Ganito Nga Pala

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/25/2019 Ganito Nga Pala

    1/2

    Ganito Nga Palani Abdon M. Balde, Jr.

    Ganito nga palakapag tumanda na;

    paggising sa umaga,natutuwa at buhay pa;ngunit sa unang kilosay parang nakagapos;pagbangon sa higaan

    ang mga butoy naglalagutukan;Pag-ihi sa kubeta

    ay kailangang umupo pa,dahil pag nakatayo

    sa paa tumutulo.Ang lugaw na agahan

    ay abot nang pananghalian.Kahit itlog pag nilaga

    ay hirap na sa pagngata.Natitinik lagi sa isda

    kahit sardinas na nga.Ang malunggay na kinain

    kung lumabas ay malunggay din.Nakakainom pa rin sa totoo

    pinakuluang pito-pito.

    Umiiwas sa ambon,

    sa lamig ng panahon;dahil pag sinipon

    ay hindi na makabangon.Pag napaupo nang biglaay tuloy napapatihaya.

    a hagdan, kahit pababasa pagod ay lawit ang dila.Kapag tumatawid sa daan,

    tumitigil lahat ng sasakyan.!naantok sa sinehan

    kahit ang palabas ay bakbakan;Pag nakakita ng bulaklakay ataol ang hinahanap.

    a kaarawan, pag may handawala nang panauhing kababata;

    kaya lahat nang dumadaloay isa-isang nagmamano.

    Pagdating ng takipsilimang pag-asay dumidilim

    na makasungkit pa rinng kahit na isang bituin.

    Kung kalamigan ang gabi,ay nangangarap pa rin ng katabihabang yakap-yakap ang sarili.

  • 7/25/2019 Ganito Nga Pala

    2/2