98
IKATLONG MARKAHAN EPIKO Aralin 1: A. Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko “Ibalon” (Epiko ng Bicol) B. Iba’t Ibang Paraan ng Pagtatanong LAYUNIN: Ang mag-aaral ay: nakapagsasaliksik sa silid aklatan o sa internet hinggil sa lokasyong kinalalagyan ng Bicol. nakapagtatala ng mahahalagang impormasyong tinutukoy sa kaligirang pangkasaysayan ng epiko. nakalilikha ng mga tanong sa pagsasagawa ng sarbey hinggil sa kaligirang pangkasaysayan ng epiko na isasaalang-alang ang damdamin ng mga taong tatanungin. nakapagsasagawa ng talk show tungkol sa kahalagahan ng epiko. Nagtataglay ng supernatural o di- pangkaraniwang kapangyarihan ang mga pangunahing tauhan sa epiko dahil itinuturing silang bayani na may kakayahang kalabanin ang mga hamon sa buhay para sa patuloy na pag-unlad ng komunidad na kanilang kinabibilangan. Ang epiko, bagamat ang mga pangyayari ay mahiwaga at di- kapani-paniwala ay kasasalaminan ng kultura ng rehiyong pinagmulan nito na dapat ipagmalaki at pahalagahan. Higit na mauunawaan at mapahahalagahan ang epiko ng sariling rehiyon kung pag-aaralan ito sa orihinal nitong wika. 1

epikoworkbuk

Embed Size (px)

DESCRIPTION

filipino

Citation preview

IKATLONG MARKAHAN

EPIKO

Aralin 1: A. Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng EpikoIbalon (Epiko ng Bicol) B. Ibat Ibang Paraan ng Pagtatanong

LAYUNIN:Ang mag-aaral ay: nakapagsasaliksik sa silid aklatan o sa internet hinggil sa lokasyong kinalalagyan ng Bicol.

nakapagtatala ng mahahalagang impormasyong tinutukoy sa kaligirang pangkasaysayan ng epiko.

nakalilikha ng mga tanong sa pagsasagawa ng sarbey hinggil sa kaligirang pangkasaysayan ng epiko na isasaalang-alang ang damdamin ng mga taong tatanungin.

nakapagsasagawa ng talk show tungkol sa kahalagahan ng epiko.

Nagtataglay ng supernatural o di-pangkaraniwang kapangyarihan ang mga pangunahing tauhan sa epiko dahil itinuturing silang bayani na may kakayahang kalabanin ang mga hamon sa buhay para sa patuloy na pag-unlad ng komunidad na kanilang kinabibilangan. Ang epiko, bagamat ang mga pangyayari ay mahiwaga at di-kapani-paniwala ay kasasalaminan ng kultura ng rehiyong pinagmulan nito na dapat ipagmalaki at pahalagahan.

Higit na mauunawaan at mapahahalagahan ang epiko ng sariling rehiyon kung pag-aaralan ito sa orihinal nitong wika.

Sa proseso ng komunikasyon, pasalita man o pasulat, mahalaga ang paggamit ng wastong gramatika/ retorika upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. IBALON

Kilala ang Bicol sa kanilang matandang epiko na Ibalon na isinalaysay ng isang makatang manlalakbay na si Cadugnung na isinalin Fr. Jose Castao. Ang nasabing epiko ay nalathala sa Madrid sa tulong ni Wenceslao Retana.

Ibalon o Ibalnon ang naging tawag ng mga Espaol sa sinaunang lupain ng mga Bicolano. Naging batayan nito ang mga ibal o ibay na kauna-unahang pangalan ng tangway ng Bicol. Salitang pinaikli ang ibal ng Ibalyo na nangangahulugan na naging tawiran mula sa Visaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.

Binubuo ng sampung saknong na may tig-4 na linya o talutod. May sukat na lalabindalawahin. May dalawang bahagi ang epiko. Naglalaman ng kahilingan ni Iling (isang ibong laganap sa kabikulan at kung inaalagaan ay madaling turuang bumigkas ng ilang salita) kay Cadugnung na awitin ang mga pangyayaring magpakilala sa kabayanihan ni Handyong.

Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Cadugnung na naglalaman ng mga pangyayaring naganap noong matagal na panahon.

Sa pagsisimula ng epiko, si Baltog ang kauna-unahang lalaking nakarating sa Kabikulan buhat sa lupain ng Botavara. Dahil sa mayamang lupain ng Bicol at sa likas nitong kagandahan, naakit si Baltog. Isang gabi, tinambangan ni Baltog ang baboy-ramo. Sinaksak niya ang mabangis na hayop sa pamamagitan ng kanyang sibat. Pagkatapos ay sinunggaban niya ang mga panga at binali ang buto. Isinabit ni Baltog ang dalawang panga sa puno ng Talisay. Labis na humanga ang mga mangangasong buhat sa ibang lugar nang kanilang makilala at makita ang pangit at panga ng baboy-ramo gayundin ang panga nitong nakausli. Ang baboy-ramong ito ay buhat daw sa bundok ng Lingyon at tinatawag na Tandayag.

Dahil sa ipinamalas ni Baltog na pambihirang lakas kayat kinilala siyang pinuno ng pook na Ibalon. Naging mabuti siyang pinuno. Binigyan niya ng katarungan ang lahat ng kanyang nasasakupan.

Matapos ang panahon ng kapayapaan at kasaganaan, naghari naman sa buong Ibalon ang lagim at kapinsalaan dahil sa poot ng mga dambuhalang tulad ng mga pating na may pakpak, kalabaw na lumilipad at higanteng buwaya.

Nalungkot si Baltog dahil siya ay matanda na at hindi na niya kayang ipagtanggol ang kanyang mga nasasakupan. Hindi nagtagal, isang batang-batang mandirigma ang nagngangalang Handyong ang dumating sa Ibalon. Nang marinig niya ang karaingan ng mga tao ay muli siyang naging tagapagligtas. Naging matagumpay naman siya sa paglipol ng mga dambuhala. Hinikayat ni Baltog si Handyong na magkaroon ng isang pangkat ng mga mandirigma upang tumulong sa paglipol ng mababangis na dambuhala. Kayat mula noon si Handyong naman ang humaliling bayani ng epiko.

Nakalaban din at napatay ni Handyong si Ponong nang bigla itong lumusob sa kanila. Isa rin itong dambuhala na iisa ang mata at tatlo ang bibig. Ito ay napatay ni Handyong. Ang labanan ay umabot ng sampung buwan. Ang pating na may pakpak at Simarong kalabaw na lumilipad ay nalipol lahat. Ang mabangis na Sarimaw ay itinaboy sa bundok ng Kolasi. Ngunit isa pang dambuhala ang nakaligtas sa kamay ni Handyong. Siyay si Oryol, isang tusong ahas na nakukuhang maging isang anyo ng kaakit-akit na babae at ang tinig ay parang sirena. Ang mapanlinlang na serpyente ay nagtatangkang gayumahin si Handyong. Sa kabila ng pang-aakit na ginawa kay Handyong, pinatunayan ni Oryol na hindi niya mapapasuko si Handyong, kayat naghandog siya ng tulong upang mapuksa ang mga dambuhalang buwaya sa ilog Bicol. Pagkatapos ng labanan, ang ilog Bicol ay namula sa dugo ng mga buwaya. Nasaksihan ng ilang orang-utang ang labanang ito at silay nasindak.

Nang malipol ang mga dambuhala sa pook, namahinga si Handyong. Mula noon siyay nagpatuloy sa pamamahala sa kanyang mga kababayan nang buong tapat at katalinuhan. Sa kanyang pagpapahinga siyay nagtanim ng gabi ang laman ay kasinlaki ng pansol. Nagtanim din siya ng isang uri ng palay na nagtataglay ng kanyang pangalan. Lalo siyang napamahal sa kanyang mga sakop nang nahikayat niya nang buong lugod ang mga mamamayan upang gumawa ng mga kapaki-pakinabang na kasangkapan sa ikakabuti ng lipi.

Binanggit din sa epiko na si Handyong ang kauna-unahang gumawa ng bangkang naglayag sa ilog Bicol na si Cuinantong. Lalong naging kahanga-hanga si Cuinantong nang magdagdag siya ng timon at layag sa bangkang ginawa niya. Ginawa rin ni Cuinantong ang araro, suyod, pagalong, singkaw, gulok, asarol at salop. Ang iba pang nagsigawa ng kasangkapan ay si Hablom na tumuklas ng habihan, ang unanong si Dinahon naman ang lumikha ng tapayan, kalan, palayok at iba pa. Si Surat naman ang gumawa ng ABAKADA at inukit sa batong libon.

Inilalarawan din sa epiko ang bahay nina Handyong na kung tawagin ay moog sapagkat itoy nakasalalay sa punongkahoy. Alinsunod sa epiko silay tumatahan sa itaas ng punungkahoy upang maiwasan ang labis na init at maligtas ang mga sarili sa insektot hayop na naglipana sa pook. Ibinigay ni Handyong ang batas na makatarungan na magpapahintulot na manirahan nang sama-sama ang alipin at umaalipin nang may karangalan at katiwasayan sa pamilya.

Sa gitna ng kapayapaang naghahari sa lupain ay nagkaroon ng isang delubyo. Ang baha ay kagagawan ni Inos. Isang nakasisisndak na bagyo na may kasamang malakas na ulan ang nasabing delubyo. Pagkatapos ng delubyo, isang tangway ang lumitaw na ngayon ay tinatawag na Pasacao. Nagbago rin ang takbo ng agos ng ilog Inarihan. Ang epiko ay nagwakas sa kasaysayan ni Bantong, isang batang-batang kaibigan ni Handyong na lagi niyang kasa-kasama. Sa panahong iyon, ang katahimikan ng Ibalon ay muling binulabog ni Rabut, isang dambuhalang kalahating tao at kalahating hayop ang katawan. Siyay isang mangkukulam at nagagawa niyang bato ang sinuman.

Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantong kasama ang kanyang mga tauhan sa yungib at sinalakay si Rabut samantalang itoy natutulog. Tinaga ni Bantong ang tulog na dambuhala. Namilipit sa sakit sa Rabut at umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong bayan.Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabut sa Libnaman. Ipinakita niya kay Handyong ang dambuhala at hindi siya makapaniwala sa kapangitan ni Rabut. Dito nagwakas ang salin ni Fr. Jose Castao:

Nangako si Cadugnung na ipagpapatuloy niya ang kuwento sa ibang araw. Subalit maaaring hindi na naisalin ang iba pang bahagi ng epiko o kaya hindi na natapos kung kayat nananatiling walang karugtong ang epiko.

Pagtuklas

Mahahalagang tanong:

Bakit hanggang ngayon ay laganap pa rin ang mga kwentong puno ng kababalaghan at di-kapani-paniwalang pangyayari?__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 1:Magsaliksik sa inyong silid aklatan o sa internet hinggil sa lokasyong kinalalagyan ng Bicol. Pagkatapos ay itala ang impormasyong nakalap at iugnay sa epikong tatalakayin. Gamitin ang double entry journal sa pagsagot nito.

Lokasyong Kinalalagyan ng Bicol____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Kaugnayan ng Impormasyong Nakalap sa Epiko_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 2: Ang makikita mo ay mga kwadro o frames. Ibuod ang nilalaman ng epikong Ibalon batay sa hinihingi ng nasa loob ng kwadro o frames.

F1: TagpuanF2: TauhanF3: SimulaF4: Saglit na KasiglahanF5: TunggalianF6: KasukdulanF7: Wakas

Gawain 3:Tukuyin sa binasang epiko ang mga pahayag na makapagpapatunay sa kalagayang panlipunan, kultura at paniniwala ng mga tao noong panahong naisulat ito. Itala ito sa tsart na nakalagay sa ibaba.

Kalagayang PanlipunanKulturaPaniniwala

Gawain 4: Isa-isahin kung paano nagsimula at lumaganap ang epiko sa Pilipinas. Itala ang kasagutan sa dayagram na nakalaan para rito.

Simula at Paglaganap ng Epiko sa Pilipinas

PaglinangAng Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong epos na nangangahulugang salawikain o awit. Ito ay isang mahabang salaysay sa anyong patula na maaaring awitin o isatono. Hango ito sa pasalindilang tradiosyon tungkol sa mga pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng mga nakapaloob na mag paniniwala, kaugalian at mithiin ng mga tauhan.

Sa Pilpinas, popular ang tinatawag na epikong bayan o folk epic. Ayon sa mga mananaliksik ng katutubong panitikan, may kani-kaniyang matatanda at mahahabang salaysay na patula ang ibat ibang pangkating etniko sa Pilipinas. Sa labas ng Katagalugan, mayroon nang mga popular na tulang pambayan o mga tulang epiko bago pa man dumating sa bansa nag mga banyaga.

Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam-Ang (Buhay ni Lam-Ang). Ito ay isinulat ng makatang si Pedro Bukaneg na naisinop at pinag-aaralan pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sa Bikol naman ay tanyag ang epikong ang pamagat ay Ibalon na ang orihinal na sipi sa wikang Bikolana ay iningatan ni Padre Jose Catano noong ika-19 daantaon. Gayundin ang epikong Hadiong ng mga Bikolano na batay naman sa mga bagong pananaliksik ay nilikha ng isang paring Espanyol at hindi sa bibig ng mga katutubo. Sa Visaya naman nagmula ang epikong Maragtas at sa Mindanao ang Darangan. Ang mga lalong kilala sa Darangang ito ay ang Bantugan at Indarapatra at Sulayman. Samantala, sa hilagang bahagi naman ng bansa, ang mga Ifugao ay may ipinagmamalaking mga tulang pambayan, ang Hudhud at Alim. Sa nakaraang ikadalawampung siglo, isaisang naitala ng mga mananaliksik at dalubhasa ang marami pang epikong-bayan mula sa ibat ibang dako ng bansa. Ayon sa kanila, nauuri ang epikong nasusulat ayon sa kasaysayan ng komunidad na kinatagpuan. Halimbawa, nasa pangkating Kristiyanong epiko ang Lam-Ang at Hadiong, samatalang nasa pangkating Muslim naman ang epikong Bantugan, Indarapatra at Sulayman, Parang Sibil at Silungan. Ibininilang naman sa pangkating Lumad (di-Kristiyano ay Muslim) ang Ullalim ng Kalinga, Hudhud at Allim ng Ifugao, Labaw Donggon ng Hiligaynon, Hinilawod at Agyu ng Mindanao, Kundiman ng Palawan, Tuwaang ng mga Manobo, Ulod, Sambila at Guman ng Bukidnon.

Mahalaga sa sinaunang pamayanan ang epikong bayan. Bukod sa bisang pangkaaliwan, ito ay nagsisilbing pagkakakilalanlang panrehiyon at pangkultura. Ginagamit ito sa mga ritwal at pagdiriwang upang maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana n gating mga ninuno. Sa kasalukuyan, may ilan pa rin sa mga epikong ito ang inaawit n gating mga kababayan sa kanilang mga pagdiriwang. Marami pa ring matatanda ang nakaaalam sa mga bahagi ng mga epikong kanilang kinagisnan. Patuloy pa rin sa pag-aaral ang mga mananaliksik sa mga lokal na kasaysayan upang mailpaliwanag ang kaugnayan ng epiko sa ating mga paniniwala at kaugalian. Sa pamamagitan nito, higit na mapalalawig ang pagkaunawa sa kahalagahan ng epiko bilang bahaging panliteratura at pangkultura ng lipunang Pilipino.

Gawain 5: Itala ang mahahalagang impormasyong tinutukoy ng kaligirang pangkasaysayan ng epiko sa tulong ng Grid. Ilahad ang hinihinging impormasyon sa bawat hanay.

Mga kaalamang nais ipabatid ng kaligirang pangkasaysayan ng epikoMga tiyak na impormasyon dati at bago sa kaalaman sa binasang kaligirang pangkasaysayan ng epiko

Gawain 6: Ipakita ang mahahalagang pangyayaring ipinababatid ng kaligirang pangkasaysayan ng epiko sa tulong ng dayagram ng pangyayari. Pagkatapos ay lagumin ang pangyayaring ito.

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng EpikoP1P2P3P4Lagom ng Pangyayari

Gawain 7:Gawing tula ang epikong Ibalon upang maitanghal sa pamamagitan ng Sabayang Pagbigkas. Pamantayan sa paggawa: may sukat na lalabindalawahin at may tugma (isaalang-alang din ang elemento ng tula sa paglikha nito).

Ibalon(Sabayang Pagbigkas)

I________________________________________________________________________________________________________________________________________________II____________________________________________________________________________________________________________________________________III____________________________________________________________________________________________________________________________________IV____________________________________________________________________________________________________________________________________V____________________________________________________________________________________________________________________________________VI____________________________________________________________________________________________________________________________________VII__________________________________________________________________________________________________________________________________VIII____________________________________________________________________________________________________________________________________IX____________________________________________________________________________________________________________________________________X____________________________________________________________________________________________________________________________________

Pagpapalalim

Ang talk show ay isang uri ng talakayan na malayang tumatalakay sa isang partikular na isyu at paksa. Ito ay binubuo ng serye ng mga inihandang tanong na sinusundan ng mga sagot. Binubuo ito ng isa o dalawang tagapagdaloy o higit pa at mga kakapanayamin upang mahingan ng sagot sa isang isyung nais talakayin. Ang bilang ng mga kakapanayamin ay kumporme sa nais imbitahin. Bawat tatanungin ay walang tiyak na oras sa kanilang paglalahad o pagtalakay sa paksa depende ito sa tanong na kanilang sasagutin. Ang pagpapalitan ng ideya ay ginagawa sa malakas na tinig upang mapakinggan ng madla. Ang paglalahad ng sumasagot ay maaaring sundan ng susog na tanong (follow up question) upang lalong luminaw ang sagot sa tanong sa isang isyung nais linawin. Upang maisagawa ng maayos ang talk show, ang mga tagapagsalita ay kailangang may sapat na kaalaman sa isyung tinatalakay . Maaaring ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang sarbey na nagtataya ng pananaw ng mga tao kaugnay sa isang isyu o paksa. Sa pagsasagawa ng sarbey, ang uri ng pagtatanong na gagamitin ay dapat na angkop sa sitwasyon o sa taong makakausap.

Ibat Ibang Paraan ng Pagtatanong

1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi. Sa wikang Filipino, karaniwang gumagamit ng ganitong tanong. Maaaring tumaas o bumaba ang intonasyon sa katapusan ng tanong. Ang sagot dito ay maikli at hindi na nangangailangan ng pagbubuo ng isang pangungusap.

Halimbawa:Naniniwala ka ba na mahalagang pag-aralan ang epiko? Oo/Opo (naniniwala ako) Hindi/Hindi po (ako naniniwala)

Maaari ko bang makuha ang iyong opinyon tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng epiko? Oo/Opo (pwede) Hindi/Hindi po (pwede)

2. Mga tanong na nagsisimula sa mga interogatibong panghalip. Maraming tanong sa wikang Filipino na ginagamitan ng interogatibong panghalip o pronoun na sino, saan, kalian, ano, bakit, paano, magkano, alin, ilan, at gaano. Mayroon ding anyong inuulit, ang ilan sa mga ito gaya ng anu-ano, sinu-sino, at saan-saanna nagpapaliwanag ng pangmaramihang kasagutan. Hindi limitado ang sagot sa mga tanong na ito dahil maaaring iba-iba ang sagot sa tanong, bastat naibibigay ang sagot ng impormasyong hinihingi ng tanong.

Halimbawa:Saan nailathala ang Ibalon?Ano ang ibig sabihin ng epiko?Ilan ang kilalang epiko ng mga Muslim?Sino ang pangunahing tauhan sa epikong Ibalon?

3. Mga tanong na nagsisimula sa rin sa mga interogatibong panghalip ngunit naghahayagng ibat ibang damdamin. Mahuhulaan ang damdaming inihahayag ng ganitong mga tanong sa tulong ng tono ng pagsasalita. Nakabatay ang pagbigkas sa damdaming nais ihayag ng tagapagsalita.

Halimbawa:Bakit mo nagustuhan ang epiko?(Maganda kasi/ Wala lang./ Ang galing-galing kasi ng mga bida!)

Gawain 8.1:Ibigay ang iyong sariling pananaw sa pagpapakahulugan sa epiko, pabula at alamat na iyong napag-aralan. Paano ito nagkakaugnayan? Gamitin ang estratehiya sa ibaba sa pagsagot. Sariling Pananaw

EpikoAlamatPabulaPaano Nagkakaugnayan?

8.2.Lumikha ng mga tanong na nais mong itanong sa pagsasagawa ng sarbey hinggil sa kaligirang pangkasaysayan ng epiko, isasaalang-alang ang damdamin ng mga taong tatanungin dito. Gamitin ang mga teknik na Listing.Listing ng mga Tanong:1. ___________________________________________________________2. ___________________________________________________________3. ___________________________________________________________4. ___________________________________________________________5. ___________________________________________________________6. ___________________________________________________________

8.3.Suriin ang ang mga tanong na ginawa mo sa Gawain 8.2. Pagkatapos sagutan ang tanong na ito: Angkop ba o di angkop ang mga tanong na ginawa mo? Dugtungan ang pahayag sa pagsagot.

Angkop / di-angkop ang mga tanong sa isasagawang sarbey tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng epiko dahil __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________8.4.Batay sa nabasang impormasyon hinggil sa kaligirang pangkasaysayan ng epiko, ano ang masabi mo sa impormasyong iyong nalaman tungkol dito? Ilagay sa puso ang iyong kasagutan

8.5.Tukuyin kung paano mo masasabi na may kakayahan ka sa pagsasagawa ng sarbey?

Sagot: __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

8.6.Kumuha ng kapareha. Pagkatapos subukan mong itanong sa kanya ang mga tanong na iyong ginawa sa Gawain 8.2. Itala ang kanyang magiging sagot at ipaliwanag kung epektibo ang mga ginawang tanong. Sundin ang balangkas na ito sa pagsagot nito.Tanong 1: __________________________________________ Sagot: _____________________________________________ Tanong 2: __________________________________________ Sagot: _____________________________________________ Tanong 3: __________________________________________ Sagot: _____________________________________________ Tanong 4: __________________________________________ Sagot: _____________________________________________ Tanong 5: __________________________________________ Sagot: _____________________________________________Tanong 6: __________________________________________ Sagot: _____________________________________________ Paliwanag: _________________________________________ _________________________________________8.7. Kung kakapanayamin mo ang mga sumusunod. Ilahad ang uri ng mga tanong na angkop sa mga taong ito kung sila ang iyong hihingan ng sarbey. Mga tatanungin/kakapanayamin:a. Mga mag-aaral1. hayskul2. kolehiyo b. mga propesyunal 1. guro 2. dalubwikac. mga karaniwang tao 1. tindera sa palengke 2. tindero ng pahayagana. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

b. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

c. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 9:Isagawa ito sa pamamagitan ng isang panunumpa na ang nilalaman ay isang pangako kung paano pahahalagahan ang mga epiko sa kasalukuyan bilang bahagi ng sariling panitikan na naglalaman ng maraming larawan ng kulturang Pilipino. Gamitin ang padron sa ibaba sa pagsulat ng panunumpa.

PANUNUMPAAko si _______________________ ay sumusumpa sa araw na ito na __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 10:Ipanonood ang isang halimbawa ng talk show maaaring Love ni Mr, Love Ni Mrs. Pagkatapos ay suriin ito batay sa mga sumusunod na tanong:1. Ipaliwanag kung paano isinagawa ang talk show batay sa napanood? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Kung magsasagawa ka ng talk show tungkol sa kinalabasan ng isinagawang sarbey kaugnay sa kahalagahan ng pag-aaral sa epiko maaari bang maging huwaran ang napanood sa pagsasagawa nito?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Hingin ang opinyon ng kamag-aral tungkol sa napanood na Talk Show. _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Ilahad kung angkop o hindi ang mga tanong na ginamit sa pagsasarbey sa napanood na talk show?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Magmungkahi ng mga paraan tungkol sa wasto at maayos na pagtatanong at pagsagot sa mga tanong kung kayo ang isa sa mga magtatanong sa panauhin sa napanood na talk show. Gawing batayan ang nga sumusunod sa pagsagot:

-mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi-mga tanong na nagsisimula sa interogatibong panghalip-mga tanong na nagsisimula rin sa interogatibong panghalip ngunit naghahayag ng ibat ibang damdamin__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Paglalapat

Gawain 11:Bumuo ng mga angkop na tanong na gagamitin sa pagsasagawa ng talk show hinggil sa kahalagahan sa pag-aaral ng epiko. Pagkatapos makabuo ng mga tanong bumuo naman ng kraytirya sa pagmamarka nito. Maghanda sa pagtatanghal sa klase maaaring gawing pormat ang istilo ng Bottom Line ni Boy Abunda. Magdala ng video camera para sa pagrerekord ng presentasyon. Ang nirekord na presentasyon ay isusumite bilang awtput. Mungkahing Pagtataya sa Talk Show sa mga kraytirya:

A. Batay sa pananaliksik

B. May kaugnayan sa paksa

C. Napapanahon

D. Nagtataglay ng mga elemento ng simposyum

E. Wasto ang paraan ng pagtatanong at pagsagot

Note: Batayan lamang ito sa paggawa mo ng sariling kraytirya.

Aralin 2: A. Mga Elemento ng Epiko a) Tagpuan Ullalim (Epiko ng Kalinga) B. Mga Anyo ng Pang-uri

LAYUNIN:Ang mga mag-aaral ay: naibibigay ang paraan ng panliligaw sa isang babae noon bago hingin ang mga kamay sa kanyang mga magulang

nakapaghahambing ng lugar sa kasalukuyan na katulad/kahawig ng tagpuan ng nabasang epiko

nakabubuo ng dokumentaryo ng mga lugar sa Pilipinas na katulad ng mga lugar na binabanggit sa epikong Ullalim

Ang tagpuan ay isa sa mahalagang element ng epiko ito ay tumutukoy sa lugar at panahon kung saan naganap ang mga pangyayari. Karamihan sa mga tagpuang ginamit sa mga epiko ay lugar sa ibat ibang rehiyon sa Pilipinas. Bagamat hindi kapani-paniwala ang mga pangyayari at ang mga katangiang taglay ng mga tauhan sa epiko, sila at itinuturing na mga bayani ng lugar na pinangyariha nito.

ULLALIM(Epiko ng Kalinga)

Ang kwento ay nagsimula sa nakatakdang kasal nina Ya-u at Dulaw nang makapulot ng nganga o ua (na tawag ng taga-Kalinga). Ang magkasintahan ay naanyayahan sa isang pistahan sa Madogyaya. Nang sila ay nasa Madogyaya, naakit ang pansin ni Dulliyaw si Dulaw hanggang si Dulaw ay magkagusto sa kanya. Sa pagplano na ligawan ni Dulaw si Dulliyaw ay naisip nitong painumin ng alak si Ya-u hanggang sa malasing. Habang si Ya-u ay natutulog sa ibang bahay ay saka niligawan ni Dulaw si Dulliyaw. Pinakain nito ang babae ng nganga at sinabi niya sa babae na sa pamamagitan ng pagtanggap niya ng nganga ang ibig sabihin ay tinanggap na niya ang pag-ibig na kanyang iniaalay. Bago siya umalis ay sinabi niya sa babae na siya ay babalik kinabukasan. Naiwan na nag-iisip ang dalaga.

Kinabukasan sa kalagitnaan ng gabi ay dumating si Dulaw sa bahay nina Dulliyaw. Habang silay kumakain ng nganga, sinabi nito sa babae na siya ay nagpunta roon upang isama nang umuwi ang dalaga sa kanilang bahay. Nagulat si Dulliyaw sa winika ng lalaki. Iyon lamang at nagkagulo na ang mga tao sa nayon. Sa pagtakas nila ay nakasalubong sila ng isang lalaki na may dala-dalang palakol at balak silang patayin. Bago sila maabutan ng lalaki ay nakaakyat na si Dulaw sa isang puno upang tumakas. Samantala wala namang mangahas na siya ay lusubin kaya naipasiya ni Ya-u na tawagin ang mga sundalong Espaol ng Sakbawan.

At noon nga si Guwela na kumander ng Garison ay umakyat sa kaitaasan ng Kalinga na kasama ang mga sundalo. Iniutos niya na dakpin si Dulaw na nakaupo pa rin sa puno. Napag-alaman niya na marami ang tutol sa ginawa niya kaya wala na siyang lakas na lumaban nang siya ay lagyan ng posas. Sa utos pa rin ni Guwela siya ay dinakip at nakulong sa Sakbawan.

Makalipas ang tatlong taon na pagkakabilanggo, naging payat na siya. Humingi si Dulliyaw ng nganga kay Dulaw. Kinuha ni Dulaw ang huling nganga sa bahay at itoy pinagpira-piraso. Bago niya ito maibigay kay Dulliyaw bigla na lamang itong nawala.

Samantala, sa pook na Magobya naliligo si Duranaw. Sa paliligo niya sa ilog ay nakapulot siya ng nganga. Kinain niya ito nang walang alinlangan.

Matapos nguyain ang nganga ay bigla na lamang itong nagbuntis hanggang sa siya ay magsilang ng isang malusog na lalaki at pinangalanan niya itong Banna. Tatlong taon ang lumipas. Si Banna ay mahilig makipaglaro sa mga Agta, subalit siyay madalas na tinutukso ng kanyang mga kalaro. Sinasabi na kung siya raw ang tunay na Banna ang ibig sabihin ay siya ang anak ni Dulaw na nakulong sa Sakbawan. Sinumbong niya ito sa kanyang ina ngunit pinabulaanan ito ng kanyang ina.

Sa isang iglap, si Banna ay naging malakas at naghangad ng paghihiganti. Isang mahiwagang pangyayari ang nagdala kay Banna pati ng kanyang mga kasama sa Sakbawan. At doon ay kanyang piatay si Dulliyaw. Sinabi ng isang kasama ni Banna kay Dulaw na si Banna ay kanyang anak, iyon lang at sila ay dali-daling sumakay sa isang bangka at sa isang iglap ay nakarating sila sa pook ng Magobya. Mula noon ay nauso na ang kasalan sa kanilang pook.

Pagtuklas

Mahahalagang Tanong:

Bakit may taglay na supernatural o di-pangkaraniwang kapangyarihan ang mga pangunahing tauhan sa epiko?Sagot: ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 1: Magbigay ng paraan ng panliligaw sa isang babae noon na alam mo bago mahingi ang kanyang mga kamay sa kanyang mga magulang. Pagkatapos tukuyin mo sa bahagi ng epikong Ullalim ang nagpapahayag ng paraan ng panliligaw. Magbigay ng reaksyon hinggil dito. Isulat sa kahon ang iyong sagot.

Paraan ng Panliligaw noon Bahagi sa Epiko na Nagpapahayag ng Paraan ng Panliligaw Reaksyon

Gawain 2:Kumapanayam ng isang pari, pastor, ministro, atbp. Itanong kung gaano kahalaga ang kasal. Pagkatapos, ipahayag ang iyong punto de vista sa kanilang kasagutan. Itala sa nakalaang hugis ang kasagutan.

KASALPUNTO DE VISTAKAHALAGAHAN

Gawain 3:Sa pamamagitan ng iyong imahinasyon iguhit mo ang tagpuan sa epikong binasa. Iguhit ito sa kahong nakalaan sa ibaba.

Gawain 4:Isa-isahin ang kahalagahan ng tagpuan sa mga pangyayari at tauhan sa epiko.

Sa ibaba ay may linear chart. Ito ay may dalawang bahagi. Sa unang bahagi ay may kahon na kung saan nakalagay ang tanong na nais hingin. Sa kabilang bahagi ay may apat na kahon. Dito sa mga kahong ito ilalagay mo ang iyong mga sagot ayon sa tanong.

Kahalagahan ng tagpuan sa pangyayari

Kahalagahan ng tagpuan sa tauhan

PaglinangKARAGDAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA TAGPUAN

Karaniwang, sa simula pa lamang ng epiko ay inilalahad o inilalarawan na ang pangyayari at lugar kung saan naganap ang karanasan ng pangunahing tauhan. Maliban sa lugar, kasama ring inilalarawan ang panahon, atmospera, at maging ang tono ng nasabing akda.

Maaaring ilarawang mabuti ang tagpuan sa pamamagitan ng dalawang kaparaanan: patiyak at pahiwatig. Patiyak kung tuwirang binabanggit ng nagsasalaysay ang pangalan ng lugar; at pahiwatig naman kung ang mga detalye lamang ng tagpuan ang isinasaad.

May tatlong tungkulin ang tagpuan:1. Nagpapakilala ito ng tauhan dahil sa mga gawaing kakaiba, kakatwa, o tangi sa pook na nakapagbibigay ng tiyak na katibayang pangkarakter.2. Pinalulutang nito ang emosyong pangkapaligiran na pumupukaw sa mambabasa o tagapakinig; at3. Sumasanib ito sa kahulugan ng kwento.

Sa madaling salita, ang lugar, panahon at atmospera ay mahalagang sangkap upang makalikha ang may akda ng isang tiyak na tagpuan. Ang tagpuan at mga karanasan ng pangunahing tauhan ay dapat akma upang higit na buhay na buhay ang kasaysayan.

Gawain 5:Pagmasdan ang mga larawan ng ibat ibang lugar sa rehiyong CAR (Cordillera Administrative Region) itala ang mga katangian nito sa pamagitan ng Listing.

Banaue Rice Terreces, Ifugao Sagada Falls Dibagat River, Apayao

Skyscraper City, AbraListing1. ___________________________________________________________

2. ___________________________________________________________

3. ___________________________________________________________

4. ___________________________________________________________

5. ___________________________________________________________

Gawain 6:Iugnay ang mga katangian ng mga larawan ng ibat ibang lugar sa rehiyong CAR (Cordillera Administrative Region) na nasa itaas sa tagpuan na ginamit sa epikong Ullalim sa pamamagitan ng bubble chart.

Larawan ng Ibat ibang Lugar sa Rehiyong CAR vs Tagpuan na Ginamit sa Epikong UllalimLugar (CAR)Tagpuan(Ullalim)

Gawain 7:Pahalagahan ang mga kulturang Pilipino na inilahad sa epikong Ullalim sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain:

I Ilarawan ang senaryo ng tagpuang ginamit sa epiko

II Lumikha ng angkop na Rap (Flip Top - Makabagong Balagtasan o Bagsakan) sa nilalaman ng epikong Ullalim

_______________________________Pamagat ng Rap

I________________________________________________________________________________________________________________________________________________II____________________________________________________________________________________________________________________________________III____________________________________________________________________________________________________________________________________IV____________________________________________________________________________________________________________________________________III Ihambing ang tagpuang binabanggit sa epikong Ullalim sa isang lugar na ipinakita sa larawan (Gawain 5). Pagkatapos,tukuyin ang pagakatulad o pagkakaiba nito. Gamitin ang dayagram sa ibaba.

Lugar na Ipinakita sa Larawan (Gawain 5)Tagpuan sa UllalimPakakatuladoPakakaibaTagpuan sa Ullalim

PakakatuladoPakakaiba

IV Ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan sa epiko. Ano kaya ang magiging damdamin mo sa bawat pangyayari sa ibat ibang tagpuan tinatalakay dito? Bakit?Sagot: ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Pagpapalalim

MGA ANYO NG PANG-URIPayak ang pang-uri kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi o halo sa ganang sariliy nagpapakilala ng uri o katangian ng pangngalang inilalarawan o sinasamahan. Halimbawa:bughaw na langithabaMaylapi ang pang-uri kung binubuo ng salitang-ugat na may panlaping makauri tulad ng ka-, kay-, ma-, maka-, at mala-.Halimbawa:1. mapalad ang Pilipinas2. malaluntiang kaparangan3. matubig na DipologInuulit ang pang-uri kung ang salitang ugat o salitang maylapi ay may pag-uulit. Halimbawa:

1. kahanga-hangang kagandahan2. kaakit-akit na tanawin3. kabigha-bighaning Banawe Rice TerrecesTambalan ang pang-uri kung binubuo ng dalawang salitang pinag-isa o pinagsama. Ang ganitong pang-uri ay may kahulugang karaniwan o patalinhaga.Halimbawa:1. hugis-balinsunsong na Bulkan Mayon2. balat-sibuyas na kamay

Gawain 8:Magbigay ng sintesis sa kahalagahan ng tagpuan sa mga pangyayari at tauhan ng epikong Ullalim sa tulong ng Tree Map.

Kahalagahan ng Tagpuan sa mga Pangyayari at Tauhan

Gawain 9:Ipagpalagay mo na ikaw ay isa sa lehitimong nakatira sa ilang lugar sa CAR. Anong damdamin ang mamamayani sa iyo sa pagkasira ng dating tagpuan ng epikong binasa sa kasalukuyang panahon? Gamitin ang illustration chart na ito sa pagsagot.

Anong Damdamin?____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 10:Idikit ang larawan ng isang lugar sa Pilipinas na katulad ng sa epiko. Pagkatapos ay ipaliwanag kung bakit ang lugar na ito ang itinulad mo?

LarawanPaliwanag:_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 11:Bumuo ng isang editoryal tungkol sa bisa ng mga pangyayari at ilang tauhan ng epiko. Sundin ang pormat na ito sa pagsulat.

________________________________Pamagat

News Peg o Simula____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Katawan____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Wakas ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 12:Magbigay ng patunay na mahalaga ang photodocumentary sa pagtutulad ng katangian ng lugar ng epikong Ullalim.Sagot:__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 14:Piliin ang mga ginamit na salitang panlarawan sa tagpuan sa epikong binasa at tukuyin ang anyo ng pang-uri nito. Ilagay ito sa talahanayan nakalaan sa ibaba nito.

Mga Salitang PanlarawanAnyo ng Pang-uri

Gawain 16:Ibigay ang kahalagahan ng paggamit ng ibat ibang uri ng pang-uri sa epiko..Sagot:______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Paglalapat

Gawain 17:Bumuo ng dokumentaryo ng mga lugar sa Pilipinas na katulad ng mga lugar na binabanggit sa epikong Ullalim (magsaliksik sa internet). Gamitin ang windows moviemaker sa presentasyon nito. Lapatan ito ng salaysay at musika. Ilagay ito sa CD upang mapanood ng klase.

Note: Ang bahaging ito ay isasagawa sa computer laboratory.

Gawain 18:Bumuo ng mga kraytirya sa ebalwasyon sa ginawang dokumentaryo (gagabayan ng guro). Gawing batayan ang nasa ibaba sa pagbuo ng sariling kraytirya. Matapos makagawa, iibalweyt ang dokumentaryo ng ibang kamag-aral batay sa isinagawang kraytirya.

Pagtataya sa binuong dokumentaryo batay sa mga kraytirya:A. May kaugnayan sa tagpuan ng napiling epiko

B. Taglay ang mga elemento ng photodocumentary Masining Orihinal Makahulugan

Gawain 13:Pahalagahan ang dokumentaryo na pinanood (mga dokumentaryo na isinagawa ng mag-aaral). Piliin sa talahanayan sa ibaba nito ang iyong kasagutan. Pagkatapos ay ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.

MAHALAGANG-MAHALAGAMAHALAGAWALANG HALAGA

Paliwanag:Paliwanag:Paliwanag:

Aralin 3: A. Mga Elemento ng Epiko - b. TauhanMaragtas (Epiko ng Visaya) B. Mga Pang-angkop (Linker) na na at ng

LAYUNIN:Ang mga mag-aaral ay: nakapanayam ang guro sa Araling Panlipunan hinggil sa buhay ng mga naging Datu sa bansa na nagkaroon ng malaking bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas

nakapagpapatunay sa pamamagitan ng pagpili ng bahagi ng binasa na naging bayani ang ilang pangunahing tauhan sa epiko na nagtataglay ng di-pangkaraniwang katangian. nakapaglilista ng mga patunay mula sa epikong binasa ng ibat ibang uri ng pakikipagtunggali ng tao sa tao, tao sa kalikasan, tao sa sarili, at tao sa lipunan

nakapaghahambing ng itinuturing mong bayani sa kasalukuyan sa bayaning inilahad sa epikong tinalakay

nakasusulat ng anekdota ng itinuturing na bayani sa kasalukuyan na ginamitan ng pang-angkop o linker

Ang mga pangunahing tauhan sa epiko ay karaniwang nagtataglay ng supernatural o mahiwagang kapangyarihan.

Pagkasilang pa lamang ay maaari nang magtaglay ng mahiwaga at hindi kapani-paniwalang kakayahan o birtud ang isang pangunahing tauhan sa epiko. Maaaring sanggol pa lamang ay marunong na itong magsalita at makipag-usap. Lumalaki itong madalas ay may kahanga-hangang pisikal na kaanyuan, lubos na katalinuhan at makapangyarihang tinig. Karaniwan din sa kanila ang pagmamay-ari ng mahihiwagang bagay, hayop o kaibigang espirituna nagbibigay sa kanila ng kakaibang kapangyarihan ng mga gabay at payo. Ang mga pangunahing tauhan sa mga epiko ay itinuturing na bayani dahil sa kanilang pambihirang lakas at kagitingan, husay sa pakikipaglaban, katatagan, pagmamalasakit, tiyaga, paniniwala sa sarili at magandang pananaw sa buhay.

Isang epiko ng mga Ilokano ang nalikha bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas. Ang epikong Ang Buhay ni Lam-ang (Biag ni Lam-ang) ay nagsaling-bibig sa maraming henerasyon bago ito isinulat sa wikang Samtoy ni Pedro Bukaneg noong 1640. Binubuo ng 1,000 taludtod, ang orihinal na anyo ay nasusulat sa paraang patula, ngunit ito ay binuod na sa aralin.

MARAGTAS(Ang Kasaysayan ng Sampung Datu ng Borneo)

Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang nakatira ay ang mga Ita, pinamumunuan ni Datu Pulpolan. Sa katagalan ng panahon at dahil na rin sa kanyang katandaan upang pamahalaan ang isang pulo, napagpasyahan niya na isalin ang kanyang kapangyarihan sa kanyang anak na si Datu Marikudo. Tinataglay ng kanyang anak ang mga katangian ng isang datu kayat ito naman ay sinang-ayunan ng lahat. Isang kaugalian nila nabago manungkulan ang isang datu, nararapat na siya ay pakasal. Sa dami ng babae na naghahangad sa kanya ang mahirap na si Maniwantiwan ang kanyang pinakasalan.

Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim at pangingisda. Ang kanilang paboritong pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa, isda at iba pang pagkain na matatagpuan sa gubat at ilog.

Di sila nahihiyang lumakad na walang damit, subalit nang may dumating sa kanila ang mga bagay na wala sa kanila, natuto silang magtakip ng katawan, tulad ng dahon balat ng kahoy o hayop. Naiiba ang uri ng pag-aasawa ng mga Ita, ang babae ay dinadala sa bundok at pinatatakbo lamang, kung siya ay aabutan ng lalaki saka lamang sila ikakasal. Ang isang babae naman na malapit nang magsilang ay dinadala sa bundok na ang tanging nagbabantay ay ang lalaki at kung ito ay nataon sa tag-ulan ang lalaki ay nagtatayo ng kubong masisilungan upang sila ay malayo sa panganib. Ang pangalan ng bata ay pinangangalanan ng kahoy na malapit sa pinagsilangan.

Sila ay naniniwala na ang sinumang magkasakit sa kanila ay gawa ng masamang espiritu, kayat upang ang may karamdaman ay gumaling agad, naghahandog sila ng pagkain sa masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa Itang namatay ang isang bagay na mahalaga sa kanila sapagkat lubha daw nag-aalala ang namatay kung ito ay maiiwan. May ibang paraan sila ng paglilibing, sa loob ng ilang araw, itoy patayong nakabaon sa lupa nang may salakot bago ito tabunan ng lupa. Sinasabi rin na ang lupang pinagbaunan ng isang patay ay isang mabisang lupang dapat pagtaniman.

Ang mga Ita ay magagalang sa bawat isa. Walang inggitan at ang Datu ang siyang lumulutas ng lahat ng alitan o suliranin ng bawat isa. Ang sinumang magkasala ay pinarurusahan tulad ng pagtatapon sa dagat o pagpapabaon ng buhay.

Ang mga nabanggit ang mga uri ng kalinangan, kaugalian ng mga Ita bago dumating ang Sampung Datu buhat sa Borneo, na tumakas kasama ang kanilang mga asawa, mga katulong at mga ari-arian upang iwasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Ang sampung datu ay sina:1. Datu Puti2. Datu Sumakwel3. Datu Bangkaya4. Datu Paiburong5. Datu Paduhinogan6. Datu Domongsol7. Datu Lubay8. Datu Dumangsil9. Datu Domalogalog10. Datu Balensuela

Galit at pagkamuhi ang nadama ng mga Ita nang dumaong ang mga Datu sa Panay, subalit sa maayos at makataong pakikipag-usap na ginawa ng mga dayuhan kay Datu Marikudo, silay nagkasundo at ang unang lupang natapakan ng dayuhan at napagkasunduan ay ibinigay sa pamamagitan ng pagpapalitan. Nagkaroon ng malaking kasaysayan ang pangyayaring ito. Ang mga Ita ay naghanda ng pagkain at dahil sa ipinakitang kagandahang-loob ng mga Ita, hinandugan ng makukulay na kwintas, at mga gamit sa pakikidigma ang mga Ita.Bilang kabayaran sa lugar na napagkasunduan, binigyan ni Datu Puti si Datu Marikudo ng isang gintong salakot at isang batyang ginto na may timbang na limampung bas-ing. Isinuot ni Datu Marikudo ang salakot sa kasayahan.

Malandog ang pangalan ng napiling lugar ng mga dayuhan na ayon kay Datu puti, ang laki ay sapat na upang sila ay magtanim para sa kanilang ikabubuhay at malapit sa ilog upang doon kumuha ng ibang makakain. Umalis si Datu Puti na batid na niyang mabuti ang kalagayan ng kanyang mga kasamahan. Bumalik siya sa Borneo sapagkat ayon sa kanya ay kaya na niyang tagalan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Pitong Datu ang naiwan sa Panay sa pamamahala ni Datu Sumakwel, sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela ay nagpunta naman sa Luzon.

Si Datu Sumakwel ay isang matalino at mabagsik na Datu. Ang sinumang nagkasala ay pinarurusahan, pinuputol ang kamay ng sinumang magnakaw at ang mga tamad ay pinagbibili na isang alipin o kayay pinagagawa sa ibang lupa. Masasabi ring ang mga dayuhan ay magagalang at mapagmahal. Bulalakaw ang pangalan ng kanilang diyos na matatagpuan sa Bundok ng Madyas.

Ang kanilang pag-aasawa ay naiiba sa mga Ita. Bago tanggapin ng babae ang lalaki, sila ay nagbabaon ng pana sa paligid ng bahay at ito ay tatanggalin kung may kapahintulutan na ang mga kalalakihan, at sa lugar na pinag-alisan ay ilalatag ang banig upang paglagyan ng mga pagkain. Habang nag-uusap ang dalawang pangkat ang babae ay pansamantalang nakatago.

Pinaiinom ng alak ng paring magkakasal ang dalawa sa gitna ng karamihan, pinangangaralan at hinahangad ng magkaroon ng malulusog, matatapang, magaganda at marurunong na anak.

Bago mamatay ang isa sa kanila ay pinaliliguan ng katas ng mababangong bulaklak, binibihisan ng magagandang damit na may gintong pera sa bibig sapagkat isang paraan daw ito upang ang patay ay di mabulok. Pagkatapos ng anim na araw na pagbabantay, ang patay ay inilalagay na sa kaban na may ibat ibang uri ng pagkain at kung ang namatay ay isang mayaman, isang katulong ang sa kanyay isasama upang magbantay daw sa kabilang buhay. Kung ang namatay ay nag-aari ng isang bangka, ang bangkay ay hindi ibinabaon, sa halip ay inilalagay sa bangka na maraming pagkain at papaanurin sa dagat. Ang mga mauulila naman ay nagsusuot ng puting damit bilang pagluluksa.

Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kaugalian at paniniwala ng mga dayuhan na dumating sa Panay, subalit isang pangyayari sa buhay ni Datu Sumakwel ang nagdulot sa kanya ng kapighatian at kalungkutan.

Lumipas ang maraming taon na paninirahan sa Malandog, naisipan ni Datu Sumakwel na magpunta sa bundok na kinalalagyan ng kanilang diyos na si Bulalakaw. Umalis siya na iniwan ang kanyang mga gamit sa pangingisda, bahay at asawa, na ipinagbilin niya kay Gurung-gurung na kanyang pinagkakatiwalaan. Di niya batid na si Kapinangan na kanyang asawa ay may gusto kay Gurung-gurung.

Nakapansin ng pagbabago si Datu Sumakwel nang dumating siya sa kanilang lugar at tahanan. Kayat upang mapatotohanan, nagbalak siyang umalis sa kanila, pinahanda ang lahat ng kanyang kailangan sa paglalakbay, na di batid ng kanyang asawa na iyon ay isa lamang pakana. Nagkataon naman kinabukasan, pinatawag ni Kapinangan si Gurung-gurung upang utusan daw, subalit sa bahay siya ay nakahiga na at talagang hinihintay ang pagdating ni Gurung-gurung. Subalit ang kanyang balak ay di nagkaroon ng katuparan sapagkat patay na bumagsak si Gurung-gurung na may tama sa likod. Ganoon na lamang ang pagdadalamhati ni Kapinangan, naisaloob niya na mabuti pa ang kanyang asawa ang namatay sa oras na iyon. Pinagputul-putol niya ang kamay at paa at ibinalot ng kumot upang di-gaanong mapansin.

Dumating si Datu Sumakwel na nagbalatkayong bagong dating bagoy siya ang pumatay kay Gurung-gurung sa pamamagitan ng sibat habang siya ay nakatago sa kisame. Pinagluto niya si Kapinangan. At sinabing siyay gutom na gutom. Nagtaka siya nang magreklamo si Kapinangan nang sabihin niyang putul-putulin ang isda na dati ratiy kanyang ginagawa.

Upang di-parisan ng mga kababaihan, ipinatapon niya ang kanyang asawa sa gitna ng dagat, subalit ang kanyang inutusan ay nagdalang habag, kayat dinala na lamang niya si Kapinangan sa malayong pook at doon nila iniwan.

Sa pangalang Alayon, nakikilala sa Kapinangan sa lugar na kanyang narating, at siyay sinambang diyosa dahil sa taglay niyang kabaitan.

Lumipas ang maraming taon, subalit ang nangyari kay Sumakwel ay di rin niya nalilimutan. Minsan siya ay naglalakbay upang maghanap ng mga pananim, at sa di-inaasahang pangyayari ang narating niyang lugar ay ang kinalalagyan ni Kapinangan. Di na niya nakilala si Kapinangan sa tagal ng panahong pagkakalayo. Naging mahusay ang pagtanggap sa kanila sa nasabing lugar at sa loob ng ilang araw na pananatili doon, si Alayon at Datu Sumakwel ay nagkagustuhan, subalit sa tuwing sasagi ang nangyari sa kanyang buhay, parang ayaw na niyang makipagsapalaran.

Aalis siya sa lugar upang iwasan si Alayon. Si Alayon ay lumuluha dahil sa napipinto niyang pag-alis, subalit di nagkaroon ng pagkakataong umalis si Datu Sumakwel sapagkat silay pinaglapit ng kanilang mga kasamahan at humantong sa kasalan. Nagsama at namuhay nang matiwasay ang dalawa hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng kanilang buhay, ay di nakilala ni Datu Sumakwel na ang kanyang muling pinakasalan ay si Kapinangan na dati niyang asawa.

Pagtuklas

Mahahalagang Tanong:

Bakit kailangang alamin ang epiko ng ibat ibang rehiyon sa bansa?____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 1:Kapanayamin ang iyong guro sa Araling Panlipunan hinggil sa buhay ng mga sumusunod na Datu sa bansa na nagkaroon ng malaking bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas sa tulong ng bubble chart.

Ako si Datu Sumakwel at Datu Lapu-lapuNaging Bahagi sa Kasaysayan ng Pilipinas Naging Bahagi sa Kasaysayan ng Pilipinas

Gawain 2:Isalaysay ang buod ng epikong Maragtas gamit ang VDT (Visual Display of Text).

TauhanTagpuanDaloy ng mga PangyayariSuliraninSimulaKasukdulanWakas

Gawain 3:Patunayan sa pamamagitan ng pagpili ng bahagi ng binasa na naging bayani ang ilang pangunahing tauhan sa epiko na nagtataglay ng di-pangkaraniwang katangian (supernatural). Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong bahagi bilang pagpapatunay. Gamitin ang Discussion Web na ito sa pagsagot.

Mga Bahagi ng Binasa Bilang PatunayPiliin ang bahagi sa binasa na makapagapapatunay na naging bayani ang ilang pangunahing tauhan sa epiko na nagtataglay ng di pangkaraniwang katangian.Paliwanag

Gawain 4:Patunayan na ang buhay ng tao ay punong-puno ng pakikipagtunggali sa kapwa, sa lipunan, at maging sa kalikasan sa pamamagitan ng Tree Map.

Patunay na ang buhay ng tao ay punong-puno ng pakikipagtunggali saKalikasanLipunanKapwa

Paglinanga

Ang Tauhan at ang TunggalianMay apat na tunggalian na maaaring gamitin sa pagpapaigting ng suliranin hidi lamang sa epiko kundi sa anumang anyo ng kwento. Ang mga sumusunod:

1. Tao laban sa Tao. Ito ay isang uri ng tunggalian na ang suliranin ng pangunahing tauahan ay dulot na kapwa niya tao.

2. Tao laban sa Sarili. Ito ay nagaganap kung ang suliranin ng pangunahing tauhan ay sa sarili niya mismo nagmula.

3. Tao laban sa Kalikasan. Ang tunggalian ito ay nagaganap sa pagitan ng pangunahing tauhan at ng pwersa ng kalikasan katulad ng pagbaha, paglindol, sunog, tagtuyot, at iba pa.

4. Tao laban sa Lipunan. Ito ay tungkol sa pakikipaglaban ng pangunahing tauhan laban sa suliraning ibinunsod ng lipunan o kapaligiran.

Gawain 5:Ilista ang mga patunay mula sa epikong binasa ang ibat ibang uri ng pakikipagtunggali ng tao sa tao, tao sa kalikasan, tao sa sarili, at tao sa lipunan, na gagamitin Flow Chart na ito.

PATUNAYTAO SA TAOTAO SA KALIKASANTAO SA SARILITAO SA LIPUNAN

Gawain 6:Isa-isahin ang halaga ng inilahad na ibat ibang tunggalian na nasa epikong Maragtas upang maging kapani-paniwala ito. Gamitin ang rays concept organizer sa pagtalakay.

Halaga ng tunggalian1.2.3.4.

Gawain 7:Isalaysay ang naibigang bahagi ng epiko at ipaliwanag kung bakit mo ito naibigan sa tulong ng T-Graph.

EPIKONGMARAGTAS

BAHAGI NG EPIKONG NAIBIGAN

PALIWANAG

PagpapalalimmPaggamit ng Pang-angkop o Linker-ng, na at -g

Ginagamit ang ng kapag nagtatapos sa patinig o vowel ang unang salitang iniuugnay sa kasunod na salita. Halimbawa:

1. Tatlong araw makalipas ang kamatayan ni Richie, irinaos ng kanyang pamilyat kaibigan sa Pilipinas ang kanyang libing. 2. Natuto siya ng panibagong wika.

Ginagamit naman ang na kung nagtatapos sa katinig o consonant ang unang salitang iniuugnay sa kasunod.Halimbawa:

1. Dalawamput anim na taong gulang si Richie nang siyay mamamatay.2. Apat na araw lamang bago ang pangyayaring iyon sumulat si Richie ng isang mahabang sulat kay Totet Banaynal, isang kaibigang Jesuita.

Samantala, kapag ang unang salitang iniuugnay sa kasunod ay nagtatapos sa consonant na n, nananatili ang n at idinaragdag na lamang ang g sa salita sa dahilang naaasimileyt sa /g/ ang tunog na /n/. Halimbawa:

simulain na Jesuita=simulaing Jesuita lupain na mahirap=lupaing mahirapkarahasan na likha=karahasang likha

Anekdota

Ang anekdota ay isang maikling pangyayari na may temang kawili-wili at nakalilibang. Ito ay maaaring bahagi ng talambuhay. Bilang isang akdang pampanitikan, ito ay masasabing mayaman sa guniguni at imahinasyon.Ang isang anekdota ay maaaring totoo o di kaya ay isang kathang isip at nagwawakas sa isang katawa-tawa at kawili-wiling pangyayari. Ito ay nagbibigay buhay sa matamlay na usapan ng mga tauhan at kaganapan sa isang kwento.Taglay din ng isang anekdota ang personal na inter-aksyon ng tao sa isang partikular na pangyayari kung kayat nagbibigay ito ng inspirasyon sa mga mambabasa.Gawain 8:Talakayin mo ang mga sumusunod sa tulong ng mga tanong/gawain:1. Kung ikaw ay itinuring na bayani sa kasalukuyan ano ang magiging damdamin mo?Sagot: __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ano ang ibat ibang pananaw/kaisipan/konsepto mo tungkol sa salitang KABAYANIHAN? Gawin sa pamamagitan ng Networking.

KABAYANIHAN

3. Para sa iyo, sino ang itinuturing mong bayani sa ating kasalukuyang panahon pagkatapos ay ihambing ang itinuturing mong bayani sa kasalukuyan sa bayaning inilahad sa epikong tinalakay. Gawin sa pamamagitan ng H-Graph.

Bayani sa kasalu- Bayani sa Epiko kuyan Pangalan Pangalan Pagkakatulad __________ ___________ __________ ___________ __________ ___________ __________ ___________ __________ ___________ __________ ___________

4. Ibahagi mo sa iba ang mga kabutihang nagawa mo para sa bayan o sa sariling lugar kung mayroon, kung wala umisip ng alam mong tao na nakagawa nito. Gamitin ang spider map sa pagsagot nito.

KABUTING NAGAWA PARA SA BAYAN/SARILING LUGAR

5. Sa ibaba ay may double entry journal. Sa unang pahina, magbigay ng pangalan ng mga taong itinuturing mong bayani sa kasalukuyang panahon at sa ikalawang pahina nito ilahad ang kanilang pakikipagtunggali naranasan sa buhay.

PANGALAN MGA PAKIKIPAGTUNGGALI _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________

6. Paano haharapin ng isang katulad mong kabataan ang mga pakikipagtunggaling dumarating sa iyong buhay? Gamitin ang Herringbone Technique sa pagsagot nito.

Mga Pakikipagtunggaling Dumarating sa Buhay

1. 2. 3. 4.

Kongklusyon

1. 2. 3. 4.

Paglutas/Hakbang na Gagawin Laban sa Pakikipagtunggali

7. Isulat ang sarili mong talambuhay gawing huwaran ang epikong tinalakay sa pagsulat nito.

____________________________ Pamagat

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________8. Ikritik ang isinulat mong sariling talambuhay. Gawing batayan ang mga sumusunod na tanong sa pagsagot:

5.1. Nasunod ba ang tamang balangkas sa pagsulat ng iyong talambuhay?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5.2. Kakikitaan ba ito ng pakikipagtunggali sa buhay?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5.3. Ginamitan mo ba ito ng pang-angkop o linker na ng, na at -g? Magbigay ng halimbawa na ginamit ito sa talambuhay na isinulat.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

9. Makipagpalitan sa iyong kamag-aral ng talambuhay na isinulat. Matapos ay suriin ito at ilahad ang mga naging puna mo sa isinulat na talambuhay ng iyong kamag-aral. Gamitin ang teknik na PIN (Positibo - Interesting (Kawili-wili) -Negatibo) sa pagsasagawa nito.

PIN

PositiboInteresting (Kawili-wili)Negatibo

10. Batay sa binasang epiko ipaliwanag na, ang mga pang-angkop na na, ng at -g ay ginagamit upang maging makabuluhan ang mga pangungusap sa pagsasalaysay na ginamit sa pagsulat ng talambuhay.

Sagot: _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Paglalapat

Gawain 9:Nasa ibaba ang balangkas upang malikha mo ang anekdota na itinuturing mong bayani sa kasalukuyan. Mula sa balangkas na ito sumulat ng mga detalye na dapat ilagay dito gamitan ito ng mga pang-angkop. Pagkatapos, isulat ang nabuong detalye ng talambuhay sa nakalaang sulatan.

Balangkas ng AnekdotaMahahalagang impormasyon tungkol sa bayani sa kasalukuyan na gusto mo____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Paniniwala sa buhay____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Mga karanasan sa buhay____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Pangarap at mga pakikipagtunggaling (pagsubok) naranasan sa buhay____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Paano ito natupad at nakamit____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

________________________Pamagat________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 10:Bumuo ng mga kraytirya sa pag-iibalweyt sa isinulat na anekdota sa tulong ng guro. Gawing batayan ang nasa ibaba sa pagbuo ng sariling kraytirya. Matapos makagawa, iibalweyt ang isinulat na talambuhay ng ibang kamag-aral batay sa isinagawang kraytirya.

Pagtataya sa isinulat na talambuhay batay sa mga kraytirya:

A. May pagkakatulad sa tauhan ng epiko

B. Pagtataglay ng mga katangian ng anekdota

C. Kawastuan ng pagkakagamit ng mga pang-angkop na na, ng at g

Aralin 4: A. Elemento ng Epiko - c.) Banghay Prinsipe Bantugan (Epiko ng mga Muslim) B. Mga Kataga/Pangatnig

Layunin: Ang mag-aaral ay: nakapag-uugnay ng sanhi at bunga ng ilang pangunahing tauhan sa epiko sa fantaseyeng Encantadia

nakapag-bubuod at naiisa-isa ang mahahalang pangyayari sa epikong Prinsipe Bantugan.

nakalilikha ng iskrip upang maisadula ang mahalagang pangyayari sa epikong Prinsipe Bantugan

nakapagsalaysay ng kuwento ng mga pangyayari maaaring totoong buhay, maaaring napanood sa sinehan o telibisyon na may pagkakatulad sa epikong tinalakay

nakapapanood ng pelikulang Mumbaki at nakapagsasalaysay ng mga pangyayari sa pelikula na may pagkakatulad sa ilang pangyayari sa epiko

Katulad ng ibang mga akadang pampanitikan, ang epiko ay binubuo rin ng mga pangyayaring maayos ang pagkakasunod-sunod. Ang pagkakasaayos na ito ay tinatawag na banghay.

Ang banghay ay ang plano o framework ng kung ano ang magaganap sa kwento. Binabalangkas ng manunulat ang banghay bago isulat ang kabuuan ng akda.Sa banghay pa lamang nito itinatakda ng manunulat ang tiyak na magiging simula ng buhay at kahihinatnang kapalaran ng mga tauhang kanyang binibigyang-buhay. Ang isang kwento ay karaniwang nagtataglay ng mga kawing-kawing na mga pangyayari. Ang pagkakalas naman ng mga pangyayari ang naghuhudyat ng wakas ng kwento. Unang itinatatag ng may-akda ang ugnayan ng mga tauhan sa kanilang kapaligiran sa panimulang sitwasyon. Matapos ito ay sisimulan na niyang pataasin ang mga sunod-sunod na mga pangyayari. Ito ang papataas na galaw na nagaganap bahagi sa bahagi at pangyayari sa pangyayari.Bawat kaganapan sa kasaysayan ay bunga pa ng isa pang kaganapan na nagdudulot ng natural na daloy ng kwento. Dahil ditto naaakay ng may akda ang mga mambabasa patungo sa pinakamataas, pinakamaigting, at pinakakapana-panabik na bahagi ng kwento: ang kasukdulan. Sa kasukdulan ibinabadaya ang maaaring kahinatnan ng mga pangyayari kabilang na ang pagtatagumpay ( at sa ibang pagkakataoy ang pagkabigo) ng pangunahing tauhan. Mula sa kasukdulan ay unti-unting isinisiwalat ng manunulat ang mga lunas at kalutasan sa mga salungatang naganap sa kasaysayan. Ito ang tinatawag na kakalasan na kaagad na susundan ng wakas na maaaring inaasahan o di-inaasahan.

Prinsipe Bantugan(Epiko ng Mindanao)

Ikatlong Salaysay ng Darangan

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng Bumbaran. Dahil sa kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagiging matapang ni Bantugan, siya pa rin ang naghahari at namamayani sa puso ng maraming mga kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito na walang makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya (Bantugan) ay parurusahan ng kamatayan.Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at dahil sa laki ng kanyang pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil sa matinding pagod sa paglalakbay kung saan-saan si Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng palasyo ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid nitong hari, sila ay nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag ng magkapatid ang konseho upang isangguni kung ano ang kanilang dapat gawin. Habang sila ay nag-uusap, isang loro ang dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya ay galing sa Kaharian ng Bumbaran at ang bangkay ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran.Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay Haring Madali ang pagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa langit si Haring Madali kasama ang isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Samantala, dinala naman ni Prinsipe Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay pinilit niyang ibalik ang kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahat at nagbago si Haring Madali.Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si Bantugan ay namatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran.Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sa pagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang at ito ay napalitan ng paglalabanan.Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay nakipaghamok sa mga kalaban. Dahil sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni Bantugan sa kamatayan, siya ay nanghina hanggang sa mabihag ng kanyang mga kaaway. Siya ay iginapos subalit unti-unti ring nagbalik ang kanyang lakas nang makapagpahinga.Nalagot niya ang pagkakagapos sa kanya at muling lumaban. Dahil sa malaking galit sa mga kaaway, higit siyang naging malakas hanggang sa mapuksang lahat ang mga kalaban.Pagkatapos ng labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran at pinakasalang lahat ang kanyang mga katipan at sila ay dinala sa kanyang kaharian.Sinalubong sila ni Haring Madali nang buong katuwaan at muli, lahat ay nagdiwang. Nabuhay nang maligaya si Bantugan sa piling ng kanyang mga babaing pinakasalan.

Pagtuklas

Mahahalagang Tanong: Paano mauunawaan at mapahahalagahan ang mga epiko ng sariling rehiyon?____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 1:Panoorin sa youtube ang isang eksena sa fantaseryeng Encantadia na tumatalakay sa paghahangad ng labis na kapangyarihan ni Perena (Sunshine Dizon). Matapos mapanood ibigay mo ang naging sanhi at bunga nito at iugnay sa epikong Prinsipe Bantugan. Ilagay sa linen outline sa ibaba ang kasagutan

ENCANTADIASANHIBUNGAKAUGNAYAN SA EPIKONG PRINSIPE BANTUGAN

Gawain 2:Sa pamamagitan ng Fan-fact Analyzer sa ibaba isa-isahin ang mahahalagang pangyayari sa epikong Prinsipe Bantugan ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

TagpuanTauhanWakasTunggalian/Suliranin 4. 3.

2. 1. Banghay (Pagkakasunod-sunod Pangyayari)

Paglinang

Ang talatang nagsasalaysay na tinatawag ay tekstong naratib din ay pagalahad ng magkakaugnay na mga pangyayari sa paraang nagkukwento. Inilalahad dito sa maliwanag na pamamaraan ang mga kaganapan sa kwento sa kronolohikal na ayos mula sa pinakauna hanggang pinakahuli at maaari ring mula sa pinakahuli hanggang pinakaunahang pangyayari.

Mga panuntunan sa pagsulat ng talatang nagsasalaysay: Tiyaking may iisa lamang na pangunahing tauhan. Sikaping maging kawli-wili ang aksyon ngkwento. Lagyan ng ayos ang mga bahagi ng salaysay: may simula, gitna at wakas. Tiyaking iisa lamang ang punto de bista o point of view. Mainam din na may iisang lugar lamang o tagpuan ng kwento.

Gawain 3:Isa-isahin ang mahahalagang pangyayari sa epikong Prinsipe Bantugan gawin ito sa pamamagitan ng Staircase Strategy.

Wakas Pangyayari 4

Pangyayari 3

Pangyayari 2 Pangyayari 1

Gawain 4:Gawing patalata ang mahalagang pangyayaring isinagawa sa Gawain 3. Isulat ito sa ibaba. ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 5:Lumika ng iskrip upang maisadula ang mahalagang pangyayari sa epikong Prinsipe Bantugan gawing batayan ang Gawain 3 at 4 sa paggawa. Gamitin ang Habi ng Pangyayari upang maging tulong sa pagsasagawa ng iskrip nito.

Prinsipe BantuganMga PangyayariP2P1P3P4

Pagpapalalim

PANGATNIGAng pangatnig ay isang kataga o salita na nag-uugnay sa dalawang salita o sugnay na pinagsusunod sa pangungusap. Ang halimbawa ng mga pangatnig ay: at, dahil, sapagkat, ngunit, subalit, pagkatapos, habang, at iba pa.

Sa pamamagitan ng pangatnig ay naipapakita ang kaugnayan ng mga kaisipan sa isang pangungusap o talata. Nakatutulong ito upang maging banayad ang transisyon o paglilipat ng mga kaisipan sa mga pinag-ugnay-ugnay na mga salta, pangungusap o talata.Ang mga sumusunod ang mga uri ng pangatnig:1. Pamukod nagpapahayag ng dalawa o higit pang tao.Halimbawa: o, ni, man, maging Ni siya ni ako ay hindi makapupunta.2. Panimbang ginagamit ito kapag ang dalawang salita, parirala / sugnay ay magsinghalaga o makatimbang.Halimabawa: at, saka, at saka Ang alamat at epiko ay kapwa bahagi ng kulturang Pilpino.

3. Panubali ginagamit kung ang pangungusap ay nagsasad ng pasubali.Halimbawa: kundi, sakali, kung, kapag, pag Kung tamad ang mga Tsino, malamang na maraming maghihirap sa kanila.

4. Panlinaw nagpapahayag ito ng pagpapaliwanag.Halimbawa: samakatwid, kaya, kung gayon Nakamit niala ang kalayaan , samakatwid maaari na silang mangibang bayan.

5. Paninsay ginagamit ito kung nagkakaroon ng pagsasalungatan.Halimbawa subalit, gayunman, habang Dinanas ng mag-anak ang kahirapan, subalit natuto silang makibagay.

6. Panapos ginagamit kapag ang diwang pinag-uugnay ay nagsasaad ng kawakasan.Halimbawa: at sa wakas, at sa lahat ng ito At sa wakas, marami ang tutulong sa kanila.

Gawain 6:Talakayin ang kahalagahan nang banghay (pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari) sa isang epiko. Gamitin ang pahabing semantikang ito.

Isa-isahin ang kahalagahan ng banghay sa isang epiko.

Gawain 7:Ilista mo ang mga di-kapani-paniwalang pangyayari sa epikong binasa na kababakasan ng kultura ng rehiyong pinag-ugatan nito gamit ang Listing

Listing1. ___________________________________________________________

2. ___________________________________________________________

3. ___________________________________________________________

4. ___________________________________________________________

5. ___________________________________________________________

6. ___________________________________________________________

7. _____________________________________________________

8. _____________________________________________________

Gawain 8:Ipahayag ang damdamin mo sa bawat tagpuan ng mga pangyayari sa epiko gamit ang Story Expression.

Gawain 9:Anu-ano ang mga pangyayari sa epiko na masasabi mong makatotohanan at di-makatotohanan. Ipaliliwanag kung bakit sinabi mong itoy makatotohanan at di-makatotohanan. Isulat ang iyong kasagutan sa hanay na nakalaan para rito.

Makatotohang pangyayari Di-makatotohanang pangyayari ___________________ ____________________ ____________________ _____________________ ____________________ _____________________ ____________________ _____________________ ____________________ ____________________ ___________________ ___________________ Paliwanag bakit makatootohan / di-makatotohan? ____________________________________ __________________________________ _______________________________ _____________________________ ___________________________ _________________________ ________________________

Gawain 11:Magsalaysay ng kuwento ng mga pangyayari maaaring totoong buhay, maaaring napanood sa sinehan o telibisyon na may pagkakatulad sa epikong tinalakay. Isulat sa journal ang iyong kasagutan.

PANGYAYARI SA KASALUKUYAN NA MAY PAG- KAKATULAD SA EPIKONG TINALAKAY ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________ ______________________________________

Gawain 12:Ano ang masasabi tungkol sa mga kuwentong nagpapahayag ng mga pangyayaring di-makatotohanan sa pag-uugnay sa ating kultura? Ipaliwanag.

Sagot: __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain 13:Ipakita sa pamamagitan ng pagsasadula ang sariling kuwento ng mga pangyayari na ginawa sa Gawain 11. Gamitan ng graphic organizer na Story Ladder upang maging madali ang pagsasagawa ng iskrip nito.

SimulaP1P2P3KasukdulanKakalasanWakas

Gawain 14:Balikan at basahing muli ang epikong Prinsipe Bantugan. Itala sa talahanayan sa ibaba ang mga pangungusap na ginamitan ng mga pangatnig.Tukuyin ang uri nito at ipaliwanag ang gamit ng mga pangatnig sa pag-uugnay ng dalawang salita, dalawang parirala at dalawang pangungusap. PangungusapUri ng PangatnigPaliwanag

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

Paglalapat

Ang graphic organizer ay biswal na paglalarawan ng mga kaalaman o pangyayari. Ginagamit ito sa pag-uugnay at pag-uuri ng mga konsepto o pangyayari. Ilang sa mga kabutihang dulot nito ay:

Nagpopokus ito sa mga pangunahing ideya o konsepto.

Nakatutulong ito sa pagsasanib ng dating kaalaman sa bagong kaalaman.

Nakahihikayat ito ng talakayang nakatuon sa iisang paksa.

Ilan sa mga halimbawa ng mga graphic organizer ay ang flow chart, stort mapping, fish bone, Venn diagram at iba pa.

Gawain 15:Panoorin ang pelikulang Mumbaki ni Raymart Santiago at isalaysay ang mga pangyayari sa pelikula na may pagkakatulad sa ilang pangyayari sa epiko gamit ang Graphic Organizer na Caterpillar Technique.

WakasKakalasan KasukdulanP3P2P1TagpuanMga TauhanPamagat

Pagtataya sa isinasagawang pagsasalaysay batay sa mga kraytirya:

A. Naglalahad ng kasalukuyang pangyayari

B. May kaganapan na katulad sa pangyayari sa epiko

C. Pagtataglay ng mga elemento ng banghay

D. Kaangkupan ng mga graphic organizer na ginamit

Aralin 5: A. Pagsulat ng IskripIndarapatra nat Sulayman (Epiko ng Maguindanao)B. Pagtatanghal o InformanceLayunin: Ang mag-aaral ay: naibibigay ang sariling interpretasyon sa awiting Mindanao at naiuugnay ito sa epikong Indarapatra at Sulayman

natutukoy ang mga katangian ng epikong Indarapatra at Sulayman bilang isang tulang pasalaysay

nasusuri ang epikong Indarapatra at Sulayman batay sa elemento nito

nakapagsasaliksik sa internet o nakapagpapanayam ng guro sa Filipino ng mga dapat pang isaalang-alang sa pagtatanghal ng informance

nakapagbibigay ng mga puna sa halimbawang informance (maaaring Engkantadia, Panday, Darna) na isaalang-alang ang damdamin ng mga nagsigawa ng nito

nakapagtatanghal ng informance na ang mga tauhan ay may angkop na kasuotan ngunit walang kilos at tagpuan

Maliban sa pagiging katutubo at taglay nitong pagkasupernatural, mahalagang katangian ding tinataglay ng epiko ang pagiging patula. Mapapatunayan ang pagkatula nito sa dalawang kaparaanan: una kung masinsinang pakikinggan at ikalawa kung babasahin kapag naisulat.

Ang tula ay unang anyo ng panitikan na nalilinang ng alimang lahi ng daigdig. Itoy isang kaayusan ng mga salitang nagkakatugma na nagpapahayag ng katotohanan, kaisipan at damdamin sa paraang higit na malikhain, mabuti at matindi kaysa sa karaniwang pananalita. Samakatwid, masasabing ang tula ay isang komposisyon na may katangi-tanging kariktan ng kaisipan at ng wika. Ito ay anyong patula ng pantikan na ang mga pahayag ay nagtataglay kadalasan ng sukat at tugma sa mga pantig ng bawat taludtod.

Ang sukat at tugma ay mga sangkap ng isang tula. Sukat ang tawag sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng isang saknong sinasabing ito ay may sukat. Ngunit kung magkakaiba ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ito ay walang sukat o malayang tula. Maaaring 4, 6, 8, 10, 12, 14, 16 at 18 ang sukat ng isang tula. Samatala, ang tugma ay pagkakatulad o pagkakapare-pareho ng huling tunog sa hulihan o ng mga huling salita sa bawat taludtod.

May dalawang uri ang tugma: karaniwan at ganap. Taglay rin ng isang tula ang iba pang sangkap tulad ng simbolo-mga salitang kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng ibat ibang pagpapakahulugan at kariktanang gumigising sa diwa ng mambabasa upang ang gunuguni ay maglakbay. Ang paggamit ng imahe, pahiwatig, simbolo at talihaga ay pagsasama ng karikatan ng tula.

INDARAPATRA AT SULAYMAN(Isinatula ni Bartolome del Valle)

Noong unang panahon ayon sa alamat ng pulong Mindanaw,ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukanang tinatahanan ng maraming taong dooy namumuhaymaligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman.

Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundokna datiy payapa. Apat na halimaw ang dooy nanalot.Unay si Kurita na maraming paa at ganid na hayoppagkat sa pagkain kahit limang taoy kanyang nauubos.

Ang Bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimawna may mukhang tao na nakatatakot kung itoy mamasdan,ang sino mang tao na kanyang mahuliy agad nilalapang,at ang laman nitoy kanyang kinakain na walang anuman.

Ang