
HIdeyoshi
TOYOTOMI HIDEYOSHI
Ipinag-utos ang direktang pagbubuwis sa mga magsasaka at ipinagbawal ang Kristiyanismo
Ipinag-utos ang pagsalakay sa Korea
Nang namatay, pinalitan ni TOKUGAWA IEYASU
TOKUGAWA IEYASU
Itinatag ang isang sentralisadong pamahalaang military batay pa rin sa sistemang pyudal
Hinati sa 3 uri ang daimyu:1. SHIMPAN DAIMYO- mga
kaugnay na angkan2. FUDAI DAIMYO- kasaping
angkan3. TOZAMA DAIMYO-
tagalabas na angkan; dating kalaban na napasailalim
Para mangyari ito, ipinatupad an g sistema ng SANKIN KOTAI o pagbisita ng daimyo sa EDO (Tokyo) bawat 2 taon
Habang nasa lupain ang daimyo, sapilitang pinanatili sa Edo ang asawa at anak nito
Ipinag-utos ang pagsasara ng Japan sa mga banyaga maliban sa mga Dutch na maaari lamang makipag-ugnayan sa daungan ng DESHIMA
Patakaran ng pagbubuklod- naipatupan mula 1639 hanggang 1854
LIPUNANG HAPONES SA PANAHON NG TOKUGAWA
EMPERADOR
SHOGUN
DAIMYO
SAMURAI
MAGSASAKA ARTISANO
MANGANGALAKAL
KULTURA
ZEN BUDDHISM- sikat sa hanay ng mga samurai
PAGLITAW NG MGA KABUKI o isang uri ng ng teatro at HAIKU isang uri ng tula-nagbago ang sining sa panahong ito
AGRIKULTURA- bumuti; lumaki din ang populasyon
Malakas ang kalakalan at lumitaw ang uring mangangalakal
TRADISYUNAL NA LIPUNAN NG HAPONES: NAHAHATI SA APAT NA URING PANLIPUNAN:
1. SAMURAI2. MAGSASAKA3. ARTISANO4. MANGANGALAKAL
KATAKANA AT HIRAGANA- sariling sitema ng pagsusulat kaya maraming
marunong magbasa at sumulat na mga Hapones
HILAGANG ASYA
MONGOLIA- sa kasalukuyan ay kabilang sa SIlangang Asya dahil ang Inner Mongolia ay nasa ilalim ng China. Subalit, sa kasaysayan, ang Mongolia ay kabilang sa kaganapan sa Hilagang Asya.
Ang rehiyon ay tirahan ng mga nomadikong pastoral na grupo
Dahil sa kapaligiran, lumitaw ang kulturang mandirgma
PANANAKOP ang batayan ng pagbubuo ng mga estado
MILITIRASO ang kabihasnan at talamak ang labanan
NGUNIT: bukas ang loob at mapagtangkilik ng mga impluwensiya ng ibang kabihasnan
EXAMPLE: pagyakap sa relihiyong ISLAM ng Kanlurang Asya at BUDDHISM ng Timog Asya
Bagamat yumakap sa iba, nagpatuloy pa rin ang relihiyong katutubo—SHAMANISM
MGA IMPERYO BAGO ANG MONGOL: HUN at XIONGNU
Imperyong HUN at XIONGNO- estadong pantribo
Namayani noong neolitikong panahon hanggang kalagitnaan ng ika-12 na siglo
Mga nomadikong pastoral na grupo at paminsan-minsan ay nagtatanim ng butil
XIONGNO- nanirahan sa hilaga ng China
SISTEMANG PULITKAL- nakabatay sa katapatan sa kanilang pinunong mandirigma
EX. MGA DAKILANG HARI: MAODUN AT ATTILA
MAODUN- ipinatupad ang masalimuot na hirarkiya ng hukbo na pinamunuan ng 24 aristokratikong opisyal
Sa ilalim ng bawat aristokratikong opisyal ay 10,000 mandirigma
Nanalanta sa China sa panahon ng dinastiyang Han
Sa ilalim ni Attila- ang Imperyong Hun ay lumusob mula sa Gitnang Asya tungong Iran at Silangang Europa
SInalakay ang Greece, Germany, at Italy at naging banta sa Imperyo ng Rome noong ika-4 na siglo C.E
IMPERYONG MONGOL
MONGOL- pangkat-pangkat na binubuo ng magkakapamilya
Makikita sa silangang bahagi ng Gitnang Asya
GER- tawag sa kanilang tirahan; yari sa balat ng hayop at ginawang tolda
Pagpapastol ang pangunahing ikinabubuhay
Aristokratiko- nagpapastol ng mga kabayo
Ang IBA- nag-aalaga ng tupa, kambing, at iba pang hayop
Itinatag ni Genghis Khan (Temujin- ang tunay na pangalan)
Nang lumabas mula sa sinapupunan, may hawak na namuong dugo sa kanang kamay
Ayon sa mga paring Shaman- nagbabadya na magiging dakila ang sanggol paglaki
Ipinagkasundong ipakasal sa isang batang babae, si BORTE noong 9 yrs old pa lamang siya
Nagsimula ang paghihirap ng pamilya nang mamatay ang amang si YESUGEI dahil sa lasong hinalo sa pagkain
Tumulong siya para mabuhay ang pamilya
Nang lumaki, napatunayan niya ang katapangan at kakayahang mamuno
EX. Nasagip niya si BORTE mula sa malaking tribu sa Merkit
Kalaunan, nilusob ang iba pang tribu na ayaw sumanib sa kanya
1206-kinilala ang kanyang pamumuno ng KURILTAI o isang pagtitipon ng mga prinsipe at pinuno ng iba’t ibang tribung Mongol
Ginawaran siya nv titulong GENGHIS KHAN- ibig sabihin ay Universal Ruler
1206-1227-sinalakay ang mga karatig na kaharian ( Xixia, Jin, Kara Khitai at Khwarizm)
OGEDEI KHAN- ipinagpatuloy ang pagpapalawak ng teritoryo
Ang mga nasakop ay hinati ni Genghis Khan sa kanyang apat na anak; tinawag itong KHANATE o KHANATO
Bawat khanato ay may partisipasyon sa digmaan
Ito ang mga sumusunod:1. GREAT KHANATE- sa
Mongolia at Silangang Asya
2. KHANATO ng CHAGADAI- sa Turkestan
3. IL-KHANATE- sa Persia4. GOLDEN HORDE o KIPCHAK
KHANATE
GREAT KHANATE (DAKILANG KHANATO)
Pinakamahalaga KHANBALIK ang kapital 1260- inilipat ni Kublai Khan sa
Daidu o Beijing Tinangkang sakupin ang Japan
ngunit nabigo Naging basalyo ang mga
kaharian ng Goryeo sa Korea at Pagan, Daiviet at Champa sa Timog Silangang Asya
CHAGADAI KHANATE o KHANATO NG TURKESTAN
Itinatag ni Chagadai Nagmula ditto si Timur na
nanalanta noong ika-14 siglo
IL-KHANATE ng PERSIA
1258- itinatag ni HULAGU- kapatid ni Kublai Khan
KHANATO NG GOLDEN HORDE
Itinatag ni BATU Nakasentro sa Sarai (nasa
lower Volga River sa Russia)
Sakop ang Siberia, ilang bahagi ng Gitnang Asya at mga lungsod ng Russia
Walang nagkaisang pwersa sa Europa na lumaban sa mga Mongol
1440 C.E- nagkawatak-watak at tulyang nabuwag noong 1502
MGA MONGOL
Mahusay na mandirigma Mula pagkabata-sinanay nang
mangabayo at gumamit ng pana
KASANAYAN: kaya nilang pumana kahit nasa likod ang target; kayang lumipat o magpalit ng kabayo habang tumatakbo ito
Sa DIGMAAN-hanggang apat na reserbang kabayo ang dala ng mga Mongol
Iba-iba ang hugis ng mga pana-may matutulis para pumatay, may mga butas ang iba upang humuni habang pumapailang-ilang
Gumamit ng teknolohiya sa pakikidigma mula sa mga Persian, Arab at Tsino tulad ng catapult at battering ram para sa pagkubkob sa mga lungsod
na napapalibutan ng matataas na pader
TAKTIKA SA PAKIKIDIGMA- pag-urong upang pasunurin o magpahabol sa kalaban sa labas ng lungsod; pag nakalabas na saka sasalakay ang mga nagtagong Mongol sa kapaligiran
Minsan, naghahagis ng matutulis na metal sa daraanan ng kalaban upang matusok ang paa ng kabayo
PANAHON NG KAPAYAPAAN matapos ang pananalalakay- naging tulay ang kabihasnan ng Imperyong Mongol para magkaroon ng palitan ng ideya, imbensyon at produkto
Binantayan ang ruta ng kalakalan at nagpatayo ng mga bahay-tuluyan para sa mga manlalakbay at mangangalakal
PANANALAKAY NI TIMUR
TIMUR- nagmula sa Chagadai Khanate
Tinangkang bumuo ng imperyo
Nasakop ang Persia at Mesopotamia
Tinalo ang Golden Horde at India
Malupit sa pagsalakay: sinira ng hukbo ang mga paaralan, palasyo, at iba pang mahalagang gusali
Inutos na pagpatungin sa isang malaking pyramid ang may isang libong ulo ng pinatay na biktima
Matagumpay ang pagsalakay dahil malakas ang pwersang military at may mga espiya na nagbibigay impormasyon sa lahat ng rutang tatahakin
Teritoryong nasakop-hindi nanatiling buo nang mamatay siya noong 1405
Naglaban-laban ang kanyang mga kamag-anak at mahina ang kanyang mga anak
IMPERYONG TURK
Turkong Ottoman- mula sa hilagang Asya
Naglakbay patungong Persia, Mesopotamia at namalagi sa Anatolia (Turkey)
Nagpapastol Nakatira sa mga toldang
tirahan na tinatawag na YURT
Tinanggap ang relihiyong Islam Itinatag ang Osman- isang
maliit na estado na may malakas na hukbo
Halaw sa salitang Osman ang Ottoman
HUKBO- malakapatiran- itinuturing ng bawat mandirigma na kapatid ang isa’t isa
Natalo ang imperyong Byzantine at naagaw ang Constantinople sa pangunguna ni Sultan Mehmed II
Sa panahon ni Suleyman, naabot ang tugatog ng mabilis na paglawak: nasakop ang Egypt, North Africa, Syria, at Arabia