Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

  • Upload
    dan-delo

  • View
    1.547

  • Download
    78

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

    1/11

    Module 52

    6666

    FilipinoMga Pang-uri at ang kanilang Kayarian

    A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

    2/11

    Binabati kita ng magandang araw. Maragdagan na naman angiyong kaalaman ngayon. Ipagpatuloy mo ang kasipagan sa

    pagsagot ng lahat ng mga aralin.

    Ang tao, bagay , lugar o pangyayari ay kailangang ilarawan.

    Sa araling ito malalaman mo kung anu-ano ang mga salitang

    naglalarawan sa tao,bagay, hayop, lugar at pangyayari.

    Dito rin nasusuri ang kayarian ng pang-uri; payak, maylapi,

    inuulit at tambalan.

    Piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang

    papel.

    1.Tahimik ang buhay sa bukid. Anong kayarian ng pang-uri

    ang ginamit?

    a. inuulit b. maylapi c. payak

    2.Malawak at luntian ang bakuran sa aming paaralan. Ang may

    salungguhit ay nasa kayariang_____________.

    a. inuulit b. maylapi c. tambalan

    Subukin Natin

    Sa Mag-aaral

    Mga Dapat Matutuhan

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

    3/11

    3.Masayang-masaya ang mga panauhin sa kanilang pook na

    pinapasyalan. Ang may salungguhit ay nasa

    kayariang__________.

    a. inuulit b. tambalan c. payak

    4.Binigyan siya kahapon ng hugis-pusong laruan. Anong

    kayarian ang ginamit sa may salungguhit na pang-uri?

    a.payak b. tambalan c. maylapi

    5.Sagana sa sariwang gulay ang kapaligiran nila. Ang

    kayariang ginamit ay______________.

    a.payak b. tambalan c. Inuulit

    Anong iskor mo?

    Nakakita ka na ba ng isang balon? Ano ba ang hugis ng

    nakita mong balon? Basahin ang usapan ng mga bata.

    Pag-aralan Natin

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

    4/11

    Isinama ni Eddie ang mga kaibigan sa bukid ng kanyang lolo

    at lola. Nakita nila ang isang hugis-pusong balon na may malinis at

    malamig na tubig.

    Mahiwaga ang balong iyan, wika ni Eddie. Iyan daw ang

    nagbibigay ng magagandang kapalaran sa mga humihiling.Siyanga? Paano ang paghiling? Maaari rin ba kaming

    humiling? usisa ni Charito.

    Aba, siyempre naman, sagot ni Eddie. Kumuha kayo ng

    tigtatlong maliit na bato. Pumikit kayo, ihulog ang maliit na bato

    kasabay ng inyong paghiling.

    Nagsikuha sila ng maliliit na bato.

    Ako ang unang hihiling, sabi ni Annie.

    Balong mahiwaga! Balong malalim!

    Pakinggan mo ang aking hiling;Sana sa paglaki ko, maging doktorang ubod-galing

    Upang lahat ng maysakit ay gumaling.

    Palakpakan ang magkakaibigan.

    Ako naman ang hihiling, sabi ni Edward.

    Balong mahiwaga! Balong malalim!

    Pakinggan din sana ang aking hiling;

    Sana magkaroon din ako ng ganitong looban

    Malawak, luntian, at sagana sa halaman.

    Natanaw ni Eddie ang lola niya. Dala na ang kanilang tanghalian.

    Matagal pang mangyari ang mga hiling ninyo. Ako naman

    ang inyong pakinggan, sabi ni Eddie.

    Balong malalim, tubig na malinaw!

    Ang aking hiling iyong pakinggan;

    Sana kami ay pagkalooban ng mainit-init at masarap-sarap na

    pananghalian.

    At narinig nila si Lola.

    O, mga bata, halina kayo, ang anyaya ni Lola sa mga bata.Nakita na ninyo. Ibinigay agad ang hiling ko, ang

    natatawang sabi ni Eddie. Masayang nagsalu-salo ang lahat sa payak

    ngunit masarap na pagkain.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

    5/11

    Nagustuhan nyo ba ang kwento? Masasagot mo kaya ang

    mga tanong?

    1.Anong hugis ng balong nakita ng mga bata?

    2.Anong uring looban ang hinihiling ni Edward?

    Tingnan mo kung ganito ba ang sagot mo;

    1.Ang nakitang balon ng mga bata ay hugis-puso.

    2.Hinihiling ni Edward ang loobang malawak, luntian at

    sagana.

    Tama ba ang sagot mo? Kung mali itama mo ang iyong sagot

    at pag-aralan mo ito :Ang mga salitang may salungguhit ay naglalarawan o mga

    pang-uri. Sa paglalarawan ay may apat na kayarian o pagbubuo. Ang

    mga ito ay :

    1.Payak - pang-uring binubuo ng salitang-ugat o likas na salita

    lamang.

    Halimbawa: Ang gusto ni Edward na looban ay sagana sahalaman.Ang palda ng bata ay dilaw.

    2.Maylapi - Binubuo ng salitang-ugat na may panlapi ang

    salitang naglalarawan o pang-uri.

    Malawak at luntian ang isa sa mga hinihiling ng mga bata.

    Ang may salungguhit ay mga panlapi at ang may bilog ay

    mga salitang-ugat.

    3.Inuulit - Pang-uring may pag-uulit ng salitang-ugat. Maaaring

    ganap o di-ganap ang pag-uulit.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

    6/11

    Pag-uulit na ganap

    Sa dinaanan naming bahay ay nakatambak ang putul-

    putol na kahoy.

    Kaawa-awa ang matandang nakatulog sa bangketa.

    Pag-uulit na di ganap

    Ang bagong pitas na rambutan ay matatamis.

    Ang itinanim noong nakaraang taon ay malalaki na.

    4. Tambalan - pang-uring binubuo ng dalawang salitang

    magkaiba ang kahulugan na pinag-iisa.

    Biglang-yaman ang magkakapatid dahil sa ipinamanang

    kayamanan ng magulang.

    Nadatnan nila sa ospital na agaw-buhay ang nasagasaang bata.

    Suriin sa ibaba ang mga salitang naglalarawan at isulat sa

    patlang ayon sa kayarian nito :

    lakad-pagong hinog tuwang-tuwa lantamakatao sariwa patay-gutom palatawa

    dilang-anghel puting-puti payat maliit-liit

    Gawin Natin

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

    7/11

    PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN

    _________ __________ ________ ____________

    _________ __________ ________ ____________

    _________ __________ ________ ____________

    Isulat ang iskor sa patlang _______.

    Isulat sa sagutang papel ang angkop na pang-uri ayon sa

    kayarian. Isulat ang titik ng tamang sagot.

    1.Ang hanging __________ ay pamawi sa init.

    a.malamig b. malakas c. mabaho

    2.Magandang pagmasdan ang________ buhok ni Gillie

    a.along b. alun-along c. Maalong

    3. _________ ang dala niyang cakesa kaarawan ng Lola niya.

    a. Hugis-kandila b. Hugis-puso c. Hugis-paikot

    4. Palabati at palangiti si Myllen. ________ siyang bata.

    a. Mataray b. Malambing c. Mabagsik5. Nakakainis ang batang_______.

    a. mabait b. masipag c. tamad

    Mga Dagdag na Gawain

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

    8/11

    Ang pang-uri o salitang naglalarawan ay may apat na

    kayarian :

    1.Payak Ito ay pang-uring binubuo ng likas na salita

    lamang o salitang walang lapi.

    Halimbawa :

    pula busog dilat likas putla

    payat sariwa hinog sagana lamig

    2. Maylapi Ito ay pang-uring binubuo ng salitang-ugat

    na may panlapi.

    Halimbawa :

    makatulad makatao

    palaiyak luntian

    masarap maagapa

    palangiti mahalimuyak

    3. Inuulit Ito ay pang-uring may pag-uulit ng salitang-

    ugat o salitang maylapi. Maaaring ganap o di-

    ganap ang pag-uulit.

    Tandaan Natin

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

    9/11

    Ganap na pag-uulit Di-ganap na pag-uulit

    hilung-hilo malalagim

    mapulang-mapula matataas

    gulung-gulo magagalinglitung-lito maliliit

    4.Tambalan- pang-uring binubuo ng dalawang salitang

    pinag-iisa.

    Halimbawa:

    hubog-kandila boses-ipis

    lakad-pagong batang-lansangan

    ngiting-aso halik-Hudas

    dilang-anghel patay-gutom

    buong-puso agaw-buhay

    biglang-yaman takaw-tulog

    Isulat sa sagutang papel ang pang-uri at isulat ang kayarian

    nito.

    _____________1. Mababait ang mga manlalarong kasama nila.

    _____________2. Tuwang-tuwa ang mga magulang sa pagtatapos ng

    kanilang anak.

    _____________3. Minamahal ni Clark nang buong-puso ang kanyang

    mga patay-gutom na mga kapitbahay._____________4. Masaya silang nagsibalik sa kanilang maliit na

    bahay.

    _____________5. Ang kanilang mga ugali ay parang laking-lansangan.

    Anong iskor mo?

    Sariling Pagsusulit

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

    10/11

    Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

    1.Bago ang kurtina sa kabilang silid. Aling salita ang nasa

    payak na kayarian?

    a.Bago b. kurtina c. silid

    2.Malinaw ang kanyang mga mata. Ang may salungguhit ay

    nasa kayariang ________________.

    a.payak b. maylapi c. tambalan

    3.Kahit agaw-buhay na ay nakausap pa rin niya ang

    1 2

    kanyang ama.

    3

    Alin ang pang-uring tambalan sa pangungusap?

    a.1 b. 2 c. 3

    4.Magandang-maganda ang suot niyang damit. Ang may

    salungguhit ay nasa kayariang__________.

    a. tambalan b. inuulit c. payak

    5.Dala-dalawa ang mga basket na nilagyan ng mga prutas.

    Alin sa pangungusap ang nasa kayariang inuulit?

    a.basket b. Dala-dalawa c. prutas

    Pagyamanin Natin

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 52 - Mga Pang-uri at Ang Kanilang Kayarian

    11/11

    Subukin natin

    1.c

    2.b

    3.a

    4.b

    5.a

    Gawin natin

    PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN

    hinog makatao puting-puti dilang-anghel

    sariwa lanta tuwang-tuwa patay-gutom

    payat palatawa maliit-liit lakad-pagong

    lanta

    Mga Dagdag na Gawain

    1.a

    2.b

    3.b

    4.b

    5.c

    Sariling Pagsusulit Pagyamanin Natin

    1.

    mababait-------inuulit (di-ganap) 1. a2. tuwang-tuwa------inuulit 2. a

    3.patay-gutom--------tambalan 3. a

    4.maliit------maylapi 4. b

    5. laking-lansangan-------tambalan 5. b

    Gabay sa Pagwawasto