46
Epektong Dulot ng Wattpad 1 Epektong Dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral Aiko E. Roa Charmaine S. Sarmiento Ma.Angelica M. Olivete Jennylyn Alinsod Daniel F. Barles Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Fer. Reyes Jr. Trimex Colleges Biñan,Laguna Marso, 2014

Epekto ng Wattpad

  • Upload
    aikoroa

  • View
    2.193

  • Download
    179

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga epektong naidudulot ng Wattpad sa mga Kabataan

Citation preview

Epektong Dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral

Epektong Dulot ng Wattpad 1Epektong Dulot ng Wattpad 30

Epektong Dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral

Aiko E. Roa

Charmaine S. Sarmiento

Ma.Angelica M. Olivete

Jennylyn Alinsod

Daniel F. Barles

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Fer. Reyes Jr.Trimex Colleges

Bian,LagunaMarso, 2014

PAKSAPanimula

Tila ang layo-layo na nga ng henerasyon noon sa henerasyon ngayon. Maraming bagay na ang nagbago sa pamumuhay ng bawat tao dahilan para masabi kong tunay na nasa modernong panahon na tayo. Isang magandang halimbawa ang aspeto ng pagbabasa. Kung dati-rati, lahat ng mga kabataan aklat ang ginagamit sa tuwing nagbabasa ng mga babasahin, ngayon dulot na rin ng teknolohiya ang mga imposible noon ay naging posible sa kasalukuyang panahon nakapagbabasa na tayo ng maraming kwentong mula sa magkakaibang genre gamit ang ating mga computer, laptop at maging sa ating mga cellphone.

At isa sa pinakapopular na produkto ng teknolohiyang tinatangkilik ng maraming kabataan sa kasalukuyang panahon ay ang Wattpad. Ang Wattpad ay isang uri ng social networking site at isa ring online community na itinatag noong 2006 nina Allen Lau at Ivan Yuen ngunit naging tanyag lamang sa lahat noong 2011. Ang aksesibilidad nito para sa mga manunulat at mambabasa ang isa sa mga naging daan upang tuluyan itong makilala at yakapin ng publiko partikular na ang mga kabataang Pilipino. Kaya naman habang tumatagal lalong dumarami ang mga taong nakakikilala at sumusuporta dito.

A. Layunin ng Pag-aaral

Pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito na mapag-alaman at mailahad ang ibat ibang patunay ng pagiging isang wattpader, ang mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng Wattpad kaalinsunod ng mabutit masamang epekto nito sa kanila maging ang pananaw ng mga ito ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad.

B. Suliranin ng Pag-aaral

Layunin ng pananaliksik na ito ay naglalayong bigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:1. Ano ang ibat ibang patunay ng pagiging isang Wattpader?

2. Bakit kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ang pagbabasa ng Wattpad?

3. Ano ang mga positibong epektong natatamo ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng Wattpad?

4. Ano ang mga negatibong epektong natatamo ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng Wattpad?

5. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad?C. Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pag-alam at paglahad ng mga patunay ng pagiging isang wattpadder maging ang dahilan ng pagkahumaling ng mga respondente sa pagbabasa ng Wattpad. Sa pag-aaral na ito, ginamit ng mananaliksik ang Slovins formula upang tukuyin ang bilang ng respondenteng tutugon sa talatanungan.

Pormula: n = N / (1 + Ne)

Aplikasyon:

n= Kabuuang Bilang ng Sampol

n = N / (1 + Ne)

N= Kabuuang Populasyon

= 1440 / (1 + 1440 * .10)

e= Inaasahang Kamalian

= 1440/ 15.4

= 93.506 o 94 Ang mga respondenteng ito na may kabuuang bilang na 94 ay ang mga mag-aaral at maituturing na wattpader sa ibat ibang kadahilanan. Pinili ng mananaliksik ang mga respondente ayon sa trend o magkakaibang sampol ng iisang populasyon sa magkakaibang panahon. Isinaalang-alang din sa pag-aaral na ito ang kahigpitan ng kurikulum sa mga mag-aaral dahilan upang alamin at ilahad din ng mananaliksik ang mabutit masamang epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa kanila maging ang kanilang pananaw ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa mula Pebrero, 2015 hanggang Marso, 2015 sa Trimex Colleges, Bian Laguna.

D. Teoretikal na Balangkas

Ang teorya ay isang lupon ng mga salita at kaisipan na gustong magbigay ng liwanag sa isang bagay na walang sapat na paliwanag. Produkto ito ng mga kuro-kuro o haka-haka ng mga taong nagsagawa ng mga pag-aaral upang may mapatunayan. Sa pananaliksik na ito, isinaalang-alang ang mga teoryang pinaniniwalaan ng mananaliksik na may kaugnayan sa pag-aaral at makatutulong sa pagkamit ng mas malalim na pag-unawa sa pag-aaral.

Ayon kay Emile Durkheim sa kanyang Evolutionary Theory ang isang lipunan ay unti-unting nagbabago mula sa pinakasimple hanggang sa pinakakomplikadong bagay, mula sa iisang porma hanggang sa magkakaiba, mula sa pagiging primitibo hanggang sa mapalitan na ng modernisasyon, mula rural na pamumuhay hanggang urban. Angkop ang teoryang ito sa ebolusyon ng mga babasahing aklatin hanggang sa sa pag-usbong ng Wattpad. Kaalinsunod nito, ang Lazarus Theory ni Richard Lazarus na tumutukoy sa stress na bunga ng paglampas ng demand sa kapasidad o kakayahan ng isang taong maisagawa ang isang bagay. Isang halimbawa ang pagkakaroon ng mataas na pamantayan ng isang paaralan na kung minsan hindi na umaangkop sa abilidad at kapasidad ng mag-aaral. Ang teoryang ito ang sumasalamin sa pagpili ng mananaliksik sa mga naging respondente, kung saan ang naturang kurikulum ng mga mag-aaral ay maituturing na may kahigpitan at kahirapan dahilan upang umusbong ang presyur sa mga mag-aaral na siyang nakapagbigay ideya sa akin upang alamin ang epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa katulad nilang nakararanas ng kahigpitang pang-akademiko. Ayon naman sa Labeling Theory ni Howard Becker ang gawi ng bawat tao ay binibigyan ng label o antas batay sa sariling opinyon o pananaw ng komunidad. Dito papasok ang ibat ibang pagpapakahulugan ng mga mag-aaral sa kanilang mga sarili bilang mga wattpadder. Sumunod ang Rational Decision Making Theory ni Neil Smelser na nagsasabing ang desisyon ng mga tao ay nakabatay sa sariling gawi at kaugalian nila maging sa kondisyon o lagay ng isang sitwasyon. Sa teoryang ito papasok ang dahilan ng mga respondente sa pagkahumaling sa pagbabasa ng Wattpad. Ang Psychological Exchange Theory ni George Homans naman na naglalarawan sa interaksyon ng mga tao bilang interaksyon na binubuo ng mga pabuya at parusa iniugnay ng mananaliksik ang mabutit masamang epektong nadudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa mga mag-aaral na nakabatay sa mismong interaksyon nila. Kaalinsunod nito ang isa pang teorya ni George Homans, ang Rational Choice Theory kung saan ang bawat indibidwal ay hinihikayat ng kani-kanilang sarilang mga mithiin maging ang mga magagandang bagay na nakuha at nakukuha nila sa iba. Isinasaad ng teoryang ito na nakabatay ang kanilang desisyon ukol sa kanilang sariling pananaw. Inilahad ng mananaliksik ang teoryang ito bilang tugma sa personal na persepyon, opinion o pananaw ng mga mag-aaral sa pagtangkilik ng Wattpad dahil sa ibat ibang bagay na maaring makuha nila rito.

Ang mga teoryang magkakaugnay na inilahad ang siyang naging batayan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito. Pinaniniwalaan din na ang teoretikal na balangkas na ito ang magiging daan sa maaayos na daloy ng pag-aaral at sa mas malinaw na mga impormasyon.E. Konseptwal na Balangkas

Ang balangkas konseptwal ng mananaliksik ay ibinatay sa teoretikal na balangkas na nauna nang nailahad.

Magsisimula ang pag-aaral sa paksa at pokus ng pananaliksik, ang Wattpad. Sumunod dito ang mga napiling respondente ng pag-aaral at magpapatuloy sa ibat ibang patunay ng mga mag-aaral ng pagiging wattpadder. Kaalinsunod nito ang dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng Wattpad kung saan gagamitan ng deskriptib-sarbey na metodo sa pagkalap ng mga datos at impormasyon. At mula sa metodo, ang daloy ng pag-aaral ay nakatuon din sa epektong dulot ng Wattpad sa mga respondente, ang mabutit masama. Sa kabilang banda, ang pananaw ng mga respondete ukol sa pagtangkilik ng Wattpad ay binigyang tuon din.

Ang dayagram 1 ang siyang magpapakita ng buong daloy ng konseptwal na balangkas ng pag-aaral na kaugnay ng teoretikal na balangkas.Dayagram 1.F. Paglalahad ng Metodolohiyang Ginamit

a. Metodong Ginamit

Ang metodong ginamit sa pananaliksik na ito ay deskriptib-sarbey metod na angkop sa mga mag-aaral na nahuhumaling sa pagbabasa ng Wattpad. Tinangkang suriin ng mananaliksik ang kasalukuyang damdamin, kaalaman at pananaw ng mga respondente sa ibat ibang patunay ng pagiging wattpadder, dahilan ng kanilang pagkahumaling nila rito maging sa mabutit masamang epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa kanila at ang kanilang mga tugon sa pagtangkilik sa Wattpad.b. Mga Respondente ng Pag-aaral

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mga mag-aaral mula sa ibat ibang antas at kurso. Ang mga naturang mag-aaral ay pinili ayon sa trend o magkakaibang sampol ng iisang populasyon sa magkakaibang panahon ay mga Wattpadder sa ibat ibang kadahilanan.c. Instrumento sa Pangangalap ng Datos

Talatanungan o kwestyoner ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito. Binubuo ang talatanungan ng 5 bilang na nagtataglay ng dikotomus at maraming pagpipiliang mga tanong na ipinamahagit ipinasagot sa mga respondente. Sinagot ng mga kalahok na respondente ang bawat tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek () sa talatanungan. Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay siyang naging daan para makakuha ng mga datos na susuporta sa pag-aaral ng mananaliksik.*Ang liham na kalakip ng sampol ng talatanungan ay nasa susunod na pahina.

Pebrero , 2015

Sa mga kagalang-galang na respondente,

Isang mapagpalang-araw ang bati namin sa inyo!Kalakip ng liham na ito ang talatanungan sa pag-aaral na aming isinasagawa bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik na pinamagatang Epektong dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral. Ang nasabing pag-aaral ay may pangkalahatang layunin na mapag-alaman at mailahad ang ibat ibang patunay ng pagiging isang wattpader, ang mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng Wattpad kaalinsunod ng mabutit masamang epekto nito sa mga nasabing respondente at ang pananaw ng mga ito ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad. Makaaasa na ang mga impormasyong makukuha ay gagamitin lamang sa pag-aaral na ito at hindi sa iba pang bagay.

Lubos na pagpapasalamat ang aming iniaabot sa oras na inyong inilaan, kooperasyong ibinigay at tapat ninyong mga kasagutan. Maraming salamat at pagpalain tayong lahat!

Lubos na gumagalang,

Mga mananaliksikMaituturing mo ba ang iyong sarili bilang isang Wattpadder dahil sa mga I. Profayl ng Respondente

Pangalan(Opsyonal): ______________________________

Petsa: __________Kurso, Taon at Pangkat: _____________________________Kasarian: Lalaki [ ]

Babae

[ ]

II. TalatanunganPanuto: Lagyan ng tsek () ang kasagutang umaayon sa inyong paniniwala o opinyon. Isa

lamang ang piliin. (Ang inyong katapatan sa pagsagot ay ipinagpapasalamat ng

mananaliksik.)

1. sumusunod na kondisyon:

1.1 Wattpadder ka kung hindi mo maipaliwanag ang kabog ng dibdib mo sa

tuwing may bagong kabanatang inaapdeyt ang awtor ng paborito mong

kwento.

OoFORMCHECKBOX

HindiFORMCHECKBOX

1.2 Wattpadder ka kung naglalaan ka ng ilang minuto para magmuni-muni at

magbalik-tanaw sa mga pangyayari ng kwento.

OoFORMCHECKBOX

HindiFORMCHECKBOX

1.3 Wattpadder ka kung hanggang sa panaginip nakikita mo ang mga karakter sa kwento.

OoFORMCHECKBOX

HindiFORMCHECKBOX

1.4 At Wattpadder ka kung naaapektuhan ka ng sobra sa mga pangyayari na para bang ikaw iyong karakter sa mismong kwento.

OoFORMCHECKBOX

HindiFORMCHECKBOX

2. Bakit mo kinahuhumalingan ang pagbabasa ng Wattpad?

FORMCHECKBOX Libangan o pampalipas-oras

FORMCHECKBOX Nakapagbibigay ng kasiyahan

FORMCHECKBOX Nakapagbibigay ng satispaksyon

FORMCHECKBOX Nakapagtuturo ng aral

FORMCHECKBOX Iba pa (Pakisulat) ______________________________

3. Ano sa tingin mo ang masamang naidudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa mga katulad mong mag-aaral?

FORMCHECKBOX Napapabayaan ang pag-aaral

FORMCHECKBOX Nawawalan ng disiplina sa sarili

FORMCHECKBOX Nalilipasan ng gutom

FORMCHECKBOX Nawawalan ng oras sa pamilya at iba pang mahahalagang tao

FORMCHECKBOX Iba pa (Pakisulat) ______________________________

4. Ano naman sa iyong palagay ang mabuting naidudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa mga katulad mong mag-aaral?

FORMCHECKBOX Lumalawak ang kaisipan ukol sa realidad

FORMCHECKBOX Nadedebelop ang 5 aspeto ng isang indibidwal (Pisikal, Mental, Emosyonal,

Sosyal at Espiritwal)

FORMCHECKBOX Nagkakaroon ng kasiyahan at satispaksyon sa sarili

FORMCHECKBOX Nakakalimutan ang mga problema

FORMCHECKBOX Iba pa (Pakisulat)

5. Sa iyong palagay, nararapat lamang bang tangkilikin ng mga mag-aaral ang Wattpad?

FORMCHECKBOX Oo, dahil maraming benepisyo ang makukuha sa pagababasa nito.

FORMCHECKBOX Hindi, dahil mas maraming dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa pagababasa ng Wattpad

FORMCHECKBOX Neutral

FORMCHECKBOX Di-masabi

*** MARAMING SALAMAT PO SA KOOPERASYON! :) ***d. Paraan ng Pagkalap ng Datos

Nagsimula ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng paggawa ng instrumentong ginamit sa pananaliksik - ang talatanungan o kwestyoner na nagtataglay ng mga katanungang umaayon sa layunin ng pag-aaral. Sumunod na rito ang pamamahagi ng talatanungan sa mga respondente ng pag-aaral. At huli, ang pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalap na datos.

e. Istatistikal na Tritment

Dalawang istatiskal na tritment ang ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito. Una, ang paglapat ng Slovins formula sa pagkuha ng kabuuang bilang ng respondenteng sasalamin sa buong populasyon.

Pormula: n = N / (1 + Ne)

Aplikasyon:

n= Kabuuang Bilang ng Sampol

n = N / (1 + Ne)

N= Kabuuang Populasyon

= 1440 / (1 + 1440 * .10)

e= Inaasahang Kamalian

= 1440/ 15.4

= 93.506 o 94Ikalawa, upang makuha ang resulta ng mga datos kinuha ang porsyento o bahagdan gamit ang pormula sa ibaba:

Bahagdan =Bilang ng Respondenteng May Magkakaparehong

Sagot/Bilang ng Kabuuang Respondente X 100Aplikasyon:

Bahagdan =Bilang ng Respondenteng May Magkakaparehong

Sagot/Bilang ng Kabuuang Respondente X 100 = 12/94 X 100 = 12.7 % o 13%Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga lokal at internasyonal na babasahin at pag-aaral na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito.

A. Kaugnay na Literatura

Ang panahon ay hindi lang nagbabago ito ay ganap at lubusang nagbabago. Habang ang mga social media ay nagiging parte ng buhay natin isang malawakan at demokratikong kulturang pagbabago ang nag-aabang. Sa tulong ng ugnayan sa isat-isa, pagbabahagi ng karanasan at pagsasaayos ng online unti-unting nahuhubog ang publiko, paghubog na hindi pa nangyayari noon ang dala ng mga social media ngayon. Ang pundasyon ng pagtangkilik ng maraming tao dito ay ang kakayahang pamamahayag nito na nagagamit ng maraming tao sa buong mundo.B. Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pananaliksik ng mga mag-aaral mula sa STI Global City na pinamagatang Epekto ng Oplayn na Laro sa mga Piling Estudyante ng Colegio de Sta. Ana na naglalayong alamin ang epekto ng Oplayn na laro sa pag-aaral ng mga estudyante ng Colegio de Sta. Ana, ang mga Oplayn na Laro na tinatangkilik ng mga mag-aaral ng Colegio De Sta. Ana, mga masamang epekto sa pag-aaral ng mga estudyante, magiging epekto ng Oplayn na laro sa kaalaman ng mga estudyante at sa iba pang asignaturang inaaral nila kasabay ng kanilang paglalaro at mga positibong epekto ng oplayn na laro sa mga estudyante. Ang mga mananaliksik ay humantong sa mga konklusyon na ito:

1. Isa sa mga konklusyon ng mga mananaliksik ay, ang Text Twist ang paboritong laruin ng mga estudyante. 2. Ang pagtaas ng memorya ang isa sa konklusyon ng mga mananaliksik, sapagkat ayon sa mga nakalap naming mga impormasyon na ang pagtaas ng memorya ng mga estudyante ang dahilan kung bakit nila ito kinagigiliwan.3. Kung ang positibong epekto ng paglalaro ng Oplayn na laro ay ang pagtaas ng memorya, ang negatibo epekto naman ay ang pagpapabaya sa pag-aaral.4. Ayon sa nakalap ng mga mananliksik na impormasyon na ang Oplayn na Laro ang kadahilanan sa pagpapabaya sa pag-aaral ng mga estudyante. 5. Napag-alaman ng mga mananaliksik na araw-araw naglalaro ng Oplayn na Laro ang mga estudyante, ngunit kailangang limitahan nila ito upang hindi mapabayaan ang pag-aaral. 6. Kinagigiliwan nila ang Oplayn na Laro dahil narerelax sila sa paglalaro nito, bukod dito ay nahahasa din ang kanilang memorya.

Ayon naman sa pag-aaral ni Sanzhar Naizabekov sa kanyang pananaliksik na pinamagatang Negative Impact of Social Networking Sites on Academic Performance of Students na naglalayong alamin ang mga epektong nadudulot ng social media sa mga mag-aaral at ang mga posibleng solusyon dito lumilitaw na ang mga mababang marka ng mga mag-aaral ay bunga ng multi-tasking iniaaplay sa pang-araw-araw na buhay. Ayon sa kanya, ang sabay na gawaing ipinipilit ng mga mag-aaral ay nagdudulot ng hindi magagandang resulta lalo na sa kanilang pag-aaral.Paglalahad at Pagsusuri sa mga Nakalap na Datos

Sa kabanatang ito inilahad at sinuri ang mga datos na nakalap mula sa talatanungang ipinamahagi sa mga respondente.

Interpretasyon:Ipinapakita ng talahanayan 1.1 na sa siyamnaput apat (94) na respondenteng tumugon sa talatanungan dalawamput pitong porsyento (27%) na katumbas ng dalawamput limang (25) respondente ang naniniwalang hindi sila Wattpadder dahil lang sa kondisyon na hindi nila maipaliwanag ang kabog ng kanilang dibdib sa tuwing may bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor samantalang pitumput tatlong porsyento (73%) naman na katumbas ng animnaput siyam (69) na respodente ang sumang-ayon na maituturing nila ang kanilang mga sarili bilang mga Wattpadder dahil kumakabog ang kanilang mga dibdib sa tuwing may bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor.Analisis:

Malaking porsyento ng respondente ang naniniwalang sila ay mga Wattpadder dahil mas nananig ang kabog ng kanilang dibdib sa tuwing ang paborito nilang awtor ay nag-aapdeyt ng mga detalye sa kwentong kanilang binabasa samantalang maliit na porsyento ng mga respondente ang naniniwalang Wattpadder sila ngunit hindi sa kondisyong inilahad ng mananaliksik marahil ang resultang ito ay bunga ng pagkakaiba ng damdamin at estado ng emosyonal na aspeto ng mga respondente sa tuwing magbabasa ng wattpad.

Interpretasyon:

Sa talahanayan 1.2, inilalarawan na pitong porsyento (7%) na katumbas ng pitong (7) respondente ang hindi sumang-ayon sa kondisyong sila ay Wattpadder sa kadahilanang naglalaan sila ng ilang minuto para magmuni-muni at magbalik-tanaw sa mga pangyayari sa kwento at siyamnaput tatlong porsyento (93%) naman o walumput pitong (87) respondente ang umaming sila ay Wattpadder dahil naglalaan sila ng ilang minuto para magmuni-muni at magbalik-tanaw sa mga pangyayari ng kwento.

Analisis:

Sa ikalawang kondisyong inilahad ng mananaliksik lumitaw na karamihan sa mga respondente ay naglalaan ng oras sa pagmumuni-muni at pagbabalik- tanaw sa bawat detalye ng kwento ngunit may mangingilan-ngilan parin ang sumalungat sa kondisyong inilahad na marahil ang mga sumagot ng hindi ay mga respondenteng may iba pang pakahulugan ng pagiging Wattpadder na ilalahad sa mga susunod na talahanayan.

Interpretasyon:

Ang talahanayang ito, talahanayan 3 na naglalahad ng kondisyon na nakatuon sa pagiging Wattpader ng mga respondente sa kadahilang hanggang sa panaginip nakikita nila ang karakter sa kwento, apatnaput isang porsyento (41%) ang sumagot ng oo, ito ay katumbas ng tatlumput siyam (39) na respondente samantalang limamput siyam na porsyento (59%) naman na katumbas ng limamput limang (55) respondente and sumagot ng hindi.Analisis:

Sa pagkakataong ito, nangibabaw ang mga respondenteng hindi nakikita ang mga karakter sa kwentong kanilang binabasa sa kanilang panginip ngunit hindi naman nalalayo ang bilang ng mga respondenteng maiuturing ang kanilang mga sarili bilang mga Watpadder dahil sa ikatlong kondisyong inilahad ng mananaliksik. Isang maaaring nagbunsod upang lumitaw ang resultang ito ang pagkakaiba ng mga ibat ibang aspeto ng pagkatao ng mga respondente.

Interpretasyon:

Inilalarawan ng talahanayan 1.4 ang ika-apat at huling kondisyon ng mananaliksik sa kung anong mga pagkakalarawan ng mga respondente sa kanilang pagiging Wattpadder lumabas na labinglimang porsyento (15%) o labing-apat (14) na respondente ang sumagot ng hindi sa kondisyong maituturing nila ang kanilang mga sarili bilang mga Wattpadder dahil naapektuhan sila ng sobra sa mga pangyayari na para bang sila ang karakter ng mismong kwento samantalang walumput limang porsyento (85%) o walumpung (80) respondente ang sumagot ng oo.Analisis:

Lumilitaw na karamihan sa mga respondente ay inilalarawan ang kanilang mga sarili bilang mga Wattpadder dahil naaapektuhan sila ng sobra sa kwentong kanilang binabasa na para bang sila iyong mismong gumaganap sa kwento. Ngunit kaalinsunod parin nito ang bahagdan ng mga respondenteng hindi itinuturing ang kanilang mga sarili na Wattpadder dahil lang sa huling kondisyong inilahad. Ang magkakaibang estado ng emosyon sa bawat respondente ang isa sa mga tiningnang dahilan ng mananaliksik ukol sa resultang lumitaw.

Interpretasyon:

Ang Talahanayan 2 ay tumutukoy naman sa ibat ibang kadahilanan ng mga respondente kung bakit nila kinahuhumalingan ang pagbabasa ng Wattpad. Kapwa walang sumagot sa dahilan na ang Wattpad ay nakapagbibigay ng satispaksyon at nakapagtuturo ng aral, dalawang (2) respondente naman na katumbas din ng dalawang porsyento (2%) ng kabuuang populasyon ang tumugon sa iba pang dahilan ng respondente. Limampung porsyento (50%) sa mga respondenteng sumagot ng iba pa ay nagsabing nagsisilbing inspirasyon ang pagbabasa ng Wattpad kaya sila nahuhumaling dito at ang natitirang limampung porsyento (50%) ay nagbigay ng dahilan na habit na raw kasi ang pagbabasa ng Wattpad. Anim na poryento (6%) naman ng kabuuang populasyon na sumasalamin sa anim na respondente (6) ang sumang-ayon na nakapagbibigay ng kasiyahan ang pagbabasa ng Wattpad at siyamnaput dalawang poryento (92%) ang sumagot na libangan o pampalipas-oras na nila ang pagbabasa ng Wattpad kaya nila ito kinahuhumalingan.Analisis:

Lumilitaw na malaking bahagdan ng respondente ang nahuhumaling sa Wattpad dahil nagsisilbi na itong libangan o pampalipa-oras ng mga naturang mag-aaral. Hindi rin maikakaila ayon sa datos na nakalap na may iilan ang naniniwala na ang pagbabasa ng Wattpad ay nakapagbibigay ng kasiyahan, ang iba naman ay may sariling dahilan ng pagkahumaling nila sa Wattpad at walang respondente naman ang sumang-ayon na nahuhumaling sila sa pagbabasa ng Wattpad dahil nakapagbibigay ito ng satispaksyon at nakapagtuturo ng aral. Ang ganitong resulta ay pinanghihinuhaan ng mananaliksik na nakadepende sa dalas ng panahong ginugugol nila sa pagbabasa ng Wattpad.

Interpretasyon:

Ang talahanayan 3 ang nagpapakita sa mga tugon ng respondente ukol sa mga masamang epektong dulot ng pagbabasa ng Wattpad sa kanila. Tatlong porsyento (3%) na tumutukoy sa tatlong (3) respondente ng kabuuang populasyon ang sumagot ng iba pa kung saan ang isa (1) rito ay may pananaw na ang pagbabasa ng Wattpad ay nagiging dahilan ng pagkukulang niya ng oras na makapag-aral, ang isa (1) naman ay nagsabing napupuyat siya sa pagbabasa ng Wattpad at ang natitirang isa (1) ay nagsawalat na dahil sa pagbabasa ng Wattpad nakaliligtaan na niya ang mga gawaing-bahay. Limang porsyento (5%) naman ng kabuuang populasyong katumbas din ng limang (5) respondente ang sumagot na nalilipasan sila ng gutom sa pagbabasa ng Wattpad, labingdalawang (12) respondente naman o katumbas ng labingtatlong porsyento (13%) ang sumagot na nawawalan sila ng oras sa pamilya at iba pang mahahalagang tao dahil sa pagbabasa ng Wattpad. Nawawalan naman ng disiplina sa sarili ang tugon ng dalawamput siyam (29) na respondenteng katumbas ng tatlumput isang porsyento (31%) ng kabuuang populasyon. At apatnaput limang respondente (45) naman ang nagsabing napapabayaan nila ang kanilang pag-aaral dahil sa pagbabasa ng Wattpad.Analisis:

Mula sa mga datos na nakalap mahihinuha ng mananaliksik na ang pagpapabaya ng mga respondente sa pag-aaral na lumitaw bilang pinakamasamang epekto ng wattpad sa kanila ay bunga ng ibat ibang dahilan ng pagkahumaling ng mga naturang respondente sa Wattpad na ipinakita sa nauna ng talahanayan, ang talahanayan 2.

Interpretasyon:

Ipinapakita ng talahanayan 4 ang daloy ng mga tumugon ukol sa mabuting epektong dulot pagbabasa ng Wattpad sa kanila. Sa pagkakataong ito walang respondente ang nagbigay ng iba pang kasagutan samantalang siyam (9) na respondente o sampung poryento (10%) ng kabuuang populasyon naman ang sumang-ayon na nakatutulong ang pagbabasa nila ng wattpad sa pagdebelop ng 5 aspeto ng isang indibidwal, ang pisikal, mental, emosyonal, sosyal at espiritwal. Sa kabilang banda dalawamput tatlong (23) respondenteng katumbas ng dalawaput apat na porsyento (24%) ang naniniwala na nakalilimutan nila ang kanilang problema dahil sa pagbabasa ng Wattpad, dalawamput siyam (29) o tatlumput isang porsyento (31%) naman ng mga respondente ang nagsabing lumalawak ang kanilang kaisipan ukol sa realidad sa tulong ng Wattpad at tatlumput tatlo (33) na katumbas ng tatlumput limang porsyento (35%) ng mga respondente ang sumagot na ang kabutihang dulot ng pagbabasa ng Wattpad sa kanila ay ang pagkakaroon ng satispaksyon at kasiyahan sa sarili.Analisis:

Ang resultang lumitaw base sa mga nakalap na datos maging sa pangingibabaw ng pagkakaroon ng satispaksyon at kasiyahan sa sarili bilang pinakamabuting epektong dulot ng Wattpad sa mga respondente ay pinaniniwalaan ng mananaliksik na maaaring bunga ng ibat ibang ingay-panloob ng bawat respondente.Interpretasyon:

Ang talahanayan 5 ay tumutukoy sa sariling persepyon ng mga respondente kung dapat lang bang tangkilikin ang pagbabasa ng Wattpad. Base sa mga nakalap na sarbey may parehong bilang ng respondente ang sumagot ng oo dahil maraming benepisyo ang makukuha sa pagbabasa nito at ang mga respondenteng sumagot na di-masabi kung dapat o hindi ba dapat tangkilikin ang pagbabasa ng Wattpad. Ang mga respondenteng ito ay may eksaktong bilang na lima (5) na katumbas din ng limang porsyento (5%) ng kabuuang populasyon. Sinusundan ito ng dalawamput apat na porsyento (24%) o dalawamput tatlong (23) respondente na nagsabing hindi na dapat tangkilikin pa ang pagbabasa ng Wattpad dahil mas maraming bagay ang dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa pagbabasa nito. Nangibabaw naman ang mga respondenteng sumagot ng neutral na may bilang na animnaput isang (61) katumbas ng animnaput limang porsyentong (65%) ng kabuuang populasyon.Analisis:

Mahihinuha ng mananaliksik batay sa mga nakalap na datos kung saan lubos na nangibabaw ang mga respondenteng hati ang opinyon kung dapat bang tangkilikin pa ang Wattpad o hindi na ay bunga ng parehong masama at mabuting epektong naidudulot ng wattpad sa mga respondente na naunang nasuri sa ikatlo at ikaapat na talahanayan.Paglalahad ng Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalahad ng mga natuklasan, napatunayan at mga mungkahi para sa kalutasan at kabutihan ng pag-aaral na ito.Natuklasan

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa layuning mapag-alaman at mailahad ang ibat ibang patunay ng pagiging isang wattpader, ang mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral ng mga respondente sa pagbabasa ng Wattpad kaalinsunod ng mabutit masamang epekto nito sa kanila at ang pananaw ng mga ito ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad. Ang pag-aaral ay batay sa mga naitala at ibinigay na sagot ng siyamnaput apat (94) na mag-aaral na. Ginamitan ito ng deskriptib-sarbey metod samantalang dikotomus at maraming pagpipiliang tanong naman ang uri ng sarbey na ginamit sa pangangalap ng datos at impormasyon. Natuklasan na sa siyamnaput apat (94) na kabuuang populasyon, animnaput siyam (69 o 73%) ang nagpapatunay ng pagiging wattpadder nila dahil sa kabog ng dibdib sa tuwing may bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor, walumput lima (85 o 93%) ang naglalaan ng ilang minuto para magmuni-muni at magbalik-tanaw sa kwento, at walumpu (80 o 85%) naman ang naapektuhan ng sobra na para bang sila ang karakter sa mismong kwento. Dagdag pa rito, walumput anim (86 o 91%) ang nagsabing libangan at pampalipas oras na nila ang Wattpad kaya nila ito kinahuhumalingan, kapabayaan naman sa pag-aaral ang tugon ng apatnaput limang (45 o 48%) mag-aaral ukol sa masamang dulot nito sa kanila at tatlumput tatlo (33 o 35%) ang sumagot na ang kabutihang dulot nito sa kanila ay satispaksyon at kasiyahang ibinibigay ng wattpad. Nangibabaw din ang neutral na pananaw ng mga respondente sa pagtangkilik ng Wattpad kung saan animnaput isa (61 o 65%) ang tumugon sa nasabing sagot. Bawat datos na ito ay pinatototohanan ng mga talahanayang nauna nang inilahad.

Konklusyon Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon at kaalinsunod ng pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito, buong tapat na inilalahad ng mananaliksik ang mga sumusunod na konklusyon:1. Ang mga patunay ng pagiging isang wattpadder ay tumutukoy sa kabog ng dibdib sa tuwing may bagong inaapdeyt ang awtor ng paboritong kwento, sa paglalaan ng ilang minutong pagmumuni-muni at pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari nito at sa pagiging sobrang apektado na para bang mga karakter sa kwento.2. Kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ang pagbabasa ng Wattpad dahil nagsilbi na itong libangan o pampalipas-oras nila.3. Napatunayan na ang pagbabasa ng Wattpad ay nagiging dahilan upang mapabayaan ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral.4. Nakabubuti ang pagbabasa ng Wattpad sa aspetong nabibigyan nito ang mga mag-aaral ng satispaksyon at kasiyahan.5. Neutral ang pananaw ng mga mag-aaral sa pagtangkilik ng Wattpad dahil sa parehong mabutit masamang epekto nito sa kanila.Rekomendasyon

Kaugnay ngisinagawang pag-aaral at ng mga konklusyong inilahad iminumungkahi ng mga mananaliksik nang may buong giliw at pagpapakumbaba ang mga sumusunod na rekomendasyon:1. Para sa mga respondente at maging sa iba pang Wattpadder, ipagpatuloy lamang ang pagbabasa ng Wattpad kasabay ng pag-aplay ng time management o tamang paggugugol ng oras at prioritization o pagtimbang sa kung ano ang mas mahalagang gawin. Sa ganitong paraan mababalanse ang oras sa pagbabasa ng Wattpad at sa iba pang bagay.

2. Para sa mga respondente, kung sa palagay ninyo ay hindi na nakatutulong ang pagbabasa ng Wattpad sa inyong pag-aaral na kung minsan pay nagiging produkto na nito ang mga mababat bagsak na marka hinihikayat ng mga mananaliksik na itigil pansamantala ang pagbabasa nito hanggang sa maaplay ang mga bagay na nauna nang iminungkahi.3. Para sa iba pang mag-aaral, buong pusong hinihikayat ng mga mananaliksik na palawakin pa ang pag-aaral na ito upang makabuo ng mga bagong tuklas ukol sa pagbabasa ng Wattpad.

4. Para sa lahat, mahalagang malaman natin na ang mabutit masamang epektong maari nating maranasan o matamo ay nakadepende sa kung paano natin ito isinagawa dahil ang katotohanang tayo ang gumuguhit sa sarili nating kapalaran ay hindi na maikaiila pa.REFERENSYASan Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing HouseSincero, S.M. (2011). http://explorable.com/stress-and-cognitive-appraisalZandt, D.W. (2010) dp/1605094161" http://www.amazon.com/Share-This-Change-Social-Networking/

dp/1605094161

Flores, J.C. (2013). http://www.slideshare.net/JenoFlores/epekto-ng-oplayn-na-laroNayzabekov, S. (2009). https://www.academia.edu/1810511//Negative_impact_of_social _networking_sites_on_academic_performance_of_students

San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing HouseWattpad

(Evolutionary Theory)

Mga Mag-aaral na Nasa Unang Taon ng Kolehiyo sa Kursong Pagtutuos

(Lazarus Theory)

Pananaw ng Respondente ukol sa pagtangkilik sa Pagbabasa ng Wattpad

(Rational Choice Theory)

Dahilan ng Pagkahumaling sa Pagbabasa ng Wattpad

(Rational Decision Making theory)

Wattpadder

(Labeling Theory)

Deskriptib-

Sarbey Metod

Epekto

(Psychological Exchange Theory)

Masama

Mabuti

Mga mag-aaral