22
1. Mythology Mitolohiya kinakatawan ng mga istoryang ayon sa istorya galing sa isang kultura o instutosyon o sa tao. 2. Aztec Mythology Mitolohiya ng Aztec Mitolohiya sa gitna at timog Mexico. 3. Celtic Mythology Mitolohiya ng Celtic Ang paniniwalang pangrelihiyon at Gawain ng mga sinaunang Celts. Ang mga sinaunang Indo-European. 4. Griyego Mythology Mitolohiya ng mga Griyego kinakatawan ng mga sali’t saling kwento ukol sa mga diyos, mga bida at ritual ng mga sinaunang Griyego. 5. Egyptian Mythology Mitolohiya ng Ehipto Ang Mitolohiya ng mga Ehipto. 6. Islamic Mythology Mitolohiya ng Islam Ang mitolohiya sa rehiyon ng Pre-Islamic at Persia. 7. Japanese Mythology Mitolohiya ng bansang Hapon Ang mitolohiya ng bansang Hapon. Ang mga pinagmulan nito ay ang relihiyong Shintoism at Buddhism at ang mga diyos, tao, ispirito at ang mga hayop na lumitaw sa maraming alamat at kwento. 8. Norse Mythology Mitolohiya ng Norse Ang mitolohiya ng rehiyon ng Scandanavia. Ang pinagmulan nito ay sa Icelandic Eddas. Ang pinagkortehan nito ay nanggaling sa Germanic Europe. 9. Oceanic Mythology Mitolohiya ng Oceanic Ang pinagsamsam na pangalan para sa mga isla na nagkalat sa buong Karagatang Pasipiko. Binubuo nito ng Australasia, Polynesia, Micronesia at Melanesia. 10. Pantheon 1. Templo ng mga diyos; 2. isang bantayog kung saan ipinagbubunyi ang mga bayaning nasawi; 3. Ang mga diyos ng relihiyon. 11. Aztec Miyembro ng mga Nahuatl na nagtatag ng imperio sa bansang Mexico na itinaob ni Cortes noong 1519. 12. Nahuatl Miyembro ng mga sari’t-saring taong Indian sa gitnang Mexico.

FO230 - Chapter I (Tagalog

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: FO230 - Chapter I (Tagalog

1. Mythology Mitolohiya kinakatawan ng mga istoryang ayon sa istorya galing sa isang kultura o instutosyon o sa tao.

2. Aztec Mythology Mitolohiya ng Aztec Mitolohiya sa gitna at timog Mexico.

3. Celtic Mythology Mitolohiya ng Celtic Ang paniniwalang pangrelihiyon at Gawain ng mga sinaunang Celts. Ang mga sinaunang Indo-European.

4. Griyego Mythology Mitolohiya ng mga Griyego kinakatawan ng mga sali’t saling kwento ukol sa mga diyos, mga bida at ritual ng mga sinaunang Griyego.

5. Egyptian Mythology Mitolohiya ng Ehipto Ang Mitolohiya ng mga Ehipto.

6. Islamic Mythology Mitolohiya ng Islam Ang mitolohiya sa rehiyon ng Pre-Islamic at Persia.

7. Japanese Mythology Mitolohiya ng bansang Hapon Ang mitolohiya ng bansang Hapon. Ang mga pinagmulan nito ay ang relihiyong Shintoism at Buddhism at ang mga diyos, tao, ispirito at ang mga hayop na lumitaw sa maraming alamat at kwento.

8. Norse Mythology Mitolohiya ng Norse Ang mitolohiya ng rehiyon ng Scandanavia. Ang pinagmulan nito ay sa Icelandic Eddas. Ang pinagkortehan nito ay nanggaling sa Germanic Europe.

9. Oceanic Mythology Mitolohiya ng Oceanic Ang pinagsamsam na pangalan para sa mga isla na nagkalat sa buong Karagatang Pasipiko. Binubuo nito ng Australasia, Polynesia, Micronesia at Melanesia.

10. Pantheon 1. Templo ng mga diyos; 2. isang bantayog kung saan ipinagbubunyi ang mga bayaning nasawi; 3. Ang mga diyos ng relihiyon.

11. Aztec Miyembro ng mga Nahuatl na nagtatag ng imperio sa bansang Mexico na itinaob ni Cortes noong 1519.

12. Nahuatl Miyembro ng mga sari’t-saring taong Indian sa gitnang Mexico.

13. Achelois (Griyego) Diyosa ng buwan na inialay sa utos ng Dodonian Oracle.

14. Achelous (Griyego) Isang malaking diyos ng ilog na may ulo ng toro at may buntot ng ahas. Anak ni Oceanus at Thetys. Siya ay madulas at basain.

15. Acheron (Griyego) Diyos ng ilog. Anak ni Helios at Gaia, na kumampi sa mga Titan laban sa mga diyos ng sinaunang labanan, hindi mismo sa pakikipaglaban kundi siya ang tagahatid ng tubig.

16. Achilles (Griyego) Bayaning anak ni Peleus at Thetis, isang Nereid. Siya ay walang kibo, mapaglihim at malalim.

17. Achthonian (Griyego) Diyosa ng mga lupa at sa kailaliman nito.

Page 2: FO230 - Chapter I (Tagalog

18. Acidalia (Griyego) Palayaw ni Aphrodite, ipinangalan sa bukal ng parehong pangalan sa Boeotia, kung saan doon siya ay naligo.

19. Adamanthea (Griyego) Isa sa mga Nimpas, siya ang nag-alaga at nagtago sa sanggol na si Zeus buhat kay Cronus, isang lumalamon ng mga sanggol.

20. Adephagia (Griyego) Diyosa ng tamang pagkain at kasiyahan.

21. Adonis (Griyego) Diyos ng pagnanasa.

22. Adrastea (Griyego) Diyosa ng banal na paghihiganti.

23. Aeacos (Griyego) Hari ng Attica. Anak ni Zeus at Aegina.

24. Aegaeon (Griyego) Palayaw ni Briareus. Kumakatawan din bilang anak ni Poseidon at isang diyos ng hukbong Dagat Aegea.

25. Aegina (Griyego) anak ni Asopus, diyos ng ilog.

26. Aegle / Aigle (Griyego) Isa sa mga Hesperides, Nimpao na nagaalaga ng gintong mansanas ng walang kamatayan.

27. Aello (Griyego) Isa sa mga Harpy ng Griyego na ipinasok ng mga diyos para gumawa ng kapayapaan at magbigay ng parusa sa mga ginawang kasalanan. Si Aello ay inilalarawan na isang magandang babaing bagwis.

28. Aeolos / Aeolus (Griyego) Diyos ng Hanging Katimugan. Anak ng Hari na ang pangalan ay Hippotes at nakatira sa kuta sa isla ng Lipara, malapit sa Sicily.

29. Aer (Griyego) Diyos ng Hangin sa mababang atmospero. Siya ay lumulutang sa ilalim ni Aether at tagapamahala sa hangin na ating hininga.

30. Aesculapius / Asclepius (Griyego) Bayani ng mga Griyego na sa banding huli ay nagging Diyos ng medisina at lunas. Anak ni Apollo at Coronis, siya ay sinasamba sa buong Griyego subalit ang pinakasikat na sambahan ay makikita sa Epidaurus sa dakong Hilagang Silangang Peloponnes.

31. Aether (Griyego) Imahen ng hangin na wagas sa gawing itaas kung saan nakatira ang mga Diyos, na kasalungat sa Aer. Anak ni Erebus at Nyx, siya isa sa mga elemento ng cosmos at kaluluwa ng mundo kung saan nagmula ang lahat ng nabubuhay.

32. Aethon (Griyego) 1. Sinaunang Diyos ng Famine; 2. Isa sa mga kabayo ni Helios, isang Diyos ng Araw (Ovid II, 153). At sa Virgil (XI, 89) ay kabayo ni Pallas.

33. Aetna (Griyego) Diyosa ng bulkan ng Bundok Etna sa Sicily. Anak na babae ni Uranus at Gaia.

34. Agave (Griyego) Anak na babae ni Cadmus at ina ni Pentheus. Pinatay ni Agave ang kanyang anak na lalaki nang siya ay magkasakit ng Dionysic Madness (Ovid III, 725).

Page 3: FO230 - Chapter I (Tagalog

35. Agdistes / Agdos (Griyego) Ang binabaeng anak ni Zeus at Cybelle. Bantay sa Tore ng Bliss.

36. Aglaea / Aglaia (Griyego) Ang bunso sa tatlong Charites (Biyaya). Minsan ay kumakatawan bilang asawa ni Hephaestus. Ang ibig sabihin ng kanyang pangalan ay “ang matalino, kahangahanga at maningning na nilalang”.

37. Aglauros / Aglaurus / Agraulos (Griyego) Anak na babae ni Cecrops. Kapatid ni Herse at Pandrosus.

38. Alcmene (Griyego) Asawa ni Amphityron. Nagpakita sa kanya si Zeus at nagkunwaring si Amphityron at kanya itong inakit. Naakit siya ni Zeus at naging ina ni Heracles.

39. Alcyone / Halcyone (Griyego) Babaeng hindi ganap na diyos na minsan ay kinikilala bilang isa sa mga Pleiades. Anak na babae ni Aeolus at maybahay ni Ceyx, anak na lalaki ni Eosphorus at ang Hari ng Thessaly.

40. Alecto (Griyego) Pinuno ng mga Furies.

41. Alectrona (Griyego) Ang sinaunang diyosa na anak na babae ng araw.

42. Aloadae (Griyego) Ang Dalawang higante na sina Otus at Ephialtes ay mga anak na lalaki ni Aloeus at Iphimedea. Sila ay kilala sa kanilang pagiging malakas at mangahas. 54 talampakan na ang kanilang taas nung sila ay 9 taong gulang pa lamang

43. Alpheos / Alpheus (Griyego) Diyos ng ilog. Anak na lalaki ni Oceanus at Tethys. Umibig kay Arethusa, isa sa mga inanakan ni Nereus, sinundan niya ito hanggang sa ilalim ng dagat papuntang Sicily

44. Ampelius (Griyego) Anak na lalaki ng isang Satyr at isa sa mga nimpa.

45. Amphion (Griyego) Anak na lalaki ni Zeus at ng nimpang si Antiope, ang reyna ng Thebes. Kakambal niya si Zethus. Nang sila ay tumanda ay naghiganti sila sa hari ng Thebes ni si haring Lycus at sa asawa nitong si Dirce, na siyang umaalipin sa kanilang ina. Pinarusahan nila si Dirce sa pamamagitan ng pagtali sa kanya sa sungay ng isang toro. Nang kalaunan ay napangasawa niya si Niobe at nagkaroon ng 6 na anak na tinawag na mga Niobids

46. Amphitrite (Griyego) Ang reyna ng dagat. Anak na babae ni Proteus, kapatid ni Thetis, asawa ni Poseidon, ang hari ng dagat.

47. Amphitryon (Griyego) Ang pangalawang ama ni Heracles. Pagkatapos niyang aksidenteng mapatay ang kanyang biyenan na lalaki na si Electryon, Hari ng Mycenae, siya ay pinalayas sa syudad na iyon at namirmihan sa Thebes.

48. Amymone (Griyego) Anak na babae ni Danaus. Siya ay minsang sinalakay ng isang Satyr malapit sa isang bukal pero nailigtas ni Poseidon. Umibig ito sa kanya at naging ina ni Nauplius (na siyang nagtatag sa Nauplius na ngayon ay Nafplion), na isang daungan sa golpo ng Argolis. Ang kanyang katangian ay isang tabo

Page 4: FO230 - Chapter I (Tagalog

49. Ananke (Griyego) Diyosa ng tadhana at ina ng mga kapalaran. 50. Andromeda (Griyego) Siya ay anak na babae ni Cepheus at Cassiopeia, ang hari

at reyna ng Ethiopia.

51. Antaeus / Antaios (Griyego) Anak na lalaki ni Gaia at Poseidon. Isa siyang nakakatakot na higante na pinipilit ang lahat ng mga dayo na kalabanin siya ngunit lahat sila ay kanyang natatalo o napapatay. Siya ay mananatiling ubod ng lakas hanggat siya’y namamalagi sa kanyang ina (ang Mundo) dahil siya ang nagbibigay sa kanya ng lakas.

52. Anteros (Griyego) (“pagbabalik o magkaibang pag-ibig”) ("return- or opposite-love") Kapatid ni Eros. Diyos ng pag-ibig na wagas.

53. Anticlea / Antiklia (Griyego) Anak na babae ni Autolycus, maybahay ni Laertes at ina ni Odysseus. Namatay siya sa kalungkutan dahil sa pagkawala ni Odysseus.

54. Antiope (Griyego) Prinsesang amazona na umibig kay THESEUS.

55. Apate (Griyego) Ang diyosa ng Kataksilan, anak ni Nyx. Isa siya sa mga ispiritu na nasa loob ng Pandora’s Box.

56. Aphrodite (Griyego) Ang magandang diyosa ng pag-ibig. Anak ni Uranus.

57. Apollo / Apollon (Griyego) Anak na lalaki ni Zeus at Leto at kakambal ni Artemis. Siya ang diyos ng musika at ng hula, pananakop, medisina, pamamanâ, tula, sayaw, matalinong pag-uusisa at taga pangalaga ng mga kawan at mga kapon. Diyos din siya ng liwanag na mas kilala bilang “Phoebus”.

58. Arachne (Griyego) Siya ay isang dalaga mula sa Lydia. Minsang nasabi na isa raw siyang prinsesa na sumakit sa damdamin ni Athena at pinagdusahan ang kanyang ginawa. Ang kanyang istorya ay nagsilbing aral sa lahat na huwag sasaktan ang damdamin ng mga diyos.

59. Arcas (Griyego) Anak na lalaki ni Zeus at ng nimpang si Callisto na ginawang oso ni Hera dahil sa inggit.

60. Ares (Griyego) Ang diyos ng digmaan, matangkad at makisig, ngunit hambug at malupit di tulad ng kanyang kapatid na si Hephaestus na mabait.

61. Arethusa (Griyego) Isa sa mga NEREIDS. Pumunta sa Sicily at ginawang batis ni Artemis.

62. Argeos (Griyego) Sinaunang diyos ng bukid. Anak na lalaki ni Apollo at ng nimpang si Cyrene. Ang patron ng pangangaso, agrikultura, ng mga baka at lalung-lalo na ng pag-aalaga ng mga bubuyog.

63. Argus (Griyego) Isang higante na may isandaang mata.

64. Ariadne (Griyego) Anak na babae ni Haring Minos at Pasiphae ng Crete, na sumalakay sa Athens pagkatapos na mapatay ang kanyang anak doon.

Page 5: FO230 - Chapter I (Tagalog

65. Arion (Griyego) Mangaawit at ang makata ng Methymna sa Lesbos. Siya ay matagal na nanirahan sa mansyon ng Periander sa Corinth. Anak na lalaki ni Poseidon at Oneaea, isang nimpa ng dagat.

66. Arion (2) (Griyego) Ang ubod ng bilis at walang kamatayang kabayo ni Adrastus.

67. Aristeas (Griyego) Manunulâ ng Epiko, salamangkero at ang pari ni Apollo.

68. Artemis (Griyego) Anak na babae ni Leto at Zeus, kakambal ni Apollo. Ang mabangis na diyosa ng pangagaso, pagpapalaya sa mga hayop, pagiging matapang, at ng mga kababaihan.

69. Asopus (Griyego) Diyos ng Ilog ng katulad na pangalan na umaagos sa Boeotia, Central Gresya. Anak ni Oceanus at Tethys. Ama ni Aegina.

70. Asteria (Griyego) Ang anak ng Titan na si Coeus at Phoebe, Ina ni Hecate. Siya ay kinuha ni Zeus ngunit tumakas at tumalon sa dagat at naging isla ng katulad na pangalan.

71. Astraea (Griyego) Anak na babae ni Zeus at Thermis. Siya ay, katulad ng kanyang ina, ay diyosa ng hustisya.

72. Astraeus (Griyego) Diyosa ng apat na hangin at maybahay ni Eos.

73. Atalanta (Griyego) Isang atletang babae na naging bayani pagkatapos paslangin ang isang baboy-ramo ng Calydonia.

74. Ate (Griyego) Diyosa ng pang-aakit, ng masidhi at hangal na simbuyo ng damdamin, na kadalasan ay bunga ng kasalanan na humahantong sa paghihiganti. Ang diyosa ng di-pagkakasundo-sundo at kapilyuhan. Inakit niya ang tao na gumawa ng masama at inakay niya ito sa kanyang kasiraan.

75. Athamas / Athamus (Griyego) Ang diyos ng pagpapalaki sa mga bata. Ang hari ng Orchomenus, anak ni Aeolus. Hiniwalayan niya ang kanyang unang asawa, ang diyosang si Nephele, para mapangasawa niya si Ino, ang anak ni Cadmus. Nagkaroon siya ng 2 anak kay Nephele, na sina Phrixus at Helle, at dalawa din kay Ino na sina Learches at Melicertes.

76. Athena / Athene (Griyego) Diyosa ng karunungan, digmaan, sining, industriya, hustisya at ng kaalaman. Siya ang paboritong anak ni Zeus, anak ni Metis: ang unang asawa ni Zeus.

77. Atlantides (Griyego) Ang pangalang ibinigay sa mga Pleiades, na sinasabing sila ang mga pitong anak na babae nila Atlas at Pleione. Ginawang kalapati ni Zeus at ang kanilang imahe ay inihalay sa mga tala.

78. Atlas (Griyego) Ay isang ninuno ng mga Titans, ang Griyegong lahi ng mga higante at anak na lalaki ni Lapetus at ng nimpang si Clymene. Ama ni Hesperides, ni Hyades at ng Pleiades. Pinarusahan siya ni Zeus na panghabambuhay niyang papasanin ang lubos na kahirapan. Dahil dito, ang ibig sabihin ng kanyang pangalan ay “taga-pasan” o “taga-tiis”.

Page 6: FO230 - Chapter I (Tagalog

79. Atropos / Morta (Griyego) Ang pinakamatanda sa tatlong Moirae, ang mga diyosa na namamahala sa kapalaran imbis na alamin ito. Siya ang kapalaran na pumutol sa hibla ng buhay. Siya ay kinalala bilang “di-maiiwasan”.

80. Augean stables (Griyego) Ang ika-anim na trabaho ni Heracles ay hindi madali. Ito ay mga bodega ng mga basura at dumi ng hayop.

81. Aurai (Griyego) Diyosa ng magaan na hangin.

82. Autolycus / Autolykos (Griyego) Anak na lalaki ni Chione at Hermes, at lolo ni Odysseus. Siya ay kilala sa kanyang pagiging tuso at mapanlinlang na magnanakaw.

83. Auxesia (Griyego) Diyosa ng paglaki, pero maaaring ito ay isang palayaw ni Demeter. Madalas na isinasama kay Damia.

84. Bacchae (Griyego) Ibang tawag sa mga Maenads: kinahuhumalingang mga babae ni Dionysus.

85. Bellerophon (Griyego) Anak ni Haring Glaucus, Anak ng pinakamahusay na mangangabayo ng panahong iyon. Tinuruan ng kanyang ama simula noong bata pa siya. Pinadala ni Lobates upang paslangin ang Chimera. Apo ni Sisyphus.

86. Bia / Bias (Griyego) Ang imahe ng kapangyarihan at lakas, anak na babae ni Pallas at Sty, kapatid nina Nike, Cratos at Zelus. Siya ay pinilit na itali si Prometheus bilang kaparusahan sa pagnanakaw ng apoy mula sa mga diyos.

87. Boreads (Griyego) Sina Calais at Zetes ay mga kambal na anak ni Boreas kay Oreithyia. Sila ang mga bayaning sumama kay Jaanak sa kanyang paglalakbay patungong Argo. Ang mga miyembro ng Argonauts at si Jaanak ay nagkaroon ng maraming pakikipagsapalaran, kabilang dito ang pakikipaglaban nila sa mga Harpies.

88. Boreas (Griyego) Diyos ng hanging amihan na tumira sa Thrace. Siya inilarawan na merong pakpak, ubod ng lakas, may balbas at karaniwang nakasuot ng maigsing damit. Siya ay anak ni Eos at Astraeus, at kapatid ni Zephyrus, Eurus at Notus

89. Briareos / Briareus (Griyego) Ang tuktok na puno ng Hecantonchires, ang nilalang na may isandaang kamay at limampung ulo.

90. Bromios (Griyego) Palayaw ni Dionysus.

91. Cadmus (Griyego) Anak na lalaki ni Agenor at kapatid ni Europa. Siya ang nagtatag ng siyudad ng Thebes.

92. Caeneus / Caenis (Griyego) Anak na babae ni Elatus na hinalay ni Poseidon. Na pagkatapos ng pangyayaring yon ay pinangakuan niyang tutuparin niya ang kahit na anong hilingin niya. Hiniling niya na maging lalaki upang hindi na mangyari sa kanya iyon ulit. Ginawa siyang isang malakas at matapang na mandirigma ni Poseidon at naghiganti siya sa mga kalalakihan.

93. Calchas (Griyego) Ninuno ni APOLLO, siya ay isang magaling na propeta at opisyal na manghuhula ng mga Griyego noong Trojan War.

Page 7: FO230 - Chapter I (Tagalog

94. Calliope (Griyego) Diyosa ng kahusayan sa pananalita at mga tula.

95. Calypso (Griyego) Diyosa ng katahimikan. Isang nimpa, anak na babae ng Titan na si Atlas. Nakatira siya sa isla ng Ogigya.

96. Cassandra (Griyego) Ang pinakamaganda sa mga anak na ni Haring Priam at Reyna Hecuba ng Troy.

97. Castor (Griyego) Ang kakambal ni Polydeuces (Pollux), ay isa mga kambal na tala na bumubuo sa Gemini. Siya ang anak na lalaki ni Zeus at ang mortal na si Leda ng Sparta. Siya at ang kanyang kapatid ay nagmula sa itlog pagkatapos dalawin ni Zeus si Leda bilang isang tagak.

98. Cecrops (Griyego) Kalahating tao at kalahating ahas, pinanganak mula sa lupa, kilalang ninuno ng mga Griyego. Siya ang nagtatag at naging unang hari ng Athens.

99. Celaeno (Griyego) Tala ng PLEIADES. Pangalan ng Harpy.

100. Ceneus (Griyego) Palayaw ni Zeus pagkatapos ng templo ng Cape Canaeum sa Eubonea.

101. Cerberus (Griyego) Ang aso na may tatlong ulo na nagbabantay sa pintuan ng Hades. Anak ng higanteng si Typhon at si Echidna (isang nakakatakot na nilalang na kalahating babae at kalahating ahas).

102. Cercopes (Griyego) Mga salbaheng ispiritu ng kahoy mula sa kwentong bayan ng bansang Griyego.

103. Cerynean-hind (Griyego) isa sa limang usa na may gintong sungay na isang sagrado kay ARTEMIS.

104. Ceto (Griyego) anak na babae ni Gaia at Pontus, kapatid ni Phorcys, na siya ring asawa niya, at nina Thaumas at Eurybia. Siya ang imahe ng mga kapahamakan at kakatakutan ng dagat. Nang kalaunan, ang kanyang pangalan ay naging pangalan na din ng mga halimaw sa dagat.

105. Chaos (Griyego) Diyosa ng kahungkagan at kalituhan. Isa siyang kawalan na nagbigay buhay sa sansinukob. SIna Gaia at Eros ay nanggaling kay Chaos, pati rin si Nyx.

106. Charites (Griyego) Ang tatlong diyosa ng bighani at pagpapatawa.

107. Charon (Griyego) Ang bangkero ng mga patay. Ang mga kaluluwa ng mga yumao ay dinadala sa kanya ni Hermes, at dinadala niya iyon sa Ilog ng Acheron. Tinatanggap lamang niya ang mga patay na inilibing o sinunog sa tamang pamamaraan, at kapag binayaran nila siya ng obolus o barya para sa kanilang paglalakbay. Dahil doon, ang mga bangkay ay palaging obolus sa ilalim ng kanilang dila.

108. Charybdis (Griyego) Anak na babae ni POSEIDON, na nagkaproblema dahil sa pagnakaw ng oxen kay HERACLES.

Page 8: FO230 - Chapter I (Tagalog

109. Cheiron (Griyego) Hari ng mga Centaur, anak ni Cronus. Matalino at may malawak na kaalaman sa sining ng paglunas.

110. Chelone (Griyego) Isang nimpa na ginawang pawikan dahil tinanggi niya ang pagdalo niya sa kasal nina Zeus at Hera. Sa kanyang paghahamak siya ay hinatulan ng walang hanggang katahimikan.

111. Chimaera / Chimera (Griyego) Inilalarawan na isang hayop na may ulo ng leon, katawan ng babaeng kambing at may buntot ng dragon. Anak ni Typhon at Echidna.

112. Chione (Griyego) Diyosa ng niyebe. Nakaupo sa kalangitan at nagwiwisik ng tilad sa lupa. Anak na babae nina Boreas at Oreithyia.

113. Chloris (Griyego) Diyosa ng mga bulaklak at imahe ng tagsibol. Siya ang asawa ni Zephyrus.

114. Chronos (Griyego) Imahe ng oras. Siya ay inililalarawan na isang matalinong matandang may mahabang balbas na kulay abo.

115. Circe (Griyego) Anak na babae ng araw, isang manggagaway na kilala sa kanyang kakayahan nag gawing hayop ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang mahiwagang patpat. Anak ni Perse at Helios at ang anak na babae na si Aega.

116. Clio (Griyego) Ang paraluman ng makasaysayang tula. Kasama si Pierus, Hari ng Maedonia, siya ang ina ni Hyacinth. Siya ay pinuri dahil siya ang nagpsok ng abakada ng Phonecia sa bansang Griyego. Ang kanyang sagisag ay karaniwang isang kumpol ng tableta.

117. Clotho (Griyego) Ang pinakabata sa tatlong tadhana, ngunit isa sa pinakamatandang diyosa ng Mitolohiya ng Griyego. Anak na babae ni Zeus at Themis.

118. Clymene (Griyego) (1) Anak na babae ni Oceanus at Thetys at maybahay ni Lapetus. Ang kanyang mga anak au sina Atlas, Epimetheus, Prometheus at Menoetius. (2) Asawa ni Helios at ina ni Phaeton. (3) Ina ni Atalanta. (4) Apo ni Haring Minos ng Crete at ina ni Palamedes.

119. Coeus (Griyego) Isa sa mga Titan, ama ni Leto, asawa ni Phoebe at lolo ni Apollo, Artemis at Asteria.

120. Comus (Griyego) Diyos ng komedya, biro at pagsasalu-salo.

121. Cottus (Griyego) Isa sa mga tatlong dambuhala na may isandaang kamay, ang Hecatonchires.

122. Cotys / Cotytto (Griyego) Diyosa sa Thracian ng pagiging magaslaw at panggabing libangan.

123. Cretan-bull (Griyego) Ang ikapitong trabaho na dinala si Heracles sa labas ng Peloponnese sa Crete. Ang kanyang trabaho ay ang dakpin ang isang mabangis na toro na may pambihirang lakas.

Page 9: FO230 - Chapter I (Tagalog

124. Crius (Griyego) Isa sa mga Titan. Siya at ang kanyang mga kapatid ay mga anak ni Uranus at Gaia.

125. Cronos (Griyego) Anak ni Uranus and Gaia, ay ang pinakabata sa labindalawang Titan at ama ng mga diyos. Ang kanyang asawa ay isa rin sa mga Titan sapagkat pinakasalan niya si Rhea. Ang kanilang mga anak ay sina Demeter, Hestia, Her, Hades, Poseidon at Zeus.

126. Cybele (Griyego) Diyosa sa ng mga Bundok at Mababangis na Hayop ng Phrygia. Siya ay sinasambahan sa tuktok ng bundok.

127. Cyclopes (Griyego) Higante na may isang mabilog na mata sa ginta ng kanilang noo. Sila ay malakas, matigas ang ulo at mabigla sa emosyon. Ang kanilang pagkilos ay humuhulaw ng marahas at malakas.

128. Cynthia (Griyego) Palayaw ni Artemis, na siyang isinasangguni sa lugar ng kapanganakan niya at ni Apollo sa Bundok Cynthus sa isla ng Delos.

129. Cyrene (Griyego) Anak na babae ng naiad Creusa at ng taong si Hypseus, hari ng mga Lapiths at apo ni Peneus, diyos ng ilog. Mahilig siyang pumunta sa kagubatan upang maghanap ng mababangis na hayop.

130. Danae (Griyego) Anak na babae ni Acrisius. May isang manghuhulang binalaan si Acrisius na baling araw ay papatayin siya ng anak ni Danae, kaya ikinulong niya ito sa kwarto na kung saan ay malayo sa mga kalalakihan. way from all male company

131. Daphnaie (Griyego) nimpa ng puno ng Laurel.

132. Decima (Griyego) Ikalawa sa tatlong Tadhana. Siya ang diyosa ng panganganak.

133. Deimos (Griyego) Diyos ng Katakutan. Ang ibig sabihi ng kanyang pangalan ay takot, at siya ang anak ni Ares, diyos ng digmaan.

134. Deino (Griyego) na ang ibig sabihin ay pangamba o takot, ay isa sa mga tatlong Graeae o mga babaeng kulay abo sa mito ng mga Griyego. Ang kanyang mga magulang ay sina Phorcys at Ceto. Ilan lang ang kanyang mga kapatid na babae kabilang sina Enys, Pemphredo at Graea. Ang iIba sa kanyang mga kapatid na babae ay mga babaeng halimaw na ang tawag ay mga Gorgon.

135. Demeter / Deo (Griyego) Ang pinaka diyosa ng mga tanim, ani, pagsasaka at pagpapasagana. Minsan siyang kinilala kay Rhea at Gaia. Anak ni cronus at Rhea at kapatid na babae ni Zeus na siyang naging ina ni Persephone.

136. Demphredo / Pemphredo (Griyego) Na ang ibig sabihin ay ‘hudyat’, siya ay isa sa mga Graeae, ang tatlong matatandang babae mula sa mito ng Griyego.

137. Despoena (Griyego) Isa siyang nimpa na anak nina Demeter at Poseidon, sinamba sa Arcadia sa Peloponnesus.

138. Deucalion / Deukalion (Griyego) Anak na lalaki nina Prometheus at Clymene. Nang pinarusahan ni Zeus ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbaha dahil sa

Page 10: FO230 - Chapter I (Tagalog

kakulangan ng respeto, siya at ang ang kanyang maybahay na si Phyrra ang natatanging nabuhay. Sila ay iniligtas nang dahil sa kanilang kabanalan.

139. Dice / Dike (Griyego) Diyosa ng katarungan para sa sangkatauhan. Ang kanyang ina na si Themis ay isang banal na hukom. Siya ay pinanganak na tao at inilagay sa mundo para panatilihin ang hustisya.

140. Dione (Griyego) mapamimiliang ina ni Aphrodite. Ang anyong babae ni Zeus.

141. Dionysus (Griyego) (1) Diyos ng alak, pagsasaka, at pagpapasagana ng kalikasan, na siya ring tinatangkilikang diyos ng panahon ng mga Griyego.; (2) Nirerepresenta niya ang mga kilalang katangaian sa mahiwagang relihiyon, tulad ng nasanayan ni Eleusis: kaligayahan, pansariling kaligtasan buhat sa pang araw-araw na Gawain ssa pamamagitan ng pisikal or ispiritual na kalasingan at pagpapasimula sa lihim na pagpapalibing.

142. Dioscuri (Griyego) ay sina Castor at Polydeuces (o Pollux), ang kambal na lalaking anak nina Leda at Zeus at mga kapatid ni Helen ng Troy. Sapgka’t pumunta si Zeus kay Leda sa anyo ng isang tagak, minsan sila’y nakilalang ipinanganak sa itlog.

143. Doris (Griyego) Diyosa ng dagat sa mitolohiya ng mga Griyego. Siya ang anak na babae nina Oeanus at Tethys (na pawing mga diyos at diyosa rin ng dagat). Maraming kapatid si Doris. Siya ang maybahay ng diyos ng dagat na si Nereus na siya rin niyang kinakapatid. Siya ay may limampung anak na babae na ang tawag ay mga Nereids. Nakatira siya sa Bundok ng Olympus.

144. Dryades / Dryads (Griyego) ang mga babaeng espirity ng kalikasan (o mga nimpa), na siyang namamahala sa mga kakahuyan at gubat. Sila ay pinanganak na may tiyak na puno na siyang babantayan. Ang Dryad ay nakatira man sa isang puno, na kung saan siya ay tinatawag na hamadryad, o malapit man doon. Ang buhay ng mga Dryad ay may kaugnayan sa mga puno; kung mapanaw man ang puno, siya rin ay papanaw kasama ng puno. Kapag ito ay sanhi ng isang mortal, siya ay paparusahan ng mga Diyos sa kanyang ginawa. Sila ring mga Dryads ang siyang paparusa sa mga taong pabaya na siyang sumisira sa mga puno.

145. Echidna (Griyego) Ang nakakatakot na kasama ni Typhon at anak na babae ni Ceto. Siya ay may ulo ng magandang nimpa ngunit may katawan ng isang serpiyente. Siya at ang kanyang mga anak ay niligtas ni Zeus bilang panghamon sa mga darating na bayani.

146. Echo (Griyego) isang magandang nimpa na may hilig sa musika. Siya ay nakakakanta ang nakakatugtog ng maraming instrumento. Nakatira siya sa madilim na kagubatan at tinanggian niya ang pag-big sa kahit sinu mang tao o immortal. Siya ay ang diyosa ng panggugulo at panlîliîgaw.

147. Eileithyia / Ilithyia (Griyego) Ang sinaunang diyosa ng mga Griyego, na siayng nagtatanggol ng mga komadrona, at tumulong sa panahon ng kapanganakan. Sa banding huli ay sinuri kay Hera o Artemis. Ang tawag sa kanya ng mga Romano ay Juno Lucina.

Page 11: FO230 - Chapter I (Tagalog

148. Electra (Griyego) (1) Isa sa mga Pleiades, maybahay ni Thaumas, ina ng mga diyosang sina Iris at mga Harpy; (2) Anak na babae nina Oeanus at Tethys. Siya ay may anak na lalaki na si Dardanus galing kay Zeus; (3) Anak na babae ni Agamemnon at Clymnestra at kapatid ni Orestes.

149. Eleuthia (Griyego) Diyosa ng panganganak at sakit o hirap sa kapanganakan.

150. Elpis (Griyego) Diyos ng pag-asa, na siyang tumindig kasama ng nagdadalamhating si Eros, na may hawak na bulaklak ng lily. Siya ay huling nakita na kumakapit papunta sa loob ng kahon ng Pandora.

151. Empousa (Griyego) Isang multo sa sinaunang mitolohiya ng mga Griyego. Siya ay lumalamon at tinatakot ang mga biyahero na madali niyang nakikita. Siya ay walang patawad sa mga manlalakbay na tumatawid sa kanyang landas.

152. Enyo (Griyego) Diyosa ng digmaan at taga-sira ng mga lunsod, minsang inilalarawan bilang anak ni Ares, ngunit isa rin niyang ina o kapatid. Siya puno ng dugo, at kapansin-pansing may pagka-marahas ang kanyang kilos. Si Enyo (o “takot”) ay isa sa mga Graeae, o mga tatlong matatandang babae.

153. Eos (Griyego) Imahe ng bukang-liwayway, anak na babae nina Hyperion at Theia at kapatid ni Helios (araw) at Selene (buwan). Kay Astraeus, siya ang ina ng apat na hangin: Boreas, Eurus, Zephyrus at Notus; pati din sina Heosphorus at ang mga Tala. Siya ay inilalarawan bilang isang diyosa na kung saan ang kanyang mga daliring kulay rosas ang siyang nagbubukas ng mga tarangkahan ng kalangitan papunta sa karo ng araw.

154. Epaphos / Epaphus (Griyego) Anak na lalaki ni Zeus at Io, na siya niyang pinanganak pagkarating niya sa pampang ng Nile pagkatapos ng kanyang pagtataka at pagbawi muli ng kanyang anyong tao. Siya ay naging hari ng bansang Ehipto at nakakita sa lunsod ng Memphis.

155. Ephialtes (Griyego) Isa sa mga Aloadae, anak na lalaki ni Poseidon at Iphimedeia. Siya ang Griyegong pinamunuang sinabi sa mga Persyan sa position ng mga Griyego sa panahon ng digmaan ng Thermopylae noong 400 BCE. Kasama ng kanyang kapatid na si Otus, si Ephialtis ay napakalaki.

156. Epimeliades (Griyego) mga nimpang punong gubat.

157. Epimeliads / Epimetheus (Griyego) ('pahabol') Anak na lalaki nina Iapetus at Clymene. Hangal niyang pinabayaan ang mga babala ni Prometheus na mag-ingat sa mga regalong galling kay Zeus. Tinanggap niya si Pandora bilang asawa niya, at nang dahil dito ay nagkaroon ng sakit at kalungkutan sa mundo.

158. Epiona (Griyego) maybahay ni Asclepius, diyos ng lunas at ina ni Panacea.

159. Erato (Griyego) ang dilidilihin ng mga tula, kabilang ang mga tulang tungkol sa pag-ibig at damdamin, at panggagaya. Siya ay karaniwang inilalarawan na may lira.

160. Erebus (Griyego) Kilala siya bilang isang imahe ng kasariwaang kadiliman, ang anak na lalaki ni haos. Ayon sa Theogony ni Hesiod, si Erebus ay pinanganak kay Nyx

Page 12: FO230 - Chapter I (Tagalog

(gabi), at ama nii Aether at Hemera (araw). Ang bangkerong si Charon na siyang nagdadala ng mga namatay sa mga ilog ng lalawigang nagliliyab, ay sinasabi ring anak ni Erebus at Nyx.

161. Erichthonius (Griyego) Ang Hari ng Athens. Anak na lalaki ni Hephaestus, diyos ng apoy at pagpapanday at si Gaia na siyang diyosa ng mundo.

162. Eris (Griyego) diyosa ng di-pagkakasundo at pakikipag-alit. Siya ang kasama ni Ares at sinusundan siya kahit saan. Siya ay mapanganib at walang galang, at ang kanyang pinaka liligayahan niya ay ang gumawa ng problema. Siya ay may gintong mansanas na makinang at makintab na maraming ang may gusto ng mansanas. Kapag inihagis niya ito sa kanyang mga kaibigan, ito ay mabilis na magtatapos. Kapag ito ay inihagis sa mga kalaban, ang digmaan ay magsisimula, dahil sa ang gintong mansanas ni Eris ay siya ring mansanas ng pagkakasira at di-pagkakasundo.

163. Eros (Griyego) ang diyos ng pag-ibig at pagnanasa (ang salitang eros ay makikita sa Iliad ni Homer, na siyang karaniwang pangngalan na ang ibig sabihin ay pagnanasa). Siya ay sinasambahan bilang diyos ng pagbubunga, ay pinaniniwalaan na kapanahon ni Chaos, at dahil doon, si Eros ay tinuring na isa sa mga pinakamatandang diyos.

164. Erymanthean-boar (Griyego) Ang pangatlong tinrabaho ni Heracles ay ang bakasan, huliin at ibalik si Eurystheus, ang malaking baboy, na siyang palaboy-laboy sa mga malalayong gubat sa Mount Erymanthus sa Arcadia.

165. Erytheia (Griyego) Isa sa mga Hesperides, mga nimpa na nag-iingat sa mga Gintong Mansanas ng Walang Kamatayan.

166. Eunomia (Griyego) diyosa ng kaayusan at pagpapagawa ng batas sa mitolohiya ng Griyego. Siya ay isa sa tatlong Horae. Anak na babae ni Zeus at Themis. Ang kanyang mga kapatid as sina Eirene at Dice. Nakatira siya sa Bundok ng Olympus.

167. Euphrosyne (Griyego) ‘Ligaya’. Isa sa tatlong kabutihan.

168. Europa (Griyego) Anak na babae ni Agenor, at minamahal ni Zeus. Nagpalit ng anyo si Zeus ng isang magandang putting toro at natagpuan si Europa sa dalampasigan. Nang nagpakita siya na isang maamong toro, sinuyo niya na umakyat sa kanyang likod at umalis kasama niya sa ibayong dagat papunta sa Crete. Sa Crete, si Eurpoa ay may tatlong anak na lalaki kay Zeus – sina Minos, Sarpedon at Rhadamanthys. Nagbigay din si Zeus ng tatlong regalo: ang taong bakal na si Talos, na siyang magsisilbing taga-bantay; ang aanakg si Laelaps, na di nagkakamali sa pagtibag at ang sibat na hindi nagkakamali sa isang marka. Pagkaraan non ay pinakasalan niya si Asterius, ang hari ng Crete.

169. Eurus (Griyego) Diyos ng hanging silangan. Anak ni Eos at Astraeus. Si Eurus ay ang hangin na nagbibigay init at ulan sa silangan. Kapareho niya si Vulturnus ng mga Romano.

170. Euryale (Griyego) Isa sa mga tatlong Gorgons.

171. Eurybia (Griyego) Diyosa ng karagatan na anak nina Pontus at Gaia. Ang ibig sabihin ng kanyang pangalan ay Balisang Gabi.

Page 13: FO230 - Chapter I (Tagalog

172. Eurydice (Griyego) Mapagmahal na maybahay ni Orpheus at isa sa mga Dryads. Isang araw ay tumatakbo siya sa damuhan kasama si Orpheus nang siya ay kinagat ng isang serpiyente. Ang laanak na nanggaling sa kagat ng serpiyente ay ikinamatay niya at siya ay agad na pinadala sa Hades.

173. Eurynome (Griyego) (1) Isang Oceanid, isa sa mga maraming anak na babae ni Oceanus. Siya ang ina ng mga Kabutihang Loob at diyosa ng malawak na pastulan; (2) Utusan ni Penelope; (3) Ina ni Adrastus; (4) Ina ni Agenor.

174. Eurystheus (Griyego) Hari ng Mycene, anak na lalaki ni Sthenelus. Sa pagiging tuso ni Hera, si Heracles ay naging kalaban ni Eurysthenus. Sa panahon ding iyon ay sinagawa niya ang Labindalawang Trabaho.

175. Euterpe (Griyego) mula sa kultura ng mga Griyego, siya ay isa sa mga siyam na paraluman ni Apollo. Ang ibig sabihin kanyang pangalan ay maayos na pagdiwang o kaligayahan. Siya ay pinanganak kay Zeus at Mnemosyne, ang diyosa ng alaala, kasama ang walo pa niyang mga kapatid. Siya ang paraluman ng musika at tulang panliriko. Siya rin ang paraluman ng ligaya at kagalakan at ang plutang pinatutugtog at napagkakamalang nagimbento ng dolihing pluta, na siya niyang katangian.

176. Fates (Griyego) Ang tatlong diyosa ng kapalaran at tadhana kung dili tawag ay mga Moirae. Sila ang mga diyosa na maykapangyarihan sa tadhana ng lahat mula sa sa kanilang kapanganakan hanggang sa silay mamatay. Sila ay sina: Clotho, ang nagpapainog ng hibla ng buhay ng tao; si Lachesis, ang taga-takda, na siyang nagpapasya kung ilang oras nalang pinahihintulutang mabuhay ang isang tao; at si Atropos, ang di-maiiwasan, na siyang pumuputol sa hibla kung kalian ka mamamatay.

177. Furies (Griyego) Ang mga diyosa ng paghihiganti ng mga Romano. Sila ay kapaerho ng mga Erinyes ng mga Griyego. Ang mga Furies ay kilala bilang tatlong magkakapatid (sina Alecto, Tisiphone at Magaera) na anak nina Gaia at Uranus. Bunga sila ng patak ng dugo ni Uranus na bumagsak sa mundo. Sila ay pinalitan sa mundong ilalim ni Virgil at doon sila ay nanirahan at pinarurusahan ang mga masasama at makasalanan.

178. Gaea / Gaia (Griyego) kilala bilang Ina ng Mundo. (na ang pangngalan ng “lupa” ay ge o ga).

179. Galeotes (Griyego) isang manghuhula sa Sicily.

180. Ganymede (Griyego) ang bata at magandang lalaki na naging isa sa mga inibig ni Zeus. Sabi mula sa isang mito ay umibig si Zeus kay Ganymede nang nakita niya ito habang hinahatid niya ang mga kapon sa Bundok ng Ida. Nagpalit si Zeus sa anyo ng isang agila at dinala si Ganymede sa Bundok ng Olympus na kung saan siya ay naging (cupbearer) ng mga tasa sa mga diyos.

181. Geryon (Griyego) may isang higanteng bagwis na may tatlong katawan na naninirahan sa pulo ng Erythea sa huling kanluran.

182. Glaucus (Griyego) (1) Isang mangingisda galling Anthedon (o Boeotia); (2) Hari ng Corint, anak nina Sisyphus at Merope.

Page 14: FO230 - Chapter I (Tagalog

183. Gorgons (Griyego) mga babaeng halimaw na kung saan pwedeng gawing bato ang sinuman na tumingin sa kanilang anyo. Sila ay pinanganak kay Ceto at Phorcys. May tatlong Gorgons: sina Euryale, Sthenno at si Medusa.

184. Graces (Griyego) Ang tatlong kabutihan o kagandahang loob ay ang mga imahe ng panghalina at kagandahan sa kalikasan at sa tao. Mahal nila ang lahat ng bagay na maganda at ipinagkakaloob nila ang talino sa mga tao. Kasama ng mga paraluman sila ay naglilingkod tulad ng pinagmulan ng inspirasyon sa tula at sa sining.

185. Graeae (Griyego) ang tatlong matatandang babae o mga babaeng kulay abo mula sa mitolohiya ng mga Griyego. Sila ay mga anak na babae nina Phorcys at Ceto, kapatid at tagapagtanggol ng mga Gorgon. Kulay abo na ang kanilang mga buhok mula noong pagkabata at may iisang mata at ngipin, na kung saan pinaghahatian nila ito.

186. Gratiae / Gyges (Griyego) Isa sa mga Hecatonchires at kapatid na lalaki ni Cottus at Aeaeon (Briareus). Kasama si Cottus ay naghimagsik sila laban kay Zeus at kinulong sa Tartarus ni Zeus bilang kaparusahan. Siya ay binantayan ni Briareus.

187. Hades (Griyego) Diyos of the mundong ilalim at anak nina CRONUS at RHEA.

188. Hamadryades (Griyego) Mga punong nimpa na nakatira at namatay kasama ng puno kung saan sila nanirahan.

189. Hapakhered (Griyego) Ang Griyego mula sa Harpa-Khruti ng Ehipto (Horus ng bata). Siya ay nilalarawan bilang isang hubo’t-hubad na batang lalaki na sinisipsip ang kanyang daliri. Ginawa siyang diyos ng katahimikan at panlilihim ng mga Griyego.

190. Harmonia / Harmony (Griyego) ang diyosa ng pagkakasundo at pagkakaintindihan.

191. Siya ang anak na babae nina Ares at Aphrodite at ina nina AGAVE, INO at SEMELE. Siya ay kasal kay Cadmus, hari ng Theban at siya ay minahal ng mga Theban.

192. Harpies (Griyego) (Magnanakaw) mga halimaw na bagwis na may mukha ng matandang pangit na babae na may baliko at matalas na kuko. Sila ay nilalarawan na nagdadala ng mga tao sa mundong ilalim at doon sila’y pinaparusahan o pinahihirapan. Ang mga taong iyon ay hindi na nakita muli.

193. Hebe (Griyego) diyosa ng kabataan, at anak na babae nina Zeus at Hera. Siya ang naglalagay ng nectar sa mga diyos sa Olympus hanggang pinalitan siya ni Ganymede. Si Hebe din ang naghahanda sa paliguan ni Ares at tinutulungan ni Hera sa kanyang karo. Nang naging diyos si Heracles ay pinakasalan niya ito. Ang tawag sa kanya ng mga Roman ay Juventas (“kabataan”).

194. Hecate (Griyego) diyosa ng salikop. Siya ay madalas na kinikilala na may tatlong ulo: isang aso, isang ahas at isang kabayo. Siya ay karaniwang nakikita na may dalawang asong anino na sinasabing naglilingkod sa kanya.

195. Hecatoncheires (Griyego) pinanganak kay Gaia at Uranus. Sila ay mas malakas, mas matiis at mas mabangis kaysa kay Cyclopes. Sila ay may isangdaang kamay at may limampung ulo. Ang pangalan nila ay Cottus, Briareus at Gyges.

Page 15: FO230 - Chapter I (Tagalog

196. Helen (Griyego) (kilala bilang “Helen ng Troy”) at anak na babae ni Leda at Zeus, at kapatid nina Dioscuri at Clytemnestra. Nang binisita ni Zeus si Leda sa anyo ng isang tagak, madalas na kinikilala si Helen bilang isang nilalang na pinanganak sa itlog. Siya ay kilala bilang pinakamagandang babae sa mundo.

197. Helios (Griyego) ang batang diyos ng araw. Siya ang anak ni Hyperion at Theia. Sa Oceanid Perse, siya ang naging ama nina Aeëtes, Circe, and Pasiphae. Ang dalawa niyang anak na babae ay sina Phaethusa (liwanag) at Lampetia (kumikislap). Mayroon siyang anak na pangalan ay Phaeton, na siya niyang pinayagan na patnubayan ang karo papunta sa langit. Ang hindi marunong na bata ay di mapigilan ang mga kabayo kaya ito ay nahulog patungo sa kanyang kamatayan.

198. Hemera (Griyego) diyosa ng araw. Pinanganak siya mula kay Erebus, kadiliman at si Nyx, gabi.

199. Hephaestus (Griyego) diyos apoy, lalung-lalo na sa apoy ng isang panday, siya ang tagakalinga ng mga (craftsman), una doon ang mga gumagawa ng bakal. Siya ay sinasambahan karamihan sa Athens, at sa iba pang gawaan ng produkto. Siya rin ay diyos ng mga bulkan.

200. Hera (Griyego) Reyna ng mga diyos ng Olympia. Siya ang anak na babae ni Cronus at Rhea at maybahay at kapatid na babae ni Zeus. Si Hera ay pangunang sinasambahan bilang diyosa ng kasal at kapanganakan. Sinasabing taun-taon ang kalinisan ng pagkababae ni Hera ay nagbabalik sa pamamagitan ng pagligo sa balon ng Canathus.

201. Heracles / Herakles (Latin: Hercules) anak ng diyos na si Zeus at Alcmene. Ang regalo sa kanya ay ang kanyang pambihirang lakas.

202. Hermaphroditos (Griyego) Binigay na pangalan sa lahat ng tao na may katangian nglalaki at babae, at mas bukod na kinikilala bilang anak ni Aphrodite at Hermes. pinalaki ng mga nimpa sa Phrygia. Siya ay kapansin-pansing makisig.

203. Hermes (Griyego) ang tagabalita ng mga diyos sa Olympia at anak nina Zeus at ang nimpang si Maia--anak na babae ni Atlas, isa sa mga Pleiades. Siya ang diyos ng mga pastol, manglakbay, mangangalakal, timbangan at sukat, mananalumpati, panitikan, laro at magnanakaw. At higit sa lahat, siya ang sugo ng mga diyos. Siya ay sinasambahan sa buong Gresya – lalung-lalo na sa Arcada – at ang pista ay tinatawag na Hermoea.

204. Hesperides (Griyego) mga nimpang nakatira sa isang magandang halamanan na nakikita sa Bundok ng Arcadia sa Gresya o sa dulong kanluran ng Mediterranean malapit sa Bundok ng Atlas.

205. Hesperethousa / Hesperia (Griyego) (1) Isa sa mga Hesperides; (2) Ang pangalan ng nimpa na anak na babae ni Cebren, isang diyos ng ilog ng mga Trojan; (3) ‘Gabing-lupa’, ang sinaunang pangalan para sa Italya.

206. Hesperus (Griyego) Ang imahe ng gabing tala ng mga Griyego. Siya ang ‘pinaka-kaayaayang tala na kumikinang sa paligid.

Page 16: FO230 - Chapter I (Tagalog

207. Hestia (Griyego) ang diyosa ng apuyan, Hestia is the Griyego diyosa of the hearth fire, samakatwid, siya ang namamahala sa maamong buhay. Siya ang nakakatandang kapatid na bebe ni Zeus at ang pinakamantandang anak nina Rhea at Cronus.

208. Hippolyta (Griyego) Anak na babae ni Ares, diyos ng digmaan. Reynang gerero ng mga Amasona.

209. Hippolytos (Griyego) Anak na lalaki ni Theseus, ang taga-paslang ng mga Minataur, at ang nobyang si Antiope.

210. Horae (Griyego) (ang mga Oras) mga diyosa ng panahon (may tatlong panahon sa mga Griyego; ang tagsibol, tag-araw at taglamig), at mga anak na babae nina Zeus at Themis, sila ay sina Thallo, Auxo at Carpo, kilala sa mga tawag na paglaki, pagtubo at paghinog.

211. Hyacinthus (Griyego) Ang banal na diyosa ng gulayan na minahal nina Apollo at Zephyrus. Minahal niya si Apollo ngunit hindi si Zephyrus. Nang siya at si Apollo ay naghahagis ng discus, hinipan ni Zephyrus ang discus ni Apollo sa ibang direksyon. Tumama ito sa ulo ni Hyancinthus na siya niyang ikinamatay. Mula sa kanyang dugo ay gumawa si Apollo ng isang hardin ng bulaklak, ang hyacinth.