10
Kaso, pinagtawanan lamang ng Sangguniang Bayan Sundan sa pahina 4 by Leo Esquillo Dahil sa maanomalya at ilegal na 3 kontrata sa yamang tubig ng ating bayan. Guera, Rosas kinasuhan sa Ombudsman NAGMATIGAS si Vice Mayor Ana Linda C. Rosas at ang pitong konse- hal na nagsabing tuloy ang kanilang suporta sa ma-anomalyang Bulk Water Contract sa harap ng kasong graft na isinampa laban sa kanila ng mga concerned citizens ng bayan. Ayon kay Konsehal Torio Ronabio, binalewala ng mga nasasakdal ang reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Repub- lic Act 3010 na nagla-layong sila ay masuspindi at uubrang matanggal sa puwesto sakaling mapatunayang sila’y nagkasala. Hinikayat umano ni Ronabio na iurong na ng mga kasa-mahang konsehal ang naturang resolusyon aniya’y pinagtawanan lamang siya ng mga ito. PAGPUPULONG SA BAYAN: Ang ating mga kababayan nagkaisa sa pagtutol sa 100 taon ng pagsasamantala at pagyurak sa yaman ng bayan. Sigaw ng bayan...TUBIG! HULYO 1-15, 2012 MGA KONSEHAL NA PUMATOL AT TUMUTOL P4 MGA LITRATO SA RALLY P6-7 FACEBOOK COMMENTS P8-9 Sundan sa pahina 2 by Leo Esquillo ISINAMPA NA nina Atty. Paterno Esmaquel at Froilan Gruezo noong Biyernes, Hunyo 15, 2012, ang habla na matagal nang hinihintay ng marami nating kababayan: ang kaso laban sa lahat ng nagpakana at kasangkot sa maanomalya at ile- gal na 3 kontrata sa ating yamang tubig. Ang mga inihabla sa Ombudsman ay sina Mayor Filo Guera, Vice Mayor Ana Rosas, Lauro Mentilla, Mauro Aragon, Juancho Andaya, Antonio Zornoza, Jr., Mario Mercolisa, Jr., Jovanie Ann Gruezo-Esquillo, Bernardo de Villa at Arcadio Gapangada. Si Gapangada ang Presidente ng Israel Builders Development Corp. (IBDC) na nag- ayos, nakakuha at makikinabang sa 3 kontrata. Nahahabla sila ng 3 kaso ng paglabag sa Republic Act 3010 o Anti-Graft and Corrupt Practices dahil nagsabwatan sila sa paggawa,

Gising Majayjay July 15 2012

Embed Size (px)

DESCRIPTION

8 opisyal sinampahan ng kaso sa Ombudsman

Citation preview

Page 1: Gising Majayjay July 15 2012

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012www.gisingmajayjay.com

Kaso, pinagtawanan lamang ng Sangguniang Bayan

Sundan sa pahina 4

by Leo Esquillo

Dahil sa maanomalya at ilegal na 3 kontrata sa yamang tubig ng ating bayan.

Guera, Rosaskinasuhan sa Ombudsman

NAGMATIGAS si Vice Mayor Ana Linda C. Rosas at ang pitong konse-hal na nagsabing tuloy ang kanilang suporta sa ma-anomalyang Bulk Water Contract sa harap ng kasong graft na isinampa laban sa kanila ng mga concerned citizens ng bayan.Ayon kay Konsehal Torio Ronabio, binalewala ng mga nasasakdal ang reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Repub-lic Act 3010 na nagla-layong sila ay masuspindi at uubrang matanggal sa puwesto sakaling mapatunayang sila’y nagkasala.Hinikayat umano ni Ronabio na iurong na ng mga kasa-mahang konsehal ang naturang resolusyon aniya’y pinagtawanan lamang siya ng mga ito. PAGPUPULONG SA BAYAN: Ang ating mga kababayan nagkaisa sa pagtutol sa 100 taon ng

pagsasamantala at pagyurak sa yaman ng bayan. Sigaw ng bayan...TUBIG!

HULYO 1-15, 2012 MGA KONSEHAL NA PUMATOL AT TUMUTOL P4 MGA LITRATO SA RALLY P6-7 FACEBOOK COMMENTS P8-9

Sundan sa pahina 2

by Leo Esquillo

ISINAMPA NA nina Atty. Paterno Esmaquel at Froilan Gruezo noong Biyernes, Hunyo 15, 2012, ang habla na matagal nang hinihintay ng marami nating kababayan: ang kaso laban sa lahat ng nagpakana at kasangkot sa maanomalya at ile-gal na 3 kontrata sa ating yamang tubig. Ang mga inihabla sa Ombudsman ay sina Mayor FiloGuera, Vice Mayor Ana Rosas, Lauro Mentilla, Mauro Aragon, Juancho Andaya, Antonio Zornoza,

Jr., Mario Mercolisa, Jr., Jovanie Ann Gruezo-Esquillo,

Bernardo de Villa at Arcadio Gapangada. Si Gapangada ang Presidente ng Israel Builders Development Corp. (IBDC) na nag-ayos, nakakuha at makikinabang sa 3 kontrata.

Nahahabla sila ng 3 kaso ng paglabag sa Republic Act 3010 o Anti-Graft and Corrupt Practices dahil nagsabwatan sila sa paggawa,

Page 2: Gising Majayjay July 15 2012

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012 www.gisingmajayjay.com

2

ThE CONCErNEd CITIzENS Of MAjAYjAY: mula sa kaliwa, froilan Gruezo, Atty. Paterno Esmaquel, Leo Esquillo, Edna Esmaquel, Atty. ruiz, (representative ng abogado) Gina Esmaquel, rene Esmaquel at Allan Esmaquel.

Guera, Rosas at 7 Konsehal kinasuhan

mula sa pahina 1

pag-apruba at pagpapatupad ng 3 kontrata sa tubig na malinaw na masama sa interes at kapakanan ng ating bayan at mga kababayan.

3 opisyal hin-di kasama sa habla

T a t l o n g miyembro ng S a n g g u n i a n g Bayan ang hindi kasama sa habla. Sila ay sina Konsehal Torio Ronabio, K o n s e h a l

Godofredo at SK president Victor Gruezo.

Sina Konsehal Estupigan at SK president Gruezo ay pormal na nagdeklara noong nakaraang buwan ng kanilang pag-urong sa suporta

sa naturang kontrata. Hiniling ng tatlo sa Sangguniang Bayan na ito ay ibasura at huwag ipatupad.

Unang apat na bayani sa laban

Si Konsehal Torio Ronabio ang whistle blower na nagbigay ng kopya ng kontrata kay Allan Esmaquel at Froilan Gruezo hanggang makarating ito kay Atty. Esmaquel noong nakaraang Abril.

Mabilis ang pag-aaral ni Atty. Esmaquel at ng kanyang law firm sa kontrata. Noong Abril 25, 2012 ay sinulatan niya kaagad sina Mayor Filo Guera, Vice Mayor Ana Rosas at mga miyembro ng Sangguniang Bayan at sinabing “ilegal, imoral at laban sa kabutihan ng bayan at mamamayan” ang nasabing kontrata ng tubig. Nakiusap siya na huwag ipatupad ang kontrata dahil kung hindi ay mapipilitang siyang sampahan sila ng kaso sa korte. Hindi siya pinakinggan ng mga nasasakdal; bagkus ay ipinagpilitan pa rin nilang ipatupad ito. Walang nagawa si Atty. Esmaquel kundi ang ituloy ang habla para protektahan ang kapakanan at pambihirang yamang tubig ng ating ang bayan.

Sila ang unang apat na bayani na lumaban sa itinuturing na “ma anomalyang water contract”.

Makakasama sa ating bayan

Ang unang kontrata ay tungkol sa kontrata sa tubig ng Mahayhay sa IBDC.

Ito ang kontrata na nagbibigay kay IBDC ng karapatan at kapangyarihan na kontrolin ang lahat ng yamang tubig ng ating bayan sa loob ng 100 taon, ibenta ito sa ating mamamayan at sa mga ibang bayan. Ang partehan sa kikitain ay 90% kay IBDC at 10% lang ang mapupunta sa ating bayan at marami pa ditong babawasin. Sa tinatayang P40 Bilyon na kikitain sa pagbebenta ng tubig sa loob ng 100 taon, P36 Bilyon nito ay mapupunta kay IBDC at P4 Bilyon lang ang sa ating bayan at malamang wala pang matira dito sa daming babawasin ayon sa kontrata. Tataas rin ang presyong babayaran ng ating mga kabababayan sa tubig at malaking bahagi nito ay pupunta rin sa IBDC. Ang maraming nanghihingi lang ng libreng tubig sa kapitbahay ay mahihirapan nang makahingi dahil ang presyo nito ay mamahal na.

Panglalamang sa bayan

Ang pangalawa at pangatlong kontrata ay tungkol sa pagbebenta ng tubig sa Lumban at Sta. Cruz.

Ang ating bayan ang direktang magbebenta ng tubig sa dalawang bayan; pero ang IBDC ang mangongolekta at maghahawak ng lahat ng perang pagbebentahan, pero ang Mahayhay ang magpeprenda o magbabayad ng performance bonds at bank guarantees na nagkakahalaga ng humigit kumulang ay P32 Milyon. Atin ang gastos, obligasyon at responsibilidad sa pagbebenta, pero ang 90% ng mapapagbentahan ay mapupunta kay IBDC. At ang pangyayari na ito ay hinayaan at sinuportahan ng ating mga opisyal na sinampahan ng kaso sa Ombudsman. “Ang mga tao na walang konsensya lamang ang gagawa at hahayaang mangyari ang ganyang klase ng kasunduan,” sulat ni Atty. Esmaquel sa kanyang habla.

NEWS

Guera

rosas

Page 3: Gising Majayjay July 15 2012

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012www.gisingmajayjay.com

3

Makatuwirang habla

“Napakalinaw ang sabwatan ng mga nasasakdal sa paggawa at pagpapatupad ng tatlong kontrata na sobrang ikasasama ng ating bayan. Kahit hindi abogado, kahit karaniwang tao ay madale at mabilis na makikita yan. Napakalinaw na nilabag nila ang batas na Anti-Graft and Corrupt Practices. Ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila ang isa sa mga paraan para maibasura at hindi maipatupad ang mga kontrata”, pagsusuma ni Atty. Esmaquel.

Mahiwagang katanungan

Sino ang kikita at yayaman sa ma anomalyang kontrata sa tubig?

Yan ang mga katanungang nag-aapoy sa isipan ng ating mga kababayan ngayon.

Suspindi, Tanggal at Himas Rehas

“Kumpiyansa ako na aaprubahan ng Ombudsman ang kasong ito at itataas sa Sandiganbayan,” sabi ni Atty. Esmaquel.

Ang kaso laban sa mga opisyal ng ating bayan ay administratibo at kriminal. Kapag inaprubahan ng Ombudsman ang kasong kriminal, itataas niya ito sa Sandiganbayan at pag ang kasong administratibo ay kinabigan ng Ombudsman, ang mga opisyal na kinasuhan ay maaring maparusahan ng pagka suspinde o pagkatanggal sa puwesto. Kung ang kaso na kriminal ay isampa na ng Ombudsman sa Sandiganbayan, ang mga opisyal na kinasuhan ay aarestuhin at ikukulong na hanggang hindi sila nagbibigay na piyansa para sa pansamantalang paglaya at sila rin ay maari rin na pansamantalang suspendehin sa kanilang puwesto ng Sandiganbayan. At kapag tuluyang napatunayan ang paglabag nila sa batas na Anti-Graft and Corrupt Practices ang mga nasasakdal ay papatawan ng parusa na pagkakakulong na hindi lalampas ng 15 taon o hindi bababa ng 6 taon sa bawat paglabag. Dahil 3 paglabag ang ginawa nila, ang bawat isa sa kanila ay maaring makulong ng hindi sosobra sa 45 taon o di bababa sa 18 taon.

Makasaysayang kaso para sa paglilinis at pagbabago ng bayan

Ito ang kaunaunahang kaso na hiningi, hinintay at sinuportahan ng napakarami nating kababayan na sumisigaw na usigin ang mga sangkot sa ma anomalyang kontrata sa tubig. Marami ang naniniwala na ito na ang simula ng hindi mapipigilang paglilinis at pagbabago sa ating pamahalaang bayan.

“Maging aral at babala nawa ang kasong ito sa lahat ng tiwali at may masamang balak sa ating bayan. Sapat ang mga batas

na tatapus at magpaparusa sa katiwalian ninuman. Gising na ang bayan at nagmamatyag. Hindi na palalampasin ng mga mamamayan ang sinumang gagamit ng posisyon sa pamahalaan para magsamantala at magpayaman,” babala ni Atty. Esmaquel.

Nawa ay magising na tayong lahat sa katotohanan na ang mga katiwalian sa ating bayan ay nag-uugat sa masamang pulitika na ating kinaugalian: pulitika ng mga tiwali na ginagawang negosyo ang posisyon sa gobyerno, pulitika ng mga namimili at nagbebenta ng boto, pulitika ng mga magnanakaw at sinungaling, pulitika ng mga kulang sa kaalaman, pulitika ng mga nakikisama sa masamang balak at gawain ng mga gahaman.

Nawa ay tuluyang magising at makialam na Ang Mga Nag-aral Na Anak ng Mahayhay. Dati ay wala silang pakialam, pero nang malaman nilang inapi ang bayan sa isang ma anomalyang kontrata, biglang nagising ang kanilang pagmamahal sa bayan, nagpuyos ang galit sa katiwalian at nakisali sa laban. Isang bagay na lang ang kulang: Magbalik-rehistro at balik-boto na sila sa ating bayan. Kada tatlong taon, isang beses lang ang halalan. Para sa kanila, ang kanilang pagboto sa Mahayhay ay napakaliit na bagay lamang, pero yun ang pinakamalaki at pinakaimportanteng tulong na maibibigay nila sa bayan. Basta umuwi, magsalita, makialam at bumoto lamang sila sa ating bayan tuwing halalan, tiyak tutumba ang masamang pulitika sa mahal nating Mahayhay.

Mabuhay tayong lahat sa ating paggising, pakikialam at pagmamahal sa bayan.

picture credit: Mike Caballes

NEWS

Gapangada

Page 4: Gising Majayjay July 15 2012

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012 www.gisingmajayjay.com

4

mula sa pahina 1

NEWS

ANG MGA PUMATOL ANG MGA TUMUTOL

Kon. Victorino ronabio

SK Pres. Victor Gruezo IIIKon. Godofredo Estupigan

Kon. juancho M. Andaya

Kon. Mario O. Mercolisa, jr.

Kon. Lauro C. Mentilla Kon. Mauro C. Aragon

Kon Antonio S. zornoza, jr.

Kon. jovanie Ann Gruezo-Esquillo

ABC president Kap. Bernardo de Villa

Si Ronabio ang nagsilbing whistle blower sa natur-ang kuwestiyunableng watr contract at nagkusang-loob na ipaalam sa ilang lider mamamayan ang naging hakbangin ng konseho.Ayon kay Torio, ang ang resolusyon ukol sa naturang kontrata ay railroaded o agaran at basta -basta na lamang sinang-ayunan ng Sangguniang Bayan ng walang kaukulang pagdinig at malawakang kunsultasyon sa taumbayan.

P 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARSSTARS BULK WATER CONTRAC

YEARSSTOP 100 YEARS BUTER CONTRACT STOP 100 YP 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS BTER CONTRACTSTOP 100 YELK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC

YEARS BULK WATER CONTP 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS STARS BULK WATER CONTRAC

YEARS STOP 100 YEARS BUTER CONTRACT STOP 100 YLK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC

YEARS BULK WATER CONTOP 100 YEARS BULK WATER NTRAC BULK WATER CONTROP 100 YEARS BULK WATER NTRACTSTOP 100 YEARS BUTER CONTRACTSTOP 100 YELK WATER CONTRAC STOP 1ARS BULK WATER CONTRAC

YEARS STOP 100 YEARS BUTER CONTRACT STOP 100 YOP 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS BTER CONTRACTSTOP 100 YELK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC

YEARS BULK WATER CONTLK WATER CONTRACTSTOP

Isinusulong ng Local Government Code of 1991, na dapat dumaan sa tamang daloy ng proseso ang anumang sensitibong hakbangin tulad ng pagsasabatas ng mga bagong buwis at sa mga kontra-tang pinapasok ng pamahalaang-bayan.

Ang resolusyon o ordinansa ay dapat ipasok sa mga sangkot na kumite, magpatawag ng pagdinig sa mga apektadong sektor at magsagawa ng makatotohanang kunsultasyon at malawakang edukasyon sa taumbayan bago ito ipasa ng Sang-guniang Bayan.

“Wala pang tatlong oras sa sa lapag ng konseho, inaprubahan agad ng mayorya ang mga naturang kontrata,” pahayag ni Ronabio.

Sina Estupigan at SK Pres. Gruezo sa kalaunan ay nag-hain ng resolusyong naglalayong iurong

at ibasura ang mga kontrata.

Si Konsehala Joan Gruezo ay nai-ulat na dapat sana’y kasama sa

hakbanging pagtutuwid subalit nagdalawang-isip sa huling sandali.

Unang nilapitan ni Ronabio si dating Bise Alkalde Froilan Gruezo at Atty. Paterno

E s m a q u e l na naging daan upang ang mga naturang kuwes-tiyunableng kontrata ay mapaiabot sa kalaaman ng nakararami at naging daan sa malawak na pagtutol ng sambayanan.

Konseho nagmatigas at pinagtawanan lang ang kaso

mula sa pahina 1

Page 5: Gising Majayjay July 15 2012

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012www.gisingmajayjay.com

5

“Love alone creates wonderful works.”

Right of first refusalIto ay isang tunay na pangya-yari.Isang kapitan ng barangay ang mapalad na magkaroon ng tatlong bukal ng tubig sa mismong lupang pag-aari ng kanilang pamilya. At ang pinakamalaking bukal ay nais niyang ibigay sa mga kabarangay upang magamit at mapakinabangan nila ng libre.

Bilang paggalang, binanggit niya kay Mayor Guera ang kanyang ninanais. Pinuntahan naman ni Guerra ang naturang bukal, kasama si Gapangada.

Ganun na lang ang pagkamangha at pagtataka ni Kapitan nang sabihan siya ni Guera ng ganito: “Kailangan mong magsabi at humingi ng pahintulot kay IBDC para mapayagan kang ipagamit ang tubig sa iyong barangay.”

Aba’y ano ‘to? Mama Mia! Por Dios! Por Santo! Paano nangyaring ang may-ari ng lupa ang siya ngayong kailangang magpalimos ng awa sa isang dayuhan?

Bueno ganito yon. Alamin natin!Nakasaad sa Art. IV, Sec.7 ng ku-westiyunableng kontrata ng Bulk Water Contrant ang ganito: “Assign to IBDC the right to extract water from all water sources of Majayjay under the principle of Right of Frist Refusal.” Ang ibig sabihin ng naturang probisyong Right of First Refusal ay inililipat na ng ating pamahalaang bayan sa IBDC ang karapatan na kunin, gamitin, ipagbili at kontrolin ang lahat ng pinag--kukunan ng

tubig na mata-tagpuan saan mang lupang nasa-sakupan ng bayan ng Majayjay, maging iyon ay galing sa bukal o sa ilog.”

Ibig sabihin, si IBDC ang may natatangi at may unang karapatan sa anumang likas-yamgn tubig sa ating bayan.

Sa maiksing sabi, ibinenta na ni Guera at mga kapanalig sa Sangguniang Bayan ang ating karapatan kay IBDC nang hindi man lamang masusing pinag-isipan ang nakapanlulumong epekto nito sa atin.

Bukod pa rito, binalewala nila ang pulso ng taumbayan dahil wala man lamang kaukulang kunsultasyong naganap.

Ngayon, ang tanong: Makatarungan ba ang naging pasiya at kilos ng pamahalaang lokal?

Kaya nga nananawagan tayo sa lahat ng mamamayan, nasa loob o labas man ng bansa na maki-isa at ipagtanggol ang ating karaptang nilalapastangan ng kasalukuyang administrasyon ni Guera.

Kumilos tayo Kababayan at Kaibigan, ngayon na! IT’S NOW OR NEVER! Kung hindi tayo sama-samang kikilos, maaar-ing wala nang matitira para sa ating bayan. Masaklap pa nito, maaaring wala ka ng matatamasa o babali-kang malaya at masaganang Bayan ng Majayjay.Sons and daughters of Majayjay, ito ang inyong Inang Bayan ng Majayjay na humihingi ng ating sama-samang pagmamalasakit at pagtutol gayung ang mga naka-upo ay tila bingi, walang pakiramdam at walang alam kundi isulong ang interes ng iilan at hindi ang interes ng mamamayan at sambayan.

by Allan Esmaquelating

Kung hindi ngayon, kailan?Isinilang yaring diaryong Gis-ing Majayjay sa panahong na-kararanas ang bayan ng mat-inding krisis hinggil sa kawalan ng pagtitiwala ng karamihang mamamayan laban sa panu-nungkulang-bayang salat sa masinag na pamamahala at kawalan ng malawakang pag-kapa sa pulso ng taumbayan.

Sa kabilang banda, isinilang yaring diario habang patuloy na nahihimbing ang kara-mihan sa ilusyon ng pagba-bagong kaakibat ang respon-sableng pagtugon sa mailap na kaunlaran.

Subalit ang realidad, mistu-lang panaginip lamang ang pag-unlad gayong ang mga pasiya at hakbangin ng pa-mahalaang-lokal ay batay sa pagsusulong sa interes ng ii-lan at hindi tungo sa interes ng karamihan.

Kung anupaman, makabulu-hang itanong ng bawat isa sa atin: Kailan tayo mamumulat sa katotohanan?

At kung hindi tayo kiki-los, sino?

editorial

OPINION/EDITORIAL

The Online Edition of Gising Majajay ay pinagsamasamang kontribusyon ng mga Concerned Citizens of Majayjay na nagmumula pa sa ibat-ibang sulok ng mundo.

Tagapaglathala :Patnugot :

Sining : Litrato :

Sirkulasyon :

Rudy BrulLeo EsquilloSerene AquaSherwin MendozaJay Ronel Conejos

Page 6: Gising Majayjay July 15 2012

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012 www.gisingmajayjay.com

6

PICTURES

Now that we have a better

k n o w l e d g e a b o u t t h e

contract and understanding

how disadvantageous it will

be for Majajyay, let this be

the beginning for everyone

taking responsibility in helping

Majayjay prosper. Let us

all help.

Thelma Rodillas

Akala ko sa Manila lang uso ang rally. Pati pala sa bayan kong sinilangan ay uso na rin. God bless.

Froilan Escoto

The pic looks like history. I was five years old when then Mayor Torio Gruezo and Secretary Peling Esmaquel now same tandem fighting against some people running the town. The tandem was also behind so many projects. One of these was the Guevara National High School. I maybe out of issue here but this second generation Esmaquel-Gruezo tandem ay hinubog sa tamang pagmamahal at intensyon sa bayang kanilang kinalakihan. I am proud of you guys. MABUHAY KAYO! Serene Aqua

Talagang nasa panig natin ang Diyos! Biruin

n’yo ‘yon, umulan ng malakas nung hapon

nang matapos ang rally? Binigyan talaga

tayo ng magandang panahon nung umaga

para sa pulong. Salamat sa Diyos.

Allen Delacruz

Ginanap ang mapayapang kilos-protes-ta ng mahigit 500 mulat na mamamayan sa plaza sa gilid ng simbahan noong Hunyo 21 na nagsimula nang matapos ang ikalawang misa at nagtapos ng pasado alas-dose ng tanghali.

Photo credit: Mike Caballes

Majayjay Protest Rally

Ang mga pagkain ay kusang-loob na ambag ng mga kababayan from Metro Manila and from abroad.

Froilan Gruezo

Hindi nagpunta ang kabilang panig? Dapat ay humarap sila ng face to face at nagpaliwanag. Ibig sabihin, takot sila sa ginawa nilang multo. Maraming taumbayan ang dumating, kaya dapat ay nagpaliwanag sila tutal marami namang oras. Kahit pa buong maghapon silang magpaliwanag. Maribel Tanineng Sunga Amat

Pinaghirapan gawin ni kuya Mario

Nombrado ang flyers. I am sure it’s

worth it. Dapat humarap naman sina

mayor sa mga tao.

Mark Lester Gelverio:

Maga larawan kuha ni Sherwin Mendoza

Page 7: Gising Majayjay July 15 2012

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012www.gisingmajayjay.com

7

Litratong sanaysay ng Majayjay protest rally laban sa Bulk Water Contract

PICTURES

Diorme Estebal: Ang pinaglalaban ng ating mga kababayan ay para sa mga KULIT BULILITS na ito dahil baka sa susunod na panahon, ang mga magulang ng mga ito ay maghihintay na lamang ng pagpatak ng ulan upang sila’y mapaliguan.

Pablito U. Bergola: Ang mga pinsan ko’ng sina Lita rosel and jonadave Arceta, nakita ko sa mga pictures at sumusuporta rin. Keep it up. Aba, si Bangayngay! hala pag-igi ang hawak sa placard.

Marilou Clado: Cheers for Atty. Paterno Esmaquel. Napakagaling niya sa walang sawang pagpapaliwanag ukol sa isyu. Maraming tao ang naliwanagan ang isipan. Salamat at may mga taong nagmamalasakit sa ating bayan.

Leila V. Espedido: Marami ring tao ang dumalo sa rally. Yung iba kasi ayaw lang lumantad.

Page 8: Gising Majayjay July 15 2012

www.gisingmajayjay.com

8

by jay ronel Conejos

Dala ng maka-bagong pana-hon, nabago na rin ang

ating “way of communi-cation”. SMS or “Social Media Sites” na kaga-ya ng “Facebook” ang “in na in” ngayon lalo na sa mga kabataan.. Sa Facebook, isang click lang ay meron ka nang “instant” friends. Maging kadramahan, ka-cornihan, awayan, encouragement at kung anu-ano pang saloobin or maging pic-tures (nang malalalim na hukay) ay pwede ring ipost na kagaya sa mababasa mo for almost 2 months sa FB group natin na GISING MAJAYJAY. Marami tayong mga naging accidental friends na nagmula sa iba’t ibang katatayuan sa buhay na nakilala at nakiba-ka rin sa pagtutol sa maanomalyang “BULK WATER SCAM” (at take note with match-ing support pa nina Fr. Orina at Fr. Urcia, kaya malakas tayo kay Lord). Personally, I was strucked by the com-ments of our Majayjay Youth na akala natin ay walang pakialam ngunit ngayon ay lumalaban. MABUHAY TAYONG LAHAT!!!

Reaksyon at opinyon ng ating mga kababayan sa kasong ito:

Marietta Porcioncula: Sobra na ta-lagang ka-d e m o n y u h a n

ang naghahari sa isipan ng mga taong iniluklok natin sa poder. Pinagsaman-talahan na nila ng husto at tunay na dinumihan ang upuang ipinahiram ng taumbayan sa kanila. Garapalan nang pag-lapastangan sa ating mga kara-patan ang kanilang sukling ibinalik sa atin mula mismo sa mga taong ating pinag-katiwalaan.Tumutulo po ang aking luha habang isinusu-lat ko ang mensahe kong ito dahil damang-dama ko ang pagwarak nila sa karapatan at kinabukasan ng mga susunod na salinlahi.

Ruben Pastor MillarIsa po ako sa mga kabataan ng bayan ng Ma-

jayjay! Dapat hindi lamang isang daang beses nilang pag -isipan ang mga hakbang at dapat ay ipaalam ito sa mamamayan.

Nikki Joy Alcantara: Hala! Tayo pa ang hihingi ng tubig? Hi-hingin

natin ang sarili nating tubig? Ano yan tangahan?

Mark Anthony Villanera: Kaming mga ka-

bataan ng Majayjay ay hindi isini-lang kahapon para di makita ang mga nangyayari. Sir sama ako sa ipinaglalaban ninyo.

Pads Urcia: Ako po si Fr. Daniel Urcia, dito sa USA. Kai-sa po ninyo ako

sa inyong laban upang mapigilan ang ma-anomalyang proyekto sa tubig sa ating bayan. Saludo po ako sa inyong lahat na patuloy na lumalaban para sa tama at moral na pamamaraan. Kung mayroon man po akong maitutulong o maga-gawa, handa po akong makiisa sa inyong magandang layunin. Pag-palain po kayo ng Panginoon at nawa’y maging matagumpay po ang laban natin sa katiwalian.

Russell Vito Estebal: This is the mother of all scams, the mother of all is-

sues. First in Majayjay!

Ningning Nasha Anital: Sayang pala ta-laga ang boto ko. Mga wala palang

hiya ang aking napili. Naku!

Totoy Criste Jr.: Dito po sa amin sa Magdalena ay lima po ang na-

kikipag-laban sa tubig na ino-offer sa aming Bayan. Ang pagtutol ay kinabibilangan ng aming Vice May-or at apat na Konsehal. Gising at mulat ang mga taga-Majayjay sa katotohanan. Ipaglaban po natin ang ating yamang kalikasan.

Ira Psi: Kulong at maghi-mas ng rehas. Yan ang maxi-mum na dapat

mang-yari sa mga nasasangkot at pagbibitiw sa tungkulin habang ide-deklarang persona non grata sa loob ng 100 taon. Yan dapat ang kahilingan ng sam-bayang Majayjay!!

Pilen Rosel: Nanggagalaiti na ang taumbayan sa kanilang pan-lilinlang. Kahapon

ay pinahinto ko ang pagdudukal nila sa Kalye Origuel. Sabi ko ay naasaan ang inyong permit mula sa LLDA? Kung wala ay huwag na munang maghukay. Ang ginagawa lang nila ay sirain ang mga kalye. Pumapalag at tumututol kami dito sa Origuel kaya sila’y umalis.

Fr. Edizo Orina:This GISING MAJAYJAY should take the lead in promoting genuine dialogue over issues that divide us. A united MJJ community is a strong community and genuine dialogue pro-motes unity.

Furthermore, we need to take upon ourselves the responsibility of assuring that our children’s inheritance is protected. Many of the problems facing the nation, and this includes environmental problems, can only be solved if we act as one MJJ community.

It is only by acting collectively, as a community, that we can hope to ensure that our cultural and environmen-tal options are secured for future generations.

Ang TIWALA

ay parang isang papel kapag itoy nalukot mo hinding-hindi mo

na maibabalik sa pagigingPERPEKTO

Credit: Russell Vito Estebal

Fe Dorado Delfin: Tanong ko lang po. Ano po ang

ginagawa ng ating mahal na Con-gressman EGAY SAN LUIS?. Parang pakaang-kaang lang at natu-tulog sa pansitan. Baka na-man abala sa panga-ngampanya para sa Gobernador ng Laguna kaya bingi sa ating suliranin? Gis-ing Mr. Egay San Luis.

Page 9: Gising Majayjay July 15 2012

GISING MAJAYJAY - HULYO 1-15, 2012www.gisingmajayjay.com

9

Ryan Angelo A. Tan: Ang alab na luma- lagab lab

sa kabataan ay isang san-data. Tumutuligsa, nagtatanong at nag-uudyok. Nasa palad n’yo mga kabataan ang kapalaran para sa kinabukasan. Oras ay ginto. Gami-tin ng mahusay dahil ang oras ay walang hinihintay.

Russell Oriña Romero: Matapos man nila ang kanilang ter-mino, konsensya

na lang nila ang uusig sa kanila kung naging mabuti ba silang pinuno ng ating bayan. Gabayan nawa tayong lahat ng ating patron na si San Gregorio Papa, Ang Dakila, para sa mga susunod na hakbangin tungo sa isang mapay-apang bayan. Amen.

Joel Torio: Dapat sa mga nakaupo na yan, dalhin dito sa di-syerto ng Sahara,

ibilad sa araw at pagulungin sa nagbabagang buhangin para ang mga kaluluwa nila ay masunog.

Vance Olivia: Oposisyon man kami sa inyong mga mata, jus-tice ang hangad

ng aming mga pananalita. Emos-yon nami’y hindi maikakaila.

Jocelyn Trinidad Sabio: Mula po dito sa

amin sa Mag-dalena, heto ang mensahe ko: Mag-ingat sa mga namimili ng boto. Mahal silang maningil!

Edgardo Estebal: Di natin kaila-ngan ang mga investor na

mapagsa-mantala na lalong mag-babaon sa kahirapan. Sana sila yung nag esep-esep bago pa man nakipagsara ng kontrata. Baka yung mapupunta sa bulsa lang ang kanilang inesep-esep at hindi ang kaunlaran at kapakanan ng Majayjay.

Manolo Breganza Eriga:Nobody has the

right to sell the future generation’s resources.

Tony Sobrevinas: Paano na ang mga palayan at

halamanan na gumagamit ng tubig ga-ling sa mga bukal? Kaila-ngan na rin ba silang magbayad sa mga buwaya?

Dane A. Bandillo: Indeed, igno-rance of the law excuses no one.

Kaya nga bawal ang patal.

Clyde Trovela: Ang tagal pala ng kulong pag nagkaganun. Tsk

...Tsk... Tsk...Hindi ba kayo na-tatakot? Mag-isip-isip kayo ha-bang may panahon pa. Mababait naman ang mga tao sa atin. Baka mapatawad pa kayo.

Van Dido: Ang mga tao sa Majayjay ay mababait. Pero lintek naman oras

na magalit!!!

Romeo Fresco: Huwag nating kalimutan ang ipinaglaban ng

ating mga ninuno mula taong 1926 hanggang sa ipanalo ang kaso noong 1933. Ito ay tungkol sa pagnanais noon ng ilang bayan at ng kapitolyo na manaig sa ating karapatan sa tubig. Sa mga hindi pa po nakakaalam, kung nagawa nila ito noon ay walang dahilan upang magawa ito sa ngayon. Kailangang magtulung-tulong tayo ngayon para umunlad ang ating bayan. MABUHAY ANG MAJAYJAY!

Froilan Ceripulo: Kailan ba kayong mga pamunuan ay magbibigay ng

paliwanag? Alam ko mayroon mga asawa, anak, kamag-anak at kap-atid ng sinuman sa mga kinauuku-lan ang nagbabasa sa Gising Ma-jayjay na ito. Paki pangaralan nga po ang mga sutil na ‘yan. Aba’y bale naman.

Aniceta Zornosa Esmaquel:Dapat sana’y

tinalakay muna ng Sangguniang Bayan at sila’y nagbalitaktakan kung dapat bang ipasa o hindi ang mga naturang kontrata sa tubig. Pinagdibatihan dapat nila kung ano ang kabutihang idudulot nito para sa bayan at sa mamamaayan. Dapat ibinaba ito sa taumbayan sa pa-mamagitan ng malawakang kunsultasyon at pagdinig. Kaya nga tinawag silang Sang-guniang Bayan dahil ang kanilang mga hakbanging ay dapat ISANGGUNI sa tao.

Bruce M Manalo: Kayo namang mga barangay officials, kung

makiki-isa kayo sa sa kagustu-han nila, sigurado akong kasama kayong makakasuhan sa ombuds-man. Hindi po ito pananakot lang. Ito po ay katotohanang maaari ninyong kaharapin sa darating na panahon.

Jeffrey Arceta: Mga kababayan! Ipakita natin sa kanila ang ating

pagtutol sa mga kati-waliang nangyayari sa ating sini-langang bayan. Sumama po tayo at maki-isa para sa kapakanan ng ating bayan. Laya bayan ko! Laban Majayjayenos!

Benedict B. Bongon: Those who have less in life should have more in law

otherwise our moral institutions would be in peril!

P 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARSSTARS BULK WATER CONTRAC

YEARSSTOP 100 YEARS BUTER CONTRACT STOP 100 YP 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS BTER CONTRACTSTOP 100 YELK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC

YEARS BULK WATER CONTP 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS STARS BULK WATER CONTRAC

YEARS STOP 100 YEARS BUTER CONTRACT STOP 100 YLK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC

YEARS BULK WATER CONTOP 100 YEARS BULK WATER NTRAC BULK WATER CONTROP 100 YEARS BULK WATER NTRACTSTOP 100 YEARS BUTER CONTRACTSTOP 100 YELK WATER CONTRAC STOP 1ARS BULK WATER CONTRAC

YEARS STOP 100 YEARS BUTER CONTRACT STOP 100 YOP 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS BTER CONTRACTSTOP 100 YELK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC

YEARS BULK WATER CONTLK WATER CONTRACTSTOP

Emil Gruezo: God is good t a l a g a , a n g kasamaan ay di talaga mangin-

gibabaw, sa katotohanan,basta mag kaisa lang ang taong bayan ,tungo sa kaunlaran nang bayan sinilangan,,mabuhay tayong la-hat, amen..

Johnny Breganza Ngayon nakita nyo kung anong klaseng UGALI

meron ang mga opisyal ngayon sating bayan....pinakakita nila na hindi sila kayang tinagin at hindi sila kaya sa pakiusapan...bagkos pinagtatawanan lang nila ang ating pinaglalaban...pinalalabas nila na walang kwenta ang panawagan ng ating kababayan...dapat pa ba sil-ang irespeto? kung sila mismo ay hindi nila tayo nirerespeto....sige tumawa na kayo ngayon..ibuhos nyo na ang tawa nyo..pero hind-ing hindi kami susuko hanggang makamit ang TAMA.....ganyan talaga sa umpisa nangingibabaw ang MALI..pero pag nag tagalan mananalo din ang TAMA....tignan natin kung hanggang saan kayo tatagal...mahigit 5K member sa gising majayjay ang gusto kayong makulong not including yung mga nasa bukid na walang computer...pag nakulong kayo hindi nyo makikita samin ang awa dahil ganon din ang ginagawa nyo sa mga taong nakikiusap sa inyo. WE WILL NOT STOP UNTIL YOU GO TO JAIL.

Page 10: Gising Majayjay July 15 2012

www.gisingmajayjay.com

P 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARSSTARS BULK WATER CONTRAC

YEARSSTOP 100 YEARS BUTER CONTRACT STOP 100 YP 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS BTER CONTRACTSTOP 100 YELK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC

YEARS BULK WATER CONTP 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS STARS BULK WATER CONTRAC

YEARS STOP 100 YEARS BUTER CONTRACT STOP 100 YLK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC

YEARS BULK WATER CONTOP 100 YEARS BULK WATER NTRAC BULK WATER CONTROP 100 YEARS BULK WATER NTRACTSTOP 100 YEARS BUTER CONTRACTSTOP 100 YELK WATER CONTRAC STOP 1ARS BULK WATER CONTRAC

YEARS STOP 100 YEARS BUTER CONTRACT STOP 100 YOP 100 YEARS BULK WATER NTRACT STOP 100 YEARS BTER CONTRACTSTOP 100 YELK WATER CONTRACTSTOP ARS BULK WATER CONTRAC

YEARS BULK WATER CONTLK WATER CONTRACTSTOP