6
GIBAGA, Cris Reven L. 2011 – 07266 WFW CALLAO METATARSAL Ang Callao Cave ay kuweba na nasa Peñablanca Protected Landscape and Seascape at matatagpuan sa bayan ng Peñablanca sa Cagayan (Figure 1, bottom left) (Peñablanca, 2012). Ito ay may coordinates na 17°42′11.74″N at 121°49′25.5″E (Callao Cave, 2015) at may layong 24 kilometero hilagang-silangan ng Tuguegarao City at 580 kilometro hilaga ng Maynila (Peñablanca, 2012). Unang nagsagawa ng excavation sa lugar mula 1979 hanggang 1980 sa pangunguna ni Reynaldo Flores ng National Museum (Tobias, 1999). Noong 2003, nagsagawa uli ng excavation dito sa pangunguna ni Armand Salvador Mijares (Figure 1, bottom left) (Mijares, et al., 2010). Upang higit pang maimbestigahan, nagpatuloy ang excavation sa Callao Cave noong 2007 sa pagtutulungan ng UP-Archaeological Studies Program, National Museum of the Philippines at Australian National University sa pangunguna muli ni Armand Salvador Mijares. Dalawang parisukat na magkadikit sa isa’t isa ang hinukay sa east wall ng bukana ng kuweba noong 2003, ang SQ1 ang nasa parisukat sa hilaga at SQ2 naman ang nasa timog (Mijares, 2005). Natapos ang paghuhukay noong 2003 sa 130 cm at dito nagsimula ang excavation ng 2007. Lumiit ang sukat ng paghuhukay, naging 2x2m sa SQ1 at 2x1 sa northern portion ng SQ2. Mas lumiit pa ito sa lalim na 160 cm, tanging ang southern portion ng SQ1 at northern portion ng SQ2 ang hinukay (Mijares, et al., 2010). Sa pagitan ng lalim na 160 cm at 250 cm, nakakita ng ilang flake tools, chert core, deer bones at antler bones. Sa layer 14 (na may lalim na 270-295 cm), nakita ng isang carbonized breccia (Figure 1, bottom center) na mayroong 807 bone fragments ng late Pleistocene vertebrate kabilang na ang native brown deer at warty pig. Dito

Arki 1 Paper 2 Callao Man

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Archaeology 1 Paper

Citation preview

GIBAGA, Cris Reven L. 2011 07266 WFW

CALLAO METATARSALAng Callao Cave ay kuweba na nasa Peablanca Protected Landscape and Seascape at matatagpuan sa bayan ng Peablanca sa Cagayan (Figure 1, bottom left) (Peablanca, 2012). Ito ay may coordinates na 174211.74N at 1214925.5E (Callao Cave, 2015) at may layong 24 kilometero hilagang-silangan ng Tuguegarao City at 580 kilometro hilaga ng Maynila (Peablanca, 2012). Unang nagsagawa ng excavation sa lugar mula 1979 hanggang 1980 sa pangunguna ni Reynaldo Flores ng National Museum (Tobias, 1999). Noong 2003, nagsagawa uli ng excavation dito sa pangunguna ni Armand Salvador Mijares (Figure 1, bottom left) (Mijares, et al., 2010). Upang higit pang maimbestigahan, nagpatuloy ang excavation sa Callao Cave noong 2007 sa pagtutulungan ng UP-Archaeological Studies Program, National Museum of the Philippines at Australian National University sa pangunguna muli ni Armand Salvador Mijares. Dalawang parisukat na magkadikit sa isat isa ang hinukay sa east wall ng bukana ng kuweba noong 2003, ang SQ1 ang nasa parisukat sa hilaga at SQ2 naman ang nasa timog (Mijares, 2005). Natapos ang paghuhukay noong 2003 sa 130 cm at dito nagsimula ang excavation ng 2007. Lumiit ang sukat ng paghuhukay, naging 2x2m sa SQ1 at 2x1 sa northern portion ng SQ2. Mas lumiit pa ito sa lalim na 160 cm, tanging ang southern portion ng SQ1 at northern portion ng SQ2 ang hinukay (Mijares, et al., 2010). Sa pagitan ng lalim na 160 cm at 250 cm, nakakita ng ilang flake tools, chert core, deer bones at antler bones. Sa layer 14 (na may lalim na 270-295 cm), nakita ng isang carbonized breccia (Figure 1, bottom center) na mayroong 807 bone fragments ng late Pleistocene vertebrate kabilang na ang native brown deer at warty pig. Dito nakuha ang kanang ikatlong metatarsal (MT3) ng isang homonin na ngayon ay tinatawag na Callao Man. Ang Callao specimen ay may National Museum of the Philippines accession number II-77-J3-7691 (Mijares, et al., 2010). Magsasagawa muli ng excavation sa Callao Cave sa pangunguna pa rin ni Armand Salvador Mijares mula sa suporta ng Leakey Foundation Research Grant ngayong taon ayon sa website ng UP-ASP.Ang Callao specimen ay kanang ikatlong metatarsal (Figure 1, top left). Ito ay bali sa dalawa sa mid-shaft pero maliban sa distal head na nawawala, ang buto ay halos kumpleto. Ang preservation ng buto ay maganda, ito ay may balot na yellowish calcium carbonate concretions. May mga matitigas din na sediments na nakadikit dito. May mga maliliit din na gasgas (scratches) na nakuha mula sa excavation ang makikita sa medial at lateral surface ng shaft at makikita dito ang puting cortex ng buto (Mijares, et al., 2010). Masasabi na ang bali sa mid-shaft ay matagal na dahil may manipis na layer ng carbonate concretions sa proximal at distal na bahagi ng bali. Wala din nakitang scar o peeling sa paligid ng bali kaya masasabi na hindi ito nabali sa fresh bone. Kung wala sana ang manipis na layer ng concretions, halos prefectly refit na ang metatarsal (Mijares, et al., 2010). Kinuhaan muna ng litrato, sufrace scan at mCT-scan ang buto bago nilinisan. Tinanggal ang mga nakakabit na sediments upang makita ang hugis at morphological features ng metatarsal gamit ang purified water at 50-50 mix ng purified water at alcohol. Tinanggal ang thin carbonate coating gamit ang dental tool sa ilalim ng stereo-microscope (Mijares, et al., 2010). Upang makuha ang tinatayang edad ng Callao MT3, hiniwa ng diamong wire saw ang buto, 2 mm mula sa bali (Figure 1, top right). Matapos nito, nagsagawa ng apat na laser ablation U-series sa cross section. Magkakaiba ang U-concentrations sa mga profiles kaya magkakaiba din ang edad na pinapakita. Upang mataya ang edad, kinuha ang weighted mean (average) ng lahat ng data points at ang minimum age estimate ay 66,700 1000 BP (Figure 1, middle left & right) (Mijares, et al., 2010; Pawlik, 2011).Mula sa general morphology, hugis at laki ng Callao right MT3, masasabi na ito ay isang primates. Para sa taxonomical identification, nagsagawa ng morphological comparison sa pagitan ng Callao right MT3 at ng Macaca, Pongo, Hylobates, Homo habilis at Homo sapiens na Negritos ngayon (Figure 1, bottom right). Mula sa laki, masasabi na medium ang laki ng Callao metatarsal, mas malaki sa Hylobates at Macaca, at mas maliit sa Pongo kaya ito ay masasabi na isang Homo. Sa medial view, tuwid ang dorsal face ng shaft ng Callao specimen at mga Homo at hindi convex tulad ng sa Pongo, Hylobates at Macaca. Sa dorsal view, ang medial at lateral borders ng shaft ng Callao MT3 ay convergent mula sa proximal portion hanggang sa distal end ng shaft tulad ng sa H. habilis at sa H. sapiens. Mula dito, masasabi na isang Homo ang Callao MT3. Ang base ng Callao MT3 ay mas maigsi sa dorso-planar direction at mas malapit sa H. habilis. Batay sa chronology at geography, mas malapit ang Callao MT3 sa mga Negritos kaysa sa mga H. habilis (Mijares, et al., 2010). Dahil malaki at fully developed ang medial tubercle ng Callao MT3, masasabi na ito ay adult o young adult metatarsal (Mijares, et al., 2010).Nagkaroon din ng morphological at metric comparison sa pagitan ng Callao MT3 at Homo Sapiens. Nakita sa morphological comparison na ang hugis ng base ng Callao MT3 ay tulad ng sa tao ngayon subalit ang proximal articular facet nito ay dorso-plantar convexity, kaiba sa flat at concave ng H. sapiens. Ang hugis ng shaft sa lateral view ay slightly convex at halos tuwid sa Callao MT3 samantalang nagta-taper mula sa base hanggang head sa H.sapiens. Nagkaroon ng metric comparison sa pagitan ng Callao MT3 at ng mga third metatarsal ng mga Negritos ngayon mula sa Muse de lHomme sa Paris. Ang haba ng Callao bone ay kunuha parallel sa main axis ng shaft mula sa proximal tip ng base hanggang sa dulo ng medial tubercle. Ang haba ng Callao MT3 ay pasok sa saklaw ng haba para sa lalaki at babaeng Negritos. Subalit ang base ng buto at section ng shaft sa dorso-plantar direction ng Callao MT3 ay mas maliit kaysa sa mga Negritos. Hindi ginamit sa mga comparison ang Homo erectus ng Timog-Silangang Asya dahil walang foot bone na nakita sa mga ito. Malapit din ang haba ng Callao metatarsal sa metatarsal ng Homo floresiensis na nakita sa Flores, Indonesia. Ang left metatarsal ng H. floresiensis ay 60.4 mm, sobrang lapit sa 60.99 mm ng right metatarsal ng Callao specimen (Mijares, et al., 2010).Maaaring kabilang sa Homo habilis, Homo floresiensis o isang small bodied Homo sapiens tulad ng Negritos ang Callao metatarsal. Ang pagkakahanap sa Callao metatarsal ay patunay na hindi lamang Flores ang nag-iisang isla na mayroong hominins mula nong 50,000 taong nakakalipas sa Wallacea. Ang Palawan na kung saan nakuha ang Tabon Man na may edad na 47 10/11 ka ay nakakabit noon sa Sundaland sa pamamagitan ng land bridge. Subalit ang Luzon (na nasa silangan ng Wallaces Line) na kung saan nakuha ang Callao metatarsal ay naka-isolate at nakahiwalay sa Palawan ng isang dagat. Upang marating ang Luzon, kinakailangan na tumawid ng dagat. Mula dito, mapagtatanto na upang makatawid ang Callao Man, kinakailangan niyang tumawid ng dagat at ito ay isang patunay sa kakayahan ng tao na matawid ng dagat noong Late Pleistocence. May mga buto na nahukay kasama ng Callao MT3 na mayroong cut marks at nagpapakita ng butchery subalit walang nakitang stone tools kaya masasabi na ang Callao Man ay gumamit ng ibang technology bukod sa mga stone tools (Mijares, et al., 2010).Ang pagkakahanap sa Callao metatarsal ay isa sa mga pinakamahalagang diskubre sa arkiyoloji ng Pilipinas dahil ito ang pinakamatandang human fossil na nakita sa Pilipinas, mas matanda pa sa Tabon Man. Maaari na ito ay isang H. habilis, H. floresiensis o H. sapiens may maliliit na katawan tulad ng Negrito subalit sigurado na tumawid sila ng dagat upang makarating ng Luzon. Ito ay mahalagang malaman ng lahat dahil nagpapakita na ang sinaunang Pilipino ay maparaan, matalino at gumagawa ng paraan upang malagpasan ang mga problema at pagsubok. Nakakatuwa rin kasi nagpapakita ang diskubreng ito na ang arkiyoloji sa Pilipinas ay exciting, marami pang sorpresang tinatago at hindi boring. Sana sa paghuhukay muli sa taong ito, mas makakita pa ng mga buto na makakatulong upang malaman kung saang Homo ba kabilang ang Callao MT3. Maganda ring mabigyan ng kasagutan ang tanong na ano kaya ang ginamit ng mga taong ito upang makatawid ng dagat? Gumagawa na ba sila ng maliliit na barko o lumalangoy lang sila? Maaari kaya na aksidente lang silang napadpad sa Luzon mula sa Sundaland dahil natanggay sila ng malaking baha at doon na nagsimulang magparamiMayroon pa kayang katulad nila na nagkalat din sa iba pang isla ng Pilipinas? Masasagot lamang ang mga tanong na ito kung mas susuportahan ng pamahalaan ang ganitong mga research at hindi na kailangan pang humingi ng tulong sa ibang bansa dahil sa pamamagitan nito, mas nakikilala natin ang ating nakaraan. Sanggunian:Peablanca. (2012). Retrieved April 3, 2015, from Official Website of the Provincial Government of Cagayan: http://www.cagayan.gov.ph/index.php/about-cagayan-home/10-city-and-towns/53-penablancaCallao Cave. (2015, February 2015). Retrieved April 3, 2015, from Wikipedia: http://en.wikipedia.org/wiki/Callao_CaveMijares, A. S. (2005). The archaeology of Peablanca Cave sites, northern Luzon, Philippines. Journal of Austronesian Studies, 65-93.Mijares, A. S., Detroit, F., Philip, P., Grun, R., Bellwood, P., Aubert, M., et al. (2010). New evidence for a 67,000-year old human presence at Callao Cave, Luzon, Philippines. Journal of Human Evolution, 123-132.Pawlik, A. (2011). Have we overlooked something? Hafting traces and indications of modern traits in the Philippine Palaeolithic. Bulletin of the Indo-Pacific Prehistory Association, 35-53.Tobias, C. (1999). Archaeological History of Cagayan Province. Hukay. Journal of the University of the Philippines Archaeological Studies Program.

Figure 1. Top left: The Callao right metatarsal III (II-77-J3-7691). Top right: Cross-section of the Callao metatarsal showing the scanned transects. Middle left & right: Comparative diagrams of the four laser ablation scans on the Callao metatarsal. Bottom left: The Location of Callao Cave and 1979 and 2003 excavation. Bottom center: Stratigraphic prole of Square 2, Callao Cave. Layer 14 is the breccia that contained the human metatarsal (Callao MT3). Bottom right: Comparison of (A) the Callao MT3 in proximal, dorsal and medial views with right third metatarsals of (B) Homo sapiens, male Negrito; (C) Homo habilis,OH8e mirrored 3D model of a cast of the left MT3; (D) Macaca, (E) Hylobates; and (F) Pongo. 3D models obtained by surface scanning with a NextEngine Desktop 3D Scanner.