16
MMDA PINAIGTING ANG CLEARING OPS SA METRO MANILA Ekonomiya ng Pilipinas, bumilis ang paglago ISSN NO. 2672-2631 • TOMO 1 BLG. 4 • BUREAU OF COMMUNICATIONS SERVICES • AGOSTO 2019 Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website. bcs.gov bcs_gov bcs.gov.ph bcs_gov Pagsasabatas ng DDR, suportado ni PRRD 6 I. ATOMPAG Suporta sa RCEF, hinikayat DA SA MAGSASAKA: ANI AT KITA SINIGURO 2 R. CABUGWANG DOH INILUNSAD ANG 4 O’CLOCK HABIT KONTRA DENGUE 2 V. LANDIG 2 I. ATOMPAG 6 V. LANDIG ROBIN, BCS NAGSANIB PWERSA KONTRA FAKE NEWS 9 M. LADISLA Modernisasyon ng makinarya para sa mga magsasaka, sinimulan na MEDIAMAN 3 2 M. LADISLA Whole-of-nation APPROACH 9 M. LADISLA

DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

MMDA pinAigting Ang cleAringops sA Metro MAnilA

ekonomiya ng pilipinas, bumilis ang paglago

ISSN NO. 2672-2631 • TOMO 1 BLG. 4 • BUREAU OF COMMUNICATIONS SERVICES • AGOSTO 2019

Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website. bcs.gov bcs_govbcs.gov.ph bcs_gov

pagsasabatasng DDr,suportadoni prrD

6 i. ATOMPAG

Suporta sa RCEF, hinikayat

DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinigUro2 R. CABUGWANG

DoH inilUnsADAng 4 o’clocKHAbit KontrADengUe 2 V. LANDiG

2 i. ATOMPAG

6 V. LANDiG

robin, bcsnAgsAnibpWersAKontrAFAKe neWs

9 M. LADiSLA

Modernisasyon ng makinarya para sa mga magsasaka, sinimulan na

MeDiAMAn

3

2 M. LADiSLA

Whole-of-nationApproAcH

9 M. LADiSLA

Page 2: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

2Agosto 2019

Balita

“Gagagawin po natin lahat para sa ikauunlad ng ating mga magsasaka. Nandyan po ang goal natin: masaganang ani at mataas na kita. Ani at kita, battlecry po natin.”QUEZON CITY — Ito ang

Suporta sa RCEF, hinikayat

DA SA MAGSASAKA: ANI AT KITA SINIGURONi Raiza F. Cabugwang

tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar nang siya ay kapanayamin ng Balita Cen-tral upang hingin ang panig nito hinggil sa mga pahayag at hinaing ng mga magsasaka

sa Rice Tariffication Law, par-tikular na ng Nagkakaisang Magsasaka Agricultural Pri-mary Multipurpose Coope- rative ng Tabacao, Talavera, Nueva, Ecija, sa pangunguna

ni Chairman Ricardo “Mang Carding” Buenaventura. Matatandaang por-mal nang naisabatas noong Marso 5 ng taong ito ang Rice Tariffication Law o Republic Act No. 11203 na naglala- yong alisin ang limitasyon sa inaangkat na bigas sa bansa upang matugunan ang labis na pagtaas ng presyo nito at mabigyang-pansin ang pag-paparami ng suplay nito sa bansa. Kaugnay nito, nagtungo ang ilang kawani ng Bureau of Communica-tions Services (BCS) noong Agosto 1, 2019 sa tinagu-riang Food Basket sa Inland Luzon, ang Munisipalidad ng Talavera, Nueva Ecija, upang magsagawa ng forum at pho-to exhibit para palawakin ang kaalaman ng mga magsasaka at mangangalakal tungkol sa nasabing batas. Katuwang ng BCS ang DA at ang ilang ahen-sya nito, tulad ng Philippine

QUEZON CITY — Sa ini- labas na ulat ng Institute of Management Development sa kanilang 2019 World Competitiveness Report, umakyat sa ika-46 ang Pili-pinas mula sa ika-50 na posisyon nito noong 2018. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang pagkila-lang ito ay sumasalamin sa patuloy na positibong resulta ng pagsisikap ng bansa tungo sa mas maunlad na ekonom-iya. Matatandaang na-kamit din ng Pilipinas ang pinakamataas nitong cre-dit rating na BBB+ mula sa ulat ng S&P Global nitong kasalukuyang taon. Bukod pa rito, ayon sa Global Com-petitiveness Report 2018 ng World Economic Forum para sa nakaraang taon, ang bansa rin ay kinakitaan ng kapansin-pansing progreso sa aspeto ng imprastraktura, mabuting pamamahala ng mga institusyon sa bansa, at iba pa. Nang tanungin tungkol dito, ipinaliwanag ni BSP Deputy Governor Fran-cisco Dakila, Jr. na sa lahat ng mga kategoryang tining-nan, nakuha ng Pilipinas ang mga pinakamataas na marka nito sa mga kategorya ng economic performance at macroeconomic stability. “For the current ad-ministration, there has been a strong commitment by its Economic Team to pursue the country’s sustained positive performance. In fact, notwithstanding the latest reading of 5.5 percent Gross Domestic Product (GDP) growth in the first half of 2019, the Philippines kept its place as one of the most resilient and fastest growing economies in Asia and in the world,” pahayag ni Deputy Governor Dakila. Ayon din kay Deputy Governor Dakila, malaki ang nakita epekto ng patuloy na pagbaba at pagiging stable ng

Ekonomiya ng Pilipinas,bumilis ang paglagoNi Ivy E. Atompag

Pagsasabatas ng DDR,suportado ni Pangulong DuterteNi Monica N. Ladisla

DOH inilunsadang 4 O’ClockHabit kontradengueNi Vanessa R. Landig

MANILA CITY — Naglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kan- yang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) na paspasan ng Kongreso ang pagsasabatas ng House Bill 6075 o ang pagbuo ng De-partment of Disaster Resil-ience (DDR).

MANILA CITY — Matapos ideklara ng Department of Health (DOH) na may Na-tional Dengue Epidemic sa buong bansa noong Agosto 6, 2019 ay inilunsad agad ang “Sabayang 4 O’Clock Habit” upang tugunan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue at iangat ang antas ng kama-layan ng publiko sa pag-iwas sa nasabing sakit. Hinikayat ni DOH Secretary Francisco Duque III ang ibang ahensya ng gobyerno, local government units (LGUs), mga paaralan, at komunidad na makiisa sa pagsasagawa ng “4 o’clock habit” upang masugpo ang mga pinagpupugaran ng mga lamok. “Starting today, DOH together with other government agencies, LGUs, schools, offices, and com-munities will conduct the Sabayang 4 o’clock habit para

Ito ay bilang pag- hahanda sa The Big One at matapos ang sunod-sunod na pagyanig ng lindol sa Batanes. Ang DDR ang ahensyang itatalaga upang manguna sa disaster pre-paredness, prevention, miti-gation, response, recovery, at rehabilitation.

Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, na siyang nagsusulong ng pagsasabatas ng HB 6075, pangunahing layunin ng DDR na makamit ang zero casualty sa panahon ng mga sakuna. “If the DDR is al-ready operational, we expect hazard maps will be more accurate with less unknown faults such as those during the Bohol Earthquake in 2013, Batangas Earthquakes in 2017, the Zambales earth-quake in 2019 and the recent Batanes earthquake last July 27. Better and more accurate hazard maps ensure better preparation of communities and actions of national and local governments,” pahayag ng Kongresista matapos ang naganap na lindol sa Batanes. Ipinaliwanag din ni Cong. Salceda na sa ilalim ng batas na ito, magkaka-roon ng bagong tungkulin

( ▶ 7 )

( ▶ 11 ) ( ▶ 11 ) ( ▶ 11 )

ZERO CASUALTY — Isinusulong ni Rep. Joey Salceda na maipasa ang HB 6075 o ang Department of Disaster Resilience para makamit ang zero casualty sa panahon ng mga sakuna.

OPEN FORUM — Sinagot nina NEDA Asec. Dr. Mercedita A. Sombilla, Deputy Exec. Director for Special Concerns on the Implementation of Rice Tariffication Law Dr. Flordeliza H. Bordey, PhilMech Director Engr. Raul R. Paz, at LBP VP for the Nueva Ecija Lending Center Mr. Eduardo N. Reyes, Jr. ang mga katanungan at agam-agam ng mga magsasaka tungkol sa Rice Tariffication Law.

Page 3: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

Editoryal 3Agosto 2019

MEDIAMANNi Martin M. Andanar

Noong Agosto 7, 2019 ay bumisita ako sa Surigao Airport kasama sina Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Pro-curement and Project Implementation Giovanni Lopez at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco. Hindi pa po fully operational ang nasabing paliparan na na- pinsala ng 6.7 magnitude na lindol noong Pebrero 2017. Isinasaayos naman ito pero maraming problemang sumulpot dahil sa isyu sa dating con-tractor nito. Isa po akong Surigaonon, at dahil ako ay nasa pamahalaan, lumapit sa akin ang aking mga kalalawigan na baka posibleng makatulong ako na mapabilis ang rehabilitasyon nito. Noong Hunyo 3, 2019 ay inihain ng Pro-vincial Capitol ng Surigao Del Norte ang Resolu-tion No. 103 Series of 2019 na humihiling sa inyong lingkod na mag-intervene sa proyekto. Maging ang Surigao City Chamber of Commerce and Industry Inc. ay naghain din ng ganitong resolusyon noong Hunyo 15, 2019.

Agad akong lumapit sa napakasipag na si Transportation Secretary Art Tugade, at naging madalas ang aming pag-uusap kung paano sosolus-yunan ang problema. Sa katunayan ay isasagawa na sana ang widening project ng runway ng paliparan noong Oktubre 2015. Sa kasamaang palad ay naudlot ito dahil ang dating contractor, ang HERBANA Build-ers, ay nagdeklara ng pagkabangkarote at iniwan sa ere ang proyekto. Kamalas-malasan pa ay inabutan nga ng lindol noong 2017. Sa inspection na ginawa namin ay nakita ko ang pinsala na dulot ng lindol. ‘Sus ko po, guma-law ang kalsada sa runway at makikita ninyo na ang mga ito ay hindi na naka-align. Malalaki rin ang mga bitak na ‘pag naghulog kayo ng barya ay hindi na ninyo makikita. Napakadelikado po talaga. Sa ngayon, nasa 1,000 metro na lang mula sa orihinal na 1,700 metro ang nagagamit. Da-hil dito ay kanselado ang mga biyaheng Manila to Surigao. At maiisip ninyo siguro ang hassle na dulot nito sa mga biyahero na sa Surigao Airport buma-baba at sumasakay. Bagaman at may bagong contractor na ang DOTr, ang Pacific Concrete at ang VT Lao Construction, at nakakuha ng panibagong pondo na P123.5 milyon mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund, hindi rin agad nasimulan ang rehabilitasyon. Ayon kay DOTr Asec. Lopez, tinamaan naman ng bagyo ang lalawigan at limang tulay ang nasira kaya pahirapan ang pagbibiyahe ng mga ma-teryales na gagamitin sa pagkukumpuni sa Surigao Airport. At para magawan ito ng paraan, nagkasun-do ang DOTr at ang contractor na mag-set up ng batching plant na malapit sa airport para maiwasan na ang pagkaantala ng proyekto. Ayon kay Asec. Lopez, “Totoong naantala. Pero kahit ang original contract duration, which is February 2020, that is non-negotiable. ‘Yan po ang ginagawa natin. Ginagawan po ng paraan ngayon. ‘Yan po ang mangyayari.” Tiniyak naman ni DOTr Sec. Tugade na mahigpit niyang imo-monitor ang implementa-syon ng rehabilitasyon at pagpapalawak ng runway.

Aniya, “It is our earnest commitment to the people of Surigao to restore the airport’s viability. We will make sure to work on this expediently so we may bring back connectivity in the province at the soon-est possible time.” At ang pangako po niya sa akin at sa aking mga kalalawigan, by hook or by crook, ay matata-pos ang proyekto. Iba rin talagang magtrabaho ang DOTr. Sa harap ko, ng media, iba’t ibang organisasyon at pribadong indibidwal ay pinapangako nila ang mga contractor na bilisan ang trabaho. Nakakatuwa na-man na nagbitaw ng kanilang salita ang mga kon-tratista na hangga’t makakaya ay pipilitin nila na matapos ang proyekto nang mas maaga sa deadline. Kinabukasan, Agosto 8, 2019, sa pamama- gitan ni Region 10 Philippine Information Agency Director Olive Tiu ay ibinahagi ko sa Cagayan De Oro Press ang development sa Surigao Airport. Sinabi ko sa kanila na isa itong perpektong halim-bawa ng whole-of-nation approach para maresolba ang mga problema sa ating bansa at maipagkaloob sa ating mga mamamayan ang ginhawa lalo na sa paglalakbay. Sama-sama ang mga mamamayan, private sector, local government unit, national go- vernment, at media para kumilos at magbayanihan nang walang sinisisi dahil may nagpabayang ibang tao o grupo bago pumasok ang Duterte Adminis-tration. Nariyan na ang problema, ang dapat gawin ay sama-samang aksyunan at solusyunan. Ang partial operation ng runway hang-gang 1,400 metro ay posibleng matapos na ngayong Nobyembre para maibalik na ang Manila-Surigao flights. Tamang-tama ito dahil mataas ang demand sa biyahe sa panahon ng Kapaskuhan. Ang sarap pa namang magkita-kita kapag Christmas. Maraming-maraming salamat po sa DOTr at CAAP! Mabuhay ka, Sec. Art Tugade! ■

Whole-of-nationapproach

EDITORIAL BOARDEILEEN CRUZ-DAVID

Editor-in-Chief

DARIUS JOSUEManaging Editor

CAROLINA TONGKOProduction Manager

ARLENE BARRIENTOSCirculation Manager

KEVIN LARANANGArt Director / Cartoonist

VANESSA LANDIGAssociate Editor

JOAN ALCANTARAIVY ATOMPAG

RAIZA CABUGWANGMONICA LADISLA

Writers / Researchers

ARNOLD DIAMATPhotographer

BALITA CENTRAL is published bimonthly by the Bureau of CommunicationsServices with office address at PCS Bldg. 310 San Rafael St.

San Miguel Malacañang Complex, Manila 1005.

BALITA CENTRAL is freely distributed by the Bureau of Communications Services. Any person caught selling copies of the tabloid will be penalized.

For any inquiries, you may contact us through the following: Phone: (02) 734-2117 • E-mail: [email protected]

Facebook: bcs.gov • Website: www.bcs.gov.ph

ENREL TAN RAYMOND DELA RAMA

Layout Artists

- -

Page 4: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

4Agosto 2019

Editoryal

Likas sa atin ang pagiging mabuti sapagkat ito ay isang magandang regalo na kaloob ng Diyos sa bawat indibidwal. Ito ang ugat ng karunungan, pagkakaroon ng maayos na damdamin, at ka-tiwasayan ng isipan. Ngunit ang kagandahang-loob ay hindi magiging ganap kung hindi ito maibabahagi sa iba. Ito ay dapat magmula sa puso at maramdaman ng kapwa para sa kabutihan ng lahat. Maliit pa lamang ang bata ay tinuturuan na ng kanyang magulang na mag-ing mabuti sa kanyang kapwa para siya ay lumaking maa- yos, may kagandahang-loob, at damdaming “pagpapaha- laga” sa iba. Ito ay mabisang paraan upang hubugin ang mabuting pag-uugali habang sila ay musmos pa. Ang magulang na nagtuturo ng kaganda-hang-asal sa kanyang anak ay nagdudulot ng kagalakan at kahinahunan sa kanyang pang-araw-araw na gawain. Nagiging matatag ang kan-yang paninindigan at tuloy sa paglago sa karunungan. Ito ay pauli-ulit na sinasalin mula noon at magpahang-gang ngayon. Ito ay patunay na mula sa kamusmusan hang-gang sa pagtanda, ang pag-gawa ng kabutihan sa ating kapwa ay nakatatak na sa ating puso at isipan. Ito ang nagdidikta sa atin upang maging mas sensitibo sa pan-gangailangan ng kapwa at kumilos upang tugunan kung ano man ito. Naipamamalas ang kagandahang-loob sa mara-ming munting paraan katu-lad ng pagbibigay-galang sa mga nakatatanda, pag-aaral nang mabuti, pagsunod sa alituntunin ng pamahalaan, pakikiramay sa kaibigan, pagmamahal sa magulang at mga kapatid, pagiging ma-babang-loob, pagtutulungan,

TanglawNi Eileen Cruz-David

iukol ang buhay sapaggaWa ng mabuti

Obligado tayo sa tratado natin sa World Trade Organization o WTO, na kung saan kasapi ang Pilipi-nas, na isama sa free trade o malayang kalakalan ang bigas. Nilalayon ng kasun-duang ito na ganap nang mawala ang restriksyon sa pag-aangkat ng bigas. Mar-aming bansa sa buong mun-do ang miyembro ng WTO. At dahil nga obligasyon ng bansa natin, ipinasa ang RA No. 11203 o ang Rice Tariffi-cation Law. Talaga namang bumaba ang presyo ng bigas dahil sa Rice Tariffication Law. Nakakakita na tayo ngayon ng bigas na presyong P27 kada kilo, nasagot pa nito ang rice shortage. Ilang buwan mata-pos isabatas ang RA 11203, bumaba agad ang infla-tion rate sa 2.7 porsiyento. Ito ang pinakamabagal na naitalang inflation sa loob ng 22 buwan. Ayon din sa datos na inilabas ng Phil-ippine Statistics Authority noong Hunyo, bumaba sa P39 hanggang P42 ang pre-syo ng well-milled rice kada kilo mula P41 hanggang P44 kada kilo noong nakaraang taon. Nasa P35 hanggang P38 naman ang kada kilo ng regular-milled rice mula P38 hanggang P40 kada kilong presyo nito noong nakaraang taon. Ayon sa PSA, mala-ki ang ginampanang papel ng Rice Tariffication Law sa pagpapabagal ng inflation.

SAMU’T SARINi Darius F. Josue

rice tariffication laWGayunpaman, hindi pa natat-apos ang misyon ng Adminis-trasyong palakasin ang lokal na industriya upang matamo o mahigitan ang antas ng kaunlaran ng mga karatig-bansa sa Asya. Dahil dito, patuloy pa ring namamahagi ang Administrasyon ng sari-wang kaalaman sa pagsasaka at n a g s u s u l ong ng m a - kabagong teknolohiya upang mapababa ang porsyento ng mga nasasayang na palay, matiyak ang ani’t kita ng mga magsasaka, at maitaas ang kalidad ng mga ani. Sa mga mamimili,maliwanag na panalo ang batas na ito. Ang problema ay ang mga magsasaka natin. Mas bumaba na ang presyo ng bilihan ng palay ngayon sa mga probinsya. Bawas ang kita nila ngayon. Nakita na ito ng gobyerno noon, kaya naman itinatag ang Rice Compete-tiveness Enhancement Fund o RCEF sa ilalim din ng batas para itulong sa ating mga magsasaka. Sampung bilyong piso ang ipopondo ng gobyerno sa Department of Agriculture para sa mga makabagong makinarya at kagamitang pambukid, pa-nanaliksik at pagpapalagan-ap ng de-kalidad na mga binhi, tulong-pinansyal, pagsasanay, at iba pang mga serbisyong magpapababa ng gastos sa paggawa o labor cost, at magpapataas ng ani. Kung maguguni-ta, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pe-brero 2018 ang Republic Act

10969 upang pagkalooban ng libreng irigasyon ang mga magsasaka. Mula sa pagsa-sabatas nito, mahigit 1.05 milyong magsasaka mula sa 1.12 milyong bilang ng mga magsasaka sa bansa ang na-kinabang na sa libreng iri-gasyon. Mas maraming mag-sasaka pa ang makikinabang sa libreng irigasyon dahil sa big-ticket irrigation projects ng Administrasyong Duterte sa Iloilo, North Cotabato, at Maguindanao. Ang Land Bank na-man ay patuloy ang pagpa-pautang sa mga magsasaka. Sa ilalim ng programa ng Land Bank na Expanded Rice Credit Assistance (ERCA) o ang “pinalawig na tulo-ng-pautang sa bigas”, madali nang makauutang ang mga magsasaka at mas mabilis ang pagpoproseso ng apli- kasyon para makautang. Marami ring progra-ma ang Technical Education and Skills Development Au-thority, Agricultural Training Institute, at Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization para sa mga magsasaka sa produk-syon ng bigas, makabagong pamamaraan ng pagsasaka, produksyon ng mga binhi, at iba pa. Ang rice tariffication ang sinasabing sagot sa rice shortage at smuggling. Saka-ling malaki naman ang epek-to nito sa magsasaka, sigura-dong babantayan ito ng ating pamahalaan at ipagtatanggol ang mga magsasaka. ■

pagiging tapat, pagmamahal sa ating inang-bayan at sa kalikasan, pagmamalasakit sa mga nangangailangan ng tulong lalung-lalo na sa mga naghihikahos nating mga kababayan, pagmamahal sa Diyos, at pagsupil sa maling gawain at kasamaan -mga kagandahang-loob na da-pat manatili sa bawat puso ng sambayanang Pilipino. Ano naman ang mga kabaligtaran nito na hindi dapat gawin ninuman? Pag-sira sa kanyang sarili at kina-bukasan, pagiging makasar-ili, kawalan ng pagmamahal at paggalang sa kanyang kap-wa, pang-aabuso sa kanyang kapangyarihan, pagiging corrupt, pagsisinungaling, pagsira at pagwasak sa ka-likasan, pagiging hambog, pagbabalewala sa gobyerno at batas na sinusunod para sa kabutihan ng lahat, pagpatay, at pagiging kampon ng kadi- liman. Kaibigan, huwag tayong padaya at sumabay sa takbo at kalakaran ng san-libutan. Magpatuloy tayo na magpaalalahan, bantayan ang ating sarili, at mana- langin nang may pananam-palataya sa Diyos nang tayo ay hindi matukso sa paggawa ng masama. Habang tayo ay na-bubuhay, iukol natin ang ating panahon sa paggawa ng mabuti, huwag na nating balikan ang masama nating ginawa bagkus magpatuloy sa positibong pag-iisip at ma-buting pagbabago. Sa gayo’y lalakas ang iyong kaisipan, makakakita ng karunu- ngan at katwiran, at mag-tatanim ka ng kabutihan at makapamamahagi ka pa nito sa kasalukuyan at darating pang bagong henerasyon. Kaya kaibigan, tayo’y magpaalalahanan at magpatuloy sa paggawa ng kabutihan sa ating kapwa, sa kalikasan, at ating inang-bayan. ■

Page 5: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

Editoryal 5Agosto 2019

Sa kabila ng iba’t ibang isyu na kinaka-harap hinggil sa kakulangan sa budget at pagi-im-plementa ng Universal Health Care (UHC) Law o Republic Act No. 11223, puspusan pa rin ang ginagawang kampanya ng Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng kanilang adbokasiyang #LahatKasama upang maiangat ang antas ng kaala-man ng mga Pilipino ukol dito. Makikita sa kanilang website at social media sites na Facebook at Twitter ang kanilang aktibong pagtataguyod ng UHC para maiparating sa publiko ang kahalagahan ng batas na ito. Sa il-alim ng UHC, ang bawat Pilipino, kabilang na ang mga OFWs, ay magkakaroon ng pantay-pantay na access sa abot-kaya at kalidad na mga serbisyong pangkalusugan. Palalawigin ng Philippine Health Insur-ance Company ang kanilang mga saklaw na serbisyo tulad ng pagiging awtomatikong miyembro ng Phil-Health ang lahat ng Pilipino upang mabawasan ang kanilang gastos sa pagpapagamot, at pagbibigay ng libreng bayad sa konsultasyon, pagpapalaboratoryo, at iba pang diagnostic services. Bilang suporta sa UHC, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11346 o Tobacco Sin Tax na magtataas ng buwis sa mga sigarilyo at “e-cigarettes” upang mapunan ang P257 bilyong pisong pondo na kinakailangan sa unang taon ng paglulunsad ng programa. Sa ila-lim ng batas, dinagdagan ang buwis na ipinatong sa tabako at maging sa mga heated tobacco products at e-cigarettes na papalo mula P35 hanggang P45bawat pakete, hanggang sa maging P60 sa taong 2023. Ang inaasahang 50 porsyento ng lahat ng mga koleksyon mula sa tabako, e-cigarettes, matatamis na mga inumin, at alkohol ay mapupunta sa UHC. Isang malaking hakbang para sa gobyerno ang pagsasabatas ng UHC. Maiibsan nito kahit pa-paano ang tumataas na pangangailangang medikal ng mga Pilipino, lalo na iyong mga walang perma-nenteng pinagkukunan ng kita. Hindi man makita ang agarang epekto ng UHC, tiyak naman ang pagkilos ng DOH at iba pang ahensya ng gobyerno para maisakatuparan ang mga nailatag na benepisyong matatanggap ng bawat Pilipino. Bigyan lamang ng panahon para ito'y maramdaman. ■

From the Deskof SpokesNi Salvador S. Panelo

on the sancheZ referral letter

SIBOLNi Vanessa R. Landig

lahat kasama sa universal health care laW

We find it unfortunate that this rep-resentation's referral letter dated February 26, 2019 to the Board of Pardons and Parole (BPP) Execu-tive Director Reynaldo Bayang is either unwitting-ly or erroneously, even maliciously, being reported as a recommendation or endorsement letter for the grant of executive clemency in favor of former Calauan Mayor Antonio Sanchez by certain media outfits. These reports are far from the truth and we find the same defamatory in nature. It has been the standard operating proce-dure of the Office of the Chief Presidential Legal Counsel (OCPLC) to respond to all letters received by it and refer, and not recommend or endorse, them to the appropriate agency which has the au-thority to act on the writer's concern. A simple referral is totally different from a recommendation or an endorsement. According to the Collins Dictionary, a referral is “the act of offi-cially sending someone to a person or authority that is qualified to deal with them.” A recommendation is defined by the same authority as “suggestions or advice on what is the best thing to do”, while an en-dorsement is “a statement or action which shows that you support or approve of something or some-one.” The former does not connote undue inter-ference or intervention while the latter does. It is for this reason that I will be filing libel cases against the reporters of Inquirer.net and Rappler, Inc. should they fail to comply with my demand for a public apology and rectification. It is clear that they have publicly and maliciously imputed to me an act, if not a crime, a vice or defect, which caused the dis-honor, discredit or contempt of my person. The referral of the OCPLC of matters rel-ative to the concerns of our citizens is also purely mechanical or routinary. The OCPLC has no re-sources to verify all the factual allegations in each letter request or complaint. There are just three law-yers and six executive and technical assistants in the OCPLC. It cannot therefore ascertain if the allega-tions in each letter request is true. Accordingly, the OCPLC only refers matters to appropriate agencies which have the resources to verify the relevant facts contained in the letters and the mandate to act on them. The referral of the letter of Ms. Marie Antonelvie J. Sanchez, who happened to be the daughter of Mr. Sanchez, to the BPP is just one of the thousands of referrals the OCPLC has made to various government instrumentalities. The letter of Ms. Sanchez is also based on allegations of fact. The letter, just like thousands of letters before it, was simply referred to the appropriate office. In fact, this representation has provided the Malacañang Press Corps yesterday copies of around fifty referral let-ters I signed which the OCPLC has sent to the BPP. These contain identical contents with that of the let-ter referring the case of Mr. Sanchez, save for the name of the inmates as well as the dates. Moreover, the letter of Ms. Sanchez shows that they were requesting for recommendations, from me, Senator Bong Go and from President

Rodrigo Roa Duterte for Mr. Sanchez's application for an executive clemency. All the three requests for recommendations were not granted. I did not make any favorable recommendation, I merely re-ferred the letter to the BPP. I did not ask nor wrote Senator Go for any recommendation in favor of Mr. Sanchez. Neither did I ask nor wrote the President for a favorable recommendation. What is inappro-priate is if I advised the President as Chief Presiden-tial Legal Counsel to grant an executive clemency to Sanchez, which I did not. The fact of referral of the letter-request of Mr. Sanchez’s daughter to the BPP took away from the OCPLC the concern of Ms. Sanchez. It meant that I and the OCPLC did not want to have anything to do with the case of Mr. Sanchez or particularly the request of his daughter for a recommendation on the application for a pardon. As Chief Presiden-tial Legal Counsel, I could have directly gone to the President and recommended that Mr. Sanchez be granted executive clemency. I could have even met with the family of Mr. Sanchez somewhere outside the office so the public will be unknowledgeable. These would have been condemnatory. My enter-taining them in my office and referring their con-cern to the appropriate body denote that everything is aboveboard and there was nothing clandestine. The Office of the President has issued Memorandum Circular No. 44 which mandated all government agencies that perform frontline servic-es to respond to all public requests and concerns within fifteen days from receipt thereof. The Pres-ident has signed Republic Act No. 11032 to ensure the elimination of red-tape in the government and promote the ease of doing business. PRRD likewise issued Executive Order No. 6 which institutional-ized the 8888 Citizens' Complaint Center for the public to report complaints and grievances against red-tape and corruption. These, among other pronouncements of PRRD, reflect his directive to stop red-tape, re-frain from making people queue, and simplify and streamline government services in order to provide timely and meaningful service to the public. The OCPLC, while not a frontline service provider and having a limited number of staff, has taken the in-struction of the President to heart and has taken it upon itself to serve ALL people regardless of their background up to the legal limits of our mandate and within the periods provided by law. Based on Section 3(f) of Republic Act No. 3019, neglecting or refusing, after due demand or request, without sufficient justification, to act with-in a reasonable time on any matter pending before him for the purpose of discriminating against any other interested party shall constitute a corrupt practice. The OCPLC thus considers not only as nonfeasance, but also a corrupt practice, the failure to act on a single matter or the inaction on a com-plaint or request it received. Hence so we respond to all, regardless of who we received the letter from. Singling out one connotes partiality in public ser-vice, a practice frowned upon by the President and ultimately, punishable by the law. We are merely fulfilling the commitment of the President to lend an ear to all those who require assistance. And this is what the OCPLC performed when it referred the letter of the daughter of Mr. Sanchez to the BPP. Failing otherwise would mean that we have resorted to discrimination and inac-tion, which may then subject us to punitive sanc-tion. ■

Page 6: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

6Agosto 2019

BalitaModernisasyon ng makinarya parasa mga magsasaka, sinimulan naNi Ivy E. Atompag

MMDA, pinaigtingang clearing opssa Metro ManilaNi Vanessa R. Landig

MANILA CITY — Inaasahang mararamdaman ang unang P5 bilyon sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)na nakalaan para sa meka-nisasyon at modernisasyonng industriya ng pagsasaka nitong Oktubre hanggang Nobyembre ngayong taon bilang paghahanda sa dry season ayon kay Department of Finance (DOF) Assistant Secretary Mercy Rombilla. Kamakailan lamang ay inihayag ng ilang miyembro ng Senado ang kanilang agam-agam tungkol sa mabagal na implementasyon at distribusyon ng RCEF na binuo upang tulungan at suportahan ang mga magsasaka kasabay ng mga pagbabago sa ilalim ng Rice Tarrification Law. Nang tanungin tungkol dito, ipinaliwanag ni Asec. Rombilla na may guidelines nang nakahanda para sa implementasyon ng RCEF na patuloy pa ring sinusuri ng mga pangunahing ahensiyang katulong sa implementasyon ng nasabing batas. “I don’t think it’s slow. The guidelines are expected to come out 180 days after the approval of the IRR. And even before that, guidelines have already been prepared. But of course, the guidelines can still be improved. It has to be reviewed, and you know, we have to integrate all the components para harmonized ang

MANILA CITY — Upang masolusyunan nang bahagya ang lumalalang problema sa trapiko, sa pagtutulungan ng Metropolitan Manila Devel-opment Authority (MMDA), Department of the Interi-or and Local Government (DILG), local government units (LGUs), at ng Philip-pine National Police, mas pinaigting pa ang clearing operations sa mga sidewalk at pangunahing kalsada sa buong Kamaynilaan. Mula nang magbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-22 ng Hulyo sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address sa MMDA, LGUs, at kay DILG Secretary Eduardo Año ay agad silang nagsagawa ng mga operasyon upang malinis ang mga sidewalk sa Metro Manila. Noong ika-30 ng Hulyo ay nagsagawa ang MMDA ng clearing operation sa mga bangketa ng Baclaran, sa pangunguna ni MMDA Chairman Danilo Lim kasama sina General Manager Jojo Garcia, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez. Sa mga lungsod ng Pasig at Pateros naman ay tumulong noong ika-1 ng Agosto sa MMDA sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Pateros Mayor Ike Ponce sa pag-aalis ng mga signposts, ilegal na nagtitinda sa bangketa, at mga sasakyan na ilegal na nakaparke mula sa San Joaquin Bridge o Bambang Bridge sa Pasig

implementation,” pahayag ni Asec. Rombilla. Ang P5 bilyong pondo para sa pagpapaunlad ng mga makinaryang kakailanganin sa sektor ng agrikultura at ang guidelines sa implementasyon ng RCEF ay inilabas sa panahon kung saan nakapagtanim na ang mga magsasaka para sa tag-ulan. Dahil umano dito ay kailangang ipagpaliban ang distribusyon at hintaying muli ang preparasyon para sa dry season na magsisimula sa Oktubre at Nobyembre upang mapakinabangan ang mga tanim na aanihin pagdating ng Pebrero at Marso ng susunod na taon. “Ang problema, it came out, the guidelines and the money [P5 billion] came out when farmers have already planted for the wet season. In fact, the wet season is now starting to be harvested. So they cannot roll it out now for the wet season because it will not really take effect. So they have to wait for the dry season for them to be able to implement it. So this component will be rolled out starting October or November, so that the dry season crop can be harvested from February or March,” paliwanang ni Asec. Rombilla. Ang Philippine Center for PostharvestDevelopment and Mecha-nization ay ang ahensiyang naatasan upang tumulong sa modernisasyon ng industriya

ng palay sa bansa sa pamam-agitan ng mekanisasyon sa ilalim ng Rice Tarrification Law. Kabilang dito, ayon kay Asec. Rombilla, ay ang pagtukoy sa mga partikular na kagamitan at makinar-yang kakailanganin ng mga magsasaka bukod pa sa mga kagamitang mayroon na sila ngayon. “And the machinery component is now trying to make an assessment on what exactly are the machineries which would be needed. Kasi, you know, some of these areas, they already have enough farm machineries that they are using. So what needs to be done is to enhance, compliment, or add to the existing machineries so that we determine the needed machineries that will make them more competitive and lower the cost of production,” dagdag pa ni Asec. Rombilla. Ayon sa ulat ng DOF, noong nakaraang buwan lamang, nasa P6.5 bilyon na ang nakokolekta ng Bureau of Customs mula sa mga rice import-traders mula nang maipasa ang batas noong Marso ng taong ito. Noong unang linggolamang ng Agosto ayiniutos ni DOF Secretary Carlos Dominguez III at Department of Agriculture Secretary William Dar ang implementasyon ng Survivaland Recovery Program na naglalayong magbigay ng tulong pampinansyal sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng loan na may 0% interest rate. ■

hanggang sa M. Concepcion Avenue sa Pateros. Samantala, si Manila City Mayor Isko Moreno naman ay nagkusa nang kumilos upang malinis ang mga bangketa at lansangan sa kahabaan ng Recto, Divisoria, Soler, Carriedo at maging sa mga makasaysayang landmark ng Maynila. Dalawang ilegal na istruktura naman sa lungsod ng Quezon City ang giniba noong ika-16 ng Agosto sa pangunguna ng MMDA, kasama sina DILG Sec. Año, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at National Capital Region Poilce Office Director Guillermo Eleazar. Sa nasabing clearing operation ay binigyang-diin ni Chairman Lim ang kahal-agahan ng pagtutulungan ng LGUs at national government agencies upang maialis lahat ng mga ilegal na nakaharang sa mga sidewalk at lansangan ng Metro Manila. “Natutuwa ako da-hil marami na akong lugar na inikutan, ilang local gov-ernment units na ang napun-tahan ko. Puro ganito yung ginagawa natin araw-araw. Kapag nagtutulong-tulong naman ay walang dahilan para hindi natin magawa yung gusto natin,” pahayag ni Chairman Lim. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng iba’t ibang clearing operations sa Metro Manila sa pangunguna ng MMDA, DILG, at LGUs na magtatagal sa loob ng 60 na araw ayon sa utos ni Pangulong Duterte. ■

Photo credit: Philippine Rice Research Institute (www.philrice.gov.ph)

CLEAN AND CLEAR — Puspusan ang isinasagawang clearing operations ng MMDA at LGUs para matupad ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang mga sidewalk sa buong Metro Manila.

Page 7: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

Balita 7Agosto 2019

Center for Postharvest Devel-opment and Mechanization, Philippine Rice Research In-stitute, at Agricultural Train-ing Institute, pati na rin ang Land Bank of the Philippines, at Technical Education and Skills Development Authori-ty. Pagkatapos ng fo-rum ay ipinahayag ni Mang Carding, sa ngalan ng kan-yang kooperatiba at iba pang mga magsasaka, ang kanyang saloobin hinggil sa bagong batas. Isa na rito ay ang hiling nilang subsidiya sa binhi at pataba. Bilang tugon, binig-yang-diin ni Sec. Dar ang 10 bilyong tulong pinansyal na inilaan ng gobyerno sa ilalim ng Rice Competitive-ness Enhancement Fund (RCEF). Sa kasalukuyan, hindi nakapaloob sa batas ang subsidiya para sa pataba at hahanapan pa ito ng pag-kukunan ng pondo. Subalit, siniguro naman ng Kalihim na saklaw ng batas ang meka-nisasyon na ibibigay sa mga magsasaka sa pamamagitan ng farmers associations. Ang nasabing subsidiya ay maha-

hati sa apat: 50% ay mapu-punta sa mekanisasyon, 30% sa pagbibigay ng mga inbred rice seeds, 10% sa paghahasa ng kakayahan at pagsasanay ng mga magsasaka, at 10% para sa credit facility. Bagamat kalahating porsiyento ng RCEF ay ma-pupunta sa mekanisasyon, pinangangambahan naman ito ng grupo ni Mang Card-ing sapagkat kahit aminado silang malaki ang maitutu-long nito, kapag nasira ang kanilang mga makinarya ay suliranin naman nila ang pambili ng piyesa o pang-maintenance. Kapag gumana naman daw ito ay mangu- ngutang naman sila ng diesel. Siniguro naman ni Sec. Dar na ang DA, sa pakikipagtu-lungan ng mga local govern-ment units at business sec-tors, ay nakaantabay upang bigyang-ayuda ang ating mga magsasaka sa mga ganitong isyu. Isa pa sa ipinaratingni Mang Carding at ngkanyang kooperatiba ay ang kahilingan nilang bilhin ng gobyerno ang kanilang

ani. Sinagot naman agad ito ng pamahalaan dahil kam-akailan lamang ay ipinag-utos na nga ni Pangulong Duterte sa National Food Authority (NFA) ang pagbili ng palay sa mga magsasaka. Samantala, nilinaw ni Secretary Dar na hin-di kaya ng 7 bilyong pisong pondo ng NFA ang pagbili ng lahat ng mga aning palay ng ating mga magsasaka. Ngunit sa kabilang banda, nag-apru-ba naman ang LBP ng 10 bi-lyong pisong loan program para sa mga provincial gov-ernment units. Dahil dito, maaari nang magamit ang mauutang na halaga ng mga provincial government units sa pagbili din ng palay mula sa ating mga lokal na mag-sasaka. Isa din sa isinusulong ng Kalihim ang pagpapabilis ng pagkakasa ng Implement-ing Rules and Regulations ng Sagip Saka Law na siyang magbibigay-daan upang di-rektang makabili ang gobyer-no ng produktong agrikul-tural, kabilang na ang bigas, mula sa mga lokal na mag-sasaka. Dagdag pa sa tulo-ng na ibinibigay ng gobyerno ang Expanded Survival and

Recovery Assistance program o SURE Aid na may nakal-aang 2.5 bilyong piso upang mapahiram ang mga mag-sasakang mayroong isang ektaryang lupa pababa ng P15,000 na walang interes at maaaring bayaran sa loob ng walong taon. Nais din ng DA na makapagbigay ng P5,000 na tulong sa ating mga mag-sasaka kung magkakaroon ng sobrang taripa na maaaring manggaling sa pag-aangkat ng bigas. Tiniyak din ni Sec. Dar na hindi mag-aangkat ang bansa ng bigas kung pan-ahon ng anihan upang matu-lungang mapalakas ang kita ng mga magsasaka. Sa kabilang dako, binigyan na ng DA ng direk-tiba ang NFA na ilabas na ang 3.6 milyong sako ng bigas sa mga lugar na may dinaranas na kakulangan sa suplay ng bigas. Nagbigay naman ng mensahe ang Kalihim sa mga nananamantala na higit na babaan ang presyo ng bigas. “Nakikiusap po kami sa kanila na huwag naman. ‘Yong tamang presyo naman ‘yong dapat nilang sundin para ‘yong farmers ay hindi naman lugmok sa kahirapan.”

DA sa magsasaka mula sa pahina 2 Batid ni Sec. Dar na panahon ang gugugulin bago tunay na maramdaman ng mga mag-sasaka ang mabuting epekto ng Rice Tariffication Law. “We are starting to do surgical operation, and that surgical operation is through the Rice Competi-tiveness Enhancement Fund. Ten billion a year. We see to it that ‘yong properly de-signed, properly implement-ed na pagkakasurgical opera-tion natin sa rice industry ay magbibigay-lunas eventually,” paliwanag ni Sec. Dar. Hinikayat din niyang tumulong at makiisa ang mga magsasaka sa ilalim ng nasa-bing batas. Binigyang-di-in niya na dapat may mga responsibilidad ding dapat gampanan ang mga magsasa-ka at kanilang mga asosasyon o kooperatiba. “Hindi ito kaya lang ng gobyerno. Dapat partner-ship ang turing natin para mas maganda pa ang pag-kaimplementa nitong Rice Competitiveness Enhance-ment Program for the next six years,” pagtatapos ng Ka-lihim. ■

Page 8: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

8Agosto 2019

Lathalain

911 TESDA: Trabaho at Abot-kamay na Serbisyo, Hatid sa mga PilipinoA blessing in disguise. Ganito maituturing ang naging problema sa wa-ter closet ng 92 taong gulang na butihing-ina ni Technical Education and Skills Deve-lopment Authority (TES-DA) Secretary Isidro Lapeña. Bagamat ito’y natugunan sa tulong ng isang inhinyerong dating kamag-aral ng Kali-him, inisip pa rin ng kalihim kung paano matutulungan ang kanyang ina na ma-ac-cess ang iba’t ibang serbisyo nang mas madali at hindi na kinakailangan pang dumaan sa kanya. “So I thought of ‘yong GrabTaxi. You’ll just tap and that will bring you to an engagement with a taxi done through the Grab app.” kwento ni Sec. Lapeña. Ang pangyayaring ito ang nagbunsod kay Sec. Lapeña upang ilunsad ang programang 911 TESDA na naglalayong maghandog ng trabaho sa mga certified Technical Vocational Edu-cation and Training (TVET) graduates at manggagawa, at mabigyan ng mas magan-dang access ang ating mga kababayan sa mga serbisyong tulad ng pagsasaayos at pag-papaganda ng tahanan, mga serbisyong may kinalaman sa logistics, health and wellness, at iba pa. “This is something that we should match: the need of the client with what is available na mga skills.

This makes ‘yong mga need for services very convenient to the client. With the use of their phones, they can avail of the services of a TESDA-certified skilled worker. 'Yong mga graduates naman na nangangailangan ng trabaho, nagkakaroon sila ng trabaho,” paliwanag ni Sec. Lapeña. Ang 911 TESDA, na pinasinayaan noong Hulyo 30, 2019 sa TESDA Complex, Taguig City sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, ay tumutulong din na sugpuin ang kahirapan, padaliin ang pakikipagtransaksyon, at bawasan ang kriminalidad at korapsyon sa lipunan. Kaakibat ng TESDA sa programang ito ang mga digital online services providers (DOSPs) na FindWork, Inc., Goodwork Solutions, Inc., Machine Ventures, Inc., AskGina.ph, Remedium, Inc. (Zennya), Teko.ph, Urbia Household Errands Services, Mr. Butler Home Services, Helply.ph, at LBP Service Corporation. “We brought them in together para makasama sila sa programang ito. They liked the idea kasi mayroon na silang source ng mga qualified and certified skilled workers. At saka ‘yong mga certified skilled workers na ‘yan na mga graduate ng TESDA, they have the complete biodata and then they just go through

screening, kaya, somehow, ‘yong security aspect ng mga magsisilbi sa kanila nandoon. Kasi mga graduates na natin yan eh,” paliwanag ni Sec. Lapeña.

Proseso ng Pag-aaPPly at Pagkuha ng serbisyo Upang makapag-trabaho sa ilalim ng 911 TESDA, kailangang maging isang TESDA-certified skilled worker ang isang aplikante. Siya ay dapat may National Certificate (NC), na siyang iginagawad sa mga nakapasa ng pagsusulit kung saan tinitingnan ang kanilang kakayahang maghatid ng serbisyo na naaayon sa panuntunan ng TESDA. Ang naghahangad na makakuha ng NC ay isasailalim sa mga training regulations. Kung sakaling hindi naman makapasa ay maaari siyang sumailalim muli sa training o mag-apply ng iba pang scholarship. Ang TESDA National Institute for Technical Education and Skills Development – Learning Development Division at ang Labor Market Information Division ang siyang namamahala sa pagtatala ng mga certified skilled workers na kinakailangan ng mga DOSPs sa pagbibigay-serbisyo. Ang mga kwalipika-dong aplikante ay hinihikayat na boluntaryong mag-sign

up at gumawa ng profile sa www.911tesda.ph. Sila ay pwedeng mag-apply bilang part- o full-time na empleya-do sa alinman sa 76 na tra-bahong nakatala sa website o app. Ang booking system na ito ay ma-a-access ng 24 oras, bagama't ang oras ng paghahandog ng serbisyo ng mga skilled workers ay dumidepende pa rin sa mga DOSPs.

libreng tesDa training Binigyang-diin ni Sec. Lapeña na libre ang binibigay na mga training courses sa TESDA. Sa kasalukuyan ay mayroong libreng 277 TESDA training courses na maaaring tumagal ng 15 araw hanggang sa dalawang taon. “We have here a government that is providing all the opportunities that our people can have because the President wants the Filipinos to live a comfortable life,” saad ni Sec. Lapeña. Ang mga trainings na ito ay available sa buong bansa, sa pakikipagtulungan ng mga regional and provincial offices. Pinaaalalahanan naman ni Sec Lapeña ang publiko na ipagbigay-alam sa kanila ang mga TVET Institutions (TVIs) na nangongolekta ng bayad upang maimbestigahan at matanggalan ng kanilang

akreditasyon, kung kinakailangan.

PagPaPaigting ng serbisyo Ang mga serbisyong handog ng 911 TESDA ay maaaring maavail sa Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal at cash basis ang mode of payment nito, subalit ginagawa na ang mga hakbang upang ito ay maging accessible pa sa ibang mga siyudad at makapagbayad ang mga kliyente gamit ang credit cards sa lalong madaling panahon. Layon din ng TESDA na magkaroon ng feedback mechanism ang 911 TESDA, kung saan mabibigyan ang mga kumuha ng serbisyo ng pagkakataong i-rate ang skilled worker na nagbigay ng serbisyo. Pinaplano rin ng TESDA na palawakin ang saklaw na trainings nito, kabilang na ang pagsasagawa ng community-based onsite trainings upang mapuntahan ang mga kababayan nating walang access sa mga TVIs. Sa mga kwalip-ikadong indibidwal na nais maging bahagi ng 911 TESDA, magrehistro sawww.911tesda.ph. ■

Ni Raiza F. Cabugwang

Photo credit: Technical Education and Skills Development Authority (tesda.gov.ph)

Page 9: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

9Agosto 2019

MANILA - Katuwang ang aktor na si Robin Padilla, pormal na inilunsad noong Hulyo 19, 2019 ng Bureau of Communications Services (BCS) ang primerang isyu ng executive ACTION magazine sa Kalayaan Hall, Malacañan Palace bilang suporta sa programang #DismissDisinformation ngPresidential Communications Operations Office (PCOO). Sang-ayon si PCOO Secretary Martin Andanar sa malaking papel na gagam-panan ng executive ACTION na maiparating sa publiko ang tamang impormasyon ng mga pagbabago mula sa Ehe-kutibo. “We are living in an age of momentous changes. Changes that have made significant, beneficial consequences in the lives of our people. Changes pursuant to Presidential policies, including their major shift. Changes brought about by exemplary Executive programs. Changes that have elevated our nation to a state of continuing progress. Changes, which magnitude are to be recorded beginning today, in this executive ACTION

MANILA CITY — Ginawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)ang Presidential Commu-nications Operations Office (PCOO) ng “Selyo ng Ka-husayan sa Serbisyo Pub-liko 2019” noong ika-30 ng Agosto dahil sa epektibo nitong pag-i-implementa ng Executive Order 335 na naguutos sa mga ahensya ng gobyerno na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon at komunikasyon. Sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, tinanggap nina PCOO Undersecretary George Apacible at Director Vinci Beltran ang plake ng parangal na iginawad sa National Museum of Fine Arts sa Ermita, Manila. “Hindi sa ka-rangalan na ito nagtata-pos ang aming pagsulong sa paggamit sa ating wika. Batid namin na ang wika ang parte ng ating kultu-ra na makapagbubuklod sa ating lahat. Bilang isang tanggapan na nagsisilbing pangunahing ahensya sa la-rangan ng komunikasyon, aming kinikilala ang ka-halagahan ng paggamit sa Wikang Filipino sa aming mga inilalathala at ipinapa-hayag,” pahayag ni Direc-tor Beltran nang kanyang tanggapin ang parangal. Nakuha ng Kor-porasyong Pangkoreo ng Pilipinas (Philippine Postal Corporation) ang pinakamataas na parangal dahil sa pagsusulong nila ng mga opisyal na mater-yales at pagsasagawa ng ka-nilang mga transaksyon at

magazine,” buong pagmama-laki ng Kalihim. Malugod ding nag-pahayag ng suporta si Sec. Andanar sa natatanging magasin ng BCS. “Congrat-ulations to the Bureau of Communications Services for launching this publica-tion. The challenges of gov-ernment work will always be daunting. And the writing of its chronicles reflects history in progression. There could be no better record of major executive functions than the narratives and images in a magazine format,” pagsasaad ng Kalihim. Todo suporta rin si PCOO Undersecretary for Good Governance, Government-Owned and

PCOO ginawaran ng Selyo ng Kahusayansa Serbisyo Publiko 2019Ni Vanessa R. Landig

BalitaRobin, BCS nagtulungan kontra fake newsNi Monica N. Ladisla

Controlled Corporations, and Finance George Apacible sa executive ACTION bilang plataporma kontra fake news. “Napakasipag po ng ating gobyerno ngayon. Its accomplishments need to be communicated to the people. For our part, the Presidential Communications Operations Office has spearheaded the #DismissDisinformation, so you hear it straight from us. You don’t hear it from anybody else. It is this campaign to guard against fake news and dispel misleading information against our government,” ani Usec. Apacible. Tampok sa magasin ang Inter-Agency Council for Traffic gayundin ang mga opisyal sa ilalim ng Union of Local Authorities of the Philippines. Dinaluhan ang pagtitipon ng mga kilalang opisyal mula sa nasyonal at lokal na gobyerno kabilang na sina Department of Transportation Assistant Secretary Manuel Gonzales, Isabela Representative Faustino Dy V at Atty. Jo Kristine Revil bilang mga keynote speakers. Kasama

rin sa naturang pagtitipon ang aktor na si G. Robin

Padilla na endorser ng executive ACTION. Naganap ang pag-

lulunsad na ito matapos ilabas ng BCS nito

lamang Pebrero ang Balita Central, ang opisyal na tabloid ng ahensya. ■

komunikasyon gamit ang wikang Filipino. Bukod sa PCOO, ang iba pang ahensya ng gobyerno na nakatanggap ng pagkilala ay ang: Lungsod ng Sta. Rosa (City of Sta. Rosa, Laguna); Kagawaran ng Pagsasaka (Department of Agriculture); Kagawaran ng Kagalingang Panli-punan at Pagpapaunland (Department of Social Welfare and Development); Pambansang Komisyon sa Laban sa Kahirapan (National Anti-Poverty Commission); Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA); Pang-alaalang Sentrong Medikal Quirino (Quirino Memorial Medical Center); Sentrong Medikal ng Rizal (Rizal Medical Center); Komisyon sa mga Filipino sa Ibayong Dagat (Commission on Filipinos Overseas); Lungsod ng Maynila (City of Manila); Lungsod ng Taguig (City of Taguig); at Lungsod ng Mandaluyong (City of Mandaluyong). Samantalang ang Kagawaran ng Turismo –MIMAROPA (Department of Tourism – MIMAROPA) at Kagawaran ng Paggawa at Empleo (Department of Labor and Employment) ay kabilang sa mga finalists. Pinangunahan ni National Artist at KWF Chairman Virgilio S. Almario ang pagbibigay-parangal sa nasabing programa na parte ng pagdiriwang ng “Buwan ng Wika” na may temang “Wikang Katutu-bo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.” ■

Page 10: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

Balita10Agosto 2019

3 taong dagdag sa duty-freeimportation ng mga capitalequipment, aprubado naNi Ivy E. Atompag

MANILA CITY — Noongika-19 ng Hulyo ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order No. 85 na naglalayong pahabain pa ng tatlong taon ang duty-free importation sa mga capital equipment at iba pang kagamitan na kakaila-nganin ng mga kumpaniyang rehistrado sa ilalim ng Philippine Board of Investments (BOI). Ito ay matapos irekomenda ng National Economic Development AuthorityBoard noong Hunyo ang extension na ito upang lalo pang bigyan ang mga kumpanya at mga negosyante ng pagkakataong mapalawak ang kanilang mga negosyo sa pamamagitan ng pagpapababa ng kanilang gastusin at upang makahikayat na rin ang foreign investors na nais magtayo ng kanilang negosyo sa bansa. “The grant of duty-free importation of capital equipment remains to be an

“Kami ang unang-unang lulusong dyan (sa Manila Bay) sa Disyembre.” Ito ang pahayag ni Retired Brigadier General Alfredo Andres, pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Manila Bay Cleanup Operation matapos kapanayamin ng Balita Central ukol sa estado ng kalinisan ng tubig sa Manila Bay. Ipinakita ng pinuno ng Manila Bay Command Center ang kanilang accomplishment report na nagpakita ng mgainisyatiba ng Task Forcesa natapos na Manila Bay area clean-up. Ayon kay Ret. Gen. Andres, inaasahang maaari nang languyan ang Manila Bay at Baseco Bathing area ngayong Disyembre. Dagdag pa niya, nakalaan ang buong pwersa ng MMDA Command Center for Manila Bay upang maisakatuparan ang layuning ito sa itinakdang panahon. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Maynila, nag-ikot ang Task Force sa iba’t ibang barangay at establisyemento upang suriin ang lagusan ng kanilang water waste at masiguro na hindi ito didiretso sa Manila Bay. “Kapag meron tayong nakitang outlaws, binibigyan natin ng Notice of Environmental Sanitation Violation. Hindi kami basta naniniwala sa sinasabi nila. Definitely dapat walang lumalabas na tubig. May lalabas kung tag-ulan, for storm rain. Pero kapag summer, dapat wala ‘yun. Kapag meron, ibig sabihin nanggagaling sa kanilang kitchen o kung saan man,” sagot ng pinuno ng MMDA Command Center for Manila Bay rehabilitation. Tinukoy din ni Ret. Gen. Andres ang mga informal settlers na isa sa mga pangunahing dahilan

important fiscal incentive in promoting investments into the Philippines considering the global competition for foreign direct investments,” saad ng naturang batas. Ayon sa batas, isa sa mga pinakamabigat na gastusin ng mga kum-paniya at negosyo ang tax sa pag-aangkat ng mga capital equipment at accessories, kung kaya’t malaking tulong ang extension na ito lalo na sa mga small scale na negosyo at start-up enterprises. Gayunpaman, ang mga kumpaniya ay inaasahan pa ring sumunod sa mga panuntunan at limitasyong iniakda ng BOI kaugnay ng batas na ito. Isa na rito ang pagbabawal sa lahat ng mga rehistradong kumpanya na magbenta o magdispatsa ng mga inangkat na kagamitan limang taon pagkatapos itong angkatin. Ang mga negosyo at kumpanyang lalabag dito ay nakahandang pagbayarin ng BOI ng karapat-dapat na multa. Ang pagpasa sa E.O. No. 85 ay sumusuporta

sa layunin ng kasalukuyang administrasyong mas patatagin pa ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng paghikayat sa mga foreign at local investors na magtayo ng kani-kanilang negosyo sa bansa. M a t a t a n d a a n g umakyat sa ika-54 na pwesto ang Pilipinas sa Global Innovation Index (GII)ngayong 2019 mula sa dati nitong pwesto na ika-73 noong nakaraang taon. Ang GII ay sumusukat at naghahambing sa paglago ng ekonomiya ng 126 na bansa taon-taon. Kasunod ng ulat na ito, pinuri ng Palasyo sa isang press briefing noong nakaraang buwan ang pagsisikap ng mga ahensiya ng gobyernong konektado sa paglago ng ekonomiya ng bansa at hinimok ang mga itong ipagpatuloy pa ang kani-kanilang mga mandato para sa ikauunlad ng bansa. “May this good news further motivate them in creating an environment that nurtures innovation andcreates business opportunities as we become one of the fastest growing economies in the globe,” pahayag niPresidential Spokesperson Salvador Panelo. ■

MMDA todo linissa Manila Bay, BasecoNi Monica N. Ladisla

sa pagdami ng basura sa estero ng Maynila. Sa kasalukuyan, na-i-relocate na ang mga pamilyang nakatira sa Estero de San Antonio Abad sa Camarin, Caloocan at pinapanatili na ang kalinisan ng lugar upang maibalik sa dati ang estado ng waterway. Bukod sa pagpapanatili ng Manila Bay at Baseco area, inatasan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang Command Center na linisin ang Pasig at San Juan River. “Dagdag na itong mga rivers natin kasi nga ayaw ni Presidente makakita ng mga floating garbage dyan sa Malacañang. That’s why we do some mitigation. Naglalagay tayo ng trap, preventive measures like water skimmer sa San Juan River at Pasig River para bago mapunta sa Malacañang, makuha na natin,” giit ng pinuno ng Command Center for Manila Bay rehabilitation. Naiulat na 4,490.58 cu.m. ng basura ang nalikom ng Task Force mula Enero hanggang Hulyo 2019. Aktibo pa rin sa pag-imbita sa iba pang mga volunteers ang Command Center for Manila Bay rehabilitation upang makisali sa paglilinis at pagsasa-ayos ng Manila Bay at Baseco Bathing Area. Ayon kay Ret. BGen. Andres, malaki ang naitutulong ng mga volunteers lalo na ngayong panahon ng tag-ulan at habagat kung saan naiipon ang basura sa tabing-dagat. Bukod pa rito, namamahagi rin ang grupo sa publiko ng information, education, and communication materials tungkol sa RA 9003 o ang Solid Waste Management Act. ■

Page 11: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

Balita 11Agosto 2019

Pagsasabatas ng DDR mula sa pahina 2

ang National Disaster Risk Reduction and Management bilang advisory policy- mak-ing body ng DDR. “It is a venue where the DDR can seek the assis-tance of other government agencies and the rest of the nation. It is akin to the Pro-vincial Disaster Risk Man-agement Office which con-venes the Provincial Disaster Risk Management Council right before, during and after disasters to organize the ef-fort in responding to a disas-ter,” saad ng mambabatas. Sa ganitong pama-maraan, lalawak ang kapasi-dad at kaalaman ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapa-tupad ng disaster risk reduc-tion and management pati na rin sa climate change action

plans, programs, projects at activities. Magsasagawa rin ang DDR ng risk assessment upang matukoy agad kung saan mangyayari ang sakuna at mapaghandaan ang disas-ter mitigation plan nito. Ito ang ilan lamang sa mga tungkulin ng DDR kaya’t hinihikayat ni Cong. Salceda na isapuso ng mga mamamayan ang disaster preparedness at maipatupad ang “whole of government” at “whole of nation” approach sa panahon ng sakuna. Suportado rin ng bagong halal na senador na si Senator Christopher “Bong” Go ang agarang pagpapatu-pad ng Senate Bill 205 upang mailunsad sa lalong madal-ing panahon ang DDR. ■

Ekonomiya ng Pilipinas mula sa pahina 2

inflation rate ng bansa sa pag-papabuti ng estado ng ating ekonomiya. Dagdag pa niya, ang katatagan ng ekonomiya ng Pilipinas ngayon ay bu-nga rin ng pagkakaroon ng matatag na sistemang pamp-inansyal sa bansa na mas lalo pang umusbong gawa ng mga repormang sinimulan noong mga nakaraang taon. Isa sa mga layunin ng kasalukuyang administra-syon ang paglago ng ekonom-iya ng bansa, na masusukat sa pagtaas ng GDP nito. Noong 2018 ay pumalo sa 6.2 per-cent ang GDP growth ng Pili-pinas bagamat ito ay bumaba sa 5.5 percent sa unang anim na buwan ng 2019. Ayon sa pahayag ni BSP Governor Benjamin Diokno nitong na-karaan, positibo ang pama-halaan na makakamit pa rin nito ang target GDP growth nitong 6 hanggang 7 percent bago matapos ang taon. “Not only was a high level of growth sustained, it also was the type of economic expansion that promotes in-clusivity as it was facilitated by broadening growth driv-

ers… These favorable growth outturns and credit rating upgrades were more of a vali-dation of the country’s ability to sustain its solid macroe-conomic fundamentals that were, in turn, built from more than two decades of pursuingwide-ranging structuralreforms…” dagdag pa niDeputy Governor Dakila, Jr. Positibo rin ang Banko Sentral ng Pilipinas na mapapanatili at magiging tuloy-tuloy na ang paglagong ito ng ekonomiya ng bansa sa mga susunod pang taon. Maraming dahilan upang maniwalang mapapanatili ng bansa ang paglago ng ekonomiya nito. “Domestic econom-ic activity could be strongly supported by the services sector and public construc-tion. Household spending is expected to remain robust buoyed by lower inflation and sustained remittance inflows. Private capital formation should likewise contribute to economic growth… The sustained pursuit of criti-cal economic reforms in the

pipeline should also con-tinue to promote inclusivity and sustainability of growth moving forward. The current administration is in a strong position to push for further reforms by leveraging on the strong political capital it has,” pagbibigay-diin ni Deputy Governor Dakila. Sa kabila ng mga positibong ulat na ito, nais ding iparating ng BSP ang mga nararapat pang gawin at pag-ukulan ng pansin upang masiguro ang patuloy na pagtatag ng ating ekonomi-ya. “Amid bright pros-pects for the Philippine econ-omy, we must remain vigilant in monitoring and addressing both global and domestic de-velopments that may pose a risk to the achievement of our growth targets,” pagtatapos ni Deputy Governor Dakila. Ang Bangko Sen-tral ng Pilipinas ay isa sa mga pangunahing ahensi-yang inatasang magpatakbo ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtak-da ng mga patakarang may kinalaman sa sistemang pampinansyal ng bansa. Ang pangunahing layunin nito ay ang pagpapanatili ng price stability upang makatulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas at sa pagtaguyod ng mas mataas na antas ng pamumuhay ng mga mama-mayan nito. ■

DOH inilunsad mula sa pahina 2

deng-GET OUT, focusing on searching and destroying mosquito breeding sites. This is one of the primary inter-ventions to prevent and con-trol dengue,” pahayag ni Sec. Duque. Isa rin sa mga estrate-hiya na aktibong ikinakam-panya ng DOH laban sa den-gue ay ang pagsasagawa ng 4S kung saan ang publiko ay pinapaalalahanang: (1)mag-search at sirain ang mga pina-mumugaran ng lamok; (2) mag-secure ng proteksyon sa sarili sa pamamagitan ng paggamit ng mga mosquito repellents at pagsusuot ng pantalon o mga damit na may mahahabang manggas; (3)mag-seek ng konsultasyon sa pinakamalapit na health fa-cility kapag may lagnat; at (4) mag-support sa mga fogging events ng mga lugar kung saan patuloy ang pagtaas ng bilang ng may dengue sa loob ng dalawang linggo. Ayon sa DOH Den-gue Surveillance Report, tu-maas ng 98 porsyento ang bi-lang ng kaso ng may dengue mula Enero hanggang ika-20 ng Hulyo ngayong taon kumpara sa kaparehong pan-ahon noong 2018. Nakapag-tala na ng 146,062 na kaso sa buong bansa, samantalang 622 na ang bilang ng mga namatay ng dahil sa nasabing sakit. Nangunguna ang Region VI (Western Visayas) sa may pinakamaraming kaso ng dengue na umabot

sa 23,330. Sinusundan ito ng Region IV-A (CALABAR-ZON) na may bilang ng kaso na 16,515; Region IX (Zam-boanga Peninsula) na may 12,317; Region X (Northern Mindanao) na may 11,455; at Region XII (SOCCSKSAR-GEN) na may 11,083 na kaso ng dengue. “It is important that a national epidemic be de-clared in these areas to identi-fy where a localized response is needed, and to enable the local government units to use their Quick Response Fund to address the epidemic sit-uation,” paliwanag ni Sec. Duque. Samantala, sa pan-gunguna ng Department of Science and Technology, kasama ang National Dis-aster Risk Reduction and Management Council at DOH, ay namahagi ng mga diagnostic kit na tutulong sa mga pasyenteng nakarara-nas ng lagnat upang matiyak kung sila ba ay nagtataglay ngdengue virus. Nauna nang nabigyan ng mga diagnostic kit ang mga rehiyon ng CALABARZON (Cavite-L aguna-Batangas-Riza l -Quezon), MIMAROPA (Mindoro-Mar induque-Romblon-Palawan), Bicol, Western at Eastern Visayas, Western at Northern Mindanao, at Bangsamoro Autonomous Region sa Mindanao. ■

Page 12: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

12Agosto 2019

BalitaChinese nationals,hihigpitan angvisa screeningNi Vanessa R. Landig

Peace and order situation sa NegrosOriental, balik-normal na – PNPNi Carolina S. Tongko

QUEZON CITY — Balik na sa normal ang sitwasyon sa Negros Oriental sa kabila ng sunud-sunod na karahasan na naganap sa lalawigan nitong mga nakaraang buwan kabilang na ang pagpatay sa apat na pulis sa bayan ng Ayungon. Ayon sa tagpagsalita ng Philippine National Police na si Brigadier General Bernard M. Banac, mahigpit ang seguridad na ipinatutupad sa Negros Oriental at masasabi nang kontrolado ng pulisya ang kabuuan ng lalawigan kung kaya’t wala nang dapat ipangamba ang mga mamamayan nito. “Yes, as of the moment, the situation there is under control. Talagang mahigpit ang seguridad na ipinatutupad natin doon,” pahayag ni Spokesman Banac. Sa kabila nito, hindi pa rin malilimutan ang karahasan na naganap sa bayan ng Ayungon kung saan brutal na pinaslang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang apat na pulis noon lamang Hulyo 19. Maliban sa kaso ng pagpatay sa apat na pulis, mayroon pang 17 na kaso ng pamamaslang ang naganap sa lalawigan. Kabilang dito ang dating alkalde ng Ayungon, dating opisyal ng Department of Education,

MANILA CITY — Dahil sa lumulobong bilang ng mga Chinese nationals na ilegal na lumalahok sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO), nagpahayag ang pamahalaan na dapat nang higpitan ang proseso ng screening ng kanilang visa bago makapasok sa loob ng bansa. Nirebisa ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration (BI) ang mga panuntunan ng sistemang pagbibigay ng “visa upon arrival” sa mga Chinese. “We intend to limit the maximum permissible period to 30 days, blacklist overstaying aliens, ensure non-convertibility to work visas, and impose sanctions on travel agencies breaking the rules,” pahayag ni DOJ Secretary Menardo Guevarra. Maging si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chair Andrea Domingo ay sumang-ayon sa panukalang ito sa kabila ng mga tumutuligsa sa ahensya dahil sa napipintong pagtatayo ng mga POGO hubs sa ilang lugar sa bansa. "They should really select who would be tourists and who would be workers. For those who are workers, they should already require them to apply for an alien employment permit even before going out of the country so when they come here, they will present that they're coming here with the intention of really working and that they are applying for an alien employment permit or special or a provisional permit from BI,” paliwanag ni PAGCOR Chair Domingo. Naging mainit sa batas ang mga dumadagsang Chinese nationals sa bansa dahil sa isyu ng pag-iwas sa pagbabayad ng buwis at hindi nila pagtanggap sa mga Pilipino upang magtrabaho sa POGOs. Ayon sa Department of Finance, halos 32 bilyong piso kada isang taon ang hindi nakokolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue mula sa humigit-kumulang na 138,000 foreign workers sa mga POGO. ■

at iba pang ordinaryong sibilyan.

Pinahirapan bago pinatay “Dumaan sa matinding paghihirap bago tuluyang patayin” — iyan ang pagsasalarawan ni Spokesman Banac nang tanungin ukol sa kinasapitan ng mga napaslang na mga biktima na sina PCpl. Relebert Beronio, Pat. Raffy Callao, Pat. Roel Cabellon, at Pat. Marquino de Leon. Ayon sa medico-legal report na inilabas ng PNP, ang mga biktima ay tinorture, iginapos, at malapitang binaril sa ulo. “Ang trajectory ng bala ng pagkapatay sa kanila ay makikita pababa. Ibig sabihin, maaaring sila ay nakaupo o nakaluhod nang pinatay,” paliwanag ng tagapagsalita. B i n i g y ang - l i n aw ng PNP ang naging pahayag ng NPA na ang nasabing engkuwentro ay isang uri ng lehitimong labanan sa pagitan ng pulisya at mga komunista. Ayon kay Spokesman Banac, ang ebidensya na mismo ang nagpakita na tinorture muna ang mga pulis bago pinaslang. Pinabulaanan din ng PNP ang paratang ng makakaliwang grupo na maraming sibilyan ang nadamay habang isinasagawa

ng pulisya ang Synchronized Enhanced Managing of Police Operations o SEMPO na kampanya para labanan ang pagkalat ng mga ilegal na armas. “Isa lamang itong propaganda,” ayon sa tagapagsalita. “Ang mga pulis natin, ang mga pwersa natin doon ay isinasagawa ang operations natin na may pagsunod sa batas at paggalang sa karapatang-pantao. At lahat ng maaaring pagmamalabis ay hindi natin pinapayagan at bagkus, ay ating iniimbestigahan para makasuhan,” pagtitiyak ni Spokesman Banac.

Mga suspek, tukoy na

Ayon sa PNP, sa 16 na pinaghihinalaang suspek, 11 na ang natukoy habang lima pa ang hindi pa napapangalanan. Kinilala ang mga suspek na sina Mitchell Fat, Victoriano Anadon, Jonathan Baldivino, Renqie Anadon, Gelie Ebedo, Josep Ogatis, Jelly Ebedo, Danny Tansico, Ronnie Heribios, Edmar Amaro, at Jojo Ogatis. Si Fat ang itinurong lider ng grupo na siyang nanguna sa pamamaril sa mga pulis ayon na rin sa mga saksi. Naunang naaresto si Anadon noong Hulyo 19 sa bahay nito sa Barangay Mabato habang sina Tansico

at Heribios naman ay nahuli sa Badian noong Hulyo 31. Nasampahan na ng kasong multiple murder at robbery charges ang mga suspek at kasalukuyang naka-detain na.

localized peace talks,tuloy pa rin

“Sa kabila ng patuloy na localized peace talk na isinusulong ng pamahalaan, maging ng lalawigan ng Negros Oriental, ang insidente ng pagpatay sa apat na pulis sa Negros Orientalay patunay lamang ng kawalan ng sinseridad ng communist terrorist sa pakikipag-usap tungkol sa kapayaan,” pagsasaad ni Spokesman Banac. G a y u n p a m a n , hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang pamahalaan sa pagpapaabot ng intensyon nito na tapusin na ang problema sa local communist armed conflict sa Negros sa pamamagitan ng pagpapaabot sa kanila ng programang pangkapayapaan, lalo na ang kanilang pagbabalik-loob. Ayon sa tagapag-salita, maraming nakaantabayna suportang pinansyal attrabaho para sa mga nagbabalak na sumuko. “Kailangan lamang nila na lumapit sa ating lokal na pulis, o municipal, o provincial government at ipaabot nila ang kanilang balakin na magbalik-loob sa ating pamahalaan,” pagtatapos ni Spokesperson Banac. ■

Page 13: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

Lathalain /BalitaPilipinas, “Innovation Achiever” Na! umangat ang Pilipinas sa ika-54 mula sa ika-73 na pwesto ngayong taon sa katatapos lamang na global innovation index, isang taunang benchmarking para sukatin ang innovation performance ng 129 na bansa. ito ang unang pagkakataon na kinilala ang ating bansa bilang “innovation achiever” dahil sa mabilis na pag-akyat nito sa world ranking na bunsod naman ng pagtaas ng gross Domestic Product. ano ang masasabi mo tungkol dito?

13Agosto 2019

PIA inilunsad ang#cyberREADi campaignNi Raiza F. Cabugwang

MANILA CITY — Upang mapangalagaan ang kalig-tasan ng mga kabataan at masiguro na sila ay maging responsableng konsumer at tagapaghatid ng impormasyon online, inilunsad ng Philippine Information Agency (PIA) ang #cyberREADi campaign noong Agosto 14, 2019. Sa pakikipagtulungan ng InfoComm Media Development Authority ng Singapore at ng Japan-ASEAN Integration Fund, matagumpay na pinasinayaan ng PIA ang programa na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, media, at mga mag-aaral at propesor ng ilang unibersidad sa bansa.

“The ASEAN-Japan Media and Information Literacy for the Youth Project of the PIA is a fitting platform to address these issues. The Government of Japan is honored to support the project with the Japan-ASEAN Integration Fund,” pahayag ni Mr. Tomoyuki Honda, ang Second Secretary ng Japanese Embassy dito sa Pilipinas. Ayon sa PIA, ang kampanyang ito ay bahagi ng proyektong iminungkahi ng kanilang ahensya noong 2016 sa ilalim ng proyektong ASEAN-Japan Media andInformation Literacy (MIL)for the Youth na sinuportahan ng Presidential

Communications Operations Office (PCOO). “We are arguably at the peak of widespread perpetration of fake news. Fabricated stories, statements intentionally taken out of context, misleading articles and online trolls are some of the avenues to which misinformation thrives. MIL has never been more important. We salute PIA and its partners in launching the #cyberREADi campaign,” paliwanag ni PCOO Assistant Secretary Kristian Ablan sa ngalan ni Secretary Martin Andanar. Kaakibat ng PIAsa kampanyang ito angUniversity of the Philippines College of Mass Communication Foundation, Inc. na siyang tumulong sa pagbuo ng mga multimedia material na nagbibigay-

diin sa kahalagahan ng pagsusulong ng cyber wellness ng kabataan. Ilan sa mga tinalakay sa naturang pagtitipon ang pagbuo ng positibong digital habits, pag-iwas at paglaban sa cyberbullying, at iba pang mga negatibong bagay online. Bahagi rin ng kampanya ang paggawa ng mga multimedia material na nakatuon sa cyberbullying, online privacy, sharing, shopping, gaming, dating, at addiction. Ayon sa panana-liksik ng International Telecommunications Union, 70 porsyento ng populasyon ng mga kabataan sa mundo na edad 15–24 taong gulang ay aktibo sa paggamit ng internet, kaya naman ang akronim na READI ay kumakatawan sa ASEAN Core Values on Digital

Literacy: Responsibility, Empathy, Authenticity, Discernment, at Integrity na nais ibahagi ng ahensya sa mga kabataan. Bukod sa pagpapa-laganap ng kampanyang ito sa buong bansa, inaasahang magsasagawa rin ang mga bansang sakop ng ASEAN ng kani-kanilang kampanya hinggil sa cyber wellness. “Like our country, our neighbors in the ASEAN community also face the same challenges in terms of responsible behavior and online safety. As such, the promotion of Media and Information Literacy or MIL, which includes cyber wellness, is among the top priorities of the ASEAN Information Sector,” dagdag pa ng PIA. ■

“Maganda talaga ang nangyayari sa Pilipinas. Kasi marami tayong na-co-contribute. Nakatutulong din tayo sa mga kababayan natin. Tinitingala ngayon ang Pilipinas dahil sa kabi-kabilang proyekto ng gobyerno na talagang nakatutulong. Maaaring sa ngayon, hindi pa nararamdaman nang mas nakararami. Kasi nga sa istilo ng pamumuhay nila sa ngayon, mahirap pa talagang ma-predict. Pero sa tatlong taon na pamumuno ng ating Presidente, maaaring para sa iba sa tingin nila kulang pa. Pero kung tutuusin, napakaraming proyekto na ng pamahalaan ang unti-unting naisasakatuparan. Isang halimbawa na diyan ang Build, Build, Build Program. Napakarami nating mga kababayan ang mag-be-benefit doon. Mas maraming infrastructures, mas maraming trabaho ang maibibigay sa mga Pilipino.”

Micah gomez28, Caloocan City

“Maganda siya kasi mas naipakikilala natin ang Pilipinas. Ang Pilipinas talaga, kayang makipagsabayan sa ibang mga bansa. Lalo na ang mga kabataan sa makabagong henerasyon. Mas priority nila ang kung ano ang mas makabubuti sa kanilang kapaligiran. Ang Pilipinas kasi, hindi humihinto sa pag-discover — sa pag-upgrade ng makabagong ideya at teknolohiya lalo na sa panahon ngayon. Bilang kabataan, masaya ako. Nakaka-proud talaga.”

elmo Magsayo23, Binondo, Manila

“Ang masasabi ko sa ranking natin sa Global Innovation Index report, natutuwa talaga ako. Lalo na sa panahon ngayon, sa pag-turn over ng

Presidente natin, lalong napaganda ang Pilipinas. Kasi napakaraming na-build na infrastructures dahil sa Build, Build, Build Program. Tapos,

iyong economy natin, lalong lumago. Nakatutuwa rin na pati iyong technology, nagagamit natin sa mas mabuting paraan. Tulad ngayon, tinutulungan tayo ng Japan sa pag-develop ng ating LRT at MRT stations. Binibigyan tayo nang mas marami pang ideya. Nakaka-proud lang kasi na sa current administration natin, napagbubuklod ng ating Presidente ang iba’t ibang bansa lalo na iyong neighboring Southeast Asian countries na walang-sawang tumutulong sa atin.”

eliezer gomez26, Caloocan City

“Alam mo, magandang mapakinggan ‘yan ng lahat. Kasi from 73rd naging 54th na tayo — umangat tayo ng ilang hakbang, ‘di ba? Ito’y para maipakita na talagang competitive ang Pilipinas katulad ng pamamalakad ng ibang

mga bansa. Iyon nga lang, hindi ko masasabi ang outcome. Sa bansa kasi natin, marami pa ring naiiwan sa ibang sektor ng ating lipunan, lalo na iyong mga nasa

mababang antas. Sana, sa tulong ng ranking na ito, ma-prioritize ng pamahalaan na maiangat din natin ang antas ng pamumuhay ng ating mga mahihirap na kababayan.”

rommel Januario ronda42, Pangasinan

“Okay ‘yan! Magandang balita para sa bansa. Nakikita naman kasi talaga ang improvement. Iyong mga skyway, halimbawa, itinuloy naman, ‘di ba? Hindi gaya ng ibang administrasyon, magaling lang sa umpisa. Ang masasabi ko, mas mainam talaga ngayon. Proud Pinoy ako!”

glen Quindo gagama44, Quezon City

“Isang magandang senyales ‘yan para sa bansa. Kasi sa panahon natin ngayon, nagiging high-tech na ang lahat. Mas mabuti talaga na pinaghahandaan natin ang mga magaganda pang ideya para sa ikauunlad ng Pilipinas. Magandang

balita talaga ‘yan para sa bansa natin. Kailangan natin ‘yan.”

erick James Donato37, Baguio City

Page 14: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

Pinoy contact sport

Sa isyu naman ng concussion o head-to- head collision ng American Football na isang contact sport sa Amerika, siniguro ni Comm. Juanatas na sinusunod ng PAFL dito sa Pilipinas ang official rulebooks ng laro. “We make sure that everything is controlled and played the

way it should b e , ” tugon ng

Commissioner. “Injuries can and

will happen in any sport, especially a full contact sport.

If you look at basketball where it’s played on a hard

court, majority of the players end up developing

knee problems when they get older,” aniya. Kapansin-pansin din ang blue artificial grass na nakalatag sa kabuuan ng 10,000 sqm football field ng Circuit Makati Blue Pitch kung saan isinasagawa ng

PAFL ang mga praktis at liga nito. “This is softer

than grass, and you can play on it in any weather,” pagtukoy ng Commissioner.

Female football tacklers

Bukas din ang PAFL sa mga kababaihan na gustong makipagbanggaan bagama’t sa kasalukuyan,

14Agosto 2019

SportsTACKLE FOOTBALL,PATOK SA PINOYNi Joan Alcantara

MAKATI CITY - Swak lang ang average na pangangatawan ng isangPinoy upang makipag-salpukan at makipag-agawan ng bola sa popular na laro sa Amerika na tackle football. Ang magandang balita ay nasa Pilipinas na rin ang sikat n a A m e r i c a n Football game. “As for

the people who might think that Filipinos are too small to play tackle football, this sport would really fit in with Filipinos. Majority of our players are Filipinos,” pahayag ni Philippine

American Football League (PAFL) Founder and Commissioner Demosthenes Juanatas, Jr. Ang sport ay bukas sa mga atleta lalo sa mga manlalaro na ng American Football noon. “Philippine American Football League was created for all athletes, especially those who love American Football, and we’re

giving an opportunity to people who played this

sport before in their previous country, or w h e r e v e r

they came from, to

continue playing the sport,” ani ng PAFL Founder. Sa kabila nito, maaari pa rin namang matutunan ng mga first-time players ang laro sa pagsalang muna sa Flag Football bago

sumabak sa isang full-blown American Football League. “We originally started this league as a tackle league, just like the NFL in the States. We encourage all first timers to try the sport out, starting with learning the basics and fundamentals at our weekly [flag football] training every Friday at Circuit Makati Blue Pitch from 9PM to 12AM. Rain or shine we are there, training,” paliwanag ni Comm. J u a n a t a s . “ Y o u ’ r e going

to

get a good workout, meet new friends, and also learn that sport. Once you learn that sport, people usually take the next step, which is to transition to tackle,” dagdag pa nito.

mga kalalakihan pa lamang ang mga manlalaro ng full-on tackle. “Not enough team owners have stepped up to fully fund and build a ladies’ team. So far, it’s just been men’s teams that have been developed in the past 10 years the tackle football has been here in the Philippines,” turan ni Comm. Juanatas. “In the future, we could definitely have a ladies tackle league if we have enough interested ladies and responsible team owners who want to take the sport seriously,” paniniyak nito. G a y u n p a m a n , nariyan ang Flag Football para sa mga kababaihang nais matutunan ang basics ng full tackle game ng American Football.

hindi ‘choosy’

Ayon sa Commissioner, malaking tulong kung makakakuha ng suporta ang liga mula sa gobyerno o kahit sa pribadong sektor upang makabuo ng isang malakas na national team na may kumpletong kagamitan, subsidisadong palaruan, at libreng training. “If we have more support, government or corporation… we could handpick our best athletes and build a really good team,” aniya. “We need all the support we can get. We're not going to be choosy.” Sa kabila nito, patuloy pa rin ang PAFL sa pakikipagtagisan sa mga manlalaro ng American Football sa ibang bansa tulad ng Australia, South Korea, at Saipan upang irepresenta ang Pilipinas, hindi man ito opisyal. “This new sport here in the Philippines has a huge future. I wouldn't put everything into it if I didn't see the long term. This is the most exciting sport in the world, and we are happy to be able to continue growing it here in the Philippines,” pagsasaad ng Commissioner. ■

Ni Joan A. Alcantara

Page 15: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

bansa sa pamamagitan ng mekanisasyon sa ilalim ng Rice Tarrification Law (dinaglat)Itinuturing na pangasiwaan ng sentrong pananalapi ng Pilipinas (dinaglat)Tawag sa malilikom na pondo na ilalaan para sa programang irigasyon, imbakan ng palay, at modernisasyon ng mga makinarya para sa mga magsasaka (dinaglat)Pinakamataas na parangal ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa mga tagapagtaguyod ng wikang FilipinoLalawigan sa Kabisayaan kung saan brutal na pinaslang ang apat na pulis_ _ _ _ _ _ _ _ 4 O’Clock Habit: Programa ng Kagawaran ng Kalusugan upang labanan ang dengue at tuluyang iangat ang kamalayan ng publiko sa nabanggit na epidemyaTitulong nakamit ni Jhon Joseph Pandong II ng Malaybalay, Bukidnon sa parangal na inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino

3.

4.

5.

6.

9.

13.

15Agosto 2019Entertainment

S U D O K U

6

4

2

9 6

73

3

86

1

4

75

3

8

5

7

9 8

7

1

14

9 2

Mga sagot sa nakaraang isyu

2 3

8

6

1

9

7

5 4

5 4

2

7

9

1

6

8 3

8 1

5

9

4

7

3

2 6

3 5

6

4

2

7

1

8 9

1 7

9

6

8

4

3

2 5

9 2

7

8

5

1

4

6 3

6 1

2

3

8

5

9

4 7

4 8

1

5

3

2

7

9 6

7 9

4

2

6

3

5

1 8

S U D O K UI N F L A T I O N

EDA

MUNISASYON

F T

F A C E B O O K

MOR

C R P S

P D E A

H I VS

SI

L U M A DT R A T E G Y

B R I G A D AM

CP

DIA

S L A

P

NHAR

A

Proyektong inilunsad ng Philippine Information Agency katuwang ang ASEAN Japan Media at Information Literacy for the Youth Project na naglalayong maisulong ang cyber wellness sa mga kabataan (dinaglat)Pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority Manila Bay Cleanup Operation _ _ _ _ _ _ Innovation Index: Taunang ranggo ng mga bansa sa larangan ng pagbabago at modernisasyon kung saan pumasok ang Pilipinas sa ika-54 na pwesto _ _ _ _ _ Regulatory Administration: Sektor ng pamahalaan na nasa ilalim ng Kagawaran ng Pagsasaka na nagsusulong sa pag-unlad ng industriya ng asukalTalumpati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko kung saan inilalahad niya ang plano sa

PAHALANG

2.

7.

8.

9.

10.

kaniyang administrasyon kabilang na ang pagsugpo sa kahirapan, mga proyektong imprastraktura, at kapayapaan sa bansaKilala ang kabiserang bayan na ito sa surfingSertipikasyong pang-internasyunal na nakamit ng Bureau of Communications Services sa pagsunod ng ahensya sa mataas na alituntunin ng quality management systemSikat na American Football game na kinahuhumalingan ng mga Pinoy ngayon“Presyong Risonable _ _ _ _ _”: Programa ng Department of Trade and Industry na naglalayong pababain ang presyo ng bigas at asukalsa bansa

PABABA

Ahensyang naatasan upang tumulong sa modernisasyon ng industriya ng palay sa

11.

12.

14.

15.

1.

Kamote Darius Josue

14

13

1

8

15

6

10

12

7

9

75432

11

Page 16: DA sA MAgsAsAKA: Ani At KitA sinig 2 R. CABUGWANGUro · Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website

Eco-friendly Photo Exhibit ng BCS,tampok sa ASEAN event Nina Raiza F. Cabugwang at Monica N. Ladisla

BCS nakiisa sa ika-243 pagdiriwang ng US Independence at Phil-Am Friendship Day Ni Raiza F. Cabugwang

MAKATI CITY - Dinaluhan ng Bureau of Communications Services (BCS) ang ika-243 pagdiriwang ng US Independence at Philippine-American Friendship Day noong Hulyo 3, 2019 sa Makati Shangri-La na kumikilala sa natatanging samahan ng Pilipinas at Amerika. Ang pagtitipon ay inorganisa ng Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pangunguna ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim at dinaluhan ni BCS Officer-in-Charge Eileen Cruz-David. Nilahukan din ang okasyon ng iba’t ibang mga diplomatiko sa loob at labas ng bansa kabilang na sina Ambassador of the Philippines to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez; Dean ng Diplomatic Corps Archbishop Gabriele Giordano Caccia; Honorary Consul General ng

MANILA CITY — Sa patuloy na pagsasakatuparan ng hangaring maihatid ang tama, makabuluhan, at napapanahong impormasyon hinggil sa polisiya ng pamahalaan at iba pang mga programa ng Administrasyong Duterte, inilunsad ng Bureau of Communications Services (BCS) ang pinakabago nitong exhibition system na ComPack sa pagtatanghal pangkultura na “Sama Sama ASEAN para sa Kalikasan (ASEAN, Our One SEA)” na ginanap noong Agosto 31 sa Rizal Park Open Air Auditorium. Ang naturang pagtitipon na inorganisa ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), sa pangunguna ng tagapangulo nito na si National Artist Virgilio S. Almario, ay isinagawa upang ipagdiwang ang ika-52 anibersaryo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) alinsunod sa Proclamation No. 282 (s. 2017) na nagdedeklara sa buwan ng Agosto na ASEAN Month. Bilang suporta sa tema ng naturang okasyon, ibinida sa photo exhibit na pinamagatang “Ripples: Awakening Consciousness on ASEAN Biodiversity and the Seas” ang mga larawan tungkol sa mga programa at adbokasiya ng ASEAN Centre for Biodiversity (ACB) sa pangangalaga ng ating kalikasan. Ipinakita rin sa photo exhibit na ito ang rehabilitasyon ng Manila Bay at Boracay sa pangunguna ng administrasyong Duterte.

bcs.gov

BCS SNIPPETSIN

Pinangunahan ng Bureau of Communications Services ang diskurso tungkol sa Rice Tariffication Law sa Talavera, Nueva Ecija kung saan binigyang-linaw ang Rice Competitiveness Enhancement Fund at ang pangmatagalang epekto ng batas sa ekonomiya pati na rin sa mga magsasaka. #BCSinSnippets #RiceTariffication

https: //www.facebook.com/bcs.gov/videos/341589906779623/

#BCSinSnippets#BCS #bayANI #DuterteLegacy

Inilunsad ng Bureau of CommunicationS Services ang executive ACTION magazine na naglalayong maibsan ang pagkalat ng fake news tungkol sa gobyerno.

https://www.facebook.com/bcs.gov/videos/903174750039615/

#BCSinSnippets #BCS #ExecutiveACTION

Facebook Headlines

Ang ComPack ay isang malikhaing photo exhibit na gawa sa magaan at murang mga materyales. Naglalaman ito ng mga impormasyon tulad ng infographics at mga larawan tungkol sa mga polisiya at programa ng Pangulo. Dahil dito, mas mapapadali ang pagpapaabot ng tamang impormasyon saan man sa bansa. Suportado rin niUndersecretary for Good Governance, Government-Owned and Controlled Corporations and Finance George Apacible ang pinakabagong proyektong ito ng BCS. Katuwang ng BCS ang Department of Environment and Natural Resources, Department of Interior and Local Government, Boracay Inter-Agency Task Force at ACB upang ipakita ang suporta sa kampanya ng ASEAN na palawakin ang kamalayan ng publiko at paigtingin ang hangarin na itaguyod at pangalagaan ang ating kalikasan. “We are also proud to say that for this, the Bureau of Communications Services developed an innovative, cost-effective, and more importantly, eco-friendly exhibit that uses 100% biodegradable materials. Rest assured, the Government remains committed in protecting our environment and promoting sustainable practices among Filipinos”, pahayag ni Usec. Apacible. ■

Jordan Michael Ang; at Honorary Consul ng Georgia Joselito Aseniero. Nakibahagi rin sa pagtitipon sina Senate President Vicente Sotto III, Senator Richard Gordon, Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., Finance Secretary Sonny Dominguez, Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, Executive Secretary Salvador Medialdea, Chief Justice Lucas Bersamin, at Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio. Naroon din ang ilang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines, ilang miyembro ng gabinete, mga kasapi ng Diplomatic at Consular Corps ng Pilipinas, mga mamamahayag, at mga kilalang negosyante sa bansa. ■

ECO-FRIENDLY COMPACK — Pinangunahan nina Bureau of Communications Services OIC Eileen Cruz-David, National Commission for Culture and the Arts Chairman Virgilio Almario, at Presidential Communications Operations Office Undersecretary for Good Governance, GOCCs, and Finance George Apacible ang ribbon-cutting ceremony para sa paglulunsad ng ComPack.