10
Dear Ate Charo, I’m Roque P. Taladro, 23 years old,I live in Montaneza. Malabuyoc, Cebu and this is my number; 09324303919, pero sa ngayon ako po’y nakikitira sa aking pinsan dito sa Merville, Paranaque. I would like to share my lofe story Ate Charo dahil gusto ko pong makapag inspire ng mga tao na nawalan ng pag-asa. Gusto ko ring maramdaman nila na sa kabila ng kahirapan at pagsubok na ating nararanasan ay may liwanag pa rin na naghihintay sa atin kung saan mararamdaman natin ang tamiis ng tagumpay. Dito nagsimula ang aking istorya. I was born in a poor family; not just poor but very poor talaga Ate Charo. I have 13 siblings, 3 girls and 10 brothers; sobrang dami talaga namin in our house. I’m third from the youngest. My father’s name is Eleuterio Taladro and my mother’s name is Eleuteria Taladro, both of them are born on April pero sa magkaibang taon. Kaya nga sa paaralan, everytime I introduce them sasabihin agad ng classmates ko na they are destined for each other. My father is a farmer and a tuba/coconut wine gatherer and my mother helps him in the farm. My parents do not have a fixed income to sustain all our needs. This is also the reason kung bakit ang mga kapatid ko ay hindi nakapag-college or ma-enroll man lamang; most of them high-school lang ang natapos samantalang ‘yung iba naman ay elementarya lang. Dahil sa sobrang dami namin, hindi talaga maiwasan na magkagulo sa bahay pero sa kabila ng kahirapan na aking naranasan, hindi ito naging hadlang para matapos ko ang aking pag-aaral. Ayaw ko rin kasi na matulad sa mga matatanda kong kapatid. Gusto ko rin patunayan sa kanila at sa mga kapit-bahay namin na hindi hadlang ang kahirapan kung magsusumikap ka. In my elementary life hindi naging madali ang aking buhay. Nag- aral ako na gamit lamang ang nagiisang uniporme hanggang sa makapagtapos ako sa elementarya. Nasa bukid lamang ang aming bahay kaya minsan kapag umuulan minsan ay nadudulas ako sa putikan, pumapasok pa rin ako kahit marumi na ang aking polo at short. Pinagtatawanan po ako ng mga kaklase ko at tatanungin nila ako kung mag-aaral ba ako o pupunta ba ako sa bukid. Hindi ko rin po masiyadong naranasang magsuot ng underwear kaya sa tuwing nabubutas ang aking

Dear Ate.docx

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Dear Ate.docx

Dear Ate Charo,

I’m Roque P. Taladro, 23 years old,I live in Montaneza. Malabuyoc, Cebu and this is my number; 09324303919, pero sa ngayon ako po’y nakikitira sa aking pinsan dito sa Merville, Paranaque.

I would like to share my lofe story Ate Charo dahil gusto ko pong makapag inspire ng mga tao na nawalan ng pag-asa. Gusto ko ring maramdaman nila na sa kabila ng kahirapan at pagsubok na ating nararanasan ay may liwanag pa rin na naghihintay sa atin kung saan mararamdaman natin ang tamiis ng tagumpay.

Dito nagsimula ang aking istorya. I was born in a poor family; not just poor but very poor talaga Ate Charo. I have 13 siblings, 3 girls and 10 brothers; sobrang dami talaga namin in our house. I’m third from the youngest. My father’s name is Eleuterio Taladro and my mother’s name is Eleuteria Taladro, both of them are born on April pero sa magkaibang taon. Kaya nga sa paaralan, everytime I introduce them sasabihin agad ng classmates ko na they are destined for each other. My father is a farmer and a tuba/coconut wine gatherer and my mother helps him in the farm. My parents do not have a fixed income to sustain all our needs. This is also the reason kung bakit ang mga kapatid ko ay hindi nakapag-college or ma-enroll man lamang; most of them high-school lang ang natapos samantalang ‘yung iba naman ay elementarya lang. Dahil sa sobrang dami namin, hindi talaga maiwasan na magkagulo sa bahay pero sa kabila ng kahirapan na aking naranasan, hindi ito naging hadlang para matapos ko ang aking pag-aaral. Ayaw ko rin kasi na matulad sa mga matatanda kong kapatid. Gusto ko rin patunayan sa kanila at sa mga kapit-bahay namin na hindi hadlang ang kahirapan kung magsusumikap ka.

In my elementary life hindi naging madali ang aking buhay. Nag-aral ako na gamit lamang ang nagiisang uniporme hanggang sa makapagtapos ako sa elementarya. Nasa bukid lamang ang aming bahay kaya minsan kapag umuulan minsan ay nadudulas ako sa putikan, pumapasok pa rin ako kahit marumi na ang aking polo at short. Pinagtatawanan po ako ng mga kaklase ko at tatanungin nila ako kung mag-aaral ba ako o pupunta ba ako sa bukid. Hindi ko rin po masiyadong naranasang magsuot ng underwear kaya sa tuwing nabubutas ang aking shorts ay pinagtatawanan ulit nila ako, paano kasi wala akong perang pambili. At during snack time ay pinapanuod ko lang ang mga kaklase kong kumakain at naghihintay na may magbigay sa akin. Pag uwi naman sa bahay minsan ay lasing sila mama at papa. Umiiyak na lang ako at iniisip ang aming kahirapan. Napakahirap talaga namin; kamote o saging sa halip na kanin ang aming kinakain; saging sa umaga, kamote sa tanghali at saging naman ulit sa gabi. Wala rin kaming kuryente sa bahay kaya mahirap po talagang mag-aral at gumawa ng takdang-aralin. Lampara lang po ang gamit namin. Minsan pa’y nasunog ang aking buhok habang ako’y nag-aaral, Ate Charo. Sa tuwing nauubusan naman ng gaas ang lampara at wala silang pambili, ang ginagawa ko po ay nagiipon po ako ng mga tuyong dahon, madalas ay mga dahon ng saging o ng niyog at sinusunog ko ang mga ito para magkaroon ako ng liwanag sa gabi kapag ako’y nag-aaral na. Ganito po kami kahirap kaya sabi ko sa sarili ko baling araw ay maiaahon ko sila sa hkahirapan kaya magsusumikap ako sa aking pag-aaral.

“Yung tsinelas ko po’y hindi pa magkatulad ang malubha pa po ay hindi na rin siya buo dahil naputol na po sa gitna dahil sa tagal ko na pong sinusuot. Minsan nga po masiyadong masakit ang talampakan ko kapag nakakaapak ako ng matalas na bato. Minsan nangangalakal ako ng plastic at bote

Page 2: Dear Ate.docx

para may pang-gastos ako kapag mayroong project na ipinapagawa ang aming titser. Tapos ang baon ko ay binabalot pa sa dahon ng saging. Sa kabila ng kahorapan na aking naranasan sa elementarya ‘di ito naging dahilan para ako’y sumuko at mawalan ng pag-asa.

At nang malapit na ang graduation namin, nakapag-desisyon ako na pumasok sa Sisters Of Mary School. Napagalaman ko kasi na libre lahat doon at wala kang babayran kahit piso Ate Charo. Pero sa kasamaang palad po’y di po ako nakasali sa mga nakapasa. Sobrang lungkot ko po talaga noong mga panahon na iyon. Umiiyak ako buong araw. Parang nawalan nap o ako ng pag-asa para makatapos sa high-school. Dahil sa sobrang lungkot ko, hinahampas ko na lang po yung kambing namin hanggang sa maputol ang sungay niya. Hindi ko inaakala na makakwala ang kambing sa kaniyang pagkakatali; hinabol po ako nito at nang ako po’y nadapa nabutas ang aking damit dahil sa natusok ito sa dalawang sungay niya. Laking pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi tumama sa aking katawan ang mga sungay nito kung hindi ay baka iyon na ang naging katapusan ko.

Dumatin din sa panahon na sa tuwing ako’y gumigising ay lagi kong sinisisi ang Panginoon. Ang linyang hinding-hindi ko makakalimutan: “Lord, bakit hinayaang niyo pong hindi ako makapasa sa exam? Alam niyo naman na mahirap lang kami.” Minumura ko po talaga ang Panginoon noon. Kahit ano-ano ang pinagsasasabi ko sa kaniya. Maapit na ang graduation namin sa elementarya; ang lahat ng aing mga kaklase ay masiglang nag-eensayo maliban sa akin dahil hindi po ako sumasali. Nawalan na kasi ako ng gana.

Pagkalipas ng isang lingo, may isang madre ang pumunta sa aming paaralan at hinahanap ako, Ate Charo. Sinabi niya sa akin, “Roque, dapat kang magpasalamat sa Panginoon na ikaw ang napili sa libo-libong hindi nakapasa sa buong PIlipinas. Ikaw ang napiling replacement sa isang nag back-out.” Natulala talaga ako at hindi nakapagsalita tapos bigla na lang tumulo ang luha ko Ate Charo. Sa kabila ng pagmumura ko sa kaniya, tinulungan niya pa rin ako. Simula noon ay nagsisimba na ako at humingi ng tawad sa kaniya. Lubos din akong nagpasalamat sa kaniya. Lagi na po akong sumasali sa pag-eensayo sa graduation namin.

Nang dumating na ang pinakahihintay kong araw ng graduation namin, ang lahat ay masaya maliban sa akin dahil hindi ko po kasi katabi ang aking mga magulang. Wala pa rin sila nang malapit nang tawagin ang pangalan ko upang tanggapin ang aking diploma. Lumingon-lingon ako para tignan kung nariyan na ba sila. Nadismaya ako dahil hindi ko sila makita. Nakiusap na lamang ako sa kung sino-sino na samahan ako sa entablado sa pagkuha ko ng aking diploma. Umiyak po ako dahil wala po ang parents ko. Dito ko lang din naranasan sa araw na ito na makapagsuot ng kumpletong uniporme mula sa ulo hanggang sa sapatos. At nang malapit nang matapos ang graduation namin, dumating na sila mama at papa kasama ang mga kapatid ko Ate Charo. Mas lalo pa akong napaiyak nang inabot ng parents ko ang munting regalo nila sa akin na naging dahilan ng pagkahuli nila gawa ng binabalot pa pala nila ito. Grabe talaga sila mama at papa sa kabila ng kahirapan nakapagbigay pa sila ng regalo sa akin.

Lumipas ang mga araw at aalis na ako sa bahay namin para mag high-school sa Sisters of Mary School Boystown at doon na rin ako maninirahan. Pero ayaw po ng parents ko na papasok ako doon. Infact, my mother cried in front of me para lang ‘di ako tumuloy pero nakapag-decide na kasi ako. Sabay

Page 3: Dear Ate.docx

kami ni mama at ang isa kong panganay na kapatid na si Arvin. Hindi nakasama si papa dahil walang pamasahe, infact hiniram pa po namin yung pamasahe namin. Nang pumasok na ako sa school at tuluyan na kaming nagkahiwalay ni mama, niyakap niya ako ng mahigpit at umiyak ng husto dahil matagal pa na panahon na magkakasama kami ulit. Tinitingnan ko si mama at gusto ko pa talagang umiyak noon pero pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil ayaw ko na baka isipin ni mama na hindi ako masaya sa desisyon ko, Ate Charo. Umalis na sila mama pauwi sa amin at naiwan ako sa loob ng school. Dito na po ako umiyak ng umiyak dahil hindi ko na makakapiling ang mama ko, ‘di ko na rin siya maaalagaan at matutulungan.

Hindi naging madali ang buhay ko sa loob ng Sisters of Mary. Kailangan kong tiisin ang homesickness. Mag-aral ng mabuti para matupad ang pangarap ko na makapag patayo ng bahay na malaki at di na kami magkaroon ng problema sa kakainin namin. Gusto ko rin na hindi na magwork ang parents ko para maranasan naman nila ang buhay na matagal na nilang inaasam.

Lumipas ang mga buwan at araw na wala akong balita sa aking pamilya. Bawal kasi ang cellphone sa loob. Lagi ko na lang silang pinagdadasal sa loob ng school. Everytime na kumakain ako ng masasarap ng pagkain sa loob, hindi ko talaga maiwasan na maisip ang aking pamilya at tinatanong ko sa sarili ko kung kumusta na kaya sila at kung may kinakain pa ba sila? Tapos bigla na po akong maluluha, Ate Charo.

Masaya po ako sa loob ng school dahil napakabait kasi ng mga sisters. Ang pinakamasayang araw ko sa loob ay ang pagsapit ng birthday ko. Napakaraming cake. Nagkataon kasi na sa birthday ko ginaganap lahat ng birthday ng mga estudyante sa loob. Sa dami ng regalo na natanggap ko na galing sa mga sisters, naaalala ko pa rin ang pamilya ko. Sa birthday ko kasi, Ate Charo, ay fiesta rin sa aing barangay in honor of Snr. San Roque kung saan nakuha ang pangalan ko. Noong nasa bahay pa ako naghahanda talaga ang parents ko dahil fiesta. Sa lahat ng kapatid ko, ang birthday ko lang ang hindi nakakalimutan ng parents ko, espesyal kasi.

Dumating na ang isang araw na visiting day sa school. Every year it happen on the first day of September. Salamat naman at nakita ko kaagad ang parents ko after our Mass dahil napakaraming tao; libo-libo kasi ang mga estudyante. Tumakbo agad ako patungo kay nanay at niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa sobrang miss ko na siya. Di na lang po ako umiyak dahil umiiyak na kasi si nanay. Pag umiyak pa ako baka isipin nila na di ako masaya sa loob. Ayaw ko po kasi na mag-isip sila sa akin at madagdagan pa ang mga problema nila. Mas lalo pa po akong nasaktan, Ate Charo, ng matapos na ang visiting day at nang maihatid ko sila sa gate. Grabe ang pag-iyak ni mama at umiyak din si papa dahil matagal pa ang susunod na araw na magkikita-kita ulit kami. I even told them na wag nang mag-alala sa akin dahil okay lang ako sa loob. I smiled pa nung sinabi koi yon sa kanila pero pagtalikod ko’y bumuhos ang aking luha, malayo pa kasi ang sunod na araw na makikita ko silang muli’t mayayakap ng mahigpit. Pinabuti ko po ang pag-aaral ko sa loob hanggang sa dumating ang two weeks vacation para makapiling namin ang aming pamilya. Ecited po talaga akong umuwi sa amin. Pagdating sa bahay, they welcomed me. Kinantahan ako ng bunso kong kapatid at ng mga pamangkin ko.

Page 4: Dear Ate.docx

Two weeks is very fast. Hindi ko namalayan na babalik na rin po ako sa Sisters of Mary School. Nang matuog na ako, ginising ako ng parents ko at kinausap nila ako ng masinsinan. Nagmamakaawa sila na wag na po akong bumalik sa school dahil ayaw nila na malayo ako. Iniiyakan pa nila ako para lang di ako bumalik. Hindi ako nagpatalo sa nararamdaman nila, Ate Charo. Kaya kinabukasan ay bumalik talaga ako sa school para na rin matupad ang pangarap ko. Hanggang sa maabot ko ang 3rd year. Papalapit na rin ang birthday ko at lahat ng estudyante sa loob ay busy sa cheerdance practice. Excited na rin po ako sa kaarawan ko. August 11, 2008 pinatawag ako ng Mother Sister namin during study call. May kutob ako na may hindi magandang balita dahil malungkot si Sister. Binalita niya sa akin na ang mama ko ay isinugod sa hospital at malala na ang karamdaman niya. Stage 4 na ang liver cancer niya. Di po ako nakapagsalita sa narinig kong balita, Ate Charo. Ako’y napaluha at hindi ko alam ang gagawin ko dahil ang dami ko pong pangarap para sa kanya. Dahil matagalan ang proseso ng aking pag-labas, pinapunta muna ako ni Sister sa chapel para magdasal. Ang lagi at paulit-ulit kong hiling sa kanya ang mabigyan pa siya ng mahabang buhay.

Sinundo ako ng kapatid ko tapos sinabi niya sa kin na ayaw saw nila sanang ipaalam sa akin ang nangyari kay nanay dahil baka hindi na ako makapag-aral ng mabuti. Nakarating na ako sa bahay namin, at nakita ko ang mama ko na nakahiga. Pinapakain siya ng kapatid ko na babae. Walang tigil ang pag-iyak ko, Ate Charo. Sinabihan ako ni tatay na wag daw akong umiyak sa harap ni nanay para di daw siya masaktan. Inaabot ni papa ang pakain ni mama, tiniawag ni mama ang pangalan ko pero di na siya nakapag-salita ng maayos. Nasubuan ko si nanay ng dalawang bese at binalik ko na kay papa ang pagkain. Di ko kasi mapigilan ang pag-daloy ng aking mga luha. Lumakad ako papalayo sa amin at doon ako umiyak ng umiyak para hindi makita ni nanay. Kinabukasan ay kailangan ko nang bumalik sa school dahil isang araw lang ang binigay sa akin nila sister para di ako maiwan sa klase. Gusto ko po talagang makapiling ang nana ko noon, Ate Charo, kaso kailangan ko nang bumalik sa school. Umalis ako nang walang kamalay-malay ang nanay ko dahil sabi ni papa wag na daw akong magpaalam para di siya masktan. Inihatid ako ng aking kapatid pabalik sa Sisters of Mary School. Pagdating ko sa school, lumapit ako agad kay Mother Sister para makahingi pa ng additional day para makapiling ko pa ang nanay ko. Di ako mapalagay kaya sa gabi’y lumapit akong muli kay sister. Umiyak ako’t nagmakaawa na pauwiin niya ako sa amin. Pinapili niya ako kung mag-aaral pa ba ako para sa kinabukasan ko o umuwi na lang. Pero pinili ko na manatili sa loob at mag-aral. Every night umiiyak ako dahil wala man lang akong magawa para kay nanay. Papalapit na ang birthday namin, masaya ang lahat maliban sa akin. Napansin ko rin sa aming barangay na marami na ang banderitas. Di na ako sumali sa practice ng cheerdance namin at lagi na akong wala sa sarili. Lagi ko na lang dinadasal sa Panginoon na gagaling si nanay at sana’y bigyan pa siya ng mahabang buhay.

August 14, 2008 nang matanggap ko ang balita na malubha na po talaga ang karamdaman ni nanay at malapit na poi tong bawian ng hininga at gusto niya akong makita sa huling pagkakataon. Pagkatapos sabihin ito ng mother sister ko agad akong pumunta sa chapel. Umiiyak ako na nagmamakaawa sa kaniya na wag muna niya kunin ang nanay dahil marami pa akong pangarap para sa kaniya. Isa na doon ang Golden wedding anniversary nila ni Papa. Sa gabi’y kinausap ako ng mother superior namin sa office niya. Pinaliwanag niya sa akin na ang lahat ng tao sa mundo ay may hangganan. Hindi pa rin ito nakabawas sa lungkot na aking nararamdaman, Ate Charo. Matagal po akong nakalabas

Page 5: Dear Ate.docx

sa school namin, almost 11PM na po at wala nang bus na papunta sa probinsya namin kaya doon na lang ako natulog sa bahay ng kapatid ko sa siudad. Di po talaga ako nakatulog, Ate Charo, sa gabing iyon. Palagi ko po kasi iniisip ang nanay ko n asana magkita pa kami at makita niya ako sa huling hininga niya. Ako lang po kasi ang nahiwalay sa lahat ng magkakapatid. Early in the morning, tumawag ang kapatid kong babae sa kuya ko. Nagtanong siya kung nasaan na daw kami dahil labis na daw ang paghihirap ni nanay para lang makita ako. Lahat na sila sa bahay ay umiiyak na rin. Nakasakay na kami ng bus ngunit mabagal lang po talaga ang takbo ng nasakyan namin.

August 15, 2008, around 8AM ang oras ng kapanganakan ko. Mismo sa araw ng kaarawan ko at fiesta sa aming barangay ay pumanaw ang nanay ko. Sad to say, Ate Charo, hindi ko po naabutan ang nanay ko na buhay. Dumating po kasi ako sa amin 8:30AM na. Ako na lang po ang nakakita sa kaniya samantalang hindi na niya talaga ako nakita. Labis ang aking pag-iyak dahil hindi ko man lang siya naabutan para makausap siya at makahingi ng tawad sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sa kaniya at para na rin makapagpasalamat sa lahat ng ginawa niya para sa amin.

Hindi ko po talagang inaasahan na minsan makalimutan ang birthday ko dahil fiesta nga po sa amin. Dahil sa nangyari kay nanay mas gugustuhin ko pang mawalan ng birthday at fiesta sa aming barangay. Sa gabi, kami lang po n gaming kapit-bahay at mga kapatid ni mama at papa ang naglamay sa kaniya. Lahat po kasi ng tao sa amin ay busy sa fiesta at yung iba naman ay busy sa disco. Siisisi ko naman ulit ang Panginoon sa nangyari kay nanay dahil nagdasal naman ako sa kaniya’t nagmakaawa pero kinuha pa rin niya si nanay.

August 17, 2008 nailibing si nanay dahil August 18, 2008 po ang aking balik sa school. Nawalan na po ako ng pag-asa at ayaw ko na pong magpatuloy sa pag-aaral ko pero naisip ko pa rin ang pangakong binitiwan ko kay nanay nung buhay pa siya. Ginawa kong lakas ang pagkawala ni nanay para matapos ko ang pag-aaral ko. Humingi na rin ako ng tawad sa Panginoon nung nagkumpisal ako. Sa kabila ng sakit ng loob na naranasan ko, naipagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa loob hanggang sa nagtapos ako sa Sisters of Mary School Boystown. Alam ko na masaya na si nanay sa araw na iyon. Kahit hindi ko man siya nakasama, ramdam ko naman na nakita niya ako. Kahit nasa gitna ako ng libo-libong estudyante nung araw ng pagtatapos namin, may bigla na lamang dumapo sa akin na mala-higanteng paruparu. Napaiyak ako na nag-iiisip kay nanay.

Nagpatuloy ako sa college, Ate Charo, dahil nakapasa ako ng SNPL program sa Southeastern University. Hindi naging madali ang buhay ko sa kolehiyo dahil nalayo nanaman ako sa pamilya ko. Stay in ako sa school. Marami din po akong nadaanang pagsubok bago totally makapasok sa school. During Boot Camp Training, naka-apak po ako nang pako na kinakalawang. Dalawang lingo po ang boot camp namin at muntik ko nang hindi matapos ang training. Dahil hindi na ako makasali sa routine, nakapag-decide ang mentor ko na bumalik na lang ako sa susunod na batch. At saw akas nakasali naman ako sa second batch at natapos ko po ang training. Finally, officially enrolled na po ako sa kolehiyo. Kahit SNPL siya, may babayaran pa rin ako sa school namin. Lalo na ang amng pagkain. Napakahirap po dahil everytime na lumapit ako sa kapatid ko, wala silang maibigay dahil may sarili na silang pamilya. Dahil na rin sa sobrang dami namin, kung kani-kaninon na lang ako tinulak para makahingi ng pera ngunit sa huli’y walang nagbigay sa akin. Kung meron man ay maliit na amount lamang. Ang ginawa ko para

Page 6: Dear Ate.docx

makatapos at magkaroon ng pera, kinapalan ko ang mukha ko, I messaged all my friends in FB para makalikom ako sa kanila ng pera. Isang taong nakilala ko na handang tumulong sa akin ay si Jessa, ang kaibigan kong nagbibigay sa akin lagi ng pera. Gusto niya kasi na makatapos ako dahil saying daw ang pinaghirapan ko kung mapupunta lang ito sa wala kapag hindi ko pinagpatuloy ang aking pag-aaral. Nakilala ko rin si Tita Aznar na naging nanay ko sa loob ng kolehiyo. Handa siyang tumulong sa akin para makapagtapos ako ng pag-aaral. Eveytime na may problema ako, sa kaniya ako lumalapit. Di pa rin naging sapat ang natanggap kong tulong sa kanila lalo na pag may mga proyekto ako sa school. Lagi akong nanghihiram ng gamit sa mga kaklase ko pag may gagawin kaming proyekto. Kaya minsan nagpaparinig sila sa akin na nagpapabigat na daw ako sa kanila. At minsan pa’y di po nila ako pinahiram. Lahat ng sinasabi nila’y pinalampas ko na lamang dahil wala akong choice, wala rin kasi akong pera pambili. Minsan po’y iiyak na lang ako pag nasasaktan na po talaga ako sa mga sinasabi nila. Di ko naman pwede kasing pilitin ang pamilya ko na bilhan ako ng gamit sa mga proyekto ko dahil alam ko naman na naghihirap din sila.

Naranasan ko rin pong magkasakit sa loob, Ate Charo. Nagkasakit ako ng di alam ng mga duktor kung ano ang sakit ko. Tatlong hospital na ang pinuntahan ko at isang Medical Center ngunit lahat sila’y walang konklusyon sa kung ano ang sakit ko dahil normal naman lahat ng resulta ng laboratory test na pinapagawa nila sa akin. Walang nakapag-pagaling sa aking sarili kundi ako rin mismo. Hanggang ngayo’y misteryo pa rin ang sakit ko. Pinahinga ako ng school hanggang sa umabot ng isang taon. Ang ginawa ko sa bahay ay pinagaralan ko ang sakit ko hanggang sa na-control ko na po ito. Lalabas lang siya pag ginusto ko. Imbes na magpahinga ako, nagtrabaho ako para makaipon ng pera pagbalik ko sa school at pambayad na rin sa medical ko para matanggap ulit ako sa kolehiyo.

Finally, after one year, matapos ko maipasa ang medical ko, nakabalik na po ako sa school. Akala ko okay na ang lahat, nagkasakit pa rin ako at naospital dahil sa taas ng lagnat ko po, Ate Charo.

Sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap ko sa college ay nakapagtapos pa rin ako, Ate Charo. Natapos ko po ang kurso ko na BSMar-E Course sa Southeastern University. Sa tulong na pamilya ko, mga kaibigan ko at higit sa lahat ang Panginoon. Sa ngayon, In-house cadet po ako sa Career Phil sa may Evangelista.

Hindi man ako masuwerteng magkaroon ng mayaman na pamilya; masuwerte naman ako na ipinanganak akong mahirap. Dahil sa kahirapan na aking naranasan at nalampasan, sa bandang huli naramdaman ko naman ang tamis ng tagumpay, Ate Charo. Hanggang dito na lamang po.

Lubos na gumagalang,Roque.