conceptong ppel

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/8/2019 conceptong ppel

    1/10

    Pamantasang Normal ng Pilipinas

    Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan

    Departmento ng Agham Panlipunan

    Taft, Manila

    Konseptong Papel

    Sa

    Philosophical and Theoretical Perspective in the Social Sciences

    Youth Empowerment is Evident in the Philippines

    Ipinasa ni:

    Llamzon, Maricar S.

    Novato, Angelo N.

    Ipinasa kay:

    Dr. Zenaida Quezada-Reyes

    Professor

    Date submitted:

    September 18, 2009

  • 8/8/2019 conceptong ppel

    2/10

  • 8/8/2019 conceptong ppel

    3/10

    ng demokratikong kabataan, at national union of students, upang maglunsad ng mga

    kilos protesta sa mga unibersiad o paaralan at sa mga komunidad sa sang kapuluan

    upang kondinahin ang rehimeng Marcos. Sinasabing noong mga panahon na ito ay ang

    mga intelektual ay nkihalo na rin sa ibat ibang grupo gaya nalamang ng partido

    komunista ng Pilipinas at ng MNLF o moro national liberation front na pinamumunuan

    ng mga batang pinuno. Ngunit ng ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang batas

    militar ay nakaranas ng supresyon ang pagkilos ng mga mamamayan kasama na rito

    ang mga organisayong pang kabataan. (NYC 1997b)

    Dahil sa panggigipit noong panahon ng batas militar ay biglaang napatahimik

    ang pagkilos ng mga magaaral. Ang iba ay nag patuloy ngunit sa palihim na paraan at

    ang iba naman ay nangibang bayan. At nagdulot ito ng katahimikan sa mga paaralan at

    komunidad. Noong 1975 ay naglabas ng utos kautusan ang pangulo na lumikha sa

    Kabataang Barangay (KB), na naging kinatawan ng mga kabataan sa pamahalaan.

    Ngunit ang nasabing organisasyon ay nabigo na tingnan ang kabataan bilang isang

    pwersang demokratiko kung kaya ay ay nagpatuloy ang pagusbong ng mga

    organisayong pang-kabataan na may layunin na higit sa KB.

    Sa mahabang panahon ay tila ba nahimlay ang aktibong pakikilahok ng mga

    kabataan dahil narin sa pangiipit at pang-gigipit ng military. Ngunit ng mapawalang bisa

    na ang batas military ay muling nabuhay ang pagkilos ng mga kabataan. Nakilahok sila

    sa ibat-ibang dayalogo gaya nalamang ng pakikipag-usap sa mga opisyal ng mga

    kagawaran ng edukasyon at pambansang tanggulan, upang ipatupad ang kalayaang

  • 8/8/2019 conceptong ppel

    4/10

    pang akademiko at uapng tanggalin nrin ang mga hukbong military sa ibat-ibang

    paaralan.

    Taong 1986, ay binuwag ang kabataang barangay dahil narinn sa kakulangan ng

    mga nagawa at napalitan ng National Youth Commision. Ngunit noong panahon ni

    dating pangulong Corazon Aquino ay napalitan ang KB ng dalawang bagong kakatawan

    sa mga kabataan. Una ay ang Presidential Council for Youth Affairs (PCYA), ikalawa ay

    ang Sangguniang Kabataan na magiging kintawan ng mga kabataan sa lokal na lebel.

    At mula sa mga kaganapan na iyon sa ating kasaysayan ay makikita natn na ang

    Malaya at matinding oakikilahok ng mga kabataan ay hndi nag laho bagkus ay lalo pang

    napagyayaman sa pagdaan ng panahon.

    B. Pagbibigay kahulugan

    Ang mga salita na bibigyang kahulugan ay gagamitin sa presentasyon ng papel na ito.

    (ngunit ang iba ay hind talaga makikita dahil sa ang mga salitang ito ay batayang salik

    lamang)

    Kabataan = ang mga kabataan ay ang mga taong nasa pagitan ng edad na 7

    hanggang 30 taong gulang, iyan ay batay sa pinag samasamang kwalipikasyon

    mula sa ibat-ibang kagawaran ng pamahalaan.

    Empowerment = refers to increasing the spiritual, political, social or economic

    strength of individuals and communities. It often involves the empowered

    developing confidence in their own capacities.

  • 8/8/2019 conceptong ppel

    5/10

    Dilemma = ayon kay Peter M. Blau ay ang pagbabanggaan ng inters ng mga

    may ugnayan.

    Dynamics = ayon kay Peter M. Blau ito ay ang paglaban ng isang grupo sa taong

    nasa posiyon dahil sa nasagasan niyang mga prebelehiyo at karapatan.

    Dialectic = ayon sa aklat na Contributions to Naturalistic Sociological Theory ito

    raw ay ang mga nag babang-ggaang pwersa.

    Midya = ay ang isang institusyon na maaaring bumuklod sa kaalaman ng mga

    tao. Ito ay maaaring sinasabi ni Blau na institution for unification.

    C. Conceptual Framework

    Salik indibidwal

    Gampanin ngPamahalaan

    Gampanin ng

    Mid a/media

    Youth Empowerment

  • 8/8/2019 conceptong ppel

    6/10

    Assumptions

    Batay sa aming mga nabasa patungkol sa Youth Empowerment at Youth

    Participation, ay napag-kasunduan naming at nakarating kami sa mga

    sumusunod na mga palagay:

    1. Kapag ang tao ay nalalagay sa sitwasyon kung saan ay hindii na patas ang

    pagtingin at pag trato sa kanya ay maaaring maging sanhi ng pag hamon ng di-

    dominanteng kapangyarihan sa mas dominanteng kapangyarihan. (Blau;

    Contributions to Naturalistic Theory, p. 59)

    2. Ang hindi pagkakapantay-pantay ay maaaring magdulot ng oposisyon mula sa

    grupo ng minorya. (Blau; Contributions to Naturalistic Theory, p.59-60)

    3. Ang kaugalian bilang isang midya ng buhay panlipunan at tagapag-ugnay sa

    transaksyong panlipunan. (Blau 1964: 255)

    4. Ang malawak at hati hating lipunan ay nagangailangan ng panibagong

    makenismo upang tumulong sa pagbuo ng kolektibong pagtingin sa isang bagay.

    (Blau; 1964: 253)

    Hypothesis

    1. Sa dami palamang ng bilang ng kabataan sa Pilipinas at sa tindi ng problema sa

    sector na ito ay dapat na lalo pang dumami ang pagiisip at pagssagawa ng

    programa para sa kabataan. (Djorina Velasco)

  • 8/8/2019 conceptong ppel

    7/10

    2. Sa mga bansang laganap ang kahirapan gaya ng Pilipinas, ay nalalaman ng

    mga kabataan ang mtinding problema na kanlang kinakaharap. (Djorina Velasco)

    3. Ang tindi ng reporma ay babatay sa katangian ng pagbibigay laya sa pagtatayo

    ng konstituwensya na tumatalikwas sa makalumang pamamaraan ng pulitika.

    (Djorina Velasco)

    II. Pagaanalisa ng mga Datos

    Ano ang mga indibidwal na salik na na nagbabahagi sa Youth Empowerment?

    Una, ay ang karanasan, kung ating titingnan mula pa sa nakaraan

    patungo sa kasalukuyan ay naging isang malaking salik na ng pagpapartisipa ng

    mga kabataan sa pagkilos. Halimbawa, noong panahon ni dating Pangulong

    Marcos isa sa nag-udyok sa pagkakabuo ng mga organisasyong pang kabataan

    gaya na lamang ng KM, ay ang supresyon na kanyang ipinatutupad laba sa mga

    kabataan. Ikalawa, ay ang antas na naabot sa pag-aaral, ang salik na ito ay

    napakahalaga sapagkat isa sa malaking bahagdan ng mga kilusan ng kabataan

    ay matatagpuan sa mga paaralan. Sa gayon napakahalaga talaga ng mataas na

    antas ng pinag-aralan o sabihin na nating sapat lang upang maunawaan ang

    tunay na kalagayan ng bayan. Ang ikatlo at huli, ay ang pagtingin o tindig sa mga

    bagay-bagay na nagaganap sa kanyang kapaligiran dahil maaaring nagmula nga

    ang isang tao sa isang maayos na institusyon ngunit iba naman ang takbo ng

    kanyang isip. Gaya nalamang ng lumabas sa survey ng SWS na ibat-iba ang

  • 8/8/2019 conceptong ppel

    8/10

    palagay ng mga kabataan pagdating sa kanilang mga hinahangad sa buhay.

    Isang halimbawa lang naman ito na magpapakita na ang tao ay may ibat-ibang

    disposisyon o paraan ng pag-iisip.

    Papel na ginagampanan ng Pamahalaan

    Bilang taga pamahala ng lahat sa bansa ay dapat may mga

    gampaning nararapat sundin ang o gawin ang pamahalaan, at isa na rito

    ang pagsiguro sa mabuting kalagayan ng kabataan.

    Anu-ano ba ang mga nagawa a ng gobyerno para sa kabataan?

    Sinasabing marami na ring nagawa ang gobyerno at ito ay ang mga

    sumusunod:

    - Ang pagtatag ni Marcos ng kabataangg barangay upang tumugon sa

    mga pangangailangan ng kabataan.

    - Ang paghalili ng sangguniang kabataan sa kabataang barangay. Muli

    ay magbigay tining sa mga kabataan at tumugon sa kanilang mga

    pangangailangan.

    - Ang pagtatatag ng National Youth Commission upang isulong ang

    pangangailangan ng kabataan.

    - Ang pagkabuo ng NYP o ng National Youth Parliamentupang maging

    local na representante sa mga kabataan.

    - Ang palalaan ng pwesto sa kongreso pra sa kabataann sa tulong party

    list act.

  • 8/8/2019 conceptong ppel

    9/10

    - At first time voters project na naglalayong tulungan ang mga first time

    voters.

    Gampanin ng Media

    Ayon kay Peter M. Blau, na ang isang malawak at malaking lipunan

    ay mahirap magkaroon ng agarang pagkalat ng impormasyon, at

    kaalaman at dahil sa ganun ay kailangan ng isa pang mekanismo upang

    magdugtong sa hiwa-hiwalay na institusyon ng lipunan. At kami ay

    naniniwala na ang media ay ang mekanismong iyon dahil sa madalian at

    walang imbot nitong ipinapakita ang mga bagay na dapat malaman ng

    taong bayan.

    Kaalaman ,Pag-uugali,Aksyon

    Naniniwala kami ng aking kapareha na ang tatlong ito ay

    mahalagang salik ng pagmumulat sa kabataan dahil, itong tatlong ito ang

    pinaniniwalaang bumubuo sa isang tao, may isip, puso, at gawa.

    Konklusyon

    Ang kabataan ay maaari nating tingnan bilang kapareha ng lipunan, na

    kung saan ay naging pabayang kapareha ang pamahalaan at hindi nito

    naibigay ang pangangailangan ng mga kabataan na magiging sanhi ng

    dilemma na tutungo sa pagkilos ng kabataan. Dahil na rin sa hindi

  • 8/8/2019 conceptong ppel

    10/10

    naibibigay o naaabuso ng mga nakaupong opisyal ang mga nasabing

    pangangailangan ng kabataan, na magdudulot ng oposisyon at paghamon

    sa mga nasa katungkulan. Kung ating bibigyang puna ang mga bagay na

    aming inilahad ay maaari nating sabihin na bukas na nga ang kamalayan

    ng mga kabataan at handa na sila, hindi man ang lahat, kumilos para sa

    kanilang kinabukasan.

    Mga Sanngunian:

    Roman, Guillermo Q. Empowerment in the Academe: its related concept

    and related factors

    Velasco, Djorina. Rejecting Old style Politics

    Srenghtening youth Leadership for a Sustainable Human Rights

    advocacy: 4th Youth Summer

    .Republic Act No. 7160, An Act Providing for a Local government Code of

    1991, Chapter : Sangguniang Kabataan

    www.youthparticipation.com.ph

    www.Go!youngparticipation.org

    www.NYC.org.ph

    www.chanrobles.com/republicactno8044.htm