3
Feature Article- Narissa L. Morete Kung Mayaman Lang Sana Ko… “Nakakainis! Nakakainis talaga!” Ito ang mga katagang paulit-ulit kong sinasabi sa aking paag-uwi mula sa eskwelahan. Sino ba naman ang hindi maiinis kapag ikaw lang ang hindi nakapagbayad sa pinababayarang photocopy ng inyong guro na doble ang halaga sa tamang presyo nito? Singkwenta pesos lang ang baon ko sa araw-araw na pagpasok ko sa paaralan. Gumagastos ako ng sapung piso kada pagsakay ko sa tricycle, pagpasok sa umaga, pag-uwi sa tanghali, pagpasok muli sa tanghali, at pag-uwi sa oras ng hapon. At para sa isang batang matakaw na katulad ko, di ko pa maiwasang gastusin ang natitirang sampung piso para sa meryenda ko. Kaya ang tanong, anong himala ang kailangan para mapagkasya ko ang kakarampot na baon kong iyon? Kaya inis na inis talaga ko sa pag-uwi ko, tila nakikisabay pa ang panahon at nakikidagdag sa pagkayamot ko. Habang naglalakad papalabas ng paaralan, malalaking patak ng tubig-ulan ang mabilis na bumuhos mula sa kalangitan. “Bakit ngayon pa? Baka maloka ko! Asar! Tsk!” Nagmadali akong nagtatakbo at pumara ng tricycle na masasakyan. Napaisip ako, “ Kung mayaman lang ako, di ko sana inaabot ang mga ‘to! Kamalasan nga naman oo.. Hay!”, buntong hininga ko. Sa aking paglalakbay pauwi, nanibago ko sa daang binaybay ng tricycle na sinasakyan ko. “Kuya! Kuya! Doon niyo na lang po idaan para mas malapit.”, sabi k okay Manong drayber nang may pagkairita. “Baka kasi baha na doon pate, kaya dito ko na lang idinaan.”, tugon ni manong. Hindi na lamang ako kumibo at baka masagot ko pa ng pabalang si manong. Gusto ko ng katahimikan at kahinahunan para mapawi ang kabwisitang nadarama ko. Kaya naman ibinaling ko na lamang ang

Feature Articlecjmanalang

Embed Size (px)

DESCRIPTION

halimbawa ng lathalain

Citation preview

Page 1: Feature Articlecjmanalang

Feature Article- Narissa L. Morete

Kung Mayaman Lang Sana Ko…

“Nakakainis! Nakakainis talaga!” Ito ang mga katagang paulit-ulit kong sinasabi sa aking paag-uwi mula sa eskwelahan. Sino ba naman ang hindi maiinis kapag ikaw lang ang hindi nakapagbayad sa pinababayarang photocopy ng inyong guro na doble ang halaga sa tamang presyo nito?

Singkwenta pesos lang ang baon ko sa araw-araw na pagpasok ko sa paaralan. Gumagastos ako ng sapung piso kada pagsakay ko sa tricycle, pagpasok sa umaga, pag-uwi sa tanghali, pagpasok muli sa tanghali, at pag-uwi sa oras ng hapon. At para sa isang batang matakaw na katulad ko, di ko pa maiwasang gastusin ang natitirang sampung piso para sa meryenda ko. Kaya ang tanong, anong himala ang kailangan para mapagkasya ko ang kakarampot na baon kong iyon?

Kaya inis na inis talaga ko sa pag-uwi ko, tila nakikisabay pa ang panahon at nakikidagdag sa pagkayamot ko. Habang naglalakad papalabas ng paaralan, malalaking patak ng tubig-ulan ang mabilis na bumuhos mula sa kalangitan. “Bakit ngayon pa? Baka maloka ko! Asar! Tsk!” Nagmadali akong nagtatakbo at pumara ng tricycle na masasakyan. Napaisip ako, “ Kung mayaman lang ako, di ko sana inaabot ang mga ‘to! Kamalasan nga naman oo.. Hay!”, buntong hininga ko.

Sa aking paglalakbay pauwi, nanibago ko sa daang binaybay ng tricycle na sinasakyan ko. “Kuya! Kuya! Doon niyo na lang po idaan para mas malapit.”, sabi k okay Manong drayber nang may pagkairita. “Baka kasi baha na doon pate, kaya dito ko na lang idinaan.”, tugon ni manong.

Hindi na lamang ako kumibo at baka masagot ko pa ng pabalang si manong. Gusto ko ng katahimikan at kahinahunan para mapawi ang kabwisitang nadarama ko. Kaya naman ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa pamumuna ng iba’t ibang gawain ng mga taong nadaraanan namin ni Manong drayber.

“Beep! Beep! Beep!” sunod-sunod na pagbusina ni Manong kasabay ang malakas na pagpreno. “Ano ba namang mga batang ‘yan? Nagsilipana sa daan!” Tila nahawa na yata si Manong sa pagkainit ng ulo ko. Maya- maya, isang marungis at nakayapak na batang babae ang humila-hila sa basa kong palda sabay sabing, “Palimos po.” Sa isip-isip ko, “Ay! Naku! Mahirap lang din ako. Nakakainsulto!” Ngunit salamat sa Diyos, nakapagpigil ako. Praise the Lord!

Nagpatuloy sa pag-andar ang tricycle, nakakita ko ng matandang humahangos sa kaliligpit ng kanyang mga panindang damit at mga laruan para hindi mabasa ng ulan ang mga ito, isang payat na lalaking nagbibilang ng perang kanyang kinita mula sa pagbebenta ng sigarilyo, mamang di maipinta ang mukha habang nakatalungko at nakakape sa kanto, dalagang

Page 2: Feature Articlecjmanalang

umiiyak dahil basang-basa na siya sa ulan at walang pamasahe, isang naghihikahos na pamilyang nagsisiksikan sa tagpi-tagping baru-baro at ang mga batang lansangang nilalamig at namamaluktot sa sakit ng tiyan dahil sa kawalan ng ilalaman rito.

“Kawawa naman sila.”, bigla na lamang nasambit ng aking mga labi. Walang-wala pa pala ang mga nangyari sa akin kanina kumpara sa dinaranas ng mga kahabag-habag na taong ito. Para lang pala kong tangang nabubwiset. Ako ay may tirahan, samantalang ang iba ay palaboy; may mga magulang ako, ang iba’y ulila na; kumakain ako tatlong beses sa isang araw, samantalang ang iba’y kumakalam ang sikmura; kahit kapos sa baon, nakakapag-aral pa rin ako, hindi katulad ng mga batang lansangang namamalimos at di makapasok ng paaralan dahil walang pera. Kaya wala akong dapat ireklamo.

Ganap na maswerte pa rin ako, laganap man ang kahirapan sa mundong ito, hindi naman sinalo ng pamilya ko ang lahat ng iyon. Mas mararami pa ring kapos-palad na ni singkong duling ay walang makapa sa kanilang bulsa.

“Kung mayaman lang sana ko..” napatigil ako at sinabing, “Hindi naman talaga ko mayaman eh!” Ngunit sa kabilang banda, napaisip ako, “Hindi nga ako mayaman sa ngayon, pero ako ang drayber ng buhay ko. Kakayanin kong baguhin ang takbo at estado ng buhay ko kung gugustuhin ko, kung pagsisikapan ko.” may lakas-loob kong sinabi sa sarili. At kapag nangyari na iyon, hindi ako magdadalawang isip na tulungan ang mga nangangailangan at tutulungan ko sila sa abot ng aking makakaya.

“Pate, andito na tayo sa bahay niyo.” Panirang wika ni Manong. “Masyado ng napapalalim ang imahinasyon mo.” Pang-aasar pa nito. Natatawa na lang din ako sa sarili ko, iniabot ang sampung pisong natitirang pera ko sa drayber para sa araw na iyon.

May napagtanto ako sa pagbaba ko ng tricycle, na ang paglalakbay kong iyon pauwi ay nag iwan ng kakaibang pakiramdam at paniniwala sa akin na panghahawakan ko habang buhay. Ito ay ang hindi ko kasalanang isinilang ako na may mahirap na pamumuhay, ngunit ang magiging kasalanan ko ay kung mananatili pa rin akong isang dukha kapag ako’y namatay.