Upload
others
View
334
Download
5
Embed Size (px)
Citation preview
EPP 4
Halamang Ornamental
Ang Halamang Ornamental
ay mga tanim na ginagamit
na palamuti sa mga
tahanan, paaralan, hotel,
restaurant, parke, at mga
lansangan.
Kabutihang Naidudulot
ng Pagtatanim ng
Halamang Ornamental
1. Napipigilan ang Pagguho ng Lupa at Pagbaha:
ang mga ugat ng punong ornamental ay
kumakapit sa lupang taniman kaya nakakaiwas
sa landslide o pagguho ng lupa. Ang mga
punong ornamental ay nakakatulong din sa
pag-iwas sa baha dahil sa mga ugat nito na
nakakapit sa lupa.
2. Naiiwasan ang Polusyon:
Sa pagkakaroon ng puno o halamang ornamental
nagagamit ito para makaiwas sa polusyon na likha
ngmarururming usok na nagmumula sa mga
sasakyan at pabrika at mga basurang sinusunog.
Nililinis ng mga halamang ornamental ang hangin
na nagmumula sa mga ito.
3. Nagbibigay ng Lilim at Sariwang Hangin:
May mga mayayabong at mataas na
halamang ornamental gaya ng kalachuchi,
pine tree, ilang-ilang, fire tree at marami pang
iba na maaaring itanim sa mga gilid ng kalsada,
kanto ng lugar na pwedeng masilungan ng
mga tao.
4. Maaaring Mapagkakitaan:
Ang mga halamang ornamental ay maaaring
maibenta na hindi naitanim o magpunla o
magtanim sa plastik bag na itim. Nakakatulong
ito na panustos sa pang araw-araw ng
pangangailangan.
5. Nagpapaganda ng Kapaligiran:
Sa pagtatanim ng halamang ornamental sa
paligid ng bahay, mall, parke, hotel at marami
pang iba, nakakatawag ng pansin ito sa mga
taong dumadaan lalo na kapag ito ay
namumulaklak at mahalimuyak.
Mga uri ng Halamang Ornamental.
1. Halamang namumulaklak: May
makulay at mahalimuyak na bulaklak
gaya ng sampaguita, rosal, santan,
rosas, at gumamela at marami pang
iba.
2. Halamang di namumulaklak: mga
halamang tulad ng san grancisco,
Japanese bamboo, fortune plant at
marami pang iba.
a. Lagundi: Gamot sa ubo, sipon, lagnat, at
hika.
b. Yerba Buena: Gamot sa pananakit ng
katawan, ubo, sipon, hilo, at pangangati.
c. Bayabas: Gamot sa pagtatae,
panglanggas ng sugat, at nakakaalis rin ng
mikrobyo.
d. Ampalaya: Pampababa ng asukal sa
dugo para sa mga may diabetes.
e. Bawang: Pampababa ng kolesterol.
f. Ulasimang Bato: Nagbibigay ng ginhawa sa
mga may rayuma.
g. Akapulko: Panlaban sa mga fungal infection
sa balat gaya ng an-an, buni, at alipunga.
h. Niyug-niyugan: Gamot na pwedeng
gamiting pampurga sa bulate.
i. Tsaang Gubat: Maaring gamitin sa sakit ng
tiyan o pagtatae, pwede ring magamit na
pangmumog para maiwasan ang pagkabulok
ng ngipin.
j. Sambong: Gamot sa high blood
bilang pampaihi at nakakatulong rin
para malusaw ang bato sa bato.
4. Halamang palumpong: (Shrub o Bush) ay uri
ng mga halaman na may matitigas na mga
sanga.
5. Punong prutas: Ang mga ganitong uri ng
puno ay namumunga tulad ng santol, manga,
bayabas, atis, sampalok at marami pang iba
Mga dapat Isaalang-alang saPagtatanim ng Halamang Ornamental
1. Lugar
2. Lupa
3. Kainamang init ng araw
4. Tubig
5. Hangin
6. Kanal o daluyan ng tubig
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang makuha ang wastong salita na angkop sa halamang gamot na tinutukoy nito. Ilagay ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
______________________ 1.LAAYPMAA______________________ 6. ANGINOYIYUNG
______________________ 2.NGAWBA______________________ 7. NGUBGTASTAA
______________________ 3. SABAABY______________________ 8. NGAMOBS
______________________ 4. ASIMGNLUAAOTB______________________ 9. UNIDGAL
______________________ 5.KLOUKAAP______________________ 10. ENAUBERAYB