7
1 GRADE V MGA URI NG HALAMANG ORNAMENTAL Alam mo ba na tayo ay dapat na nagtatanim ng iba’t ibang uri ng halamang ornamental? Malaking pakinabang ang dulot ng mga ito. Ito ay nagbibigay ng kagandahan sa kapaligiran at ng kasiyahan sa nagmamasid dahil sa kanilang anyo at kulay. Mapagkakakitaan din ito bukod sa nagbibigay pa ng sariwang hangin o “oxygen” na nakakatulong sa kalusugan. Pero alam mo ba na maraming uri ng halamang ornamental? Sa modyul na ito, tatalakayin at matututuhan mo ang iba pang kahalagahan ng pagtatanim ng halamang ornamental at ang iba’t ibang uri nito. ALAMIN MO

GRADE V MGA URI NG HALAMANG ORNAMENTAL ALAMIN MO

  • Upload
    others

  • View
    56

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: GRADE V MGA URI NG HALAMANG ORNAMENTAL ALAMIN MO

1

GRADE V

MGA URI NG HALAMANG ORNAMENTAL

Alam mo ba na tayo ay dapat na nagtatanim ng iba’t ibang uri ng halamang

ornamental? Malaking pakinabang ang dulot ng mga ito. Ito ay nagbibigay ng

kagandahan sa kapaligiran at ng kasiyahan sa nagmamasid dahil sa kanilang anyo

at kulay. Mapagkakakitaan din ito bukod sa nagbibigay pa ng sariwang hangin o

“oxygen” na nakakatulong sa kalusugan. Pero alam mo ba na maraming uri ng

halamang ornamental?

Sa modyul na ito, tatalakayin at matututuhan mo ang iba pang kahalagahan ng

pagtatanim ng halamang ornamental at ang iba’t ibang uri nito.

ALAMIN MO

Page 2: GRADE V MGA URI NG HALAMANG ORNAMENTAL ALAMIN MO

2

Basahing mabuti ang mga pangungusap at punan ng wastong salita ang bawat

patlang. Piliin ang sagot sa mga lipon ng mga salita sa ibaba.

paghahalaman lata

paligid angkop

pamahalaan tubig

1. Kung walang malawak na lugar o taniman, maaaring gumamit ng mga paso o

_____ at iba pang uri ng sisidlan.

2. Ang _____ ay isang sining ng pag-aalaga at pagtatanim ng mga halamang

ornamental, gulay at punongkahoy.

3. Ang paghahalaman ay isang gawaing nakatutulong hindi lamang sa kabuhayan

ng mag-anak kundi pati rin sa programa ng _____ tungo sa pag-unlad ng

ekonomiya ng bansa.

4. Ang mga halamang tanim ay nakapagpapaganda rin ng _____.

5. Sa paghahalaman mahalagang piliin ang ______ na lugar.

PAGBALIK-ARALAN MO

Page 3: GRADE V MGA URI NG HALAMANG ORNAMENTAL ALAMIN MO

3

Tingnan mabuti ang mga larawan sa ibaba.

Anong uri ng mga halaman ang nakikita mo?

Ang mga sumusunod ang iba’t ibang uri ng halamang ornamental:

1. Aerial Plants –

Ito’y mga halamang nabubuhay ng nakabitin sa hangin at hindi

itinatanim sa lupa. Ito ay itinatanim sa uling na nakalagay sa bunot at

isinasabit. Mainam itong tanim sa mga lugar na malamig ang klima.

Hal. orchids

PAG-ARALAN MO

Water lily

(aquatic

plant/halamang

tubig)

Orchid

(aerial plant)

santan

(shrub) halamang ugat

(herbal plant) punong prutas

Page 4: GRADE V MGA URI NG HALAMANG ORNAMENTAL ALAMIN MO

4

2. Aquatic Plants/Halamang Tubig

Ang mga ganitong uri ng halaman ay nabubuhay sa tubig.

Hal. water lily

3. Shrub

Ang mga halamang ito ay matigas ang mga tangkay at hindi gaanong

tumataas. Nabibilang sa ganitong uri ang sampagita, santan at gumamela.

4. Herbal plants/Halamang Gamot

Ito ang mga halamang nakapagbibigay lunas sa karamdaman ng tao.

Hal. Damong Maria, oregano, mayana

sabila

ikmo

sambong

5. Punong prutas

Nabibilang sa uring ito ang mga punong kahoy na namumunga.

Hal. mangga, kaimito, mabolo, santol, guyabano, bayabas

6. Mga punong nagbibigay ng iba’t ibang gamit

Ito’y mga punong hindi namumunga ngunit napagkukunan naman ng

iba’t ibang gamit tulad ng katad, kahoy, goma, at iba pa

Hal. narra, akasya, fire tree

Page 5: GRADE V MGA URI NG HALAMANG ORNAMENTAL ALAMIN MO

5

Nalaman mo na ang mga halamang ornamental. Ngayon ay tingnan mo kung

masasagutan mo ang mga ito.

A. Pagtambalin ang nasa Hanay A sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. aquatic plant a. gumamela

2. herbal plant b. orkidya

3. aerial plant c. mangga

4. shrub d. oregano

5. punong prutas e. petsay

B. Pag-aralang mabuti ang salita sa loob ng kahon. Isulat sa dulo ng arrow ang

kahalagahan ng pagtatanim ng halamang ornamental. Isulat sa kuwaderno ang

iyong sagot.

SUBUKIN MO

TANDAAN MO

Kahalagahan ng Pagtatanim

ng Halamang Ornamental

Ang iba’t ibang uri ng halamang ornamental ay nagdudulot sa atin ng

maraming pakinabang o kahalagahan.

Ang mga halamang ornamental ay ang aerial, aquatic, shrub, herbal, punong

prutas at mga punong nagbibigay ng iba’t ibang gamit.

Page 6: GRADE V MGA URI NG HALAMANG ORNAMENTAL ALAMIN MO

6

Basahin ang sitwasyon at sagutin ang tanong ayon sa dapat mong gawin.

May batang naglalaro sa gilid ng hardin ng mga halamang namumulaklak. Nang

ikaw ay dumaan, tamang-tama na pinipitas niya ang isang bulaklak at pinaglaruan ito.

Ano ang gagawin mo?

Mamasyal sa isang halamanang malapit sa inyo. Magmasid at suriin ang mga

halamang ornamental. Batay sa inyong pagsusuri gumawa ng isang talahanayan tulad ng

nasa ibaba. Ilarawan sa pamamagitan ng pagguhit. Isagawa ang gawain sa kuwaderno.

Pangalan ng Halaman Uri Pakinabang na

naidudulot

Larawan

1.

2.

3.

ISAPUSO MO

GAWIN MO

Page 7: GRADE V MGA URI NG HALAMANG ORNAMENTAL ALAMIN MO

7

Pagmasdang mabuti ang mga larawan ng halamang ornamental sa ibaba. Tukuyin kung

anong uri ng ornamental ito at ipaliwanag ang kahalagahan nito. Isulat ang pagtataya sa

kuwaderno.

PAGTATAYA