13
Grade 3- ESP Week 1&2- Pagpapahalaga sa Sarili Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

Grade 3- ESP Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

  • Upload
    others

  • View
    13

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Grade 3- ESP Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

Grade 3- ESPWeek 1&2- Pagpapahalaga sa SariliTalentong Angkin, Dapat Pagyamanin

Page 2: Grade 3- ESP Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

UNAWAIN

1. Linangin-- paunlarin2. Lumahok-- sumali

Page 3: Grade 3- ESP Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

BASAHIN Galing Mo, Tuklasin Mo!ni Joyce M. Cupcupin

Ginang Manuel: kamusta ang iyong Awdisyon sa Glee Club, Ara?

Ara : Naku! Nakakahiya nga po, Ginang Manuel. Pangatlong beses ko na pong awdisyon iyon ngunit hindi pa rin po ako nakakapasa sa Glee Club.

Page 4: Grade 3- ESP Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

Ginang Manuel: Ang mahalaga, Ara, nagsikap kang ipakita ang iyong kakayahan sa pag-awit. May kakayahan ka sa pag-arte, bakit hindi mo

subuking sumali sa Drama Club.

Ara : Pag-awit po talaga ang nais ko.

Ginang Manuel: Sigurado ako na may iba pang bigay na talento ang Diyos sa iyo. Maaaring may iba ka pang galing na dapat Mong tuklasin at linangin tulad nga ng pag-arte na sinasabi ko kanina.

Ara : Oo nga po, mahilig din po akong umarte. Madalas nga po, ako ang napipili ni Binibining Arceo na lumahok sa mga paligsahan

sa dula sa aming pangkat.

Page 5: Grade 3- ESP Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

Ginang Manuel : Magaling! Maaari mo pang linangin ang iyong talento sa pag-arte. Sakatunayan, may awdisyon sa isang linggo sa Drama Club. gusto mo bang lumahok sa awdisyon?

Ara : Sige po, Ginang Manuel! Paghahandaan ko ang awdisyon na iyan. Mag-eensayo po ako at hihingi ng payo sa aking guro kung paano ko pa mapaghuhusayan ang aking pag-arte.

Ginang Manuel : Tama ‘yan, Ara! Paghandaan mo ang awdisyon. Paghusayan mo at siguradong mapipili ka. Gamitin mo ang iyong galing sa pag-arte upang mapasaya mo ang ibang tao.

Ara : Opo, siguradong mapasasaya ko rin ang aking magulang kapag nakapasa ako sa awdisyon sa Drama Club. Salamat po

sa inyong payo, Ginang Manuel.

Page 6: Grade 3- ESP Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

SAGUTIN ANG BAWAT TANONG

1. Sa anong club nag awdisyon si Ara?

2. Ano ang ipinayo ni Ginang Manuel kay Ara nang hindi siya nakapasa sa awdisyon sa Glee Club?

3. Kung ikaw si Ara, susundin mo ba ang payo ni Ginang Manuel? Bakit?

4. Sa iyong palagay, matatanggap kaya si Ara sa awdisyon sa Drama Club? Bakit?

5. Anong talento ang taglay mo? Paano mo ito lilinangin?

Page 7: Grade 3- ESP Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

TALAKAYIN

Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

Mahalaga matukoy ng bawat tao ang mga natatanging kakayahan na ibinigay ng Diyos sa kanya. Ang batang marunong magpahalaga sa kanyang sarili ay marunong ding gumamit ng kanyang mga talento. Dapat niyang tuklasin at pagyamanin ang kanyang mga talento upang magamit hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa pagtulong sa ibang tao. Maraming paraan kung paano magagawa ito.

Page 8: Grade 3- ESP Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

Narito ang Ilang Paraan Kung Paano ito Magagawa:

1. Una, kailangan munang alamin kung ano ang kanyang talento.- Maaaring gawin ang iba’t ibang bagay tulad ng pagkanta, pagsayaw, at

pagguhit upang matuklasan ang kanyang galing. Makipagtulungan din siya sa mga kaibigan, kamag-aral, guro at sa kanyang pamilya sa pagtuklas nito

2. Ikalawa, magtiwala sa kanyang sariling kakayahan.- Kapag may tiwala, mas madali niya itong magagawa. Manalig siya sa

Diyos na tutulungang mapagbuti ang kanyang talento.

3. Ikatlo, maglaan ng oras sa pagpapayaman ng talento.- Magsanay ng magsanay upang lalo pang mapahusay ang kanyang

talento. Tandaan at gamiting mabuti ang mga kasanayan na maari niyang magamit.

Page 9: Grade 3- ESP Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

- Maaari din siyang mag-enrol sa mga klase na makatutulong sa paglinang ng kaniyang talento. Halimbawa, kung siya ay magaling sa pagkanta, puwede siyang mag-enrol ng voice lessons o kung siya ay magaling lumangoy, puwede rin siyang mag-enrol ng swimming lessons.

4. Ikaapat, kapag mahusay na, huwag magdalawang isip na ibahagi ang talento sa iba.

- Halimbawa na lamang kapag may kasiyahan o salusalo sa bahay at may natatangi siyang galing sa pagtugtog ng piyano, huwag siyang mahiyang ipakita ang kaniyang talento. Gamitin niya ito upang mas lalo niyang mapahusay ang kaniyang talento. Makatutulong din ito upang mas limakas ang kaniyang tiwala sa sarili niyang kakayahan.

Page 10: Grade 3- ESP Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

5. Panglima, huwag kalimutan magdasal sa Panginoon na gabayan sa pagpapayaman ng kaniyang talento at magpasalamat din sa angking galing na ibinigay sa kaniya.

Page 11: Grade 3- ESP Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

Kilalanin ang iyong sarili at tukuyin ang iyong kakayahan. Iguhit a patlang masayang mukha kung kaya mong gawin ang nakasaad na gawain at malungkot naman na mukha kung hindi mo ito kayang gawin.

_________1. sumulat ng maikling kuwento

_________3. magpinta gamit ang watercolor

_________2. bumigkas ng tula

_________4. sumayaw

_________5. umawit

Page 12: Grade 3- ESP Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

_________6. Tumugtog ng instrumentong pangmusika

_________7. Sumulat ng simpleng tula

_________8. Maglaro ng basketbol

_________9. lumangoy

_________10. magluto

Page 13: Grade 3- ESP Talentong Angkin, Dapat Pagyamanin

Magbigay ng tatlong paraan kung paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga sa sarili. Isulat ang mga ito sa mga patlang.

1. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________