261
AN EXAMINATION OF THE COMEDIC TECHNIQUES FOUND IN SELECTED WORKS OF NEIL SIMON THESIS Presented to the Graduate Council of the North Texas States University in Partial Fulfillment of the Requirements For the Degree of MASTER OF SCIENCE By Gary Garrison, B.S.. Denton, Texas December, 1980

DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

  • Upload
    others

  • View
    12

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

12 I. ATOMPAG

ISSN NO. 2672-2631 • TOMO 2 BLG. 3 • BUREAU OF COMMUNICATIONS SERVICES • AGOSTO 2020

Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website. bcs.gov bcs_govbcs.gov.ph bcs_gov

DEPED HANDADEPED HANDASA HAMONSA HAMONNG 'NEW NORMAL'NG 'NEW NORMAL'

2 R. CABUGWANG

DOHDOH nanguna nangunakontra kontra COVIDCOVID--1919

2 V. LANDIG

OWWA SUPORTADOang displaced OFWs

6 M. LADISLA

M E D I A M A NBabangon Tayo

3 SEC. MARTIN ANDANAR

DTI TODO TULONGsa MSMEs

6 I. ATOMPAG

BBB, TAXREFORM,magpapasigla saekonomiya

6 K. CORDERO

LABOR MARKET,makakabawi ngayongbinubuksan angekonomiya

2 K. CORDERO

Page 2: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

2Agosto 2020 BalitaBalita

Labor market, makakabawi ngayong binubuksan ang ekonomiya

Ni KC Cordero

Batay sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Hunyo 10, ang aktuwal na bilang ng mga Pilipino na nawalan ng hanapbuhay ay nasa mahigit 69,000 mula sa mga kumpanya na napilitang magsara sanhi ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang bilang na ito ng mga apektadong manggagawa sa ating bansa ay nakaempleyo sa 2,068 kumpanya.

Malayo ito sa napaulat na 7.3 milyong Pinoy na nawalan ng hanapbuhay, batay sa April Labor Force Survey na inilabas noong unang linggo ng Hunyo ng Philippine Statistics Authority (PSA).

“The 7.3 million is just a survey and it is not actual or factual,” ayon kay Bello.

Binigyang-diin niya na ang aktuwal na bilang ng mga nawalan ng trabaho na Pinoy ay ang datos na manggagaling sa DOLE.

Lumabas sa April Labor Force Survey na ang ating unemployment rate ay nasa 17.7 percent na nangangahulugan na may 7.3 milyong Pinoy na walang trabaho — ang pinakamataas na tala mula noong 1998 na resesyon kung saan ang Pilipinas ay nagkaroon ng 10.3 percent unemployment rate.

Nauna nang sinabi ni Bello na bago ang pandemya ay maganda ang employment situation ng ating bansa at tumaas sa 4.0 percent o “1.6 million net employment generated”.

Noong Hunyo 5 ay nagpahayag ng pag-asa ang DOLE na gaganda pa rin ang employment situation sa ating bansa sa muling pagbubukas ng ating ekonomiya kahit may pandemya pa.

Ayon kay Bello sa inilabas na pahayag ng kanyang tanggapan, “As the economy opens gradually, we are hopeful that the labor market will also recover. The Department is committed to preserve and protect employment as we await the approval and implementation of the whole-of-government Recovery Plan in the remainder of the Duterte Administration.”

Hinikayat din ng Kalihim ang mga pribadong kumpanya na patuloy na suportahan ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng hanapbuhay sa mga manggagawa.

( ▶ 12 )

Puspusan ang isinasagawang paghahanda ng Department of Education (DepEd) sa pangunguna ni Secretary Leonor Briones para sa “new normal” na pamamaraan ng pagkatuto ng mga kabataan sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

Bilang tugon sa tumitinding mga hamon sa sektor ng

DepEd handa sa hamon ng new normalDepEd handa sa hamon ng new normal Ni Vanessa R. Landig

edukasyon sa gitna ng krisis dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, inilunsad ng Kagawaran ang Basic Education - Learning Continuity Plan (BE-LCP) na layuning gabayan ang mga guro, magulang, at mag-aaral upang maipagpatuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.

Nakasaad sa BE-LCP ng Kagawaran na inaprubahan noong Mayo 8, 2020 ng Inter-Agency Task Force on Management of Infectious Disease (IATF-EID), na ang mga klase ay isasagawa sa pamamagitan ng alternatibong pamamaraan tulad ng blended learning, distance learning o homeschooling alinsunod sa “local COVID Risk Severity Classification” at minimum health standards.

“The LCP is our major response and our commitment in ensuring the health, safety, and well-being of our learners, teachers, and personnel in the time of COVID-19 while finding ways for education to continue amidst the crisis for the upcoming school year,” pahayag ng Kagawaran.

Nagpasalamat naman kamakailan ang Kagawaran sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 11480 na naga-amyenda sa R.A. 7797 kung saan binibigyang kapangyarihan ang Kalihim ng Edukasyon na magrekomenda ng mga pagsasaayos sa school calendar sa panahon ng krisis.

Inaprubahan na rin ng Pangulo nitong Hulyo 21 ang “limited face-to-face learning” sa mga low risk na lugar bunsod ng mga panukala mula sa ilang LGUs, mambabatas, private, at international schools.

Ayon sa DepEd, ang pagsisimula ng “limited face-to-face learning” ay itinakda sa third quarter ng school year o sa Enero 2021 sa mga piling paaralan lamang na dadaan sa masusing inspeksyon ng Kagawaran, Department of Health, IATF-EID, at local government units (LGUs).‘Learning Delivery Modalities’

Pinatunayan ng DepEd na handa nitong tugunan ang iba't ibang pangangailangan at kakayahan ng mga mag-aaral upang maitaguyod ang kanilang pag-aaral ngayong panahon ng krisis.

Sa inilabas na “Learning Delivery Modalities”, ipinakita

HANDANG ISIP, HANDA BUKAS — Nakiisa ang mga magulang ng mga mag-aaral ng Calay IP School sa Lun Masla, Sarangani Province sa pagsisimula ng dry run ng radio-based instruction (RBI). Sa pamamagitan ng “Radyo Eskwela”, tuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic. (Photo credit: DepEd Philippines) ( ▶ 13 )

Bilang pinunong ahensya ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), pinangunahan ng Department of Health (DOH) ang laban sa pagsugpo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagdulot ng matinding krisis, hindi lamang sa bansa pati na rin sa buong mundo.

Mula nang unang iniulat ng World Health Organization (WHO) noong Disyembre 31, 2019 ang pagdami ng kaso ng pneumonia sa Wuhan City, Hubei Province, China, naging aktibo na ang DOH sa pagmomonitor ng nasabing virus at sa pagbabalangkas ng iba’t ibang mga hakbang upang matugunan ang nasabing hamon.

Ipinag-utos ng Kagawaran noong Enero 6 ang paghihigpit sa pag-uusisa sa mga pasaherong papasok ng bansa. Noong ika-11 ng parehong buwan, hinikayat ng DOH ang mga may travel history galing China na magpakonsulta agad sa mga pasilidad pangkalusugan.

Upang mas mapaigting ang pag-monitor sa kundisyon ng mga pumapasok sa bansa, ipinag-utos ng Kagarawan noong Enero 17 na gawing mandatory ang pagsagot ng Health Declaration Cards sa lahat ng mga paliparan at daungan sa Pilipinas.

Pagsapit ng Enero 20, binuo ng DOH ang nCOV Task Force na inatasan ng Kagawaran na sumubaybay sa sitwasyon ng bansa at magbigay ng rekomendasyon sa pagsugpo ng COVID-19.

DOH nanguna kontra COVID-19Ni Raiza F. Cabugwang

( ▶ 12 )

Sinimulan naman nito ang daily case tracker ng mga apektado, nasawi, at hinihinalang biktima ng COVID-19 noong Enero 28. Mas pinalawig din ng ahensya ang komunikasyon nito sa publiko sa pamamagitan ng regular na press briefings upang mas makapagbahagi ng kaalaman tungkol sa virus.

Noong Enero 27, muling nagtipon-tipon ang miyembro ng IATF-EID upang suriin ang kalagayan ng bansa. Alinsunod sa naging resolusyon ng IATF at sa rekomendasyon ng DOH, agad na naglabas ang Pangulo ng temporary travel ban sa lahat ng byahe na nagmumula at patungo sa Wuhan atHubei, China.

Kasabay ng travel ban, sinimulan na rin ang pagbuo ng repatriation plan upang maiuwi sa bansa ang ating mga kababayan na naapektuhan ng health emergency sa China. Ito ang naging blueprint ng iba pang repatriation at quarantine programs na ipinatutupad sa bansa hanggang sa kasalukuyan.

Kaugnay sa aspeto ng contact tracing, inanunsyo ng DOH noong Pebrero 1 ang pagpanaw ng kauna-unahang kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Samantala, noong Pebrero 10 ay naglabas naman ang Philippine Health Insurance Corporation, isang government-owned and controlled corporation sa ilalim ng DOH, ng circular patungkol sa pagpapataas ng benefit package para sa

mga apektado ng nasabing karamdaman.

Sa buwan ding iyon, matagumpay na naiuwi ng DOH, katuwang ang Department of Foreign Affairs, ang Overseas Filipinos na lulan ng M/V Diamond Princess cruise ship, ang barkong nakilala dahil sa COVID-19 outbreak na nakaapekto sa napakaraming crew at pasahero nito.

Lalo pang pinaigting ng DOH ang pagresponde nito sa naturang pandemya pagsapit ng Marso, ang buwan kung kailan idineklara ang State of Public Health Emergency sa buong bansa sanhi ng COVID-19.

Inilabas din ng DOH sa buwang ito ang Public Advisory ukol sa mga panuntunan sa pampublikong pagtitipon, Public Advisory na magiging gabay ng mga institusyon kung magkakaroon ng Person Under Investigation (PUI) o kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang tanggapan, at mga panuntunan para sa pangangalaga ng mga pasyenteng posibleng o kumpirmadong may COVID-19.

Ang Food and Drug Administration (FDA) naman, isang ahensya sa ilalim ng DOH, ay

KONTRA COVID — Sa pangunguna ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, pinaigting ng Kagawaran ang kampanya ng bansa laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na ayon sa World Health Organization ay umabot na sa higit kalahating milyong buhay ang nakitil sa iba’t ibang panig ng mundo.

Page 3: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

EditoryalEditoryal 3Agosto 2020

MEDIAMANNi Martin M. Andanar

EDITORIALBOARD

MA. FLORINDAPRINCESS DUQUE

Editor-in-Chief

EILEEN CRUZ-DAVIDManaging Editor

VANESSA LANDIGAssociate Editor

JOAN ALCANTARAIVY ATOMPAG

RAIZA CABUGWANGKC CORDERO

MONICA LADISLAWriters / Researchers

DAVID VERIDIANOPhotographer

KEVIN LARANANGArt Director / Cartoonist

ENREL TAN Layout Artist

CAROLINA TONGKOProduction Manager

ARLENE BARRIENTOSCirculation Manager

BALITA CENTRAL is published bimonthly by the Bureau of

Communications Services with office address at PCS Bldg. 310 San

Rafael St. San Miguel Malacañang Complex, Manila 1005.

BALITA CENTRAL is freelydistributed by the Bureau of

Communications Services. Anyperson caught selling copies of

the tabloid will be penalized.

For any inquiries, you maycontact us through the following:

Phone: (02) 8734-2117E-mail: [email protected]

Facebook: bcs.govWebsite: www.bcs.gov.ph

Sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, mas pinaigting pa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga isinasagawang hakbang nito upang alalayang makabangon ang iba't ibang sektor na nalugmok matapos matigil pansamantala ang hanapbuhay at pinagkakakitaan.

Naging pangunahing aksyon ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic ang pagbibigay ng emergency assistance sa lahat ng apektadong sektor matapos ipatupad ang community quarantine na naging hudyat ng pagtigil ng maraming negosyo upang maiwasan ang pagkalat at pagtaas pa ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Para sa mas malinaw na direksyon na tatahakin sa panahon ng krisis, naglatag ang pamahalaan ng apat na pangunahing layunin bilang tugon sa pandemya. Ito ay kinabibilangan ng: (1) paglalaan ng emergency assistance sa lahat ng apektadong sektor; (2) paglalaan ng maayos na pasilidad at kagamitan para sa sektor ng kalusugan at frontliners; (3) pagtataguyod ng mga hakbang ukol sa maayos at matatag na pagkilos sa pananalapi na makatutugon sa lahat ng stakeholder; at, (4) ang paghahanda at pagbabalangkas ng responsive at sustainable recovery plan.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11469 o ang Bayanihan To Heal As One Act na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Marso 25, nakapaloob ang Social Amelioration Program (SAP) na nagbigay ng tulong pinansyal sa iba't ibang sektor ng lipunan upang maalalayan sa gitnang krisis.

Bukod sa naunang grupo ng benepisyaryo na binuo ng 18 milyong low-income na pamilyang Pilipino, nadagdagan pa ito ng limang milyong pamilya na inaprubahan ng Pangulo upang mapabilang sa SAP. Ayon sa tala ng Department of Budget and Management noong Mayo 28, mahigit P353 bilyon na ang nailabas para sa COVID-19 responseng gobyerno.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ay nakapamahagi na ng higit P100 bilyon na cash subsidy para sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Program (AICS) habang may inaasahan pang ikalawang tranche ng pamamahagi ng ayuda. Kasama sa mga nabigyan ang mga low-income na pamilya, 4Ps beneficiaries, at mga driver ng

mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila.

Dahil malaki ang papel na ginagampanan ng local government units (LGUs) sa paglaban sa virus, binigyan ng national government ng financial assistance ang bawat local at provincial governments sa buong bansa para sa kanilang mga programa laban sa COVID-19 at tulong sa kanilang mga nasasakupan. Mahigit P37 bilyon ang inilaan ng Palasyo para rito sa pamamagitan ng “Bayanihan Grant for Cities, Municipalitiesand Provinces”.

Sa labang ito, “science is in-charge”. Buo ang tiwala ng Pangulo sa mga eksperto at medical workers ng bansa lalo na sa Department of Health na maitataguyod ang labang ito hanggang sa makahanap ng lunas. Prayoridad ng Pangulo ang kalusugan at kaligtasan ng bawat frontliner at Pilipino, kaya sa tala noong Mayo 28, umabot na sa P1.9 bilyon ang nailaan ng gobyerno para sa pagbili ng RT-PCR test kits. Maliban dito, nagdagdag din ng mga accredited COVID-19 testing laboratories, quarantine facilities, swabbing centers, atmedical workers.

Sa pagsisikap ng pamahalaan, umabot na sa higit 3,300 na treatment at monitoring facilities ang naitayo sa buong bansa na sa kabuuan ay may higit 42,000 na ang bed capacity. Noong Mayo 25, iniulat naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na halos anim na beses ang itinaas ng testing capacity ng bansa, mula sa 5,000 tests bawat araw noong Abril 15, umabot na sa 32,000 tests ang naisasagawa kada araw.

Hindi rin pinabayaan ng gobyerno ang mga manggagawa sa formal sector at mga overseas

Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng krisis. Sa pamamagitan ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP), umabot na sa 122,910 OFWs ang nabigyan ng tulong mula sa P2.5 bilyon na inilaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa libu-libong OFWs na umuwi ng Pilipinas. Sa ilalim naman ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), nabigyan rin ng assistance ang nasa 657,201 formal workers mula sa budget na nagkakahalaga ng P3.2 bilyon.

Ang mga informal workers na mas lubhang naapektuhan ng krisis ay binigyan din ng ayuda ng gobyerno sa ilalim ng programa ng DOLE, ang Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na naglaan ng halagang P1.264 bilyon sa higit 337,000 na informal workers tulad ng vendors at construction workers.

May ayuda rin na inilaan ang pamahalaan para sa mga middle-income workers sa pamamagitan ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) na ayon sa tala ng Social Security System noong Mayo 20, umabot na sa P21.7 bilyon ang naipamahagi sa mahigit 2.8 milyong empleyado.

Sa sektor naman ng agrikultura, itinaguyod ng Department of Agriculture (DA) ang programang Financial Subsidy for Rice Farmers (FSRF) na matagumpay na nakapagbigay-tulong sa 584,491 na magsasaka na umabot sa P2.956 bilyon noong Mayo 19. Nakatanggap din ng ayuda ang mga mangingisda, habang pinautang naman ng gobyerno ang mga malalaking farm industry para makabangon sa pagkalugi

sa pamamagitan ng zero-interest loans.

Upang masolusyunan ang naging problema sa mga ani na hindi naibenta dahil na rin sa malawakang lockdown, isinulong ng DA ang kanilang proyektong “Kadiwa ni Ani at Kita” na sinuportahan naman ng LGUs at mga kooperatiba na matagumpay na sa tala ng DA noong Hunyo 5 ay nakabenta na ng P5.8 bilyong halaga ng farm at fishery products sa pamamagitan ng LGU food packs at iba pang marketing platforms ng DA.

Inilunsad din ng DA ang Urban Agriculture Program, kung saan hinikayat ang mga residente sa Metro Manila at iba pang mga lugar gaya ng mga kampo militar at mga paaralan na magtanim ng gulay kahit walang bakanteng lupa. Ayon kay DA Secretary William Dar, sa tala noong Mayo 28, nakapamahagi na ang ahensiya ng mga buto na umabot sa P400 milyong halaga sa higit 12 milyong pamilya sabuong bansa.

Ilan lamang ito sa napakaraming hakbang at pagtugon na patuloy na isinasagawa ng pamahalaan na naging daan para kilalanin ang Pilipinas sa buong mundo bilang isa sa may pinaka-transparent at may hinahangaang aksyon laban sa COVID-19.

Tinitiyak ni Pangulong Duterte, katuwang ng kanyang gabinete na walang magugutom at maiiwang Pilipino sa gitna ng laban ng gobyerno sa COVID-19. Sabay-sabay tayong aahon tungo sa isang matatag na Pilipinas.

Kaisa rin ng Pangulo ang PCOO sa adhikaing ito. Basta’t sama-sama at laging handa, kaya natin ito! Babangon tayo! ■

Babangon tayo

Page 4: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

4Agosto 2020

EditoryalEditoryalUGNAYANNi Ma. Florinda Princess E. Duque

Laban ng gobyerno sa COVID-19 PRE-SONA 2020: TATAK NG PAGBABAGO- PATUNAY NG PAGKALINGABinulabog ng Coronavirus

disease 2019 (COVID-19) ang buong mundo sa pagsulpot ng unang kumpirmadong kaso sa Hubei Province, China noong Disyembre 31, 2019 na lubhang nagdulot ng matinding pangamba sa lahat ng tao. Sa kasalukuyan, nananatiling walang lunas ang naturang sakit na ayon sa tala ng World Health Organization ay kumitil na ng higit kalahating milyong buhay sa buong mundo.

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, patuloy pa rin ang pag-aaral at pagtuklas ng mga eksperto sa lunas na inaasahang magpapagaan sa nararamdamang takot at pangamba ng mga tao tuwing lalabas ng kani-kanilang tahanan. Sa gitna ng walang katiyakang kapaligiran, naging sandigan ng bawat Pilipino ang pamahalaan.

Sa pamamagitan ng mga hakbang at desisyon na masusing pinag-isipan bago inilatag bilang National Action Plan (NAP) laban sa COVID-19, naagapan ang inaasahang mas malala pa sanang epekto ng pandemya sa bansa. Kung hindi isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Luzon sa enhanced community quarantine (ECQ), marahil mas mataas pa ang bilang ng mga nagpositibo atnamatay ngayon.

Tunay nga na malaking bahagi ang ginampanan ng ating “science experts” sa mga naging desisyon at istratehiya ng ating gobyerno upang labanan ang COVID-19. Ito ay upang matiyak na tayo ay ligtas mula sa COVID-19 habang patuloy na ginagamot ang mga natamaan ng sakit at maiwasan ang paglaganappa nito.

Sa lumipas na dalawang buwan, bumuhos man ang luha mula sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, pagod at hirap ng ating mga healthcare worker at frontliner na talaga namang hindi matatawaran ang serbisyo sa bayan, unti-unti naman tayong bumabangon sa kasalukuyan. Sa pag-alalay ng gobyerno, dahan-dahan na tayong pumapasok sa “new normal” na nagbibigay ng

lakas ng loob sa ating lahat upang ipagpatuloy ang laban.

Sa kabuuan ng pagsubok na ito, kung may natutunan man tayo sa mga pangyayari, ito marahil ay kung paano nakatutulong ang pagiging disiplinado at responsable ng isang mamamayan sa katatagan ng gobyerno ng isang bansa sa gitna ng matinding pagsubok. Nagiging matibay na pundasyon ng isang bansa ang isang mamamayan na nakikibahagi sa solusyon at may pagnanais na makapaglingkod nang walang bahid ng personalna interes.

Ipinakita ng gobyerno ang buong tapang at malasakit sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa panahon na ito sa pamumuno ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na binubuo nang 33 mga ahensya. Ang naturang pangkat ang bumubuo ng mga polisiya at alituntunin para ating sundin. Kasama rin dito ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 na siya namang namamahala sa implementasyon at operasyon mula sa national level pababa sa mga lokal na pamahalaan.

Kaloob ang Republic Act No. 11469 o ang “Bayanihan to Heal As One Act”, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bigyan ng ayuda ang ating mga kababayan sa ilalim ng Social Amelioraton Program (SAP).

Sa pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development, nabigyan ng tulong ang mga mahihirap nating kababayan na lubhang naapektuhan ng community quarantine. Para naman sa mga manggagawa na natigil ang trabaho dahil sa pandemya, umalalay ang Department of Labor and Employment sa pamamagitan ng mga programang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Maging ang ating mga bagong bayani na overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan pansamantala ng hanapbuhay sa ibang bansa ay inalalayan ng administrasyong Duterte sa pamamagitan ng programa ng DOLE na Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP).

Sa ika-27 ng Hulyo, ihahatid ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), isang taunang kaganapan na nakatala na simula pa noong panahon ng Komonwelt. Ito ay isang tradisyon - isang pambansang gawain - sa loob ng halos 85 taon.

Sa panahon man ng digmaan at kapayapaan; sa mga panahong tahimik at sa mga oras ng kaguluhan, ipagpapatuloy natin ito ngayong taon kahit na ang bansa at ang buong mundo ay nahaharap sa isang krisis, isang pandemya na kumitil sa kalahating milyong buhay at naapektuhan ang buhay ng bilyun-bilyong iba pa.

Kasama sa apektado - kasama sa kinakabahan araw-araw sa pandemyang ito - ang mahigit isang-daang-milyong Pilipino. Ang mga numerong sinasalamin nito, sa isang survey kamakailan na nagpapakita na siyam sa sampu ng ating mga kababayan ang nababagabag dahil sa COVID-19 pandemic. Hindi naman ito nakakagulat, dahil nakikita din ng ating mga kababayan ang mga numero: ang bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19, ang bilang ng mga namamatay dahil dito, at ang iba pang mga impormasyong nakakadagdag-kaba.

Alam ng ating mga kababayan ang mga numero at kung ano ang kinakatawan nila. Batid nila ang epekto ng mga pigurang ito. Yung mga nagkasakit, yung mga namatayan, yung mga nawalan ng hanapbuhay o apektado ang negosyo - ramdam nilang lahat ito. Para sa ating mga kababayan, hindi lang ito mga istatistika o pigura; ang mga bilang na ito ay kumakatawan sa kalidad ng kanilang buhay - kung magkakaroon pa rin sila ng trabaho bukas, kung magkakaroon ba sila ng sapat na kita upang pakainin ang kanilang mga pamilya sa susunod na araw, kung mayroon pa silang bahay sa susunod na linggo.

Dito po nagsisimula ang pagkalinga ng gobyerno. Batid

Ang mga ito ay iilan lamang sa mga pagsisikap at hakbang na isinagawa ng gobyerno upang maibsan ang paghihirap nating mga mamamayan. Sa kasalukuyan, patuloy ang pag-aaral at paglikha ng solusyon ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte upang mabigyan ng kaukulang tugon ang iba’t ibang isyu at suliranin na idinudulot ng pandemya.

Nakakalungkot mang isipin ang naging epekto ng COVID-19 sa kabuuang kalagayan ng merkado sa bansa at mundo, nagsilbi pa rin itong daan upang pag-ibayuhin at paunlarin pa ng administrasyon ang iba’t ibang aspeto ng pamamahala sa ating bansa.

Isa na rito ang kapasidad ng ating healthcare system na kinakailangan pang palawakin at palakasin ng Department of Health (DOH) sa tulong na rin ng private sectors. Pangalawa, ang kakulangan sa trabaho na mas tumindi pa dahil sa pagsasara ng mga negosyo noong nagdeklara ng ECQ. Panghuli, ang ating public transportation na mas nararapat nating gawing komportable at ligtas sa lahat.

Sa kabila ng lahat, ating tandaan na ang bawat desisyon at solusyon na isinasagawa ng gobyerno ay para sa kabutihan ng bawat isa sa atin. Huwag nawa tayong mawalan ng pag-asa sapagkat handa at nananatiling buo at matibay ang dedikasyon ng gobyerno upang matiyak na magkakaroon ng “comfortable life for all” ang bawat Pilipino sa gitna ng pandemya.

Mahirap man ang ating sitwasyon sa ngayon, pasasaan ba at makakabangon din tayo. Gaya nga ng kampanya ng DOH, ituring natin ang bawat isa na “Kontra-COVID-19 Hero”. Hindi man tayo naglilingkod bilang healthcare worker o frontliner, ipagpatuloy lang natin ang pangangalaga sa ating mga sarili at pamilya. Sa maliit na paraan tulad ng paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face mask, magdudulot na ito ng malaking epekto at pagbabago sa kasalukuyang sitwasyon na ating kinakaharap sa COVID-19. ■

ng gobyerno na ang datos ay nagpinta ng imahe ng isang tao na naghahanap sa amin ng katiyakan, na umaasa sa kanilang pamahalaan upang matugunan ang mga hamon na kinakaharap nila araw-araw. Kaya lahat ng desisyon na ginagawa natin ay nakasalalay sa pagtugon di lamang sa ating mga pangunahing pangangailangan kundi maging para sa pisikal, emosyonal, at ispiritwal na kaligtasan ng lahat. Bawat buhay may saysay. Bawat buhay may kabuluhan. Bawat buhay dapat pangalagaan.

Kung ipinahihiwatig sa atin ng mga numero na mayroon tayong mga hamon na kailangang mapagtagumpayan, narito kami upang magbigay ng mga pigura upang matiyak sa inyo na kaya nating manaig sa mga hamong ito.

Maaari tayong mamuhay sa isang hindi pangkaraniwang kapaligiran, ngunit ang layunin ng SONA at ng mga kaugnay na Pre-SONA ay magkapareho: upang mabigyan kayo, ang publiko, ng mas malinaw na larawan kung paano namin pinaplano na gawing mas magaan ang inyong buhay.

Matagal nang inilatag ng Pangulo at ng inyong gobyerno ang pundasyon para sa pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa - at ginagawa ng pamahalaan kung ano ang kinakailangan upang tumugon sa COVID-19 pandemic, lalo na sa patuloy na pagpapatupad ng iba’t ibang mga programaat proyekto.

Asahan ninyo na sa pagbangon natin mula sa pandemya ay kaakibat pa rin ang tunay na malasakit para sa ganap na pagbabago, at patuloy pa rin ang pagbibigay ng lubos na atensyon, pondo, at panahon sa mga programang kailangan upang maitaas ang kalidad ng buhay ng lahat ng ating mga kababayan.

Pag sama-sama, kaya nating umahon; sa tulong ng Diyos at sa magkaisang aksyon, tayo ay babangon.

KLARO. ■

KLARUHIN NATINNi Cabinet Secretary Karlo Nograles

Page 5: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

Agosto 2020EditoryalEditoryal 5

Towards a resilientpost-COVID PH economy

The Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic has taken a heavy toll on many economies, including the Philippines. Our country suffered its first economic contraction after a two-decade growth streak.

While projections have been bleak, I share the view of our economic managers that our current economic situation is a temporary setback. This is because prior to the current pandemic, the Philippines is performing better than other economies.

According to government data, the Philippine economy was growing steadily and getting stronger before the pandemic, with a 6.6 percent average gross domestic product (GDP) growth between 2016 and 2019. Aside from this, our country’s debt-to-GDP ratio was 39.6 percent — the lowest ever recorded, while revenue efforts were at 16.1 percent — the highest ratio since 1997. Our gross international reserves was $89B at the end ofMarch 2020.

In terms of our credit rating, we were at BBB+ in 2019 — the highest in the country’s history. The good news is, even amidst the pandemic, the Japan Credit Rating Agency (JCR) recently upgraded our BBB+ credit rating to A-, citing the Philippines’ resilience to the epidemic and giving the country a stable outlook despite the ongoinghealth pandemic.

Even after the Philippines was hit by the global health scare in March 2020 long-term economic outlook still looks promising. The Economist ranked the Philippines’ financial strength 6th among growing 66 economies.

With all these economic projections, I am confident that with the country’s currently strong macroeconomic fundamentals and with the Duterte administration’s four-pillar socioeconomic strategy against COVID-19 in place, the Philippine economy would emerge stronger and more resilient.

As the administration of President Rodrigo Roa Duterte enters its fifth year of governance, let us remain hopeful and look forward to our economy recovering quickly and bouncing back.

The President’s economic managers’ approach to

address the losses incurred during the implementation of the enhanced community quarantine and preparing for economic recovery is phased and adaptive. We are currently in the Recovery Stage, which is projected to run from June to December 2020, while our Resiliency Stage will be from2021 onwards.

Crucial factors in our recovery stage will include budget and program flexibility; reprioritization of the 2020 budget; resumption of priority Build, Build, Build projects; raised income and creation of jobs; support firm liquidity and equity infusion and guarantee through financial sectors, and targeted tax incentives.

Accordingly, as we strive to restore business confidence and move forward with the recovery stage of our economic recovery plan, we still need to continue addressing current issues in our battle against COVID-19. The government’s expanded testing strategy is a step forward to restoring business confidence, particularly in the opening up of more sectors and industries.

With the new expanded testing strategy, not just the symptomatics and those who had close contact with COVID-19 positive cases will be tested, even the asymptomatics and other frontliners will undergo COVID-19 testing. All returning overseas Filipinos and locally stranded individuals will also be tested before they will be allowed to go home to their families. Similarly, companies and government agencies will soon be able to have its frontliners tested as well to give companies more confidence in their returnto operation.

Overall, I would say it has been a great four years for the Duterte administration. We may have been tested by recent devastating events but because we have very sound economic fundamentals, I believe that we can rise up again after the COVID-19 pandemic.

Indeed, we are prepared and our plans are concrete. As we begin to gradually settle in the new normal, let us heal together and recover as one towards a stronger and more resilient Philippines. ■

TanglawNi Eileen Cruz-David

TAPANG at MALASAKIT:Tugon ng pamahalaan kontra COVID-19

Mahigit apat na buwan na ang itinakbo ng laban natin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Habang lumilipas ang panahon, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng kaso ng mga nahawaan ng virusna ito.

Ayon sa tala ng Department of Health nitong Agosto 4, nasa 112,593 na ang mga nagpositibo sa COVID-19 habang nasa 66,049 naman ang nakaligtas, at nakalulungkot na mayroon nang nasa 2,115 ang namatay. Ang mga datos na ito ay isang malinaw na indikasyon na mas kailangan pa nating paigtingin ang laban kontra sa matinding virus na ito, sapagkat nakapananalanta ito anumang oras at sa kahit kaninuman. Ito ay isang kalaban na hindi nakikita ng ating mata at nakahahawa sa pamamagitan lamang ng malapitang pakikisalamuha at pakikipag-usap. Mas mapanganib at nakakatakot ang virus na ito sa mga matatanda, bata, buntis, at yaong mga may hindi magandang kondisyon sa kalusugan.

Ang pagtaas ng mga nahahawa ng virus ay lubhang nakababahala sa kabila ng maliwanag na mga health protocols na ipinatutupad ng ating pamahalaan katulad ng pagsusuot ng face mask, madalas na paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa paghipo ng bahagi ng mukha, at higit sa lahat ang pagtupad sa physical distancing na ‘di bababa sa isang metroang layo.

Sa gitna ng mga pangyayaring ito, nanatiling maaasahan ang pamahalaan na agad na kumilos at nagbigay ng tugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan. TAPANG at MALASAKIT. Ito ang naging sandigan ng administrayon upang pangasiwaan ang naging epekto ng krisissa bansa.

Patunay ng tapang na ito ang masigasig na pagpapatupad ng health protocols at qurantine guidelines ng ating mga lider sa local government units at kapulisan. Sa panig naman ng mga mamamayan, naging matapang tayo na harapin ang buhay sa kabila ng pangamba na dulot ng virus. Kailangan nating maghanap-buhay para sa ating pamilya habang nag-iingat upang hindi mahawa. Protektahan natin ang ating kalusugan. Nariyan ang mataas na banta ng COVID-19, pero hindi ibig sabihin nito ay susuko na lang tayo sa buhay.

Lubhang kahanga-hangarin ang ipinamalas na tapang ng ating frontliners at healthcare workers sa laban kontra COVID-19. Ang mga doktor, nars, health workers, pulis, sundalo, delivery drivers, at iba pa ay tunay na dapat nating pasalamatan. Matapang nilang hinarap ang laban at handa silang maglingkod kahit kapalit pa nito ay ang kanilang buhay. Salamat, frontliners!

Dapat ay mayroon ding malasakit sa laban kontra COVID-19. Kailangan nating magtulungan at magkaroon ng solidong pwersa sa pagsugpo sa mapanganib na virus na ito. Kailangan nating isulong ang kapakanan ng bawat isa sa atin. Hindi ito ang panahon upang maging makasarili sapagkat kailanman ang ‘pagiging makasarili’ ay hindi magtatagumpay. Ang pagiging manhid at walang pakikiisa sa magandang layunin para sa bayan ay walang pagpapahalagasa buhay.

Sa panahon ng pandemyang ito, ang pagsunod sa health protocols ay maituturing na malasakit sa kapwa at bayan. Dapat din tayong makipagtulungan sa contact tracing at kung may nararamdamang

sintomas ng COVID-19 ay nararapat na dumulog agad sa mga health centers at ospital. Magmalasakit tayo sa kapwa at huwag nang lumabas ng bahay kung hindinaman kinakailangan.

Ipagpatuloy rin natin ang magandang nasimulan ng ating lokal na pamahalaan na buhayin ang bayanihan sa bawat barangay. Palakasin din natin ang ating Barangay Health Emergency Team na siyang nangangalaga at tumitingin sa problemang pangkalusugan sa bawat barangay, maging ito man ay ordinaryong sakit o dalang virus.

Sa mga maykaya sa buhay, mas mainam na tayo ay makatulong sa mga naghihikahos at nangangailangan. Marami ang nawalan ng hanapbuhay nang tayo ay magkaroon ng community quarantine kung kaya’t magiging isang kabayanihan ang pagmamalasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at iba pang kailangan. Sino pa ba ang magmamalasakit sa Pilipino kung hindi ang kapwarin Pilipino.

Napapanahon din na ibigay natin ang ating buong tiwala at suporta sa ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sampu ng mga opisyal ng ating lokal na pamahalaan sa kanilang pagtupad ng tungkulin para sa kaligtasan ng sambayanan. Ipagpatuloy natin ang panalangin na malampasan ng ating bansa ang pandemyang ito. Ngayon ang panahon upang magkaisa tayo at nang masawata ang virus at maiwasan ang pagkamatay ng maramipang Pilipino.

Lagi nating tandaan, isa lamang ang ating buhay. Mag-ingat po tayong lahat at labanan ang COVID-19 nang may tapang at malasakit! ■

From the Deskof Spokes

Ni Presidential Spokesperson Harry Roque

Page 6: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

6Agosto 2020

BalitaBalita

OWWA suportadoang displaced OFWs

Ni Monica N. Ladisla

Malugod na ibinahagi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac sa Laging Handa press briefing noong Hunyo 6 na umabot na sa 31,000 stranded overseas Filipino workers (OFWs) mula sa iba’t ibang quarantine facilities ang nabigyan ng permisong makauwi sa kani-kanilang probinsya. Mula Hunyo 1-5, nakapagpauwi ang OWWA ng 6,700 displacedFilipino workers.

Ayon sa hepe ng OWWA, katuwang nila ang iba’t ibang ahensya gaya ng Department of Transportation, Philippine Coast Guard, Civil Aviation Authority of the Philippines, at ang mga lokal na pamahalaan upang masiguro ang matagumpay na pagpapauwi sa ating mga kababayan.

Sa kasalukuyan, 72,000 OFWs na ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa

Bagamat apektado ang ekonomiya ng Pilipinas ng krisis sanhi ng Coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic, muliitong makababangon.

Ito ang tiniyak ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III sa ginanap na virtual pre-State of the Nation Address (SONA) forum noong Hulyo 8, at sinabing ang pamahalaan ay determinado na maisulong ang mga programa nito para muling sumigla angating ekonomiya.

“We will overcome this crisis. We will get back to work. We will get back our economy. And you can be

Department of Labor and Employment’s Abot Kamay ang Pagtulong program o DOLE-AKAP.

Sa ilalim ng nasabing programa, makakatanggap ang bawat isang displaced OFW ng one-time payment na $200 o P10,000 mula sa gobyerno.

Dagdag pa niya, walang dapat ikabahala ang publiko sapagkat mahigpit na ipinatupad ang health protocols na inilatag ng Department of Health para sa mga repatriated OFWs.

Upang madaling matukoy ang kabuuang bilang ng mga OFW na nawalan ng kabuhayan sa ibang bansa dulot ng COVID-19, inilunsad ang OFW Assistance Information System (OASIS) sa pagtutulungan ng crisis management team ng DOLE, OWWA, at Philippine Overseas Employment Administration.

Patuloy ang pagtulong ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyo at maliliit na korporasyong labis na naapektuhan ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng financial assistance sa mga micro, small medium enterprises (MSMEs).

Isinulong ng DTI ang mga programang COVID-19 Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3-ERF), Livelihood Seeding Program - Negosyo sa Barangay (LSP-NSB), gayundin ang paglalabas ng Memorandum Circular No. 20-12, s. 2020.

Sa pamamagitan ng Small Business Corporation (SB Corporation), isang kakabit na ahensya ng DTI, binibigyan ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P10,000 hanggang P200,000 ang mga micro-enterprises na may “asset size” na hanggang tatlong milyong piso upang tulungan silang makabangon sa epekto ng pandemya. Ito ay sa ilalim ng pondo para sa COVID-19 P3-ERF.

Maaari ring manghiram ng hanggang P500,000 ang malalaking negosyo na may “asset size” na hanggang P10 milyon. Ayon kay Sec. Lopez, ito ay parte ng economic relief program ng Pangulong Rodrigo Duterte upang matulungan ang mga maliliit na negosyong labis na naapektuhan ng pandemya. Noong Hulyo 6 ay nakapagtala na ng 23,585 na aplikasyon ang SB Corporation para sa naturang programa.

Ang inilaang pondo naman ng DTI para sa LSP-NSB na umaabot sa P203 milyong piso ay upang mabigyan ng livelihood kit at business advisory assistance ang mga MSME na apektado ng kalamidad kabilang na ang

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, malaking tulong ang database na ito sa gobyerno lalo na sa pagmonitor ng mga repatriated OFW gayundin sa maayos at epektibong pagkakaloob ng tulong samga ito.

Bukod pa rito, mas mapapadali ang pagtukoy sa flight details gayundin ang kanilang health condition, local address, at iba pang karampatang impormasyon na kakailanganin ng gobyerno upang mapadali ang pag-abot ng tulong sa mga kababayan nating OFW.

Nagpaalala rin ang OWWA sa mga OFW na magregister online sa oasis.owwa.gov.ph at punan ang form ng kumpletong impormasyon upang mapabilis ang tracking system na isinasagawang pamahalaan. ■

DTI todo tulong sa MSMEsNi Ivy E. Atompag

BBB, Tax Reform, magpapasigla sa ekonomiyaNi KC Cordero

mga health disaster tulad ng COVID-19 pandemic.

Alinsunod naman sa RA 11469 o ang “Bayanihan to Heal as One Act,” inilabas ng ahensya ang MC No. 20-12 kung saan binibigyan ng 30 araw na grace period sa pagbabayad ng renta ang mga umuupa sa mga residential at commercial na establisyimento kabilang na ang mga nasa micro, small at medium enterprises na hindi pinapayagang mag-operate sa ilalim ng enhanced community quarantine o general community quarantine.

Isinasaad sa memorandum na kailangang bigyan ng mga nagpapaupa ng grace period ang kanilang tenant sa pagbabayad nang walang multa upang matulungan ang mga negosyong natigil ang operasyon at mga umuupang nawalan ng trabaho dahil sa community quarantine at bigyan ang mga ito ng sapat na panahon upang makapagbayad ng renta.

Upang magampanan naman ng ahensya ang mandatong bantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin at pangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya, tiniyak ng DTI na mahigpit na naipatupad ang price freeze sa mga pamilihan.

Simula pa lamang ng pagpapatupad ng community quarantine noong Marso, nag-isyu ang DTI ng Memorandum Circular 20-07 at 20-10 na nagbigay ng limitasyon sa dami ng maaaring ibenta at bilhin na mga pangunahing produkto partikular na ang disinfecting alcohol, hand sanitizers, disinfecting liquids, at face masks upang maiwasan ang hoarding at panic buying. ■

‘WELCOME HOME’ - Naging magkatuwang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagtulong na makauwi sa bansa ang mga “displaced” overseas Filipino workers mula sa iba’t ibang panig ng mundo bunsod ng COVID-19 pandemic. (Photo credit: DFA)

‘NEW NORMAL’ - Magkatuwang na nagsagawa ng inspeksyon sina National Action Plan Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez, Jr. at Trade Secretary Ramon Lopez sa mga hair salon at fastfood restaurant sa isang mall sa lungsod ng Pasay noong Mayo 24, 2020 upang tiyakin na mahigpit na naipatutupad ang mga alituntunin alinsunod sa health standards at protocols sa ilalim ng modified enhanced community quarantine. (Photo credit: National Task Force Against COVID-19)

assured that this government is doing its utmost to bring back the economy back to the growth path. It’s true we are having hiccups, we are having a bad spot, but we are strong enough to weather the problem and come out probably even stronger than before,” ayon kay Dominguez.

Binago na rin aniya ng ating economic managers ang growth target ngayong taon “from a growth of 6.5 percent to 7.5 percent to a contraction of between 2 percent to 3.4 percent” dahil sa pandemya.

Naitala rin ng ating gross domestic product (GDP) ang “first contraction” sa nakalipas na dalawang

dekada na may output na -0.2 percent sa first quarter ng 2020, ang pinakauna mula sa pinakahuling negative growth noong fourth quarter ng 1998.

Ayon kay Dominguez ito ang dahilan kaya naninindigan ang pamahalaan na ang Build, Build, Build (BBB) infrastructure program ay nananatiling prayoridad.

Aniya, ang programa ay lilikha ng maraming hanapbuhay para sa ating mga kababayan na makatutulong para sa pagbangon ng ating ekonomiya dahil dadami ang mga pangangailangan at pagmumulan iyon ng mga aktibidad na pangkabuhayan.

( ▶ 11 )

Page 7: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

BalitaBalita 7Agosto 2020

Bilang pinuno ng Task Force on Food Security na itinalaga ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases upang masolusyonan ang anumang banta sa suplay ng pagkain sa bansa sa gitna ng kinakaharap na krisis dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19), inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang iba’t ibang programa at hakbang para sa ikagagaan ng mga hamon sa Pilipino sa gitna ng pandemya.

Una sa listahan ang Ahon Lahat, Pagkaing Sapat (ALPAS) kontra COVID-19 program, o kilala sa tawag na Plant, Plant, Plant program. Ito ay inilunsad upang palakasin ang food adequacy level ng bansa sa gitna ng ipinatutupad na community quarantine bunsod ng COVID-19.

Isa sa mga proyektong nasa ilalim ng programang ito ang Expanded SURE Aid and Recovery Project o SURE COVID-19 na patuloy na nagbibigay ng loan assistance sa agri-fishery-based micro

Upang makatulong sa libu-libong pinauwing Pinoy migrant workers na nawalan ng trabaho dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19), inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang programang Innovations for Filipinos Working Distantly from the Philippines(iFWD PH).

Layon ng iFWD PH na magbigay ng suporta at oportunidad sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya upang makapagtaguyod ng technology-based livelihood projects sa kani-kanilang probinsya.

Sa ilalim ng programa, mayroong mga inimbitahang technology-based entrepreneurship advisors ang DOST upang magsilbing mentor at gabayan ang mga OFW na lalahok sa programa. Matapos makumpleto ang training, mayroong financial assistance na ibibigay upang mabili ang mga materyales na kakailanganin sakanilang negosyo.

Sa inilabas na press release ng DOST, pinuri ni DOST Undersecretary for Operations Brenda L.

Naging matagumpay ang inilunsad na kampanya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Hunyo 11 na nagpakita at naglahad ng kwento ng pag-asa, pagbangon, at pagtutulungan sa kabila ng krisis dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Tampok sa kampanya na pinamagatang, “KaSama Ako sa Pagbangon ng Pamilyang Pilipino”, ang mga mahahalagang tungkulin ng kawani, partners, at iba pang mga stakeholder ay sama-samang isinagawa upang maisakatuparan ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP).

Ibinahagi rin ng mga benepisyaryo ng SAP ang iba’t ibang kwento ng katapatan, pag-asa, at pagmamalasakit sa kapwa sa gitna ng pandemyang kinakaharapng bansa.

Taos-puso naman ang pasasalamat ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa ipinakitang kooperasyon at pagtutulungan ng mga stakeholders upang maisakatuparan ang programa ng ahensya.

Ayon pa sa Kalihim, layunin ng informational campaign na ito na kilalanin ang pakikibahagi ng pamahalaan, ng pribadong sektor, at ng sambayanang Pilipino tungo sa iisang layunin. Gagamitin ng DSWD ang iba’t ibang

‘Plant, Plant, Plant’, iba pang programa,tugon ng DA kontra krisis sa COVID-19

Ni Raiza F. Cabugwang

'iFWD PH' para sa OFWs,inilunsad ng DOST

Ni Monica N. Ladisla

Bayanihan spirit umiral sa programang inilunsad ng DSWDNi Monica N. Ladisla

( ▶ 11 )

at small enterprises, pati na sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda sa bansa na lubhang apektado ng krisis.

Nariyan din ang Financial Subsidy for Rice Farmers program, kung saan nakatanggap ng P5,000 na tulong pinansyal ang mga magsasakang nagpalista sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture at may sinasakang isang ektaryang palayan at pababa.

Kabilang din sa nasabing programa ang pagpapaigting sa urban agriculture sa pamamagitan ng pagtatayo ng community gardens sa mga barangay at mga bakanteng lupa at pamimigay ng libreng mga binhi ng gulay at iba pang planting materials sa tulong ng Bureau of Plant Industry at Agricultural Training Institute. Ang proyektong ito ay naglalayon na mahikayat ang mga Pilipino na magtanim upang masiguro ang suplayng pagkain.

Kaugnay nito, upang mas lalo pang mahikayat ang mga

mamamayan, lalo na ang mga kabataan, na maging aktibo sa agrikultura at agribusiness, itinalaga ng DA ang aktor na si James Reid bilang goodwill ambassador for food security.

Sakop din ng programa ang pagpapa-ibayo sa Kadiwa ni Ani at Kita na isang direct marketing initiative ng Kagawaran, kung saan direktang ibinibenta sa mga komunidad ang mga produktong pang-agrikultura sa abot-kayang halaga.

Kaugnay rin nito, inilunsad ang “eKadiwa” digital marketing portal kung saan maaaring ibenta ng agripreneurs ang kanilang mga produkto online.

Dahil dito, parehong natutulungan ang mga magsasaka, mangingisda, at konsumer ngayong panahon ng krisis — kumikita ang mga magsasaka at mangingisda sa mas madali at ligtas na pamamaraan, at sa kabilang banda, madali at ligtas namang makapamimili ang mga konsumer ng kanilang

PLANT, PLANT, PLANT – Pinangunahan ni Secretary William Dar at ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) ang simula ng paggunita sa Farmers and Fisherfolk’s Month at ang paglulunsad sa “Plant, Plant, Plant” program na ginanap noong Mayo 26, 2020 sa DA Central Office sa Quezon City. Dumalo rin sa nasabing okasyon ang aktor at ngayo’y DA ambassador for Food Security na si James Reid. (Photo credit: DA)

mga pangangailangan sa pagkain, at makasisiguro rin silang sariwa at ligtas angmga ito.

Habang ipinatutupad ang nasabing mga proyekto, tinitiyak din ng DA ang tuloy-tuloy na suplay ng pagkain at produktong pang-agrikultura sa bansa sa pamamagitan ng pamimigay ng food lane passes sa suppliers at truckers

para mabilis na makadaan ang mga ito sa quarantine checkpoints. Kailangan lamang na ipakita ang tamang pagkakakilanlan at mga kinakailangang dokumento sa mga nagmamanmanng checkpoints.

Upang mabawasan ang hirap na iniinda ng mga Pilipino sa gitna ng krisis,

Nazareth-Manzano ang kontribusyon ng mga OFW sa ekonomiya na ayon sa kanya ay itinuturing na bagong bayani ng ating bayan. Dagdag pa niya, “We, at the DOST, will be our OFWs’ big sisters and brothers, ready to lend helping hands so that they will be able to realize their dreams here in our country.”

Sa pangunguna ng DOST National Capital Region, unang ipinatupad sa Metro Manila ang iFWD PH na kalaunan ay inaasahang mai-implementa rin sa buong bansa upang tuluy-tuloy na matulungan ang mga OFW na makapagsimula ng kani-kanilang negosyo at hindi na kinakailangang mangibang-bansa pa.

Ayon sa DOST Regional Office, maaaring lumapit at humingi ng karampatang impormasyon sa mga DOST regional Office ang mga kwalipikadong OFW para sa programa.

Para sa iba pang impormasyon, makipag- ugnayan lamang sa DOST sa pamamagitan ng kanilang Facebook account o magpadala ng email sa [email protected]. ■

multimedia platforms upang isulong ang wastong pamamahala, partisipasyon, atkulturang Pilipino.

“Ang Kagawaran ay kinikilala ang mahalagang kontribusyon sa pagtugon ng mga stakeholders o tagapagtaguyod para sa pagpapatupad ng mga iba’t ibang programa at serbisyo ng Departamento. Kasama ako sa pagbangon ng pamilyang Pilipino!”, mungkahi ng Kalihim sa araw na inilunsad ang kampanyang ito.

Kaugnay din sa ipinakitang katangi-tanging serbisyo ng DSWD sa gitna ng krisis sa kalusugan at ekonomiya, ipinamalas muli ang bayanihan initiative nang makalikom ang Kagawaran ng P4,035,000 mula sa mga manggagawa ng DSWD na kusang nag-abot mula sa kanilang May at June payrolls.

Ang nalikom na pondo ay iginawad sa Benguet General Hospital ng La Trinidad, Benguet upang tulungan ang kanilang medical facility na tugunan ang mga pangangailangan ng mga pasyente ng COVID-19 gayundin ang mgamedical frontliners.

Ayon kay Benguet General Hospital Chief Dr. Meliarazon Dulay, malaking tulong ang ipinagkaloob na halaga ng DSWD sa pagtugon sa banta ng COVID-19. Dagdag pa niya, malaking karangalan na

sila ang napili ng Kagawaran upang pagkalooban ng nalikom na donasyon.

Humanga naman si DSWD Secretary Baustista sa ipinakitang dedikasyon ng mga manggagawa ng Kagawaran hindi lamang sa kanilang pagsisikap upang maayos na maibahagi ang SAP, kundi pati na rin sa boluntaryo nilang pag-abot ng pinansyal na tulong sa mas higit na nangangailangan.

Dagdag pa ng Kalihim, “We hope that this little amount can contribute to the efforts initiated by the Benguet General Hospital and the Province of Benguet. We recognize the hard work and dedication of all medical frontliners who continue to deliver the much-needed services amid the threat of COVID-19. The Angels in Red Vests are one with you in this battle against an invisible enemy. DSWD shall be your partner as we uphold our commitment to work and our compassion to serve.”

Isang simpleng seremonya ang idinaos na pinangunahan nina DSWD Undersecretary for General Administration and Support Services Group Jose Ernesto P. Gaviola at Field Offices Cordillera Administrative Region Director Leo Quintanilla upang ipagkaloob ang nasabing donasyon sa ospital.■

Page 8: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3
Page 9: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3
Page 10: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

BalitaBalita10Agosto 2020

We Heal As One Centers, iba pang ayudakontra COVID-19, ibinahagi ng DPWH

Ni Raiza F. Cabugwang

Bilang pakikiisa sa laban ng bansa kontra Coronavirus disease 2019 (COVID-19) at pagtupad sa misyon nitong makapaghatid ng dekalidad na mga pasilidad at serbisyong pang-imprastruktura na tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino, ibinahagi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang iba’t iba nitong mga proyekto at serbisyo-publiko upang maibsan ang hirap ngmga mamamayan.

Kabilang sa mga serbisyong ito ang pangunguna sa pagpapatayo ng 11 We Heal As One Centers o mega quarantine facilities para mapangalagaan ang mga pinaghihinalaan o pasyenteng may COVID-19 gayundin makatulong sa pagpapaluwag ng mga ospital sa bansa na nagbibigay ng nasabing serbisyo.

Ang DPWH, sa pamumuno ni Secretary Mark A. Villar at nang binuong Task Force for the Augmentation of Health Facilities na pinangunahan ni Undersecretary Emil K. Sadain, katuwang ang Bases Conversion and Development Authority at iba pang mga pribado at pampublikong organisasyon, ay nagpursigi upang maitayo ang We Heal As One Centers sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila, Philippine International Convention Center sa Pasay, Rizal Memorial Coliseum sa Maynila, World Trade Center sa Pasay, Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Convention Center sa Pampanga, New Clark City Government Center sa Tarlac, Philippine Sports Complex sa Pasig, Philippine Arena Complex sa Bulacan, The Filinvest Tent sa Muntinlupa, Alonte

Sports Arena sa Laguna, at University of the Philippines Mindanao Multipurpose Building Human Kinetics Building, (Davao City Sports Complex) sa Davao City.

Para mas lalong paramihin pa ang quarantine facilities sa bansa, ginawa ring mobile health facilities ng Kagawaran ang ilang shipping containers na ipinuwesto naman sa iba’t ibang ospital at pampublikong lugar.

Nauna nang ginamit bilang health o quarantine facilities para sa mga pinaghihinalaang biktima ng COVID-19 ang 63 mula sa 129 evacuation centers sa bansa samantalang ang iba ay nagsisilbing food hubs at emergency operation centers.

Umagapay rin ang Kagawaran sa pagpapatayo ng quarantine sites at COVID-19 wards sa bansa, tulad na lamang ng quarantine sites para sa mga nagbabalik na Overseas Filipino Workers sa Basilan at ng apat na COVID-19 wards sa University of the Philippines- Philippine General Hospital. Inalalayan din ng DPWH ang Lung Center of the Philippines sa paglalagay ng video surveillance at monitors sa mga pasyente.

Naging abala rin ang Kagawaran sa pagbibigay ng tulong upang maitayo ang higit 300 sanitation tents at 76 gantry facilities para sa disinfection ng mga sasakyang dumadaan sa national highways. Mahigit 400 na convergence areas din ang nadekontamina nito, kagaya ng checkpoints, paaralan, simbahan, ospital, at palengke.

Batid ang kahalagahan ng ginagampanang papel ng health workers sa laban kontra sa pandemya,

sinisigurado rin ng DPWH Task Force for Augmentation of Health Facilities ang pangangalaga sa kapakanan ng medical frontliners sa pamamagitan ng pagtatayo ng anim na dormitoryo sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City na mayroong 16 na kwarto at 192 bed capacity. Ang mga dormitoryong ito ay magsisilbing pansamantalang tutuluyan o pahingahan ng health workers. Mayroon ding dalawang dormitoryo sa Lung Center of the Philippines at isa naman sa Jose B. Lingad Memorial Hospital sa San Fernando, Pampanga na magbibigay benepisyo sahospital workers.

Bilang tugon sa kakulangan ng pampublikong sasakyan habang umiiral ang quarantine, nakapag-alok din ang DPWH ng mahigit 400 na sasakyan para libreng maihatid ang on-duty frontliners.

Malaki rin ang naitulong ng Kagawaran sa paghahatid ng donasyon na surgical masks at tents na nagsisilbing isolation units sa iba’t ibang mga ospital sa bansa.

“It is extremely heartwarming how the people are helping each other during the crisis and DPWH will always be ready to support our health sector by providing services and equipment,” pahayag ni DPWH SecretaryMark Villar.

Ayon pa sa Kalihim, kaisa rin ang DPWH sa pananalangin para sa kaligtasan at proteksyon ng lahat ng pamilyang Pilipino, lalo na ang medical teams na umaalalay sa mga pasyente.

Todo-suporta rin ito sa Department of Social Welfare and Development pagdating sa paghahatid ng food packs sa iba’t ibang munisipalidad sa pamamagitan ng

pagbibigay nito ng manpower assistance at pagpapahiram ng mga kagamitan tulad ng dump tracks at tractor.

Isa rin sa pinakamahalagang ambag ng Kagawaran sa gitna ng krisis sa kalusugan ay ang paggawa at paglalagay ng swabbing booths sa Quezon Institute sa E. Rodriguez, Quezon City at sa Jose B. Lingad Memorial Hospital sa San Fernando, Pampanga para sa pagsusuri ng COVID-19 virus sa mga posibleng pasyente.

Ang swabbing booths na ito ay may kakayahang masuri nang sabay ang dalawang tao at mayroon ding infection control feature ang mga ito para matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente at health care workers. Handa naman ang DPWH na magdagdag pa ng swabbing booth units sa iba pang lugar kung kakailanganin ng Department of Health.

Samantala, para lalong mapadali ang paggalaw o paglalakbay ng mga mamamayan habang umiiral ang quarantine, bumuo na ang Kagawaran ng Technical Working Group na makikipag-ugnayan sa Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority para makapaglatag na ng disenyo at plano sa konstruksyon ng bike lanes sa Metro Manila.

Layon ng DPWH na magkaroon ng bike lanes sa EDSA, Quezon Avenue, Commonwealth Avenue, Roxas Boulevard, R-10, C-5, at Marcos Highway.

Sa kabila naman ng kaliwa’t kanang tulong na ipinapaabot ng DPWH sa mga mamamayan ngayong nahaharap sa matinding krisis ang bansa, hindi naman nalilimutan ng Kagawaran na pangalagaan ang kapakanan ng mga empleyado nito.

Sa pamamagitan ng pinagsama-samang donasyon ng mga opisyal at kawani, naihatid ang tulong pinansyal gayundin ang bitamina, face masks, at alcohol sa mga empleyado nitong pinaghihinalaan at kumpirmadong may COVID-19.

Nagpatupad din ito ng alternative work arrangements para sa mga manggagawa ng Kagawaran nang ideklara na ang general community quarantine sa Metro Manila bilang pagsunod sa mga panuntunan ng pamahalaan laban sa COVID-19. ■

‘WE HEAL AS ONE’ - Ang Ninoy Aquino Stadium sa Maynila ay isa sa We Heal As One Centers na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa pakikipagtulungan ng Bases Conversion and Development Authority at iba pang mga pribado at pampublikong organisasyon, upang mapangalagaan ang mga pinaghihinalaan o pasyenteng may COVID-19 at mapaluwag ang mga ospital sa bansa na nagbibigay ng nasabing pagkalinga. (Photo credit: DPWH)

DOTr pinaigtingang serbisyo publiko sa gitnang pandemya

Ni Ivy E. Atompag

Sa pangunguna ni Sec. Arthur Tugade, siniguro ng Department of Transportation (DoTr) na patuloy ang serbisyo publiko at maayos na lagay ng transportasyon sa gitna ng community quarantine na dulot ng COVID-19, habang sumusuporta sa pangangailangan ng mga nagbabalik na Overseas Filipino Workers (OFWs), frontline medical workers, at mga apektadong pamilya sa gitna ng pandemya.

Kasabay ng pagluwag ng quarantine protocols sa National Capital Region noong Hunyo dahil sa pagsailalim nito sa general community quarantine, unti-unting ibinalik ng DOTr ang operasyon ng pampublikong transportasyon sa dalawang bahagi.

Mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 21 ay ipinatupad ang unang phase kung saan pinayagan ang mga tren, taxi, transport network vehicle services (TNVS), shuttle, at tricyle na magbalik-operasyon sa limitadong kapasidad. Inilunsad din ng ahensya ang Bus Augmentation Program upang mapunan ang espasyo sa loob ng mga tren ng MRT-3 dahil sa one-meter social distancing protocol at bilang kasagutan sa kakulangan ng pampublikong transportasyon ng mga pasahero.

Para sa ikalawang bahagi naman na nagsimula noong Hunyo 22 hanggang Hunyo 30 ay pinayagan na ang mga public utility vehicles (PUVs), public utility buses (PUBs), at mga UV Express na mag-operate sa limitadong kapasidad din.

Gumamit ang DOTr ng iba’t ibang teknolohikal na pamamaraan upang mabawasan ang physical contact at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 virus sa kabila ng pagbabalik-operasyon ng pampublikong transportasyon.

( ▶ 11 )

Page 11: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

BalitaBalita 11Agosto 2020

FREEDOM PARK: PURPLE ACTION DAY

Ni Joan Alcantara

Nangibabaw ang kulay lila sa isinagawang paggunita ng iba't ibang grupo ng women human rights defenders sa National Women's Month nitong Marso sa ilalim ng temang "Purple Action Day", kasabay ng panawagang bigyang solusyon ang mga bukas pang isyu ng mga kababaihan kabilang na ang usapin sa "karahasan" ng kawalang seguridad sa trabaho at diumano'y pagkitil o pagbabanta sa malayang pamamahayag ng indibidwal o demokratikong institusyon kung saan sila'y miyembro.

Suportado rin ng mga kababaihang advocate-leaders sa ginanap na "day of action and solidarity" ang generation equality na kampanya ng United Nations Women na nagsusulong ng pantay na sahod at pantay na partisipasyon ng mga kababaihan pagdating sa mga usaping pampulitika.

Kaisa naman ang Philippine Commission on Women (PCW) ng mga kababaihang lider, hindi lang sa Pilipinas kun’di maging sa ibang panig ng mundo, sa mga pagsisikap ng mga itong maisulong ang kanilang mga karapatang pantao pagdating sa trabaho at malayang partisipasyon sa mgaisyung panlipunan.

Sa katunayan, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanawagan sa puspos na implementasyon ng Batas Republika Blg. 9710 o mas kilala sa tawag na “Magna Carta of Women” sa pagsulong ng mga karapatang pantao ng nabanggitna sektor.

"This important occasion reminds us all to pave the way for an enabling environment for women to be empowered and to make sure that the Magna Carta for Women is properly implemented at all levels of government," pahayag ni Pangulong Duterte sa pagdiriwang ng International Women's Day noong nakaraang taon.

Nais ding bigyang-diin ng PCW na bukod sa prayoridad na pagkakaroon ng mga kababaihan ng trabaho at ligtas na lugar para rito, malaki na rin ang naging pag-usad ng pamahalaan pagdating sa polisiya nang maipasa ang Expanded Maternity Leave Law, Kasambahay Law, at Conditional Cash Transfer Law. Kasama na rin ang mga overseas filipino workers sa pinalawak na saklaw ng Social Security Act.

Masugid din ang monitoring ng ahensya sa mga kaso ng violence

against women (VAW) hanggang sa lokal na lebel ng pamahalaan. Sa datos ng PCW, 90 porsiyento ng 42,044 barangay mismo sa Pilipinas ay mayroon nang VAW desks, habang 1,918 Women and Child Protection Desks naman ang nasa mga istasyon ng kapulisan sa mga munisipyo, siyudad, at probinsya. Kasama na sa huling bilang ang Women and Child Protection Desks na nakaistasyon sa limang national operating units ng kapulisan sa bansa.

Nakapagpasa na rin ng lokal na gender and development (GAD) codes ang 696 lokal na pamahalaan sa Pilipinas para sa mas epektibong pagtugon sa kani-kanilang mga isyung may kinalaman sa kasarian.

Ang lahat ng ito'y sa kabila pa ng taun-taong pagsasagawa ng iba't ibang programa sa GAD ng bawat ahensya ng gobyerno sa patnubay na rin ng pamunuan ng PCW.

Rosas ang simbulo ng mga kababaihang lider na lumalaban para sa pantay-pantay na sahod, trabaho, at karapatan sa ginanap na “Purple Action Day: Generation Equality” martsa nitong Marso. ■

BBB, Tax Reform mula sa pahina 6

“This is a better way to revive the economy than to give hand-outs at this point in time. So, we will not slack down on the Build, Build, Build program,” ayonkay Dominguez.

Bukod sa infrastructure program, itutuloy rin ng pamahalaan ang kanilang tax reform program. Marami pang nakabinbin na batas gaya ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE) bill at ang panukalang “valuation reforms” para sa real estate tax system ng Pilipinas.

Sinabi ni Dominguez na nakikipagtulungan sila sa mga mambabatas

para sa “proposed second package” ng Bayanihan 2stimulus program.

“We are finalizing the terms of the new potential legislation,” pahayagng Kalihim.

Ang mas mahalaga aniya sa pagkakaroon ng stimulus program ay ang pagbabalik ng tiwala ng consumers.

“This is the hurdle that the economy is facing — confidence in the future. Stimulus program is important, but we have to provide our citizens with the confidence that we will overcome this COVID [19] contagion,” ayon pasa Kalihim. ■

‘BABANGON ANG EKONOMIYA’ - Tiniyak ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III sa ginanap na virtual pre-State of the Nation Address (SONA) forum noong Hulyo 8 na makababangon ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic. (Photo credit: PCOO)

ipinatupad din hanggang Mayo 15 ang price freeze sa mga pagkain at produktong pang-agrikultura upang matiyak na makatwiran ang presyo sa mga pamilihan.

Binuo rin ng Kagawaran ang Bantay Presyo Task Force upang tiyakin na ipinatutupad ang suggested retail price policy sa mga pangunahing bilihin kahit tapos na ang price freeze sa mga produkto.

Sa gitna naman ng pamimigay ng relief goods ng local government units (LGUs) bilang ayuda sa kanilang mga nasasakupan habang naka-quarantine ang mga ito, hinimok ng DA na bumili ang mga lokal na opisyal ng mga sariwang ani mula sa mga magsasaka at isama ang mga produktong ito sa relief packs nakanilang ipamamahagi.

Sa pamamagitan nito, hindi lang matutulungan ang mga magsasaka na makabenta ng kanilang mga produkto, maisusulong din nito ang pagkonsumo ng mga Pilipino ng masusustansiyang pagkain upang palakasin ang kanilang immune system, lalo na ngayong may pandemya.

‘Plant, Plant, Plant mula sa pahina 7

Isa rin sa pinakamahalagang ambag ng DA sa gitna ng hamon ng pandemya ay ang pag-aaral nito sa potensyal ng virgin coconut oil (VCO) na maging lunas laban sa COVID-19.

Naatasan ang Philippine Coconut Authority na pag-aralan ang paggamit ng VCO laban sa virus, pati na rin ang coconut-based ethyl alcohol o ethanol bilang epektibong disinfectant para sa mga ospital at quarantine center.

Bukod sa matutulungan nito ang mga pasyente, maaari ring magbenepisyo mula rito ang coconut farmers ng bansa.

Habang ipinatutupad ang mga proyektong nabanggit sa gitna ng paglaganap ng COVID-19 sa bansa, ipinahayag naman ni Agriculture Secretary William D. Dar na panahon na aniya na pag-ibayuhin ng Kagawaran ang pagtugon nito sa mga kritikal na isyu at magagawa ito sa pamamagitan ng pag-reporma sa agrikultura ng bansa upang gawin itong mas moderno, teknolohikal, komprehensibo, atmarket-oriented. ■

“The modernization initiatives include the automatic fare collection system (AFCS) for cashless payment transactions, electronic toll collection, and GNSS/GPS. The DOTr will likewise vigorously pursue and promote online transactions in licensing, registration, and other documentary requirements,” pahayag ng DOTr.

Simula noong Marso 18 naman ay nagbigay ang Kagawaran ng libreng sakay sa mga medical personnel at frontliners na hirap sa transportasyon lalo na noong panahon ng Enhanced Community Quarantine sa Kamaynilaan sa ilalim ng Free Ride for HealthWorkers program.

Sa kanilang pakikipagtulungan sa iba’t ibang bus companies, nakaabot sa iba’t ibang rehiyon ang

programa. Ayon sa ahensya, nakapagtala na sila ng total ridership na 1,138,299 noong Hunyo 14 sa ilalim nito.

Upang makapagbigay naman ng pinansyal na suporta sa laban ng bansa sa COVID-19, nag-remit ang Kagawaran at mga kakabit na ahensya nito ng P17.27 bilyon sa Bureauof Treasury.

Sa pakikipagtulungan din ng DOTr sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, nakapaghatid ito ng nasa tinatayang 33,999 na OFW at 733 na istranded na estudyante sa probinsya ayon sa datos na galing sa ahensya noong Hunyo 14.

Ito ay sa ilalim ng “Hatid Probinsya para sa mga OFWs” Program at “Hatid Estudyante Para Makabalik sa Probinsya” Program na parehong naglalayong magbigay ng transportasyon sa mga istranded na indibidwal

partikular na ang mga estudyante at mga nagbabalik na OFW sa kani-kanilang probinsya sa kasagsagan ng community quarantine at kawalan ng pampublikong transportasyon.

Upang makapagbigay din ng tulong sa mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers na nawalan ng hanapbuhay dahil sa community quarantine, isinulong naman ng DOTr ang pagkakaroon ng cash assistance para sa PUV drivers. Sa pakikipagtulungan ng DOTr sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Landbank, nasa 44,412 na PUV drivers na ang nakatanggap ng tulong pinansyal na umabot sa P355,296,000 sa tala ng ahensya noong Hunyo 11. ■

DOTr pinaigting ang serbisyo mula sa pahina 10

Page 12: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

12Agosto 2020

BalitaBalitaDOH nanguna kontra mula sa pahina 2

nagpalabas ng listahan ng aprubadong COVID-19 test kits para sa commercial use at pinagbawalan ang pagbebenta ng mga hindi awtorisadong test kits.

Inilabas din sa naturang buwan ang suggested retail price ng N95 masks, surgical face masks, alcohol, at iba pang kaugnay na produkto para maging gabay sa mga nagbebenta at mga konsumer. Sa gitna ng lahat ng ito, tuluy-tuloy pa rin ang pagmomonitor ng DOH sa paglaganap ng COVID-19.

Noong Marso 7, iniulat nito ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 local transmission sa bansa, samantalang noong Marso 16 naman ay inanunsyo ang kauna-unahang Pilipinong gumaling mula sa nakamamatay na sakit.

Inilabas din ng DOH noong Marso 16 ang mga panuntunan tungkol sa pangangasiwa ng DOH sakaling tumaas pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa pamamagitan ng pag-convert sa mga pampublikong lugar bilang pansamantalang treatment at monitoring facilities para pangalagaan ang mga PUI at mga pasyenteng may mild COVID-19.

Pagtuntong ng Abril, inilunsad ng DOH ang bagong COVID-19 tracker nito kung saan idinagdag ang mga impormasyon hinggil sa epidemiology ng COVID-19 sa bansa, COVID-19 testing, mga pasilidad pangkalusugan, bilang ng personal protective equipment (PPE) na maaaring magamit ng frontliners, at laboratory testing capacities ng DOH.

Mas lalo ring pinaigting ng DOH ang transparency at pagtatala ng data nito nang ilunsad nito ang DOH DataCollect application, kung saan maaaring makita ng publiko ang bilang ng available na hospital beds, isolation rooms, intensive care unit beds, mechanical ventilators, at kinakailangan pang health workers. Nakakalkula rin ng app ang posibleng bilang ng mga kakailanganin pang PPE at naipararating ito sa DOH, na siya namang magsusumite ng listahan

ng mga kinakailangang suplay sa Procurement Services ng Department of Budget and Management (DBM). Matapos mabusisi ng Procurement Services ng DBM, ipamamahagi naman ng Office of Civil Defense ang mga PPE.

Saksi rin ang buwang iyon sa pagpapaigting sa telemedicine service nito, kung saan inilunsad nito ang libreng 24/7 telemedicine hotlines na (02) 8424-1724 at (02) 7798-8000 sa National Capital Region para ligtas na makapagkonsulta ang publiko sa medical professionals dahil hindi na nila kinakailangan pang lumabas ng bahay.

Inilunsad rin sa buwang ito ang automated chatbot na si KIRA o Katuwang na Impormasyon para sa Responsableng Aksyon na maaaring makatulong sa publiko sa pagtukoy kung sila ba ay nanganganib na mahawa ng COVID-19 at sa pagsagot ng iba pa nilang mga katanungan tungkol sa COVID-19 at sa quarantine guidelines. Si KIRA ay maaaring i-access sa pamamagitan ng DOH Facebook page at Viber community o kaya naman ay sa kontracovid.ph.

Isang malaking hakbang din ang ginawa ng DOH nang ilunsad nito ang covid19.healthypilipinas.ph, isang website na naglalaman ng mahahalagang advisories, educational materials, infographics, at iba pang mga impormasyon na may kaugnayan sa COVID-19.

Pagdating ng Mayo 1, pinayagan na ng FDA ang rapid antibody-based diagnostic test na isagawa sa bansa. Ang nasabing test ay may kakayahang alamin kung ang katawan ng isang tao ay may antibodies na panlaban sa virus at maaaring makuha ang resulta mula rito sa loob ng 15 minutos lamang, mas mabilis kung ikukumpara sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test na maaaring makapaglabas ng resulta sa loob ng anim hanggang walong oras.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng FDA na ang RT-PCR

pa rin ang nananatiling “gold standard” at confirmatory test para masabi kung talagang apektado nga ang isang indibidwal ng COVID-19 dahil kayang malaman sa pamamagitan nito kung may virus na sa katawan ng isang indibidwal.

Kaugnay naman sa unti-unting pagluluwag ng community quarantine sa bansa, inilabas ng DOH at ng Department of Trade and Industry ang panuntunan sa pagbabalik-trabaho ng mga empleyado ng ilan sa mga pinahihintulutang industriya para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga tanggapan.

Inanunsyo naman ng DOH pagdating ng Hunyo ang plano nitong palawakin ang saklaw ng pagsusuri nito sa mga posibleng may COVID-19 sa pamamagitan ng pagsasama sa asymptomatic subgroups, lalong lalo na iyong mga walang sintomas pero nagkaroon ng close contacts sa mga nagkasakit, tulad ng kapamilya, katrabaho, at healthcare workers na nag-aalaga sa mga may sakit.

Samantala, bagama’t batid ang bigat ng hamon na pangunahan ang laban kontra COVID-19, siniguro ni DOH Secretary Francisco Duque III ang patuloy na serbisyo at dedikasyon ng kanyang Kagawaran sa labang ito.

“We will continue to be in the trenches with our health care workers and frontliners. Let us work as a team, as one country fighting for the health and safety of all. I will continue to serve the country to the best of my abilities," pagtitiyak ng Kalihim.

Sa pagtatala ng DOH noong Hulyo 20, umabot na sa 90 ang kabuuang bilang ng DOH-accredited testing laboratories sa bansa at patuloy ang ginagawang pagbibigay ng lisensya ng DOH sa iba’t ibang mga laboratoryo upang maging COVID-19 testing laboratories ang mga ito at mapalawak pa ang testing capacity sa bansa. ■

Labor market makakabawi mula sa pahina 2

“Rest assured that we will continue to provide employment facilitation services, in different platforms — online, digital, face-to-face — with the assistance of our Public Employment Service Offices (PESOs). We are also thankful to the private sector for continuously engaging with us in extending job opportunities to displaced Filipino workers,” ayon pa sa Kalihim.

Hiniling din niya sa iba pang kumpanya na makipag-ugnayan sa mga kababayan natin na naghahanap ng disenteng trabaho “for the country and its economyto recover.”

Bukod sa pagkawala ng trabaho, ang ating “labor force participation rate” ay bumaba sa 55.6 percent, pinakamababa sa kasaysayan ng Philippine labor market.

Ayon kay Bello, ang ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) mula Marso hanggang Mayo — na dapat ay panahon ng paghahanap ng trabaho ng mga bagong nagtapos sa kolehiyo — ay nagparalisa sa ating lakas-paggawa dahil nasa 2/3 ng ating ekonomiya ang nagsarado.

Dagdag pa niya, “With the imposition of community quarantine, hundreds of

thousands of establishments resorted to temporary closures or flexible work arrangements as evidenced by millions of workers affected both in the formal, informal, andoverseas sectors.”

Nang isinailalim ang ating bansa sa lockdown ay nagkaloob ang DOLE ng ayuda sa mga manggagawang pansamantalang nawalan ng hanapbuhay. Naging abala rin ang Kagawaran, kaagapay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at iba pang ahensya ng pamahalaan sa ginagawang pagpapauwi sa mga kababayan nating overseas workers na ang bansang pinagtatrabahuhan ay apektado rin ng pandemya.

Para naman sa mga kumpanyang nagbalik na ang operasyon, ang Department of Trade and Industry at ang DOLE ay inoobserbahan kung sumusunod ang mga ito sa ipinatutupad na “Interim Guidelines on Workplace Prevention and Controlof COVID-19”.

Ayon sa DOLE, sa kabila ng pagsisikap ng pamahalaan na muling mapasigla ang ekonomiya, pangunahin pa ring layunin ang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga manggagawa. ■

TULONG SA MGA MANGGAGAWA — Hinimok ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III ang mga pribadong kumpanya na patuloy na suportahan ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng hanapbuhay sa mga kababayan natin na naghahanap ng disenteng trabaho upang makabangon ang ekonomiya ng bansa. (Photo credit: DOLE)

Page 13: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

BalitaBalita 13Agosto 2020

DepEd handa sa hamonDepEd handa sa hamon mula sa pahina 2

ng Kagawaran ang iba’t ibang alternatibong subok at dati nang paraan ng pagkatuto upang makatulong sa pagbuo ng desisyon ng mga magulang kung alin ang angkop sa kanilang sitwasyon tungo sa ligtas na pagpapatuloy ng edukasyon ng kanilangmga anak.

Isa sa mga alternatibong paraan na ito ang distance learning na mayroong tatlong uri: modular distance learning (MDL); online distance learning; at TV/radio-based instruction.

Sa ilalim ng MDL, maaaring gumamit ng self-learning modules (SLMs) na maaaring printed o digital format. Susubaybayan ng mga guro ang progreso ng mag-aaral gamit ang email, text message, instant message (chat), o telepono.

Ang online distance learning naman ay ang pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang iba’t ibang teknolohiya na mayroong internet access. Maaaring i-download ang mga learning material at mag-submit ng mga homework online.

Para naman sa mga mag-aaral na walang access sa internet at computer, tablet at smartphones, nariyan ang TV/radio-based instruction kung saan ang SLMs ay maaaring maituro at maipalabas sa telebisyon at mapakinggansa radyo.

Bilang suporta sa hakbang na ito, nakipag-ugnayan si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar kay Sec. Briones upang ipagamit ang mga pasilidad ng ahensya gaya ng radyo at telebisyon partikular na ang istasyon ng IBC-13 kung saan maaaring i-ere ang mga nilalaman ng bagong kurikulum.

Nakiisa rin ang National T e l e c o m m u n i c a t i o n s Commission (NTC) sa pagpapatupad ng bagong kurikulum sa pamamagitan ng paglalabas ng isang memorandum na nagpaalala sa mga TV at radio operators na magbigay ng libreng serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga educational content.

Samantala, nilinaw ng Kagawaran na ang tinatawag na “blended learning” ay kombinasyon ng mga

nabanggit na delivery mode. Dito ay maaaring gamitin ang mga printed module, iba’t-ibang digital format kasabay ng pagkatuto sa TV at radyo.

Sa homeschooling naman, kinakailangan ang pagkakaroon ng home-based learning environment na pangangasiwaan ng mga kwalipikadong magulang, guardian, o tutors na sumailalim sa training. Dahil sa mga hamon sa implementasyon, pangangasiwa ng mga lisensyadong guro, at paghahanay sa kurikulum, mahigpit pang pinag-aaralan ang mga alituntunin para sa delivery mode na ito.

Tiniyak ng DepEd na sa pamamagitan ng paggamit ng SLMs sa mga nabanggit na learning delivery modalities, abot-kamay ng bawat mag-aaral ang dekalidad na edukasyon para sa darating na SY 2020-2021.

“The SLMs and the other alternative learning delivery modalities are in place to address the needs, situations, and resources of each and every learner and will cover all the bases in ensuring that basic education will be accessible amid the present crisis posed by COVID-19,” saad ni Sec. Leonor Briones.DepEd Commons

Isinulong din ng Kagawaran ang DepEd Commons, isang online platform na maaaring pagkunan ng mga learning resources ng mga guro at mag-aaral habang nasa kani-kanilang mga tahanan at ipinagpapatuloy angpag-aaral.

Inilunsad ang DepEd Commons noong Marso 17, 2020 bilang tugon sa biglang pagkansela ng mga klase noong isinailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Para sa mga guro, nakapaloob sa DepEd Commons at maaaring i-download nang libre ang revised version ng K to 12 curriculum o ang “K to 12 Most Essential Learning Competencies (MELCs)” at ang mga panuntunan nito na inihanda ng Bureau of Curriculum Development

sa ilalim ng pamumuno ni Director Jocelyn Andaya at inaprubahan ni Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio.

“We are trying to make everything as accessible as we can, through DepEd Commons and our other available channels. It is upon us to make sure our teachers and learners have everything they need in order to continue learning,” pahayag ni DepEd Undersecretary for Administration Alain Pascua.

Samantala, sa ginanap na “Handa’ng Isip, Handa Bukas Online Press Conference” noong Hulyo 1, 2020, ipinahayag ni Usec. Pascua na kasalukuyang sumasailalim sa upgrading ang DepEd Commons upang paghandaan ang maaaring maging dobleng bilang ng mga mag-aaral na mag-access nito sa darating na pagbubukas ng klasesa Oktubre.

“We have about 8.4 million unique users in DepEd Commons at this time. We would want to reach out all of the 17 million, or even more than the 17 million learners that we have including the teachers,” ani Usec. Pascua.Remote at ‘dropbox’ enrollment

Nagsagawa rin ang DepEd ng remote enrollment simula Hunyo 1, 2020 kung saan hindi kinailangang pisikal na magtungo ang mga magulang at mag-aaral sa paaralan para sa enrollment upang patuloy na mapairal ang physical distancing at health standards ng Department of Health at IATF-EID. Naitaguyod ang pagpapatala ng mga magulang o guardian sa mga paaralan sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, text message, at online enrollment.

Tiniyak ng DepEd na bago pa man ang Hunyo 1, nakapagsagawa na ang kanilang Kagawaran ng apat na national orientation upang ipaunawa sa mga magulang, kaguruan, at mga opisyal ng Kagawaran sa iba't ibang antas ang alituntunin sa isang buwang enrolment period. Naglabas din ang Kagawaran ng mga FAQs upang mabilis na maunawaan ang mga katanungan ukol sa enrollment guidelines.

Bukod dito, pinairal din ang “drop box” enrolment sa tulong ng mga lider ng local government units para sa mga mag-aaral na naninirahan sa mga liblib na lugar na hindi abot ng komunikasyon at walang kapasidad na mag-enrol online o gamitang Internet.

Nagtalaga rin ng mga enrolment focal person upang tumanggap ng tawag at sasagot sa mga katanungan ng mga magulang ng Kindergarten, transferees, Balik-Aral, at Alternative Learning System learners sa bawat paaralan.

Sa pinakahuling tala ng DepEd nitong Hulyo 31, 2020, umabot na sa 22,404,706 ang bilang ng mga nagpatala na mag-aaral sa buong bansa. Ang bilang na ito ay binubuo ng pinagsamang enrollees ng mga pampubliko at pribadong paaralan para saSY 2020-2021.

Samantala, binigyang-diin ni Sec. Briones ang kahalagahan ng pagsasagawa ng remote enrolment dahil ang mga nakalap na impormasyon ng mga mag-aaral ang magiging batayan ng kanilang desisyon sa kung anong angkop na learning delivery modality ang dapat ipatupad sa isang lugar sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela

Kasabay ng unang araw ng remote enrollment, itinaguyod din ng DepEd ang virtual launch ng 2020 Brigada Eskwela (BE) at Oplan Balik Eskwela (OBE) upang tumulong sa mga paaralan at stakeholder sa enrollment at paghahanda sa darating na pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.

Sa pamamagitan ng 2020 BE at OBE na may temang “Pagpapanatili ng Bayanihan Tungo sa Kalidad na Edukasyon para sa Kabataan”, naipakita ang pinagsama-samang kontribusyon at

pagsisikap ng mga stakeholder upang magbigay-tulong sa paaralan at komunidad na nakaayon sa BE-LCPng Kagawaran.

Noong Hulyo 8, 2020, sa ginanap na “Handang Isip, Handa Bukas Online Press Conference”, nagpahayag ng suporta at naglatag ng kanilang plano ang 20 ahensya ng gobyerno at private partners para BE at OBE.

Ang partner agencies na ito ay binubuo ng Department of the Interior and Local Government, Department of National Defense, Department of Energy, DOH, Department of Information and Communications Technology, Department of Transportation, Department of Public Works and Highways, Department of Social Welfare and Development, Department of Trade and Industry, at PCOO.

Nakasuporta rin ang Metro Manila Development Authority, Office of Civil Defense-National Disaster Risk Reduction and Management Council, NTC, Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, Philippine National Police, Smart Communications, Inc., Globe Telecom, Inc., Manila Electric Company, Metropolitan Waterworks and Sewerage System, at World Vision Philippines.

“Thank you for the support. Thank you for holding our hands. Thank you for saying, in so many words, all of you who are here, that you trust us. We believe that we can deliver. Thank you for believing along with us,” pahayag ni Sec. Briones.

Positibo ang Kagawaran na sa patuloy na suporta at tulong ng mga ahensya at ng academic community, lahat ng kinakailangang paghahanda at isinasagawang programa ay tuluyang maisasaayos sa darating na pagbubukas ng klase sa Oktubre 5. ■

TULOY ANG EDUKASYON — Sa tulong ng dropbox enrollment at pakikiisa ng mga lokal na lider, matagumpay na naisagawa ng mga kaguruan sa Mangayon National High School sa Compostela Valley, Davao De Oro ang pagpapatala ng mga magulang sa kanilang mga anak sa kabila ng banta ng pandemya. Layunin ng Department of Education (DepEd) na sa pamamagitan ng dropbox enrollment, magiging mas madali at ligtas ang pagpapatala ng mga mag-aaral para sa school year 2020-2021 lalo na para sa mga naninirahan sa mga liblib na lugar na hindi abot ng komunikasyon at walang kapasidad na mag-enroll online o gamit ang Internet. (Photo credit: DepEd Philippines)

Page 14: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

14Agosto 2020

Sa gitna ng tumitinding laban ng bansa sa COVID-19, hindi maiwasang maisip ng ilan sa ating mga kababayan kung nasa tamang direksyon nga ba ang pamahalaan sa mga hakbangin at plano nito upang tuluyang masawata ang pandemya.

Ating pinulsuhan ang ilan sa kanila at narito ang kanilang mga kasagutan:

Gobyerno, Nasa Tamang HakbangNga ba Kontra COVID-19?

Maayos ang naging tugon ng gobyerno laban sa COVID-19. Una na rito ang pagpasa sa Bayanihan to Heal as One Act kung saan naglabas ang pamahalaan ng bilyun-bilyong piso para matugunan ang suliranin sa COVID-19. Ang Department of Health naman ay patuloy ang testing at pagpapatayo ng mga quarantine facilities sa bansa. Naniniwala ako na malalabanan natin ang COVID-19 kung magtutulungan tayo, kaya stay at home na lang muna kung hindi naman kailangan at wala namang gagawin sa labas.

Ronica Catindig35, Navotas City

Naniniwala ako na nasa tamang direksyon ang bansa natin against COVID-19. Nakikita naman ng bawat isa na hindi nagpapahinga ang pamahalaan para mag-isip ng mga pamamaraan para malabanan ang pandemic na ito. Hindi biro ang malagay sa ganitong sitwasyon. We are talking about millions or billions of people who are faced on this adversity – mapa-frontliner o ordinaryong mamamayan. Siguro, it’s about time to show the spirit of Bayanihan. Huwag nating kontrahin ang pamahalaan sa mga directive nito para malabanan ang COVID-19. Makinig, umunawa, at sumunod. Sa simpleng paraan natin, makatutulong tayo sa pamahalaan. Hindi naman habambuhay ang virus na ito, right? Huwag na tayong dumagdag pa. Let’s help one another.

Lovely Francisco23, Quezon City

Hindi madali ang laban natin sa COVID-19. Hanggang ngayon nga, hirap pa rin tayo na labanan ito. Pero

nakikita ko naman na ginagawa ng pamahalaan ang makakaya nito para sugpuin o ‘di kaya ay ma-contain ang

paglaganap ng virus. Pandemya kasi ito. Hindi lang naman tayo, sa bansa natin, ang nakararanas nito. Buong mundo. Talagang napakahirap pero ang tanging ma-i-co-contribute natin sa bawat isa ay manatiling sumunod sa lahat ng safety at health protocols ng pamahalaan. Sumunod lang tayo. Sila naman [pamahalaan] ang higit na nakaaalam.

Edzel Inocencio33, Tondo, Manila

Gaya ng kasabihan ng mga matatanda, palaging may bugok na itlog. Totoo iyon, gaya ng mga nakaupo sa

gabinete ngayon. Sa totoo lang, wala akong masasabi sa pamamahala ni Tatay Digong. Regular niyang inu-update

ang taumbayan sa pamamagitan ng mga ulat niya. Doon, nakikita natin kung paano ginagastos nang maayos ang pera ng pamahalaan. Talaga lang sadyang may malalakas lang ang loob na pinagpipilitan ang sarili kahit hindi na kaya ang trabaho. Sana ayusin ng ibang nasa gobyerno ang mga trabaho nila. Public servants po kayo at pangunahin ninyong layunin ang kapakanan ng maliliit na tao na gaya namin at hindi ang pansarilininyong interes.

Jojo Villaruel37, Navotas City

Turismo sa bansa, tiyak ang pagbangon Turismo sa bansa, tiyak ang pagbangon mula sa epekto ng COVID-19 – DOTmula sa epekto ng COVID-19 – DOT

Ni Ivy E. Atompag

Muling makakabangon ang estado ng turismo sa bansa pagkatapos ng ilang buwang quarantine at maibabalik muli ang trabaho ng mga Pilipinong nasa industriya at labis na naapektuhan ng pandemya.

Ito ang ipinahayag ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Laging Handa virtual press briefing noong Hunyo 25.

“I have high hopes that the significant share of employment the tourism industry provides, as consistently indicated by the PSA’s annual reports, will help spur our sector’s recovery from the impact of this pandemic,” pagtitiyakni Puyat.

Noong 2019, 12.7 percent ang naiambag ng industriya ng turismo sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at nakapagbigay ito ng 5.7 milyong trabaho noong nakaraaang taon din.

Pinayagan na ng DOT na magbalik-operasyon ang turismo sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine nitong Mayo 30, 2020. Ayon kay Puyat, mahalaga na unti-unting mabuksan ang sektor ng turismo sa bansa nang hindi nakukumpromiso ang kaligtasan ng mga turista.

Siniguro ng ahensya na sinusunod ng mga hotel, resort, at iba pang establisyimento ang mga health at safety protocol na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. Sa kabila nito, binigyang-diin ng Kalihim na malaki ang papel ng local government units (LGUs) sa pagtukoy ng mga tourist spots na maaari nang magbukas sa kani-kanilang lugar.

Gayunpaman, hiningi ni Sec. Puyat ang kooperasyon

ng lahat upang tulungang mapabilis ang pagbangon ng industriya na isa sa mga pangunahing sektor na labis na naapektuhanng pandemya.

“With your support, open-mindedness, and cooperation, the tourism industry can once again prosper while setting the bar with new standards for hospitality, sustainability, health and safety, and guest satisfaction,” panawagan ni Sec. Puyat.

Ayon sa ulat na inilabas ng ahensya noong Hunyo 29, inaasahahang ang lokal na turismo ang magtutulak sa pagbangon ng industriya sa bansa dahil maraming Pilipino ang nagpahayag ng pagnanais na magtungo sa malalapit na destinasyon dala ng bantang COVID-19.

Isinusulong din ngayon ng DOT at ng mga kakabit na ahensya nito ang ‘digital tourism’ upang mapanatili ng bansa ang ‘market presence’ nito sa buong mundo.

Naglunsad ito ng online trainings at webinars pati na rin promotional videos upang hikayatin ang publiko na maglakbay nang hindi kinakailangang umalis sa kani-kanilang tahanan. Tampok sa mga maiksing videos na ito ang mga magagandang tanawin at aktibidad na matatagpuan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

“The DOT will continue to optimize the role of technology to promote tourism and digital learning to provide new opportunities across the tourism sector,” paliwanag ni Sec. Puyat.

Inilunsad din ng ahensya ang kanilang sariling virtual presser upang ipagbigay-alam sa publiko ang mga mahahalagang updatessa industriya.

Tulong sa mga Istranded na Turista at OFW

Sa kasagsagan ng community quarantine ay tiniyak ng DOT ang pagtulong sa mga nangangailangang turista at overseas Filipino workers (OFWs). Ayon sa ulat ng ahensya noong Hunyo 2, nakapagbigay na ito ng tulong at serbisyo sa 36,947 istranded na dayuhan at lokal na turista mula nang nagkaroon ng restriksyon sa iba’t ibang uri ng transportasyon dahil sa enhanced community quarantine noong Marso.

Kabilang dito ay ang pagtulong sa 27,620 dayuhang turista sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng ahensya sa LGUs, embassies, at mga airline companies upang mabigyan ang mga ito ng pansamantalang tirahan, pagkain, at magawan ng paraan ang pag-uwi ng mga ito sa kani-kanilang bansa. Tinulungan din ng ahensya ang 9,237 lokal na turistang na-istranded sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

Sa pakikipagtulungan naman ng DOT at iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Foreign Affairs at Department of Health, nabigyan ng hotel accommodation ang mga nagbabalik na OFW na kailangang sumailalim sa quarantine bago makauwi sa kani-kanilang probinsya.

“The overwhelming show of support of the hotel sector to our government’s call to make their rooms available to OFWs should somehow ease their anxiety, having to wait for another two weeks till they eventually reunite with their families,” saad ni Sec. Puyat bilang pasasalamat sa mga miyembro ng pribadong sektor na sumuportasa inisyatibo. ■

‘TRAVEL FROM HOME’ — Pinasiglang muli ng Department of Tourism ang turismo sa gitna ng umiiral na community quarantine sa pamamagitan ng kanilang kampanyang “Travel from Home” kung saan naglabas ang ahensya ng virtual backgrounds na maaaring gamitin ng publiko sa mga videoconferencing platform tulad ng Zoom at Webex. Maaaring i-download nang libre ang mga “tourist destination” mula sa website na philippines.travel/fromhome. (Photo credit: philippines.travel/fromhome)

BalitaBalita

Page 15: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

15Agosto 2020Entertainment

3.

4.

6.

7.

8.

10.

12.

13.

14.

State of the Nation Address (dinaglat)

Leading _ _ _ _ _ _ _ Virtual Town Hall Meeting

Ang pagbibigay ng isang sustansyang nakapagpapalakas sa immune system ng isang tao

Ang pagpapanatili ng kalusugang pangkaisipan at pangkatawan sa pamamagitan ng pag-iwas o paggamot sa mga sakit

isang proyekto ng gobyerno na naglalayong magbigay ng "real-time update" at mga panuto tungkol sa paghahanda sa oras ng kalamidad

Bayanihan 2 _ _ _ _ _ _ _ _ Program

Corporate _ _ _ _ _ _ _ _ and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE) Bill

Modified General Community Quarantine (dinaglat)

Isang malawakang pagkakahawa-hawa ng isang sakit na mabalis ang pagkalat at nakaaapekto sa maraming tao sa buong mundo

PAHALANGOnline _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ : ang pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang iba't ibang teknolohiya na mayroong internet access. Maaaring i-download ang mga learning material at mag-submit ng mga homework online

Isang kaugalian at kultura ng mga Pilipino na nagpapakita ng pagtutulungan, pagkakaisa, at pagdadamayan

Binubuo ng mga indibidwal na nagsisilbi o nagtatrabaho sa unang hanay

Department of Social _ _ _ _ _ _ _ and Development

Isang bagong pamamaraan ng pagsasagawa ng mga dating nakasanayan bilang pag-iingat at proteksyon mula sa banta ng COVID-19

Micro, small and medium enterprise (dinaglat)

1.

2.

4.

5.

9.

11.

PABABA

7

2

4

5

9

26

4

1

7

7

7

2

8

8

3

8

5

3

4

5

3

2

7

8

2

9

4

2

7

7

5

2

3

5

9

7

5

4

1

6

6

4

6

6

9

1

9

5

3

8 3

4

9

98

6

35

3

1

8

6

5

8

1

1

73

4

1

1

4

9

1

8

6

9

6

2

2

S U D O K US U D O K U

Mga sagot sa nakaraang isyu

1

3

6

9

7

2

4 5

8

13 14

12

1110

S U D O K US U D O K U

8

8

4

59

9

7

7

7

7

1

1

2

2

2 6

6

5 3

3

3

MALASAKITCENTER

A G I N G H N D A

B R M M

T F E L C A C

P NDEA

OVID19

R A 1 4 6 3

REPATRIATES

L E G C Y

P

CC

A L A B A R Z O N

H Y B R I D S

D E N R

P A R O L A

P

SIG

IV

RFE

RY

T

AL

Page 16: DEPED HANDA · DEPED HANDA SA HAMON NG 'NEW NORMAL' 2 R. CABUGWANG DOH nanguna kontra COVID-19 2 V. LANDIG OWWA SUPORTADO ang displaced OFWs 6 M. LADISLA MEDIAMAN Babangon Tayo 3

BalitaCentralLike and follow us :

PCOO pinalakas ang pwersa ng gov’t media kontra fake news sa COVID-19

Ni Vanessa R. Landig

Pinalakas ng Presidential Pinalakas ng Presidential C o m m u n i c a t i o n s C o m m u n i c a t i o n s Operations Office (PCOO) Operations Office (PCOO) sa pangunguna ni Secretary sa pangunguna ni Secretary Martin Andanar ang pwersa Martin Andanar ang pwersa ng government media sa ng government media sa bansa upang solusyunan bansa upang solusyunan ang naging mabilis na ang naging mabilis na pagkalat ng mga maling pagkalat ng mga maling impormasyon at fake news impormasyon at fake news sa kasagsagan ng pakikibaka sa kasagsagan ng pakikibaka ng pamahalaan sa krisis na ng pamahalaan sa krisis na dulot ng Coronavirus disease dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).2019 (COVID-19).

Simula pa lamang ng Simula pa lamang ng banta ng COVID-19, banta ng COVID-19, nakipag-ugnayan agad ang nakipag-ugnayan agad ang PCOO sa Inter-Agency Task PCOO sa Inter-Agency Task

Force for the Management Force for the Management of Emerging Infectious of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), Diseases (IATF-EID), Department of Health Department of Health (DOH) at iba pang ahensya (DOH) at iba pang ahensya ng pamahalaan upang ng pamahalaan upang makapaghatid sa publiko ng makapaghatid sa publiko ng mahahalagang kaganapan mahahalagang kaganapan at tamang impormasyon at tamang impormasyon kaugnay ng COVID-19.kaugnay ng COVID-19.

Sa pakikipagtulungan Sa pakikipagtulungan ng Kapisanan ng mga ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas Brodkaster ng Pilipinas (KBP), napalawak ang (KBP), napalawak ang information campaign information campaign laban sa COVID-19 sa laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsasaere pamamagitan ng pagsasaere sa publiko ng updates at sa publiko ng updates at

infomercials na aprubadoinfomercials na aprubadong DOH. ng DOH.

Isinaere rin sa PTV-Isinaere rin sa PTV-4 noong Marso 16 ang 4 noong Marso 16 ang programang Laging programang Laging Handa Public Briefing Handa Public Briefing na pinamumunuan nina na pinamumunuan nina Sec. Andanar at PCOO Sec. Andanar at PCOO Undersecretary Raquel Undersecretary Raquel “Rocky” Ignacio. Tampok sa “Rocky” Ignacio. Tampok sa programa ang mga opisyal programa ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang sagutin ng gobyerno upang sagutin at linawin ang mga isyung at linawin ang mga isyung kinakaharap ng bansa sa kinakaharap ng bansa sa gitna ng pandemya.gitna ng pandemya.

Bukod sa mga hakbang Bukod sa mga hakbang na ito, naging aktibo rin ang na ito, naging aktibo rin ang PCOO at mga ahensyang PCOO at mga ahensyang saklaw nito sa pagpapalawig saklaw nito sa pagpapalawig ng information campaign sa ng information campaign sa social media upang mas higit social media upang mas higit na maiparating sa publiko na maiparating sa publiko ang mahahalagang updates ang mahahalagang updates tungkol sa COVID-19. tungkol sa COVID-19.

Kaugnay nito, inilunsad Kaugnay nito, inilunsad din noong Marso 20 din noong Marso 20 ang covid19.gov.ph na ang covid19.gov.ph na nagsisilbing “one-stop nagsisilbing “one-stop source” ng impormasyon at source” ng impormasyon at balita tungkol sa COVID-19. balita tungkol sa COVID-19. Layunin ng virtual portal na Layunin ng virtual portal na labanan ang paglaganap ng labanan ang paglaganap ng fake news sa pamamagitan fake news sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ng pagbibigay ng mga impormasyon na galing impormasyon na galing mismo sa mga ahensyamismo sa mga ahensyang gobyerno. ng gobyerno.

“In times like this na may “In times like this na may crisis, napakaimportante po crisis, napakaimportante po ng tamang impormasyon ng tamang impormasyon —impormasyon na dapat —impormasyon na dapat mailahad sa publiko, na mailahad sa publiko, na dapat malaman ng lahat,” dapat malaman ng lahat,” pahayag ni PCOO Assistant pahayag ni PCOO Assistant Secretary Ramon Cualoping Secretary Ramon Cualoping III sa isang panayam sa III sa isang panayam sa Laging Handa Public Laging Handa Public Briefing kasama si Bureau Briefing kasama si Bureau of Communications Services of Communications Services Director Ma. Florinda Director Ma. Florinda Princess E. Duque. Princess E. Duque.

Isa rin sa mahahalagang Isa rin sa mahahalagang programa na inilunsad programa na inilunsad

ng PCOO sa gitna ng ng PCOO sa gitna ng pandemya ang “Leading pandemya ang “Leading Forward: Virtual Town Hall Forward: Virtual Town Hall Meeting” na dinadaluhan ng Meeting” na dinadaluhan ng information officers ng local information officers ng local government units (LGUs) government units (LGUs) mula sa iba’t ibang bahagimula sa iba’t ibang bahaging bansa.ng bansa.

Mula nang ilunsad ang Mula nang ilunsad ang kauna-unahang virtual town kauna-unahang virtual town hall meeting noong Mayo, hall meeting noong Mayo, pangunahing layunin na ng pangunahing layunin na ng PCOO ang pagpapaigting ng PCOO ang pagpapaigting ng komunikasyon sa pagitan ng komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng LGUs sa pamahalaan at ng LGUs sa pamamagitan ng pagbibigay pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon ng tamang impormasyon na nagmumula mismo sa na nagmumula mismo sa mga opisyal ng gobyerno mga opisyal ng gobyerno na kanilang itinatampokna kanilang itinatampokkada linggo. kada linggo.

Sa ginanap na “8th Sa ginanap na “8th Leading Forward Town Hall Leading Forward Town Hall Meeting” noong Hunyo Meeting” noong Hunyo 26, ipinahayag ni Asec. 26, ipinahayag ni Asec. Cualoping na ang hakbang Cualoping na ang hakbang na ito ng PCOO ay naging na ito ng PCOO ay naging daan upang pag-ugnayin daan upang pag-ugnayin ang iba’t ibang sektor ang iba’t ibang sektor gaya ng Overseas Filipino gaya ng Overseas Filipino workers (OFWs), youth workers (OFWs), youth leaders, at LGUs upang leaders, at LGUs upang maging aktibong kabahagi maging aktibong kabahagi sa epektibong pagpapaabot sa epektibong pagpapaabot ng mga programa at polisiya ng mga programa at polisiya ng pamahalaan sa kani-ng pamahalaan sa kani-kanilang pamayanan. kanilang pamayanan.

“The aim of this town “The aim of this town hall meeting is to continue to hall meeting is to continue to engage with you all the time. engage with you all the time. Through this engagement, Through this engagement, it is our hope in the PCOO it is our hope in the PCOO that we will all be thought that we will all be thought leaders through this town leaders through this town hall meeting; that as thought hall meeting; that as thought leaders, we should be able to leaders, we should be able to explain the programs and the explain the programs and the policies of this government policies of this government to be able to help more to be able to help more people,” paliwanag nipeople,” paliwanag niAsec. Cualoping. Asec. Cualoping.

B i n i g y a n g - d i i n B i n i g y a n g - d i i n naman ni Sec. Andanar naman ni Sec. Andanar ang naging positibong ang naging positibong epekto ng pagsasagawa epekto ng pagsasagawa ng town hall meeting na ng town hall meeting na nagsilbing bayanihan nagsilbing bayanihan

upang sama-samang upang sama-samang tulungan ang pamahalaan tulungan ang pamahalaan sa pamamahayag ng tamang sa pamamahayag ng tamang impormasyon sa publiko impormasyon sa publiko sa gitna ng kinakaharapsa gitna ng kinakaharapna krisis. na krisis.

“When we meet in a town “When we meet in a town hall like today, we affirm the hall like today, we affirm the individual and collective individual and collective strength of one another. Even strength of one another. Even if we may be residents of if we may be residents of another place. The unifying another place. The unifying factors lie in our objective factors lie in our objective and the defining relevance of and the defining relevance of township. We are compelled township. We are compelled to be bound by a cause to be bound by a cause greater than ourselves,” greater than ourselves,” pahayag ng Kalihim.pahayag ng Kalihim.

Samantala, sinuportahan Samantala, sinuportahan rin ng PCOO ang mga rin ng PCOO ang mga kasamahan sa media na kasamahan sa media na lubhang naapektuhan ng lubhang naapektuhan ng ipinatupad na community ipinatupad na community quarantine sa bansa bunsod quarantine sa bansa bunsod ng COVID-19.ng COVID-19.

Katuwang sina Asec. Katuwang sina Asec. Cualoping at Presidential Cualoping at Presidential Task Force on Media Task Force on Media Security Executive Director Security Executive Director Undersecretary Joel Egco, Undersecretary Joel Egco, binisita ni Sec. Andanar binisita ni Sec. Andanar ang Philippine Information ang Philippine Information Agency sa Pangasinan noong Agency sa Pangasinan noong Mayo 24 upang maghatid Mayo 24 upang maghatid ng tulong at magpasalamat ng tulong at magpasalamat sa kanilang suporta sa sa kanilang suporta sa isinasagawang crisis isinasagawang crisis communication campaign communication campaign ng pamahalaan.ng pamahalaan.

“Nagpapasalamat tayo “Nagpapasalamat tayo sa media dahil kayo ang sa media dahil kayo ang number one partner ng number one partner ng gobyerno pagdating sa gobyerno pagdating sa information dissemination. information dissemination. Sa crisis communication Sa crisis communication campaign, lumalawak ang campaign, lumalawak ang reach ng ating pamahalaan reach ng ating pamahalaan dahil sa tulong ninyo,” ani dahil sa tulong ninyo,” ani Sec. Andanar.Sec. Andanar.

Bukod sa Luzon, Bukod sa Luzon, nakarating din sa Central nakarating din sa Central Visayas, Northern Mindanao, Visayas, Northern Mindanao, at Caraga Region ang at Caraga Region ang paghahatid ng tulong ni Sec. paghahatid ng tulong ni Sec. Andanar sa mga pamilya ng Andanar sa mga pamilya ng media workers na apektado media workers na apektado ng krisis. ■ng krisis. ■

‘COMMUNICATORS OF CHANGE’ — Naging sentro ng talakayan ng mga tampok na tagapagsalita noong Hunyo 19, 2020 sa ginanap na “7th Leading Forward Virtual Town Hall Meeting” ang paggunita sa ika-159 na kapanganakan ni Dr. Jose Rizal at kung paano patuloy na maisasabuhay ang kanyang iniwang legasiya tulad ng disiplina, dedikasyon, at pagmamahal sa bayan lalo na sa panahon ng krisis. Masigasig na itinataguyod ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang Virtual Town Hall Meeting sa pamumuno nina Secretary Martin Andanar, Assistant Secretary Ramon Cualoping III at iba pang kawani ng PCOO sa ilalim ng Office of Brand Integration. (Photo credit: Asec. Ramon Cualoping III)