4

Click here to load reader

Bible Reading and Sharing Questions

Embed Size (px)

DESCRIPTION

youth leaders

Citation preview

Page 1: Bible Reading and Sharing Questions

PAGBASA MULA SA AKLAT NI PROPETA DANIEL

Inatasan ni Haring Nabucodonosor ang kanyang punong eunukong si Aspenaz na pumili ng ilang Israelita mula sa angkan ng mga hari at mga maharlika: mga kabataang lalaking walang kapansanan, maliksi ang pag-iisip at mahusay magpasya, sagana sa kaalaman at may pinag-aralan. Titigil sila sa palasyo ng hari at tuturuan ng wika at panitikan ng mga Kaldeo.

Kabilang sa mga kabataang ito ng Juda sina Daniel, Ananias, Misael, at Azarias. Pinalitan ng punong eunuko ang kanilang mga pangalan – naging Beltesazar si Daniel, Shadrak si Ananias, Mesak si Misael, at Abednego si Azarias.

Upang di maging marumi dahil sa pagkain, ipinakiusap ni Daniel sa punong eunuko na huwag silang bigyan ng pagkain at alak ng hari. Niloob ng Diyos na kalugdan ng punong eunuko si Daniel, ngunit takot ito sa hari kaya nagsabing: “Ang hari ang nagtakda ng inyong pagkain at inumin, at kapag nakita niyang mas payat kayo kaysa iba pang kaedad ninyo, baka pag-isipan niya ako ng masama dahil sa iyo.

Kaya, nilapitan ni Daniel ang bantay na pinagkatiwalaan ng punong eunuko na mangalaga sa kanilang apat na magkakasama. “Subukin mo kami sa loob ng sampung araw,” pakiusap ni Daniel. Bigyan mo kami ng gulay at tubig lamang bilang pagkain at inumin, at saka mo iparis ang ayos namin sa iba pang mga kabataang lalaki na kumakain sa hapag ng hari. Batay sa makikita mo, saka mo gawin sa amin ang sa palagay mo’y nararapat.”

Pumayag ang bantay at sinubok nga sila sa loob ng sampung araw. Sa pagtatapos niyon, mukha pang mas malusog at busog sina Daniel kaysa sinuman sa iba pang mga kabataang nagsikain ng pagkain ng hari. Dahil dito, ipinagpatuloy ng bantay ang pagbibigay sa kanila ng gulay at tubig lamang sa halip ng piling pagkain at alak.

Pinagkalooban ng Diyos ng karunungan at kakayahan sa literatura ang apat na kabataang ito. Pinagkalooban rin si Daniel ng kakayahang magbigay-kahulugan sa mga pangitain at pangarap.

Pagkatapos ng panahong itinakda ng hari para sa pagsasanay ng mga kabataan, iniharap sila ng punong eunuko kay Nabucodonosor. Kinausap sila ng hari, at natagpuan nitong nakahihigit sila kaysa iba. Naging miyembro ng korte ng hari sina Daniel, Ananias, Misael at Azarias. Tungkol sa karunungan at pag-unawa sa mga bagay na isinasangguni ng hari, napatunayan niyang higit na mahusay ang apat kaysa lahat ng mangkukulam at manghuhula sa kanyang buong kaharian. Namalagi roon si Daniel hanggang sa unang taon ni Haring Ciro.

ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON…

PINUPURI KA NAMIN, PANGINOONG HESUKRISTO.

Page 2: Bible Reading and Sharing Questions

GROUP SHARING:

1. Anu-ano ang mga pagbabagong naranasan ni Daniel at ng kanyang mga kasama, ayon sa inyong nabasa? (Note to Facilitators – Daniel changed geographical settings, language, and laws. He even had his named changed. He was in a different religious climate, and was encouraged to change the food he ate.)

2. Masasabi mo ba na ang mga pagbabagong ito ay nagdulot ng kabutihan o nakasama ba ito sa kanila? Bakit?

3. Ano ang hindi nagbago kay Daniel habang nagaganap ang mga pagbabagong ito sa knayang buhay (Note to Facilitators – Ang pagmamahal at pagsunod sa batas ng Diyos, at ang kanyang pananalig. Pagkatapos na marinig ang sagot ng mga participants, you can remind them of the truth that God is the same yesterday, today, and forever, Hebrews 13:8.)

4. Paano hinarap ni Daniel ang mga pagbabagong ito? (Note to Facilitators – tinanggihan ni Daniel ang mga pagkaing binibigay sa kanila, dahil ito ay inialay sa mga diyus-diyosan, hindi masustansya, o niluto sa maruruming kusina o paraan. Ayaw nilang suwayin ang utos ng Panginoon na huwag kumain ng mga pagkaing alay sa mga diyus-diyusan. )

5. Paano binasbasan ng Panginoon si Daniel sa kanyang ginawa?

6. Sa inyong palagay, hinahayaan ba ng Panginoon na harapin natin ang pagbabago sa ating buhay kahit na madalas ay hindi maganda ang ating nagiging reaksyon o solusyon para dito? Bakit?

7. Anu-ano ang mga patunay sa iyong buhay na ang Panginoon ay laging nariyan para sa iyo, sa kabila ng mga nararanasang pagbabago sa iyong buhay?

8. Ano sa tingin mo ang mga kailangan mong gawin upang harapin ang mga pagbabago sa iyong buhay na naaayon sa Panginoon?

9. (PARA SA LAHAT) Paano mo haharapin ang mga pagbabagong magaganap sa iyong buhay sa mga susunod na araw pagkatapos ng Parish Youth Day?

PAGTATAPOS:

During our time together, we talked about the huge impact that change can have on us. Some of those changes are good and lead to our goodness, while some of the changes are bad and challenge our commitment to God.

Page 3: Bible Reading and Sharing Questions

We also saw from the Bible that we are not alone in facing change. Daniel was a young person just like you who faced incredible changes! Almost everything about his life changed including his name! But he handled it all with a godliness that challenges us even to this day.

Daniel didn’t try to fight back, he just tried to honor God. That’s what he thought was most important in his life. He recognized that God nor His law had changed, and he was still obligated to be obedient to God. So he was.

The same is true in our lives. God is the same today as He was in Daniel’s life. He loves us and has commands for us to obey. We never get God’s permission to break any of his laws for our lives. So, we should remember that each and every time we are faced with a change, especially a change that threatens our commitment to God.

As we wrap up, let’s spend some time praying for each other. You know what’s going on in each others’ lives, so I’m gonna ask you to pray for one another. If you could, get into groups of 3 of 4 right now, and let’s pray for the person on our right. That way, everyone gets a chance to pray, and everyone gets prayed for.

After we’re done, if you want to talk to an adult leader, please hang around and grab one of us. We’d love to help you face the changes in your life.

ASK GROUPS TO CLOSE IN PRAYER