4
Isang Tinig Lathalain ng Atimonan One Energy, Inc. tuwing ika-3 buwan •Bulto 6 Bilang 1• Marso 2019 Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected] CLUP ng Atimonan, pormal nang nai-turn over sa lokal na pamahalaan KAISA SA PAGSULONG. Sina Architect Grace Ramos, Amonan One Energy, Inc. (A1E) Development Man- ager Christopher Chua, Amonan Mayor Rusco Joven Mendoza, MERALCO PowerGen (MGen) Preside. nt and CEO Rogelio Singson, at MGen EVP and COO Dan Neil sa ginanap na opisyal na turnover sa Brgy. Lumutan noong ika-25 ng Marso. MASAYANG nanggap ni Amonan Mayor Rusco Joven Mendoza ang Comprehensive Land Use Plan (CLUP) na magkatulong na binuo ng munisi- palidad, Amonan One Energy, Inc. (A1E) at Grandt Planners’ Inc. (GPI) Sa ginanap na turnover ceremony noong ika-25 ng Marso sa Brgy. Lumutan, nagpasalamat si Mayor Mendoza sa A1E sa pagtulong nito sa pagbuo ng bagong CLUP ng Amonan. Aniya, isa ito sa mga hakbang upang makamit ang pinapang- arap niyang pag-unlad para sa bayan na nagurian niyang makabagong Amonan. Matatandaang nagkaroon ng iba’t- ibang workshop at diskusyon noong na- karaang taon ukol dito ang lokal na pama- halaan. Ang CLUP ay isang dokumentong nagsasaad ng pamamahala, alokasyon, at tamang paggamit ng mga lupain sa bayan ng Amonan. Ito ang magiging basehan sa pagpaplano at pagpapatayo ng mga proyektong pang-imprastruktura na maka- katulong sa ikauunlad ng bayan. Kasama rin na dumalo sa seremonya si MERALCO PowerGen (MGen) President at Chief Execuve Officer Rogelio Singson. Ang MGen ang nagmamay-ari sa A1E. Kaisa ng lokal na pamahalan ng A- monan ang A1E sa pagnanais nitong umun- lad at maging progresibo ang bayan; hindi lamang ang iilan kung hindi ang bawat A- monanin, saad ni G. Singson. Kasama ang lokal na komunidad sa lahat ng pagpaplano ng kumpanya. Kung saan sinisigurado ng A1E na habang ito nabubuo, naisasaalang-alang at naisusu- long din ang kapakanan ng bayan, dagdag pa ni G. Singson. Dumalo rin sa pagpon ang Sang- guniang Bayan ng Amonan, mga kawani sa munisipyo, Mitsubishi Hitachi Power Systems, Ltd., Dinamico, Kagawaran ng Pa- gawaing Bayan at Lansangan, mga kapitan ng iba’t-ibang barangay sa Amonan pa na ang mga arkitekto at consultants ng GPI na siyang gumabay sa lokal na pamahalan sa pagbuo ng CLUP. # A1E, pinarangalan sa ika-54 na Anvil Awards GINAWARAN ang Amonan One Energy, Inc. (A1E) ng Silver Award para sa lath- alain nitong Isang Tinig sa ginanap na 54th Anvil Awards sa Marrio Ballroom Hotel noong ika-30 ng Enero. Isa ang A1E sa 181 na mga kumpanya at organisasyon na pinaran- galan ng Public Relaons Society of the Philippines (PRSP) sa naguriang “Os- cars” ng Philippine Public Relaons in- dustry. Ang PRSP sa pamamagitan ng Anvil Awards ay naggagawad ng parangal sa mga natatanging programa at proyekto sa larangan ng public relaons na may mala- king kapakinabangan sa komunidad. Ilan sa mga kumpanyang nag-uwi ng parangal ay ang Meralco, Ayala Foun- daon, at Metrobank. Nakamit naman ng STI Educaon Services Group, Inc. ang pinakamataas na pa- rangal na Grand Anvil Award para sa programa nitong Computer Lab on Wheels: Driving Educaon Where IT Maers. #

CLUP ng Atimonan, pormal nang · pagbabasa ng mga libro, pagtuturo ng iba’t-ibang klase ng pagkain, at mga palaro para sa mga bata kasabay ng feeding program. Ang pakikilahok ng

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: CLUP ng Atimonan, pormal nang · pagbabasa ng mga libro, pagtuturo ng iba’t-ibang klase ng pagkain, at mga palaro para sa mga bata kasabay ng feeding program. Ang pakikilahok ng

Isang TinigLathalain ng Atimonan One Energy, Inc. tuwing ika-3 buwan •Bulto 6 Bilang 1• Marso 2019

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected]

CLUP ng Atimonan, pormal nang nai-turn over sa lokal na pamahalaan

KAISA SA PAGSULONG. Sina Architect Grace Ramos, Atimonan One Energy, Inc. (A1E) Development Man-ager Christopher Chua, Atimonan Mayor Rustico Joven Mendoza, MERALCO PowerGen (MGen) Preside.nt and CEO Rogelio Singson, at MGen EVP and COO Dan Neil sa ginanap na opisyal na turnover sa Brgy.

Lumutan noong ika-25 ng Marso.

MASAYANG tinanggap ni Atimonan Mayor Rustico Joven Mendoza ang Comprehensive Land Use Plan (CLUP) na magkatulong na binuo ng munisi-palidad, Atimonan One Energy, Inc. (A1E) at Grandt Planners’ Inc. (GPI) Sa ginanap na turnover ceremony noong ika-25 ng Marso sa Brgy. Lumutan, nagpasalamat si Mayor Mendoza sa A1E sa pagtulong nito sa pagbuo ng bagong CLUP ng Atimonan. Aniya, isa ito sa mga hakbang upang makamit ang pinapang-arap niyang pag-unlad para sa bayan na tinagurian niyang makabagong Atimonan. Matatandaang nagkaroon ng iba’t-ibang workshop at diskusyon noong na-karaang taon ukol dito ang lokal na pama-halaan. Ang CLUP ay isang dokumentong nagsasaad ng pamamahala, alokasyon, at tamang paggamit ng mga lupain sa bayan ng Atimonan. Ito ang magiging basehan sa pagpaplano at pagpapatayo ng mga proyektong pang-imprastruktura na maka-katulong sa ikauunlad ng bayan. Kasama rin na dumalo sa seremonya si MERALCO PowerGen (MGen) President at Chief Executive Officer Rogelio Singson. Ang MGen ang nagmamay-ari sa A1E. Kaisa ng lokal na pamahalan ng Ati-monan ang A1E sa pagnanais nitong umun-lad at maging progresibo ang bayan; hindi lamang ang iilan kung hindi ang bawat Ati-monanin, saad ni G. Singson. Kasama ang lokal na komunidad sa lahat ng pagpaplano ng kumpanya. Kung saan sinisigurado ng A1E na habang ito nabubuo, naisasaalang-alang at naisusu-long din ang kapakanan ng bayan, dagdag pa ni G. Singson. Dumalo rin sa pagtitipon ang Sang-guniang Bayan ng Atimonan, mga kawani sa munisipyo, Mitsubishi Hitachi Power Systems, Ltd., Dinamico, Kagawaran ng Pa-gawaing Bayan at Lansangan, mga kapitan ng iba’t-ibang barangay sa Atimonan pati na ang mga arkitekto at consultants ng GPI na siyang gumabay sa lokal na pamahalan sa pagbuo ng CLUP. #

A1E, pinarangalan sa ika-54 na Anvil AwardsGINAWARAN ang Atimonan One Energy, Inc. (A1E) ng Silver Award para sa lath-alain nitong Isang Tinig sa ginanap na 54th Anvil Awards sa Marriott Ballroom Hotel noong ika-30 ng Enero. Isa ang A1E sa 181 na mga kumpanya at organisasyon na pinaran-galan ng Public Relations Society of the Philippines (PRSP) sa tinaguriang “Os-cars” ng Philippine Public Relations in-dustry. Ang PRSP sa pamamagitan ng Anvil Awards ay naggagawad ng parangal

sa mga natatanging programa at proyekto sa larangan ng public relations na may mala-king kapakinabangan sa komunidad. Ilan sa mga kumpanyang nag-uwi ng parangal ay ang Meralco, Ayala Foun-dation, at Metrobank. Nakamit naman ng STI Education Services Group, Inc. ang pinakamataas na pa-rangal na Grand Anvil Award para sa programa nitong Computer Lab on Wheels: Driving Education Where IT Matters. #

Page 2: CLUP ng Atimonan, pormal nang · pagbabasa ng mga libro, pagtuturo ng iba’t-ibang klase ng pagkain, at mga palaro para sa mga bata kasabay ng feeding program. Ang pakikilahok ng

Isang Tinig

2 Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-727-5859 Email: [email protected]

Senior high school students, boluntaryong tumulong sa feeding program ng A1ETUMULONG ang ilang senior high school students ng Atimonan National Comprehen-sive High School (ANCHS) sa programang Kaisa sa Nutrisyon (KAIN) ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) sa Villa Ibaba Elementary School noong ika-8 ng Pebrero. Labing-anim na mag-aaral ang nag-sagawa ng iba’t-ibang aktibidad tulad ng pagbabasa ng mga libro, pagtuturo ng iba’t-ibang klase ng pagkain, at mga palaro para sa mga bata kasabay ng feeding program. Ang pakikilahok ng mga estudyante ay kabahagi ng programa ng paaralan na community engagement solidarity sa ilalim Humanities and Social Sciences track. Layunin ng programa na magkaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral sa mga isyu sa komunidad lalo’t higit ang kahalaga-han ng edukasyon at kalusugan tungo sa magandang hinaharap. “Saludo kami sa A1E at sa iba’t ibang programang kanilang ipinatutupad tulad ng Kaisa sa Nutrisyon. Ang pakikilahok ng mga estudyante sa programang ito ay naglalayon na imulat ang mga bata sa mga isyung pang-komunidad at maging kabahagi sa pagbuo ng mga posibleng solusyon,” saad ni Aira Gonzales, isa sa mga guro ng ANCHS.

Nagpahayag naman ng pasasalamat at pagsuporta ang Sangguniang Barangay ng Villa Ibaba sa pangunguna ni Kapitan Ro-gelio Balinsayo at mga guro ng Villa Ibaba Elementary School sa mga lumahok sa pro-grama. “Sa tulong ng A1E at ng iba pang katu-wang nito gaya ng Atimonan Rural Health Office, naniniwala kami na mababawasan

at tuluyan ng gagaling ang mga batang may malnutrisyon sa barangay,” dagdag ni Kapi-tan Balinsayo. Ang KAIN ay isa sa mga programang pangkalusugan ng A1E. Ito ay 120 araw na feeding program na naglalayong tugunan ang kakulangan sa wastong timbang at nu-trisyon ng mga batang edad 2 hanggang 12 taong gulang. #

Sina Jean Zyra Estrada at Aira Margate, mga Grade 12 students ng Atimonan Comprehensive National High School, habang tinuturo ang iba’t-ibang klase ng pagkain sa mga batang benepisyaryo ng Kaisa sa Nutrisyon

Program noong Pebrrero 8.

Kalinga sa Kalikasan inilunsad ng A1ENAKIISA ang Atimonan One Energy, Inc. (A1E) sa Caridad Ibaba Elementary School, Atimonan Municipal Environment and Nat-ural Resources (MENRO), at Protected Area Management Office (PAMO) sa ginanap na tree growing activity sa Brgy. Malinao Ilaya noong ika-15 ng Marso. Pitumpung volunteers na kinabib-ilangan ng mga mag-aaral, guro, at mga kawani mula sa Caridad Ibaba Elementa-ry School, Bureau of Fire and Protection, MENRO, Provincial Environment and Nat-ural Resources Office (PENRO), PAMO at

Mga mag-aaral at guro ng Caridad Ibaba Elementary School kasama sina Protected Area Superintendent Ramil Gutierrez (pangalawa sa kaliwa), mga kawani mula sa Atimonan One Energy, Inc. (A1E), Bureau of

Fire and Protection, at Atimonan Municipal and Environment Natural Resources Office (MENRO) pagkatapos ng tree growing activity sa Quezon Protected Landscape noong ika-15 ng Marso.

A1E ang nagtanim ng 200 puno ng bignay at nato sa isang bahagi ng Quezon Protect-ed Landscape. “Ang pagtatanim ng mga puno ay isang magandang karanasan para sa mga bata sapagkat tinuturuan silang maging mulat sa mga gawain para sa kalikasan pati na ang pangangalaga sa mga likas na ya-man,” ani Protected Area Superintendent (PASu) Ramil Gutierrez. Bago ang aktwal na pagtatanim, nag-sagawa ng maikling oryentasyon si Gutier-rez ukol sa tama at maayos na paghawak at pagtatanim ng mga puno. “Malaking bagay ang aktibidad na ito para sa mga mag-aaral na lumahok dahil naipapakita nito ang pagmamalasakit ng

mga kabataan sa ating kapaligiran. Nagpa-pasalamat ako sa pagkakataong ibinigay ng A1E na kami ay makasama sa programang ito,” saad ni Filipina Santander, isa sa mga guro mula sa Caridad Ibaba Elementary School. Matatandaang nagkaroon din ng ganitong programa ang A1E sa Brgy. Sta Catalina kung saan 600 na punong-kahoy ang itinanim kasama ang DENR, mga mag-aaral at guro mula sa Atimonan National Comprehensive High School at iba pang organisasyon. Nangako naman ang mga kawani ng MENRO and PAMO na regular na bibisita-hin ang lugar na upang masigurong tutubo at lalaki ang mga naitanim na puno. #

Mga mag-aaral ng Caridad Elementary School habang nagtatanim ng puno sa isang bahagi ng

Quezon Protected Landscape.

Page 3: CLUP ng Atimonan, pormal nang · pagbabasa ng mga libro, pagtuturo ng iba’t-ibang klase ng pagkain, at mga palaro para sa mga bata kasabay ng feeding program. Ang pakikilahok ng

Isang Tinig

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected] 3

Unang pagpupulong ng NCHAI, isinagawa

Ang mga opisyal ng New Carinay Homeowners’ Association, Inc. (NCHAI) kasama si Jester Querubin, A1E CSR Officer, sa kanilang ginanap na pagpupulong sa Playa de Lucia Hotel and Resort noong Enero 21.

NAGING matagumpay ang inorganisang pagpupulong at pagpaplano ng New Cari-nay Homeowners’ Association, Inc. (NCHAI) sa pangunguna ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) na ginanap sa Playa de Lucia Ho-tel and Resort noong ika-21 ng Enero. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng siyam na opisyal ng samahan sa pangungu-na ng pangulo nitong si Manuel Trapalgar. Dumalo rin bilang pangunahing tag-apagsalita sina Jennifer Ilagan at Lawrence Velasco mula sa Department of Trade and Industry (DTI) Negosyo Center- Atimonan. Tinalakay sa pagpupulong ang mga pamamaraan ng pamamalakad ng isang organisasyon kasama na rin ang mga pro-gramang makatutulong sa pag-unlad nito.

Iskolars ng A1E, sertipikadong scaffolders na

SAMPUNG residente mula sa Atimonan ang ganap nang mga propesyunal na scaffold-ers pagkatapos sumailalim sa pagsasanay na Scaffold Erection NC II ng Technical Ed-ucation and Skills Development Authority (TESDA) noong ika 24-25 ng Enero. Ang dalawang araw na pagsasanay at pagsusulit ay ginanap sa Offshore-Onshore Institute of Technology, Inc. (OOIT) sa Mau-ban na isang TESDA-accredited training at

Ang mga A1E scholars mula sa Brgy. Villa Ilaya at Villa Ibaba habang nagtatayo ng scaffold sa kanilang technical assessment na isinagawa sa Offshore-Onshore Institute of Technology, Inc., Mauban, Quezon

noong ika-25 ng Enero. assessment center. Nagkaroon ng maikling panayam sa tamang proseso ng pagtatayo at pagbabaklas ng scaffolding kasunod ang pagsusulit na naipasa naman ng mga isko-lars. Sa ilalim ng programang Kaisa sa Pagsasanay (KASANAY), ang Atimonan One Energy, Inc. (A1E) ay nagbibigay ng scholar-ship sa mga kursong teknikal at bokasyonal para sa mga kwalipikadong Atimonanin. #

A1E, Dinamico at Delta, nag-sagawa ng flagmen training

Mga Donasyon ng A1E mula Enero hanggang Marso 2019Barangay/Organisasyon Aktibidad/Gawain Donasyon Petsa

New Carinay Homeowners Association, Inc. (NCHAI)

NCHAI Organiza-tional and Strategic

PlanningPagkain para sa 20 katao Enero 21

Brgy. Villa Ibaba, Atimonan, Quezon

Donasyon ng over-the-counter na mga

medisinaIba't-ibang mga over-the-

counter na gamot Pebrero 13

Local Lady Legislators' League Atimonan Chapter Lakbay Aral Dalawang van service Pebrero 21

- 22

NCHAI, Brgy. Villa Ibaba, at Brgy. Villa Ilaya Flagman Training Lunch at merienda para sa

24 na katao Marso 1

Caridad Ibaba Elementary School Kalinga sa Kalikasan

Apat na jeepney service Merienda para sa 127 na

kataoMarso 15

Barangay/Organisasyon Aktibidad/Gawain Donasyon Petsa

NCHAI General Assembly Merienda para sa 85 na katao Marso 22

Atimonan Municipal Environment and Natural

Resources (MENRO)World Water Day Coastal

Clean-upDalawang (2) kahon

ng gwantes Marso 24

Brgy. Caridad Ilaya, Atimonan, Quezon

Donasyon ng over-the-counter na mga medisina

Iba't-ibang over-the-counter na gamot Marso 26

Atimonan Rural Health Unit

Donasyon ng over-the-counter na mga medisina

Iba't-ibang over-the-counter na gamot Marso 26

Brgy. Villa Ibaba, Atimonan, Quezon General Assembly Merienda para sa

300 na katao Marso 30

MATAGUMPAY na naisagawa ng Atimonan One Energy Inc. (A1E) ang pagsasanay sa “Flagman, Firewatcher at Safety Watch-man” noong Pebrero 22 sa New Carinay Multi-Purpose Hall ng Brgy. Villa Ibaba. Kaakibat ang Dinamico Construction Inc. at Delta Earthmoving Inc., mga techni-cal partners ng A1E, sa pagbibigay ng pag-sasanay sa napiling 20 residente ng Brgy. Villa Ibaba at Villa Ilaya. Ang mga nagsidalo ay magkakaroon ng pagkakataong makapagtrabaho sa Di-namico at Delta bilang mga flagmen, fire-watcher at safety watchman. #

Page 4: CLUP ng Atimonan, pormal nang · pagbabasa ng mga libro, pagtuturo ng iba’t-ibang klase ng pagkain, at mga palaro para sa mga bata kasabay ng feeding program. Ang pakikilahok ng

Address: 2F Parco Bldg, Jose Rizal cor. Quezon St., Brgy. Zone 1, Atimonan

Quezon Province

Tel.No.: 1-Email: [email protected]

Isang Tinig

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Hotline Nos. 1800-10-7275859 Email: [email protected]

SPOT THE DIFFERENCE

Kumikitang Kabuhayan mula sa Kawayan

Larawan mula sa www.housebeautiful.com

“SALAMAT po at may pambili na kami ng bigas.” Ito ang maiksing pahayag ni Ter-esita Trapalgar o mas kilala sa tawag na Nanay Tere habang iniaabot sa kanya ang perang pinagbentahan sa mga produk-tong kanyang ginawa buhat sa kawayan. Si Nanay Tere ay isa sa mga benepis-yaryo ng programang Angat Kabuhayan ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) Dahil sa matinding kahirapan, hindi nakapag-aral si Nanay Tere at napilitang mamasukan bilang kasambahay sa kanyang murang edad. Pangarap ni Nanay Tere na maging isang kilala at matagumpay na modista. Ngunit iba ang plano sa kanya ng tadha-na. Siya ay nakapag-asawa ng isang Ati-monanin sa katauhan ni Jose Trapalgar na taga Brgy. Villa Ibaba. Sila ay binayayaan ng apat na anak. Bagama’t todo ang pagkayod ng kanyang asawa sa pangingisda at pag-kokonstruksyon, hindi pa rin sumasapat ang kita nito para sa kanilang mga gastusin. Naging hulog ng langit sa kanilang

Isang Tinig

pamilya ang proyektong pangkabuhayang inilunsad ng A1E na paggawa ng iba’t-ibang produkto mula sa kawayan noong na-karaang taon. Ang proyekto ay nagturo sa mga dumalo ng paghahanda at paglilinis ng mga kawayan pati na ng paglililok at pagdidisen-yo ng mga ito upang gawing lampshade, al-kansya, flower vase, bamboo speaker, wind chime, at iba pa. “Nagpapasalamat ako sa A1E dahil malaki ang naitulong nito upang maitawid namin ang aming pangangailangan lalo’t higit sa pang-araw-araw na gastusin ng am-ing pamilya”, ani Nanay Tere. Sa ngayon ay katuwang na ni Nanay Tere ang kanyang asawa at anak sa pagga-wa ng mga produktong kawayan. Isa siya sa sampung Atimonanin na tinutulungan ng A1E sa pagnenegosyo sa kawayan. Ang A1E naman ay patuloy na tu-mutulong sa pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa paggawa ng produkto at paghahanap ng mga posibleng kliyente maaaring pagbentahan ng kanilang mga produkto. #

Cynthia PardoJester Querubin Fhilip SantanderPatrick Collantes Portia de Vera

Claire FelicianoJudy Espiritu

Grupong Editoryal

Si Nanay Teresita Trapaljar mula sa Brgy. Villa Ibaba at ang mga produktong kanyang ginawa mula sa kawayan.

Tagapayong Patnugot

Kasangguni sa Editoryal

Litz Santana Chris Chua

Malayang Talakayan, Angat Kaalaman, Patuloy sa mga Barangay at Paaralan

Hanapin ang walong bagay na pinagkaiba ng dalawang larawan. Sa mga maka-kukuha sa tamang kasagutan, maari lamang makipag-ugnayan kay Portia de Vera sa numerong 0998 596 0621 para makuha ang inyong papremyo.

MULING isinagawa sa magkalapit na ba-rangay ng Villa Ibaba at Villa Ilaya kasama ang Villa Ibaba Elementary School ang pro-gramang Malayang Talakayan, Angat Kaa-laman bilang bahagi ng information, edu-cation and communication (IEC) campaign ng Atimonan One Energy, Inc. noong bu-wan ng Pebrero at Marso. Layon nito na palawakin ang kaa-laman ng mga Atimonanin ukol sa itatay-ong planta ng Atimonan One Energy, Inc. (A1E) Kasama ang Department of Environ-ment and Natural Resources, sinisugura-do nito na patuloy na maipaliwanag ang kahalagahan at benepisyong maibibigay ng A1E hindi lamang sa mga mamamayan ng Atimonan pati na din sa bansa. Isa rin itong paraan upang mabigyang linaw ang mga katanungan tungkol sa proyekto na may kinalaman sa teknolohiya, kalikasan, hanapbuhay at kalusugan. Mayroong 16 barangay at limang es-kuwelahan na ang narating ng programa noong mga nakalipas na taon na dinalu-han ng humigit-kumulang na 1,000 Ati-monanin. Layunin ng programa na maabot ang iba pang barangay at paaralan sa Ati-monan upang magbigay ng tamang impor-masyon ukol sa napipintong pagsisimula ng konstruksyon ng planta.#