37
KABANATA 9 Apat na Pangunahing Paraan ng Pagpapahayag

Filipino Report 2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino Report 2

KABANATA 9

Apat na Pangunahing Paraan ng Pagpapahayag

Page 2: Filipino Report 2

Ang pag papahayag ay pagbabahagi ng sarili sa kapwa ng mga kabutihan , impormasyon, ng opinyon, ng kuro-kuro at ng mga paniniwala. Maari itong isagawa nang pasulat o pasalita.

Apat ng pangunahing paraan ng pagpapahayag.PagsasalaysayPaglalahadPaglalarawanPangangawiran

Page 3: Filipino Report 2

Ang pagsasalaysay ay isang pagkukwento. Ito ay marahil ang pinakagamitin at pinakapopular na paraan ng pagpapahayag.

ANG PAGSULAT NG PAGSASALAYSAY

Page 4: Filipino Report 2

Noong nakaraang bakasayon, magiliw kong pinanood ang aking sampung taong gulang na kapatid na lalaki habang buong tapang niyang isinasasagawa ang isang kagyat na pagkilos sa isang di-inaasahang pangyayari. Nagsimula ito habnag masaya ang nagdididlig ng halamang bulaklak, napuluputan ang aking mga paa ng garden hose at ako ay nabulagta sa lupa. Ilang saglit din ako ay di makakilos. Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng pananakit at matinding kirot sa aking kaliwang braso. Humihingi ako ng saklolo sa kapatid kong si Mark na sya lamang ang kasama ko sa bahay sa araw na iyon. Namutla si Mark ng makita nya akong nakabulagta. Ngunit hindi namna sya pinanghinaan ng loob para tulungan ako. Mabilis syang tumawag ng telepono at agad syang humingi ng tulong. Dinig na dinig ko na binibigay nya ang lugar ng aming tirahan, ang detalye ng pangyayari at ang aking kalagayan. Alam kong maingat nyang pinakakingan ang mga tagubiling sinasabi ng taong nasa kabilang linya ng telepono. Pagkatawag niya ay lumapit siya at magiliw nyang ibinulong na may darating ng ambulansya. Hinid siya umal;is sa aking tabi habang ginagamot ako ng doktor . May dalawang linggo ring nakasemento ang aking kaliwang braso. Ngunit ang hindinh-hinid ko makakalimutan ay ang ginawa ng kapatid ko ng araw na iyon.

Page 5: Filipino Report 2

Pagsang pangungusap: Noong nakaraang baksayon, buong tapang na isinagawa ng aking kapatid ng lalaki ang isang kagyat na pagkilos sa di-inaasahang pangyayari.

Unang pangyayari: Napuluputan ang aking mga paa ng graden hose.NabulagtaHinid makakilosNakaramdam ng kirot sa kaliwang braso

Ikalawang pangyayari: Sumaklolo ang kapatid kong lalaki

Ikatlong pangyayari: Bahagyang natigilan; namutla Ikaapat na pangyayari: Tumawag sa telepono

Humingi ng tulongNagbigay ng impormasyonPinakingan ang mga tagubilin

Page 6: Filipino Report 2

Ikalimang pangyayari: kinamusta ako at dumating ang ambulansya.

Ikaanim na pangyayari: Hindi ako inian sa hostpital.

Page 7: Filipino Report 2

Habang Una Samantala

Ikalawa Pansamantala Noon

Magbuhat nang Di naglaon Hanggang

Sa wakas Di9 kaginsa-ginsa’y

Sa bandang hui

Dagdag pa rito Susunod Walang kaabug-abog

Noon pa mang Bukod rito Sa madaling salita

Bilang pagwawakas

Sa kalahatan Sa madaling salita

Sa kabila nito Kaya

MGA EKSPRESONG TRANSISYUNAL

Page 8: Filipino Report 2

ANG PAGSULAT NG PAGLALARAWAN

Page 9: Filipino Report 2

ANO ANG PAGLALARAWAN ?

Ang PAGLALARAWAN ay isang paraan ng pagpapahayag upang mapalutang at mabigyang- kulay ang mga katangian ng isang bagay, tao, lugar o pamgyayari.

Page 10: Filipino Report 2

SA PAGLALARAWAN, KINAKAILANGAN GISINGIN AT PAKILUSIN ANG MGA PANGUNGUSAP SA PAMAMAGITAN DIN NG PAGGAMIT NG IMAHINASYON AT MAHUSAY NA PAGPILI AT PAGLALAHAD NG MGA SALITA NA MAY WASTONG PAGKAKASUNOD – SUNOD.

Page 11: Filipino Report 2

PAANO ANG PAGLALARAWAN?

Ito ay dapat na mailahad nang maayos. Magagawa lamang ito kung may lohikal na ayos ang paglalarawan; ilarawan nang sunud – sunod ang mga bagay sa normal o makabuluhang kaayusan ng mga ito.

Page 12: Filipino Report 2

HINDI KALAKIHAN ANG AKING SILID- TULUGAN. MAY SUKAT ITONG HALOS LABINDALAWANG METRO KWADRADO LAMANG. KATAMTAMAN ANG TAAS NG KISAMENG BERDENG MURA, MGA LABINDALAWANG TALAMPAKAN BUHAT SA SAHIG. ANG MGA DINGDING AY DINIKITAN NG WALL PAPER NA MAY KULAY RING BERDENG MURA AT NASASABUGAN NG MALILIIT NA DAHON NA KULAY MATINGKAD NA BERDE. SA ITAAS AT GILID NG BINTANA AY MAY DILAW NA KURTINANG YARI SA MANIPIS NA TELA. SA RUFFLES SA PALIGID NITO’Y MASASABING HINDI BIRU – BIRO ANG YARDANG TELA NA GINAMIT DITO.

Modelong Talata

Page 13: Filipino Report 2

MGA DAPAT ISAALANG – ALANG SA PAGLALARAWAN

1. Paggamit ng Angkop na Salita Mahalaga ang maingat na paggamit ng angkop na salita sa pagpapalutang ng katangian ng inilalarawan . Ang matatalinghagang pahayag at mga tayutay ay mahalagang sangkap din na nagbibigay- kulay sa paglalarawan.

Page 14: Filipino Report 2

2. PAGPILI NG PAKSA

Hindi lahat ng naririnig o nakikita ay magandang paksa. Higit na magiging mabisa ang paglalarawan kung ito ay may kaugnayan sa sariling karanasan.

Page 15: Filipino Report 2

3. PAGPILI NG SARILING PANANAW

Ito ay pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang kanyang ilalarawan. Pinakamainam na batayan sa paglalarawan ang sariling pananaw sapagkat naipapakita agad ng may-akda ang pangunahing larawan ng kanyang paksa.

Page 16: Filipino Report 2

4. PAGBUO NG PANGUNAHING LARAWAN

Tinutukoy rito ang karaniwang mabubuo sa pangunahing larawan ng isang bagay, pook, tao o pangyayari. Nagagawa ito sa pamamagitan ng maingat at masusing pagmamasid.

Page 17: Filipino Report 2

5. ISAMA LAMANG ANG MAHALAGANG DETALYE

Hanggat maari, iwasan ang pagsasama ng maraming detalye na kadalasan ay nakasisira sa takbo ng isipan.

Page 18: Filipino Report 2

6. IPAKITA, HUWAG SABIHIN

Sa halip na sabihin lamang sa karaniwang pahayag ang isang paksa, mas makakabuti kung makakapaglalarawan ka ng mga detalyeng susuporta sa kung ano ang ibig mong ibahagi sa iyong tagabasa/ tagapakinig.

Page 19: Filipino Report 2

Ang Pagsulat ng Paglalahad

Page 20: Filipino Report 2

ANG PAGLALAHAD- ay isang anyo ng pagpapahayag na ang hangarin ay magpaliwanag. Ang paglalahad na pasulat naman ay nagbibigay ng impormasyon at nagpapaliwanag. Saklaw ng paglalahad ang lahat ng mga tanong gaya ng sumusunod: sino siya? Ano iyon? Bakit nangyari ito? Saan at kailan nangyari ito? Paano ginawa ang bagay na iyan?

Page 21: Filipino Report 2

IBA’T IBANG PAMAMARAAN NG PAGLALAHAD1. Talatang Paano – ito ay naglalahad kung paano

isasagawa ang isang bagay.Halimbawa: paano ang paggagayak ng silid-

tulugan, paano ang pagpunta sa airport o paano ang pagtatanim ng palay. Ang tunguhin ng ganitong paglalahad ay ang sumusunod: isang silid-tulugan na maganda ang gayak, ang matiwasay na pagdating sa airport o ang pilapil na may bagong tanim na palay.

Page 22: Filipino Report 2

BALANGKAS NG TALATANG PAANO•Pamagat•Paksang pangungusap na naglalahad ng tunguhin ng proseso•Paglalahad ng pakronolohikal ng mga hakbang•Konklusyon

Malinaw na ilalahad dito kung

ano ang magagawa ng

tagabasaSunud-sunod o

pakronolohikal na paglalahd ng

hakbang o proseso

Pangugusap na magbubuod sa

kabuuan ng talata

Page 23: Filipino Report 2

MODELONG SULATINPaano ang Pagbabadyet

Ang pagpaplano kung paano babadyetin ang perang pambaon sa loob ng isang linggo ay susi para mkaipon o makatipid. Una, tiyakin ang sakop na panahon ng pagbabadyet, na karaniwan, ay limang araw. Ikalawa, kalkulahin kung magkano humigit-kumulang ang perang hahawakan. Isama rin ang dagdag na pera bukod sa regular na perang pambaon gaya ng perang bigay ng ate o kuya o di kaya ay malapit na kamag-anak. Ikatlo, sumahin ang lahat ng gastusin sa loob ng isang linggo gaya ng pamasahe, meryenda, tanghalian at iba pang bayarin sa eskwelahan. Ikaapat, ibawas ang mga gastusin sa pambaong pera upang malaman kung kailangang gumawa ng kaukulang paglalaanan. Kung sa palagay mo ay mas malaki ang iyong gastusin sa perang pambaon, umisip ng paraan para makatipid. Ilan sa mga ito ay pagbabaon ng sandwich o kanin para hindi na bumili sa kantina. Kung pagkatapos ng isang linggo at nagawa na ng maayos ang iyong pagbabadyet. Makapag-iipon ka linggu-linggo. Maaring makabili ka ng ibang pangangailangan sa eskwela o di kaya ay ideposito sa bangko ang matitipid na pera.

Page 24: Filipino Report 2

PAG-ARALAN ANG INIHANDANG PLANO O BALANGKAS SA PAGSULAT NG MODELONG SULATIN

Paksang pangungusap: Ang pagbabadyet ng perang pambaon ay susi para makaipon o makatipid.

Unang hakbang: pagpili ng sakop na panahon

- isang linggo - isang araw- isang buwan - isang taon

Page 25: Filipino Report 2

Ikalawang hakbang: tantyahin o kalkulahin ang perang hahawakan - perang pambaon- bigay ng ate o kuya o malapit na kamag-anak

Ikatlong hakbang: sumahin ang lahat ng gastusin- pang araw-araw: pamasahe, meryenda, tanghalian- iba pa: kontribusyon sa paaralan, proyekto sa klase

Ikaapat na hakbang: ibawas ang gastusin sa perang pambaon - kung kukulangin, gumawa o umisip ng mga pamimilian;

halimbawa-magbaon - kung may matitira, ibili ng kailangang kagamitan o kaya ay ihulog sa bangko.

Page 26: Filipino Report 2

MGA EKSPRESYONG TRANSISYUNAL

Ang paglalahad ng isang proseso ay karaniwang isinasagawa nang pakronolohikal o ayon sa pagkakasunod – sunod.

Page 27: Filipino Report 2

Mga Ekspresyong Transisyunal Para sa Proseso

Pagsisimula ng Proseso Pagpapatuloy ng proseso Pagkatapos ng proseso

Ikalawang habang, sa wakas

Una ikatlong hakbang

pagkatapos sa sa kabuuan

sandaling

Bilang panimula susunod sa bandan huli

bago bilang

pagtatapos

Simula sa… kapag

samantala

Page 28: Filipino Report 2

2. Talatang Nagpapaliwanag

- ito ay naglalahad kung paano naganap ang isang pangyayari o kung paano gumagana ang isang bagay. Halimabawa, ang isang talatang nagpapaliwanag ay maaring tungkol sa kung ano ang bisikleta o kung paano napararami ang mga puno.

Page 29: Filipino Report 2

BALANGKAS NG TEKSTONG NAGPAPALIWANAG

• Pamagat• Depinisyon• Deskripsyon ng mga komponent/ bahagi • Operasyon/ pagpapagalw • Aplikasyon/ gamit

Ano ang bagay na ito?

Ano-anu ang bahagi nito?

Paano ito kumikilos o gumagalaw?

Paano/Saan ginagamit?

Page 30: Filipino Report 2

MODELONG TALATA

Ano ang Bisikleta ? Ang bisikleta ay isang sasakyan na may

dalawang gulong at maaring gamit pambata o pangmatanda.

Ang bisikleta ay binubuo ng isang kadena na nagdadala ng pwersa o lakas mula sa pidal patungong gulong sa hulihan na nagiging sanhi sa paggulong nito. Mayroon itong engranahe(gear) na nagbibigay ng lakas sa bisikleta upang makausad, lalo na kung paakyat ito sa burol. May hangin ang mga gulong nito para ito maging matibay at matatag. Kung nais umiba ng direksyon- pakaliwa o pakanan – ang manibela lamang ng bisikleta ang igagalaw. Kung nais mong huminto o di kaya ay pabagalin ang takbo idiin nang banayad ang preno sa hulihan at tiyak na babagal ang pag –usad ng bisikleta.

Pamagat

Depinisyon

Deskripsyon ng mga Komponent

Page 31: Filipino Report 2

Kung ihahambing sa ibang mahusay, mura lamang ang bisikleta dahil wala itong makina. Bumabagal o bumibilis ang pag-usad nito batay sa lakas o enerhiyang galing sa pagpidal ng taong sakay nito. Problema ang paninimbang sa mga unang araw sa pag-aaral ng pagbibisekleta ngunit kung sanay ka na, mabilis mo itong mapapatakbo. Ang paggiwang-giwang nito kung napagugulong na ang bisikleta ay mawawala na at tiyak na iba’t ibang lugar na ang mapasyalan.

Ang bisikleta ay isang mahusay na uri ng sasakyan. Dahil wala itong makina, ang gastos sa gasolina ay libre na. Kung masira man, hindi ito sakit sa ulo gaya ng sasakyan. Dahil makitid lamang ang sakop ng kalsada, madali itong makasingit o makalusot kaya kahit masikip ang trapik, ang pagbibiyahe ay hindi problema. At higit sa lahat, wala itong usok na binubuga. Kaya kung ang lahat ng tao ay magbibisekleta, lulusog ang sambayanan at polusyon sa hangin ay maiiwasan.

Operasyon/ pagpapagalaw

Aplikasyon/ gamit

Page 32: Filipino Report 2

MGA EKSPRESYONG TRANSISYUNAL

Ang paglalahad ng isang proseso ay karaniwang isinasagawa nang pakronolohikal o ayon sa pagkakasunod – sunod.

Page 33: Filipino Report 2

Mga Ekspresyong Transisyunal Para sa Proseso

Pagsisimula ng Proseso Pagpapatuloy ng proseso Pagkatapos ng proseso

Ikalawang habang, sa wakas

Una ikatlong hakbang

pagkatapos sa sa kabuuan

sandaling

Bilang panimula susunod sa bandan huli

bago bilang

pagtatapos

Simula sa… kapag

samantala

Page 34: Filipino Report 2

2. Talatang Nagpapaliwanag

- ito ay naglalahad kung paano naganap ang isang pangyayari o kung paano gumagana ang isang bagay. Halimabawa, ang isang talatang nagpapaliwanag ay maaring tungkol sa kung ano ang bisikleta o kung paano napararami ang mga puno.

Page 35: Filipino Report 2

BALANGKAS NG TEKSTONG NAGPAPALIWANAG

• Pamagat• Depinisyon• Deskripsyon ng mga komponent/ bahagi • Operasyon/ pagpapagalw • Aplikasyon/ gamit

Ano ang bagay na ito?

Ano-anu ang bahagi nito?

Paano ito kumikilos o gumagalaw?

Paano/Saan ginagamit?

Page 36: Filipino Report 2

MODELONG TALATA

Ano ang Bisikleta ? Ang bisikleta ay isang sasakyan na may

dalawang gulong at maaring gamit pambata o pangmatanda.

Ang bisikleta ay binubuo ng isang kadena na nagdadala ng pwersa o lakas mula sa pidal patungong gulong sa hulihan na nagiging sanhi sa paggulong nito. Mayroon itong engranahe(gear) na nagbibigay ng lakas sa bisikleta upang makausad, lalo na kung paakyat ito sa burol. May hangin ang mga gulong nito para ito maging matibay at matatag. Kung nais umiba ng direksyon- pakaliwa o pakanan – ang manibela lamang ng bisikleta ang igagalaw. Kung nais mong huminto o di kaya ay pabagalin ang takbo idiin nang banayad ang preno sa hulihan at tiyak na babagal ang pag –usad ng bisikleta.

Pamagat

Depinisyon

Deskripsyon ng mga Komponent

Page 37: Filipino Report 2

Kung ihahambing sa ibang mahusay, mura lamang ang bisikleta dahil wala itong makina. Bumabagal o bumibilis ang pag-usad nito batay sa lakas o enerhiyang galing sa pagpidal ng taong sakay nito. Problema ang paninimbang sa mga unang araw sa pag-aaral ng pagbibisekleta ngunit kung sanay ka na, mabilis mo itong mapapatakbo. Ang paggiwang-giwang nito kung napagugulong na ang bisikleta ay mawawala na at tiyak na iba’t ibang lugar na ang mapasyalan.

Ang bisikleta ay isang mahusay na uri ng sasakyan. Dahil wala itong makina, ang gastos sa gasolina ay libre na. Kung masira man, hindi ito sakit sa ulo gaya ng sasakyan. Dahil makitid lamang ang sakop ng kalsada, madali itong makasingit o makalusot kaya kahit masikip ang trapik, ang pagbibiyahe ay hindi problema. At higit sa lahat, wala itong usok na binubuga. Kaya kung ang lahat ng tao ay magbibisekleta, lulusog ang sambayanan at polusyon sa hangin ay maiiwasan.

Operasyon/ pagpapagalaw

Aplikasyon/ gamit