16
 FOR LOVE AND FOR GLORY Agents Specs and Violet” Black Bureau Elites 13 NOELLE ARROYO SA isang simpleng exhibit ng private collections na mga artifacts nang isang napakayamang  pilantropo, isang krimen ang nagaganap. Ninanakaw ng isang sophisticated group of thieves ang isang five hundred year old mummy… at naipit sa gitna niyon sina Agent Specs at Violet. Sa kolehiyo pa man ay magkaibigang matalik na sina Alejandra Salcedo at Billie Kuran at sobrang ideal ng pagkakaibigang iyon, hindi tuloy nila magawang maamin ang lihim nilang mga damdamin sa isat isa. Pero nang napasama silat nakidnap ng mga nagnakaw sa mummy, at isang historian/archeologist na dating propesor ni Billie sa kolehiyo, ay pagkakataon na ang nagtulak sa kanilang “mabisto”.  Kasabay nang pag-usbong ng kanilang mga damdamin ay ang tawag ng misyon nila sa bayan   ang iligtas ang mummy at ang Puso ni Solomon na ang pinagtataguan ay itinuturo ng body tattoos nito. Dahil ang mummy ay isa sa mga maharlikang ninuno ng bansa at simbolo nang kagitingan at karangyaan ng nakaraan ng mga Pilipino bago dumating ang mga mananakop   at ang Puso ni Solomon ay ang simbolo nang katotohanan tungkol sa isang nakaraan na magbabalik sa identity ng mga anak ng bansa. Isa iyong misyon na mas mahalaga pa sa kanilang pag-ibig   mas mahalaga pa sa kanilang mga buhay. At hindi nila kapwa alam kung may posibilidad ba na mailigtas nila ang mummy, ang Puso ni Solomon, at maging ang kanilang pag-ibig. “Multo ko iyong magising ka isang umaga at matagpuan ang sarili mong in love sa kung sinong  Pontio Pilato. And I know Ill wring his neck before I hang myself.” 

For Love and for Glory

Embed Size (px)

Citation preview

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 1/16

 

FOR LOVE AND FOR GLORY

“Agents Specs and Violet” 

Black Bureau Elites 13

NOELLE ARROYO

SA isang simpleng exhibit ng private collections na mga artifacts nang isang napakayamang

  pilantropo, isang krimen ang nagaganap. Ninanakaw ng isang sophisticated group of thieves

ang isang five hundred year old mummy… at naipit sa gitna niyon sina Agent Specs at Violet.  

Sa kolehiyo pa man ay magkaibigang matalik na sina Alejandra Salcedo at Billie Kuran atsobrang ideal ng pagkakaibigang iyon, hindi tuloy nila magawang maamin ang lihim nilang mga

damdamin sa isa‟t isa. Pero nang napasama sila‟t nakidnap ng mga nagnakaw sa mummy, at

isang historian/archeologist na dating propesor ni Billie sa kolehiyo, ay pagkakataon na ang

nagtulak sa kanilang “mabisto”. 

Kasabay nang pag-usbong ng kanilang mga damdamin ay ang tawag ng misyon nila sa bayan — 

ang iligtas ang mummy at ang Puso ni Solomon na ang pinagtataguan ay itinuturo ng body

tattoos nito. Dahil ang mummy ay isa sa mga maharlikang ninuno ng bansa at simbolo nang

kagitingan at karangyaan ng nakaraan ng mga Pilipino bago dumating ang mga mananakop — at

ang Puso ni Solomon ay ang simbolo nang katotohanan tungkol sa isang nakaraan na magbabalik 

sa identity ng mga anak ng bansa.

Isa iyong misyon na mas mahalaga pa sa kanilang pag-ibig — mas mahalaga pa sa kanilang mga

buhay.

At hindi nila kapwa alam kung may posibilidad ba na mailigtas nila ang mummy, ang Puso ni

Solomon, at maging ang kanilang pag-ibig.

“Multo ko iyong magising ka isang umaga at matagpuan ang sarili mong in love sa kung sinong

 Pontio Pilato. And I know I‟ll wring his neck before I hang myself.”  

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 2/16

Actual Historical Figures

 Rajah Sulayman II/Rajah Matanda: ang sultan na sinundan ni Rajah Sulayman II

 Rajah Sulayman III/Rajah Mura/Rajahmora: inisnab at nasermunan pa sina Goiti nang sabihin ng mga ito

na kailangang kilalanin ng mga Tagalog ang hari ng Espanya at magbayad ng tribute dito, emphasizing

that they would “repay with death the least thing that touched their honor”. Nabalitaan na sa Maynila angpagsuko ng Pintados (Visayans) sa mga Kastila. Hindi malinaw at paiba-iba ang sinasabi ng mga

historians tungkol sa kinahinatnan ni Rajah Mura, pero ang Kaharian ng Maynila ay hindi nawasak dahil

sa pwersa ng mga Kastila gaya nang una nating inakala kundi dahil sa libo-libong mga Pintados na

kasama ng mga ito nang lusubin na ni Legazpi ang Manila Bay.

 Rajah Lakandula: may conjecture na maaaring hindi iisang tao lamang si Rajah Lakandula kundi tawagsa isang angkan na naghari sa Kaharian ng Tondo noong panahon na dumating ang mga Kastila.  Mga

 Lakandula. Anyways, ang ruler ng angkan na ito ay sinubukang makisama sa mga Kastila, pero marami

sa kanyang mga anak at apo ang napatay sa pagkakabitay nang magrebelde ang mga ito noong

nagsisimula nang lumabas ang tunay na kulay ng mga mananakop at nagiging palasak na ang kanilang

pang-aabuso.

Isa pang Sulayman, si   Datu Tarik Sulayman na ruler ng mga kapampangang Macabebe (part of the

Kingdom of Sanfotsi) ang lumaban din sa mga Kastila at sinalubong pa ang mga ito sa karagatan sakay ng

isang bangka sa labanang tinawag na Battle of Bangkusay, leading several hundreds of men. Ang pang-

insultong tawag nito sa mga Kastila ay mga Puting Mukha. He died in this battle.

*The claims of the present day heirs of the Sulayman Clan was still a controversial, disputed… err…topic… until now. Ang pagkakautang ng gobyerno sa Sultanate ng Sulu (na hindi rin masabi kung sino

ang present heir) na hanggang ngayon ay hindi pa rin mabayad-bayaran; ang issue tungkol sa lease ng

Sabah sa Malaysia na hanggang ngayon ay hindi pa rin mabawi-bawi; ang tone-toneladang gold bullions

ng royal clan daw ng Sulayman na naka-deposito sa Central Bank at hindi pa rin maibalik-balik; at tone-

toneladang ginto na utang ng US at Japan para makabawi sa kanilang bumagsak na ekonomiya ay

pinagpipyestahan pa rin ng mga kababayan natin sa mga chatrooms sa Internet. All these gold… taposmilyon-milyong dolyar ang ating utang? Ano ba „yan?!*

Ang iba pang mga nabanggit sa kwento tungkol sa iba pang mga grupo gaya ng mga Pintados, Gold 

Warriors at mga kaharian sa Islas Maharlikas ay research mula sa mga researches din ng ating mgaHistorians sa mga annals ng mga bansang nakikipag-trade sa ating mga ninuno bago ang panahon ng

kolonisasyon gaya ng Tsina, Japan, Brunei hanggang mga bansa sa Saudi Arabia. Yes, historical sila.

Google them and educate yourselves.

All these issues notwithstanding, ang katauhan ni Rajah Bata ay kathang-isip lamang, pero kinatha nang

may pagmamahal at pasasalamat sa ating mga bayaning ninuno at kanilang mga pinaglaban.

-  Noelle Arroyo

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 3/16

 

PROLOGUE

 AWIT NG MANLALAKBAY 

(isinalin)

sa tanaw ng haring araw

sa gabay ng inang buwan

mga isla ng perlas

sa diamanteng karagatan

 puting buhanging pahingahan

at hele ay sariwang hangin

 yakap ay dampi ng ulankasiyaha‟y tamis ng ngiti ng mga kerubin 

sa aking panaginip

sa isang islang matarik 

na ang hangin ay malupit 

at ang ulan ay mapait 

isang manlalakbay ang napadpad 

hangari‟y di pinalad   paa‟y yapak sa buhangin 

mata‟y nakatanaw sa d ilim

sugatang puso at isip

kaulayaw niya mandin

 pagnanasang makauwi

ang kanyang idinadaing

'o aking ama, aking ama!

maririnig ko pa ba ang iyong paghinga?

sa malayong karagatan

mababalikan pa ba kita?

o aking ina, aking ina!maririnig ko pa ba ang iyong mga tawa?

sa malayong karagatan

mababalikan pa ba kita?‟  

 sa awa‟y bumagsak aking luha 

 puso ay dumugo nang lubha

umabot ngunit di makahawak 

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 4/16

sumigaw ngunit di makatawag

ngunit biglang nagliwanag

isang anghel pala ang bumaba

tumabi sa kanya at bumulong sa teynga

nang masasayang mga salita

„bakit ka umiiyak? 

ikaw ay ang bukas at hindi ang lumipas

hindi mo ba nakikita

na ikaw ay nakauwi na?‟  

at lumambot damuhang matalas

ang hangin ay biglang umaliwalas

umawit mga kerubin sa taas

mga patak ng luha ay sumarap

iniluwal ng liwanag sa gubat 

isang dalagang nakarinig sa iyak 

 prinsesa ng islang perlas

binhi ng diamanteng dagat 

at nang imulat aking mata

 pangarap ko‟y nakikita 

kabiyak kong ubod ng ganda

at anak ko‟y buhat niya 

tahanan ko‟y ngiti niya 

buhay ko‟y ang batis niya

ang yaman ko‟y pag -ibig niya

ligaya‟y ang yakapin niya 

asul na kalawakan

matamis na ulan

maputing buhangin

sa diamanteng karagatan

mga isla ng perlas,

binhi ng gintong araw

galak ng buwang pilak 

awit ng rubing mga tala

at hindi na iiyak 

tahanan ko‟y ang bukas 

lugar kong pinagmulan

ay mula man sa lumipas

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 5/16

 

at baon ko ang buhay ko

saan man mapadpad 

ang puso ko at buhay ko

tanda ng bahay ko

ang puso ko at bahay ko

tatahan sa libingan ko

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 6/16

 

CHAPTER ONE

“ANO? Nagbibiro ka ba?”

Iyon ang gulat na naitanong pa ni Allie kay Billie bago siya nito ibinalibag sa mats ng dojo.

Sandaling umikot ang paligid at nang mag-focus sa mukha nito ang mga mata niya,

napabuntunghininga na lang siya. Sanay na siyang itinatapon nito kung saan-saan sa mats — 

that‟s why she had been to every spot and every corner of those mats, naisip niya nang may

magkahalong sarcasm at pagsuko. Dinaganan siya nito para sa grappling at para iyong

pakikipag-grapple sa isang maliit na bear nang isang kuting — iyon bang alam niyang wala na

siyang pag-asa? Kahit malaki na rin ang in-improve niya nitong nagdaang mga taon sa combat

sessions na mandatory kahit sa mga in-house elites, hindi naman nito natanggap ang nickname

nitong Little Elf dito sa gym ng Black Bureau for nothing.

Elf ang tawag nila sa kanilang combat instructor na anim na beses nag-champion sa Martial Arts

sa buong Southeast Asia, si Harold Monzon. Bakulaw kasi sana ito sa taas na six‟ two” kung

hindi malapad ang katawan dahil sa bukul-bukol na mga muscles kaya nagmumukha itong

pandak  — hence the misnomer Elf. At naging Little Elf si Billie Kuran dahil sineryoso nito ang

pag-aaral ng Combat Martial Arts at nabihasa ito hanggang sa puntong ang mga ekstrang oras

nito sa gym ay napupunta sa pag-a-assist nito sa instructor sa pag-train sa mga junior elites at

bagong recruits. Kaya rin kayang kaya na nitong harapin kahit sino sa kanilang field elites — at

pulbusin ang mga kulelat na gaya niya.

Hindi talaga maliit si Billie. Pantay lang sila halos at sa taas na five‟ eight” ay average lang ang  

taas nito sa pangkaraniwang Pilipinong male habang siya, sa taas na five‟ seven” ay matatawagnang matangkad sa pangkaraniwang Pilipinang babae. Iyon nga lang, pangkaraniwan ding

matatangkad ang kanilang male elites kaya sa tabi ng mga ito, parang mas mababa pa ito kaysa

totoo.

Pero hindi naman ito pahuhuli sa iba pa nitong physical assets. Matangos na ilong, deep-set na

mga mata at mga labing seksi kung makangiti, hindi nga lang nito alam na alam niya iyon o ni

iniisip niya iyon — ang mga assets na bumawi sa kakulangan nito sa height. Dark ang kulay ng

balat nito at malinis ang kutis pero bahagyang mabalbon. Ang pinakagusto niya sa lahat ay ang

mga mata nito. Mababait ang mga iyon, may makapal at malantik na pilikmata na parang sa

babae. May mga Arabyano daw kasing nahalo sa mga ninuno nito at sa mga ito rin nito nakuha

ang bahagyang maitim nitong balat. Isa sa mga iyon, noong panahon ng mga Kastila na

pinapalitan ng Christianized names ang mga pangalan nang dinatnang mga tao sa mga isla, ang

nagpilit sa apelyidong Kuran dahil Muslim ang mga ito. Nakaligtas ang ninunong iyon dahil

hindi pa outright na nakikipag-away sa mga sibilisadong lahing dinatnan ang mga bagong dating,

pero kinailangang magtago sa mga kamag-anak sa Mindanao at Indonesia ang sumunod na mga

henerasyon ng Kuran para makaligtas sa opresyon at panlulupig sa mga rebelde ng mga Kastila.

Sa kabila ng gothic t-shirts at jeans na pangkaraniwan na nitong get up araw-araw at iyong five

o‟clock shadow na persistent sa pagtubo sa kabila nang regular na pagse-shave nito ng panga, he

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 7/16

managed to always look clean and fresh — yes, parang sa mga deodorant commercials. And those

wavy, dark hair more than made up for the thick lenses of his spectacles that he only looses when

he‟s combating with somebody on the mats. Nakasuot ito ng contact lenses kapag narito. Minsan

hindi siya sanay na nakatutok sa kanya ang maririkit na mga matang iyon nang walang harang

kahit man lang ba salamin. Matindi itong makatitig sa isang tao kapag nalilito ito rito — gaya niya

rito sa mga sandaling iyon — at ang epekto ng titig na iyon ay makamandag, batid man nito iyono hindi. Bahagya na niyang nalabanan ang kiliting naramdaman ng kanyang traydor na katawan.

Kiliting nakapagpapaalala sa kanya tungkol sa matagal na niyang na-overcome na atraksyon rito

sa university noon… at nagdadala rin ng kutob na mali siya ng akalang nalampasan na niya iyon.

Good thing that he didn‟t have a clue about it— at all — dahil hindi niya alam kung paano niya

iha-handle iyon kung sakali.

“Why‟d you think I was joking?” sa wakas ay tanong nito.

“You‟re asking me out… on a date,” paalala niya rito habang nagpipilit pumalag. 

Lalong kumunot ang noo nito habang nanatiling mahigpit ang hawak. “Yes. Hindi ka nakikipag -

date right now?” At nakikita niyang gumana ang utak  nito na parang machine, hinahanap sa

memorya kung sino ang huli niyang naka-date. Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. “Anongginawa ni Mike?” Hindi nito gusto si Mike, alam niya. Nayayabangan ito rito. Hindi man nitosinabi pero halatang na-relieved ito noong sinabi niyang busted na sa kanya ang dating

manliligaw.

Isa itong over-protective friend. Piling pili niya ang mga lalaking pwedeng umastang protective

sa kanya dahil uber-dependent din siyang babae. So far, nag-iisa pa lang ito at inaabuso naman

nito iyon nang walang kahihiyan. “Wala…!” sagot niya habang pinandidilatan ito, na peligro sa

kanyang lumuluwa nang eyeballs dahil nasa leeg niya ang isang muscle-an nitong braso. “Wala

 pa…. hindi pa… naman niya… ako dinadala sa… isang… museum!” 

Umangat ang isang makapal na kilay sa isang ekspresyong insolente at cute. Cute na cute. “So?

Para museum lang —” 

“Ng… artifacts!” Nag-tap siya. Nilubayan siya nito. Naghabol siya ng oxygen, fast.

“Anong masama sa artifacts?” tanong nito na parang takang taka nga. 

Mas madali na ngayong mandilat. “Mukha ba akong artifact kind of date?!” 

Sa labas ng mats, narinig ang naimpit na tawanan ng mga nanonood. Pero mukhang ni hindi man

lang natawa ni nabagbag si Billie. “I‟ve noone to bring.” 

Oh. Of course. So logical of him. “At ano naman ngayon sa „kin?” sarcastic niyang tanong. 

“You‟re a friend?” hopeful nitong sabi. Para pang emphasis, noon siya nito inalalayang

makatayo.Bilang ganti, bumalik siya sa attack stance sabay nang pagsama rito ng tingin. At kahit

nagtatawanan na naman sa labas ay hindi siya umagwat. Kasi, totoong masama ang kanyang

loob.

Unfair… so unfair. Pero soo true. Dahil sa nagdaang walong taon nila rito sa BB right after graduation from college, naisama na siya nito nang ilang beses bilang “date” sa mga okasyong

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 8/16

wala itong ibang madala pero inaasahan ng well-meaning na mga kaanak na may madadala ito.

Ang galing galing niya sa mga okasyong iyon dahil “friend” siya nito.

Gaya nga nang sabi niya, abusado.

Pero syempre, hindi na naman iyon ang lumabas sa kanyang bibig.

“Specs, we‟re talking about like ancient— dead —people.” 

“Mummies are actually fascinating, like thick books that‟s just waiting to be read.” Mulingnarinig ang impit na tawanan sa labas ng mats at natatawa nitong tiningnan ang mga kaibigan

nila doon. “They are,” giit nito. 

“Ayoko pa rin,” singhal niya kay Billie nang tumingin itong muli sa kanya. 

Muli, iyong insolenteng tingin. “They‟re not going to strike you „coz they‟re dead. Not like your 

vampire.” Umiling pa ito na para siyang lost cause. Tinutudyo na naman siya nito sa

pagkahibang niya sa supernatural fiction.

Umingos siya. “At least, pwede silang pagnasaan. While your mummies…” OA siyang nangatal.

Nagtawanan na naman ang kanilang audience.Bumulong ito. “Kung gusto mong makita si Edward Cullen, I can make you a wax figure.”

Bahagya siyang kinilig sa bulong na iyon. Delicious. Pero nag-revert din agad ito sa normal na

kaswal at lohikal na pagsasalita. “Pero kung tunay na katulad niya ang hinahanap mo, tatandakang walang asawa. Plus, maybe he likes grays. Didn‟t you ever notice that Bella always dress in

grays? No violet in there whatsoever,” sabi nito habang sinusulyapan ang ilang highlights ng

violet na naroroon sa kanyang dark brown na buhok.

“You are helpless!” inis niyang sambit.

Nagbuntunghininga ito habang bumabagsak ang mga balikat. “Alejandra, please…? I can‟t just bring anyone tonight. Ikaw ang gusto kong isama. Please…?” 

“Uh-oh,” halos sabay-sabay na sambit ng mga nasa labas ng mats. Kapag ganoon na ang hitsurani Specs, wala nang makahindi rito — lalong lalo na ang bestfriend nitong si Violet.

Siya naman ang tumingin sa mga ito, exasperated. “Tigil!”

“Noong tinawagan ako ni Prof. Tamayo, nag-insist siya na isama kita. I mean, bukambibig kasi

kita dahil nga kaibigan kita at iba ang inisip niya.” Bahagya itong naasiwa. “Kaysa kulitin niya

ako tungkol sa lovelife ko, I let him think what he wanted to think. I mean, he did not have to

know you‟re not really a date. Gusto talaga kitang isama. Eh „di kunwari na lang, date kita.”

Bago siya makasagot, tumikhim si Elf sa labas ng mats. “May plano kayong tapusin ito bago

mag-Christmas?” 

Nagtawanan na naman. Umikot ang kanyang mga mata. Tuloy, hindi niya napansin noongbiglang kumilos si Billie, para tapusin ang session nila bago mag-Christmas, pwera noong

nakatihaya na ulit siya sa mats at biktima ng kata-gatame, isang effective grappling technique

kung saan mananatili siyang nadadaganan anuman ang kanyang gawin maliban na lang kung

meron siyang superhuman strength.

Nag-tap na lang ulit siya nang tatlong beses sa mats kaysa mahirapan pa. He was so close…

very, very close and her head was starting to get woozy. Kaya mahirap.

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 9/16

Ang hirap talaga.

Disappointed itong umiling. “My, Violet… you are getting lazy.” 

Binelatan niya ito.

“Payag ka na?” natatawa nitong tanong.

“Nooo…” sagot niya habang umiiling. 

Pero kilala na siya nito at alam nitong payag na siya. Tumatawang hinalikan siya nito sa kanyang

pawisang noo saka siya binitiwan para maalalayang tumayo.

NAKANGITI SI Billie habang nakayuko sa ilalim ng buhos ng shower sa isang stall sa locker

room ng mga male elites, hinahayaang magbigay ng kalma sa kanya ang mahinang ugong ng

ingay nang ibang male elites na nasa locker room ng mga sandali ring iyon at nagkukwentuhan

habang naghahanda sa pag-uwi.

Pumayag si Allie —mabuti na lang. Once she‟d met the mummified remains of Rajah Bata, it

would be worth it, he just knew it — maliban kung magbabago ng isip si Mr. Baltazar II sapagpayag nitong makita niya at nang kanyang kasama iyon. Hanggang ngayon ay overwhelmed

pa rin siya sa tawag ni Prof. Tamayo, na hindi lang imbitado siya nang mismong meari ng

private museum at mga laman niyon kundi iniimbita rin siya nito — siya — na makita ang

mummy. Hindi fond sa mga mummies ang kanyang kaibigan, he gets it, pero merong exception

sa lahat ng bagay at ang mummy na ito ang cool sa lahat ng cool. At kung meron mang

nakakaunawa sa kung anumang cool, si Allie iyon.

Ang existence ng mummy ay isang lihim na kontrobersya na lumilindol ngayon sa napakaliit na

archeological community ng bansa. Isang enthusiast ng History si Billie at kung hindi siya

nasabak agad sa mundo ng Black Bureau, baka na-pursue niya iyon pagka-graduate niya. Sa

income niya sa BB, he could have gone back to the university for a post-grad degree and could

have still managed to support his widowed mother and little sister.

Pero oras ang kanyang kalaban. On call sila sa BB 24/7. Knowing what being a BB agent

entailed, how important it was in making the future a safer place for his family and his fellow

citizens that were mostly struggling innocents, he prioritized this job more than anything else.

Hindi insensitive sa kanyang sitwasyon ang Chief. Binibigyan siya nito nang leave kapag invited

siya sa mga archeological projects ng mga kaibigan niya sa field, including former professors of 

his sa university gaya ni Prof. Tamayo. At kapag walang mabigat na kailangang gawin ang

Psych Department o kaya ay may panahon si Agent Professor mag-stand in para sa kanya ay

nakakasama siya maging sa mga ordinaryong digs o lectures. Of course, kapag importante ang

misyon ay pinipili pa rin niyang manatili sa BB. Iyon pa rin ang kanyang priority.

Si Agent Professor ay isa sa mga original elites at nag-recruit sa kanila sa Black Bureau. Iyongmga mind games na madalas nilang gawin for fun noong estudyante pa lang sila nito — sila nina

Alejandra, Agent Violet na ngayon; at Cheska, Agent Whisper na ngayon — ay paghahanda na

pala nito sa kanila sa nakatakda nilang maging papel sa Black Bureau. He was coded Specs dahil

sa kanyang obsesyon sa mga libro o sa kahit anong mapag-aaralan — at dahil na rin daw matindi

siyang makatitig sa likod ng „spectacles‟ sa kanyang mga mata kapag “pinag-aaralan” niya angisang tao, ayon kay Allie.

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 10/16

He could have told her that it wasn‟t always about studying someone. Like her, for instance.

Minsan nawiwili lang siya talagang tumitig sa maganda at napaka-expressive nitong mukha. But

he could not tell her that —he couldn‟t even think of doing that.

Consultant na lang ngayon si Agent Professor dahil nakapag-asawa na ito at meron ng mga anak.

She still teach at the university and still managed to write books about Psychology, but being a

part of Black Bureau was still the closest job to her heart.

Si Prof. Epifanio Tamayo naman nga ay dati rin niyang propesor noon sa kolehiyo. Natuwa ito sa

kanyang interes sa field of study nito — isa itong historian/archeologist — and he was more than

happy to bring him along to archeological sites in the country and in Asia. Dahil doon ay naging

malapit sila sa isa‟t isa at nagtuturingang parang mag-tiyuhin. Isa na rin sigurong dahilan na

malayo rito ang mga anak na lumaki sa nakahiwalayang asawa at siya naman ay ulila sa ama at

natagpuan nila sa isa‟t isa ang pangungulila sa mga ito.

Mamayang gabi ay private viewing ng koleksyon ng mga Asian artifacts ng bilyonaryo at most

reclusive na pilantropong si Julian Baltazar II — ang ikatlong beses pa lang nitong pagpapakita ng

priceless collections nito dito sa bansa. Imbitado nito ang mga mayayamang may interes

tumulong sa mga local archeologists at proyekto ng mga ito, for which he himself was an activesupporter. Naimbitahan siya dahil sa rekomendasyon ni Prof. Tamayo.

At ang matanda ang naggiit na magdala siya ng date. Ang alam nito, nagtatrabaho siya sa

massive corporation ng mga Ventura at dahil sa mga pagkakataong inuuna niya ang trabaho

kaysa pagsama rito kahit nagkataong weekend ang schedule ng dig ay nag-aalala ito sa kanya.

Pinakahuli raw nitong gustong mangyari sa kanya ay ang matulad siya rito — isang workaholic na

initsapwera ang buhay hanggang sa mahuli na ang lahat. Naging masyado itong tutok sa trabaho

at pag-aaral, napabayaan nito ang „pag-aaral‟ kung paano maging mabuting asawa at ama kaya

nang iwan ito ng asawa at isama ang mga anak para sumama sa lalaking mas makapagbibigay ng

panahon at pagmamahal sa mga ito ay wala itong nagawa. “They were better off with him, not

with me who often misses birthdays and anniversaries…”The old man seemed especially worried about him lately, that‟s why he obliged on bringing a

date. Pero importante sa kanya ang matanda kaya hindi niya gustong magdala nang kung sino

lang babae para ipakilala rito.

So he‟s bringing Alejandra. 

And it all sounded simple, but it wasn‟t. Really. It was getting harder, being so close to her,

and… 

He‟s had short affairs with women who were like him, masyadong busy sa karera. Sex was

sometimes part of it, but without the complication, without the cumbersome ties, simply because

there was no time for it. May mga gabing sumusumpong ang pagnanasang merong makaulayaw

dahil kahit pa gaano ka-fulfilling ang trabaho, hindi niyon maibibigay ang klase ng fulfillment at

kaligayahan na maibibigay nang isang taong nagmamahal, isang taong naghihintay sa bahay at

kinasasabikang makasama sa buong magdamag. Unfortunately, ang ganoong klase ng tao ay

hindi madaling matagpuan. Kaya iyon, paminsan-minsan ay nakakatagpo siya ng gaya niya, at

pareho silang enthusiastic sa role-playing hanggang sa matapos ang lahat at dalhin ng umaga ang

katotohanang alam nilang darating dahil maraming beses iyong nangyayari.

Madalas siyang nakakatakas sa ganoong palusot.

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 11/16

Pero kapag nakakikita siya ng mga taong in love, naaalala niya ang isa pang dahilan — ang

totoong dahilan.

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 12/16

 

CHAPTER TWO

NAKITA NA KASI NIYA ang babaeng para sa kanya. Iyong babaeng nakauunawa sa mga

kasiyahan at mga daing ng kanyang kaluluwa. Iyong babae na mananatiling napakaganda sa

kanyang paningin sa kabila ng nangungulubot na balat at nanlalabong mga mata. Sandaling

nagdaan sa kanyang pananaw ang imahe nang magandang mukha ni Allie at napangiti siya sa

kanyang sarili. Saka siya nagbuntunghininga.

Si Alejandra. She didn‟t even have a clue. Magkaibigan sila at hanggang doon lang sila dahiliyon lang ang pagtingin nito sa kanya kahit pa isama niya ito bilang date nang sandaang beses sa

importanteng mga gabi ng kanyang buhay.

Kung hindi ba naman ito manhid, na sa mga pagkakataong ang kailangan niyang isama ay isangbabaeng seseryosohin at mamahalin dahil ang mga taong makikilala nito ay malapit sa kanyang

puso, ay ito ang sinasama niya lagi.

Sa kabilang banda, kinatatakutan niya ang sandaling makahalata nga ito. Meron siyang kutob na

kung makatatanggap siya ng rejection mula sa pinakaimportanteng babae sa kanya sa mundo — 

his mother and sister did not count for obvious reasons — hindi makakaligtas ang kanyang puso.

 Naiiling siyang. Kung alam lang nito ang epekto nito sa kanya… pero kung mababasa nito iyong

mga huling nagdaan sa isip niya, malamang na gumulong ito sa sahig sa katatawa.

At hindi masama ang kanyang loob na ganoon ang sitwasyon. Really. He was very grateful that

he has someone like her as a friend; it was more than enough to make him happy.

Pero balik sa subject ni Prof. Tamayo; maganda, matalino at appreciative si Violet at tiyak 

niyang masa-satisfy nito ang mapag-alalang matanda, enough para hindi siya nito kulitin tungkol

sa kanyang lovelife sa susunod pang mga buwan.

Kapag nakilala nito si Alejandra, tiyak niyang mauunawaan nito kung bakit siya “naghihintay”.

And maybe he would see a lot more than that. Pero okay lang dahil kung meron mang taong

pwedeng pagtiwalaan ng sikreto ng kanyang puso, gaya sana kung noong buhay pa ang kanyang

ama, ito na iyon.

Lumabas sa shower si Billie habang pinupunasan ng towel ang kanyang buhok. Nang makarating

siya sa kanyang locker, naglabas siya ng damit at nagsimulang magbihis habang ibinabaling sa

mummy sa exhibit ang kanyang isip kaysa sa nakababaliw na si Allie.Isa ang mummy sa huling mga maharlikang nabuhay sa bansa limang daang taon na ang

nakararaan. Na-establish ang maharlika nitong lineage sa natagpuang mga ornamento at kasuotan

sa mismong libingang kweba kung saan ito natagpuan. Dahil doon ay na-established din na

myembro ito ng royal clan na kinabibilangan ng mga Sulayman at Lakandula — ang nobility na

dinatnan ng mga Kastila sa kapatagan ng Maynila noong sinakop ng mga ito iyon para gawing

headquarters sa halip na ang Cebu. In fact, ang mga palatandaang iyon ay nagsasabi na ang

mummy ay isa sa mga nakababatang kapatid ni Raja Sulayman III, ang huling Muslim na rajah

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 13/16

ng Kaharian ng Maynila na lumaban sa mga mananakop at nakilalang Rajah Mura para ma-

distinguish ito sa tiyuhing si Rajah Soliman II na tinawag na Rajah Matanda. Iyon ang dahilan

kaya napalayawang Rajah Bata ang mummy, palayaw na nagmula raw mismo kay Mr. Baltazar.

Ang libingan nang royal mummy ay itinuro ng naunang archeological find na mga mummies sa

isang natabunang kweba sa bulubundukin ng Cordillera ten years ago. Ang pagkakalibing sa mga

ito at body tattoos sa mga katawan ay nagtuturo na human sacrifices ang mga ito para sa funeralnang isang namatay na royal chieftain, na nagsasabing may isang maharlika na nakalibing

malapit sa kinalibingan ng mga ito. Ang pag-aalay ng mga humans sa funeral nang isang royalty

ay malamang na nakuha nang naunang mga maharlika sa mga Chinese at nakapag-record nga

nang ganitong instance nang isa sa mga kaharian sa mga isla sa archipelago na namayagpag bago

ang panahon ng kolonyalismo, ang Ma-yi na ang sentro ay Mindoro, ay nag-alay ng tatlumpung

human sacrifices sa funeral ng isang royalty sa clan ng mga Sulayman at Lakandula. Ang mga

tattoos at mga tekstong nakasulat sa dingding ng kweba ay nagkukwento tungkol sa isa pang

mummy, ang pinakabatang rajah, ang paboritong prinsipe — ang salitang rajah ay Sanskrit sa

salitang prinsipe — at inilibing sa isang sagradong lugar… isang lugar na ligtas sa mgaadelantadong mananakop.

Isang lihim na unit ng mga archeologists na kinumisyon ni Mr. Baltazar II ang nakatagpo sa

royal mummy noong isang taon lamang, sa isa ring kwebang malapit din sa tirahan ng mga

Ifugao, ang upland tribe na hindi masyadong naapektuhan ng dalang kultura at relihiyon ng mga

sumakop na dayuhan sa mga isla noong 1500‟s pero lumipol sa kultura at relihiyon ng mga

nakatira sa mga kapatagan ng Luzon. Sinasabi pa ngang kasama ng unit na ito ang mismong

pilantropo sa paghahanap.

At nanatiling pribadong pag-aari ng mayamang pilantropo ang mummy, nanatiling kasama sa

precious collections nito. Kung may planong habulin ng gobyerno ang mummy bilang isang

national artifact, mahihirapan ang mga ito. Mayaman si Julian Baltazar II at kung ang Church

nga sa Roma ay nakakalaban nito — at nanalo ito — dahil sa mga religious artifacts na nasa pag-

aari nito, ang gobyerno pa kaya ng Pilipinas ang hindi nito harapin sakaling mapatunayan ngangang mummy at isang royal chieftain na naghari sa mga isla sa Luzon noon ay iisa?

NANG LUMABAS si Billie sukbit ang kanyang gym bag para umuwi, inabutan pa niya sa

parking lot sina Allie at Paisley.

“Billie,” tawag sa kanya ni Allie nang makita siya. “What time will you pick me up?” 

“Six,” sagot niya habang lumalapit. “Dinner muna tayo bago tayo pumunta sa exhibit.” 

“Okay,” anito sa medyo hindi sure na tinig, malamang dahil naiisip pa rin na mga patay angkanilang daratnan sa exhibit at baka maging problema nito ang laman ng tiyan kapag nagkataon.

 Natawa siya at nailing. “You‟ll be fine.”

“What exhibit?” curious na tanong ni Paisley. Paisley Galvez, or Agent Calypso, isang professor 

ng Literature at in-house elite ng BB. Isa ito sa tumutulong para gawan ng official background

ang anumang cover na ginagamit ng kanilang field elites at nag-e-educate sa mga ito tungkol sa

lahat ng aspeto sa karakter na gagampanan. Naroroon din ito bilang back up, sakaling kailangan

nang additional data sa cover ng kanilang agents, cross referencing and double-checking

hanggang sa matapos ang misyon at nakauwi na ang agent nang ligtas.

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 14/16

“Exhibition ng artifacts,” sagot niya sa babae. “Inimbita ako ni Prof. Tamayo ng UP.” 

“Oh… oo nga pala, mahilig ka sa Archeology. You went to that site in Greece, right? Last year?” 

“Oo, kasama rin ni Prof.” Inimbita ang professor at hindi sana sasama dahil sa kakapusan ng

personal funds. Kunwari, humingi siya ng sponsorship sa isang kilalang tao at nakaalis sila, pero

personal niyang binayaran lahat ng expenses.

Nakita niya ang ngiti sa kanya ni Allie dahil alam nito ang tungkol doon.

“Can I come?” nakangiting tanong ni Paisley. Isang masayahing babae, laging nakalabas ang

mga dimples nito sa magkabilang pisngi dahil lagi itong nakangiti.

Natuwa naman siya. Mas mag-e-enjoy si Allie kung meron silang ibang kasama. “Sige. I think I

can manage it.” He could promise another sponsorship anytime sa mga professors, naisip dinniya. “Let me call first.” 

Tinawagan niya ang professor at natuwa pa ito. Gusto raw nitong makilala ang iba pa niyang

mga kaibigan na nagbibigay ng “funding” sa iba pang mga estudyante nito na nais sumama sa

mga digs at trips. He was persuaded to bring Paisley and anyone else that he wanted to bring

along. Ito raw ang bahala sa guest list.

“That‟s it? Pwede ka palang magdala nang iba?” kunwa‟y mataray na sita sa kanya ni Allie.

Sumakay naman siya agad. “Hindi ka ba talaga interesado sa history nating mga Pilipino?”kaswal niyang tanong habang bakante ang mukha sa anumang ekspresyon. “Sa kakapusan ng

pondo at interes nang gaya natin, hindi makagawa nang mas intensive na pag-aaral tungkol sa

mga ninuno natin at mga maharlikang na-wipe out dahil sa pananakop ng mga Kastila ni

makagawa ng intensive digging sa mga archeological sites kung hindi sila popondohan ng

pribadong mga taong gaya ni Mr. Baltazar. Tapos sasabihin nang marami, wala tayong identity

when in fact, maipagmamalaki sa kahit sinong matapobreng mga bansa ang napakayaman nating

kultura. Maihahalintulad sa ibang sibilisasyon sa Old World ang kayamanan ng ating mga

maharlika.” 

Nakadama siya ng satisfaction nang makita ang guilt sa mukha nito. Nadamay pati naman si

Paisley. Parang maiiyak na ito.

“Interesado naman ako. Alam mo namang mareklamo lang ako pero go naman nang go,” aniAllie. “Nagbibiro lang, eh…” 

“Just tell us how we can help. You know we will help,” ani naman ni Paisley. 

 Nginitian niya ang mga ito. “Kailangan ko lang ang presence n‟yo mamayang gabi, that‟s all. For 

now.”

Paisley promised to bring another one along. Alam daw nitong maisasama nito si Bella kung

yayakagin nito ito. Si Arabella Kingston o si Agent Psyche ay dating beauty queen, isang anak mayaman gaya ni Cheska, at isa sa mga protégés ni Agent Chameleon. Isa ito sa mga field elites

na effective na nakagagamit nang maraming disguises sa mga misyon. Isa rin ito sa pinaka-

friendly at all-around sa kanilang batch.

Baka nga magtampo pa ang babae kapag hindi nayakag kaya pumayag siya. “That way, I‟ll be bringing in three dates,” natatawa niyang biro.

Umangat ang isang kilay ni Allie. “Hindi naman kaya „yon ang tunay mong pakay?”

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 15/16

“Hindi, „no?” kaswal niyang tanggi habang umiiwas ng tingin dito. Matititigan na naman niya

ito, hindi maiwasang hindi mag-isip na nagseselos ito — hindi niya mapigilang hindi umasam. At

nakita niya sa kanyang isip ito habang gumugulong sa sahig sa katatawa. That often helped, kahit

minsan nagdadala rin iyon ng kurot sa kanyang dibdib.

“Talaga?” duda nitong tanong. 

“Sino namang maniniwala sa mga daratnan ko r‟on sakaling totoo?” tanong niya sabay talikod

para magtungo sa kanyang sasakyan habang kumakaway. “Six, okay?” 

At kumaway siya sa mga ito saka sumakay sa kanyang kotse para makauwi.

8/6/2019 For Love and for Glory

http://slidepdf.com/reader/full/for-love-and-for-glory 16/16