22
LIPUNANG PAMPOLITIKA, PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY, PRINSIPYO NG PAGKAKAISA Group 1

EsP Grade 9: Modyul 2- Lipunang Pampolitka

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang modyul na ito ay makakatulong upang malaman kung anong mayroon sa isang lipunang PAMPOLITIKA. Ang ppt na ito ay pwedeng makuha ng LIBRE lamang.

Citation preview

Slide 1

LIPUNANG PAMPOLITIKA, PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY, PRINSIPYO NG PAGKAKAISAGroup 1

Isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay-high-school ang paghahanap ng mga matatalik at tunay na kaibigan.

Sa isang mahiwagang paraan, nag sasama-sama ang mga magkakatulad, maaring magkakatulad ng INTERES, ng HILIG, o ng mga PANGARAP.May pagkakataon ding nagsasama ang hindi magkaka kilala. May pareho at may pagkaka iba rin. Umuusad at lumalalim ito sa paglipas ng panahon o oras dahil sa maraming napagkwekwentuhan.

Ang BARKADAHAN ay parang isang pamayanan. Pinagsama-sama sila.Sama-sama silang bumubuo ng mga sistema kung paano haharapin ang mga hamon sa buhay. May mga kwento silang pinagdadaanan at may kwento silang nabubuo.

KULTURA - ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan. Ito ang mga : Tradisyon Nakasanayan Mga hangarin na kanilang pinagbahaginan sa paglipas ng panahon.

Kinakaharap ng lipunan ang makagawa at maging produktibo sa harap ng maraming mga kulturang ito.

PAMPOLITIKA - ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang mga bawat isa ay malayang kabutihang panlahat.

Mag-iipon, mag-iingat, at magbabahagi ng yaman ang pamahalaan sa pmamamgitan ng pagbubuwis at pag bibigay serbisyo. Mag papatupad ng batas upang matiyak ang soberanya at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng bansa na kailangan sa pagiging produktibo ng lipunan.

Ang pamahahala ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala.

Sa barkada at pamayanan, basta sumusunod ang mga kasapi sa mga tumatayong lider kahit sa unay ayaw naman talaga. Bakit ? Dahil mayroong nakikita sa kanilang pag-aalab ng kalooban.

Ang pamahalaan ay kaloob ng mga tao sa kapwa nila tao dahil sa nakikita nilang husay at galing ng mga ito sa pamumuno at pangangasiwa.

Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan. Kailangan pa ring makilahok ng taumbayan, gawin ang kayang gawin ng bawat isa, at ibahagi ang bunga ng paggawa sa bayan.

Ang proyekto ng pinuno ay hindi proyektong para sakanyang sarili. Ito ay proyekto para sakanya at para sa kaniyang pinamumunuan.PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY ay tumutulong sa pamahalaan ang mga mamayan na magawa nila ang makakapag paunlad sa kanila na walang makakahadlang sa kalayaan ng mga mamayan mula sa pinuno sa pamamagitan ng pag aambag sa estado ng kanilang buwis, lakas at talino.

PRINSIPYO NG PAGKAKAISA (SOLIDARITY) ay tungkulin ng mga mamayan ang magtulungan at ng pamahalaan ang mag tayo ng mga estruktura upang makapagtulungan ang mga mamayan.

LIPUNANG PAMPOLITIKA - ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan. Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno, gawa ito ng pag-ambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikipa ng lipunan.Ang pag-unlad ng lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.

Ang namumuno ay hindi espesyal na nilalang na hiwalay sa kasaysayan ng tao at bayan. Nangunguna lamang sila sa grupo, hindi nasa itaas ng iba. Utang na loob nila sa taumbayan na ipinaubaya sa kanila ang pangunguna sa bayan.

Kapwa boss ang pangulo at ang mamamayan. Tulad ng isang barkada, walang sinuman ang nangunguna.

Boss ng bayan ang pangulo magtiwala ang bayan sa pangunguna ng pinuno dahil may makikitang higit at dakila ang pinuno para sa kasaysayan at kabutihang panlahat.

Boss naman ng pinuno ang taumbayan walang gagawin ang pinuno kundi ingatan, payabungin, at paunlarin ang mga karapatan at kalayaan ng mga tao sa bayan.

Ang tunay na Boss ay ang KABUTIHANG PANLAHAT ang pag-iingat sa ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan