22
Mga katangiang taglay ng mga salita Ang salita ya kumakatawan sa konsepto o ideya. Habang tumatanda ang tao ang konseptong kinakatawan ng salita ay unti- unting nagiging dalisay at wasto. At habang patuloy na nagbabasa ang isang tao. Lalo namang lumalawak ang kaniyang kaalaman tungkol sa kahulugan ng mga salita. Mahalaga ang kasanayan sa pagbabasa kayat ito ay dapat na linangin sa isang indibidwal. Gayunpaman, dapat mabatid ng mambabasa na ang mga salita ay mayroon ding taglay na mga katangian tulad ng mga sumusunod:

Filipino Report

Embed Size (px)

DESCRIPTION

sample report

Citation preview

Page 1: Filipino Report

Mga katangiang taglay ng mga salita

Ang salita ya kumakatawan sa konsepto o ideya. Habang tumatanda ang tao ang konseptong kinakatawan ng salita ay unti-unting nagiging dalisay at wasto. At habang patuloy na nagbabasa ang isang tao. Lalo namang lumalawak ang kaniyang kaalaman tungkol sa kahulugan ng mga salita. Mahalaga ang kasanayan sa pagbabasa kayat ito ay dapat na linangin sa isang indibidwal.

Gayunpaman, dapat mabatid ng mambabasa na ang mga salita ay mayroon ding taglay na mga katangian tulad ng mga sumusunod:

Page 2: Filipino Report

1. Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng maraming kahulugan. Dahil dito, mahalagang makilala ng mga mambabasa kung paanoginamit ang mga salitasa pangungusap.

a. May kargang palay ang kariton. (sakay o lulan)

b. apat ng karga ng buhangin at graba ang ipinadiliber ko. ( dami ng bagay na kinarga ).

Page 3: Filipino Report

2. ang mga salita ay maaring gamitin sa paraang patayutay.

Ang mga salitang ito ay nagtataglay ng kahulugan kaiba sa literal na kahulugan. Dahil dito, kailangan ng mambabasa ang kritkal na pag-iisip upang makuha ang kahulugan ng mga salitang ito at lalong maunawaan ang tekstong binabasa.

Ibat ibang uri ng Tayutay na karaniwang ginagamit ng mga manunulat:

Page 4: Filipino Report

a. Simile o pagtutulad. Ito ay paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba na ginagamitan ng mga salitang parang, tulad, wangis, animo, anaki, kapara at iba pa.

Si vicitacion ay kawangis ni Birhen Maria.

Animoy mga leong nagwawala ang mga manlalaro ng volleyball.

Talagang maririnig ko ang tinig mong sing lakas ng batingaw.

Page 5: Filipino Report

b. Pagwawangis o metapora. Itoy tahasang paghahambing ng dalawang bagay na di magkauri ngunit hindi ginagamitan ng mga salita/pariralang pagtutulad na ginagamit sa simile.

“Talagang ahas ka, Mando” sigaw ni Ernel sa kaniyang matalik na kaibigan.

Batas ang mga salitang ibinubulalas niya.

Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.

Page 6: Filipino Report

c. Personipikasyon o pagbibigay-katauhan. Sa ganitong uri ng tayutay, ikinakapit sa mga bagay na walang buhay ang mga katangian o kilos ng tao.

Umiiyak ang puso ko dahil sa iyong paglisan.

Sumasayaw ang mga puno’t halaman sa saliw ng hangin.

Nag ngit-ngit sa galit ang bulkang Pinatubo ng itoy sumabog.

Page 7: Filipino Report

d. Hyperbole o pagmamalabis. Ito ay tumutukoy sa pagpapahalaga nang lampas o kulang sa katotohanan o sa normal na kalagayan upang mapaigting ang diwang nais iparating ng manunulat.

Bumaha ng dugo sa basilan nang magkasagupa ang mga Militar at Abu Sayaff.

Susuot ka muna sa butas ng karayom bago ka pakapagtapos ng pag-aaral.

Inabutan ako nang isang taon sa kakahintay sa iyo.

Page 8: Filipino Report

e. pagpapalit-tawag o metanomiya. Ito ay isang tayutay na ang ngalan o katawagan ng isang bagay na tinutukoy ay pinapalitan ng ibang ngalan o katawagan.

Batay sa tip ng isang mapagkawanggawa. Nalantad ang kalbaryo ng isang kaaw-awa, ang mga mata ng sumugod na pulis ay namasa nakalulunos na kaalipustahan ng isang bata. (pasakit o pahirap) --halaw sa “Mga putol na taludtod para kay Dondon Mahinay”

Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang tagumpay.

Page 9: Filipino Report

f. pagpapalit saklaw o sinekdoke. Sa tayutay na ito, pinagpapalit ang dalawang bagay sapagkat mayroong pagkakaugnayan, tulad ng bahagi at kabuuan nito, isang bagay at ang sangkap nito, o lalagyan ay inilagay dito.

Bakit mo hinahamak ang kamay na nagpapala sa iyo? ( ang kamay na bahagi ng katawan ng tao ay ipinalit sa tao ).

Page 10: Filipino Report

Anupa’t nagtanim ka ng trigo sa isang lupain at habang lumalago ito, tumutubo din ang mga ligaw na damo na siyang umaagaw ng sustansya ng trigo. Kapag araw na ng anihan, lahat ng tumubo sa lupa ay aanihin at paghihiwalayin ang ligaw na damo sa trigo, kung saan ang trigo ay iimbakin at ang ligaw na damo ay susunugin.

----Hango sa mga talinghaga patungkol sa kaligtasan sa bibliya (bagong tipan)

Page 11: Filipino Report

g. apostrophe o pagtatawag. Itoy panawagan o pakiusap sa isang tao o inaaring tao na hindi naman kaharap ng nagsasalita.

“ O, buwan, buwan tanglawaan mo ako!”

Pag-ibig, kailan ka dadapo sa aking pusong uhaw sa iyo.

Diyos ko!, iaadya niyo po ako sa lahat ng masama.

Page 12: Filipino Report

3. Ang salita ay ginagamit din sa idyomatikong pahayag.

Ang mga idyomatikong pahayag ay mga pariralang ang kahulugan ay hindi hango sa alinmang bahagi ng pananalita. Ang kahulugan nito ay hindi bunga ng pagsasama ng kahulugan ng mga salitang bumubuo sa mga ito kundi isang natatanging kahulugang naiiba sa mismong parirala. (Pineda, 1982).

Page 13: Filipino Report

Mga Halimbawa ng idyomatikong pahayag:

Si junior ay sakit ng ulo ng kanyang mga magulang. (problema)

Inilista na lamang sa tubig ni aling marta ang utang niya kay Aling Godyang. (utang na wala ng bayaran).

Tunay ngang Makapitlag-puso ang tanawing makikita mo sa lawa ng bulusan. (nakakaliw)

Page 14: Filipino Report

4. May mga salitang ginagamitan din ng pag-uuyam na tinatawag na ironiya.

Ang mga salitang Ironiya ay ginagamit sa paglibak, pangungutya o pag-uuyam sa tao, bagay o pangyayaring tinutukoy.

Mga halimbawa:

Daming mukhang mahal ay maskaraAng tunay na mukhang itinatago’y ganid pala:Buti pa ang hamak ang mukhang pagaspas at pangit sa iba.Kung sa dibdib may pusong maganda.

Page 15: Filipino Report

Marami sa mga nakaupo ay mapagbalat-kayo,Pilit na ikinukubli ang tunay na pagkataoAnimo’y mas mataas pa sa pangkaraniwang

mamamayanYun pala’y sila ang siyang latak ng Lipunan.

Page 16: Filipino Report

Mga salitang ginagamit sa idyomang pahayag

Ang ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komosisynal – sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kani-kaniyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

Idyoma

Page 17: Filipino Report

Halimbawa:

Butas ang bulsa – walang pera

Ilaw ng tahanan – ina

Bukas ang palad – mapagbigay

Nagbibilang ng poste – walang trabaho

Buwayang lubog – taksil sa kapwa

Page 18: Filipino Report

Pantay na ang mga pa- patay na

Mabigat ang dugo - kinaiinisan

Magaan ang bibig - palabati; magiliw makipagkapuwa

Kalapating mababaa ang lipad – mababang uri ng babae (pakawalang anghel)May kurus ang dila — nagkakatotoo ang bawat sabihin

Page 19: Filipino Report

Iba pang idyoma

•Bad hair dayKahulugan: isa sa mga araw na walang nangyayaring maganda o mabuti.

Pinagmulan: nagmula sa 1992 na pelikula na buffy the Vampire slayer. Ito ang eksaktong linya mula sa palabas: Buffy (kristy Swanson) para sa isang bampirang may iisang braso na si Amilyn ( Paul Reubens) : “I’m Fine but you are obviously having a Bad Hair Day”

Pangungusap: We can see on her face that she is totally having a Bad Hair Day

Page 20: Filipino Report

•Birds with the same feather flocks together

Kahulugan: Pagsasama-sama ng mga may iisang hilig. Paguumpukan ng mga magkakaugali.

Pinagmulan: Nakilala noong 1600 dahil kay Philemon Hollan, in translation of: “Livy’s romance Historie” mula sa orihinal nitong porma na “as commonly birds of feather will fly together”

Pangungusap: They are destined to meet, because birds of a feather flock together.

Page 21: Filipino Report

•Break a Leg

Kahulugan: Pagsasbi ng ‘goodluck’ sa mga artista bago magtanghal sa entablado.

Pinagmulan: Ang mga Teatro ay kilala sa kanilang pamahiin. Ang salitang ‘Break a Leg’ ay lumutang dahil sa paniniwala na dapat magsalita ng ‘good luck’ sa isang aktor dahil ang kabaliktaran ang maaaring mangyayari.

Pangungusap: Break a Leg guys, I hope you do it right.

Page 22: Filipino Report