Upload
others
View
3
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
i
community volunteer health workers� manualnilalaman
CCoommmmuunniittyyVVoolluunntteeeerrHHeeaalltthh WWoorrkkeerrss��((CCVVHHWW))MMaannuuaall
Philippine General HospitalARCS-Southeast Asia
Copyright 2001Manila, Philippines
ii
community volunteer health workers� manualnilalaman
Nilalamanmodyul 1
1 Kalagayang pangkalusugan
modyul 2 6 Mga responsibilidad ng isang CVHW
modyul 3 8 Konsepto ng kalusugan at pagkakasakit 8 Pagkilala sa sakit at pagtatala10 Pagsusuri sa maysakit
modyul 413 Pananakit ng ulo, dibdib, tiyan, at mga
kalamnan
modyul 515 Karaniwang karaingan ng mga bata15 Lagnat15 Simpleng ubo at sipon16 Paghahambing ng simple at komplikadong
ubo�t sipon16 Pamamahala ng simpleng ubo�t sipon17 Pamamahala sa komplikadong ubo18 Pagtatae19 Ang pagkatuyot (dehydration)21 Ang iba�t ibang bulate sa bituka
21 Ascaris/Roundworm22 Trichuris/Whipworm23 Hookworm23 Tapeworm24 Pinworm
modyul 625 Karaniwang karaingan ng matatanda25 Mga karamdaman sa sistema ng pag-ihi25 Impeksyon sa ihi25 Sakit sa bato26 Bato sa bato o pantog26 Glomerulonephritis27 Iba pang mga karaniwang karaingan ng
matatanda27 Alta presyon27 Stroke28 Bell�s Palsy28 Coronary Artery Disease (CAD)
modyul 729 Mga karaniwang sakit sa balat29 Impeksyon30 Mga alituntunin sa paggamot
ng sakit sa balat30 Mga karaniwang nakakahawang sakit
sa balat30 Impetigo31 Pigsa
iii
community volunteer health workers� manualnilalaman
31 Karbungkol o bukol31 Erysipelas32 Kulugo32 Kulebrang-ahas (herpes zoster)32 Galis-aso/kurikong (scabies)32 Kuto33 Ang impeksyong fungus sa balat33 Mga karaniwang di-nakahahawang sakit
sa balat33 Eksema33 Contact dermatitis34 Seborrhea34 Bungang-araw34 Diaper rash34 Vitiligo34 Bed sores
modyul 836 Pulmonya, tuberkulosis at hika36 Pulmonya37 Tuberkulosis38 Hika o asthma
modyul 939 Wastong paggamit ng gamot40 Mga halamang gamot40 Paghahanda ng halamang gamot40 10 halamang gamot na subok na40 Mga dapat tandaan sa paggamit ng mga
halamang gamot41 Iba�t ibang recipe sa pagluluto ng halamang
gamot41 SLK cough syrup ( sampalok, luya, at
kalamansi)41 Para sa tuyong ubo (dry cough)41 Para sa pagtatae41 Mga dapat tandaan sa paghahanda ng
halamang gamot41 Pagtatanim41 Pag-aalaga41 Pag-ani42 Pag-iimbak42 Pagluluto
43 Sampung karaniwang halamang gamot43 Lagundi43 Yerba buena (Peppermint)44 Sambong (Camphor)44 Niyug-niyogan (Chinese honeysuckle)45 Bayabas45 Akapulko45 Ulasimang bato (Pansit- pansitan)46 Bawang46 Ampalaya
modyul 1047 Pangangalaga sa kapaligiran at sa sarili47 Pangangalaga ng malinis na kapaligiran
(environmental sanitation)48 Pangangalaga sa sariling kalinisan (personal
hygiene)48 Pangangalaga ng mga ngipinat gilagid
modyul 1150 Nutrisyon at malnutrisyon50 Ang nagagawa ng wastong nutrisyon51 Ang 3 Pangkat ng Wastong Pagkain52 Ang pagpaplano ng pagkain52 Mga hakbang sa pagpaplano ng pagkain53 Mga paalaala sa pagpapakain ng mga bata53 Mga palatandaan na ang mga bata ay may
sapat na pagkain54 Mga mahalagang paalala na hindi dapat
kalimutan54 Pagbabalak ng pagkain54 Pagpili ng pagkain54 Paghahanda ng pagkain54 Paghahain ng pagkain54 Pagtatanim at paghahayupan55 Malnutrisyon55 Mga epekto ng malnutrisyon55 Mga sanhi ng malnutrisyon56 Kulang sa sustansya56 Protein Energy Malnutrition57 Kakulangan sa bitamina A o
xerophtalmia57 Anemya o iron deficiency anemia
iv
community volunteer health workers� manualnilalaman
58 Goiter o bosyo59 Labis sa sustansya59 Mga pagkilos sa pamayanan
modyul 1260 Pagpaplano ng pamilya60 Kahalagahan ng pagpaplano61 Ang sistemang balisuplingan62 Mga pamamaraan ng pagpaplano62 Mga natural na pamamaraan63 Pagtala ng temperatura (Basal Body
Temperature)63 Rhythm Method o paggamit ng
kalendaryo63 Pagpapasuso64 Cervical Mucus Method64 Mga artipisyal na pamamaraan64 Kondom64 Pildoras o Pills65 IUD (Intra-uterine Device)65 Iniksyon66 Diaphragm
66 Pagdedesisyon ukol sa pagpaplano67 Pangangalaga ng ina at sanggol67 Pagbubuntis (Pre-natal)67 Mga palatandaan ng pagbubuntis67 Wastong pangangalaga habang
nagbubuntis67 Mga palatandaan ng delikadong
pagbubuntis67 Pagkatapos manganak (Post-natal)68 Pagpapasuso
modyul 1369 Pangunang Lunas69 Cardio Pulmonary Resuscitation71 Paso at pagkasunog73 Baling buto, linsad at pilay74 Sprain at strain75 Kagat ng ahas
76 Pagsusulit at ebalwasyon
1
community volunteer health workers� manual
Hindi maihihiwalay ang kalagayang pang-kalusugan sa pampulitika, pangkultura atpang-ekonomiyang kalagayan ng ating bansa.Maiuugat ang matinding krisis pang-ekonomiyasa kakulangan ng lupang sasakahin ng masangmagbubukid, ang pagkiling ng gobyerno sadayuhang interes, at ang pagkagahaman ngmga lokal na naghaharing uri.
Ang debolusyon ng serbisyong pangkalusugan samga lokal na pamahalaan ay isang malakinghakbang sa pagbitaw ng gobyerno sa kanyangresponsibilidad sa buong sambayanan. Anghakbanging ito ay batay sa dikta ng InternationalMonetary Fund- World Bank (IMF-WB) napaigtingin ang pagsasapribado atkomersyalisasyon ng serbisyong pangkalusugan.
Gaano kalala ang sakit na dinaranas ng mgaPilipino?
Walang batayang pagbabago ang suliraningpangkalusugan ng bansa. Bagaman ang ilang mgasakit na sanhi ng pagkamatay mula 1968hanggang 1994 ay nawala na o napalitan na,nananatili pa rin ang ilang malubhang sakit nanakamamatay.
Mga nakahahawang sakit pa rin ang pangunahingdahilan ng pagkakasakit at pagkamatay.Karamihan sa 10 pangunahing sakit aynakahahawa, subali�t maaari itong iwasan.
Ang pagtatae (diarrhea) ang nangungunang sakit.Ito ay maaaring maiugnay sa kakulangan samalinis na inuming tubig at mababang kalidadng sanitasyon. Halos 11 milyong Pilipino o 2milyong kabahayan (16%) ang salat sa malinis atligtas na tubig. Samantala, 19 na milyong Pilipinoo mahigit sa 3 milyong kabahayan (29%) namanang walang maayos na palikuran. Ang mgaproblemang ito ang siyang nagiging dahilan ngpagkakaroon at paglaganap ng mga sakit tuladng kolera at tipus. Batay sa tala ng gobyerno, angsakit na kolera ay nawala na noong 1980, nguni�tito�y muling sumulpot noong 1991. Mula noon,marami nang Pilipino ang nagkaroon ng sakit naito.
Ang Pilipinas ay nangunguna pa rin sapagkakaroon ng sakit na tuberkulosis o TB: 22milyon o 1 sa 4 na Pilipino ang maaaringmayroong TB; 68 milyon naman ang maaaringmagkasakit pa nito. Araw-araw, 68 Pilipino angnamamatay dahil sa TB, samantalang 740 namanang nagkakaroon nito. Nagkakaroon ng impeksyonang 270,000 katao taun-taon. Sa mganagkakasakit ng TB, 70% ang nagtatrabaho parasa kanyang pamilya at halos lahat ay walangkakayahang bumili ng gamot. Sa ngayon, patuloyang pagdami ng mga nagkakasakit ng TB.
Ang tigdas ay isang sakit na maaaring lunasano agapan. Nguni�t ito ay nagiging sanhi ng
Kalagayangpangkalusugan
ModyulModyulModyulModyulModyul 1
2
community volunteer health workers� manualmodyul 1kalagayang pangkalusugan
pagkamatay mula noong 1980. Taun-taon, 3,000bata ang namamatay sa tigdas na maaari namangiwasan sa pamamagitan ng pagbakuna.
Ang malarya ay isa sa mga pabalik-balik nasakit. Noong 1993, 74 sa bawa�t 100,000 kataoang nagkakasakit ng malarya. Nguni�t pagkaraanng 2 taon, tumaas ito sa bilang na 88 sa bawa�t100,000 katao. Noong taong 1995, mayroong 1.5sa bawa�t 100,000 katao ang namamatay, katuladnoong 1970. Habang patuloy ang pagtaas ngresistensya sa mga gamot na anti-malarya, tuloy-tuloy pa rin itong lumalaganap sa 62 lalawigan saating bansa.
Kamakailan lamang, naging laganap ang sakit nadengue sa buong kapuluan. Sa katunayan, isana ito sa sampung pangunahing sakit sa bansa.Mapapansing mas marami ang nagkasakit ngdengue noong panahong 1989 hanggang 1993kaysa noong 1984 hanggang 1988. Samantala, angdengue hemorrhagic fever ang pangunahing sakitng mga pasyente sa San Lazaro Hospital.
Mapapansin na ang lahat ng mga nabanggit nasakit ay pangitain ng papalalang kalagayan ngmasang anakpawis. Ang pananatili ng mga sakitna ito ay isang indikasyon na ang nakararami aywalang maayos na sanitasyon, mababa angresistensya ng mga tao laban sa mga karaniwangsakit, at walang abot-kayang panlunas sa mgasakit na ito. Nangangahulugan ito na kabulaananang kampanya ng gobyerno upang iwasan angpagkakaroon at paglaganap ng mga sakit.
Mortalidad (dami ng mga taong namamatay)
Ang Infant Mortality Rate (IMR) ay isangindikasyong ginagamit upang sukatin angkalagayan at kalidad ng mga batayang serbisyosa isang bansa. Noong mga nagdaang taon,bumaba ang IMR ng Pilipinas. Hindi ito kataka-taka dahil ang mga bansa lamang na nakararanasng giyera at embargo ng Amerika (tulad ng Iraq)ang nakararanas ng matinding pagtaas ng IMR.Mabagal ang pagbaba ng IMR ng bansa kungihahambing sa mga karatig nating bansa saAsya. Halimbawa, ang IMR ng Thailand at Pilipinasnoong 1960 ay halos magkapareho. Nguni�t
ngayon, mas mababa na ang IMR ng Thailand (30sa bawa�t 1,000 buhay na ipinanganak) kumparasa Pilipinas na 57 sa bawa�t 1,000 buhay naipinanganak. Mapapansin din na malaki angpagkakaiba ng IMR sa iba�t ibang lalawigan ditosa ating bansa. Halos doble ang bilang ng mganamatay na batang wala pang isang taong gulangsa ibang lalawigan kumpara sa kalakhang Maynila.
Gayundin ang nangyayari sa Maternal MortalityRate (MMR) o dami ng namamatay na ina dahilsa kumplikasyon sa pagbubuntis, panganganakat puerperium (panahon sa gitna ng panganganakat pagbabalik ng bahay bata sa normal nitongkalagayan). Sa ibang lalawigan, halos 350 inaang namamatay sa bawa�t 100,000 buhay naipinanganak.
Pagkain at nutrisyon
Nakababagabag ang pagbaba ng kalidad ngnutrisyon ng mga Pilipino. Batay sa pag-aaral naginawa ng Food and Nutrition Research Institute(FNRI), di naaabot ng 72% ng mga kabahayan angfood threshold. Ayon sa kanilang sarbey noong1993, nagkaroon ng malaking pagbaba sa gastossa pagkain mula pa noong 1978. Malaki rin angibinaba ng pagkonsumo ng mga pagkaingnagbibigay ng enerhiya, calcium at bitamina Csa katawan.
Samakatuwid, ang malnutrisyon ay nananatilingproblema ng kalusugan ng mamamayan. Mababaang timbang ng 1 sa bawa�t 3 Pilipino. Ayon sapag-aaral ng United Nations Children�s Fund(UNICEF) sa Metro Cebu, lumalabas na halosdalawang katlo (2/3) ng 2,000 bata ay bansot.Kulang sa bitamina A ang 4 sa 10 bata na 6 nabuwan hanggang 6 na taong gulang. Anemic angkalahati ng lahat ng nagdadalantao atnagpapasuso. Halos kalahati rin ng mga sanggolay may iron deficiency anemia. Sa isang pag-aaral na ginawa sa Maguindanao, napag-alamandin na pagkaraan ng mahabang panahon ngtagtuyot, ang karamihan ng mga bata aydumaranas ng malnutrisyon.
Batayan sa pagkakaroon ng maayos na kalusuganang seguridad sa pagkain. Nguni�t mapapansin na
3
community volunteer health workers� manualmodyul 1kalagayang pangkalusugan
karamihan sa mga Pilipino ay kulang sa pagkainat ang masang magbubukid at mangingisda, nasiyang lumilikha ng pagkain, ang siyang pinaka-apektado ng malnutrisyon. Habang ang masanganakpawis ay nagugutom, ang pamahalaan aypatuloy sa malawakang kumbersyon ng mala-laking lupain upang gawing mga golf course atsubdivision ang mga ito, kundi man tanimanng mga halamang iniluluwas sa ibang bansa, tuladng asparagus at cutflowers.
Gaano kalala ang sakit ng ating sistemangpangkalusugan?
Ang gobyerno ay gumagastos ng halos 3% ngpambansang badyet para sa kalusugan.Lumalabas na sa bawa�t P100.00 na ginagastosng pamahalaan, wala pang P3.00 ang nagugol sakalusugan, samantalang P11.00 ang inilalaan parasa gastusing militar. Ngayong 1998 lamang, angbansa ay kinakailangang maglabas ng P240 bilyonupang mabayaran ang interes sa utang natin saibang bansa. Ang halagang ito ay mahigit dobleng pinagsama-samang badyet na gugugulin parasa edukasyon, kalusugan at agrikultura.Masyadong mababa ang kabuuang gastusin nggobyerno sa programang pangkalusugan kungibabatay sa mungkahi ng World HealthOrganization (WHO) na 5% ng GNP (Gross NationalProduct). Mababa pa sa 1/10 ng rekomendasyongito ang ating badyet sa kalusugan.
Kababaan ng kalidad at kakulangan ngserbisyong pangkalusugan
Isinasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas na angEstado ay �nararapat na protektahan at itaguyodang karapatan ng mga Pilipino sa kalusugan� �subali�t kung susuriin, napakababa ng kalidad okung minsan nga ay walang serbisyongpangkalusugan. Isang katlo (1/3) lamang ngkabuuang bilang ng mga ospital at kalahatilamang ng mga kama ng mga ospital angpampubliko. Sa halos 41,000 barangay sa bansa,sangkapat (1/4) lamang ang mayroong HealthCenter. Sikat na sikat ang mga pasilidadpangkalusugan ng gobyerno dahil kulang angkagamitan, gamot at manggagawa.
Nakalulungkot isipin na simula nang ipasa ngpambansang gobyerno sa mga lokal napamahalaan ang serbisyong pangkalusugan noong1993, bumaba ang bilang at kalidad ng mgakagamitan sa kalusugan, na hindi namanitinatanggi ng Kagawaran ng Kalusugan. Makikitasa sumusunod ang epekto ng debolusyon batay samga ulat ng Community Based Health Programs(CBHP):
� Iniulat ng isang nars na nakatalaga sa isangpandistritong ospital sa Bisaya na maypamilya na niresetahan ng oxygen tank parasa pasyente nitong nahihirapang huminga.
� Ang mga pasyenteng sumasangguni saMunicipal Health Officer ay pinapayuhangpumunta na lamang sa CBHP o anumangNon-Government Organization (NGO) paramakakuha ng gamot.
� Binibilang ng mga nars sa ospital kung ilangbulak ang kinuha ng pasyente upang ito aypabayaran.
� Pumipila ang mga pasyente sa ospisina ngMunicipal Treasurer upang bayaran angkonsultasyon. Pagkatapos ay bumabalik silasa Rural Health Units para sila aymaresetahan at matingnan ng doktor(dagdag pa rito ang kaukulang donasyonghinihingi para sa konsultasyon: bloodpressure: P5.00; bakuna: P10.00; pre-natal:P20-25; at iba pa).
Tahasang binabalewala ng ibang pamunuan nglokal na gobyerno ang karapatan ng mamamayansa kalusugan. Noon lamang nakaraang taon,inamin ni Oscar Tinio (tumatayong Gobernadorng Nueva Ecija) na pinag-aaralan nila ngayonang pagtatanggal ng mga pandistritong ospitalupang mabawasan ang gastusin ng lalawigan.
Kakulangan ng pondo ang siyang umiiral nadahilan upang di bigyan ng serbisyong medikalang mamamayan. Sa panlalawigang ospital ngDavao del Sur, itinigil na ang pagbibigay ngpagkain sa mga pasyente dahil sa kawalangpanustos dito.
Ayon kay Dr. Mahilinde Zambarro, ProvincialHealth Officer at hepe ng naturang ospital, hindi
4
community volunteer health workers� manualmodyul 1kalagayang pangkalusugan
sapat ang kanilang badyet upang bumili ng mgakinakailangang gamot. Aniya, �You can check ourpharmacy and see that only few medicines arethere. We need medicines but we don�t have thefunds to purchase these (Pwede ninyong siyasatinang aming botika at makikita ninyo na kakauntilamang ang aming mga gamot. Kailangan naminng mga gamot kaya lang ay wala kaming pondongpanustos dito).�
Mga manggagawa sa kalusugan ang kadalasangnagbibigay ng hudyat sa aping kalagayan atmagulong takbo ng sebisyong pangkalusugan.Noong kapapasok lamang ng taon, nag-aklas angmga mangagawang pangkalusugan ng SuluProvincial Hospital dahil naantala ang pagbibigayng kanilang 13th month pay. Ipinahayag din nilaang kanilang hinaing tungkol sa kalunus-lunos nakalagayan ng kanilang ospital, na diumano�ynagdulot ng maagang kamatayan ng ilangpasyente.
Ipinagbigay-alam ng Kagawaran ng Badyet atPamamahala noong Marso 3, 1998 sa VicenteSotto Memorial Medical Center sa Cebu nababawasan ng 50% ang nakalaang P70 milyonbadyet na nakalaan para dito. Dahil sa kulanganang pondo, ang Outpatient Department Servicesat Child Survival Center Services nito ay isasaratuwing Sabado, Linggo at piyesta opisyal. Angmga pasyenteng dumaan sa operasyon aymaagang palalabasin. Upang makalikom pa ngmaraming pera para sa operasyon ng ospital,magbabayad na ang mga pasyente sa paggamitng ambulansya, kagamitan sa iksaminasyon atlaboratoryo, pati na sa paggamit ng gamot,oxygen, at materyales para sa operasyon.
Komersyalisasyon
Kaalinsabay ng pagbaba ng kalidad ng atingserbisyong pangkalusugan ay ang patuloy nakomersyalisasyon at pagsasapribado nito.Binabayaran na ngayon ang mga serbisyongpangkalusugan na dati�y walang bayad.Isinasapribado na ang ibang pampublikong specialhospitals. Nasa proseso na ng komersyalisasyon
ang buong sistemang pangkalusugan. Kungihahambing sa ibang bansa sa Asya, puma-pangalawa ang Pilipinas sa Korea sa pribadongpagmamay-ari sa mga ospital. Noong 1996, sakabuuang 1,738 ospital dito sa Pilipinas, 1,138nito ay pribado na. Samakatuwid, ang serbisyongpangkalusugan ay nakalaan na lamang para samay kakayahang magbayad. Negosyo na angpaglalaan ng serbisyong pangkalusugan.
Nuong nakaraang administrasyon, ipinahayag ngdating Pangulong Joseph Estrada na itataguyodat susuportahan ng kanyang pamahalaan angpagpapalaganap ng pribatisasyon. Ayon sakanyang 10-point action program: �Privatizationof health services will be promoted amonghospitals, clinics, research centers and researchdevelopment facilities. This is expected tointoduce innovative approaches such as managedhealth care and local insurance voucher systems(Ang pagsasapribado ng serbisyong pangkalusuganay itataguyod sa lahat ng ospital, klinika,institusyong pananaliksik at pasilidad sapananaliksik at pagpapaunlad. Ito ay inaasahangmagpapakilala ng mga bagong pamamaraan saserbisyong pangangalaga sa kalusugan at localinsurance voucher systems.�
Sa katunayan, tahasang tinalikuran ng gobyernoang kanyang responsibilidad na pagkaloobanng serbisyong pangkalusugan ang kanyangmamamayan. Ibinigay na sa kamay ng pribadongsektor ang pagbibigay ng serbisyong pang-kalusugan. Ibig sabihin, ang masang anakpawisay mawawalan na ng karapatan sa abot-kayangserbisyong pangkalusugan.
Malinaw na walang pagbabagong hatid angPhilippine Health Insurance Corporation (PHIC)na diumano�y makapagpapababa sa halaga ngserbisyong pangkalusugan para sa nakararami.Subali�t hindi ito ang nangyayari sa katotohanan.Sa katunayan, binoboykot na ng mga ospital sabuong bansa ang MEDICARE (isa sa mga healthinsurance plans). Hangga�t hindi ibinibigay ngPHIC ang 70% ng mga MEDICARE claims ng mgapribadong ospital sa Mindanao hanggang Hulyo 31
5
community volunteer health workers� manualmodyul 1kalagayang pangkalusugan
ng taong 1998, ang mga benepisyaryo ngMEDICARE ay kailangang magpaunang bayadsimula Agosto 1, 1998.
Ang plano na gawing Medical Center ng East Asiaang Pilipinas ay ipagpapatuloy ng administrasyongEstrada upang makaakit ng mga dayuhangmedical tourists! Bilang pagsasakatuparanng planong ito, inuumpisahan na ng atingpamahalaan ang pagsasapribado ng mga pam-publikong ospital at pati na rin ang pagbebentanito sa mga dayuhang negosyante.
Balak rin ng pamahalaan na gawing makabago angmga pasilidad pangkalusugan tulad ng PhilippineGeneral Hospital at Jose Reyes Medical Center.
Subali�t kahit anumang bansag ang gamitin,modernisasyon man o pagsasapribado, iisalamang ang resulta nito: komersyalisadong pag-bebenta ng serbisyong pangkalusugan. Malakingnegosyo para sa namumuhunan. Higit nakahirapan, kagutuman, karamdaman at
kamatayan para sa sambayanang Pilipino.
Ang palalang kalagayan ng sistemangpangkalusugan
Mula nang bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinasnoong nakaraang taon, at kaalinsabay ng krisissa buong Asya, lumala ang kalagayan ng atingkalusugan. Ang debalwasyon ng piso ay nagbungang mas mataas na presyo ng mga pangunahingbilihin at higit na pagbaba ng halaga ng kita.Dumami ang walang trabaho mula 1 milyonhanggang 4.2 milyon noong nakaraang Abril 1998.Ang anim-kataong pamilya na naninirahan saMaynila ay nangangailangan ng P431.23 araw-araw upang mapunuan ang kanilang mgabatayang pangangailangan. Mahigit doble ito saminimum wage na P198.00. Batay sa pag-aaral ngUnited Nations Development Programme (UNDP),nasa 63% ng Pilipino ang nakararanas ng higit nakahirapan ngayon dahil sa panrehiyong krisis.
6
community volunteer health workers� manual
Mga responsibilidadng isang CVHW
ModyulModyulModyulModyulModyul 2
Sari-sari ang katungkulan ng Community VolunteerHealth Worker (CVHW). Malimit ay depende ito sasitwasyon at kakaiba para sa iba�t ibang bayan/lugar.
Mahalagang malaman mo ang iyong gawain upangmagampanan ito ng tama at maging mabisangtagapangasiwa ng kalusugan.
Bilang CVHW, ikaw ay inaasahan na magingtagapag-organisa, guro, at tagapangalaga ngkalusugan.
Bilang tagapag-organisa, ikaw ay inaasahan na:
� Makilahok sa pag-oorganisa at pagsasaayosng komunidad upang magkaroon ng sarilingkakayahan at kaalaman ukol sa tamangkalusugan.
� Regular na iugnay ang mga lider ngkomunidad sa Health Team.
� Magbigay ng sapat na tulong sa pagitanng komunidad at ahensyang lokal.
� Himukin ang komunidad na gumawa ngplanong pagkalusugan para protektahanang kanilang buhay at kalusugan.
� Tulungan ang bawa�t taga-komunidad namaunawaan at aksyunan ang kanilangprogramang pangkalusugan.
� Itala ang lagay ng kalusugan sa komunidad.
� Magsagawa ng kaukulang hakbangin atmaghubog ng kakayahan upang lumaganapang paglahok ng komunidad.
Bilang guro, ikaw ay inaasahan na mag-organisaat magsagawa ng mga Health Education Activitiestulad ng:
� Pagpayo sa tamang pagtatapon ng basura.
� Pagbibigay ng kaukulang kaalaman atkakayahan sa bawa�t taga-komunidad.
� Ituro sa mga magulang ang tamang pag-aayos ng kapaligiran at pangangalaga sakatawan.
Bilang tagapangalaga ng kalusugan,
� Magbigay ng pangunahing pangangalagangpangkalusugan (Primary Health Care) samga maysakit.
� Magbigay ng payo at kalinga sa sinumangdumulog at humingi ng tulong.
� Ibahagi ang kaalaman at kakayahan upangmatulungan ang mga may karamdaman,at makaiwas ang iba sa mga sakit.
� Mag-aral at magsaliksik upang lalonglumawak ang kaalaman.
7
community volunteer health workers� manualmodyul 2mga responsibilidad ng CVHW
� Irekomenda ang mga pasyenteng maykomplikasyon at malalang sakit sa MedicalHealth Officer sa inyong Health Center.
Bilang pagtatapos, ang isang mabisang CVHW ay:
� Nagtatanong at kumukunsulta sa ibangmay higit na kaalaman.
� May sapat na tiwala sa sariling kakayahan,gayundin sa kakayahan ng iba.
� May positibong pananaw at dedikasyon sakanyang gawain.
� Tapat at pantay ang pakikitungo sakanyang mga katrabaho.
� May layuning ibahagi ang kanyangkaalaman sa iba.
� Bukas ang isip sa mga puna at pagtatasao ebalwasyon mula sa kanyang mgakasamahan.
� Masayahin at tapat sa pagganap ngtungkulin, bilang miyembro ng isangpangkat.
8
community volunteer health workers� manual
Ang kalusugan ay hindi lamang ang kawalanng sakit kundi ang kabuuang pampisikal, pang-kaisipan at panlipunang kaginhawaaan ng isangtao.
Ang isang malusog na tao ay may:� Malakas na katawan� Mahusay na pagpapasya� Matatag na emosyon� Madaling makisalamuha� Mahusay makisama
Ito ay mangyayari kung ang isang tao aynakikiayon sa kanyang kapaligirang pisikalat sosyal.
Ang sakit ay isang kondisyon na nagmula sapagbabago sa kabuuang kalusugan ng tao.Maaaring ito ay dulot ng panloob o panlabasna sanhi.
Panloob na Sanhi:
� Pisikal na depekto mula sa pagkapanganako bunga ng aksidente
� Mahinang resistensya
� Namanang gawi na maaaring magdulotng sakit na tensyon o stress
� Pagod
� Personal na problema
Konsepto ng kalusugan atpagkakasakit
Panlabas na sanhi:
� Mikrobyo dala ng taong maysakit, hayop oinsekto
� Mula sa lupa, tubig, o hangin
� Mapanganib na kemikal tulad ng kerosene,insecticides, at gas
� Alak, sigarilyo, at bawal na gamot
� Init, lamig, hamog at pagkatuyo, hangin
� Kalamidad tulad ng bagyo, pagputok ngbulkan, lindol, at baha
� Digmaan at pagkasira ng kapaligiran
Pagkilala sa sakit atpagtatalaAng isang taong may sakit ay nagagamot ng tamakung tayo ay may sapat na kaalaman tungkol sasanhi ng kanyang sakit.
Ang mga sakit ay sari-sari at malimit aynagkakaroon ng sintomas. Sa pamamagitan ngtamang pagtatanong tungkol sa kanyang sakit atpag-iksamen ay nakagagawa tayo ng pagkilala sasakit (local diagnosis) at dito ay nakakapagbigayng tamang lunas.
ModyulModyulModyulModyulModyul 3
9
community volunteer health workers� manualmodyul 3konsepto ng kalusugan at pagkakasakit
Sa pagkausap sa taong may sakit:
1. Tiyakin na komportable ang pasyente.
2. Isagawa ang panayam nang may privacyhangga�t maaari lalo na kung hinihiling ngpasyente.
3. Ituon ang talakayan sa problema ngmaysakit at magpatuloy sa maayos naparaan.
4. Sa panahon ng mga biglaang pangyayari,gamutin muna ang mga nangangailangan ngkagyat na tulong bago tumungo sa pagta-tanong. Kung nangangailangan ng mgaimportanteng impormasyon, ito lamangang itanong.
5. Magsagawa ng tala ng bawa�t pasyente.
6. Gamutin ang pasyente bilang tao. Huwagsiyang tingnan bilang isang simpleng kasolang ng sakit.
Alamin ang pagkatao ng pasyente:
� Pangalan ng pasyente, edad, kasarian
� Katayuang sibil - may asawa o wala
� Tirahan
� Petsa ng pagkonsulta
� Pangalan ng pinakamalapit na kamag-anak
� Alamin ang dahilan ng pagkonsulta ngpasyente
� Itanong ang kasaysayan ng pagkakasakit ngpasyente
� Itanong ang mga katanungan namakakatulong upang lalong maunawaan angsakit ng pasyente
Ang mga sumusunod ng mga katanungan aynakakatulong sa pasyente upang makapagbigayng kaukulang detalye sa kanyang sakit.
Lagnat1. Gaano katagal ang lagnat?2. Mayroon ba siyang kombulsyon o panginginig?3. Ano ang katangian ng lagnat?
� Continous� Intermittent� Remittent� Grade
Kirot1. Saang parte ang masakit?2. Gaano kasakit?3. Katangian ng sakit?
� Kapag dinidiinan� Kapag tinutusok� Iba pa
4. Gaano kasakit?5. Gaano katagal ang sakit?6. Mga bagay na nakakapagpawala atnakakapagpapasulpot ng sakit.
Pagtatae
1. Gaano kadalas ang pagtatae?
2. Katangian ng pagtatae?� Kulay� Amoy� Anyo� Dalas
3. Kung ito ay may kasamang� Lagnat� Pagsusuka� Sakit ng tiyan� Dugo
4.Gaano katagal ang sakit?
10
community volunteer health workers� manualmodyul 3konsepto ng kalusugan at pagkakasakit
Plema at mga discharge na galing sa tainga,ilong, at sugat1. Gaano ito karami?2. Ano ang kulay?3. Ano ang amoy?
Bukol1. Kailan ito napansin?2. Gaano kalaki?
Magtanong ng iba pang reklamo tulad ng:
1. Gaano karami, kadalas at katagal na siyangumiinom ng gamot?
2. Sino ang naghatol sa kanya ng gamot?
3. Epekto sa kanya ng gamot?
Magtanong kung ito ay noon pa niya naranasan atkung mayroon nito sa kanyang kaanak okapitbahay.
Alamin din ang dating sakit o operasyon ngpasyente, kung mayroon man. Alamin din angkanyang bisyo, kung mayroon man.
Pagsusuri sa maysakitKapag nag-iiksamen ng isang pasyente, dapattandaan ang mga sumusunod:
� Tiyakin na komportable ang pasyente.
� Matiyagang ipaliwanag ang mga gagawingiksaminasyon.
� Siguraduhing walang ibang makaaalam nginyong usapan.
� Siguraduhing maliwanag ang lugar kung saangaganapin ang pag-iksamen.
� Siguraduhing may kasamang kamag-anak angpasyente: kapag babaeng pasyente angtitingnan ng lalaking doktor, at kapaglalaking pasyente ang titingnan ng babaengdoktor.
Mga bahagi ng pagsusuri sa maysakit
Pangkabuuang kalagayan � tungkol sapangkalahatang itsura ng pasyente.
Tingnan kung:� Gaano katindi o kahina ang epekto ng sakit
sa pasyente� Ang pasyente ay kulang sa sustansya
(malnourished)� Gaano kalinaw ang kanyang pag-iisip� Alamin din kung ang pasyente ay
nakalalakad o kung ito ay inaakay.
Mga kinakailangan upangmaiksamen ang isang pasyente:
� Thermometer� Relo� Stethoscope� Penlight� Blood Pressure Apparatus
Mahahalagang palatandaan
1. Temperatura
Normal ang sumusunod na temperatura:Puwit (Anal) 37.0 °C - 37.5 °CBibig (Mouth) 36.5 °C - 37.0 °CKili-kili (Armpit) 36.0 °C - 36.5 °C
Paano kumuha ng temperatura:
a) Kapag walang thermometer:
Gamitin ang likod ng iyong palad, ilagay moito sa noo ng pasyente. Ikumpara ito sa sariliat tingnan ang pagkakaiba.
b) Kapag may thermometer:
Linisin ang thermometer sa pamamagitan ngalkohol bago ito gamitin
Siguraduhing ang kulay pilak na linya aymababa sa 36 °C.
11
community volunteer health workers� manualmodyul 3konsepto ng kalusugan at pagkakasakit
Ilagay ang thermometer sa bibig o kili-kiling pasyente; kapag sanggol, ilagay sa puwit.
Iwanan ito ng 5 minuto at basahin. Ang dulong pilak na guhit ang temperatura ngpasyente.
Tandaan:
Sa bagong silang na sanggol, ang temperaturangmasyadong mataas o masyadong mababa(mababa sa 36 °C ) ay nangangahulugan ngmapanganib o seryosong impeksyon.
Paano ginagamit ang thermometer?
May thermometer dapat ang bawa�t pamilya.Kunin ang temperatura ng isang maysakit 4 nabeses sa isang araw at itala ito.
Paano binabasa ang thermometer?
Paikutin ang thermometer hanggang sa makitaang pilak na guhit. Ang dulo nito ang nagmamarkang temperatura.
Paano kinukuha ang temperatura?
Linising mabuti ang thermometer sapamamagitan ng sabon at tubig o alkohol. Aluginito hanggang umabot sa 36 °C ang dulo ng pilakna guhit.
Ilagay ang thermometer:� sa ilalim ng dila (nakasara ang bibig)� sa kili-kili kung may panganib na makagat
ang thermometer� dahan-dahan sa puwit ng isang sanggol o
maliit na bata (pahiran ng langis o basainmuna ang thermometer)
Iwanan sa pinaglagyan ng 5 minuto.
Basahin ito (ang temperatura sa kili-kili aymababa kaysa sa bibig, samantalang medyo masmataas sa puwit).
Hugasang mabuti ang thermometer pagkagamit,sa pamamagitan ng sabon at tubig.
2. Paghinga (Respiratory Rate)
� Tingnan ang paghinga ng pasyente.
� Bilis ng paghinga bawa�t minutoMatanda: 12-20 kada minutoBata: 25-30 kada minutoSanggol: 40-60 kada minuto
� Ritmo (Rhythm): tingnan kung ito ay regularo hindi regular
� Katangian (Quality): tingnan kung ito aymababaw o malalim, at kung hirap angpasyente.
Tandaan:
Mabilis ang paghinga ng mga pasyenteng maylagnat o kaya ay pagod.
3. Bilis ng pulso o tibok ng puso (Pulse Rate)
Gamitin ang hinlalato at hintuturo at ilagay saibabaw ng pulso ng pasyente nang nakalihis sagalang-galangan ng pasyente.
O kaya ay gumamit ng stethoscope at ilagay sakaliwang dibdib ng pasyente.
Sumusunod ang normal na tibok ng puso ng taongnakapahinga:
Matanda: 60-100 kada minutoBata: 80-120 kada minutoSanggol: 120-160 kada minuto
Tingnan kung ang pulso ay -Malakas o mahinaMabagal o mabilisRegular o iregular
Tandaan:
Ang pulso ay bumibilis kung ang tao ay:� Nag-ehersisyo� May lagnat� Natatakot o ninenerbiyos
12
community volunteer health workers� manualmodyul 3konsepto ng kalusugan at pagkakasakit
4. Presyon ng dugo (Blood Pressure o BP)� Siguraduhing naka-relaks ang pasyente� Siguraduhing wala nang hangin ang cuff
bago gamitin� Siguraduhing sarado and screw bago gamitin
Mga hakbang sa pagkuha ng BP
1. Siguraduhing tama ang pagkakakabit ng BPcuff.
2. Isara ang screw valve bago magsimula.
3. Kapain ang pulso sa braso at magbomba nghangin sa cuff. Pakiramdaman kung saannawala ang pulso, magdagdag ng 20mm Hg,at ulitin ang proseso. Ang unang tunog ayang systolic at ang pagbabago ng tunog angdiastolic.
Normal values ng blood pressure:Systolic: 120Diastolic: 80Range: 90/60 - 130/80
PANGKABUUANG PAGSUSURIBalat
Tingnan ang:� Kulay � maputla o naninilaw� Sugat � kung ito ay dumurugo o may nana� Kung may bukol� Rashes� Mga kuko
Mata
Tingnan kung may:� Pamumutla ng talukap� Paninilaw� May discharge� Itanong rin kung may panlalabo ng paningin
Tainga, ilong at lalamunanTainga � tingnan kung may:
� Pamumula� Discharge� Kirot
Lalamunan at bibig � tingnan kung may:� Pamumula� Sugat� Pamamaga
Ilong � tingnan kung may:� Discharge� Pamamaga� Pamumula
Leeg � kapain kung may bukol o kulani
Cardio Vascular System (CVS) � tingnan kung:� Dynamic ang dibdib� Regular ang tibok� May kakaibang tunog ang puso
Tiyan � tingnan ang:� Hugis� Kung may bukol� Parteng masakit
Tandaan:
Siguraduhing naka-relaks ang pasyente at itaasang kanyang tuhod upang madaling tingnan.
Mga kamay at paa � tingnan kung may:� Manas� Pamumutla� Limitasyon sa paggalaw� Pamamaga o bukol
Siguraduhing paghambingin ang kanan at kaliwa.
13
community volunteer health workers� manual
Maraming tao ang kumukunsulta dahil sapananakit ng iba�t ibang bahagi ng katawan.Bilang mga CVHW, kailangang malaman kung alinsa mga sakit ang maaaring bigyang lunas sakomunidad at kung alin ang dapat dalhin kaagadsa pagamutan.
Sakit ng ulo
Maaaring sanhi ng iba�t ibang sakit tulad ng:� Nanlalabong paningin� Sakit ng ngipin� Impeksyon sa tenga� Sinusitis� Sipon� Alta presyon� Meningitis
Delikado ang sakit ng ulo kung ito ay maykasamang lagnat, pagsusuka, at paninigas ng leeg(stiff neck).
Huwag pabayaan ang sakit ng ulo ng mganagdadalantao kung:
� 5 buwan nang buntis� May pamamaga ng binti at paa� May alta presyon
Kung ang sakit ng uloay dulot ng:
Dapat gawin:
Ubo at siponPagpapausok at painumin ng
maraming tubig
Tensyon
Masahe sa noo, batok at
balikat upang mawala ang
tensyon
Pagod Sapat na pahinga at tulog
Problema sa mata Magpatingin sa doktor
Ang ibang sakit ay delikado at kailangan ng payong doktor.
Pananakit ng dibdib
Maaaring manggaling sa mga laman-loob na nasabahagi ng dibdib, tulad ng:
� Puso� Baga� Kalamnan at buto sa dibdib� Itaas na bahagi ng tiyan
Ang uri at puwesto ng sakit sa dibdib aymakapagpapahiwatig kung anong sakit mayroonang isang tao.
Pananakit ng ulo, dibdib,tiyan, at mga kalamnan
Modyul 4
14
community volunteer health workers� manualmodyul 4pananakit ng ulo, dibdib, tiyan at mga kalamnan
Uri at puwesto ngpananakit
Problema osakit
Dapat gawin:
Parang may dumadagan
sa dibdib patungo sa
kaliwang bahagi ng
braso
Sumasakit pagkatapos
ng mabigat na gawain o
pagkagalit
Hirap sa paghinga, ubo
na may plema, lagnat,
pananakit ng likod
Sakit sa baga Dalhin sa ospital
Bigla at matinding
pagsakit sa isang gawi,
masakit kung galawin,
at higit na matindi ang
sakit kung humihinga o
umuubo ang pasyente
Namamaga ang
buto o kalamnan
sa dibdib
Pahinga at
painumin ng
lagundi o
paracetamol
Sakit sa puso Dalhin sa ospital
� Bigla at matinding pagsakit sa isang gawi,masakit kung galawin, at higit na matindiang sakit kung humihinga o umuubo angpasyente.
� Namamaga ang buto o kalamnan sa dibdibPahinga at painumin ng lagundi oparacetamol.
Sakit ng tiyan
� Problema o Sakit: DiarrheaDapat gawin: Bigyan ng Oresol at pakaininng paunti-unti ngunit madalas
� Problema o sakit: Bulate sa tiyanDapat gawin: Tapalan ng mainit at dalhin saHealth Center upang magamot
� Problema o sakit: KabagDapat gawin: Tapalan ng mainit at pakaininng paunti-unti ngunit madalas; huwagpainumin ng alak, kape, o softdrinks;huwag manigarilyo
Pananakit ng kalamnan at kasukasuan
Maaaring sanhi ng:� Maling pag-upo (poor posture)� Pagkahila ng kalamnan� Trangkaso� Rayuma� Labis na pagtatrabaho
Mga dapat gawin:� Mag-ehersisyo.� Uminom ng lagundi o paracetamol upang
maibsan ang sakit.
15
community volunteer health workers� manual
Karaniwang karaingan ngmga bata
Modyul 5
LagnatMga dapat malaman:
� Ang mga tao ay may lagnat kung angtemperatura niya ay mataas sa 37.5 °C.
� Ang lagnat ay hindi sakit kundi palatandaanna ang tao ay may sakit.
� Ang lagnat ay dahil sa mikrobyo.
� Nangangayayat at nade-dehydrate angtaong may lagnat.
� Ang mataas na lagnat ay maaaring magingsanhi ng kombulsyon.
Mga dapat tingnan:
� Temperatura
� Palatandaan at sintomas ng ubo at sipon,masakit na lalamunan, rashes, infectedwounds at pagtatae.
Mga dapat gawin:
� Huwag suotan ng makapal na damit angpasyente.
� Ilagay siya sa malamig na lugar.
� TSB
� Painumin siya ng maraming tubig.
Mga dapat obserbahan:
� Lagnat na mahigit nang tatlong araw
� Wala pang tatlong buwang gulang angmaysakit
Tandaan:
Kapag nakita ang sintomas na ito, dalhin angpasyente sa doktor.
Simpleng ubo at siponAng ubo�t sipon ay dalawa sa pinakamadalas nakaramdamang nararanasan ng sinumang tao. Kungtutuusin, malaki rin ang nagagastos ng isangpamilya sa mga sakit na ito: pambayad sakonsultasyon, pagbili ng antibayotiko at iba panggamot, pagkawala ng kita dahil sa hindi pagpasoksa trabaho, at iba pa.
Naaapektuhan din nito ang mga pang-araw-arawna gawain tulad ng trabaho, pag-aaral atpaggawa sa bahay.
16
community volunteer health workers� manualmodyul 5karaniwang karaingan ng mga bata
Karaniwang sanhi ng ubo�t sipon
1. Impeksyon, dulot ng:
� Virus - pinakamadalas na sanhi;napaglalabanan ng katawan
� Bakterya - aaaring mangailangan ngpaggamit ng mga gamot tulad ngantibayotiko
2. Paninigarilyo o palagiang pagkabilad sa isangnaninigarilyo
3. Polusyon
4. Allergy, hika
Tandaan:
Kung alam natin ang sanhi, mas madali natingmalalaman kung paano ito maiiwasan.
Paghahambing ng simple at komplikadongubo�t sipon
Ang mga kaso ng ubo�t sipon ay hinahati natin sadalawang uri � simple o komplikado. Kung simpleang ubo�t sipon, maaari itong gamutin kahit sabahay lamang. Kung komplikado ito, kailangangisangguni sa doktor o dalhin sa ospital.
Palatandaan ng simpleng ubo�t sipon:� Tumatagal ng 3-5 araw lamang� Puti o parang tubig (walang kulay)
ang plema� Hindi gaanong nahihirapang humihinga
ang bata� Karaniwang wala o mababa ang lagnat
Palatandaan ng komplikadong ubo:
� Tumatagal ito ng isang linggo o higit pa
� May kulay ang plema � dilaw, berde, okulay kalawang, o di kaya�y may bahid ngdugo
� Nahihirapang huminga ang maysakit
� Mabilis ang paghingaMatanda: mahigit 24 kada minutoBatang wala pang isang taon: mahigit 50kada minutoBatang 1-5 taong gulang: mahigit 40 kadaminuto
� Lumalaki ang butas ng ilong� Lumilitaw o napapansin ang tadyang kapag
humihinga� Hindi makainom o makasuso� Nangangasul ang mga labi o kuko
Pamamahala ng simpleng ubo�t sipon
1. Pag-iwas sa karamdaman at sa paglala ngsimpleng ubo�t sipon:
a. Wastong pagkain/nutrisyonb. Sapat na pahingak. Kalinisan ng katawand. Pagbubukod sa maysakite. Pagtatakip ng bibig kapag umuubo at
humahatsing
2. Pangangalaga at pagbibigay ginhawa samaysakit
a. Pababain ang lagnat
Hindi dapat kuskusin ng basang bimpo angbalat. Dampi-dampian lamang.
Punasan ang katawan lalo na sa mga singit okili-kili.
Balutan ng bimpong binasa sa malamig natubig ang mga braso, binti at hita.
Ulit-ulitin ang mga hakbang na ito hanggangbumaba ang lagnat.
b. Painumin siya ng maraming tubig o fruitjuice upang matulungang bumaba anglagnat, lumabnaw ang plema at mapadaliang pag-ubo.
17
community volunteer health workers� manualmodyul 5karaniwang karaingan ng mga bata
k. Magpasingaw (steam inhalation) upangmapalambot ang nanunuyong plema atmapaluwag ang paghinga.
Ipaliwanag sa pasyente ang gagawin
Bigyang proteksyon ang kanyang mata upangdi mapaso ng aso (steam).
Lagyan ng 1 o 2 kurot ng asin ang isanglitrong tubig. Pakuluan.
Magrolyo ng karton at itapat ang masmalaking butas nito sa pinasingawang tubigat ang mas maliit na butas sa ilong ngmaysakit.
d. Higupin ang sipon sa ilong ng sanggol omaliit na bata, sa pamamagitan ngheringgilyang walang karayom.
e. Sa mga matatanda o malaking bata,makatutulong sa pagpapaluwag ng sipon angpagsinghot ng tubig na may kaunting asin.
3. Paghahanda ng halamang gamot
a. Sampalok-Luya-Kalamansi (SLK)
Mga kakailanganin:1 dakot na dahon ng sampalok, ginayatLuya, 1 hinlalaki ang haba, hiniwaBunga ng kalamansi, 3 piraso3 kutsara ng asukal na pula1 basong tubig
Paraan ng paghahanda:
Hugasang mabuti ang mga halaman.
Pakuluan ang sampalok at luya sa isangpalayok hanggang mangalahati ang sabaw.
Salain ang dahon at luya. Isalang muli samahinang apoy ang sabaw.
Ilagay ang asukal at haluin hangganglumapot ito.
Palamigin ang sabaw at patakan ngkalamansi.
Paraan ng pagbibigay:Matanda: 1 kutsara 3 beses sa maghaponBata: 1-2 kutsarita 3 beses sa isang araw
b. Lagundi
Mga kakailanganin:
2 basong tubig
Sariwa o tuyong dahon ng lagundi. Ang daming gagamiting dahon ay naaayon sa edad ngmaysakit.
Edad Sariwang Dahon Tuyong DahonMatanda 6 kutsara 4 kutsara
7-12 taong gulang 3 kutsara 2 kutsara
2-6 taong gulang 1.5 kutsara 1 kutsara
Paraan ng Paghahanda:
Paghaluin ang ginayat na dahon at tubig sapalayok.
Isalang sa apoy. Kapag kumulo na, hinaanang apoy at alisin ang takip ang palayok.Hayaang patuloy na kumulo sa loob ng 15minuto.
Salain ang pinaglagaang dahon sa isangmalinis na baso o mangkok.
Palamigin. Ang resulta ay isang pinaglagaano pinaglagaan na maaaring inumin.
Paraan ng paggamit:
Hatiin sa 3 bahagi ang pinaglagaan at inuminang bawa�t bahagi sa umaga, tanghali atgabi.
Pamamahala sa komplikadong ubo
1. Isangguni sa doktor ang maysakit. Maagap napansinin ang mga senyales ng komplikadong ubo.
2. Sundin ang payo ng doktor.
3. Kadalasan, may gamot na ipaiinom ang doktor.Siguraduhing iniinom ito ng pasyente.
� Tiyaking tama ang pangalan ng gamot.� Tiyaking tama ang dami ng pinaiinom.� Tiyaking tama sa oras ang pag-inom.� Tiyaking sinusunod ng pasyente ang tagal ng
pag-inom, lalo na kung ang gamot ayantibayotiko.
18
community volunteer health workers� manualmodyul 5karaniwang karaingan ng mga bata
4. Kung hindi kailangang manatili sa ospital,maaaring sa bahay gawin ang nabanggit napamamahala ng ubo�t sipon.
PagtataeAng pagtatae ay isa sa karaniwang mgakaramdaman sa pamayanan.Ito rin ang sanhisa kalahati ( ) ng mga kaso ng batang kulangsa timbang.
Mga palatandaan:
� Pagdumi nang mas madalas � 3 beses o higitpa sa isang araw
� Malambot, malabnaw, o matubig na dumi
Karaniwang sanhi ng pagtatae
1. Impeksyon sa daluyan ng pagkain
a. Virus
Pinakamadalas na sanhi ng madaliangpagtatae (mahigit sa 50% ng lahat ngkaso)
Napaglalabanan ng katawan
Hindi kailangang gamutin ng antibayotikoo dalhin sa doktor
b. Bakterya
Maaaring mangailangan ng antibayotikopara magamot
Maaaring makasugat ng bituka at magingsanhi ng dugo sa dumi
Karaniwang may lagnat ang nagtatae
k. Bulate
Iba�t ibang klase at laki (hindi lahat aynakikita ng mata lamang)
Maaaring makapagdulot ng anemya okakulangan sa dugo sa pamamagitan ngpagsugat sa bituka
Nagiging sanhi ng matagalang pagtatae
d. Ameba
Mas malaki kaysa bakterya
Maaaring magdulot ng madalian atmatagalang pagtatae
Nakukuha sa tubig na nalagyan ng dumingmay cyst ng ameba
Nangangailangan ng gamot na nireseta ngdoktor
Maaari ding lagnatin ang nagtatae
2. Impeksyon sa ibang bahagi ng katawan
� Luga
� Pamamaga ng tonsil
� Tigdas
� Impeksyon sa daanan ng ihi (UrinaryTract Infection o UTI)
� Malarya
3. Malnutrisyon
Bukod sa impeksyon, malnutrisyon ang isa sapinakamadalas na sanhi ng pagtatae. Kung kulangsa nutrisyon ang bata, mas mahina angresistensya niya laban sa impeksyon. Nahihirapandin ang kanyang bituka na tunawin ang mgakinakain.
Nagdudulot din ng malnutrisyon ang pagtatae sapamamagitan ng pagpapaigsi ng pananatili ngpagkain sa tiyan. Hindi na nabibigyan ngpagkakataon ang mga bituka na sipsipin angsustansya sa pagkain dahil ang mga ito�ynailalabas agad.
4. Iba pang mga sanhi, tulad ng:
� Di-pagkatunaw ng pagkain, tulad ng gatas,malangis at mamantikang pagkain, at mgahilaw na prutas o gulay
� Mga gamot, tulad ng antibayotiko
� Allergy sa gatas at iba pang pagkain
� Lason
19
community volunteer health workers� manualmodyul 5karaniwang karaingan ng mga bata
Ang pagkatuyot (dehydration)
Ito ang sanhi ng 70% ng pagkamatay dahil sapagtatae.
Ang mga senyales ng wala, mayroon at grabengpagkatuyot ay ang mga sumusunod:
Walangpagkatuyot
Mayroongpagkatuyot
Grabengpagkatuyot
Tingnan:
Mata
Normal,
walang
pagbabago
Medyo
lubog
Lubog na
lubog at tuyo
Luha Mayroon Wala Wala
Bibig/dila Basa Tuyo Tuyong-tuyo
UhawNormal ang
pag-inom
Uhaw na
uhaw*
Mahinang
uminom o
hindi
makainom*
Pangkalahatang
kondisyon o
hitsura
Masigla,
alerto
Bugnutin,
hindi
mapalagay*
Mahina o
walang
malay*
Damhin/kurutin
ang balat
Bumabalik
kaagad sa
dati
Matagal
bumalik sa
dati
Mabagal na
mabagal
bumalik sa
dati (mahigit
2 segundo)
* Mahalagang senyales ang mga ito. Kahit isa lamangsa mga senyales na ito ang makita sa maysakit,masasabing mayroon o grabe ang pagkatuyot niya.
Sa mga taong grabe ang pagkatuyot, maaaringmakita rin ang mga sumusunod:
� Napakabilis nguni�t mahinang pulso� Mabilis at malalim na paghinga� Mataas na lagnat o kombulsyon
Sa mga sanggol, isa ring palatandaan ngpagkatuyot ang paglubog ng bumbunan.
Ano ang dapat gawin kapag may nagtatae?
� Huwag siyang hayaang matuyot. Bigyan siyang pamalit-likido.
� Subukang tuklasin kung ano ang sanhi ngpagtatae.
� Pakainin siya ng wasto at masustansyangpagkain. Huwag pigilin ang pagpapakain saisang taong nagtatae.
� Huwag magbigay ng gamot na pumipigil sapagtatae (hal. Diatabs, Imodium). Angpagtatae ay siyang pamamaraan ng atingkatawan upang ilabas ang anumang naka-iirita o nakalalason sa bituka, kaya�t hindidapat pigilan ang paglabas ng mga ito.
Ano ang mga pwedeng gamiting pamalit-likido?
� Rehydration drink� Oresol: Ihalo ang 1 pakete sa 1 litrong
malinis na tubig.� Hydrite: 1-2 tableta sa 1 basong tubig
Kung walang makuhang Oresol o hydrite,maaaring gumawa ng sariling rehydrationdrink. Sa 1 litro ng malinis na tubig(pinakuluan), maglagay ng 2 kutsarangasukal, ¼ kutsaritang asin, at ¼ kutsaritangbikarbonato ng soda (kung mayroon). Haluinnang husto.
� Sabaw ng buko� Sabaw ng manok, karne at baka� Gatas ng ina� Gatas ng hayop (pero huwag itong ibigay
kung ang sanhi ng pagtatae ay allergy sagatas ng hayop)
� Am� Halamang gamot: nilagang dahon ng mga
sumusunod:� Bayabas� Tsaang gubat� Kaimito� Abokado
20
community volunteer health workers� manualmodyul 5karaniwang karaingan ng mga bata
Paano magbibigay ng pamalit-likido?
Ang dami ng pamalit-likido na ibibigay sanagtatae ay depende kung gaano kalubha angkanyang pagkatuyot.
Para sa walang pagkatuyot:
� Bigyan ang nagtatae ng mas maraming likidokaysa karaniwan niyang iniinom.
� Bigyan ang bata ng likido hangga�tmakakaya niyang uminom. Kung isinusuka ngbata ang likido, unti-untiin ang pagbigay(kutsarahin)
� Pinakamainam kung ang ibibigay na pamalit-likido ay Oresol
Para sa mayroong pagkatuyot:
� Magbigay ng ganito karaming Oresol sa loobng apat na oras:
Edad Dami ng oresolmas mababa sa 4 na buwan 1/3 litro
4 � 11 buwan ½ litro
1 �2 taon 2/3 � ¾ litro
2 � 4 taon 1 litro
5 � 14 taon 1 ½ litro � 2 litro
15 taon o higit pa 3 litro
Pagkatapos ng 4 na oras, tingnan ulit angpasyente kung wala, mayroon o grabe angpagkatuyot. Kung wala na, painumin na lamangsiya hanggang makakaya. Kung mayroon, ulitinang pagbigay ng Oresol sa loob ng 4 na oras. Kungnaging grabe, dalhin kaagad sa ospital.
Para sa grabeng pagkatuyot
� Dalhin kaagad sa ospital ang pasyente.� Kung makakainom siya, subukang painumin
ng pamalit-likido.
Anong mga pagkain ang maaaring ibigay sanagtatae?
Katulad ng nabanggit kanina, huwag pigilin angpagpapakain sa nagtatae. Kung nakakakain na angpasyente, maaaring ibigay ang mga sumusunod:
Pampalakas:SagingBiskwitKanin, mais, patatas
Pampabuo ng katawan:Manok (nilaga o inihaw)Itlog, malambot na nilagaIsda, nilaga o inihawButong-gulay (hal. munggo)Bunga ng:
Bayabas KaimitoDuhat Saging
Iwasan ang mga sumusunod:Matataba o mamantikang pagkainPagkaing sagana sa rekadoPamurgaAlakHilaw na prutas
Paano makakaiwas sa pagtatae?
1. Wastong nutrisyon
Tumutulong ang wastong nutrisyon sa katawan nalabanan ang pagkakasakit kasama na angpagtatae. Dahil dito, mas madalas magtae omamatay ang mga batang kulang sa nutrisyonkaysa mga batang husto sa nutrisyon.
2. Kalinisan
Kasama ng kalinisan sa sarili ay ang kalinisan sakapaligiran. Ang tubig na iniinom ay kailangangtiyak na malinis, malinaw, walang kulay, walanglasa, walang amoy, at ang pinagkunan ay ligtas sa
21
community volunteer health workers� manualmodyul 5karaniwang karaingan ng mga bata
kontaminasyon. Iniingatan ang pagkain mula sadumi at langaw. Ang dumi ay kailangang itaponrin sa tamang paraan.
Kailan kailangang magpunta sa doktor?� Grabeng pagkatuyot.� May dugo ang dumi.� Hugas-bigas ang dumi. Maaaring cholera ito.� Nagtatae na may kasamang lagnat.� May grabeng malnutrisyon o sakit bago pa
man magsimula ang pagtatae.
� Tumagal ng 4 na araw o higit pa angpagtatae o 1 araw sa bata na may grabengpagtatae.
� Patuloy ang pagsusuka at hindi mainom angpamalit na likido.
� Patuloy na natutuyot ang nagtatae sa kabilang mga ginagawang pamamaraan.
Ang iba�t ibang bulatesa bitukaAng pagkakaroon ng bulate sa tiyan ay laganapsa ating bansa, lalo na sa mga komunidad na hindimaingat sa kalinisan ng kanilang kapaligiran.Paano nga ba napupunta ang mga bulateng ito saating mga bituka? Ano ang magagawa natin upangmakaiwas dito? Pag-aralan natin ang iba�t ibangklase ng bulate at ang life cycle o sirkulo ngbuhay ng bawa�t isa, upang mas maunawaannatin kung paano kumakalat ang sakit na ito.
Maraming mga bulate ang puwedeng mabuhay sabituka ng isang tao. Ang mga bulateng ito angsanhi ng ilang karamdaman.
Ang mga bulateng tulad ng ascaris, pinworm attapeworm ay maaaring makita sa tae nguni�t anghookworm at trichuris ay nakikita lamang kunggagamitan ito ng mikroskopyo.
Tatalakayin natin ngayon ang limang pang-karaniwang bulate sa Pilipinas ayon sa kanilangmga katangian, palatandaan, paggamot atpamamaraan ng pag-iwas dito.
ANG MGA PANGKARANIWANGBULATE NG TIYAN
1. Ascaris/RoundwormAng bulateng pinakakaraniwan sa mgaPilipino, ang haba nito ay 20-30 cm, angkulay nito ay rosas
Sirkulo ng buhay
Ang roundworm ay nananahanan at nangingitlogsa maliit na bituka ng tao. Ang itlog nito aysumasama sa dumi ng tao at napapasalin sa iba sapamamagitan ng narumihang tubig o pagkain.
Sa sandaling malulon ang mga itlog ng bulate aynapipisa ito sa maliit na bituka ng tao at nagigingmaliit na bulate o inakay. Pumapasok ang inakaysa daluyan ng dugo at mula dito�y nadadala saatay, puso at sa baga. Sa baga lumalaki nanghusto ang mga inakay. Ito ang nagiging sanhi ngtuyong ubo na minsan ay may kasamang bahid ngdugo. Ang maliliit na bulate ay nasasama sa pag-ubo, nalululon at umaabot sa maliit na bitukakung saan sila lalaki nang husto. Muli, ang sirkulong buhay ng ascaris ay nagsisimula.
Ang buong sirkulo ay nakukumpleto sa loob ng 2 ½buwan.
Mga palatandaan:� Malaking tiyan� Manaka-nakang pananakit ng tiyan� Panghihina� Tuyong ubo� Malatang dumi
22
community volunteer health workers� manualmodyul 5karaniwang karaingan ng mga bata
Paraan ng Pag-iwas:
� Sundin ang mga alituntunin sa kalinisan.
� Ingatang huwag langawin ang pagkain.
� Maghugas ng kamay bago kumain o bagomaghanda ng anumang pagkain.
� Maging maayos sa pagtapon ng dumi.
Paraan ng Paggamot:
� Magbigay ng Piperazine, Albendazole,Mebendazole, o Pyrantel pamoate.
� Kailangang magpurga tuwing 4 na buwano 3 beses sa isang taon upang ma-kontrolang ascariasis.
� Maaaring magbigay din ng halamang gamottulad ng niyug-niyugan: 6-8 na hinog nabuto.
Komplikasyon:
� Pagbara sa bitukaKapag ang mga bulateng ascaris aynagsamasama at nabuong parang bola,maaaring mabara nito ang bituka atmagdulot ng pananakit ng tiyan atpagsusuka.
� AppendicitisMaaaring sumuot ang matatandang ascarissa appendix. Ito ang karaniwang sanhi ngappendicitis sa bata.
� Pagbara ng tubong papunta sa pantog ngapdo. Kung ito ay mangyayari, makaka-ramdam ng matinding pananakit sa kanangitaas ng tiyan.
� Pamamaga ng lapay (Pancreatitis)
Trichuris/Whipworm
Ito ay manipis na bulate, 3-5 centimetro anghaba, kulay rosas o abuhin. Korteng latigo itokung titingnan sa ilalim ng mikroskopyo.
Sirkulo ng buhay:
Ito ay matatagpuang nakadikit sa mataas nabahagi ng malaking bituka, sa appendix, o samababang bahagi ng maliit na bituka (ileum).Ang mga itlog nito ay sumasama sa dumi, atnahihinog sa lupa.
Sa sandaling malulon ang mga hinog na itlog (nanasa maruming pagkain o tubig), lalabas mularito ang mga inakay na bulate at ito�ymamamalagi sa maliit na bituka ng 7-10 araw.Pagkatapos ay bababa na ito sa malaking bitukaupang maging magulang na bulate sa loob ng 2-3buwan. Maaaring tumagal ng 5 taon ang buhayng trichuris.
Mga palatandaan:� Pagtatae o malatang dumi� Pananakit ng tiyan
Paraan ng pag-iwas:� Sundin ang mga alituntunin sa kalinisan.
Paraan ng paggamot:� Ang Albendazole o Mebendazole ay
maaaring gamiting pampurga.
Komplikasyon:� Pagluwa ng tumbong (rectum) kung sobrang
dami ang whipworm. Dalhin ang maysakit sadoktor upang maitulak pabalik ang puwit.
23
community volunteer health workers� manualmodyul 5karaniwang karaingan ng mga bata
Hookworm
Ang bulateng ito ay 1 centimetro ang haba atkulay pula. Mahirap itong makita kung hindi su-suriin sa pamamagitan ng mikroskopyo.Binansagan itong �hookworm� dahil sa mgangipin nitong mala-kawit na nagsisilbing pang-kapit nito nang mahigpit sa maliit na bitukang tao.
Sirkulo ng buhay
Ang hookworm ay nangingitlog ng daan-daan samaliit na bituka. Ito ay lumalabas sa puwitkasama ng dumi. Napipisa ang mga itlog sabasang lupa at lumalabas ang mga inakay nabulate. Kapag may taong naglakad sa lupa ngnakayapak lamang, ang mga inakay ay maaaringtumagos sa balat, at pumunta sa mga ugat. Mularito, maaari silang maanod papunta sa baga, nanagiging sanhi ng ubong may kasamang plema.
Ang mga bulate ay sumasama sa plema, nalulunokat napupunta sa maliit na bituka, kung saan silaay kumakapit at sumisipsip ng dugo. Ang buongsirkulo ng buhay ng hookworm ay nabubuo sa loobng 40 araw. Matapos pumasok sa balat, angbulate ay nakakarating sa maliit na bituka sa loobng 3-5 araw.
Mga palatandaan:� Singaw sa balat (skin eruptions) dulot ng
pagpasok ng mga bulate sa balat na siyangdahilan ng pangangati
� Ubo� Pananakit ng tiyan, pagkawala ng ganang
kumain, at pagtatae� Anemya na siyang sanhi ng pagkahapo at
panghihina
Paraan ng pag-iwas:� Sundin ang mga alituntunin ng kalinisan.� Huwag magtapak. Gumamit ng bakya o
tsinelas.
Paraan ng paggamot:� Mebendazole o Pyrantel.� Niyug-niyugan. Kumain ng isang buto sa
bawa�t taong gulang ng pasyente(halimbawa: 6 taong gulang = 6 buto).Nguni�t hindi dapat lumagpas sa 20 buto saisang araw. Kainin bago mag-agahan ng 3sunud-sunod na araw.
� Tabletas na may iron para sa mga mayanemya.
Tapeworm
Ang anyo nito ay tulad ng medida na ginagamit sapagsukat ng damit. Maputi at maraming maliliitna pirasong kabit-kabit. Ang bulate ay maaaringumabot ng 2-3 metro ang haba.
Makukuha ang tapeworm sa pagkain ng karne ngbaboy o baka na hindi nalutong mabuti.
Sirkulo ng buhay
Ang magulang na bulate ay nangingitlog sa bitukang tao. Ang mga itlog na ito ay napapahalo sadumi, kasama ang mga pirasong puno rin ng itlogna napuputol mula sa bulate. Kapag ang dumingito ay kinain ng baboy o baka, ang mga itlog aynapipisa sa bituka nito. Ang maliliit na bulate aydinadala ng dugo sa laman ng baboy, kung saanbumubuo ito ng bukol o cyst.
Kapag kumain ang tao ng hilaw na karne ng baboyna maysakit, makakain din niya ang mga bukol naito. Sa bituka, nakakawala ang mga bulate mulasa bukol at lumalaki sa loob ng 8 linggo.
Mga palatandaan:� Bahagyang paglaki ng tiyan� Pagbaba ng timbang� Pagsakit ng tiyan� Malabnaw na pagtatae
Paraan ng pagsusuri:� Stool exam
24
community volunteer health workers� manualmodyul 5karaniwang karaingan ng mga bata
Paraan ng pag-iwas:� Sundin ang alituntunin sa kalinisan.� Lutuing mabuti ang karne.� Ikulong/italing mabuti ang hayop.
Paraan ng paggamot:� Praziquantel� Halamang gamot
Buto ng kalabasa: gumamit ng 15-25kutsara ng buto, durugin at ihalo sa tubigna may gatas at asukal. Inumin nangwalang laman ang tiyan, kasunod angpampurga pagkatapos ng 1-2 oras.
Nilagang bunga (betel nut): ilaga anglaman ng bunga ng 20-30 minuto athayaang lumamig bago ibigay. Inuminnang walang laman ang tiyan.
Dosis < 12 taong gulang = 30 grams
> 12 taong gulang = 50-60 grams
Matanda = 80-90 grams
Komplikasyon:� Kung minsan, ang bulate ay nadadala ng
dugo sa utak at nagkakaroon doon ng mgabukol. Ang sintomas tulad ng epilepsy okombulsyon ay nangyayari ayon sa dami atkinalalagyan ng bukol.
Pinworm
Ang bulateng ito ay puti, 1 centimetro ang habaat hugis aspile.
Sirkulo ng buhay:
Ang mga bulate ay lumalaki sa ibabang bahagi ngmaliit na bituka at sa itaas na bahagi ng malakingbituka. Kapag ang bulate ay handa nang mang-itlog, sila ay gumagapang papuntang tumbong
palabas sa puwit, at nangingitlog ng libu-libo sapaligid ng puwit, na nagdudulot ng pangangatidito lalo na sa gabi.
Kung ang pangangati ay nahahantong sapagkakamot, ang mga itlog ay dumidikit sa ilalimng kuko. Kapag hindi naghugas ng kamay ang taobago kumain, malululon ang mga itlog atmapipisa ang mga ito sa loob ng tiyan.
Ang ibang kasambahay ay maaaring makakuhang itlog mula sa mga gamit na hinawakan ngmaysakit.
Mga palatandaan:� Pangangati ng puwit lalo na sa gabi� Di mapakali� Naimpeksyong mga sugat sa paligid ng puwit
dala ng pagkakamot
Pagsusuri:� �Scotch Tape� Method: Lagyan ang puwit ng
kapirasong tape. Idikit ito sa slide at suriinsa mikroskopyo.
Paraan ng pag-iwas:� Sundin ang alituntunin sa kalinisan.� Putulin nang maikli ang mga kuko.� Maghugas ng mga kamay bago kumain.� Ang mga batang may pinworm ay dapat
magsuot ng mahigpit na lampin o salawalupang di makamot ang puwit.
Paraan ng paggamot:� Piperazine, Pyrantel Pamoate,
Mebendazole.� Makabubuting gamutin ang buong pamilya.� Halamang gamot: niyug-niyugan (gumamit
ng 6-8 hinog na buto).
25
community volunteer health workers� manual
Ang sistema ng pag-ihiTinutulungan nito ang katawan sa pamamagitanng pagtatanggal ng dumi sa katawan sa anyo ngpag-ihi. Ito ay binubuo ng bato (kidney), tubo(ureter), pantog (urinary bladder), at ihian(urethra).
Sinasala ng bato ang dugo at gumagawa ng ihi.Ang matatanda ay nakagagawa ng 6-8 basong ihisa isang araw. Ang normal na ihi ay malinaw,dilaw at walang dugo, protina o asukal.
Ang mga ureter ay tubo na dinadaanan ng ihimula sa bato patungong pantog.
Ang pantog o urinary bladder ay ipunan ng ihi.Kapag ito�y napupuno, ang tao ay makakaramdamng pag-ihi.
Ang ihian (urethra) ay tubo mula sa pantogpapalabas. Sa mga lalaki, dito rin dumadaan angtamod.
MGA KARAMDAMAN SA SISTEMANG PAG-IHI
Impeksyon sa ihi
Kalimitan ang bakteryang nanggagaling sa puwitay pumapasok sa ihian at ang daluyan ng ihi aynagkakaimpeksyon. Madalas mangyari ito sa mgababae dahil maikli ang kanilang ihian.
Ang pagtatalik ay malimit ding sanhi ng impeks-yon sa daluyan ng ihi.
Mga palatandaan:� Masakit kung umihi� Malimit na pag-ihi� Nananakit ang puson� Masakit na ulo, minsan� Ang ihi ay maaaring malabo o may bahid
ng dugo
Sakit sa bato
Maaaring magkaroon ng sakit sa bato ang taongpalaging may impeksyon sa daluyan ng ihi na diagad nagamot.
Mga palatandaan:� Ang pamamanas ng talukap ng mata� Pamamanas ng mga paa� Paunti-unti ang ihi� Pagsusuka� Pananakit ng ulo� Pananakit ng mababang parte ng likod� Mataas na presyon� Nawawalan ng ganang kumain� Madaling napapagod
Ang maysakit ay dapat dalhin sa doktor.
Karaniwang karaingan ngmatatanda
Modyul 6
26
community volunteer health workers� manualmodyul 6karaiwang karaingan ng matatanda
Paraan ng pag-iwas:
� Panatilihin ang kalusugan ng katawan.
� Uminom ng 8-10 basong tubig bawa�t araw.Ang pag-inom ng maraming tubig aymaaaring sapat na para sa mga hindigrabeng impeksyon.
� Nguni�t kung siya ay umiihi ng kulang sa 3basong ihi sa isang araw at namamaga angmga mata at paa, bawasan ang tubig nainiinom. Bigyan siya ng gamot nananggagaling sa halaman, tulad ng ugat ngkugon at buhok ng mais, upang mapadamiang ihi.
� Kung hindi pa siya gumagaling o kaya�y maylagnat, bigyan siya ng cotrimoxazole. Bigyanng kaukulang pansin ang dami. Upangmakontrol ang impeksyon, uminom ng gamotng 10-14 na araw.
� Kung di pa rin gumagaling, kumunsulta sadoktor.
Mga komplikasyon:
Napipinsala ang bato kapag di agadginagamot ang impeksyon sa daanan ng pag-ihi. Ang sirang bato ay maaaring pagmulanng mataas na presyon, pamamanas (edema)ng paa at pananakit ng ulo. Maaaringmakamatay ang malalang pagkasira ng batodahil hindi lumalabas ang dumi ng katawan.
Bato sa bato o pantog
Nabubuo ang bato dahil di sapat ang iniinom natubig. Ang iba pang sanhi nito ay impeksyon,maraming calcium sa dugo at pag-inom ngmaraming antacids.
Mga palatandaan:� Sakit na nagmumula sa likod patungo sa
tagiliran, sa tiyan at sa ibaba ng ari. Angmaysakit ay maaaring mamilipit dahil sasobrang sakit.
� Nahihirapang umihi� Dugo sa ihi� May impeksyon sa daluyan ng ihi
Paraan ng pag-iwas:� Uminom ng 8-10 basong tubig bawa�t araw.
Paraan ng Paggamot:� Gamutin ang impeksyon sa daluyan ng ihi.
� Bigyan ng aspirin o paracetamol odicyclomine para sa sakit.
� Uminom ng 12-15 basong tubig bawa�t arawupang maalis ang maliliit na bato.
� Kung malubha, dalhin sa pagamutan.Kalimitang kailangan ang operasyon.
Komplikasyon:� Ang komplikasyon ay katulad din ng
impeksyon sa daluyan ng ihi.
Glomerulonephritis
Kalimitan itong nakikita sa mga batang maygulang na 3-10 taon nguni�t maaari din itogmakita sa matatanda.
Karaniwang sanhi nito ang impeksyon ng balat ong lalamunan at tonsil.
Mga palatandaan:� Kasaysayan ng impeksyon ng balat o
lalamunan� Pamamanas ng talukap ng mata� Pamamanas ng paa� Hindi kataasang lagnat� Panghihina� Pananakit ng ulo� Nawawalan ng ganang kumain� Pagtaas ng presyon� Kulay tsaa ang ihi� Pilat o impeksyon sa balat� Albumin sa ihi
Paraan ng pag-iwas:� Gamutin ang impeksyon ng balat at
lalamunan ng wastong antibayotiko.
Paraan ng paggamot:� Magpahinga ng 2 linggo, o hanggang sa
mawala ang lahat ng sintomas. Ang pagbaliksa dating gawain ay dapat dahan-dahan.
27
community volunteer health workers� manualmodyul 6karaiwang karaingan ng matatanda
� Iksaminin muli ang albumin sa ihi. Kungmagkakaroon muli nito, magpahinga muli ng10-14 araw.
� Sukatin ang dami ng ihi. Ang dami ng tubigna iniinom ay dapat kasindami ng ihi kasamaang tubig na nawala sa pamamagitan ngpawis, dumi at paghinga.
� Sa mga pasyenteng kakarampot ang ihi,huwag bigyan ng pagkaing mataas saprotina. Sa halip ay bigyan sila ng pagkaingmayaman sa carbohydrates upang magingmalakas. Iwasan ang asin.
� Kung lumala ang pamamanas ng mukha, paa,at lalong naging kakarampot ang ihi, dalhinagad sa pagamutan.
Komplikasyon:Maaaring masira ang bato. Ang maysakit aypatuloy na magkakaroon ng hindi kataasanglagnat, panghihina, pagsakit ng tagiliran atkakarampot na ihi.
Iba pang mgakaraniwang karainganng matatanda
ALTA PRESYONAng alta presyon o high blood pressure at sakitsa puso ay isa na sa mga pangunahing sanhi ngpagkakasakit at pagka-matay ng mga Pilipino.Nakahabol na ito sa pinakalaganap na mga sanhina binubuo ng mga nakahahawang sakit. Subali�tang mga ito ay maaari pa rin nating maiwasan atmalunasan. Tunghayan natin kung paano natinmababantayan ang ating presyon.
Ang presyon ng dugo ay nalalaman sa paggamit ngstethoscope at blood pressure apparatus osphygmomanometer.
Ang mga palatandaan ng hypertension:
� Presyon ay mataas sa 140/90 mm Hgpagkatapos ng 3 pagsukat sa loob ng isanglinggo
� Madalas na pagsakit ng ulo
� Pagkahilo� Malabong paningin� Pagsusuka� Pananakit ng batok� Pananakit ng dibdib
Karaniwan ang alta presyon sa:� May sakit sa bato� Matatabang tao� Mga matatanda
Mga dapat gawin upang mapanatiling normal angpresyon ng dugo:
� Kumain ng wasto.� Mag-ehersisyo.� Sapat na pahinga.� Panatilihin ang tamang timbang.� Iwasan ang paninigarilyo.� Iwasan ang matataba at maaalat na
pagkain.� Iwasan ang labis na pag-inom ng alak.
Bilang CVHW, ano ang maaari kong gawin?
� Payuhan ang taong maysakit na palagingipatingin ang presyon ng dugo.
� Ipatingin siya sa doktor o sa Health Center.
� Payuhan siya sa wastong pangangalaga ngkalusugan.
STROKEAng dahilan ng stroke ay ang pagbara ng namuongdugo o pagdurugo sa loob ng utak. Kalimitangnakakararanas ng stroke ang mga taong mataasang presyon at may sakit sa puso. Ang sanhinaman ng stroke sa kabataan ay ang biglangpagputok ng mahinang ugat sa utak.
Mga palatandaan:� Sakit ng ulo� Panghihina ng kalahati ng katawan at
mahina o napinsalang pagdama ng bisig atbinti
� Di-pantay ang mukha� Nahihirapang magsalita� Nahihilo, naduduwal at nagsusuka
28
community volunteer health workers� manualmodyul 6karaiwang karaingan ng matatanda
� Kombulsyon� Pagbabago ng kamalayan; inaantok o walang
malay
Paraan ng pag-iwas:� Gamutin ang mataas na presyon at sakit sa
puso.
Paraan ng paggamot:� Ihiga ang maysakit nang mas mataas ang ulo
kaysa paa. Kung siya ay walang malay,ipaling ang kanyang ulo upang ilabas angkanyang laway o suka. Habang siya�y walangmalay, huwag bibigyan ng pagkain, tubig ogamot. Kung maaari, humingi ng tulong sadoktor.
Ang taong nagkaroon ng stroke ay may suliraninsa pagsasalita, paningin at pag-iisip. Maaaringwalang pakiramdam ang kalahati ng kanyangkatawan. Sa simula, tulungan ang maysakit namaikilos ang naapektuhang bahagi. Kapagmatagal itong hindi iginagalaw maaari itongmanigas o di na maikilos muli.
Kailangan din ang tulong na nauukol sadamdamin. Ang pagkakaroon ng stroke aynagdudulot ng kalungkutan at kawalang pag-asasa pasyente. Kailangang tulungan at pagpayuhanang pasyente.
BELL�S PALSYAng Bell�s Palsy ay paralisis ng kalamnan ng isangbahagi ng mukha, na minsa�y dala ng virus,pagkalantad sa lamig, o aksidente. Nagreresultaito sa pagiging tabingi o di pantay ng mukha.
Paraan ng paggamot:� Tiyakin sa maysakit na kahit di siya gamutin
ay gagaling siya sa loob ng 1-2 taon,depende sa kanyang edad.
� Hayaang mainitan ang kanyang mukha ngmainit na pomento.
� Iwasang ilantad lalo na sa hangin atalikabok.
� Lagyan ng takip ang mata kung kailangan.
� Banayad na masahihin pataas ang kalamnanng mukha sa tagal na 10 minuto, 3 beses samaghapon. Gamitan ng acupuncture.
CORONARY ARTERY DISEASE (CAD)Ito ang pagkapal ng ugat dahil sa maraming taba.Maaaring maapektuhan nito ng ugat ng utak atpuso. Kapag naapektuhan ang puso, ito aytinatawag na coronary artery disease.
Mga palatandaan:� Pananakit ng dibdib
Paraan ng pag-iwas:� Payuhan laban sa paninigarilyo at
matatabang pagkain� Mag-ehersisyo
Paraan ng paggamot:� Magpatingin sa doktor
Komplikasyon:� Atake sa puso (myocardial infarction)� Pagpalya ng puso (Congestive heart failure)
29
community volunteer health workers� manual
Ang balat ay isa sa mga bahagi ng katawan namaraming tungkuling ginagampanan.
� Mahusay na pananggalang ng katawan labansa mikrobyo, sobrang init at lamig,pagkatuyo at pagkabasa.
� Tumutulong ito para makakuha ngbitamina D ang katawan mula sa araw.
� Maalis ang dumi sa katawan
� Nagsisilbing pandama rin ito ng katawandahil sa taglay na maliliit na panamdamo nerve
Ito ay binubuo ng:� Epidermis layer o panlabas na suson� Dermis o panloob na suson
Pagsusuri ng sakit sa balat: pagkuha ngkasaysayan ng sakit sa balat at pagsusuri sapasyente
Kunin ang kumpletong kasaysayang medikal ngpasyenteng may sakit sa balat. Huwag kali-limutang ang ibang mga sakit ng katawan angmaaaring sanhi o ang makapagpapalala ng sakitsa balat.
Alamin kung ang pasyente ay:
� May nararamdaman pang sakit sa ibangbahagi ng katawan
� May suliraning emosyonal� Hindi kumakain ng wasto
Tanungin din siya kung may iniinom o ipinapahidna gamot sa balat.
Suriing mabuti sa liwanag ang buo niyangkatawan.
ImpeksyonImpeksyon ang karaniwang komplikasyon ng sakitsa balat.
Mga palatandaan:� Nag-iinit� Namumula� Namamaga� Nananakit� Nilalabasan ng nana
Ilan pang mga senyales ng lumalalang impeksyon:� Pamamaga ng mga kulani� Masamang amoy mula sa bahaging apektado� Masamang reaksyon ng balat sa gamot
Tandaan:
Huwag gagamit ng gamot sa sakit sa balat kungwalang reseta ng doktor.
Mga karaniwang sakitsa balat
Modyul 7
30
community volunteer health workers� manualmodyul 7mga karaniwang sakit sa balat
Paraan ng pag-iwas sa komplikasyon:
� Iwasang galawin o hipuin, kamutin, hilutino pisil-pisilin ang balat na may sakit.
� Payuhan ang maysakit na palaging maghugasng mga kamay.
� Panatilihing may takip at malinis ang gamotna ginagamit.
� Gumamit ng malinis na instrumento kungkailangang tanggalin ang langib ng sugat.
� Kapag ang impeksyon ay nasa mabalahibongparte ng katawan, ahitan at linisin itongmabuti.
Halos lahat ng impeksyon sa balat ay pwedengkumalat sa ibang bahagi ng katawan kung kaya�tsundin ang wastong pangangalaga ng balat atgamutin ito kaagad.
Mga alituntunin sapaggamot ng sakit sabalatPara sa may impeksyon:
� Iposisyon ang apektadong parte nang masmataas kaysa ibang bahagi ng katawan.
� Tapalan ito ng mamasa-masa at mainit natela.
Tandaan:
Kung grabe ang impeksyon at nilalagnat angmaysakit, dalhin kaagad sa doktor paramaresetahan ng tamang antibayotiko.
Para sa nangangati, nanghahapdi o nagkaroon nglangib o mga butlig/paltos na nagtutubig (hindinana!) sa balat:
� Tapalan ng telang binasa sa malamig natubig at puting suka (2 kutsarang suka sa 1/4galon na malinis na tubig).
� Kung mabuti na ang pakiramdam ngapektadong parte, hindi na nagtutubig, atmay pumapalit nang bagong balat, pahiran
ng pulbos (talcum powder) na tinunaw satubig (1 parteng pulbos sa 1 parteng tubig).
� Kapag gumaling na ang apektadong parte atnatutuyo na ang balat, pahiran ito ng langisupang maging malambot.
Tandaan:
Huwag magbubudbod ng tableta o kapsulangantibayotiko para gamutin ang mga sugat oanupamang sakit sa balat!
Hayaan ang doktor na magreseta ng wastongantibayotiko
Mga karaniwang sakitsa balatNakahahawang sakit sa balat:
� Impeksyon sanhi ng bakterya � tagihawat,impetigo, pigsa, erysipelas, ketong
� Impeksyon sanhi ng fungi � an-an, buni,alipunga, balakubak
� Impeksyon sanhi ng virus � kulugo,kulebrang-ahas (herpes zoster)
� Sakit sa balat sanhi ng mga kulisap � kuto,galis-aso
Di-nakahahawang sakit sa balat:
� Iritasyon sa balat � diaper rash, bungangaraw, kalyo
� Allergy � eksema, contact dermatitis� Kagat ng kulisap � lamok, langgam
MGA KARANIWANGNAKAKAHAWANG SAKIT SA BALAT
Impetigo
� Sanhi ng bakterya
� Madaling makahawa ang langib nito
� Matubig-tubig at iregular na paltos (vesicles)na mabilis kumakalat at nagkakaroon ngmanilaw-nilaw na langib kapag natuyo
31
community volunteer health workers� manualmodyul 7mga karaniwang sakit sa balat
� Madaling naaapektuhan ang balat sa paligidng bibig, mukha at leeg
Paraan ng pag-iwas:
� Maging malinis sa katawan.
� Maligo araw-araw at magsuot ng malinis nadamit.
� Huwag hayaan ang batang may impetigo namakipaglaro o matulog kasama ng ibangbata.
Paraan ng paggamot:
� Hugasan ng halamang gamot tulad ng dahonng bayabas, o sabon at tubig, 2-3 besesaraw-araw. Alisin nang dahan-dahan anglangib pagkatapos maibabad sa tubig.
� Matapos alisin ang langib, lagyan ang balatng dinikdik na halamang gamot tulad ngdahon ng bayabas o gamot na ointmenttulad ng iodine solution (hal. Betadine)o gentian violet.
� Kung malawak ang sakop ng impeksyon,marami ang sugat, o nilalagnat angmaysakit, sumangguni sa doktor upangmabigyan ng kaukulang gamot.
Pigsa
� Pagnanana sa ilalim ng balat
� Dulot ito ng bakterya
� Sa simula ay mapula, masakit, mainit atmatigas na bukol na unti-unting lumalambothabang tumatagal
� Karaniwang may butas sa gitna, nanilalabasan ng nana o dugo
Paraan ng pag-iwas:
� Kalinisan ng sarili at ng kapaligiran
� Balanseng pagkain para mapanatilingmalusog ang balat
Paraan ng paggamot:
� Linisin ang pigsa ng tubig at sabon o ngpinakuluang dahon ng bayabas 2-3 beses1 araw.
� Maglagay ng malinis na telang binasa samainit na tubig sa paligid ng pigsa.
� Pahinugin ito sa pamamagitan ng pagtatapalng dinikdik na bulaklak ng talampunay obuko (buds) ng gumamela.
� Hayaang kusang pumutok ang pigsa, atpatuloy itong tapalan ng mainit na tela.
� Kung hinog na ang pigsa, maaari din itongdalhin sa doktor upang putukin. Dalhin dinang maysakit sa doktor kung magkakaroonng lagnat o pamamaga ng kulani.
Komplikasyon:
� Meninghitis� Kalat na impeksyon sa katawan (sepsis)
Karbungkol o bukol
� Katulad ng pigsa na impeksyon
� Mas malaki at mas malalim ito sa pigsa
� Karaniwang mayroon itong higit sa isang�mata� o butas na nilalabasan ng nana
Paraan ng pag-iwas at paggamot:
� Katulad ng sa pigsa
Erysipelas
� Isa ring impeksyon sa balat na dulot ngbakterya
� Mainit, mapula at namamagang balat namabilis lumaki at kumalat
� Karaniwang nagsisimula sa mukha at sa tabing ilong
� Maaari ding maapektuhan ang katawan, paaat kamay
� Namamagang kulani
� Nilalagnat, giniginaw, masakit napakiramdam at panghihina
Paraan ng paggamot:
� Dalhin sa doktor upang mabigyan ngantibayotiko
� Ang paglalagay ng malinis na telang binasasa mainit na tubig sa lugar ng impeksyon atpag-inom ng paracetamol ay makakapawi ngkirot na nadarama.
32
community volunteer health workers� manualmodyul 7mga karaniwang sakit sa balat
Kulugo
� Maliliit na bukol na mabilis tumubo sa balatsanhi ng virus
� Maaaring mawala kahit hindi ginagamotmakaraan ang ilang buwan o taon
Paraan ng paggamot:
� Walang mahusay na gamot sa kulugo kayamakabubuti pang pabayaan na lang ang mgaito. Kahit na maaaring alisin ang kulugo, angvirus na sanhi nito ay naroon pa rin atpwedeng tumubo itong muli sa ibang parteng balat.
� Kung talagang hindi nawawala ang kulugo,maaari itong gamitan ng cautery(pagsusunog ng balat). Subali�t maaari rinitong bumalik.
Kulebrang-ahas (herpes zoster)
� Sanhi ng virus na siya ring tagapagdala ngbulutong-tubig
� Karaniwang naaapektuhan nito ang taongnagkaroon na dati ng bulutong-tubig
� Masakit na masakit ito nguni�t hindi itonakamamatay
� May isang hanay o kumpol ng makikirot nalintos (blisters) ang lumalabas sa isang parteng katawan tulad ng likod, dibdib, batok omukha
Paraan ng paggamot:
� Bendahan nang maluwag ang lintos upanghindi makuskos ng suot na damit.
� Magbigay ng paracetamol kung makirot.
Galis-aso/kurikong (scabies)
� Buhat sa kagat ng isang uri ng maliit nainsekto
� Madaling makahawa sa pamamamgitan ngdirektang pagdikit sa mga maysakit, sakanilang damit o higaan
� Maliliit na butlig na karaniwang makikita samaninipis na balat tulad ng pagitan ng mgadaliri, galang-galangan, tiyan, singit atbayag
� Lubhang pangangati lalo na kung gabi
� Nagtutubig na sugat; maaaring magnanakapag naimpeksyon
Paraan ng pag-iwas
� Personal na kalinisan: maligo at magpalit ngdamit araw-araw; labhan ang lahat ngdamit, kumot, punda at kubrekama atpatuyuin sa araw.
� Huwag dumikit sa taong may galis-aso athuwag gagamit ng mga damit, kumot otuwalya niya.
Paraan ng paggamot:
� Kahit isang tao lamang ang may galis-aso,dapat gamutin ang buong pamilya o mgakasambahay niya.
� Kung walang impeksyon, gamitin ang isa samga halamang gamot na ito: kalatsutsi(balat ng kahoy), kakawati (dahon),makabuhay (sanga).
Ipahid ang katas ng halamang gamot sa mgabahagi ng katawang may galis-aso.
Alisin kinabukasan at paliguan muli angpasyente. Ipahid muli ang nabanggit nahalamang gamot. Gawin ito araw-arawhanggang gumaling ang sakit.
Bukod sa halamang gamot, maaari dinggumamit ng lindane lotion (hal. Kwell)upang gamutin ang galis na walangimpeksyon.
� Kung may impeksyon, sumangguni muna sadoktor para maresetahan ng nararapat naantibayotiko.
Kuto
� Matatagpuan sa tao: sa ulo, sa katawan o sabulbol/ari
� Ang kakulangan ng personal na kalinisan angsiyang pangunahing dahilan kung bakitnagkakaroon ng kuto
� Pangangati� Lisâ sa buhok� Maliliit na sugat sa balat o anit gawa ng
pagkamot
33
community volunteer health workers� manualmodyul 7mga karaniwang sakit sa balat
Paraan ng pag-iwas:
� Pinakamahalaga ang kalinisan.� Ibilad sa araw ang unan, kumot at banig na
ginamit araw-araw.� Linising mabuti ang sumbrero at suklay.� Maligo at hugasan ang buhok araw-araw.� Kung may kuto ang bata, gamutin ito
kaagad. Huwag siyang patabihin sa ibangbata sa pagtulog.
Paraan ng paggamot:
� Gumamit ng 1% lindane shampoo (hal.Kwell) at hugasang mabuti ang buhok.Ingatang huwag malagyan ng lindane angmata. Hayaan ang shampoo sa buhok ng 10minuto, bago ito banlawan ng malinis natubig. Ulitin pagkaraan ng 1 linggo.
� Para maalis ang mga lisâ, ibabad ang buhoksa maligamgam na tubig na may suka (1parteng tubig at 1 parteng suka) ng 30minuto. Pagkatapos, suklayin ito ng suyod.
� Hingutuhan ang buhok.
Ang impeksyong fungus sa balat
� Lumalabas kahit saang bahagi ng katawan
� Makating kaliskis sa balat at kung minsan aypabilog na batik
� Ang iba ay nagiging paltos
� Ang matagal na impeksyon ay nagiging sanhiupang magbitak ang balat o matanggal angbalat sa apektadong bahagi.
Paggamot at pag-iwas:
� Panatilihing tuyo ang balat. Tumutubo atdumarami ang fungus sa mga bahagi ngkatawan na palaging basa.
� Paarawan at pahanginan ang apektadongbalat.
� Lagyan ng cornstarch solution kapagmamasa-masa o putok ang balat.
� Ang halamang gamot tulad ng akapulko aymaaaring gamitin. Dikdikin ang ilang dahonat pigain. Ipahid ang katas sa balat 2-3beses araw-araw hanggang mawala ang sakitsa balat.
� Sumangguni sa doktor kung ang impeksyonay hindi kayang pigilin ng mga nabanggit nagamot.
Tandaan:
Iwasan ang panghihiram ng sombrero, damit,tuwalya, panyo at iba pang pansariling gamit ngpasyente.
Mabilis kumalat ang fungus.
Ibilad ang mga gamit na hindi maaaring labhantulad ng sumbrero at unan 2 beses isang linggo.
MGA KARANIWANG DI-NAKAHA-HAWANG SAKIT SA BALAT
1. Eksema
� Isang klase ng allergy sa balat
� Sa maliit na bata: pantal (sa mga pisngi okung minsan ay sa braso o sa kamay) na maypaltos/butlig na pumuputok at kumakalat
� Sa malaking bata at matanda: tuyo angeksema at ito ay karaniwang nakikita saalak-alakan at loob ng siko
Paraan ng paggamot:
� Patungan ng malinis na telang binasa samalamig na tubig.
� Kung may palatandaan ng impeksyon,gamutin kagaya ng sa impetigo.
� Paarawan ang apektadong balat.
� Isangguni sa doktor.
Contact dermatitis
� Biglaang pamamaga ng balat kapag nadaitanng kemikal o ng mga bagay na nagiging sanhing iritasyon katulad ng goma, sabon,pamatay ng kulisap at gamot na ointment
� Pangangati, pamumula at pamamagakasunod ng pagpapaltos ng balat na nadaitsa bagay na nagdadala ng iritasyon
� Sa kalaunan, pagkakayat, paglalangib atimpeksyon.
34
community volunteer health workers� manualmodyul 7mga karaniwang sakit sa balat
Paraan ng paggamot:
� Iwasan ang mga bagay na magiging sanhi ngiritasyon.
� Panatilihing malinis ang apektadong balat.
� Huwag magkakamot, gamitan ngantihistamine (hal. Diphen-hydramine oBenadryl) kung sobra ang pangangati.
Seborrhea
� Mamantika at dilaw na langib sa anit ngsanggol. Karaniwang namumula ang balat.
� Nangyayari kapag hindi madalasnapaliliguan o kung laging pinagsusumbreroang bata.
Paraan ng paggamot:
� Hugasan ang ulo ng sabon at tubig araw-araw.
� Dahan-dahang tanggalin ang balakubak atlangib. Madaling maaalis ang mga ito kungbabalutin ang ulo ng tuwalyang binasa samaligamgam na tubig o kung papahiran nglangis ng niyog ang anit.
� Kung may impeksyon, gamutin nang tulad saimpetigo.
Tandaan:
Huwag lagyan ng sombrero ang sanggol: hayaanitong mahanginan at maarawan.
Bungang-araw
Makakating butlig sa balat dahil sa pagpapawis.Maaari ring magkaroon ng paltos.
Paraan ng paggamot:
� Kung maiiwasan ang pagpapawis, angbungang-araw ay kusang maglalaho sa loobng ilang oras o ilang araw lamang.
� Makagiginhawa ang pagpahid ng gawgaw opulbos, o ang pagligo.
Diaper rash
� Mapupulang butlig o iritasyon sa singit atpigi ng sanggol dahil hindi agad napapalitanang lamping nabasa ng ihi.
Paraan ng paggamot:
� Paliguan ang sanggol araw-araw samaligamgam na tubig at di matapang nasabon.
� Painitan siya sa araw nang walang suot nadamit.
� Palaging palitan ang lampin ng sanggol.Labhang mabuti ang lampin at pagkataposay banlawan sa tubig na may kaunting suka.Patuyuing mabuti sa araw. Plantsahin kungmaaari.
� Huwag gumamit ng pulbos kung may mgabutlig pa.
Vitiligo
Sa ibang tao, ang ilang bahagi ng kanilang balatay nawawalan ng natural na kulay. Pagkatapos aymay lumalabas na puting paltak-paltak dito.Karaniwan itong lumalabas sa kamay, paa, mukhaat itaas na bahagi ng katawan.
� Ito ay hindi nakahahawang sakit.� Ito ay maihahalintulad sa pagputi ng buhok
ng matatanda.� Ito ay namamana.
Paraan ng paggamot:
� Sa kasalukuyan, wala pang alam na gamotpara sa vitiligo. Pangalagaan lamang nahindi mabilad nang husto ang balat sa araw.
Bed sores
Ang mga taong malala ang sakit at hindimakagalaw ay karaniwang nagkakaroon ng sugatsa likod dahil sa palagiang pagkakahiga.Nagsusugat ang mabutong bahagi ng katawantulad ng pigi, likod, siko, at paa, sapagkat ditokaraniwang natitipon ang bigat ng katawan.
35
community volunteer health workers� manualmodyul 7mga karaniwang sakit sa balat
Paraan ng pag-iwas:� Baguhin ang posisyon ng maysakit oras-oras.� Paliguan siya araw-araw.� Gumamit ng malambot na kumot o
pansapin. Palitan ito araw-araw at tuwingito ay matataehan, maiihian, omasusukahan.
� Pilitin ang maysakit na kumain.� Kandungin palagi ang batang matagal na ang
pagkakasakit.
Paraan ng paggamot:
� Linisin ang sugat ng pinakulong tubig na maykaunting asin o agua oxinada.
� Lagyan ng katas ng sabila upang mapadaliang paggaling ng sugat.
� Huwag tatakpan ang sugat nguni�t huwagpabayaang madumihan, maihian, omadapuan ng langaw at iba pang insekto.
36
community volunteer health workers� manual
Ang pag-ubo ay iritasyon at hindi sakit sa tunayna kahulugan nito. Ito ay isa lamang palatandaanng sakit sa lalamunan, baga o bronchi. Ang pag-ubo ay isang pamamaraan ng katawan upanglinisin ang sistemang panghingahan nito atpaalisin ang iritasyon sa daluyan ng hangin tuladng plema.
Anu-ano ang mga sanhi ng pag-ubo?
Ang pag-ubo ay maaaring sanhi ng mgasumusunod:
� Sipon
� Pulmonya
� Paninigarilyo
� Hika
� Bulate
� Tuberkulosis
� Kanser
� Sakit sa puso
Tandaan:
Ang pulmonya, tuberkulosis at hika ay 3 sapinakamadalas na mga sanhi ng komplikadongpag-ubo sa Pilipinas.
Pulmonya, tuberkulosis athika
Pulmonya
Ang pulmonya ay impeksyon sa baga. Ito aykadalasang komplikasyon sa mga may tigdas,tusperina, trangkaso at hika, o sa mga mahinaang resistensya ng katawan.
Mga palatandaan at senyales ng pulmonya:
� Biglang panginginig at mataas na lagnat
� Mabilis, mababaw na paghinga
� Hirap na paghinga, kung minsan ay maynaririnig na halak o huni lalo na sa bata,lumalaki ang butas ng ilong at lumilitaw angmga tadyang at laman sa leeg sa paghinga
� Lagnat (nguni�t may mga sanggol,matatanda o sobrang hinang pasyente anghindi nagkakaroon nito)
� Ubo na may kasamang plemang kulay dilaw,berde, kalawang o may bahid na dugo
� Pananakit ng dibdib (kung minsan)
� Ang pasyente ay hirap at nanghihina
� Mga singaw sa mukha at labi
Paraan ng paggamot:
1. Dalhin sa doktor. Kinakailangan ito upangmabigyan kaagad ng tamang gamot(antibayotiko) ang pasyente at para sa mgagrabeng kasong kailangang maospital.
Modyul 8
37
community volunteer health workers� manualmodyul 8pulmonya, tuberkulosis at hika
2. Siguraduhing naiinom ng pasyente angtamang antibayotiko, sa tamang dosis, satamang oras at tamang tagal ng pag-inom.
3. Magbigay ng acetaminophen o paracetamolpara sa lagnat at pananakit.
Sa sanggol Paracetamol100mg/ml o60mg/0.6ml
0-3 buwan 0.3ml
tuwing ika-4
hanggang ika-6 na
oras
3-6 buwan 0.6ml
6 buwan - 1 taon 1.0ml
sa loob ng 2 araw
lamang
4. Punas-punasan ng basang bimpo ang buongkatawan ng taong nilalagnat.
5. Painumin ng maraming tubig o juice angmaysakit. Kung hindi ito makakain, bigyansiya ng likidong pagkain (hal. sabaw, sopaso gatas) o rehydration drink.
6. Bukod sa pagpapainom ng tubignakakatunaw din ng plema at nakakaluwagng paghinga ang pagpapasingaw.
7. Maaari ding paluwagin ang plema sapamamagitan ng postural drainage:matapos ang pagpapasingaw, pahigain angpasyente nang pataob at mas mababa angulo sa dibdib. Tapik-tapikin ang likod.
8. Tiyakin rin na ang pasyente ay nakakuha ngsapat na pamamahinga.
Tuberkulosis
Ang tuberkulosis (TB) ay isa sa mga pinaka-madalas na sanhi ng matagalang pag-ubo.Laganap ito sa mga mahihirap na bansa katuladnatin. Nangunguna ang Pilipinas sa dalas ng kasong TB.
Ang TB ay nagagamot nguni�t marami pa rin angnamamatay dito. Kailangang maagap na tukuyinat pamahalaan ito upang maiwasan ang pagkalat,paglala at pagkamatay.
Ang sakit na ito ay sanhi ng kakaibang mikrobyona galing sa taong may TB na nalalanghap ng
ibang tao na kadalasan ay mahina angpangangatawan, kulang sa resistensya o satimbang.
Ang mga palatandaan at senyales ng TB:� Sa matanda:
Pag-ubo na nagtatagal ng 2 linggo o higit paPanghihina ng katawanPangangayayat o pagbaba ng timbangSinat lalo na sa bandang haponPamamawis sa gabiPananakit ng likod at dibdibPlemang may bahid na dugo
� Sa bata:Pagbaba ng timbangMadalas na paglalagnatPaglaki ng mga kulani sa leeg
Ang tuberkulosis ay kadalasang makikita sa batanguni�t maaari nitong maapektuhan angmemrogis (lalo na sa mga bata), atay, bato, buto,at iba pang parte ng katawan.
Pamamaraan ng paggamot:
1. Dalhin kaagad sa Health Center o doktor angpinaghihinalaang may TB upang magawan ngalinman sa mga sumusunod:
� Tuberculin skin test� Pagsuri ng plema
Ginagawa pagkagising sa umaga angpagkuha ng plema.Pagmumugin na muna ang pasyente.Pahingahin nang malalim at paubuhin.Ilagay sa malinis na lalagyan ang plema atdalhin kaagad sa klinika o Health Center.
� Chest X-ray
2. Siguraduhin ang pag-inom ng gamot na ipinayong doktor ayon sa mga sumusunod:
� Tamang uri � tandaan ang mga pangalan nggamot. Ito ay kombinasyon ng sumusunod namga gamot:
Isoniasid (INH)RifampicinPyrazinamideEthambutolStreptomycin
38
community volunteer health workers� manualmodyul 8pulmonya, tuberkulosis at hika
� Tamang dosis ng pag-inom � papaano angpag-inom? Ilang pildoras o kutsarita kadainom? Ilang beses sa isang araw?
� Tamang tagal ng pag-inom � ilang buwaniinumin ang anong klaseng gamot?
Tandaan:
Upang matiyak ang paggaling, kailangang inuminang mga gamot nang tuloy-tuloy ayon sa payo ngdoktor. Bigyan ng balanseng pagkain at sapat napamamahinga ang maysakit.
Paraan ng pag-iwas:
1. Pagbabakuna ng lahat ng sanggolpagkapanganak, at muli sa edad 6 bagopumasok sa eskuwela
2. Sapat at wastong pagkain para sa lahat
3. Pagbubukod ng maysakit habang hindi pa itonagagamot at sa unang dalawang linggo nggamutan
4. Wastong bentilasyon ng tahanan
5. Pagtakip ng bibig kung umuubo at pag-iwassa pagdura sa sahig o kung saan-saan lamang
Hika o asthma
Ang hika ay isang uri ng sakit na kaugnay ng mgaallergy. Kadalasang nagsisimula ito sa kabataan atmaaaring maging habambuhay na karamdaman.Karaniwan itong kasunod ng pagkain o paglanghapng mga bagay kung saan may allergy ang tao. Samga bata, madalas itong nagsisimula sa sipon.Ang pagod, ginaw, pagkabahala o labis na galakay maaaring magdulot ng hika lalo na sa mga taomas malamang na magkaroon nito.
Ang hika ay hindi nakahahawa nguni�t mas mataasang posibilidad na magkaroon nito ang mga
kamag-anak ng taong may allergy kaysa sa mgawala. Ang mga taong matagal nang may allergy aymaaaring magkaroon din ng komplikasyon sa bagao sa puso.
Mga palatandaan:
� Hirap na paghinga
� Inaatake kung may sipon, pagod, labis anggalak o pagkabahala o malamig ang panahon
� May huni o masikip ang paghinga kungpinakikinggan ang likod
Paraan ng paggamot:
� Dalhin ang pasyente sa lugar na presko atmalinis ang hangin. Papanatagin ang loob ngpasyente.
� Painumin ang maysakit ng gamot para sahika na ipinayo ng doktor. Muli, kailangangalamin kung ano ito, paano ang pag-inom, atang dalas at tagal ng pag-inom.
� Painumin ng maraming tubig ang pasyente.Maaaring makatulong ang pagpapasingawupang matunaw ang plema at lumuwag angpaghinga.
Paraan ng pag-iwas:
� Iwasan ang mga pagkain o paglanghap ngmga bagay na makapagpapasumpong nghika.
� Panatilihing malinis ang bahay atkapaligiran.
� Huwag hayaan ang mga hayop sa loob ngbahay.
� Pahanginan o painitan sa ilalim ng araw angmga gamit tulugan.
� Iwasan ang paninigarilyo.
39
community volunteer health workers� manual
Karamihan sa mga sakit ay maaaring maiwasansa pamamagitan ng mga sumusunod:
� Personal na kalinisan� Pagkain ng masustansyang pagkain� Kalinisan sa kapaligiran� Pagbabakuna
Marami ding sakit ang hindi nangangailanganng gamot katulad ng:
� Simpleng ubo�t sipon� Hepatitis� Minor skin infections� Polio� Pagtatae� Tigdas
Ang mga sumusunod ay mas mahalaga kaysagamot:
� Pahinga
� Pagkain ng masustansyang pagkain
� Pag-inom ng maraming tubig at juice
� Paggamit ng simple at ligtas na paraan ngpangangalaga sa bahay
Kahit sa mga kondisyon na nangangailangan nggamot, kumikilos ang mga depensa ng katawanupang mapuksa ang mga mikrobyo. Tumutulongang tamang paggamit ng gamot sa natural napaghilom ng katawan.
Ang rational drug use ay ang wastong pagpili atpaggamit ng tamang gamot sa mga sakit nanangangailangan ng gamot.
Bakit rational drug use o wastong paggamit nggamot?
� Maraming gamot ang ginagamit sa malingpamamaraan ng ilang doktor,manggagawang pangkalusugan at ng mga taomismo. Sila ay gumagamit ng gamot kahithindi pa kailangan, o di kaya�y nagbibigayng malakas na gamot para sa simpleng mgakaramdaman.
� Maraming gamot ang nabibili kahit walangreseta, nang walang gabay sa tamangpaggamit ng gamot, at mga side effect nito.
� Maraming gamot ang bawal itinda dahil samga side effect.
Nagpalabas na ang Kagawaran ng Kalusugan ngmga listahan ng mga ligtas, mabisa, mura atkaraniwang gamot.
Tandaan:
Ang lahat ng gamot ay may generic na pangalan.
Wastong paggamit nggamot
ModyulModyulModyulModyulModyul 9
40
community volunteer health workers� manualmodyul 9wastong paggamit ng gamot
Bilang CVHW, maaari mong gawin ang mgasumusunod:
� Pagdiin sa pag-iwas sa sakit, kaysa sapaggamot.
� Maglaan ng panahon upang maipaunawa samga tao ang kalagayan ng kanilang sakit atkahalagahan ng pagbubuo ng resistensya ngkatawan.
� Manghikayat sa mga tao na bumili ng mgaprutas at gulay sa halip na vitamins.
� Subaybayan ang mga pasyenteng gumagamitng mga iniresetang gamot.
� Siguraduhing sila ay umiinom ng tamanggamot sa tamang dosis, at na kinukumpletonila ang gamutan.
Mga halamang gamotAng mga halamang gamot ay binubuo ng mgakemikal tulad ng glycosides, volatile oils,alkaloids, resins at tannins, na siyang nagbibigayng aktibong sustansya sa mga ito.
Karaniwang mga kalagayan ng pagkakasakit napinaggagamitan ng halamang gamot:
� Lagnat� Masakit na tiyan� Masakit na ngipin� Sakit ng ulo� Sipon� Ubo� Nasugatan� Napaso� Galis� Balinguyngoy o pagdurugo ng ilong� Nagtatae� Nagsusuka� Masakit na likod� Rayuma
Paghahanda ng halamang gamot� Pinaglagaan (decoction)� Jarabe o may asukal na preparasyon
(Infusion)� Pangtapal o ointment, lotion, cream
10 halamang gamot na subok na:
1. Lagundi para sa hika, ubo, lagnat
2. Yerba buena para sa pananakit ng iba�tibang bahagi ng katawan
3. Sambong para sa pampaihi
4. Tsaang gubat para sa sakit ng tiyan,pagtatae
5. Niyog-niyogan para sa bulateng ascaris
6. Bayabas para sa panlinis ng sugat, bulokna ngipin, impeksyon sa bibig, nama-magang gilagid (bilang pangmumog)
7. Akapulko para sa an-an, buni, at galis-aso
8. Ulasimang bato o pansit-pansitan para sapampababa ng uric acid sa dugo (rayuma,gout)
9. Bawang para sa pampababa ng kolesterol
10. Ampalaya para sa diabetes mellitus (mildnon-insulin dependent)
Sa kasalukuyan, sinasaliksik ang ampalaya paraipanlaban sa HIV-virus o AIDS.
Mga dapat tandaan sa paggamit ng mgahalamang gamot:
� Gamitin lamang ang bahagi ng halamangiminumungkahi.
� Hugasang mabuti ang halamang gamot nagagamitin.
� Gumamit lamang ng palayok, enamel oanumang kagamitang hindi yari sa aluminumpara walang tingga ang nilutong gamot.
� Pag kumulo na ang niluluto na halamanggamot, huwag itong takpan
� Sundin ang wastong dosis
� Gumamit lamang ng isang uri ng halaman sabawa�t sintomas o karamdaman.
� Ihinto ang paggamit ng halamang gamotkung nagkaroon ng hindi kanais-nais nareaksyon tulad ng allergy.
� Kung walang nararamdamang pagbabagopagkatapos ng 2-3 araw na paggamit,kumunsulta sa doktor.
41
community volunteer health workers� manualmodyul 9wastong paggamit ng gamot
IBA�T IBANG RECIPE SA PAGLULUTONG HALAMANG GAMOT
SLK cough syrup ( sampalok, luya, at kalamansi)
Kumuha ng:3 dakot na hinimay na dahon ng sampalok2 pirasong luya na kasinlaki ng hinlalaki,hiniwa nang pino3-5 bunga ng kalamansi½ basong asukal na pula2 basong tubig
Ilagay ang dahon ng sampalok sa palayok. Idagdagang luya. Lagyan ng 2 basong tubig. Pakuluin ng15 minuto o hanggang mangalahati. Salain samalinis na tela o salaan.
Ilagay sa malinis na palayok o enamel angresultang solusyon. Dagdagan ng kalahatingbasong asukal. Pakuluin hanggang maging syrupang solusyon. Palamigin. Ilagay ang katas ngkalamansi kung malamig na ang nilutong gamot.
Inumin tuwing ika-4 na oras.
Dosis:1 kutsara para sa matanda½ kutsara para sa 7-12 taong gulang¼ kutsara para sa 2-6 taong gulang
Para sa tuyong ubo (dry cough)1 bahagi honey1 bahagi lemon juice o calamansi juice1 bahagi ginebra o rum
Haluing mabuti sa baso o tasa.
Dosis: (para sa matanda lamang)
1 kutsarita kada 2 o 3 oras
Para sa pagtatae1 basong tubig1 kurot na asin (gumamit ng 3 daliri)1 kutsaritang apaw ng asukal
Haluing mabuti
Dosis:1 basong timplado, inumin pagkataposdumumi.
MGA DAPAT TANDAAN SAPAGHAHANDA NG HALAMANGGAMOT
Pagtatanim
Karamihan sa mga halamang gamot na nabanggitsa pag-aaral na ito ay mga palumpong (shrub) nakaraniwang pinararami sa pamamagitan ngpagtatanim ng mga taad o pinutol na sanga.Maaari ding magtanim ng buto, nguni�tnapakahabang panahon ang kailangan upangmapalaki ang mga ito kung ikukumpara sapagtatanim ng taad.
Gumamit ng isang magulang na sanga na 20sentimetro ang haba at may 3 o higit pang buko(nodes). Sa mga buko tutubo ang mga bagongdahon.
Patulisin ang ibaba ng taad at ibaon ito sa lupanang mga isang katlo (1/3) ang lalim. Kailangangmay kasamang kahit isang buko ang mababaon salupa.
Diligin ng husto ang lupa at ilagay ito sa lilim saloob ng 2 linggo. Karaniwang nagkakaugat angbagong tanim makaraan ang 4-6 na linggo.
Pag-aalaga
� Diligin ang halaman araw-araw.
� Alisin ang mga sanga at dahong sinira ngmga peste o sakit upang maiwasan angpagkalat nito sa buong halaman.
� Upang maiwasan ang kontaminasyon dala ngmga kemikal at mikrobyo:
Huwag gumamit ng pestisidyo.
Natural na pataba lamang ang gamitin(hal. dumi ng manok, bulok na dahon).
Tiyaking malinis ang paligid ng halaman.
Pag-ani
� Anihin lamang ang malulusog na dahon.Tiyakin lamang na may matitirang sapat nadahon sa halaman upang hindi ito mamatay.
42
community volunteer health workers� manualmodyul 9wastong paggamit ng gamot
� Patuyuin sa mahangin at malilim na lugarang mga dahon hanggang maging malutong.Maaaring abutin ito ng 4 na araw kungmainit ang panahon o 2 linggo kung tag-ulan. Masasabing tuyo na ang dahon kapagang mga ito�y madaling madurog kapagnilamukos o nilapirot.
� Huwag ibilad and dahon sa init ng araw.
Pag-iimbak
Kailangang mag-imbak ng halamang gamot upang:
� Matiyak na sapat ang suplay nito.
� Malikom ang halaman sa panahong maramiang aktibong sangkap nito.
Ilagay ang pinatuyong mga dahon sa plastik.Pagkatapos ay iimbak ito sa garapong may kulayat may uling sa loob. Takpan nang mabuti.
Siguraduhing tuyo ang mga inimbak na halamanggamot upang hindi ito kapitan ng amag.
Ilagay ito sa lugar na hindi nasisikatan ng arawupang mapanatili ang aktibong sangkap.
Bago itago ang garapon sa isang lugar, lagyan itong palatandaan o etiketa. Ang mga sumusunod aymga impormasyon na dapat nakatala sa etiketa:
1. Pangalan ng halaman at bahaging inimbak2. Sa anong sakit ito ginagamit3. Paraan ng paghahanda4. Paraan ng paggamit (dosis)5. Saan ito ipinagbabawal6. Kailan inimbak7. Hanggang kailan pwedeng gamitin
Pagluluto
1. Pinaglagaan
Ang pinaglagaan ay pinakuluang timpla na maykatas ng dahon (o iba pang bahagi) ng halamanggamot.
Paggawa ng pinaglagaan:
� Kumuha ng sapat na dahong gagawingpinaglagaan. Depende ang dami sa:� klase ng halamang gamot na gagamitin
� kung tuyo o sariwa ang dahon� kung ang maysakit ay matanda o bata
� Para sa lagundi, sumusunod ang tamangdami ng dahon:
Edad ngmaysakit
Tuyongdahon
Sariwangdahon
Matanda 4 kutsara 6 kutsara
7-12 taon 2 kutsara 3 kutsara
2-6 taon 1 kutsara 1 ½ kutsara
� Kung ang dahon ay sariwa, hugasan ito nangmabuti at gayatin. Kung tuyo, durugin ito.
� Palayok o stainless na kaserola lamang anggamiting lagaan. Huwag na huwag gagamitng kaserolang aluminum.
� Ang tamang laki ng baso na gagamitingpanukat ng tubig o ng dahon ay sapatlamang na makapaglaman ng 240 ml o 8onsa ng tubig. Ito ay kasindami ng laman ngisang maliit na bote ng Coke.
� Ihalo ang mga dahon sa tubig bago isalang saapoy.
� Kapag kumulo na ang timpla, hinaan angapoy at alisan ng takip ang palayok.Hayaang kumulo ng 15 minuto. Tandaanghindi dapat takpan ang pinakuluang timpla.
� Salain ang pinaglagaang dahon sa isangmalinis na baso o mangkok. Palamigin.
Upang hindi laga nang laga, maaaring maghandang sapat na pinaglagaan na magagamit ng ilangaraw. Tiyakin lamang na ang dami ng mga dahonggagamitin ay ayon sa dami ng tubig napakukuluin.
Kung ilalagay sa thermos, tatagal ang pinaglagaanng 3 araw. Kung ipapasok naman sa refrigerator,tatagal ito ng 4 na araw nang hindi nawawala angbisa.
2. Syrup
Sa bawa�t baso ng pinaglagaan, maghalo ng isangkatlong (1/3) baso ng asukal.
43
community volunteer health workers� manualmodyul 9wastong paggamit ng gamot
� Ilagay sa palayok at isalang sa mahinangapoy. Haluin hanggang matunaw ang asukal.
� Hanguin at palamigin. Isalin sa malinis nabote, takpan at lagyan ng etiketa.
3. Ointment
� Gumamit ng sariwang dahon sa paggawa ngointment. Hugasang mabuti at gayatin angmga ito.
� Sa bawa�t baso ng ginayat na dahon,maghalo ng isang basong mantika o langis ngniyog.
� Lutuin ang mga dahon sa mantika hangganglumutong ang mga ito. Hanguin at salain.
� Maggayat ng 2 pirasong kandilang puti (hal.Esperma #5). Paghaluin sa isang palayok angsinalang mantika at ang ginayat na kandila.Lutuin hanggang matunaw ang kandila.
� Hanguin at isalin sa malinis na sisidlan.Palamigin.
SAMPUNG KARANIWANGHALAMANG GAMOT
Lagundi
� Pagkilala:Palumpong na 2-5 metro ang taasKulay bughaw ang mga bulaklakMagkakasama ang mga dahon, sa bilangna 5 sa isang tangkay
� Para sa:HikaUboLagnat
� Pag-ani:
Mas mainam likumin ang mga dahon kungpanahon ng pamumulaklak
Magugulang at malulusog na dahonlamang ang kunin
� Paghahanda: pinaglagaan
Sundin ang mga hakbang sa paggawa ngpinaglagaan
Ang dami ng tubig na gagamitin ay 2 baso
Ang dami ng dahon na gagamitin ay ayonsa sumusunod:
Edad ngmaysakit
Tuyongdahon
Sariwangdahon
Matanda 4 kutsara 6 kutsara
7-12 taon 2 kutsara 3 kutsara
2-6 taon 1 kutsara 1 ½ kutsara
� Paggamit:
Ubo o hika: hatiin sa 3 bahagi angpinaglagaan at inumin ang bawa�t bahagisa umaga, tanghali at gabi.
Lagnat: inumin ang ikatlong bahagituwing ika-4 na oras.
Yerba buena (Peppermint)
� Pagkilala:
Gumagapang na halamang amoy mint
May 4 na kanto ang tangkay atkaraniwa�y kulay berde
Ang mga dahon ay magkatapat,magaspang at parang kulubot
� Para sa:
Lagnat at pananakit ng iba�t ibang bahaging katawan
� Pag-ani:
Magugulang at malulusog na dahon
� Paghahanda: pinaglagaan
Sundin ang mga hakbang sa paggawa ngpinaglagaan
Ang dami ng tubig at dahon ay katulad ngsa lagundi
� Paggamit:
Hatiin sa 3 bahagi ang pinaglagaan.
Inumin ang bawa�t bahagi sa umaga,tanghali o gabi.
Maaari ding dikdikin ang sariwang dahonat itapal sa bahaging nananakit.
44
community volunteer health workers� manualmodyul 9wastong paggamit ng gamot
Sambong (Camphor)
� Pagkilala:Palumpong na tumataas ng 1½-3 metroMagaspang at mabangoAng mga dahon ay pahaba at ang mgabulaklak ay kulay dilawNakikita sa damuhan
� Para sa:Manas (pampaihi)Pantunaw ng bato
� Pagtatanim:
Sa halip na taad, ang mga supling(plantlets) ang siyang tinatanim upangparamihin ang halamang ito. Ang mgasupling ay ang mga bagong halaman natumutubo sa paligid ng pinakapuno, atmay 3 o higit pang dahon.
Maingat na hukayin ang mga supling,kasama ang ugat, at itanim.
� Pag-ani:
Magugulang at malulusog na dahon
� Paghahanda: pinaglagaan
Sundin ang mga hakbang sa paggawa ngpinaglagaan.
Ang dami ng tubig at dahon na gagamitinay tulad ng sa lagundi.
� Paggamit:
Hatiin sa 3 bahagi at inumin ang bawa�tbahagi 3 beses sa isang araw.
Tandaan:
Hindi ito gamot sa impeksyon sa bato o ihi.
Tsaang gubat
� Pagkilala:
Isang uri ng palumpong na tumataashanggang 5 metro
Maliliit ang mga dahon na makintab atmatingkad ang pagkaberde
� Para sa:Sakit ng tiyanPampatibay ng ngipin
� Pag-ani:
Magugulang at malulusog na dahon
� Paghahanda: pinaglagaan
Sundin ang mga hakbang sa paggawa ngpinaglagaan.
Magtakal ng 2 basong tubig at ihalo sasumusunod na dami ng dahon:
Edad ngmaysakit
Tuyongdahon
Sariwangdahon
Matanda 3 kutsara 4 kutsara
7-12 taon 1 ½ kutsara 2 kutsara
� Paggamit:
Hatiin sa 2 bahagi ang pinaglagaan.
Inumin ang bawa�t bahagi tuwing ika-4na oras.
Maaaring imumog upang tumibay angngipin.
Niyug-niyogan (Chinese honeysuckle)
� Pagkilala:
Gumagapang na palumpong; mala-baging
Umaabot ng 2-15 metro ang haba
Ang mga dahon ay pahaba (7-15 cm) atang mga bulaklak ay kulay puti hanggangrosas
Ang bunga ay maliliit na kortengbalimbing
Ang buto ay lasang laman ng niyog
� Para sa:
Pampurga sa bulateng ascaris
� Pag-ani:
Taun-taon ito kung mamunga.
Anihin lamang ang magugulang na mgabunga (kung naging kulay ginto na).
45
community volunteer health workers� manualmodyul 9wastong paggamit ng gamot
� Paghahanda:
Gumamit lamang ng mga butongmagulang, at tuyo at kabubukas palamang na bunga.
� Paggamit:
Kainin ang mga buto 2 oras pagkatapos nghapunan.
Edad ng maysakit Kailangang butoMatanda 8-10 buto
7-12 taon 6-7 buto
6-8 taon 5-6 buto
4-5 taon 4-5 buto
* Kung hindi magkabisa sa unang gamit, ulitin angparehong dosis pagkaraan ng 1 linggo.
* mga di kanais-nais na epekto: sinok, sakit sa tiyan,pagtatae.
Bayabas
� Pagkilala:
Isang uri ng puno na tumataas hanggang4-5 metro
Namumulaklak ng kulay puti
Bilog ang bunga na may maliliit na butoat kinakain nang sariwa
� Para sa:
Panlinis ng sugat, impeksyon sa bibig,magang gilagid, o bulok na ngipin
� Pag-ani:
Murang dahon o talbos
� Paghahanda: pinaglagaan
Sundin ang mga hakbang sa paggawa ngpinaglagaan.
Gumamit ng 2 dakot ng dahon sa apat nabasong tubig
� Paggamit:
Para sa sugat: ipanghugas angpinaglagaang tubig 2 beses maghapon.
Pangmumog: gamitin ang maligamgam napinaglagaan.
Akapulko
� Pagkilala:
Palumpong na tumataas ng 3 metro ohigit pa
Ang dahon ay berdeng-berde at hugisitlog
Bulaklak ay kulay dilaw na matatagpuansa dulo ng mga sanga
Ang mga buto ay maliliit at nakalagay saisang mahabang sisidlan
� Para sa:An-anBuniAlipunga (fungal infections)
� Pag-ani:Magugulang at malulusog na dahon
� Paghahanda:
Tapal: magdikdik ng sapat na dami ngsariwang dahon.
Pinaglagaan: sundin ang mga hakbang sapaggawa ng pinaglagaan, gumamit ngisang basong tinadtad na dahon sa 2basong tubig.
Ointment: sundin ang mga hakbang sapaggawa ng ointment.
� Paggamit:
Tapal: ipahid ang katas sa apektadongbalat 1-2 beses maghapon.
Pinaglagaan: ihugas sa apektadong balat1-2 beses maghapon.
Ointment: ipahid 1-2 beses maghapon.
Ulasimang bato (Pansit- pansitan)
� Pagkilala:
Isang uri ng damo na makatas at hugispuso ang dahon
Makatas at malaman ang dahon attangkay
Tumutubo ito kahit saan
46
community volunteer health workers� manualmodyul 9wastong paggamit ng gamot
� Para sa:
Rayuma (pampababa ng uric acid sadugo)
� Pag-ani:
Malusog na dahon
� Paghahanda/paggamit: salad
Hugasang mabuti ang mga dahon.
Maghanda ng 1½ kalahating tasa ngsariwang dahon (hindi siksik).
Hatiin sa 3 bahagi at inumin ang bawa�tbahagi sa umaga, tanghali at gabipagkatapos kumain.
Bawang
� Pagkilala:Butil na ginagamit na pampalasaPahaba ang dahon at namumulaklak
� Para sa:
Pampababa ng kolesterol
� Paghahanda:
Igisa (kaunti o walang mantika).
Iihaw.
Ibabad sa suka ng 30 minuto, o kaya�ybanlian ng pinakulong tubig hanggang 5minuto.
� Paggamit:
Kumain ng 2 butil 3 beses isang arawtuwing pagkatapos kumain.
Tiyaking may laman ang tiyan bagokumain upang hindi makasugat ng tiyan atbituka.
Ampalaya
� Pagkilala:Baging na namumulaklak at namumunga.Bunga at dahon ay kinakain na gulay.
� Para sa:
Diabetes Mellitus
� Pag-ani:
Murang dahon lamang ang dapat anihin
� Paghahanda: pinaglagaan
Sundin ang mga hakbang sa paggawa ngpinaglagaan.
Gumamit ng 6 na kutsarang dahon sabawa�t 2 basong tubig.
� Paggamit:
Uminom ng 1/3 tasa 3 beses maghapon,30 minuto bago kumain.
Ang mga murang dahon ay maaaringpasingawan at kainin (1/3 baso dalawangbeses maghapon).
47
community volunteer health workers� manual
Pangangalaga ngmalinis na kapaligiran(environmentalsanitation)Ang pangangalaga ng kapaligiran aynangangailangan ng pagkakaisa at kooperasyonng barangay o komunidad.
Mahalaga na panatilihin nating malinis ang atingkapaligiran upang:
� Maitaguyod ang kalusugan� Mapuksa ang paglaganap ng sakit� Mapuksa ang mga insekto at daga� Mapaunlad ang antas ng pamumuhay
Bahagi ng environmental sanitation ang mgasumusunod:
1. Pinagkukunan ng tubig
Siguraduhing malinis at ligtas angpinagkukunan ng tubig na inumin, panluto,pampaligo, panlaba at panlinis ng bahay atpaligid.
Kung hindi tiyak sa pinagkunan ng inumingtubig pakuluan ito ng 3-5 minuto.
2. Pagtatapon ng basura
Itapon nang maayos at sa tamang lugar angmga basura.
Paghiwalayin ang mga nabubulok at hindinabubulok na basura.
3. Paraan ng pagdumi
Gumamit ng palikuran sa pagdumi.
Kung dudumi sa lupa, siguraduhingmatabunan ito.
Panatilihing malinis ang palikuran.
4. Daluyan ng tubig sa kusina at palikuran(drainage system)
Tiyaking dumadaloy nang tuloy-tuloy angmga daanan ng tubig at mga kanal.
Maiiwasan ang sakit kung malinis ang mgadaluyan ng tubig.
5. Kalinisan ng pagkain
Panatilihing malinis ang pinagkukunan ngpagkain, ang paraan ng pagluluto, angpaghahanda at pagtatago nito.
6. Kalinisan sa bahay at paligid
Dapat malinis at ligtas sa panganib ng sakitat sakuna ang tahanan.
Kailangang malinis ang loob at labas ngbahay.
Bilang mga CVHW, maaaring:� Manguna sa pagbuo ng mga programa ukol
sa environmental sanitation.� Mag-organisa o magtipon ng mga kalahok sa
programa.� Maging halimbawa sa pamayanan.� Makiisa sa mga programa ng barangay.
Pangangalaga sakapaligiran at sa sarili
Modyul 10
48
community volunteer health workers� manualmodyul 10pangangalaga sa kapaligiran at sa sarili
Pangangalaga sasariling kalinisan(personal hygiene)
� Hugasan ang kamay ng sabon at tubig:� Bago kumain� Maghanda ng pagkain� Mag-alaga ng sanggol� Pagkatapos mag-alaga ng maysakit� Humawak ng basura� Gumamit ng palikuran
� Maligo araw-araw upang makaiwas sa sakit.� Gumamit palagi ng sapin sa paa (hal.
tsinelas, sapatos).� Magsepilyo ng ngipin pagkatapos kumain� Suklayin ang buhok ng malinis na suklay o
brush.� Gupitin at linisin ang mga kuko.� Linisin ang labas lamang ng tenga at hindi
ang loob nito.� Iwasan ang paninigarilyo.� Huwag dudura kung saan-saan.� Gumamit ng palikuran sa pagdumi o pag-ihi.� Iwasan ang labis na pag-inom ng alak.� Magsuot palagi ng malinis.
Bilang CVHW, ano ang magagawa ko?
� Kailangang maging halimbawa ako at angaking pamilya sa pangangalaga sa sarili.
� Manguna sa pagbuo ng mga programa sabarangay ukol sa pag-iwas sa sakit.
PANGANGALAGA NG MGA NGIPINAT GILAGIDMahalagang pangalagaan natin ang ating mgangipin at gilagid dahil ito ay salamin ng pagigingmalusog ng isang tao. Kailangan natin angmatibay at malusog na ngipin:
� sa pagnguya
� tulong sa wastong pagbigkas ng mga salita
� dahil ito ay nakadaragdag sa kagandahan ngisang tao
Tandaan:
Dapat nating iwasan ang pagkasira ng ngipin atsakit sa gilagid upang makaiwas sa mgaimpeksyon sa ngipin na maaaring makaapekto saibang bahagi ng ating katawan.
Mga karaniwang problema:
1. Sakit ng ngipin � Ito ay maaaring sanhi ng bulokna ngipin. Maaaring gawin ang mga sumusunod:
� Linisin ang butas ng ngipin.
� Magmumog ng maligamgam na tubig namay asin.
� Uminom ng gamot para sa sakit (hal.paracetamol).
� Lagyan ng dinikdik na bawang ang butasng ngipin.
� Dalhin ang pasyente sa dentista.
2. Pagdurugo ng gilagid � Ito ay maaaring sanhing dumi sa pagitan ng ngipin, maling paraan ngpagsesepilyo, o mas seryosong sakit tulad nganemya o leukemia.
Ang pagbubuntis, pagbibinata/pagdadalaga opag-menopause ay may epekto din sa atinggilagid dahil nagkakaroon ng pag-iiba sa katawansa mga panahong ito.
Maaaring gawin ang mga sumusunod:� Alisin ang dumi sa pagitan ng mga ngipin.� Ayusin ang paraan ng pagsesepilyo.� Magmumog ng maligamgam na tubig na may
asin.� Kumunsulta sa dentista.
49
community volunteer health workers� manualmodyul 10pangangalaga sa kapaligiran at sa sarili
3. Mabahong hininga
Ito ay maaaring sanhi ng dumi sa ngipin (tartar),bulok na ngipin, o di kaya�y impeksyon salalamunan o bibig. Maaaring gawin ang mgasumusunod:
� Alisin ang dumi sa pagitan ng mga ngipin.� Magsepilyong mabuti ng ngipin.� Kumunsulta sa dentista o doktor.
4. Singaw � Ito ay sanhi ng virus o kaya ay dikasukat na pustiso. Maaaring gawin ang mgasumusunod:
� Magmumog ng maligamgam na tubig na mayasin o kaya ay katas ng pinakuluang dahonng bayabas, 3-5 araw.
� Hindi dapat uminom ng antibayotiko.
� Magsepilyong mabuti ng ngipin.� Kumunsulta sa dentista o doktor.
Mga paraan upang mapanatiling malusog angngipin at gilagid:
� Kumain ng wastong pagkain.� Iwasan ang matatamis na pagkain.� Magsepilyo pagkatapos kumain.� Gumamit ng dental floss sa pagtanggal ng
dumi sa pagitan ng mga ngipin.� Gumamit ng fluoride. Itanong sa dentista
ang wastong paggamit nito.� Awatin ang mga bata sa pagdede kung ito ay
malaki na.� Bumisita sa dentista 2 beses sa isang taon.
50
community volunteer health workers� manual
Ang nutrisyon ay kalagayan ng kalusugan namakakamit sa pamamagitan ng wasto at sapat napagkain at wastong paggamit ng ating katawanng mga sustansya. Ang wastong nutrisyon aymahalaga sapagka�t ito ay tumutulong sa pag-unlad ng utak lalo na sa unang mga taon ng bata.Pinapabilis nito ang paglaki at pag-unlad ngkatawan pati na ang pagtubo ng ngipin at buto.Tumutulong din ito sa paglaban sa mga sakit atimpeksyon. Mas mabilis ang paggaling ngmaysakit kung maganda ang kanyang nutrisyon.
Kailangan ng katawan ang pagkain upang:� Mabuhay at lumaki� May lakas sa paggawa at paglaro� May panlaban sa anumang sakit
Anu-ano ang nagagawa ng wastong nutrisyon?
Ang wastong nutrisyon ay ang pagkain ng tamanguri at dami ng pagkain.
Ito ay nakatutulong sa tao upang manatilingmalusog, makagawa at mabuhay nang maligaya atmatagal.
Sumusunod ang mga nagagawa ng wastongnutrisyon:
A. Pisikal
� Ang kanyang taas at timbang ay naaayon sakanyang gulang.
� Siksik, malakas at maayos ang kanyangkalamnan.
� Ang kanyang mga ngipin at buto ay matibayat malakas.
� Makinis ang kanyang balat.
� Makapal at makintab ang kanyang buhok.
� Malinaw ang kanyang paningin.
� Maayos ang tubo ng kanyang mga ngipin.
� Mapangangalagaan ang kanyang katawanlaban sa sakit.
B. Pangkaisipan
� Siya ay may mahusay na pag-iisip atmarunong makisama sa iba.
� Siya ay masigla at masayahin.
Ang pagkain ay may iba�t ibang sustansya.Nakukuha sa mga pagkain ang mga sustansyang:
1. Carbohydrates mula sa bigas, tinapay, keyk,noodles at mga laman-ugat
2. Protina mula sa karne, isda, itlog, gatas attuyong butong-gulay
3. Taba mula sa mantika, margarina,mantikilya at mani
4. Bitamina at mineral na karaniwangnakukuha sa mga gulay at bungang-kahoy
Nutrisyon at malnutrisyon
Modyul 11
51
community volunteer health workers� manualmodyul 11nutrisyon at malnutrisyon
Paano natin malalaman kung tamang uri angmga pagkaing kinakain natin?
Ang 3 Pangkat ng Pagkain ay tumutulong sapagpili ng tamang uri ng pagkaing kinakailangansa araw-araw. Ang mga pangkat na ito ay gabaysa pagpaplano ng pagkain ng pamilya sa muranghalaga.
Ano ang 3 Pangkatng Wastong Pagkain?Ito ay ang pag-uuri ng mga pagkain ayon sapangunahing sustansya at gawain nito sa atingkatawan. Ito ay kinapapalooban ng mgasumusunod:
� Pagkaing nagbibigay lakas, na mayamansa carbohydrates o langis (�GO FOODS�).
� Pagkaing nagbubuo ng katawan, namayaman sa protina (�GROW FOODS�).
� Pagkaing nagsasaayos ng katawan, namayaman sa bitamina at mineral (�GLOWFOODS�).
Ang tatlong grupo ng pagkain ay gabay sa:
1. Pagpili ng mga pagkaing nararapat kaininsa araw-araw.
2. Pagpaplano ng tamang dami ng bawa�tgrupo ng pagkain na kailangan araw-arawpara sa mabuting kalusugan.
3. Pagpaplano at paghahanda ng wastongpagkain para sa pamilya.
PAANO MAILALARAWAN ANGBAWA�T GRUPO?
Unang pangkat: tagapagbigay lakas sa katawan
Ang pagkaing mayaman sa carbohydrates at tabana nagsisilbing gasolina ng katawan ay kailanganupang:
� Magkaroon ng lakas at sigla sa mga pang-araw-araw na gawain
� Huwag nang gamitin ang protina para salakas ng katawan
Mga pagkaing mayaman sa carbohydrates attaba:
1. Kanin o mais
2. Tinapay
3. Mga pagkaing butil tulad ng bigas, trigo atmalagkit
4. Lamang-ugat tulad ng kamoteng-kahoy, ube,gabi, tugi
5. Mantika, langis ng niyog, margarina
6. Asukal, panutsa, kendi o minatamis naprutas
Pangalawang pangkat: tagapagbuo ng katawan
Ang pagkaing sagana sa protina ay kailangan:
� Ng mga bata upang maging mabilis angpaglaki
� Ng mga nagdadalantao at nagpapasusong ina
� Upang maayos ang mga himaymay ngkatawan na nasaktan o nasugatan
� Upang maging malakas at matibay ang mgabuto at ngipin
Mga pagkaing mayaman sa protina:
1. Isda tulad ng dilis, galunggong, tilapya
2. Karne tulad ng baka, baboy, manok,kambing
3. Mga lamang-loob tulad ng puso, bato, atay,lapay
4. Hipon, halaan
5. Itlog, keso at gatas
6. Mga butong-gulay
Ikatlong pangkat: tagapagsaayos ng katawan
Ito ay binubuo ng mga pagkaing mayaman sabitamina at mineral na siyang pananggalang ngkatawan sa impeksyon at ibang sakit. Ang mgapagkaing kasama dito ay ang mga prutas at gulay.Ang pagkaing mayaman sa bitamina at mineral aykailangan upang:
� Mapanatiling malinaw ang mata, makinisang balat, makintab ang buhok, malakas angbuto at matibay ang ngipin
52
community volunteer health workers� manualmodyul 11nutrisyon at malnutrisyon
� Magbigay lakas laban sa anumangkaramdaman
� Magamit ng katawan sa wastong paraan angcarbohydrates at protina.
Mga mahalagang bitamina at mineral
1. Bitamina A
Tumutulong ito upang makakita sa gabi.Pinapanatili din nito ang ilang bahagi ng katawantulad ng balat, daanan ng paghinga at ng pagkain.
Mga halimbawa ng mga pagkaing mayaman sabitamina A:
Gatas ng ina ManokItlog AtayKarne CarrotsKalabasa PapayaMangga TiesaMalunggay KangkongKamote Ampalaya
2. Bitamina C
Tumutulong ito upang maiwasan ang pagdurugong gilagid, ang pamamaga ng labi, at ng dila.
Nagdadagdag ito ng resistensya ng katawan labansa mga mikrobyo. Tumutulong din ito sa madalingpaghilom ng mga sugat.
Mga halimbawa ng mga pagkaing mayaman sabitamina C:
Bayabas PomeloLemon DalanghitaDalandan KalamansiKamatis Kasuy
3. Yodo (Iodine)
Tumutulong ito sa pag-unlad ng utak at katawanlalo na sa mga di pa ipinapanganak na sanggol.
Mga halimbawa ng pagkaing mayaman sa yodo ayang mga laman-dagat tulad ng:
Isda SeaweedsPusit HiponAlimango AlimasagTalaba SusoDilis
4. Iron
Tumutulong ito sa paghahatid ng oxygen sa iba�tibang bahagi ng katawan.
Mga halimbawa ng pagkaing mayaman sa iron:Baboy BakaManok DilisHipon ItlogPetsay SaluyotAlugbati Atay at iba pang
lamang-loob
Tandaan:
Walang iisang pangkat ng pagkain angmakapagdudulot ng sapat na sustansya sa atingkatawan. Ihain sa bawa�t kainan ang mgapagkaing nagmumula sa 3 pangkat ng pagkain.Ang bawa�t tao ay nangangailangan ng parehongsustansya subali�t ang dami nito ay ayon sa edad,kasarian, at uri ng gawain o trabaho.
ANO ANG PAGPAPLANO NGPAGKAIN?Ang pagpaplano ng pagkain ay ang maagangpaghahanda ng mga pagkain at kung paano pag-uukul-ukulin ang mga ito.
Ano ang balanced diet o balanseng pagkain?
Ang balanseng pagkain ay binubuo ngkombinasyon ng 3 grupo ng pagkain na inihandasa wastong dami. Taglay ng balanseng pagkainang lahat ng sustansyang kailangan ng katawan satamang dami upang maging malusog.
Anu-ano ang mga hakbang sa pagpaplano ngpagkain?
1. Magpasya kung paano ihahain ang ulam. Itoba ay karne, isda, manok, o gulay?
2. Bumili ng prutas na napapanahon upangmapagkunan ng bitamina C.
3. Madalas na maghain ng �one dish meal�.
53
community volunteer health workers� manualmodyul 11nutrisyon at malnutrisyon
4. Pumili ng mga pagkaing hindi nanga-ngailangan ng maraming sangkap.
5. Maglahok ng maliliit na isda at hipon parasa mabuting mapagkukunan ng protina atcalcium.
6. Maglahok ng mga berde at madahong gulaytulad ng malunggay, talbos ng kamote atkangkong para sa mineral at bitamina.
7. Gumamit ng di-gaanong binayong bigas,pulang asukal at halamang ugat para sacalories.
8. Magplano ng pagkain isang araw bago itoihain.
Mga paalaala sa pagpapakain ng mga bata
1. Sa unang 6 na buwan, mapapakain angsanggol sa pamamagitan ng pagpapasusosa dibdib ng ina.
2. Bigyan ang bata ng paiba-ibang pagkain atpalitan tuwing ika-4 na araw upang masanaysiya sa iba�t ibang lasa. Ito ay isang paraanupang hindi siya lumaking pihikan sapagkain.
3. Sa pagpapakilala ng bagong pagkain,magsimula sa kaunti. Halimbawa aykalahating kutsarita at paparami nangunti-unti.
4. Sundin ang kalinisan at wastong panga-ngalaga sa kalusugan at paghahanda ngpagkain ng bata. Pakuluan ang tubig nainiinom nila.
Anu-ano ang mga palatandaan na ang mga bataay may sapat na pagkain?
� May mabuting pangangatawan namay laman
� Makinis at makintab ang buhok� Malinaw ang mga mata� Matikas na tindig� Mahimbing matulog� Maliksing kumilos� Maganang kumain
Ang pangangalaga ng kalusugan sa pamamagitanng wastong pagkain ay hindi lamang para sa mgasanggol at nagsisilaking mga bata. Mula sapagsilang hanggang sa pagtanda, ang 3 pangkatng pagkain ay kailangan ng katawan.
Kailangan din ng mga batang hindi pa nag-aaralang wastong pagkain.
Ang edad mula 1-6 taon ang pinakadelikadonggulang ng mga bata dahil:
� Hindi na sila sanggol, kaya�t karaniwan ayinaawat na sila sa pagsuso; wala silangsiguradong mapagkukunan ng sustansya.
� Karaniwang nabibigyan sila ng kaunti lamangna pagkain sa maling pag-aakala na angkailangan nilang sustansya ay kaunti lamangdahil sila ay maliliit pa.
� Nagpapalubha sa problema ang kahirapangpakainin ang mga batang ito. May araw nagustung-gusto nila ang isang pagkain, at mayaraw din namang ayaw nilang kumain.
Dahil dito, ang mga batang nasa ganitong edad aymadalas nagiging biktima ng malnutrisyon.
Tandaan:
Dapat nating isaalang-alang na ang uri at dami ngpagkain ng ating anak ay may kinalaman sakanyang pangangatawan at kaisipan na dadalhinsa paglaki.
Mahalagang mapangalagaan ang pagkain ng mgabata na may gulang na 1-6 taon dahil:
� Ang panahong ito ay kalikutan ng mga bata:aktibo at mahilig maglaro. Kailangan nila nginit at lakas mula sa mga pagkaingpampalakas ng katawan.
� Kasalukuyan din silang nagbubuo ngresistensya ng katawan kaya dapat dulutanng mga pagkaing sagana sa bitamina atmineral upang hindi madaling kapitan ngsakit.
54
community volunteer health workers� manualmodyul 11nutrisyon at malnutrisyon
MGA MAHALAGANG PAALALA NAHINDI DAPAT KALIMUTAN
Pagbabalak ng pagkain
1. Maghain madalas ng one-dish meals okumpletong ulam na magkahalo na ang isda,karne o butong-gulay, tulad ng sinigang,nilaga, ginisang munggo, at bulanglang.Makatitipid kayo sa panahon, pagod atpanggatong.
2. Gamitin ang natural na kulay ng pagkainupang maging kaaya-aya sa hapag-kainan.
3. Magbalak ng mga pagkaing maaaring lutuinkaagad upang hindi maghalo sa panahon.Lutuin muli at ihain ang mga natitirangpagkain upang hindi masayang.
4. Painumin ang mga bata ng gatas at katasng prutas sa halip na tsaa, kape at inumingnasa bote.
Pagpili ng pagkain
1. Pumili ng iba�t ibang uri ng pagkain araw-araw. Walang iisang pagkain na makapag-dudulot ng sustansyang kailangan ngkatawan.
2. Alamin ang bumubuo ng bawa�t pangkatupang madaling magpalit ng pagkaing maykatumbas na sustansya.
3. Gamitin ang mura at napapanahong mgapagkain sa bawa�t pangkat.
Paghahanda ng pagkain
1. Maghugas ng kamay bago magluto atkumain, at pagkatapos gumamit ngpalikuran.
2. Hugasang mabuti ang mga hilaw na pagkainbago kainin.
3. Ihanda ang gulay nang kaaya-aya upangmagustuhan ng mga bata. Pagsamahin angmga gulay na may iba�t ibang kulay, lakiat anyo, at isama sa paboritong ulam nginyong mga anak.
Paghahain ng pagkain
1. Ihain ang sapat na pagkain sa inyongpamilya. Bigyang pansin ang mga pagkaingkailangan ng inyong mga anak bago angibang miyembro ng pamilya.
2. Kailangan ng batang maysakit ang tamangpagkain upang madaling gumaling. Pakaininsiya ng malalambot at masusustansyangpagkain tulad ng isda, tuyo, butong-gulay,itlog, gatas, gulay at prutas.
Pagtatanim at paghahayupan
Magtanim at maghayupan para sapangangailangan ng inyong pamilya.
� Ang inyong gulayan ay dapat may kamote,saging, sitaw o kadyos, malunggay, atpapaya o bayabas.
� Mag-alaga ng manok at baboy para sa inyongpansariling gamit at ipagbili ang labis naitlog at karne.
Tandaan:
Ang wastong pagbabalak ay nangangahulugan ngpagkaing:
� Masustansya� Matipid� Masarap
Sa wastong paghahanda ng pagkain� Sustansyang taglay ay hindi nawawala� Lasa ay masarap� Pagkain ay hindi naaaksaya
55
community volunteer health workers� manualmodyul 11nutrisyon at malnutrisyon
MalnutrisyonIto ay isang kalagayan o kondisyon kung saanang tao ay kulang sa mga sustansyang kailanganng katawan. Ito ay laganap sa daigdig, lalung-lalona sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.
Ating balikan ang mga datos:
Ikatlong bahagi (1/3) sa 9 na milyong batasa Pilipinas na nasa gulang na 6 na buwanhanggang 6 na taon ay may sakit namalnutrisyon.
Higit sa ikatlong bahagi ng 9 na milyong batasa elementarya ay kulang sa timbang.
Tatlo sa bawa�t apat (¾) na bata ay maysakitna anemya o kulang sa pulang dugo kayamaputla at mahina ang katawan. Ganito rinang dami ng mga batang kulang sa bitamina A.
Karamihan sa dahilan ng pagkamatay ng mgabatang may 5 taong gulang pababa ay sakitna pinalala ng malnutrisyon.
MGA EPEKTO NG MALNUTRISYONSa matanda:
� Madaling mapagod� Nanghihina ang katawan� Maputla� Walang ganang kumain� Madaling kapitan ng sakit
Sa bata:� Bansot ang paglaki� Patuloy ang pagbaba ng timbang� Matamlay� Humihina ang takbo ng isip� Madaling kapitan ng sakit dahil mababa
ang resistensya laban sa impeksyon
MGA SANHI NG MALNUTRISYON
Kahirapan
Ito ang pangunahing dahilan ng malnutrisyon.Karamihan sa biktima ng malnutrisyon ay mula samga mahirap na pamilya ng mga magsasaka,mangingisda, at manggagawa na siyang bumubuo
ng 90% ng ating populasyon. Hindi sapat angkanilang kinikita upang makabili ngpangangailangan sa araw-araw tulad ngmasustansyang pagkain.
Kakulangan ng kaalaman sa pagpili ngwastong pagkain
Ito ay dahil sa kakulangan ng edukasyon atimpormasyon ukol sa wastong nutrisyon pati naang wastong pagpapahalaga at pagpili sapaghahanda ng pagkain. Minsan ay hindinaisasaalang-alang ang tamang uri at dami ngwastong pagkain na nagbibigay ng tamangsangkap ng mga sustansyang kailangan ngkatawan. Mga halimbawa ng maling gawain atpagpapahalaga ay ang kulang na paghahanda ngpagkain; maling kagawian sa pagkain tuladng pagkain ng mga junk food at pagkain sa ditumpak na oras.
Laganap na sakit
Ito ay maaaring dulot ng maruming kapaligirantulad ng kakulangan ng pinagkukunan ngmaiinom na tubig at di wastong pagtaponng dumi at basura.
Kakulangan ng pinagkukunan at produksyonng pagkain
Ito ay maaaring dahil sa pagkakaroon ng isang urilamang ng paghahalaman sa barangay kung kaya�tang mismong mga tagabaryo ay bumibili ng gulaysa bayan. Halimbawa nito ay kung ang lupa ayginagamit sa pagtatanim ng mga halaman naginagamit na kalakal sa ibang bansa tulad ngtubo, tabako at niyog. Ang iba pang nakaaapektosa produksyon ng pagkain ay ang mga pinsala nadulot ng kalamidad tulad ng bagyo, baha, atpeste sa mga pananim.
Madaling kapitan ng malnutrisyon ang mgasumusunod:
� Mga sanggol at hindi pa nag-aaral na bata� Mga batang nasa elementarya� Mga babaeng nagdadalantao� Mga babaeng nagpapasuso
56
community volunteer health workers� manualmodyul 11nutrisyon at malnutrisyon
May dalawang Anyo o uri ang malnutrisyon: angkulang sa sustansya (Undernutrition) at ang labissa sustansya (overnutrition)
KULANG SA SUSTANSYA
Protein Energy Malnutrition
Ito ay isang problema sa nutrisyon na bunga ngmatagal na kakulangan sa pagkaing tagapagbuoat/o tagapagbigay lakas.
Nangyayari ang Protein Energy Malnutrition(PEM) kapag kulang sa protina at pampalakas angmga kinakain sa loob ng mahabang panahon.Pangkaraniwang kalagayan ito ng mga batang5 taong gulang at pababa na galing sa mgapamilyang hindi wasto ang pagpapakain.
Mabagal na paglaki ang unang palatandaanng lahat ng uri ng PEM. Linggo o buwan angnakararaan bago mapansin ang mahinangkalagayan ng bata at ang paghinto ng kanyangpaglaki. Ang palagiang pagtitimbang ng bata atang pagmamarka ng timbang niya sa isang talaanng paglaki ay ang pinakamahalagang pamamaraanupnag makilala ito nang maaga at maagapanang malnutrisyon.
Ano ang dalawang malalang uri ng PEM?
1. Marasmus � ibig sabihin ay pumapayat. Bungaito ng malalang kakulangan sa calories o lubos nakakulangan sa pagkain.
Mga palatandaan:
� Buto�t balat ang katawan
� Kulubot ang balat sa braso, binti at pisngi
� Mukhang matanda ang bata
� Pangkaraniwang kulay ang buhok, nguni�tmadalang ang tubo
� Litaw ang tadyang
� Bahagyang nakausli ang dibdib dahil sapanghihina ng kalamnan
2. Kwashiorkor � bunga ito ng kakulangan saprotina, ang sustansyang tagapagbuo ng katawan.Ito ang pinakamalalang uri ng PEM.
Mga palatandaan:
� Pamamaga ng katawan, lalo na sa braso,kamay, binti at paa
� Mahina ang panlaban ng bata sa impeksyon
� Manipis, hindi maitim at madaling malagasang buhok
� Laging walang sigla at madaling mainis angbata
� Maputla ang balat kaysa karaniwan atnamumutok sa may gawing binti
� Laging walang ganang kumain ang bata
Makikita ang kwashiorkor sa mas nakatatandangmga bata (18-48 buwang gulang) habang angmarasmus ay sa mas nakababata.
Ang batang may kwashiorkor ay maaaringmagkaroon ng anemya (kakulangan sa dugo) atkakulangan sa bitamina A.
Ang mga sanhi ng PEM:� kahirapan� kakulangan ng kaalaman� pagkamapamahiin� kakulangan sa pagkain� di-wasto o kakulangan sa kalinisan� pagkakaroon ng mga nakahahawang sakit sa
lugar na tinitigilan ng isang pamilya
Paano mo mapangangalagaan ang mga batangdumaranas ng PEM?
1. Dagdagan ang pagkain na dati nangibinibigay. Nakatutulong kung ang bata aynakakakain ng kanin na may halong buto-butong-gulay at iba pang uri ng gulay.
2. Dagdagan ang bilang ng pagkain sa bawa�taraw.
3. Dagdagan ng langis ang pagkain kungmaaari. Ito ay maaaring vegetable oil
57
community volunteer health workers� manualmodyul 11nutrisyon at malnutrisyon
katulad ng langis ng niyog, na nakapagtataasng calories ng pagkain.
4. Bigyan ng mga pagkaing galing sa hayoptulad ng itlog, gatas, karne, o isda. Makatu-tulong ito sa mabilis na panunumbalik ngkalusugan ng isang malnourished na bata.
Kakulangan sa bitamina A o xerophtalmia
Ito ay isang uri ng sakit sa mata na umaapekto samga batang mababa sa 4 na taong gulang, dalang malaking kakulangan sa bitamina A sa pagkain.Tinatawag din itong �Disease of Darkness.�
Ano ang mga sanhi ng vitamin A deficiency?
� Kakulangan sa pagkaing mayaman sabitamina
� Hindi pagtunaw ng bitamina A dahil sakakulangan ng taba sa pagkain
� Sakit tulad ng impeksyon
Ano ang mga palatandaan ng kakulangan sabitamina A?
� Mahinang paglaki
� Madaling kapitan ng impeksyon
� Hindi makakita sa gabi o �matang manok�
� Magaspang at tuyo ang mga mata; angnormal na mata ay mabasa-basa, makinisat makintab
� Makapal na patse (Bitot�s spots) sa gilidng itim ng mata
Ano ang mga epekto ng vitamin A deficiency?
� Pagkabulag
� Paghina ng resistensya sa impeksyon tuladng acute respiratory infections at pagtatae
� Maliit na pag-asa para mabuhay
� Growth retardation
Paano maiiwasan ang kakulangan sa bitamina A?
1. Pasusuhin ang bata hangga�t may gatas angina, at bigyan ng sapat na karagdagangpagkain.
2. Bigyan ang bata ng mga pagkaing mayamansa bitamina A katulad ng niligis na dilaw atberdeng madahong gulay.
Mga halimbawa:Dahon ng gabiMalunggayAlugbatiKangkongTalbos ng kamoteKalabasaCarrotsDilaw na bungang kahoy tulad ng tiesaDilaw na maisHinog na manggaHinog na papaya
3. Bigyan ang bata ng mga pagkaing saganasa bitamina A katulad ng margarina atmalabnaw na gatas.
Anemya o iron deficiency anemia
Ang anemya, o kakulangan sa pulang dugo,ay sanhi ng kakulangan sa pagkaing mayaman sairon na pampula ng dugo. Ang iron deficiencyanemia ay isang kalagayang dala ng kakulangansa iron ng ating katawan.
1. Dietary � kakulangan ng mga pagkaingmayaman sa iron o mahinang pagtunaw ngmga pagkaing mayaman sa iron dahil kulangng iba pang sustansya.
2. Parasitic infections � ang sanhi ay hook-worm o malarial parasites.
3. Pagkawala ng maraming dugo dahil sa pag-durugo o pagreregla.
4. Karagdagang pangangailangan ng dugo sapanahon ng pagdadalantao na nagigingsanhi ng mababang reserba ng iron.
58
community volunteer health workers� manualmodyul 11nutrisyon at malnutrisyon
Lahat ng tao ay nangangailangan ng iron sa pang-araw-araw na buhay, lalo na ang mga madalingmakapitan ng sakit o vulnerable groups:
� nagdadalantao� adolescents� mga batang nag-aaral� sanggol� hindi pa nag-aaral na bata
Palatandaan ng anemya:� Pagkawala ng sigasig o konsentrasyon� Pagkahilo� Panghihina at pagkawala ng sigla� Pamumutla ng conjunctiva, labi at palad� Pananakit ng sikmura (hindi karaniwan)
Epekto ng anemya:
� Paghina sa gawaing pisikal
� Paghina sa pag-aaral
� Walang sigla, kawalang atensyon,pagkapagod at pagkamayamutin
� Pagdami ng mga namamatay at nagkaka-sakit na ina at sanggol
� Pagdami ng mga sanggol na mababa angtimbang
Ano ang gagawin sa mga pasyenteng may anemya?
1. Sa mga taong may mga palatandaan nganemya, papuntahin sa doktor para salalong masusing clinical evaluation.
2. Payuhang kumain ng mga pagkaing mayamansa iron at bitamina C at bigyan ng tableta(iron supplements).
3. Panatilihing malinis ang paligid at magingmalinis sa katawan.
4. Pagbutihin ang pangkalahatang nutrisyon ngkomunidad.
Ano ang mga paraan upang maiwasan anganemya?
1. Ang wastong pagkain sa panahon ng pagda-dalantao ay mahalaga upang maiwasan anganemya. Kailangang mayaman ang pagkainsa iron: berdeng gulay gaya ng kintsay,alugbati, saluyot, petsay, soybeans, lima-beans, munggo (pula), pinaros, tinapay,
pulang asukal, tuyong dilis, tulingan,alamang, seaweeds, tahong, atay, puso,karne ng baboy, karne ng baka, at manok.
2. Kumain ng mga pagkaing mayaman sabitamina C para sa maayos na pagtunawng iron.
3. Ang sanggol na kulang sa buwan nangipinanganak ay kulang sa iron at dapatbigyan ng iron supplements sa unang 3buwan.
4. Bukod sa gatas ng ina, bigyan ang sanggolng mixed diet na mayaman sa iron,magmula sa ika-6 na buwang gulang.
5. Ang hookworm ay maiiwasan sa pama-magitan ng wastong kalinisan at pagsusuotng sapin sa paa.
6. Sa mga lugar na may malarya, magbigay ngmga gamot laban dito upang maiwasan ito.
Ano ang goiter o bosyo?
Ito ay ang paglaki ng thyroid gland na makikita saharapan ng leeg. Kung mababa ang yodo (iodine)ng katawan, lumalaki ang gland na ito upangmapanatili ang normal na gawain nito. Ang bosyoay sanhi ng kakulangan sa pagkaing mayaman sayodo. Kung may kakulangan sa yodo sa panahonng pagbubuntis, ang sanggol ay maaaringmagkaroon ng kapansanan sa katawan o sa utak.
Palatandaan ng simpleng bosyo:� Paglaki ng thyroid gland sa harapan ng leeg� Nahihirapan sa paglunok
Kung ang isang babae ay magkaroon ng bosyo sapanahon ng pagdadalantao, ang iluluwal niyangbata ay maaaring bingi, pipi, mahina ang pag-iisip at pangangatawan.
Sino ang malamang magkaroon ng bosyo?
Kapag ang kinakain ng tao ay kulang sa yodo, siyaay maaaring magkaroon ng bosyo. Ang iba pangnagkakaroon ng bosyo ay ang mga nagdadalantaoat nagpapasusong ina, gayundin ang mganagdadalaga at nagbibinata, sapagkat maramingpagbabago ang nagaganap sa mga katawan nilakung saan napakahalaga at napakaaktibo angthyroid gland.
59
community volunteer health workers� manualmodyul 11nutrisyon at malnutrisyon
Mga sanhi ng bosyo:
� Kulang sa pagkaing mayaman sa yodo
� Ang pagkakaroon ng impeksyon na nagigingsanhi para mahirapan ang katawan natanggapin ang yodo.
� Pagdadalantao at pagpapasuso, pagdada-dalaga o pagbibinata na nagiging dahilanng pagiging aktibo ng thyroid gland.
Paano maiiwasan ang bosyo?
� Palaging kumain ng mga pagkaing mayamansa yodo. Ito ang mga laman-dagat tulad ngtulya, seaweeds, hipon, alimango, alamang,tangigue, pugita, at mga gulay tulad ngkangkong at sayote.
� Gumamit ng iodized salt bilang table salt.
LABIS SA SUSTANSYAIto ang sobrang katabaan o timbang ng katawan
Tiyakin na ang sanhi ng pagiging mataba osobrang timbang ay hindi pamamanas lamang.
Malaki ang posibilidad na ang mga labis angtimbang o taba ay magkakaroon ng sakit sa puso,mataas na presyon, diabetes, at iba pang sakit.
MGA PAGKILOS SA PAMAYANAN1. Alamin ang kalagayan ng nutrisyon ng mga
bata sa inyong pamayanan sa pamamagitanng Operation Timbang.
Maaaring gamitin ang bar, selter o bath-room scale subali�t mas tumpak gamitinang selter scale.
2. Hikayatin ang mga nanay ng mga maymalnutrisyon na dalhin ang kanilang anaksa Health Center para sa kaukulang payoat programa.
3. Maglunsad ng �Samatalakayang Pam-barangay� nang may pakikilahok ng lahatng sektor at samahan sa barangay upangmakabuo ng planong pangkabuhayan parasa nutrisyon.
4. Tukuyin ang mga pinagkukunan ngmasustansyang pagkain sa inyong barangay.
5. Maglunsad ng �Sama-aralang Pambarangay�ukol sa nutrisyon tulad ng Sama-aralan ngmga nanay, pagtataguyod ng pagpapasuso,pagtatanim ng mga gulay, at paghahayupan.
6. Paglulunsad ng mga proyektongpangkabuhayan.
60
community volunteer health workers� manual
Ang pagpaplano ng pamilya ay nangangahuluganng pag-iisip ukol sa kinabukasan ng buongpamilya. Ito ang masusing pagbabalanse ngpangangailangan at kakayahan ng buong mag-anak.
Mahalagang bahagi nito ang pagdedesisyontungkol sa bilang o dami ng mga magiging anakat ang agwat ng bawa�t isa. Ito ay kadalasangnatutukoy matapos suriin ang:
� kagustuhan ng mag-asawa
� pangkabuuang kakayahang pangkabuhayan,emosyonal at pisikal ng pamilya
� paniniwala at mga bagay na pinahahalaghan(values) ng mag-asawa
Kahalagahan ng pagpaplano
Napakalaking pananagutan ang pagbubuo ngpamilya. Nangangailangan ito ng paghahandaupang matiyak ang kalusugan hindi lamang ng inaat sanggol, kundi ng buong mag-anak. Sumusunodang mga dahilan kung bakit kailangang planuhinang pamilya.
Pisikal na dahilan:
1. Mapanganib ang pagbubuntis kung angbabae ay wala pang 20 taong gulang (WHO,1995). Ito ay dahil:
Sa edad na ito, kasalukuyang lumalaki palamang ang katawan ng babae. Maaaring
hindi pa sapat ang luwang ng kanyangbalakang (pelvis) para makalabas ang bata.
Mas malamang na magka-anemya atmalnutrisyon ang isang buntis na teenager,dahil siya ay nakikipag-agawan sa sanggolpara sa sustansyang kanyang kinakain.
2. Matapos manganak, nangangailangan angkatawan ng ina ng 2-3 taon bagomanumbalik ang dati nitong lakas.
3. May posibilidad na magiging mapanganibang pagbubuntis (high risk pregnancy), sasumusunod na kalagayan:
� Hindi pa umaabot ng 20 taon anggulang ng ina
� 6 o mas marami ang bilang ng anak
� Malakas na pagdurugo sa hulingpanganganak
� Pagkamatay ng sanggol sa hulingpanganganak
� Ang sanggol sa huling panganganak aynapakaliit
� Kambal sa huling panganganak
4. Nangangailangan din ng pagpapahinga kungmay karamdaman tulad ng TB, malarya,diabetes, sakit sa puso o bato, o nagkaroonng operasyon sa tiyan. Mahalagangmalunasan muna ang mga karamdamang itoupang maging ligtas ang pagbubuntis ng ina.
Pagpaplano ng pamilya
Modyul 12
61
community volunteer health workers� manualmodyul 12pagpaplano ng pamilya
Emosyonal:
1. Una sa lahat, tanggap dapat ng ina angkanyang pagbubuntis. Kung hindi handa angkanyang kalooban, magiging masalimuot,malungkot, at mapanganib din ang pagda-dalantao. Tandaan na ang kaisipan atdamdamin ng ina ay may malaking epektosa pagbubuo ng sanggol sa sinapupunan.
2. Ang pagdadalantao ay responsibilidad hindilamang ng ina. Ito ay nangangailangan dinng suporta ng ama at ng iba pang anak.Dapat nilang maunawaan ang mga pagba-bagong nagaganap sa katawan ng ina.Kailangan ding maging handa silang akuinang pagkalinga sa nagdadalantao.
3. Ang kalidad ng pag-aaruga sa bagong silangay apektado rin ng kalagayang emosyonalng ina, ama, at mga kapatid nito.
Pangkabuhayan:
1. Ang inang patuloy pa rin sa paggawa ngmabibigat na trabaho sa kabila ngpagbubuntis, dahil sa pangangailangangkumita, ay nakararanas ng higit nakahirapan ng katawan.
2. Ang pangangalaga sa panahon ngpagbubuntis, ang paghahanda sa panga-nganak, at ang pagluluwal mismo aykailangang pagkagastusan, lalo na kungkomplikado o may panganib ang pagda-dalantao. Hindi rin biro ang pag-iipon nakinakailangang gawin ng mag-asawa tuwingmay darating na bagong sanggol.
3. Ang dagdag na bata sa pamilya aynangangahulugan ng dagdag na gastusinpara sa pagkain, pananamit, pag-aaral atpaglilibang. Ang kahandaan ng pamilya nasagutin ang mga pangangailangang ito aymahalaga upang matiyak ang normal napaglaki at pagsibol ng bata.
Ang sistemangbalisuplingan
MGA BAHAGI NG BALISUPLINGANNG BABAE1. Obaryo o itlugan
� Dalawa: kaliwa at kanan
� Dito binubuo at lumalaki ang mga itlog ngbabae
� Sa bawa�t buwan, isang itlog ang nahihinogat lumalabas mula sa isa sa mga obaryongito. Ito ay tinatawag na obulasyon. Ito aynagaganap ng 14 araw o 2 linggo bago angunang araw ng susunod na pagreregla.
2. Tubo ng matris o daluyan ng itlog
� Dalawa: kaliwa at kanan
� Sinasalo ng mga daliri ng tubo ang nahinogna itlog; tinutulak ng tubo ang itlogpapuntang matris
� Kung nakipagtalik ang babae, nagtatagpo atnagsasanib ang punlay na galing sa lalaki atang hinog na itlog sa bandang itaas ng tubomalapit sa bahay-bata
3. Matris o bahay-bata
� Dito bumabaon ang binhi o ang nagsanib naitlog at punlay; matapos bumaon, lumalakiito sa loob ng 9 na buwan upang magingsanggol
� Kapag walang naganap na pagsasanib ngitlog at punlay, nalalagas ang sapin ngmatris kasama ang itlog sa panahon ngpagreregla
62
community volunteer health workers� manualmodyul 12pagpaplano ng pamilya
4. Liig-liigan o kuwelyo ng matris
� Mistulang pintuan ito ng bahay-bata nabumubukas para daanan ng bata kapagipinapanganak na
5. Kaliiban (vaginal canal)
� Pinakatulay ng mga nasa loob at nasa labasng balisuplingan�
� Ito ang daanan ng regla, bata, at ari nglalaki
6. Puwerta
� Ito ang bahagi ng balisuplingan na nasalabas
� May mga gland ito na gumagawa ng katasna pampadulas upang hindi masaktan angbabae kapag nakikipagtalik; kapag buntis,ang katas na ito�y umaasim kaya hindinakakapasok ang mikrobyo
MGA BAHAGI NG BALISUPLINGANNG LALAKI1. Bayag
� Dalawa: kaliwa at kanan� Matatagpuan sa loob ng kasuputan
(scrotum)� Ito ang gumagawa ng punlay (sperm)
2. Tubo
� Dito dumadaloy ang punlay galing sa bayagpapuntang titi, upang maihatid sa bali-suplingan ng babae
3. Prostate Gland
� Bago pumunta sa titi ang mga punlay,dumadaan muna ito sa prostate gland nasiyang gumagawa ng tamod (semen). Angtamod ay isang puting likido na nagtataglayng mga sustansya at iba pang mga kemikalna kakailanganin ng mga punlay upangmabuhay habang naglalakbay sa loob ngbalisuplingan ng babae.
4. Titi
� Ito ang naghahatid ng punlay sa babae sapamamagitan ng pagpasok sa puwerta
� Ito ang pinakasensitibong bahagi ngbalisuplingan ng lalaki
Mga pamamaraan ngpagpaplano
Natural� Pagtala ng temperatura� Cervical Mucus Method o pagsuri ng uhog
mula sa kwelyo ng matris� Pagpapasuso� Rhythm Method o paggamit ng kalendaryo
Artipisyal
� Pansamantala � nanunumbalik angposibilidad ng pagbubuntis sa sandalingihinto ang paggamit nito
� Permanente � sadyang nakakabaog
MGA NATURAL NA PAMAMARAANPrinsipyo ng natural na pamamaraan: ang pag-oobserba ng mga senyales ng pangingitlog ngbabae nang sa gayon ay maiwasan ang pagtataliksa mga panahong ito.
Bentahe:
� Ligtas. Ang mga di kanais-nais na epektong mga gamot o kasangkapang ipinapasoksa loob ng katawan ay maiiwasan.
� Natututunan ng mag-asawa ang pagdi-disiplina sa katawan at isip.
� Nagsisilbi itong daan ng magkatuwang napag-aaral, pagkakaunawaan, kooperasyonat paggalang ng mag-asawa sa isa�t isa.
63
community volunteer health workers� manualmodyul 12pagpaplano ng pamilya
Disbentahe:
� Kung ihahambing sa mga artipisyal naparaan, mas madalas pumalya ang mgaparaang ito. Sa bawa�t 100 babae nagumagamit ng natural na paraan sa loobng isang taon, 10-30 ang mabubuntis.
� Mas mahirap matutunan at makasanayanang mga paraang ito, lalo na kung iregularang pagreregla ng babae.
� Nangangailangan ng ilang araw na pagpipigilsa pagtatalik.
1) Pagtala ng temperatura (Basal Body Tem-perature)
Napag-alaman na tuwing darating ang obulasyon,ang temperatura ng babae ay tumataas ng ilangbaitang. Kung gaano kataas ito ay depende sakatawan ng babae. Mahalaga na bago pa lamangmag-asawa ay may sarili na siyang kaalaman ukolsa pagtaas at pagbaba ng kanyang pang-araw-araw na temperatura.
Paraan:
� Kunin ang temperatura ng katawan sapamamagitan ng termometro tuwing umaga,pagkagising at bago gumawa ng kahit naano. Gawin ito araw-araw sa loob ng 2-3buwan.
� Itala ang mga temperatura sa isang graph.
� Hindi dapat makipagtalik mula sa unangaraw ng kanyang regla hanggang sapangatlong araw matapos maobserbahanang pagtaas ng temperatura.
2) Rhythm Method o paggamit ng kalendaryo
Nangangailangan ito ng pag-alam sa regular naaraw ng pagdating ng regla. Makabubuting italang babae sa kalendaryo ang mga araw ngpagdating ng regla. Ang obulasyon ay nangyayari2 linggo o mga 14 na araw bago dumating angunang araw ng susunod na pagreregla. Ibigsabihin, kahit gaano kahaba ang menstrual cycle,ang obulasyon ay nangyayari 2 linggo pa rin bagoang susunod na regla. Kung gayon, dapatmatantya ang pagdating ng susunod na pagrereglapara malaman din ang araw ng paglabas ng itlog.
Paraan:
� Itala ang mga petsa ng unang araw ngpagreregla sa loob ng 6-12 buwan. Tingnanang tagal ng bawa�t menstrual cycle. Itoang panahon sa pagitan ng dalawangpagreregla. Bilangin ang araw ng pinaka-mahaba at pinakamaikling menstrual cycle.
� Bawasan ng 20 ang bilang ng pinakamaiklingcycle. Ito ang unang araw kung saanmaaaring mabuntis o fertile ang babae.
� Bawasan ng 10 ang bilang ng pinaka-mahabang cycle. Ito ang huling araw nafertile ang babae.
� Hindi dapat makipagtalik mula sa unahanggang huling araw kung saan fertileang babae.
Halimbawa:
Ang pinakamahabang panahon sa pagitanng dalawang pagreregla ni Nene ay 30 araw.Ang pinakamikli naman ay 25 araw. Angunang araw sa huling regla ay Hulyo 5. Saanong mga araw siya dapat umiwas sapakikipagtalik ngayong buwan ng Hulyo?
25-20 = 5 Sa ikalimang araw ng menstrualcycle ni Nene ang huling araw na fertilesiya.
30-10 = 20 Sa ika-20 araw ng menstrualcycle ni Nene ang huling araw na fertilesiya.
Kung Hulyo 5 ang unang araw ng cycle niNene:
5 + 5 = 10 at 5 + 20 = 25
Ibig sabihin, hindi puwedeng makipagtaliksi Nene mula Hulyo 10 hanggang Hulyo 25.
3) Pagpapasuso
Ang panahon matapos ang panganganak ng mgainang nagpapasuso ay mga ligtas na araw ngpagtatalik. Ito ay dahil pinipigil ng pagpapasusoang obulasyon. Karaniwang umaabot ng 4 nabuwan ang ligtas na panahon, nguni�t hindi itotiyak dahil iba-iba ang tagal nito sa bawa�tbabae.
64
community volunteer health workers� manualmodyul 12pagpaplano ng pamilya
4) Cervical Mucus Method
Ang uri ng uhog na nanggagaling sa puwertang babae ay maaari ding maging hudyat ng ligtasna araw ng pagtatalik. Ang uhog ay nagigingmalinaw, malabnaw, at madulas katulad ng puting hilaw na itlog sa panahon ng obulasyon. Sapanahon naman na walang uhog o di kaya�ymalagkit ang lumalabas, ito ay hudyat ngkaligtasan sa pagbubuntis.
Maaaring suriin ang uhog sa pamamagitan ngpaglalagay nito sa hintuturo at hinlalaki. Pag-dikitin ang dalawang daliri at paghiwalayin nangdahan-dahan. Kapag napaghihiwalay angdalawang daliri nang magkarugtong pa rin anguhog, ito ay nangangahulugang di ligtas angpanahon. Kapag napuputol (hindi nababanat) anguhog, ito�y nangangahulugang ligtas ang panahon.
Ang uhog na malinaw, malabnaw at madulas aynakapagpapatagal ng buhay na punlay. Ito aykadalasang napapansin 3 araw bago mag-obulasyon. Ang mga araw na ito ay simula ng diligtas na panahon. Mananatiling mapanganib angpagtatalik hanggang 3 araw matapos ang hulingaraw na madulas ang uhog.
MGA ARTIPISYAL NA PAMAMARAANPansamantala:
� Kondom� Pildoras o Pills� Intra-Uterine Device o IUD� Iniksyon� Diaphragm/Sponge
1) Kondom
Ito ay isang manipis na gomang supot na isinusuotng lalaki bago makipagtalik. Iniipon nito angpunlay sa tamod na lumalabas sa ari ng lalaki atpinipigilan ang pakikitagpo ng mga ito sa itlog ngbabae. Mabisa ito sa 85-98% ng lahat nggumagamit nito.
Bentahe:
� Napakadaling gamitin at dalhin
� Hindi nangangailangan ng pagkonsulta sadoktor para gamitin
� Napipigilan nito ang pagkahawa sa mga sakitna nakukuha sa pakikipagtalik
Disbentahe:
� Maaaring mabuntis ang babae kapagpumutok ang kondom o kung nabuhos angtamod matapos makipagtalik
� Nangangailangan ng tamang pamamaraanng paggamit at pag-imbak
� Nakaaantala ng kaunti sa pagtatalik
Paraan:
� Gumamit ng bagong kondom tuwingmakikipagtalik. Ingatang huwag itongmagasgas o matusok.
� Pisilin ang dulo ng kondom para mawala anghangin.
� Isuot pababa hanggang mabalutan angbuong haba ng nakatayong ari.
� Pagkatapos labasan, hawakan ang rim ngkondom at hugutin ang titi palabas ngpuwerta habang matigas pa ito, upang hinditumapon ang naipong tamod.
� Huwag gumamit ng baby oil o Vaseline okahit anong langis bilang pampadulas sapagtatalik. Ang mga ito ay makasisira ngkondom.
2) Pildoras o Pills
Ang mga gamot na ito ay naglalaman ng estrogenat progesterone, mga kemikal na likas sa katawanng babae. Ang mga kemikal na ito ay maykinalaman sa pamamahala ng menstrual cycleng babae.
Ang pildoras ay pumipigil sa paghinog at paglabasng itlog mula sa obaryo. Pinakakapal din nito ang
65
community volunteer health workers� manualmodyul 12pagpaplano ng pamilya
uhog sa kuwelyo ng matris upang hindi makapasokang mga punlay.
Bentahe:
� Madaling gamitin
� Isa sa pinakamabisang paraan sapagpaplano: mabisa ito sa 92-99% ng lahatng gumagamit nito
� Maaaring mawala ang iregular na pagrereglaat pananakit ng puson
� May proteksyong dinudulot laban sa ilanguri ng kanser sa matris
Disbentahe:
� Maaaring maging sanhi ng alta presyon
� Nakababawas sa paggawa ng ina ng gatas
� Maraming side effect tulad ng sakit ng ulo,pagsusuka, pagdurugo mula sa puwerta, atpagbigat ng timbang
Paraan:
� Uminom ng isang tableta araw-araw simulasa unang araw ng regla.
� Kung 21 ang bilang ng tableta sa pakete,ito ay iinumin hanggang 21 araw. Pagkataposnito, titigil ng 7 araw upang magkaregla.May mga pakete na 28 ang tableta. Sakasong ito, hindi kinakailangang humintosa pag-inom.
3) IUD (Intra-uterine Device)
Isang malambot na plastik na iba-iba ang hugisat laki. Karaniwang may tansong alambre nanakabalot dito. Sinasabing ang tanso raw aynakapagpaparalisa ng punlay. Inilalagay ng doktorang IUD sa loob ng matris, kung saan pinipigilannito ang pagbaon ng binhi sa sapin ng matris.
Bentahe:
� Napakabisang pamamaraan (95-99%)
� Mainam na paraan para sa mganagpapasusong ina dahil walang epektosa paggawa ng gatas
� Madaling magbalik ang kapasidad namagbuntis matapos itong tanggalin
� Hindi kaagad kailangang palitan. Ang ilangklase ng IUD ay maaaring mamalagi samatris ng 10 taon
� Kung ihahambing sa pildoras, ang bisa nitoay hindi nakasalalay sa tamang paggamitng babae
Disbentahe:
� Kailangan ng doktor para mailagay itonang maayos
� Iregular na pagdurugo mula sa puwerta atpagkirot ng likod ay mararanasan sa unang8 linggo
� Kapag maraming katalik ang babae, mataasang posibilidad na magkaroon ng impeksyonsa balisuplingan
� Masakit at malakas na pagreregla; maaariding magkaroon ng patak-patak napagdurugo sa pagitan ng pagreregla.
Paraan:
� Kailangang doktor ang maglagay nito.
4) Iniksyon
Katulad ng pildoras, gumagamit ito ng progestinupang mapigilan ang pagbubuntis ng babae,nguni�t sa halip na inumin ay iniiniksyon ito.
Bentahe:
� Walang panganib na makalimot sa pag-inom
� Mas kaunti ang mga side effect kaysapildoras
� Hindi nakaaantala sa pagtatalik
� Maaaring gamitin ng nagpapasusong ina
� Napakabisang paraan (99%)
� May proteksyong binibigay laban sa anemyaat ibang uri ng kanser
Disbentahe:
� Hindi kaagad nawawala ang epekto mataposihinto ang paggamit: aabutin ng 5 buwan ohigit pa bago bumalik ang obulasyon
� Kailangan ng doktor o nars para maibigay ito
66
community volunteer health workers� manualmodyul 12pagpaplano ng pamilya
� Mga posibleng side effect: sakit ng ulo,pagbigat ng timbang, pananakit ng suso,pagsusuka at tagyawat
Paraan:
� Kailangang ibigay ang iniksyon sa loob ng 5araw matapos ang pagreregla. Ang iniksyonay ibinibigay tuwing 2-3 buwan.
5) Diaphragm
Ito ay isang malambot na plastik na hugissumbrero o tasa. Ito ay nilalagyan ng cream saloob na pumupuksa ng punlay at pinapasok sapuwerta upang sakluban ang kuwelyo ng matris.Sa ganitong paraan, napipigilan ang pagpasokng punlay sa bahay-bata.
Bentahe:
� Mabisa kung ginagamit sa tamang paraan(85-97%)
� Mura: maaaring gamitin nang paulit-ulit atmaaaring magtagal ng ilang taon
� Wala masyadong di-kanais-nais na epekto
Disbentahe:
� Kailangang isuot ito bago makipagtalik
� Kailangang sukatin at isuot sa tulong ngdoktor o nars sa unang paggamit
� Marami ang nahihirapan sa pagsuot nito
� Kailangang linisin matapos at bago gamitin
Paraan:
� Maghugas ng kamay bago hawakan angdiaphragm.
� Lagyan ito ng spermicidal cream sa loobat labas bago gamitin.
� Ipasok ito sa puwerta at isaklob nang maigisa kuwelyo ng matris bago makipagtalik.
� Hayaan itong nakasuot at dagdagan angspermicidal cream: alisin lamang ito 6 naoras matapos makipagtalik.
� Huwag maghugas ng puwerta sa loob ng 6na oras matapos makipagtalik.
� Huwag iwanan ang diaphragm sa loob ngpuwerta ng higit sa 24 oras.
� Linisin ito ng sabon at tubig mataposgamitin. Patuyuin sa pamamagitan ngpagpunas ng tuwalya dito. Itago sa isangmalamig at tuyong lugar. Suriin kung maypunit o butas bago ito gamiting muli.
Permanente:� Vasectomy : pagputol at pagtali sa daanan
ng punlay palabas sa ari ng lalaki� Tubal Ligation: pagputol at pagtali ng tubo
na daanan ng itlog upang hindi itomakatagpo ng punlay mula sa lalaki.
Pagdedesisyon ukol sa pagpaplano
Ang pagpaplano ng pamilya ay nasa kamay nglalaki at babae. Mahalagang mapag-usapan itoat mapagkasunduan upang lumaki ang posibilidadng tagumpay nito.
Makatutulong sa pagpapasya kung anong klasengpamamaraan ang gagamitin kung isasaalang-alangang mga sumusunod:
� Edad ng babae� Reproductive stage ng babae� Bisa ng pamamaraang gagamitin� Kalagayang pangkalusugan ng babae� Mga personal na konsiderasyon tulad ng
relihiyon at iba pa
Sa pagpapasya ukol sa pagpaplano ng pamilya,mahalagang bigyang halaga at itaguyod angkarapatan ng babae ukol sa reproduksyon. Hindidapat ipilit sa kanya ang isang bagay na hindiniya nauunawaan o gusto.
67
community volunteer health workers� manualmodyul 12pagpaplano ng pamilya
Pangangalaga ng inaat sanggol
PAGBUBUNTIS (PRE-NATAL)
Mga palatandaan ng pagbubuntis:
� Pagliban ng buwanang regla
� Pagduduwal sa umaga
� Madalas na pag-ihi
� Lumalaki ang suso
� Lumalaki ang tiyan
� Pangingitim ng utong at ng kili-kili
� Paggalaw ng sanggol sa sinapupunanpagdating ng ikalimang buwan
Wastong pangangalaga habang nagbubuntis:
� Kumain nang sapat at wastong pagkain.
� Maligo araw-araw.
� Gawin ang buwanang check-up sa klinikao Health Center.
� Magpabakuna kung kinakailangan.
� Iwasan ang paninigarilyo at pag-inomng alak.
� Iwasan ang mga naninigarilyo.
� Iwasan ang mga maysakit.
� Magpahinga nang sapat at iwasan ang labisna pagtatrabaho.
Mga palatandaan ng delikadong pagbubuntis
� Pagkakaroon ng:� Panlalabo ng paningin� Kombulsyon� Labis na pagsusuka� Labis na sakit ng ulo� Pamamaga ng mukha, kamay at binti� Mabilis na pagtaas ng timbang� Pananakit ng tiyan� Pagtaas ng presyon ng dugo
� Grabeng anemya (na nagiging sanhi ngpanghihina sa pagtatrabaho)
� Pagdurugo o spotting
� Senyales ng maagang panganganak (bagopa ang ikasiyam na buwan) tulad ng:� Pagputok ng panubugan� Lumalakas at madalas na pagsakit ng
tiyan� Dinudugo
� Hindi paggalaw ng bata sa sinapupunan
Kapag may ganitong mga palatandaan, dalhinkaagad ang ina sa ospital.
PAGKATAPOS MANGANAK(POST-NATAL)
Pangangalaga sa ina:
� Maligo araw-araw.
� Masahehin ang suso upang lumakas angdaloy ng gatas.
� Magpahinga nang sapat.
� Magpasuso pagkatapos magluwal.
� Linisin ang suso bago magpasuso ng sanggol.
� Kumain ng wastong pagkain upang dumamiang gatas.
Pangangalaga sa sanggol:
� Pasusuhin ang sanggol pagkapanganak nito.
� Punasan ang sanggol habang hindi pa nala-laglag ang pusod. Pagkatapos humiwalayang pusod, paliguan ang sanggol araw-araw.
� Damitan nang angkop ang sanggol.
� Ilagay ang sanggol sa malinis at ligtasna lugar.
� Ilayo ang sanggol sa mga maysakit.
� Dalhin ang sanggol sa Health Center upangmapabakunahan laban sa mga sakit.
68
community volunteer health workers� manualmodyul 12pagpaplano ng pamilya
PAGPAPASUSOIto ang pinakamainam na pagkain ng sanggol saunang 6 na buwan. Nagbibigay ito ng proteksyonsa sanggol laban sa mga sakit.
Colostrum ang manilaw-nilaw na unang labas nggatas mula sa ina; masustansya ito at nagbibigayng proteksyon laban sa mga sakit.
Matipid at hindi na kailangang itimpla ang gatasng ina.
Sa pagpapasuso, nagiging malapit ang ina atsanggol sa isa�t isa.
Malinis at tama ang temperatura ng gatas ng ina.
Kung hindi makapagpasuso, maaaring pigain anggatas at ilagay sa isang malinis at isterilisadonglalagyan; maaari itong ibigay sa sanggol sa loobng 24 na oras.
69
community volunteer health workers� manual
Cardio PulmonaryResuscitationNakakita ka ng taong nakaratay sa lupa at hindigumagalaw. Ano ang iyong gagawin?
1. Suriin ang paligidTingnan muna kung ang biktima/pasyenteay ligtas sa panganib.
Halimbawa:Kung pagkakuryente ang pinanggalinganng pinsala sa pasyente, tiyakin na nailayona ang pasyente sa pinanggalingan ngkuryente bago pasimulan ang CardioPulmonary Resuscitation o CPR.Alamin ang maaaring naging sanhi ngpinsala.
2. Suriin ang pasyenteTingnan kung may malay ang pasyenteTapikin o marahang alugin ang biktimaSabihin sa isang malakas na boses: �Okeyka ba?�Kung walang malay ang biktima, sumigawng �Saklolo!�Tumawag sa pinakamalapit na doktor oospital para sumaklolo (nguni�t huwagiwanan ang pasyente para lang gawin ito)Ilagay sa isang matigas na higaan at simulanang CPRTingnan ang paghinga at ang pulso
Tatlong mahalagang bagay ang dapat tandaan sapagbigay ng CPR. Ito ang tinatawag na A-B-C ngCPR.
A Daanan ng hangin (Airway): barado ba angdaanan ng hangin?
B Paghinga (Breathing): humihinga ba angpasyente?
C Pagdaloy ng dugo (Circulation): tumitibokba ang puso ng biktima? may pulso ba siya?nagdurugo ba siya nang malubha?
Daanan ng hangin (airway)
1. Buksan ang daanan ng hangin� Ilagay ang isang kamay sa ibabaw ng noo
ng biktima.� Ilagay ang mga daliri ng kabilang kamay
sa ilalim ng mabutong parte ng baba.� Itulak pababa ang noo para maitingala ang
ulo, at iangat ang panga. Huwag isasaraang bibig ng biktima.
2. Tingnan ang paghinga� Ilapit ang tenga sa ilong at bibig ng biktima
habang nakatingin sa kanyang dibdib.� Damahin at pakinggan ang paghinga ng 3-5
segundo� Ang biktima ay maaaring:
� humihinga� hindi humuhinga
Pangunang Lunas
Modyul 13
70
community volunteer health workers� manualmodyul 13pangunang lunas
� Kung humihinga ang pasyente:Panatilihing bukas ang daanan ng hanginat itagilid ang biktima. Ito ang tinatawagna recovery position.Ginagawa lamang ito sa isang pasyentengwalang malay, kusang humihinga atwalang bali sa leeg.
� Kung hindi humihinga ang pasyente:
Paghinga (breathing)
1. Magbigay ng 2 buong buga ng hininga� Siguraduhing bukas ang daanan ng hangin.� Pisilin ang ilong para maisara ang mga
butas nito.� Buksan nang malaki ang iyong bibig,
huminga ng malalim at ilapat nang mabutiang mga labi palibot sa bibig ng pasyente.
� Hingahan ang pasyente ng 2 beses. Bawa�tpaghinga ay dapat tumagal ng 1.5 hanggang2 segundo.
� Tingnan ang pagbaba at pagtaas ng dibdib.Pakinggan at damhin ang pagluwas nghangin mula sa pasyente.
� Hayaang mailabas ng pasyente ang hanginbago hingahan muli.
2. Tingnan ang pulso� Panatilihing nakatingala ang pasyente sa
pamamagitan ng pagdiin ng palad sa noo.� Hanapin ang pulso sa leeg. Ilagay ang
hintuturo at hinlalato sa may gilid ngAdam�s apple.
� Damhin ang pulso sa loob ng 5-10 segundo.� Kung may pulso pero hindi humihinga:
Ipagpatuloy ang pagbigay ng hininga.Magbigay ng 1 hininga kada 5 segundo (o12 hininga kada minuto).Tingnang mabuti ang pulso sa leeg ng 5segundo.
� Kung walang pulso:
Pagdaloy ng dugo (circulation)
1. Hanapin ang wastong lugar na pagdidiinan(compression area)
2. Lumuhod kaharap ang dibdib ng pasyente.
3. Sa pamamagitan ng hintuturo at hinlalaki,salatin ang gilid ng pinakamababangtadyang na malapit sa iyo.
4. Sundan ang kurbada ng tadyang hanggangmarating ang isang maliit na gatla (notch)sa dulo ng sternum (gitnang buto ng dibdib).
5. Ilagay ang hinlalato sa gatla at ang hintu-turo sa tabi nito.
6. Ipatong ang palad na pinakamalapit sa ulong pasyente sa ibabaw ng sternum, katabiang dalawang daliri na nakalagay sa gatla.
7. Sa pagpatong ng palad, ang pinaka-mababang parte ng kamay (heel) lamangang dapat nakadiin sa dibdib.
8. Ilagay ang kamay na ginamit sa pagsalat sagatla sa ibabaw ng kamay na nakapatongsa sternum.
9. Iwasang dumikit ang mga daliri sa dibdibng pasyente.
10. Ihanay ang mga balikat sa ibabaw ng mgakamay.
11. Ituwid ang mga braso at iwasan angpagbaluktot ng mga siko.
12. Magbigay ng 15 pagdiin sa dibdib.
13. Sa pamamagitan ng puwersa ng katawan(mula balikat at habang tuwid ang mga siko)diinan ang sternum hanggang lumubog angdibdib ng 1.5-2 pulgada.
14. Ang bilis ng pagdiin ay 80-100 kada minuto.Upang maging wasto ang bilis ng pagdiin,bumilang nang malakas habang nagdidiin;�one and two and three and four and fiveand fifteen and�� (diinan ang dibdibhabang binibigkas ang bilang, at iangat angkamay habang binibigkas ang �and�).
15. Sa pag-angat ng kamay kapag bumibitawsa pagdiin, panatilihin itong nakalapat onakadikit sa dibdib.
Para sa isahang pagbigay ng CPR:� Matapos ang 15 ulit na pagmasahe ng
dibdib, sundan ito ng 2 malakas na pagbugang hininga sa bibig.
71
community volunteer health workers� manualmodyul 13pangunang lunas
� Matapos ang 4 na beses na paulit-ulit napagbigay ng 15 pagdiin at 2 paghinga(makalipas ang isang minuto), damahin ulitang pulso.
� Kung wala pa ring pulso, ituloy ang 15:2 napagdiin:paghinga. Magsimula sa pagdiin ngdibdib.
� Tingnan ang pulso tuwing makalipas angilang minuto.
Para sa dalawahang pagbigay ng CPR:� Unang tagasagip:
Buksan ang daluyan ng hangin.Tingnan ang paghinga.Magbigay ng 2 buga ng hininga.Tingnan ang pag-angat ng dibdib.Hayaang mailabas ng pasyente anghanging ibinuga bago umihip muli.Tingnan ang pulso sa leeg.
� Pangalawang tagasagip:Kung walang pulso,magbigay ng 5 pagdiinsa dibdib, kasunod ay isang paghinga sabibig na gagawin ng unang tagasagip.Hihinto pansamantala ang pangalawangtagasagip sa pagbobomba habangnagbibigay ng hininga ang unangtagasagip.Ulit-ulitin ang 5 pagdiin:1 paghinga.
Paso at pagkasunogKaraniwang ang mga pagkasunog o pagkapasoay nangyayari sa loob o paligid ng bahay, lalo nasa kusina.
Minsan, lumalala o ikinamamatay ang pagkasunogdahil hindi kaagad nabibigyan ng pangunanglunas, o kaya nama�y mali ang ginagawang pag-saklolo sa pasyente.
May mga kaso rin ng pagkasunog na nag-iiwanng marka matapos na ito�y gumaling. Kung kaya�tnapakahalaga na tayo�y may alam sa wastongpagbibigay ng pangunang lunas sa anumang kasong pagkasunog.
ANG MGA URI NG PASO ATPAGKASUNOG
Ayon sa sanhi� Pasong dulot ng mainit na bagay� Likido tulad ng kumukulong tubig, mantika o
sabaw� Pakiramdam
PANGUNANG LUNAS
First Degree Burns:
� Ilayo ang balat mula sa sanhi ng pagkasunog.
� Ilublob sa malamig na tubig ang napinsalangbahagi.
� Huwag direktang patungan ng yelo at bakalalong mapinsala ang balat.
� Pwedeng takpan ng tuyong gasa.
� Huwag maglagay ng mantika, grasa, o kahitanong dumi sa napasong balat.
Second at Third Degree Burns:
� Ilayo ang biktima mula sa sanhi ngpagkapaso.
� Tanggalin ang damit na nakatakip/dikitsa sugat at anumang kasuotang puwedengmakasakal sa balat (hal. relo, singsing).
� Sa loob ng 1-2 oras, ilublob sa malamigna tubig ang napasong parte o kaya�ypatungan ng malinis na telang binasa samalamig na tubig.
� Huwag lagyan ng asin ang tubig dahil ito�ymakapagpapapalala ng sugat.
� Huwag putukin ang mga paltos; kungpumutok ang mga ito nang kusa, huwagtuklapin ang balat upang maiwasan angimpeksyon.
� Takpan ng malinis at tuyong gasa o telaang sugat; siguraduhing malinis at tuyoang sugat.
� Kung malaking bahagi ng balat ang nasunog,kailangan ding painumin ang pasyente ngOresol hanggang sa makakaya niya. Ito ay
72
community volunteer health workers� manualmodyul 13pangunang lunas
Parte ng katawanPorsyento ngbuong balat
Harap ng dibdib 9%
Harap ng tiyan 9%
Buong ulo at leeg 9%
Isang buong braso at kamay 9%
Likod ng dibdib 9%
Likod ng sikmura 9%
Harap ng isang binti at hita 9%
Likod ng isang binti at hita 9%
Palibot ng ari 9%
Anu-ano ang maaaring maging komplikasyonng pagkasunog?
A. Impeksyon
Kung hindi mag-iingat laban sa impeksyon, angsecond degree burn ay maaaring maging thirddegree dahil sa karagdagang pinsala dulot ngmga mikrobyo.
Upang maiwasan ang impeksyon, takpan ngmalinis na tela o gasa ang paso upang huwagdapuan ng langaw at iba pang insekto. Maghugasdin ng kamay bago hawakan ang sugat.
B. Dehydration o pagka-ubos ng tubig sa katawan
Sa mga malubhang pagkasunog, karaniwangkumakatas ito dahil sa napinsalang mga ugat.Maaaring maubusan ng tubig sa katawan angbiktima dahil dito.
Laging painumin ng tubig o Oresol ang pasyentengmalaki ang bahaging nasunog.
C. Grabeng sakit o hapdi
Matatagpuan ito sa mga second degree burns,katulad ng nabanggit kanina.
Maaaring magbigay ng gamot na pampakalmang hapdi.
para mapalitan ang tubig ng katawan nakumakatas mula sa sunog na balat.
� Dalhin ang pasyente sa ospital kungkinakailangan.
Paano malalaman kung kailangang dalhin angpasyente sa ospital?
Kailangang dalhin ang pasyente sa ospital kungang pagkapaso ay malubha o katamtaman.
Malubhang pagkapaso o pagkasunog:
� Second degree burns sa higit sa 25% ngbuong balat (kung sa matanda) o higit sa20% ng balat (kung sa bata)
� Third degree burns sa higit sa 10% ngbuong balat
� Malalim na pagkasunog ng mukha, kamay,mata, tenga, paa at ari
� Maraming nalanghap na usok� Pagkasunog sanhi ng kuryente o kemikal� May kasamang baling buto� May malubhang sakit ang pasyente bukod
sa pagkapaso
Katamtaman ang lubha:
� Second degree burns sa 15-25% ng balat(kung sa matanda), 10-20% (kung sa bata)
� Third degree burns sa 2-10% ng buong balat
Di malubhang paso:
� First degree burns� Second degree burns sa mas maliit sa 15%
ng buong balat (kung sa matanda) o maliitsa 10% (kung sa bata)
� Third degree burns sa mas maliit sa 2%ng buong balat
Rule of Nines
Para mapadali ang pagtantya kung gaano kalakiang porsyento ng nasunog na balat, ginagamitnatin ang rule of nines:
73
community volunteer health workers� manualmodyul 13pangunang lunas
D. Peklat (Keloid/Contractures)Sa paggaling ng paso, pwedeng magkaroon ngmatitigas na peklat na siyang sanhi ng limitasyonsa paggalaw ng kasukasuan. Kaya�t dapatgalawin/i-ehersisyo ang kasukasuan 5-6 besessa isang araw.
Sa nasunog na kamay, maglagay ng malinis nagasa na may Vaseline o iba pang ointment sapagitan ng mga daliri upang maiwasan angganitong pagpepeklat.
E. Pagkasinghot ng usok
Kung nagsususpetsa na nakasinghot ng maramingusok ang biktima, ilagay siya sa isang mahanginna lugar upang makahinga ng maluwag.
Dalhin siya agad sa ospital upang maobserbahan.
Ano ang mga maaaring gawin upang maiwasanang pagkapaso?
� Huwag palapitin ang mga maliliit na batasa apoy o sa pinaglulutuan.
� Siguraduhin na ang hawakan ng mga kalderoat kalan ay hindi madaling masagi o maabotng bata.
Baling buto, linsad atpilay
A. BALING BUTO (FRACTURE)Ang baling buto ay ang pagkakaroon ng bali olamat saanmang bahagi ng buto sa katawan.
Mga uri ng baling buto� Baling buto na sarado � walang bukas na
sugat sa ibabaw ng butong nabali� Baling buto na bukas � may bukas na sugat
sa ibabaw ng balat kung saan ang buto (sakadalasan) ay nakausli.
Pagkilala sa baling buto� Karaniwang may kasaysayan ng sakuna (hal.
natapilok, nahulog, nabundol ng sasakyan)� May pamamaga sa lugar na nabali
� May pagkabaluktot (deformity) o pagka-kaiba ng itsura ng bahaging nabali (masmaikli o mas mahaba kaysa dating anyo)
� May matinding kirot o sakit sa bahagingnapinsala, lalo na kung igagalaw
� Kung may sugat, maaaring nakausli angnabaling buto
� Hindi maigalaw ng pasyente ang bahagingnapinsala
� Pakiramdam na may butong gumagasgaskung nagagalaw ang bahaging napinsala
Prinsipyo ng paggamot:� Bawasan ang sakit.� Bawasan ang karagdagang pinsala.� Huwag igalaw ang bahaging napinsala.� Gamitin ang wastong paraan ng pagbuhat
o paglipat sa pasyenteng may baling buto.
Mga dapat gawin para sa kahit anong uri ng bali
� Huwag pagkaguluhan ang pasyente. Bigyanng lugar. Lapatan agad ng pangunang lunasang pagdurugo, kirot at shock.
� Huwag agad tangkain na hawakan o buhatinang pasyente (maliban kung may sunog omalapit sa mga kemikal na sumasabog).
� Kung may malay, kausapin ang pasyente atalamin kung saang bahagi ng katawan siyanakararamdam ng kirot.
� Panatilihin siya sa posisyon na di nagagalawang napinsalang bahagi upang maiwasan anghigit pang pinsala.
� Papanatagin ang loob ng pasyente. Magingmahinahon lamang.
� Lagyan ng balangkat (splint) ang baling butoat dalhin sa pagamutan ang pasyente.
� Kung hindi nakasisiguro kung ang pinsala aysprain/strain lamang o baling buto, masmabuting tratuhin ito bilang baling buto.
Pangunang lunas sa bukas na bali
� Gamutin muna ang sugat bago maglagayng balangkat.
74
community volunteer health workers� manualmodyul 13pangunang lunas
� Pigilin ang pagdurugo sa pamamagitanng direktang pagdiin sa sugat. Gumamit ngmalinis na tela para dito.
� Huwag hugasan o sundutin ng daliri oanumang bagay ang sugat. Ito ay upangmaiwasan ang pagpasok ng dumi sa loobng sugat na maaaring maging sanhi ngimpeksyon sa buto.
� Kung lumalabas ang buto mula sa sugat,takpan ang buong sugat ng malinis oisterilisadong tela. Huwag tangkaing isauliang buto sa loob ng sugat!
� Maglagay ng balangkat.
� Itaas ang bahaging napinsala upangmabawasan ang pagdurugo at pamamaga.
Pangunang lunas para sa saradong bali
� Paggamit ng balangkat
Ang balangkat ay isang matigas na bagayna inilalapat sa bahaging nabali upang:� Maiwasan ang paggalaw ng bahaging
napinsala� Mabawasan ang kirot� Maiwasang mapinsala pang lalo ang
mga laman sa palibot ng baling buto� Maiwasan ang grabeng pagdurugo� Maiwasang maging bukas na bali ang
saradong bali� Mapadali ang paglilipat ng pasyente
� Paggamit ng salalay (sling)Ang salalay ay tela o anumang bagay napangsuporta sa nabaling braso/kamay.
Paraan ng paglagay ng balangkat� Anumang bagay na matigas ay maaaring
gamiting pansuporta sa nabaling buto (hal.kahoy, payong, saha ng saging, karton,diyaryo)
� Ang balangkat ay kailangang lampas sa2 kasukasuan na namamagitan sa bali upangmaiwasan ang paggalaw nito
� Huwag ilalagay ang balangkat nang direktasa balat. Lagyan ito ng sapin o balutin ngtela upang hindi gaanong masaktan angpasyente.
� Lagyan ng salalay upang suportahan angnabaling buto.
� Lagyan ng balangkat ang napinsalang bahagisa posisyon na natagpuan mo ito. Huwagtangkaing ituwid ang nabaluktot na bahagibago ito lagyan ng balangkat dahil baka lalolamang mapinsala ito.
� Tingnan kung may sapat na daloy ng dugo(circulation) sa bahaging nabali.
� Suriin ang lakas ng pulso kung mainito malamig ang bahagi.
� Huwag masyadong higpitan ang pagtali ngbalangkat upang hindi mapigilan ng dugo.
Linsad (Dislocation)Ang linsad ay pinsala kung saan ang buto ay hindinabali subali�t nawala sa lugar. Karaniwangnangyayari sa kasukasuan.
Pangunang lunas� Kung sa balikat o siko, lagyan ng salalay.� Kung sa balakang, tuhod o bukong-bukong,
lagyan ng balangkat tulad ng sa baling buto.� Dalhin agad sa pagamutan.
Sprain at strainAng sprain at strain ay pinsala tulad ng pag-kapunit, pagkaipit, o pagkabatak ng litid nabumabalot sa kasukasuan. Ang bahagingpinakamadalas magkaroon ng ganitong uring pinsala ay ang bukong-bukong (ankle).
Ang strain ay ang pagkapunit ng laman o muscle.
Pangunang lunas para sa strain o sprain: RICE(Rest, Ice, Compression, Elevation) Technique
� Pahinga (Rest)Ipahinga at huwag munang igalaw angapektadong bahagi nang hindi bababa sa2 linggo.
� Yelo (Ice)Lagyan ito ng yelo na binalot ng tuwalyao plastik. Gawin ito ng 16 minuto, at hindi
75
community volunteer health workers� manualmodyul 13pangunang lunas
bababa sa 3 beses bawa�t araw sa loob ng1-2 araw.Matapos ang 1 o 2 araw, at hanggang samawala ang pamamaga, maglagay namanng telang binasa sa mainit na tubig.
� Benda (Compression)Sa pamamagitan ng elastic bandage,bendahan ang sprain nang may sapat nahigpit. Maaari ding gumamit ng balangkatkung matindi ang kirot at pamamaga.
� Pagtaas (Elevation)Itaas din ang bahaging apektado upangmakatulong sa pagbawas ng pananakit atpamamaga. Hayaang nakataas ang naturangbahagi ng 24 oras.
Kagat ng ahasKagat ng makamandag na ahas
� May 2 marka ng pangil� Matinding kirot sa lugar na kinagatan� Ang sugat ay namamaga at nag-iiba ng kulay
Kagat ng hindi makamandag na ahas
� May dalawang linya ng mga ngipin nguni�twalang marka ng pangil
Pangangasiwa
� Pakalmahin ang pasyente.
� Huwag pagagalawin ang bahaging kinagat.
� Panatilihing nakababa ang nakagat nabahagi (mas mababa kaysa puso).
� Hugasan ang kinagat na bahagi sa umaagosna tubig at sabon.
� Lagyan ng tali sa itaas ng bahaging nakagat,huwag masyadong higpitan, tiyaking maydumadaloy na dugo papunta sa bahagingnakagat.
� Dalhin kaagad ang pasyente sa malapit napagamutan.
Mga dapat bantayan:
Mga palatandaan ng shock:� Namumutla� Nanlalamig ang katawan� Nangingitim ang labi� Hirap huminga� Mabilis o mabagal ang tibok ng puso
76
community volunteer health workers� manual
BILUGAN ANG TAMANG SAGOT:
Katungkulan ng CVHW:
1. Bilang tagapangalaga ng kalusugan, ang CVHWay inaasahan na:
a) magturo ng tamang pag-aayos ng kapaligiran
b) tulungan ang komunidad na isagawa angkanilang programang pangkalusugan
k) magbigay ng payo ukol sa tamangpangangalaga sa katawan
d) magbigay ng pangunang lunas sa maysakit
2. Bilang guro, ang CVHW ay inaasahan na:
a) irekomenda ang mga pasyenteng maykomplikasyon sa Medical Health Officer
b) magbigay ng sapat na tulong sa pagitan ngkomunidad at ahensyang lokal
k) magbigay ng kaukulang kaalaman atkakayahan ukol sa programang kalusugan samamamayan
d) himukin ang komunidad na gumawa ngplanong pangkalusugan
3. Bilang tagapag-organisa, tungkulin ng CVHWna:
a) isaayos ang komunidad upang magkaroon ngsariling kakayahan at kaalaman sa tamangkalusugan
b) magbigay ng payo ukol sa masustansyangpagkain
k) ibahagi ang kaalaman ukol sa halamanggamot
d) magbigay ng kaalaman ukol sa halaga ngmalinis na kapaligiran at pagpapanatili nito
4. Ang mabisang CVHW ay:
a) may layuning ibahagi ang kanyang kaalamansa iba
b) bukas ang isip sa mga puna at pagtatasagaling sa kanyang mga kasamahan
k) nag-aaral at nagsasaliksik upang lumawakang kaalaman
d) lahat ng a, b, k
5. Ang katungkulan o gawain ng CVHW ay:
a) sari-sari at depende sa sitwasyon
b) magkaroon ng kaalaman upang magampananng tama at mabisa ang gawain
k) nakasalalay sa pagkakaroon ng positibongpananaw at dedikasyon sa kanyang gawain
d) lahat ng a, b, k
Pagsusulit at ebalwasyon
77
community volunteer health workers� manualappendikspagsusulit at ebalwasyon
Konsepto ng kalusugan at pagkakasakit
1. Ang kalusugan ay ang:
a) kawalan ng sakit
b) malusog na katawan at mahusay napagpapasya
k) malakas na katawan at matatag na emosyon
d) kabuuang pisikal, pangkaisipan atpanlipunang kaginhawaan ng isang tao
2. Ang panloob na sanhi ng pagkakasakit ay ang:a) pisikal na depekto mula sa pagkapanganakb) mikrobyok) digmaand) alak, sigarilyo
3. Ang panlabas na sanhi ng pagkakasakit ay ang:a) mahinang resistensyab) namanang gawi na maaaring magdulot
ng sakitk) pagodd) mikrobyo dala ng maysakit na tao, hayop
o insekto
4. Ang sakit ay dulot ng magkakarugtong napangyayari tulad ng:a) kahirapan malnutrisyon sakitb) kahirapan maruming tubig sakitk) kahirapan kulang sa kaalaman sakitd) Kahirapan kalamidad sakit
Physical diagnosis
1. Sa pakikipanayam sa pasyente, hindi dapat:
a) paupuin nang komportable ang pasyente
b) siguraduhing may privacy ang gagawingpanayam
k) kahit emergency, dapat unahin angpakikipanayam tungkol sa pangkalahatangdatos (general data) ng pasyente.
d) ituon ang talakayan sa problema ngmaysakit
2. Sa pag-iksamen ng pasyente (physicalexamination), alin ang hindi dapat gawinng CVHW:
a) ipaliwanag ang gagawing iksaminasyon
b) ipagsabi ang resulta ng iksaminasyonng pasyente sa kapwa CVHW
k) iksaminin ang pasyente sa maliwanagna lugar
d) tiyakin na komportable ang posisyon ngpasyente
3. Kung nag-iiksamen ng tiyan ng pasyente, anoang tamang posisyon?a) nakatayo nang diretsob) nakaupo nang maayosk) nakahiga nang diretsod) nakahiga nang nakabaluktot ang
dalawang tuhod
4. Anu -ano ang 3 bahagi ng physicalexamination (PE)?
a) pangkabuuang kalagayan (generalcondition), mahahalagang palatandaan(vital signs), at pangkabuuang iksaminasyon(general examination)
b) pangkalahatang datos (general data),mahahalagang palatandaan, atpangkabuuang iksaminasyon
k) mahahalagang palatandaan, historyof present illness at pangkabuuangiksaminasyon
d) pangkalahatang datos, mahahalagangpalatandaan, at pangkabuuang kalagayan
5. Ang normal na bilis ng paghinga ng isangmatandang pasyente ay:a) 12-20 bawat minutob) 25-30 bawat minutok) 40-60 bawat minutod) 70-90 bawat minuto
78
community volunteer health workers� manualappendikspagsusulit at ebalwasyon
Ubo at sipon
1. Ang karaniwang sanhi ng ubo�t sipon ay:a) pagkabilad sa arawb) impeksyon dulot ng virus o bakteryak) virus, bakterya, polusyon, allergy,
paninigarilyod) pagkababad sa tubig o naulanan
2. Ang komplikadong sipon at ubo ay:a) maaaring gamutin sa bahayb) karaniwang mababa lamang ang lagnatk) tumatagal ng 5 araw lamangd) kailangang isangguni sa doktor o dalhin
sa ospital
3. Upang pababain ang lagnat sa simpleng uboat sipon, maaaring gawin ang mga sumusunod:a) wastong pagkain at nutrisyonb) pagpupunas sa katawan lalo na sa singit
at kili-kilik) pagpapainom ng maraming tubig o fruit
juiced) sapat na pahinga
4. Mga halamang gamot na maaaring gamitinsa simpleng ubo at sipon:a) lagundi, SLK, oreganob) SLK, sambong, tsaang gubatk) oregano, akapulko, niyog-niyogand) sambong, oregano, SLK
5. Ang simpleng ubo at sipon ay:a) kumakalat sa pamamagitan ng pag-ubo
o pagbahingb) kalimitang hindi nangangailangan ng gamot
o antibayotikok) impeksyon ng upper respiratory tractd) Lahat ng a, b, k
Pagtatae
1. Ang pagtatae ay:a) madalas na pagdumi ng tunaw
o basang dumib) nangangailangan ng gamot tulad ng
antibayotikok) hindi nakamamatayd) hindi nakahahawa
2. Maiiwasan ang pagtatae kung:a) pananatilihing malinis ang pangangatawan
at paligidb) iinom ng juicek) magpapabakuna laban sa tigdasd) kakain nang wasto
3. Mga dapat obserbahan sa pagtatae:a) sobrang uhaw, panunuyo ng labi, lubog
na matab) pagkain nang sobrak) pag-inom ng tubigd) pagkawala ng sigla
4. Mga maaaring gamiting pamalit-likido:a) Oresol, sabaw ng buko, gatas ng inab) bayabas, tsaang gubat (nilagang dahon)k) oregano, sambongd) lagundi, SLK
5. Kailangang magpunta sa doktor kung may:a) grabeng pagkatuyotb) may dugo ang dumik) tumatagal ng 4 na araw o isang araw na may
grabeng pagtataed) Lahat ng a,b,k
79
community volunteer health workers� manualappendikspagsusulit at ebalwasyon
Bulate
1. Ang isang 5 taong gulang na lalaki aysiguradong may bulate kung siya ay:a) malaki ang tiyanb) mahina sa klasek) may lumalabas na bulate sa puwitd) nagtatae na may dugo
2. Nagtuturo ka sa pag-iwas sa hookworm.Kailangang matutunan ng mga tao na angpag-iwas dito ay sa pamamagitan ng:a) paggamit ng tsinelasb) huwag uminom ng softdrinksk) uminom ng pampurga tuwing ikatlong buwand) uminom ng vitamins araw-araw
3. Nagtuturo ka sa pag-iwas sa ascaris.Kailangang matutunan ng mga tao na ang pag-iwas dito ay sa pamamagitan ng:a) pag-inom agad ng antibayotiko kung magtaeb) pagsunod sa mga alituntunin sa kalinisank) pagkain ng maraming tableta ng Enervon-Cd) pagsusuot ng sombrero
4. Ano ang kumplikasyon ng trichuris owhipworm?a) pangangati ng puwitb) pagiging mahina sa klasek) pagiging makakalimutind) pagluwa ng tumbong
5. Ang mga bulate sa ating tiyan o bituka ay:a) nakatutulong magtunaw sa mga pagkainb) pumapatay sa mga mikrobyo na sumasama
sa ating kinakaink) masama lamang kung sobrang maramid) hindi normal sa ating katawan at wala itong
naitutulong sa atin
Sistema ng pag-ihi
1. Alin sa mga sumusunod na parte ng katawanang hindi bahagi ng sistema ng pag-ihi?a) bato (kidney)b) tubo (ureter)k) pantog (urinary bladder)d) puwit (anus)
2. Ano ang isang halamang gamot na pampaihi?a) yerba buenab) lagundik) sambongd) pansit-pansitan
3. Ilang baso ng tubig bawa�t araw ang dapatinumin ng isang taong may bato sa bato opantog?a) 3-5 basob) 5-7 basok) 7-11 basod) 12-15 baso
4. Bakit madalas magkaroon ng impeksyon sa ihiang mga babae kaysa lalake?a) nasa dugo iyanb) mas madalas umupo sa maiinit ang babaek) mas maiksi ang urethea ng babae kaysa sa
lalaked) mas mahilig kumain ng matamis ang mga
babae
5. Ano ang pinakakaraniwang sakit na nakaa-apekto sa sistema ng pag-ihi?a) impeksyon sa ihi (UTI)b) bato sa bato o pantogk) glomerulonephritisd) lupus nephritis
80
community volunteer health workers� manualappendikspagsusulit at ebalwasyon
Mataas na presyon
1. Maaring masabing ang isang tao ay tiyak namay mataas na presyon kung siya ay:a) sumasakit ang batokb) madalas sumakit ang ulok) nagsusukad) makukuhanan ng presyon ng mas mataas
sa 140/90 tatlong beses sa isang linggo
2. Ang mataas na presyon ay:a) nakahahawab) namamanak) sakit lamang ng buntisd) sakit lamang ng mga naninigarilyo
3. May pasyente kang may mataas na presyon.Tinanong ka niya kung paano sana itomaiiwasan. Ang sagot mo sa kanya ay:a) huwag maging tamadb) uminom kaagad ng gamot kung masakit ang
batokk) magpa-iksamin ng blood pressure araw-araw
sa ospitald) iwasan ang bisyo at bawasan ang pagkaing
maalat at mataba
4. Ano ang dapat mong ituro sa isang grupo ngmga tao sa barangay tungkol sa pag-iwas samataas na presyon?a) magpunta sa gym araw- araw para mag-
ehersisyob) laging matulog ng 8 oras tuwing gabi o mas
matagal pa ritok) huwag masyadong magpagod sa trabahod) iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng
alak
5. Ano ang maaaring maging karagdagang sakit ngisang tao na may mataas na presyon?a) sakit sa pusob) sakit sa balatk) bulated) luga
Pananakit ng katawanTAMA O MALI
__________ 1. Ang sakit ng ulo ay maaaringmaging senyales ng malalang sakit kung itoay unang atake sa pasyente at may kasamanglagnat, paninigas ng leeg o pagsusuka.
__________ 2. Mahalaga ang lokasyon atkatangian ng chest pain.
__________ 3. Kailangang dalhin kaagad saospital ang pasyente kung ang pananakit ayparang may dumadagan sa dibdib at hirapsa paghinga, dahil baka sakit sa puso.
__________ 4. Ang sakit ng kalamnan atkasukasuan ay maaaring sanhi ng malingpag-upo.
__________ 5. Ang lagundi o paracetamolay maaaring gamitin upang maibsan angpananakit ng kalamnan.
Rational drug useBILUGAN ANG TAMANG SAGOT:
1. Ang mahalagang batas na nagsasabi na dapatisulat ng mga doktor ang generic na pangalanng mga gamot ay ang:a) Generics Act of 1988b) Voluntary Blood Donation Actk) Magna Carta of Public Health Workersd) Medical Act of 1959
2. Ang mga dapat tandaan sa paggamit ng gamotay:a) SANE-Q - (Safety, Affordability, Need,
Efficacy, Quality)b) KBP - (Kita, Pera, Benta)k) ADS - (sumusunod sa payo ng advertisement)d) SMART - (Simple, Measurable, Attainable,
Realistic, Time-bound)
81
community volunteer health workers� manualappendikspagsusulit at ebalwasyon
3. Ang pinaka mahusay na pampalambot atpampalabas ng plema ay:a) carbocisteineb) amoxicillink) tubigd) terbutaline
4. Mahal ang presyo ng gamot sa Pilipinas dahil:a) imported at gawa ng mga dayuhang
kompanya
b) sadyang mahal ang gamotk) mahirap itong gawind) kaya ng mga Pilipino ang bumili ng mahal
na gamot
5. Ang antibayotiko ay gamot laban sa:a) virusb) bakteryak) masamang hangind) hindi natunawan
82
community volunteer health workers� manualappendikspagsusulit at ebalwasyon
Ebalwasyon sa pagsasanay
Upang matulungan kami na higit na mapabuti angsumusunod na mga pagsasanay, kailangan naminang inyong mga puna at rekomendasyon. Sana aymaging tapat kayo sa inyong pagsusuri.
1. Sa kabuuan, ano ang tingin ninyo sanilalaman ng natapos na training workshop?
2. Ano ang tingin ninyo sa pamamaraan ngpagtuturo?
3. Mangyaring magbigay kayo ng puna sa mganagturo (resource persons) at nagpadaloy(facilitator) sa pag-aaral.
4. Magbigay ng mga puna hinggil sa:a) partisipasyon ng mga mag-aaralb) sarili mong partisipasyon
5. Sa mga pag-aaral na iyong dinaluhan, alinang:
a) Nagbigay ng pinakamaraming kaalaman(most informative). Bakit?
b) Pinaka-nakaeengganyo (mostinteresting). Bakit?
k) Higit na magagamit (most useful). Bakit?
6. Ano ang mga paksang kailangan ng dagdagna talakayan o paglilinaw?
7. Iba pang mga puna o rekomendasyon.
Maraming salamatat nawa�y maging mahusayka na Community VolunteerHealth Worker!