Disiplina Village Bagong bahay, bagong · PDF filedisiplina at magkaroon ng tamang paraan sa pagtatapon ng ating ba-sura.” Sa kaugnay na ulat, kan-ya nang inatasan kamakailan ang

Embed Size (px)

Citation preview

  • E-mail mo si Mayor! [email protected] www.valenzuela.gov.ph

    Bagong bahay, bagong buhay

    alapit nang buksan ang isang pasilidad sa Valenzuela na tutulong ituwid ang daan ng

    mga kabataang biktima ng pag-abuso sa mga ipinagbabawal na gamot.

    Ang Teen Challenge Valenzuela ay proyektong itinayo sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod at ng Teen Challenge In-ternational (TCI), isang pribadong organisasyon na nakabase sa Amer-ika matapos pirmahan ang isang kasunduan sa pagitan ng Valenzuela City Government at TCI noong na-karaang taon.

    Layon nitong magsilbing rehabilitation center para sa mga delinkwenteng kabataang at magkatu-wang na pamumunuan ng Valenzuela City Anti-Drug Council (VADAC) at TCI.

    Ayon kay VADAC Ac-tion Officer Kon. Tony Espiritu, nakasaad sa kasunduan na sagot ng lokal na pamahalaan ang mga pasilidad, buwanang gastusin,

    security guards, medical volun-teers at mga social workers sa-mantalang ang sahod ng mga kawani, mga kagamitan, man-wal na operasyon at pagkain ay pagtutulungan ng dalawang ins-titusyon. Kamakailan lamang, per-sonal na inispeksyon ng pamunuan ng TCI sa pangunguna ni Dir. Rev. Jerry Nance ang may dalawang palapag na gusali sa dating Material Recovery Facility (MRF) sa Brgy. Marulas. Mayroon itong walong kwarto at iba pang pasilidad upang makatulong sa recovery period ng mga kliyente nito. Ang TCI ay kasalukuyang nangangasiwa ng higit sa 1,200 reha-bilitation centers sa 83 bansa sa mun-do. Inaasahang malaking tulong ang kauna-unahang Teen Challenge cen-ter sa bansa para paigtingin ang drug prevention programs sa lungsod.

    agsanib pwersa ang ibat ibang tanggapan ng pamahalaan at

    pribadong sektor upang mabig-yang diin ang kahalagahan ng pagsagip sa mga daang tubig ng Kalakhang Maynila, partikular na ang Tullahan River. Sa pamamagitan ng Linis Estero/Ilog program ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR), naging mala-king bagay ang suportang inilaan ng Metro North Tollways Corp. (MNTC) at San Miguel Foundation (SMF) para umusad ang proyekto. Ayon kay DENR Sec. Ra-mon Paje nang lagdaan ang natu-rang kasunduan sa San Miguel Polo Brewery sa Valenzuela City, Hindi mapanunumbalik mag-isa ng pamahalaan ang dating estado ng katubigan sa Metro Manila. Aniya kung nais nating makamit ang layuning ito, Mahalagang makipagtulungan ang pribadong sektor, ng mga pamahalaang lokal at ng mga mamamayan para maba-wasan ang maraming burak, ba-sura at iba pang nakapagpaparumi ng ating katubigan. Si SMF Chairman Ra-mon Santiago ang kumatawan sa San Miguel na may plantang na-katayo sa tabi mismo ng ilog. Ang

    Tullahan River ay may kabuuang haba ng 15 kilometro at lumalagos sa hilagang bahagi ng Kamaynilaan palabas ng Manila Bay. Idineklara itong biologically dead ng DENR, ibig sabihin, hindi ito kayang tira-han ng mga isda. Sa hiwalay na seremonya sa Quezon City, naging katuwang rin ng programa ang Manila North Tollways Corp. (MNTC) sa pa-ngunguna ng presidente nito na si Rodrigo Franco. Ang MNTC ang siyang nagdevelop at nagmemen-tine ng North Luzon Expressway na dumaraan sa lungsod. Kasabay nito ang pag-ayuda nina Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian at

    Quezon City Mayor Herbert Bau-tista para higit na mapag-ibayo ang proyekto. Nanawagan si Mayor WIN sa publiko, lalo na sa mga naninirahan malapit sa lugar, Ki-nakailangang magkaroon tayo ng disiplina at magkaroon ng tamang paraan sa pagtatapon ng ating ba-sura. Sa kaugnay na ulat, kan-ya nang inatasan kamakailan ang pagbuo ng Bantay Ilog, isang brigada ng mga mamamayan na magmamanman sa kapaligiran ng Tullahan at iba pang daang tubig sa lungsod.

    Bahay rehab tutulong vs droga Disiplina at bayanihan bubuhay sa Ilog Tullahan

    a isang mas maayos at mas matibay na bahay makaka-

    pagsimulang muli ang may 46 family-beneficiaries sa itinatay-ong Disiplina Village sa Brgy. Ugong matapos silang salantain ng nagdaang Bagyong Ondoy noong 2009. Matitirahan na ng unang batch na mga residente ang kanilang bagong tahanan simula Abril 2 kasabay ng pag-papasinaya at paghahandog ng Certificate of Occupancy sa okasyon ng kaarawan ni City Mayor Sherwin Gatchalian. Ayon kay Valenzuela City Human Resettlement Off-icer (HRO) Elenita Reyes, ang Disiplina Village resettlement

    Disiplina Village

    site ay proyekto ng pamahalaang lokal na naisakatuparan sa tulong ng pribadong sektor. Aniya, malaki ang na-iambag dito na tulong mula sa mga lokal na negosyo at industri-ya sa pakikipagugnayan ng Daki-lang Handog Foundation. Ang resettlement site na ito ay may laking 1.9 ektarya at pagtatayuan ng 56 na gusali. Ba-wat gusali ay may 16 units sa da-lawang palapag. Tinatayang may 900 pamilyang nawalan ng tira-han noong umapaw ang Tullahan River dala ng bagyo ang makaka-pamuhay rito ng mas ligtas. Magkakaroon sila ng sariling covered court at mga

    Disiplina Village

    Disiplina Village, pahina 2

    p.8

    (L-R) City Mayor Sherwin Gatchalian, DENR Sec. Ramon Paje at Quezon City Mayor Herbert Bautista

    Ang mga unang gusaling pabahay sa Disiplina Village na pinagtulungang gawin ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor. Nasa foreground (inset), ang ilan sa mga residente habang idinaraos ang values formation seminar kasama ang Gawad Kalinga at HRO.

    1,001 tuwa saD r e amland ng mga bata

  • 2 Balita

    MAY 235 KATAO MULA sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa may 13 piling barangay ng Valenzuela ang nakatanggap ng suplay ng bigas matapos silang makibahagi sa proyektong Food-for-Work ng United Nations World Food Programme (UN-WFP).

    Layon ng programang ito, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, na maging katuwang ang mga biktima ng kalamidad sa muling pagsasaayos ng kanilang pamayanan kapalit ng makakain ng kanilang pamilya. Bahagi ito ng Millenium Development Goals (MDG) ng UN na sugpuin ang kagutuman sa buong mundo.

    Ayon kay Froilani Alba ng City Social Welfare and Develop-ment Office (CSWDO), kabilang sa mga gawain ang paglilinis ng estero at kanal upang maiwasan ang muling pagbaha kapalit ng 10 kilo ng bigas. Aniya, may anim na oras silang magtatrabaho kada araw

    Food-for-Work inilatag para sa mga biktima ng baha

    sa loob ng 15 araw. Kabilang sa programa ang mga barangay ng Bagbaguin, Bignay, Coloong, Gen. T. De Leon, Lawang Bato, Lingunan, Malanday, Malinta, Mapulang Lupa, Marulas, Parada, Pasolo, at Veinte Reales. Ang City Engineering Office ang nagsagawa ng pagpili sa mga lugar. Samantalang ang River and Waterways Management Office (RWMO) naman ang nagpahiram ng mga kagamitan at tumulong sa mga benepisyaryo upang maisaga-wa ng maayos ang proyekto at sigu-ruhin ang kanilang kaligtasan. Ayon sa Human Develop-ment Report ng World Food Prog-ramme, ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang may seryosong antas ng malnutrisyon. May 28% ng mga kabataang Pilipino ang kulang sa timbang at 18% ng kabuuang popu-lasyon ay hindi nakakakain ng sa-pat.

    DUMOBLE SA HALOS 3,000 ang bilang ng mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Valenzuela City ang naging kasapi bilang volunteers ng Red Cross Youth 143 kumpara sa nagdaang taon. Dahil dito, binansagang City of Volunteers ni Philippine Red Cross (PRC) Valenzuela Chap-ter Chairman Elizabeth Chongco ang lungsod sa ginanap na 2010 general investiture ng organisasyon noong Oktubre. Pinangunahan ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon ang panunumpa ng mga bagong dugo sa boluntaryong pagliling-kod sa kapwa na nagmula pa sa 70 elementarya at sekondaryang paa-ralan sa Valenzuela.

    Hinikayat naman ni Gor-don ang mga guro nito na tulungan ang mga mag-aaral na hasain ang potensyal nilang mamuno. Binuo ang programang ito upang turuan ang mga tao ng mabilis at tamang pagresponde sa oras ng pangangailangan. Sa tulong ng RC 143 at RCY 143 volunteers, ang lungsod ay inaasahang mas ma-ging handang tumugon sakali mang maulit ang bagyong gaya ng Ondoy at Pepeng. Dagdag pa nito, sinabi ni Peter Quintana, pinuno ng RCY-Valenzuela na naglaan ang pama-halaang local ng P1.1milyon para sa taong 2009 upang magamit sa first aid, basic life support, disaster preparation at leadership training ng mga kabataang ito.

    Red Cross Youth mas pinasigla

    MADALING KATRA-BAHO ITO ANG WIKA NI DEPT. of Social Welfare and Development (DSWD) 4Ps area supervisor Amado Suarez tungkol sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Pro-gram, o kilala sa tawag na 4Ps, ng Lungsod ng Valenzuela. Sa isang panayam sa pau-nang pamamahagi ng cash cards para sa 1,200 family recipients ni-tong Pebrero sa Social Hall, pinansin niya ang aktibong partisipasyon ng pamahalaan lokal mula sa alkalde, hanggang sa local counterpart nito at mga barangay leaders na siyang susi upang maging matagumpay ang 4Ps dito. Tungkulin ni Suarez na ban-tayan ang usad ng 4Ps sa Metro Manila. Dagdag pa niya, nakatulong ang agresibong information dissemi-nation ng DSWD at CSWD sa pamu-muno ni Dorothy Evangelista para sa National Household Targeting System

    4Ps sa Valenzuela: Madaling kausap for Poverty Reduction (NHTS-PR) na siyang pinagbasehan sa pagpili ng mga kwalipikadong benepisyaryo. Sa pinakahuling datos ni-tong Pebrero, mayroong kabuuang 2,615 mahihirap na family-benefi-ciaries sa lungsod. Nakatatanggap sila ng buwanang tulong pinan-syal sa loob ng limang taon ka-palit ng pagtupad sa isang kasun-duan. Nakapaloob sa kasunduan ang mga panuntunan para sa ka-lusugan, nutrisyon, at edukasyon. Sinadya pa ni City Mayor Sherwin Gatchalian ang pag-bibigay ng mga cash cards upang ipaalala na rin ang kahalagahan ng malinis na kapaligiran at pa-giging responsableng magulang. Ipinaalala rin sa ka-nila na hindi maaaring isangla ang cash card o gastusin ang ka-nilang sal