30
Aralin 6 Ang Maikling Kuwento

Aralin 6 Ang Maikling Kuwento - create.quipper.com

  • Upload
    others

  • View
    57

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Aralin 6

Ang MaiklingKuwento

Layunin

Nabibigyang-linaw kung ano ang

maikling kuwento1

2 Natutukoy ang mga elemento ng maikling kuwento na mula sa Mindanao

3 Napapahalagahan ang kulturang

Pilipino na masasalamin sa

maikling kuwentong binasa

Pagganyak

Pagganyak

1. Ano ang mensahe ng nabuong kuwento?

1. Naging madali ba ang pagbuo ng kuwento

base sa ibinigay na mga larawan?

1. Ano ang tawag sa nabuong akda?

Mahahalagang Tanong

● Ano ang mga katangian ng maikling kuwento?

● Ano-ano ang bahagi o elemento ng maikling kuwento?

● Bakit mahalagang pag-aralan ang mga maiikling kuwento mula Mindanao?

Pagtalakay

Ang maikling kuwento ay isa sa mga uri ng panitikang tuluyan.

Naglalahad ito ng madulang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng kakintalan sa isipan at damdamin ng mambabasa.

Pagtalakay

Pagtalakay

Katangian ng Maikling Kuwento

Gaya ng ibang uri ng panitikan, ang maikling kuwento ay mayroon ding mga katangiang dapat malaman at tandaan.

1. May mahalagang bahagi ng buhay na tinatalakay. Ito ang mga pinagbabatayan ng mga manunulat sa tuwing sila ay kakatha ng maikling kuwento.

Pagtalakay

2. May mahalagang suliranin ang pangunahing tauhan. Ang pag-ikot ng buhay ng tauhan sa suliraning kaniyang pinagdadaanan ang isa sa mga nagbihis sa maikling kuwento upang makahikayat ito ng mga mambabasa.

3. May mahalagang tagpuan. Malaki ang ginagampanan ng tagpuan upang mas mapatingkad ang pagtalakay sa mahalagang bahagi ng buhay ng tauhan.

Pagtalakay

4. May mabilis na pagtaas ng kawilihan. Mabilis ang takbo ng mga pangyayari sa maikling kuwento, kung kaya ang mahalagang bahagi ng buhay ng tauhan ay madaling masundan ng mga mambabasa.

5. May maigting na kasukdulang agad na sinusundan ng wakas. Isa sa kagandahan ng maikling kuwento ay nagtataglay ito ng kasukdulan o ang pinakamaigting na pangyayaring pinakaaabangan ng mga mambabasa.

6. May isang kakintalang iniiwan sa mga mambabasa.Ang maikling kuwento ay kailangang makapag-iwan ng isang damdaming aantig sa mga mambabasa, dahilan upang hindi makalimutan ng mambabasa ang kuwentong kaniyang binasa.

Mga Elemento ng Maikling Kuwento

• Ang maikling kuwento ay kailangang nagtataglay ng kompletongelemento, sapagkat ang mga ito ay sama-samang nagbibigay-kulaysa akda. Isa-isahin natin ang mga ito.

1. Tauhan – Ang mga tauhan ang nagbibigay buhay sakuwento. Ang pangunahing tauhan ang maypinakamalaking bahagi sa kuwento na lumulutas sasuliraning kaniyang kinakaharap.

2. Tagpuan – Ang tagpuan ay tumutukoy sa panahonat lugar na pinangyarihan ng kuwento. Sakop nito angkaligiran ng pagkilos ng mga tauhan.

3. Banghay – Ang banghay ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng kuwento. Maaari itongilarawan bilang hugis na baligtad na tsek o tatsulok,sapagkat simula sa ibaba ay unti-unting tumataas angkawilihan ng mga mambabasa. Binubuo ito ngsumusunod:

• Simula - Pagbubukas ng kuwento ng buhay ngpangunahing tauhan.

• Saglit na kasiglahan - Ito ang bahagi kung saan unti-unting lumilitaw ang suliraning kakaharapin ngtauhan at ang pagdagdag ng kumplikasyon sa mgapangyayari.

• Suliranin at Tunggalian - Ang pagsubok na pinagdaraanan ngpangunahing tauhan o ang balakid sa kaniyang layunin o mithi. Ditoiikot ang mga pangyayari sa kuwento tungo sa tunggalian. Satunggalian nagaganap ang pagharap ng tauhan sa kaniyangsuliranin. Maaaring ito ay:

➢ Tao laban sa tao Pangunahing tauhan laban sa ibang tauhan,maaaring paglalabang pisikal, talino, kapangyarihan, espiritwal, at ibapang maaaring laban ng tao sa kaniyang kapwa.

➢ Tao laban sa kapaligiran Pangunahing tauhan laban sa mgapangyayaring nagaganap sa kaniyang paligid. Maaaring ito aykahirapan, diskriminasyon, at iba pang isyung panlipunan na susukat sapagkatao at kakayahan ng pangunahing tauhan.

➢ Tao laban sa sarili Pangunahing tauhan laban mismosa kaniyang sarili. Maaaring mayroong pagtatalo sa desisyongkaniyang gagawin, paniniwala, damdamin, at iba pangmaaaring maghatid ng pagtatalo mismo sa kaniyang sarili.

• Kasukdulan - Pinakamasidhing pangyayari sa kuwento,kung kaya ito ang may pinakamataas na kawilihan. Sabahaging ito ng banghay madalas nagaganap angtunggalian. Unti-unting wawakasan ang tunggalianhanggang sa makarating sa bahaging kakalasan.

• Kakalasan - Pagkalas o paglutas sa suliraning kinaharap ngpangunahing tauhan.

• Wakas - Ang katapusan ng kuwento. May mga wakas kungsaan pinag-iisip ng may-akda ang mga mambabasa tungkolsa kahihinatnan ng mga tauhan matapos ma solusyunanang

4. Paksang diwa - Pangunahing kaisipan ng kuwentona inihahatid ng kuwento sa mga mambabasa.

5. Katimpian – Masining na paglalarawan sadamdamin. Maaaring higit na madama ang labis nagalit ng pangunahing tauhan kung ilalarawan ito saparaang nagtitiim bagang, kuyom na palad, at habolna paghinga kaysa sa pagpapalahaw.

6. Paningin (Point of View) – Ang perspektibangginagamit sa pagsasalaysay ng mga pangyayari ngkuwento. Maaari itong sa unang panauhan kung saanisinasalaysay ng isang tauhan o mananalaysay(narrator) ang mga pangyayari ayon sa kaniyangpananaw. Maaaring nasa ikalawang panauhan kungsaan tila kinakausap ang mambabasa, o ang ikatlongpanauhan kung saan isinasalaysay ito sa paraang tilanagmamasid sa mga pangyayari. Maaaringmagkaroon ng baryasiyon ang mga ito batay salimitasyon ng pagsasalaysay ng ginamit na panauhan.

Mahahalagang TanongPaglalapat

● Bakit mahalagang nalalaman natin ang mga elemento ng Maikling kuwento bilang akdang pampanitikan?

● Gaano kahalaga ang pagbabasa ng maikling kuwento mula sa Mindanao?

● Sa paanong paraan mo mapagyayaman ang iyong kaalaman sa mga maikling kuwento mula Mindanao?

Inaasahang Pagpapahalaga

Ang maikling kuwento ay tumatalakay sa mahalagang bahagi ng buhay. May mahalagang suliranin ang pangunahing tauhan, may mahalagang tagpuan, may mabilis na pagtaas ng kawilihan, may maigting na kasukdulang agad na sinusundan ng wakas, at may kakintalang iniiwan sa mga mambabasa.

Ang mga elemento ng maikling kuwento ay tauhan, tagpuan, banghay, paksang diwa, katimpian, at paningin.

1

2

Inaasahang Pagpapahalaga

4

Mahalagang pag-aralan ang maiikling kuwento mula Mindanao upang mas mapalalim natin ang kaalaman patungkol sa mga kapwa Pilipino mula sa Mindanao at mas maintindihan natin ang kanilang kultura, tradisyon, kasaysayan, at danas bilang bahagi ng nagkakaisang bayan.

3

Paglalagom

● Ang maikling kuwento ay isa sa mga uri ng panitikang tuluyan.Maikli ito kaysa sa nobela ngunit kompleto nitong nailalarawanang mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.

● Ang maikling kuwento ay tumatalakay sa mahalagang bahagi ngbuhay. Ito ay sumasalamin sa mga tunay na nangyayari sa buhaykung kaya sadyang kapupulutan ng aral.

● Ang mga elemento ng maikling kuwento ang bumubuo ng siningat kakanyahang katangiang taglay ng maikling kuwento.