5
MGA PAARALANG LOYOLA PAMANTASANG ATENEO DE MANILA SILABUS Bilang ng Kurso : Fil 222.1/121.1 Pamagat : Pagsasalin: Teorya at Praktis Semestre at Akademikong Taon : Unang Semestre, 2015-16 Guro : Michael M. Coroza, PhD Iskedyul at Silid : Biyernes, 6:00 - 9:00, Silid AILAP A. PAGLALARAWAN NG KURSO Nakatuon ang pag-aaral sa mga teorya at kritikal na pagsusuri ng iba’t ibang tekstong pampanitikan, pangkultura, atbp, na naisalin sa Filipino tungo sa pagpapahalaga sa pagsasalin hindi lamang bilang isang gawaing lingguwistiko kundi isang dinamikong aktibidad na pangkultura. Inaasahang sa masusing pagtunghay sa mga huwarang praktis sa pagsasalin, aktibong makasasangkot ang mga mag-aaral sa aktuwal na pagsasalin sa Filipino ng iba’t ibang tekstong pampanitikan, pangkultura, atbp. B. MGA INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO 1. Naipaliliwanag at nagagamit ang mga pangunahing teorya sa pagsasalin mulang Kanluran at Filipinas sa kritikal na pagsusuri ng mga aktuwal na naisaling ibat ibang teksto sa Filipino. 2. Nakakikilala at nakapagpapahalaga sa birtud ng ibat ibang proyektong salin batay sa kontekstong nagbunsod sa pagsasalin, mga estratehiyang ginamit sa pagsasalin, at sa naging bisà ng salin sa wika at kulturang pinagsalinan. 3. Nakapagsasalin sa Filipino ng mga tiyak na pampanitikang anyotula, kuwento, dulamulang Ingles (o iba pang wikang alam ng estudyante) nang may kritikal na pagkamalay at pagsusuri sa prosesong pinagdaanan sa pagsasalin. C. BALANGKAS NG KURSO 1. Kung Anong Hayop ba ang Pagsasalin: Mga Pangunahing Teorya at Praktika Mulang Kanluran at Filipinas 1.1 Hinggil sa Pagsasalinni John Dryden (Hango ni Virgilio S. Almario) 1.2 Hinggil sa Wika at mga Salitani Artur Schopenhauer (Salin ni Fidel Rillo) 1.3 Hinggil sa Ibat Ibang Pamamaraan ng Pagsasalinni Friedrich Schleiermacher (Salin ni Roberto T. Añonuevo) 1.4 Mga Pagsasalinni Johann Wolfgang Von Goethe (Salin ni Rebecca T. Añonuevo)

Coroza Fil 222.1 - 121.1 Silabus Unang Semestre

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ddc

Citation preview

Page 1: Coroza Fil 222.1 - 121.1 Silabus Unang Semestre

MGA PAARALANG LOYOLA

PAMANTASANG ATENEO DE MANILA

SILABUS

Bilang ng Kurso : Fil 222.1/121.1

Pamagat : Pagsasalin: Teorya at Praktis

Semestre at Akademikong Taon : Unang Semestre, 2015-16

Guro : Michael M. Coroza, PhD

Iskedyul at Silid : Biyernes, 6:00 - 9:00, Silid AILAP

A. PAGLALARAWAN NG KURSO

Nakatuon ang pag-aaral sa mga teorya at kritikal na pagsusuri ng iba’t ibang tekstong

pampanitikan, pangkultura, atbp, na naisalin sa Filipino tungo sa pagpapahalaga sa

pagsasalin hindi lamang bilang isang gawaing lingguwistiko kundi isang dinamikong

aktibidad na pangkultura. Inaasahang sa masusing pagtunghay sa mga huwarang praktis

sa pagsasalin, aktibong makasasangkot ang mga mag-aaral sa aktuwal na pagsasalin sa

Filipino ng iba’t ibang tekstong pampanitikan, pangkultura, atbp.

B. MGA INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO

1. Naipaliliwanag at nagagamit ang mga pangunahing teorya sa pagsasalin mulang

Kanluran at Filipinas sa kritikal na pagsusuri ng mga aktuwal na naisaling iba’t ibang

teksto sa Filipino.

2. Nakakikilala at nakapagpapahalaga sa birtud ng iba’t ibang proyektong salin batay sa

kontekstong nagbunsod sa pagsasalin, mga estratehiyang ginamit sa pagsasalin, at sa

naging bisà ng salin sa wika at kulturang pinagsalinan.

3. Nakapagsasalin sa Filipino ng mga tiyak na pampanitikang anyo—tula, kuwento,

dula—mulang Ingles (o iba pang wikang alam ng estudyante) nang may kritikal na

pagkamalay at pagsusuri sa prosesong pinagdaanan sa pagsasalin.

C. BALANGKAS NG KURSO

1. Kung Anong Hayop ba ang Pagsasalin:

Mga Pangunahing Teorya at Praktika Mulang Kanluran at Filipinas

1.1 ―Hinggil sa Pagsasalin‖ ni John Dryden (Hango ni Virgilio S. Almario)

1.2 ―Hinggil sa Wika at mga Salita‖ ni Artur Schopenhauer (Salin ni Fidel

Rillo)

1.3 ―Hinggil sa Iba’t Ibang Pamamaraan ng Pagsasalin‖ ni Friedrich

Schleiermacher (Salin ni Roberto T. Añonuevo)

1.4 ―Mga Pagsasalin‖ ni Johann Wolfgang Von Goethe (Salin ni Rebecca T.

Añonuevo)

Page 2: Coroza Fil 222.1 - 121.1 Silabus Unang Semestre

Fil 222.1/121.1 Silabus • Dr. M. Coroza 2

1.5 ―Ang Tungkulin ng Tagasalin‖ ni Walter Benjamin (Salin ni Michael M.

Coroza)

1.6 ―Hinggil sa mga Aspektong Lingguwistiko ng Pagsasalin‖ ni Roman

Jakobson (Salin ni Michael M. Coroza)

1.7 ―Pagsasalin Bilang Pananakop‖ ni Virgilio S. Almario

1.8 ―Ang Pagsasalin Bilang Pagsasanay at Kasanayan‖ ni Michael M. Coroza

1.9 ―Ang Hamon sa Pagsasalin ng mga Teknikal na Sulatin‖ ni Mario I. Miclat

1.10 ―Muling-Tula Bilang Hamon sa Pagsasalin ng Tula‖ ni Virgilio S.

Almario

1.11 ―Ang Pitong Halik ni Hudas‖ ni Jerry C. Respeto

1.12 ―Migrasyon at Pagsasalin: Pagsasa-Ingles ng Apat na Tulang Migrante sa

Filipino‖ ni Romulo P. Baquiran Jr.

2. Sigla sa Siglo ng Pagsasalin: Sulyap-Suri sa Kasaysayan at mga Tekstong

Salin sa Filipinas

2.1 ―Sulyap sa Kasaysayan ng Pagsasalin sa Filipinas‖ ni Virgilio S. Almario

2.2 Mga Pagsasalin Mula sa Doctrina Christiana (1593) hanggang sa

Guilermo Tell ni Rizal (1892)

2.3 Mula kina Joaquin Tuason (1890s) at Gerardo Chanco (1900s) hanggang

kina Rolando Tinio at Bienvenido Lumbera (1970s) o Mula kay

Shakespeare hanggang kay John Green

2.4 Mulang Konstitusyon hanggang Manwal ng Cell Phone: Mga Pagsasalin

sa Likas na Agham at Agham Panlipunan

3. Pasalin-salin Pag May Oras

3.1 Pagsasalin ng Tula at Awit (Saling-awit)

3.2 Pagsasalin ng Maikling Kuwento

3.3 Pagsasalin ng Dula (Bahagi)

3.4 Pagsasaling Teknikal (Manwal ng Cell Phone o anumang kagamitang may

abanteng teknolohiya, diskursong pilosopiko, sanaysay pang-agham,

kontratang legal, atbp.)

Page 3: Coroza Fil 222.1 - 121.1 Silabus Unang Semestre

Fil 222.1/121.1 Silabus • Dr. M. Coroza 3

D. MASAKLAW NA TALAAN NG MGA SANGGUNIAN

1. Batayang Sanggunian

Almario, Virgilio S. Introduksiyon sa Pagsasalin: Mga Panimulang Babasahin Hinggil

sa Teorya at Praktika ng Pagsasalin. Maynila: Seryeng Aklat ng Bayan, Komisyon sa

Wikang Filipino (KWF) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA),

2015.

Venuti, Lawrence. The Translation Studies Reader. 3rd

ed. London at New York:

Routledge, 2012.

2. Mga Panukalang Babasahin

Antonio, Lilia F. Apat na Siglo ng Pagsasalin: Bibliyograpiya ng mga Pagsasalin sa

Filipinas (1593-1998). Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino Sistemang

Unibersidad ng Pilipinas, 1999.

Arrowsmith, William at Roger Shattuck. The Craft and Context of Translation. Austin:

The University of Texas Press, 1961.

Bassnett, Susan. Translation Studies. 4th

ed. London at New York: Routledge, 2014.

Bassnett, Susan, ed. Translating Literature: Essays and Studies. Suffolk: DS Brewer,

2001.

Bassnett, Susan at Harish Trivedi, ed. Post-colonial Translation: Theory and Practice.

London at New York: Routledge, 1999.

Grossman, Edith. Why Translation Matters. New Haven & London: Yale University

Press, 2010.

Hermans, Theo, ed. The Manipulation of Literature: Studies in Literary Translation. New

York: St. Martin’s Press, 1984.

Lefevere, Andre. Translation/History/Culture: A Sourcebook. London & New York:

Routledge, 1992.

Rafael, Vicente L. Contracting Colonialism: Translation and Christian Conversion in

Tagalog Society under Early Spanish Rule. Quezon City: Ateneo De Manila

University Press, 1988.

Rafael, Vicente L. The Promise of the Foreign: Nationalism and the Technics of

Translation. Philippine Edition. Pasig City: Anvil Publishing, Inc., 2005.

Williams, Jenny. Theories of Translation. Hampshire at New York: Palgrave Macmillan,

2014.

Zafra, Galileo, ed. Ikatlong Sourcebook ng SANGFIL: Pagsasalin. Manila: National

Commission for Culture and the Arts, 2010.

Page 4: Coroza Fil 222.1 - 121.1 Silabus Unang Semestre

Fil 222.1/121.1 Silabus • Dr. M. Coroza 4

E. MGA KAHINGIAN NG KURSO

30% Lima pataas na indibidwal na pag-uulat

30% Lima pataas na kritikal na komentaryo/panunuri (3-5 pahina)

40% Pangwakas na papel/proyektong pananaliksik (15-25 pahina)

Mahalaga: Mga letrang pangmarka na A, B+, B, C+, C, D, at F para sa Di-Gradwado

at A, B+, B, C+, at C para sa Gradwado ang ginagamit ng guro sa ebalwasyon ng mga

pinagsumikapan ng mag-aaral. Sa pagkuwenta ng panapos na marka, kukunin ang

average ng lahat ng nakuhang marka sa bawat kahingian batay sa katumbas na

halagang numeriko ng bawat letra. Ang average ng lahat ng marka sa bawat kahingian

ang siyang pangwakas na marka.

F. MGA PATAKARAN SA KLASE

1. Maliban na lamang kung may mabigat na dahilan, iwasan ang pagliban sa klase.

Walang espesyal na pagsusulit o proyekto para sa sinumang hindi nakakuha,

nakagawa, o nakapagpasa nito dahil sa pagliban, anupaman ang dahilan.

2. Sa loob ng klase ginagawa ang pagpapása ng anumang proyekto. Mamarkahan ng

huli at may kaangkop na bawas sa puntos na makukuha ang anumang proyekto

na huling ipinása.

3. Kung may hindi malinaw sa mga tinatalakay o takdang ipinagagawa, huwag mag-

atubiling lapitan o kausapin ang guro. Kung bagay na hindi nakaeeskandalo at

may kinalaman sa leksiyon, magtaas lamang ng kamay upang matawag ang

pansin ng guro. Kung higit na pansarili o hindi sangkot ang buong klase,

sadyain ang guro sa tanggapan ng Kagawaran ng Filipino sa mga oras ng

konsultasyon.

4. Tungkol sa Pagsulat ng Papel

Maayos na daloy at linaw ng idea ang pangunahing batayan ng pagmamarka

sa papel. Hindi matutupad ang mga kahingiang ito kung hindi magiging

maingat ang mag-aaral sa pagbuo ng mga pangungusap at talata. Samakatwid,

dapat iwasan ang mga kamaliang gramatiko.

Binubuo ng tatlo hanggang limang pahina ang maikling papel. Lima hanggang

dalawampu’t limang pahina naman ang pangwakas na papel. Tandaan ang

mga sumusunod hinggil sa pagbuo ng ipapasang papel:

Papel : A4

Tinta : Itim

Font : Times New Roman 12

Mardyin : 1 pulgada sa lahat ng panig

Pag-eespasyo : dalawahan

Pagpapahina : Ibabâ, dulong kanan

Ang mga impormasyong ito lamang ang dapat makita sa itaas pinakakaliwang

bahagi ng papel: Pangalan (Una ang apelyido), Seksiyon ng klaseng

Page 5: Coroza Fil 222.1 - 121.1 Silabus Unang Semestre

Fil 222.1/121.1 Silabus • Dr. M. Coroza 5

kinabibilangan, Bilang ng papel na ipapása (e.g. Unang Maikling Papel,

Pangwakas na Papel, atbp.), at Petsa ng pagpapása.

Anumang papel na ipapása ay kailangang may malinaw na paksang

pangungusap o paglalahad ng layunin. Sinasagot ng paksang pangungusap

o paglalahad ng layunin ang mga sumusunod: Ano ang gagawin? (Paksa),

Bakit ito gagawin? (Layunin), at Paano ito gagawin? (Pamamaraan)

Karaniwan nang isang talata na may isa hanggang tatlong pangungusap ang

paglalahad ng layuning ito. Ito dapat ang una o panghuling talata ng

introduksiyon o bahaging panimula ng sanaysay. Halimbawa:

Sa maikling pag-aaral na ito, susuriin ang mga kundimang

likha ng mga maestrong sina Bonifacio Abdon, Nicanor Abelardo,

at Francisco Santiago noong bungad ng siglo dalawampu bilang

masining na awit o art song ng Filipinas. Nilalayon nitong

patunayan na karapat-dapat kilalanin at pahalagahan ang

kundiman bilang pambansang anyo ng awit na pinamamayanihan

ng mithing postkolonyal at makabansa ng mga Filipino.

Maisasagawa ito sa pamamagitan ng tematikong pagsusuri sa

mga titik o liriks ng mga tanyag na kundimang nilikha nina Abdon,

Abelardo, at Santiago sa pagitan ng 1898 hanggang 1939, ang

panahong itinuturing ng musiko at historyador na si Antonio

Molina bilang “Ang Panahon ng Kundiman” nang may pagtutuon

ng pansin sa simbolikong pagtuturing sa “pagsuyo ng lalaki sa

babae” bilang “panambitan sa kalayaan.”

G. ORAS NG KONSULTASYON

2:00 – 5:00 ng hapon

Miyerkoles at Biyernes

Kagawaran ng Filipino

3/F De la Costa Hall

Karaniwang matatagpuan ang guro para sa mga konsultasyon sa lugar, araw, at oras

na ito. Gayunman, iminumungkahing magsabi muna ang estudyante sa guro na

darating siya para kumonsulta. Sa gayon, kusang hihintayin siya ng guro at nang hindi

masayang ang pagdalaw. Maaaring tumawag sa telepono bilang 4266001 loc. 5320

upang maipagbilin sa kalihim ng Kagawaran ng Filipino na ipaalala sa guro ang

pagdating ng estudyante. Maaari ring magmensahe sa guro sa pamamagitan ng email:

[email protected].